Chapter 6:Luke
Lie's POV
Pagkaalis ng teacher namin ay naghintay na lang kami ng susunod na dadating. Habang nag iintay ay kinuha ko na ang pagkakataon para tanungin si kuyang blonde hair.
"Oy kuyang blonde hair anong ginagawa mo dito? Bakit sa tabi ko ikaw umupo?"I asked.
"Anong tawag mo sakin?"tanong niya. Wow! Tanong ko,tanong din niya (~_~)
"Kuyang blonde hair,why?" I said habang nakatingin sakaniya nang nagtataka.
Napaface palm siya at di makapaniwalang nakatitig sakin.
"Seriously? *sigh* I'm Luke Maverick Diaz by the way and PLEASE don't call me kuyang blonde hair again. I have a name."ahh Luke pala name niya. Malay ko ba.
"Psh. Malay ko ba kung ano pangalan mo."napairap ako."Okay back to our topic. Anong ginagawa mo dito sa tabi ko?"
Napaiwas siya ng tingin."Ikaw lang ba may karapatang maupo ha?"
"Hindi. Pero bakit sa tabi ko pa talaga?"
"Wala Lang,trip ko lang maupo sa tabi mo."
*Gasp*
"Do you have a crush on me?" my eyes widen.
Namula ang pisngi nya."Ako? Magkakacrush sayo? Hahaha assuming ka rin eh noh?"
Napasimangot ako. May sasabihin pa sana ako kaso dumating na yung next teacher namin.
While the teacher is busy teaching in front,nagkwekwentuhan naman kaming tatlo.
"Geez, hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako. Naaalala ko pa rin yung babae myghaaaadddd."si Sebby po yan. Habang sinasabi niya yon ay nakahawak siya sa mga braso niya na parang kinikilabutan.
"Tsk. Mas nakakatakot naman yung napanood ko. Yung lalaking patuloy na naghahabol dun sa babaeng mahal niya,pero sa bandang huli nasaktan lang siya nung malaman niya na ikakasal na pala yung mahal niya sa ibang lalaki." Luke said.
"Yown. Hugot king"sabay na sabi namin ni Sebby pero mahina lang yung saktong rinig naming tatlo para di kami mahuli ng teacher.
Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan hanggang sa mag ring na ang bell hudyat na uwian na.
"Hayss salamat naman at uwian na." Luke said habang nag iinat.
" Oo nga eh. Tara pasyal tayo?"Sebby said.
" Sorry di ako makakasama may family dinner kasi kami eh. Sa susunod na lang siguro."I said sorry to Sebby.
" Ayy ganun ba? Bukas pwede?" Nagpuppy eyes si Sebby after niya magtanong.
I said ok kaya napatalon siya sa tuwa at nagtinginan ang mga classmates namin pero hindi niya yun pinansin.
Napatingin kami kay Luke and he sigh pagkatapos ay tumango siya kaya napasabi kami ni Sebby ng yehey.
"Uhh sige una na ako ha,bukas ulit. Bye Sebby,bye Luke."nagbye na rin sila at tuluyan na akong umalis.
Pagkarating ko ng parking lot ay hinanap ko na si Mang Andoy. Nang mahanap ko ay binati ko ito. He opened the car door so I get in.
After 15 minutes ay nakarating na kami sa bahay. Binati ko si Nanny Lorie at dumiretso na ako sa room ko.
Nagbihis na ako at nagpahinga dahil pagod na ako sa mga nangyari ngayong araw at mabawi ko ang energy ko para mamaya sa family dinner namin.