Chapter 15:Lixer Day (Day 2)
Lie's POV
"Lieeeeeeeeeeee!!!!" araaaaaaayyy!! grabe naman makasigaw 'tong si Sebby.
"Problema mo?!" nakakunot noo kong tanong.
Tinawanan lang niya ako."May nakita kasi akong booth don. Tara."
Hindi na ako nakapalag nung hinila na niya ako. Nagpunta kami sa isang booth na may mga teddy bears na mukhang price.
↖(^ω^)↗
Eeehhhhhhhh!!! Jibanyaaaaannnn!!
"Huy! Lie anyare sayo?" tanong ni Sebby.
"Eeehhhhh!!! Kunin mo yung jibanyan Sebby."
"Huh? Gusto mo yun? HAHAHAHAHA!!"
"Kunin mo na lang. Kainis ka."
Tinawanan na naman niya ako. Pumunta na siya sa booth at nagbayad ng bala ng pellet gun. Yung mechanics kasi ay kailangan mong mapatumba yung mini human na nakatayo sa isang table.
"Kuya! May daya naman ata yung laro niyo eh." naiinis kong saad.
"Miss,wala yang daya."sabi ni kuyang nakabantay sa booth.
Wala kasing matamaan si Sebby kahit isa. Naubos na yung bala ng pellet gun ni Sebby pero kahit isa ay wala siyang natamaan.
Umalis na lang kami sa booth na yon.
"Halaaaa!!! Lie bakit ka naiyak?" natataranta na si Sebby dahil naiyak na ako. Pinunasan niya mukha ko pero patuloy pa rin akong naluha.
"Lie? Sebby?" narinig kong sambit ng isang lalaki.
"Oy Luke." tawag ni Sebby. Si Luke pala yun.
"Sebby anong nangyari kay Lie? Bakit naiyak yan?" nag-aalalang tanong ni Luke.
"Hindi ko nga rin alam eh." lumapit sakin si Luke at hinawakan ang mukha ko.
"Hey! What's the problem?"
"*Sob**sob* yung jibanyan *sob* gusto kooooo. HUHUHU!!"pinupunasan na nila ang mukha ko na puno ng luha pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak.
Hindi naman makapaniwalang tumingin sakin sila Sebby at sabay pa silang napapalo sa noo nila.
"Seriously Lie? Yun lang ang dahilan ng pag-iyak mo?" I glared at Luke because of what he said.
"Eh gusto ko nga yung jibanyan." Niyakap ko sa bewang si Luke at nilambing."Luuuuuuukkkkkeeee!!! Kunin mo yung jibanyan stuff toy. Pweeeeaaaasssseeee."
Inalis niya ang pagkakayakap ko sakaniya."O...oo na. K...kukunin ko na."
"Bakit namumula ka?" I innocently asked.
Wala na siyang sinabi at naglakad na lang papunta sa booth na pinuntahan din namin kanina.
Narinig ko pang humagikhik si Sebby pero hindi ko na lang pinansin at sumunod na lang kay Luke.
Nagcheer lang kami kay Luke at napatalon ako sa tuwa nung mapatumba niya lahat ang mini human.
Binigay na sakin ni Luke si jibanyan.
"Waaaahhhh!!! Thank you Luke." I happily said then I kissed him on his left cheek.
Iniwan ko na sila gaya nung ginawa ko kahapon. Hahahahah.
Eeehhhh!! Yey! Meron na ulit akong jibanyan pero iba naman to kasi mini stuff jibanyan lang yung nasa akin dati pero ngayon,human size na.
Dumiretso ako sa room at nakita kong may mga nakapila na.
"Hoy Lie! Bakit ngayon ka lang? At ano yang hawak mo?" tanong ni Ben.
"Si jibanyan. Hihihi."I answered then giggled.
"Sige na. Pumunta ka na dun sa pwesto mo."
Nag ok naman ako at pumunta na sa nakaassigned sakin na pwesto. Kung saan yon? Ako lang naman yung tagabigay ng rewards ng mga mananalo pero I guess wala pang kahit isa na nanalo kasi wala pang bawas yung mga premyo.
Nakita ko sila Luke at Sebby na kakadating lang. Napansin ko naman na namumula at tulala si Luke.
"Bakit ganyan si Luke?" rinig kong tanong ni Fynn na kumakain ng cookies at yun?
"HAHAHA!! May nangyari kasi kanina." Sebby is laughing so hard while saying that.
"Shut up!!"sigaw ni Luke at pumunta na sa pwesto niya.
Hindi ko na sila pinansin at tinuon na lang ang atensyon ko sa mga babaeng nakapila. Iilan lang yung boys.
Nang maglunch na ay patuloy pa rin si Sebby sa pang aasar kay Luke.
"Ayos na ba yung sayaw niyo, Isaiah?" tanong ko sakaniya na katabi ko lang.
Hindi ko katabi si Luke,I don't even know kung bakit umiiwas siya sakin at kapag nakikita ako ay bigla bigla na lang namumula.
"Oo naman. Kami pa."
Pfffttt. Yabang.
Maya maya lang ay natapos na kaming kumain kaya bumalik na ulit kami sa booth.
Mamaya pang 2:00 pm ang simula ng dance contest pero pinagpraktis muna ni Maël sila Sebby para mamaya.