Chapter 11: Representatives
Lie's POV
"So every contest ay dapat iba ibang student and kung may umulit na isa ay disqualified. So,sa dance contest muna tayo. In dance contest ay merong 10-15 na participants. Who's willing na sumali sa dance contest?"Sir Clyde asked.
Nagsisimula na pala kaming pumili ng mga isasali para sa mga contest.
"Sir kami po nila Noah,Colt,Keizo,Bryson,Isaiah, Josiah,at yung triplets." Saad ni Sebby. Ang triplets na tinutukoy niya ay ang Reed brothers.
"Okay. So,the dance contest's participants is settled. What about in singing contest?"Sir Clyde said habang sinusulat ang mga participants sa dance contest.
"Si Luke po sir"
"Oo nga si Luke po"
"Maganda po boses niyan"
"T*do kaya nga siya ang tinuturo diba"
"T*do ka din"
"Tumigil nga kayo"
Hindi ko na pinansin ang pag-aaway nila at tumingin ako kay Luke na nanlalaki ang mata.
"Kumakanta ka?!" My eyes are still widely open when I asked him.
He looked at me like I'm the weirdest thing in this world."Anong tingin mo sakin walang talent?"
"Sabi ko nga." Then I pouted. He just rolled his eyes at me.
Sungit din.
Nilista na ni Sir Clyde lahat ng representatives. Obviously si Luke na ang sa singing contest at alam niyo kung sino ang sa The Band Next Door? Walang iba kundi sila Kayden, Ben, Fynn, Christian and Max.
Kung tatanungin niyo ako kung sino sa Mr and Ms LHA? Of course, it's obvious naman na ako ang representative ng Ms LHA at si Maël ang partner ko.
Uggghhhhh!!! Bakit siya paaaaaa???!!!*luhod effect while crying*
Ang oa ko pala hehehe. Pero kainis lang kasiiiiiii, bakit siya pa na napasungit.
"Tss. Wag ka nga sumimagot diyan,hindi ko din naman gusto ang idea na ikaw ang maging partner ko."Maël said then he continue eating.
Inirapan ko na lang siya at kumain na din. Nandito kami sa cafeteria at kumakain,alangan namang nagccr diba? Charot.
"Oy Lie,bakit nga pala may benda sa noo?" tanong ni Sebby.
"Natamaan kasi ako ng bola kanina sa may soccer field."paliwanag ko.
"Eh bakit ka ba nasa soccer field?"Ben asked.
"Wala lang. Naisipan ko lang magpahangin."
Nag nod naman siya.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami ng room. At dahil maaga pa ay pinagpatuloy na namin ang lalaruin sana naming truth or dare.
Habang naglalaro kami ay di ko maiwasang titigan si Stephane,mas gusto ko Stephane ang itawag sakaniya kaysa Maël,na nasa harapan ko lang. Nakabilog kasi kaming lahat at in fairness ay sumali sila ni Kayden.
Inaamin kong gwapo si Stephane na kabaligtaran naman ng ugali niya. He has a perfect shape of face,perfect jawline, kissable lips,and his eyes na nakakaakit kapag tinititigan mo.
Di ko namalayan na masyado na pa lang napatagal ang pagtitig ko sakaniya at napansin ko na lang na nakatitig na rin siya sakin habang nakangisi kaya namula ako at napaiwas agad ng tingin.
Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya. Never. Di ko siya pagnanasaan kahit ang sarap niyang hali....
Waaaahhhh!!! Ano ba 'tong iniisip ko?
*DUG DUG**DUG DUG*
Aaacckkkk!!!
What's that sound?
Arrgghhhh. Nevermind.