CHAPTER 41
Five minutes rest
Beautiful moments happens in an unexpected time and place. Ni minsan ay hindi dumako sa isip kong makikipag-usap ako sa isang maharlika, ni minsan ay hindi sumagi sa panaginip kong makakausap ko ang isang prinsipe.
Ang lahat ng nangyayari ngayon ay malayo sa aking inaasahan, ngunit hindi ko maikakailang gusto ko rin ang nangyayari ngayon.
The prince and I continued to look for the remaining stones. Ang nabago nga lang ay gumaan na ang pakikitungo ko sa prinsipe at kinakausap ko na siya. Though I'm still a bit shy, hindi na iyon naging dahilan upang iwasan kong muli ang prinsipe.
"Chrysler gave me a signal. He and Nathalia found two stones, same with Greyson. Nagka injury si Corinthians kaya isang bato pa lamang ang nahahanap niya. All in all I have the perception that we're going to win this search." Pagkukwento ng prinsipe sa gitna ng aming lakad.
"Wala pa akong nahahanap."
Zavan looked at me.
"Well, you can always have my stones precious." Saad niya. Umiling ako bilang pagtugon.
"Pinaghirapan mo iyan, makakahanap rin ako. Hindi ako titigil." Sa halip ay tugon ko.
"We've been looking for the whole day, shall we take a rest first?" Ani Zavan at huminto sa isang malaking puno.
"Come here, magpahinga ka na muna. Alam kong nagpapahinga rin ang mga echelons ngayon, tirik na tirik ang araw. Ang sakit sa balat." Ani Zavan at pinagpag ang damo sa ilalim ng malaking kahoy.
Kaagad akong pumunta roon at umupo. Saktong sakto gusto ko na rin magpahinga, pagod na pagod na ako nahihiya lang akong magsabi.
Nang makaupo ako sa damuhan ay sumandal ako sa malaking punong nasa likuran ko, pagkatapos ay pumikit ako at dinamdam ang tahimik na paligid upang mas makapagpahinga.
I gasped when I felt something or should I say someone in front of me. Napadilat ako at nakita ang prinsipe na prenteng pinagmamasdan ako sa harap niya.
Ano nga bang ginawa ko sa taong ito? Wala akong natatandaang ginayuma ko siya dahil unang una sa lahat ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon.
He position himself infront of me.
"I want to get 5 minutes rest." Saad ni Zavan. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kaya nga kami nandito sa ilalim ng puno upang magpahinga, hindi ba ito ang pagpapahinga sa kanya?
"We're already taking a rest, ano bang pinagsasasabi mo?" Tanong ko. He smirked at me, pagkatapos ay lumapit ng tuluyan. Sandali akong napaatras dahil sa ginawa niya, ngunit wala na pala akong maaatrasan dahil nakasandal na ako sa puno.
Plinano ba ng prinsipe na dito ako paupuin upang ma corner niya ako? Aba't!
"When I say 5 minutes rest, I mean this.." Pagkasabi niyon ay tuluyan siyang lumapit sa akin at idinikit ang kanyang labi sa aking labi.
"Don't do anything until I say so." He said in between his kisses.
I got goosebumps, paano ako nagagawang kontrolin ng prinsipe nang ganito? Wala nga akong ginawa, hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa.
Hinawakan niya ang likod ng aking ulo at inilapit sa kanya upang diinan ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Kinakapos ako ng hininga dahil sa kanyang ginagawa, hindi ako magaling sa bagay na ito kaya naman hindi ko alam kung ano ang nararapat kong gawin at hinayaan siya ng tuluyan.
"You, why am I addicted to you?" He said in between his kisses. Pagkasabi niyon ay bumaba sa aking panga ang kanyang labi, napasinghap ako sa gulat ng gawin niya iyon.
"Shhh, just have some rest precious." Saad niya at bumaba ang halik sa aking leeg. Nagbigay ito ng kakaibang sensasyon sa akin, tila nagustuhan ko ang kiliti niyon.
Zavan anong ginagawa mo? Akala ko'y naisantinig ko iyon ngunit isang maikling bulong na parang ungol ang kumawala sa aking bibig.
Natigilan ang prinsipe sa kanyang ginagawa dahil sa nagawa ko, pati ako ay natigilan at napayuko.
Ang tanga, anong ginawa ko?
"You like it precious?" Saad niya at biglang ngumiti ng nakakaloko. Iniangat niya ang aking ulo at muling sinakop ang aking mga labi.
He stopped and looked at me, "You. Don't you dare to leave me." Aniya at muli akong hinalikan. Kinagat niya ang pang-ibaba kong labi at pilit na ipinasok ang kanyang dila sa aking bibig.
WHAT IS HE DOING?
THE FUDGE?
"Don't you ever dare,.." He said and bite my lips harder. "Don't you ever dare run away from me." Bulong niya at muling kinagat ang aking labi hanggang sa maibuka ko iyon dahil sa gulat at sakit.
Sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang maipasok ang kanyang dila sa aking bibig. Para akong nalulula sa panibagong nararamdaman, at nalulunod sa sensasyong dulot nito.
He traveled his tongue inside mine. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking ulo at mas lalo itong idinidiin. Pagkatapos niyang magsawa sa aking mga labi ay bumaba ulit siya sa aking leeg.
"Z-zavan.." Bulong ko. Ngunit kakaiba iyon sa bulong, mas nakakaakit iyon kumpara sa bulong. What did I do?
"A-akala ko ba magpapahinga tayo." Saad ko, natigilan ang prinsipe sa paghalik sa aking leeg at hinarap ako.
"Yes precious, and I need five minutes rest." Aniya at ngumiti. Nanghihina kong sinalubong ang mga titig niya, pakiramdam ko'y naging mapungay ang mga mata ko sa oras na yaon.
"You said rest, not kiss." Sagot ko. Sandali siyang napatawa sa sinabi ko.
"Well, it may sound different to you. But when I say rest, I meant this." Saad niya at muling bumalik sa aking mga labi. Sinakop ng kanyang matamis at malambot na labi ang nanginginig kong labi.
Akala ko ba'y magpapahinga kami? Bakit parang mas lalo akong napapagod sa ginagawa niya? Mas lalo akong kinakapos ng hininga. At sabi niya limang minuto, sumobra na ata sa limang minuto ang pahingang tinutukoy niya.
He stopped kissing me and leaned towards me. Nang magpantay ang aming mukha ay matamis siyang ngumiti.
"I kissed you so you won't get away from me this time, now and forever." Pagkasabi niya noon ay dahan-dahang pumikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.
"Sleep well my precious, I'll be here when you wake up."
At tuluyan nang nawala ang presensya ng paligid sa akin. Ngunit bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong niyakap ako ng prinsipe at inihiga sa kanyang dibdib.
Tell me, how would I get away from you my prince? When all I want to do is stay by your side too, forever.