CHAPTER 40
Zavan closed his eyes.
Mula sa likuran ay kitang kita ko ang mabilis na paglapit ng ahas. Nakapikit parin si Zavan habang unti-unting lumalapit ang ulo ng napakalaking ahas sa amin.
"Z-zavan!" bulong ko. Ngunit nakapikit parin siya, bahagya na akong kinabahan ng makitang pinalilibutan na kami ng napakalaking ahas. Mukhang balak nitong ipitin kami pagkatapos ay kainin.
"Zavan? Zavan anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong saad. Hindi siya tumugon sa halip ay hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay, sinigurong hindi ako bibitaw sa kanya.
Napasigaw ako sa gulat ng biglang gumuhit ang isang matalim na kidlat sa kalangitan. Hindi maitim ang langit, walang nagbabadyang ulan, ngunit matatalim at sunod sunod na kidlat ang patuloy na lumilikha ng ingay sa pamamagitan ng kulog.
Is the Prince doing this?
Hindi ko alam kung ano ang plano ni Zavan ngunit may tiwala ako sa kanya. Sinundan ko ng tingin ang ahas. Huminto sa aking likuran ang ulo ng ahas, literal na nagsitaasan ang aking mga balahibo dahil sa takot ng biglang bumuka ang napalaki nitong bibig.
Muling lumikha ng nakakabinging tunog ang nakakasilaw na kidlat.
"Zavan!" Pasigaw kong bulong. Wala akong alam sa gagawin o ginagawa ni Zavan, ngunit hahayaan kong ipagkatiwala sa kanya ngayon ang lahat.
Kung lalamunin man kami ng ahas, atleast magkasama kami ng prinsipe. Sapat na siguro iyon upang huwag akong matakot, at higit na sapat ang presensya ng prinsipe upang huwag akong mangamba.
Unti-unting lumapit sa amin ang bibig ng ahas, hanggang sa tumapat ako sa bukana ng bibig nito.
Isang malaking guhit ng kidlat ang tumama sa aming pwesto. Pakiramdam ko'y kinuha kami nito sa aming pwesto.
"Zavaaannn!" Ipit kong sigaw at isiniksik ang aking ulo sa likod ng prinsipe. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari, ngunit pakiramdam ko'y sumabay kami sa napakatalim na kidlat at sa isang iglap ay nanghina ang mga kamay kong nakayakap sa prinsipe.
Nakabitaw ako. Pakiramdam ko'y inagaw ako ng hangin mula sa kanya.
Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman kong babagsak ako sa lupa. Ngunit bago pa ako tuluyang matumba ay naabot ni Zavan ang aking mga kamay at niyakap ako ng mahigpit.
"Sabi nang huwag kang bibitaw." Habol ang hininga niyang saad. Nanginig ako sa panibagong karanasan. Buong buhay ko'y ngayon lamang ako nakaranas ng ganoong pangyayari.
"We're okay, wala na ang ahas. You're safe now, you're safe with me." Saad ng prinsipe at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Isinuksok ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.
Gusto kong maluha, ngunit lagi na lamang iyong nangyayari tuwing may nagagawa sa akin ang prinsipe. Kaya pinigilan kong umiyak bagkus ay niyakap ang prinsipe matapos isuksok ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"Anong ginawa mo?" Nanginginig kong tanong.
We teleported through lightning! The prince just did a lightning teleportation! This is insane!
"It's my first time doing that. Ni hindi ko nga inisip na magagawa ko iyon since it's not my area, pero inisip kita. I said to myself that I wanted to protect you and I would protect you at all cost so I really have to do the lightning teleportation. Pagkatapos ay nagawa ko na." Saad ng prinsipe pagkatapos ay hinaplos ang aking buhok. Mas lalo akong napasuksok sa kanyang dibdib.
Kinikilig ako mga hangal.
Ni minsan sa aking panaginip ay hindi dumako ang ganitong pangyayari. Ni hindi ko man lamang inisip na ganito ka romantiko ang prinsipe. Sa simpleng bagay ay napapalundag niya ang puso ko.
Parehong bago sa amin ang ganitong pakiramdam, at napakasarap niyon.
"Anong ginagawa mo?" Nalilito kong tanong. "Bakit mo to ginagawa?" Dagdag ko pa.
Napahinto sa paghaplos ng aking buhok ang prinsipe. Bahagya akong humiwalay sa kanya habang hindi bumibitaw ng yakap. Harot.
"I don't know. Ikaw, anong ginagawa mo sa akin? Bakit ko to ginagawa sa'yo?" Sa halip ay tanong niya. Pakiramdam ko'y namula ako ng lubos dahil sa tanong niya.
Tuluyan na akong humiwalay at kumalas ng pagkakayakap sa kanya. Umiiral na naman ang hiya sa akin. Parang isang bombang sumabog sa akin ang status.
Hindi ako kailanman nababagay sa prinsipe.
"Hindi dapat natin ito ginagawa." Pag-iiba ko ng usapan at nagsimulang maglakad na muli. Ramdam ko ang pagkagulat at pagkainis ng prinsipe sa aking ginawa.
"What? What the fuck are you doing? What's with the sudden change of mood, bakit ganiyan kayong mga babae? Sandali niyo kaming pasasayahin pagkatapos ay sisirain niyo ang mood?" Inis na wika ni Zavan habang hinahabol ako.
"Precious, stop doing this to me please."
Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi ng prinsipe. Gusto ko siyang lingunin at muling yakapin, ngunit hindi pwede. Kailangan kong pigilan ang sarili ko sa tuluyang pagkahulog sa kanya. Dahil sa huli ay pareho kaming magdaranas ng hirap at sakit.
Mamumuno siya sa Eufrata at ikakasal sa pinakamayaman at pinakamagandang babae sa Eufrata. Samantalang ako ay babalik sa unang distrito at aayusin ang aking nasirang buhay, mamumuhay ng simple at malayo sa prinsipe.
"Beryl!" He called my name. Dahil doon ay napahinto ako, nahihirapan na naman ako sa aking gagawin.
"Kailangan pa nating hanapin ang ibang batong hiyas, mahal na prinsipe." Saad ko habang kinakagat ang labi, pinipigilan ang sariling umiyak.
"Marami nang nahanap ang grupo, it's enough para makapagpahinga tayo. We can slow down now precious." Ani Zavan habang naglalakad palapit sa akin.
Please Zavan, stop doing this. Pareho tayong magdurusa kapag hindi natin ito itinigil.
"I haven't found one Prince, we should keep going." Saad ko at muling naglakad. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay dalawang bisig ang yumapos sa akin dahilan upang tuluyan akong mapahinto at manghina.
Niyakap ako ni Zavan!
"I'll give mine to you. Handa akong ibigay lahat ng bato ko sa'yo, handa akong ibigay ang lahat sa'yo. Just don't act this way precious, it's hurting me a lot." Wika ng Prinsipe at isiniksik ang mukha sa aking leeg.
Hayop to, ang lakas pa naman ng kiliti ko sa banda roon.
Ngunit mas lalo lamang akong nalito sa mga sinabi sa akin ng Prinsipe. I heave a deep sighed.
"Ibibigay ko ang lahat sayo hanggang sa maubos ako. I don't fucking know why, I'm just willing to risk anything to you right now!"
Tuluyang bumigay ang puso ko sa sinabi ng prinsipe.
"Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito. Bago ito sa akin, bagong-bago ang pakiramdam na ito. Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero nahihirapan ako dahil hindi mo ako kinakausap. Why do you hate me? Why do you hate me precious? Do you hate me that much?" Ani Zavan at inamoy-amoy ang aking leeg mula sa likuran.
Napaigtad ako dahil sa kiliti nito. Walanghiya! Sinubukan kong alisin ang kanyang ulo mula sa aking leeg ngunit mas lalo lamang niya itong isiniksik.
"Just let me do this. This feeling is new to me, but I like it."
Napabuntong hininga ako. Sa tingin ko'y kailangan ko ring bigyan ng pagkakataon ang nararamdaman kong ito.
The prince is worth the risk. But how about me? Am I worthy enough for the prince? Am I?
"Okay, just please stop this." Pakiusap ko dahil patuloy parin sa pag amoy ng aking leeg ang prinsipe, mas lalo tuloy akong nakikiliti dahil dumadampi ang mainit nitong labi sa aking balat.
"Stop what?" He asked.
"Nakikiliti ako Zavan, parang awa mo na tama nang kakaamoy sa leeg ko." Deretsahan kong sagot. Tingin ko'y nasasanay na ako sa prinsipe at masarap sa pakiramdam na makausap siya na parang magkapantay lamang kami ng ranggo, na parang walang status na nakakahadlang.
"I suddenly became addicted to you precious, I can't stop." Wika niya habang patuloy na inaamoy ang aking leeg.
Dahil doon ay tinampal ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin dahilan ng kanyang pagkahinto at pagbitaw.
"What did you just do precious? Nakakasakit ka na talaga, hindi lang sa damdamin pati pisikal na rin." Maktol ng prinsipe.
Bahagya akong napatawa. Am I really seeing this? Bakit parang nagiging bata at maamo sa harap ko ang masungit at nakakatakot na prinsipe noon?
Anong nangyayari? Napapangiti ako sa hindi ko malaman na dahilan, parang hinaplos ang puso ko ng masilayan ang totoong ngiti sa kanyang labi.
Mas lalo siyang gumwapo, at mas lalo akong nahuhulog sa ngiti niya ngayon. How could he be this damn gorgeous? How could he be so aesthetic with a simple smile?
"Thank you for saving me." Saad ko. "Salamat sa ilang beses mong pagligtas sa akin." Nakangiti kong saad.
Well, I never thanked him once sa lahat ng pagliligtas na ginawa niya sa akin. It's time for me to send him my gratitude.
Mas lalong lumawak ang ngiti ng prinsipe.
"In every situation I'll always choose to save you Beryl. Thank you for trusting me, you'll be safe with me. I promise, my precious."
Parang nilindol ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit sa ganitong paraan ay nabigyan ako ng pag-asa na ipagpatuloy ang delikadong nararamdaman para sa kanya.
With his aesthetic smile, I fell for the prince again and again.
----
This chapter is dedicated to my baby, @Eljabami. Thank you so much for supporting!
*****
Hello everyone, this one is unedited. I'll be very very happy if you leave a vote and send me your thoughts about this chapter. Thanks!