CHAPTER 42
ISANG malakas na hampas ng hangin ang naging dahilan upang magising ako mula sa aking pagkakatulog.
Agad akong bumangon at inilibot ang paningin dahil baka iniwan na naman ako ng prinsipe.
"Hi precious, how's your rest?" Napalingon ako sa aking likuran, naroon ang prinsipe habang pinagmamasdan ako sa aking ginagawa.
Dati ay naive girl, stupid, at idiot ang tawag niya sa akin. Ngayon precious na, nakakapanibago. Pakiramdam ko'y hindi ako masasanay sa ganito.
Madilim na nang magising ako, saktong sakto sa paghahanap namin ng mga bato. Napansin ko lang, madalas na kaming kulang sa tulog. O kaya naman ay nagkakaroon kami ng kaunting pahinga sa umaga at nagtatrabaho sa gabi.
"I'm sorry, bakit hindi mo ako ginising? Nakahanap na sana tayo ngayon." Paghingi ko ng paumanhin kay Zavan, ngunit nginitian lang ako nito atsaka tumayo. Inabot niya ang aking kamay at tinulungan akong nakatayo.
"It's okay precious, nakatulog rin ako." Aniya at kinuha ang mga gamit sa kanyang tabi.
"Magpatuloy na tayo." Saad ko.
"Saan? Sa limang minutong pagpapahinga?" Nakangisi niyang sabi.
Napairap ako. Kailan pa natuto ng kamanyakan ang prinsipeng ito? Sa aking pagkaka alala ay hindi niya raw ako kailangan.
Napangisi ako. Hindi pala kailangan pero naadik raw sa akin.
"Bahala ka nga diyan. Tara na." Saad ko at nauna nang maglakad. I activated my senses upang mas maging malinaw ang lahat. Hindi ko parin maitago ang kilig at sayang nararamdaman ko sa nangyayari sa amin ng prinsipe ngayon.
I never though about this thing! Never in my life. Kaya naman ay ganoon na lamang ang aking tuwa ng maramdaman sa kauna-unahang pagkakataon ang ganitong bagay.
Nakakataba ng puso, tingin ko'y nakakadagdag rin ng buhay.
Napahinto ako. Nakakarinig ako ng mga kaluskos sa paligid.
"What is it?" Tanong ng prinsipe. Nag iba ang timpla ng paligid, the atmosphere became uncomfortable.
"Nakakarinig ako ng kakaibang tunog, may ibang tao rito maliban sa atin." Wika ko.
"Do you see anything within your radius?" Tanong ni Zavan. Umiling ako, wala akong nakikitang tao ngunit may nararamdaman ako. "Nasa paligid sila, napapalibutan nila tayo." Sagot ko.
Hinawakan ako ni Zavan at itinago sa kanyang likod. Pakiramdam ko'y nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko na hindi kami lamang kami ang tao roon, may ibang tao sa kinaroroonan namin maliban sa amin.
'Zavan? Zavan?'
Dinig kong tawag mula sa earpiece ni Zavan. Tinig iyon ni Chrysler.
'Zavan?'
"Chrysler? Chrysler I can hear you, what's the problem?" Nag-aalalang tanong ni Zavan.
'Napapaligiran kami ng mga tauhan ni Zandrus. Hindi sila echelons, ang pagkakadinig ko'y mga tao sa unang distrito.' Ani Chrysler.
"Shit." Mahina ngunit dinig kong mura ni Zavan.
Bigla akong kinabahan. Are they the paupers from the first district?
'Zavan? Corinthians is injured. Inatake kami ng mga mababangis na hayop kanina, she used her powers too much. Fray isn't coming back. Where are you?' Tinig ito ni Greyson.
Tuluyan na naman akong nilamon ng pag-aalala.
"Stay calm. Magtago muna kayo, protect the precious stones. I'll give the signal, doon tayo magtitipon tipon." Maikling saad ni Zavan.
Ang presensya ng mga taong nararamdaman ko ay patuloy na lumalakas, ibig sabihin ay patuloy silang lumalapit sa amin.
Mahigpit na hinawakan ni Zavan ang mga kamay ko.
"Hug me." Utos ni Zavan. Napatingin ako sa kanya, sa oras na iyon ay hindi na ako nagdalawang isip na magreklamo. Agad ko siyang niyakap katulad ng sinabi niya.
Nahawi ang mga punong nasa aming harapan. Iwinagayway ni Zavan ang kanyang mga kamay sa paligid at buong paghanga kong nakita kung paano ikinalipad papalayo sa amin ang mga nilalang na nasa aming paligid.
Naramdaman ko rin ang paglayo at pagkawala ng presensyang kanina lamang ay aking naramdaman. Marahil ay ikinalipad sila o naitulak papalayo ng hangin na ginawa ni Zavan.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sakanya ng muling gumuhit ang isang makapal na kidlat sa langit. Tila nayanig nito ang paligid.
'I saw it. We're coming Zavan.'
'On the way.'
Tinig iyon ng mga echelons. Naramdaman ko ang pagharap sa akin ni Zavan at ang pagyakap niya sa aking baywang.
"Hold on tight."
Pagkasabi niyon ay muli kaming dinala ng isang matalim na kidlat paalis sa lugar na kinaroroonan namin.
Bumagsak kami sa tabi ng ilog. Ito ang lugar kung saan nagsimulang umusbong at maisantinig ang nararamdaman namin ni Zavan. Dito siya sandaling ninakaw ng mga sirena sa akin, dito ko siya unang nailigtas, at dito naganap ang aming unang halik.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Let's wait here, darating ang mga echelons. Kailangan na natin ng isang matinding plano." Ani Zavan. Tumango ako bilang pag sang-ayon, ang kaninang magaan naming pag-uusap ay biglang nawala. Oras na siguro upang bigyang tuon ang dahilan kung bakit kami naririto.
Ang paghahanap ng mga batong hiyas.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakaramdam ako ng tao sa paligid. Something in my pocket vibrated. Kinuha ko ang bagay na iyon at nakita ang compass ni Chrysler, ito ang compass na ibinigay niya sa akin.
"What's that?" tanong ni Zavan, tinutukoy ang compass na hawak ko. Palakas ng palakas ang pag vibrate nito.
"Ang compass ni Chrysler." Maikli kong sagot. Nakita ko ang pagkalukot ng mukha ng prinsipe, pagkatapos ay bigla niyang inagaw sa akin ang compass.
"Te-teka, sa akin yan ibinigay ah!" Sigaw ko. Ngunit nabigla ako ng binato niya ako ng isang gintong bilog.
"Take that instead." Nakakunot ang noong saad niya.
Nasalo ko ang bagay na iyon at agad na tiningnan. Isa iyong compass, nakaukit sa likod nito ang pangalan ng prinsipe.
Zalistair Vandross Magnaté Caesar