Chapter 21: Lixer Day (Day 5)
Ben's POV
"Hoy mga gago kayo!!! Tigilan niyo nga ako." naiinis na sabi ko.
Lintek 'tong triplets na toh. Mga walang magawa sa buhay. Ako pa pinagtitripan.
"Gago you too." sabi ni Jackson.
"Tigilan niyo nga akong tatlo!!!!" sigaw ko.
Pano ba naman ginugulo ako, may nilalagay na bato sa bag ko,nilalagyan ng papel ang likod ko na may nakasulat na kung ano ano. Letse.
"ARAAAAAYYY!!!" napatingin ako sa likod ko nung may sumipa sakin."LINTEK KA JUSTINE!!! PROBLEMA MO?!!"
Takte.
"Huh? Eh sabi sa likod mo 'Kick me' kaya sinipa kita." painosente niyang sabi.
"T*r*nt*d*!!! Sinong naglagay nito sa likod ko?!!"tinawanan lang ako nung tatlo.
Lumapit sakin si Jonas." Chill ka lang bro,masyado kang hot." sabay tapik sa likod ko.
"Hot na talaga ako since birth." pagmamayabang ko.
"Yabang mo 'tol." sabay sabay na sabi nila.
Inambahan ko sila ng sapok pero agad din naman silang nakalayo.
Tss.
"Hoy Luke! Asan si Lie?" tanong ko.
"Mukha ba akong lost and found?" naiirita niyang tanong.
Inirapan ko siya. Walang kwenta kausap.
"Bakla." narinig kong bulong niya pero di yon nakaligtas sa pandinig ko.
Mumurahin ko na sana siya nang biglang...
*PAAAKKK*
"F*CK!!!" tiningnan ko kung sino ang hampaslupang sumapok sakin. "P*ta!! Sebby,problema mo?!"
"Eh? May nakalagay kayang 'Sapukin niyo ako' sa likod mo."nagtataka niyang saad.
"TRIPLEEEEEEEETTTTTSSSS!!!" sigaw ko.
Sabay sabay silang nagtatakbo papunta sa harapan ko.
Sumaludo sila sakin."SIR,YES SIR!!!"
T*ng*na,talsik laway pa.
"Di ba sabi kong tigilan niyo ako."galit na sabi ko.
Napakamot naman sila sa ulo." Eh ang sarap mong pagtripan eh." sabay sabay na sabi nila.
Halos umusok ang ilong at tenga ko dahil sa sinabi nila.
"ARRGGHHH!!! KAPAG NAHABOL KO KAYO,PAGPIPIRAPIRASUHIN KO KAYOOOOOO!!!"
Lintik lang ang walang ganti.
Lie's POV
*10 o'clock*
"Hey princess,let's go. Sa school ka na aayusan."tumango ako kay kay mommy.
Nilagyan na nila ng curlers ang buhok ko para mamaya ay aayusin na lang. Hindi ako pumasok kanina para naman daw may beauty rest ako, courtesy of mommy.
When we reached LHA ay agad akong bumaba ng kotse. Kasama ko si Mommy, Daddy,Kuya Loïc and Kuya Louis. May kasama din kaming bodyguards at syempre di mawawala ang mga make up artist ko.
Hindi naman ako kita ng mga students kasi natatakpan ako nila Daddy.
Yung booth ng bawat section ay pinaalis na. Hanggang kahapon lang kasi yon. Ang may pinakamaraming perang naipon sa booth ang panalo.
Sure akong panalo kami. Chosss.
Mga 11:00 pa ang start ng pageant.
"Hello po,asan po si Lie?"tanong ni Sebby.
Dumaan ako sa pagitan nila Kuya John,isa sa mga bodyguard, at pumunta sa harapan.
"Hello guys!!" bati ko.
"Ano yang nasa ulo mo? Yan yung nasa matatanda ah?" Christian asked.
"Pfftt. Langya ka Chris."
"Hahahaha"
"Tado talaga."
"Miss Blanche, aayusan ka na po namin."napatingin ako kay Zen,isa sa makeup artist ko.
"Ahh sige."
Sinimulan na nila akong ayusan.
"Lie,galingan mo ha." nagsmile lang ako kay Frank.
"Oo nga Lie. Kapag nanalo ka,libre mo kaming pagkain ha?"binatukan naman ni Luke si Fynn.
"Mukha ka talagang pagkain, Fynn." natatawang sabi ni Bry.
"Ehem. I'm Marizelle Therellaine Smith-Lyon, Lie's mother." mom smiled at them.
"Nice to meet you po tita."
"Kapal ng mukha mo."
"Ang ganda niyo po tita ah"
"Oo nga po. Hindi po halatang mag-ina kayo ni Lie. Mas mukha po kayong magkapatid."
"Sipsip."
"Hoy hindi ah."
"Oh, thank you boys."hinila ni mommy si daddy." Eto nga pala ang asawa ko. He's Amaury Diandre Lyon."
"H...hello po sir hehehe."
"Oh bakit hindi tito tawag mo?"
"Manahimik ka nga."
Pfftt. Takot sila kay daddy.
"Where's Maël,by the way?"I was shocked when Mom asked that. So she knows him too?
"Ahh wala pa po... Oh speaking of,ayan na po siya oh." tinuro naman ni Jackson ang pinto kung nasaan si Stephane.
"Hi iho, nasaan ang parents mo?" tanong ni mommy.
"Nasa company po."matipid na sabi niya.
Nag uusap lang sila hanggang sa matapos ang pag-aayos nila Zen sakin.
Inayos din nila ang hairstyle ni Stephane at nilagyan ng konting powder ang mukha niya.
Tinakpan nila ng kurtina ang pwesto ko kaya hindi nila makita ang itsura ko.
Light make up lang naman ang pinalagay ko. Kulot naman ang buhok ko na inipit nila pataas with matching abubot pa sa buhok.
"TO ALL THE CONTESTANTS IN MR AND MS, PLEASE WEAR YOUR CASUAL CLOTHES FIRST. WE'RE GOING TO START IN 15 MINUTES. THANK YOU!!"
Pinagbihis na nila ako. Sinuot ko na yung navy blue na dress na sinukat ko kagabi.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at saktong paglabas ko ay ang paglabas din ni Stephane na nasa harapan ko.
He's wearing a peaky blinders inspired suit waistcoat.
Handsome.
"Woah! Ganda mo best friend!" Sebby said.
I muttered him my thanks.
"Let's go na sa gymnasium,baka mahuli pa tayo." sumunod na kami kay mommy.
Nang makarating kami ay sinamahan na ako nila Zen sa backstage at niretouch ulit ang make up ko.
Magkahiwalay kami ni Stephane. Dun siya sa kabila,may harang kasi eh, kasama niya dun si Lenie.
Narinig ko na ang emcee na ipinapakilala na ang mga judges.
"Oh,look who's here." seriously? Kasali pala si M1 dito?
Hindi ko na lang siya pinansin. Naramdaman kong lumapit siya sakin.
"I won't let you to get my crown. Ako ang mananalo dito. Not you,bitch." pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya.
Nag aalang tumingin sakin si Zen."Miss Blanche,gusto niyo po bang isumbong ko yun sa parents niyo?"
" No thanks,Zen. Ayoko din naman ng gulo." I smiled to assure her na okay lang.
Nagsimula ng magtawag ang emcee ng mga contestants. Panghuli pa kami kaya mas lalo akong kinakabahan.
"LETS WELCOME OUR LAST CONTESTANTS... BLANCHE OPHÉLIE LYON AND MAËL STEPHANE LEROY,FROM SECTION 5!!!"
Sabay kaming lumabas ni Stephane at rumampa sa stage.
"WOOOOOOOHHHHHH!!! GO LIËL!!!!!!"
"LIËL!! LIËL!! LIËL!!"
"GO BÉBÉÉÉÉ!!!!!"
Napangiti ako dahil rinig rinig ko ang cheer ng section 5 at ni Kuya Louis.
Tumigil kami sa gitna at nagsimula ng magpakilala.
"Hello everyone!! I'm Blanche Ophélie Lyon. Section 5 representative. And I believe that 'Never let the fear of striking out keep you from playing the game'. That's all,thank you."pagpapakilala ko.
"Maël Stephane Leroy. Section 5 representative. And I believe that 'People will forget what you said, people will forget what you did,but people will never forget how you made them feel'. That's all,thank you."kahit pagpapakilala ang cold pa rin niya.
Rumampa ulit kami at bumalik na sa backstage pagkatapos. Swim wear na nga pala ang sunod.
Ghaaaddd kinakabahan akooooo.