Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 14 - Chapter 12

Chapter 14 - Chapter 12

Chapter 12:Preparing

Lie's POV

"HOY!! UMAYOS KA NGA JD!!" sigaw ni Isaiah.

They're practicing para sa dance contest but because of the triplets lalo na si Jackson, ay hindi nila mabuo buo ang steps sa kakulitan ng triplets.

"SINONG JD?!!" sabay sabay na sigaw ng triplets na halos mabasag na ang eardrums ko sa lakas ng boses nila.

"SI JACKSON!!MGA BOBO!!" sigaw din ni Isaiah.

"CAN YOU STOP SHOUTING??!! MAY MGA KASAMA DIN KAYO DITO!! " sigaw din ni Maël.

Stop shouting daw tapos siya din naman nasigaw. Baliw din.

"Eh? Nasigaw ka din naman ah?" I said.

He glared at me. "Shut up!"

Sungit.

"Magsimula na tayooooo!!!" Sebby said then we all look at him except Maël and Kayden,as usual.

"Sige na magsimula na kayo." I said.

I approached Maël."What?"

"Ano nga palang gagawin natin sa pageant?" I asked then I sit in front of him.

"Dunno."he shrugged his shoulder.

My forehead creased at what he said.

Wala talagang kwenta kausap.

"Wala ka talagang kwenta kausap noh?" Inirapan ko siya. "Ano ba kasi gagawin natin sa pageant?"

"Obviously we're going to walk like a mo..."bago pa niya matapos ang sasabihin ay sumabat na ako.

" Umayos ka nga!!"ghaaaddd!!! Kastress siya.

"Tss. Fine. In that contest, there's always a introduction,casual wear,talent portion,formal wear, and lastly the question and answer portion."I already know that,psh.

Nag-usap lang kami ng mga gagawin namin para sa pageant. Aymnerbuuuuuusssssss!!!

Whoooo!!!!

Mamimili na lang daw kami ng damit na casual at formal mamaya tutal half day naman.

*After an hour*

"Oy! Uwian naaaa!!!"pagkasabi non ni Bry ay nagligpit na kami ng gamit at nagsilabasan na.

Kasabay ko si Sebby at Luke sa paglalakad.

"Lie pupunta kayong mall?" Sebby asked.

"Yes. Eh kayo? Saan kayo magpapractice?"

"Kila Noah siguro."

I nod then tumingin ako kay Luke."Eh ikaw Luke? Magpapractice ka na din ng pagkanta?"

"Bakit pa ako magpapractice kung magaling na ako kumanta."Luke said while smirking.

Yabang naman nito.

"Yabang mo!"I said then punched his shoulder.

"Ouch. Totoo naman eh. Di na ako magpapractice kaya sasama na lang ako sainyo pamimili ng damit."he said while holding his shoulder na sinuntok ko.

"Bahala ka."

Nakarating na kami sa FelSKZ Mall at nakaramdam ako ng gutom kaya inaya  ko muna silang kumain. Kasama ko ngayon sila Luke,Maël,Kayden at ang kambal na sila Moritz at Fritz.

Pumunta kami sa Jollibee,na pinagtalunan pa namin dahil ayaw nila sa isang fast food except sa kambal. Muntikan ko pang masapak si Maël sa sobrang kulit dahil ayaw talagang magpatalo. Gusto niya sa isang French restaurant samantalang ako ay sa Jollibee. Pero di ako nagpatalo so here we are sa Jollibee.

"Sinong oorder ng pagkain natin?" Tanong ko pagkaupo namin.

Nagprisinta si Luke at ang kambal na sila na lang daw ang oorder kaya naiwan ako sa magbest friend na to.

Pasimple akong tumatawa dahil hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin ang mukha ni Maël.

"What?" He asked while looking at me.

"Bakit? Anong ginagawa ko sayo?"

"Tss. Crazy woman."nag-usok ang ilong at tenga ko,not literally,sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil dumating agad ang order namin.

"Bakit ang bilis niyo naman?" nagtataka kong sabi.

"Pinauna na nila kami." tinuro ni Moritz ang grupo ng mga babae.

Haaaayyy!!! Basta gwapo talaga eh noh?

Nagsimula na kaming kumain.

After naming kumain ay pumunta na kami sa isang Boutique Clothing. Naghiwahiwalay kami para maghanap ng damit. Kasama ko si Luke at magkakasama naman sila Maël.

"Eto oh. Para sa casual wear mo." binigay sakin ni Luke ang crop top na white na parang sando na may print na flower sa left part sa may dibdib,black leather jacket at black jeans.

"Sige. Yan na lang." infairness may taste si Luke.

Humanap naman kami ng para sa formal wear. Ilang minuto lang ay agad nahagip ng mata ko ang isang  gown na color black.Gothic Off Shoulder Asymmetrical Lace Party Dress siya.

"Ma'am kukunin niyo po?" tanong sakin ng saleslady.

"Ahh sige."

Nag-ok ako at sinabing ideliver na lang ang gown sa bahay. Binigay ko sakaniya ang address at binayaran na lahat ng pinamili ko.

"Nasaan na daw sila,Luke?" tanong ko kay Luke habang kumakain ng binili naming ice cream.

Nandito kami sa Fel Ice Cream Shop at hinihintay yung iba.

Nang makita namin sila ay umalis na din kami dahil papagabi na rin. Pagkarating ko sa bahay ay diretso na agad ako sa kwarto ko para magpahinga dahil ang dami naming ginawa ngayon.

Pero excited na ako next week. Hihihi.