Chapter 5:Her plan
Lie's POV
*Bell rings*
Yey!! It's time for my revenge.
Pagkabell pa lang ay nauna na akong pumuntang cafeteria para magawa ang plano ko.
Dumiretso agad ako papasok sa may kitchen ng cafeteria.
"Hi Ate Sonia"bati ko. Ate Sonia is the cook here. Close kami niyan kaya nakakapasok ako nang hindi nagpapaalam sa mga nagseserve ng pagkain dito.
"Oh iha anong gusto mong kainin?"
"Hehehe ate ganun pa rin. Pero Ate Sonia pwede favor?"
"Osige ano ba yon?"binulong ko sakaniya ang gagawin. Nung una ay nag aalangan pa siya pero sa huli ay pumayag na din ito.
Pagkatapos kong sabihin yon ay lumabas na ako at kinuha ang order ko. Nakita ko na ang section 5 na nakaupo na sa pwesto nila and yung iba ay naorder na.
*Smirk*ano kayang magiging reaction nila sa gagawin ko. Hahahah ngayon palang natatawa na ako sa mangyayari.
Naupo ako sa medyo malayo sakanila at nagsimula nang kumain.
Habang kumakain ako ay pasulyap sulyap ako sakanila. They're laughing so hard like there's no tomorrow. Naiinggit ako sakanila dahil meron silang mga kaibigan na handang dumamay kapag namomroblema sila. Eh ako? Wala kahit isa. Dahil kinakaibigan lang nila ako dahil sa yaman ng pamilya ko.
Nakita kong dumating na ang mga pagkain nila. Nagpatuloy lang akong kumain habang nakatingin sakanila.
"AHHHHHH ANG ANGHAAAAANNNNGGGG!!!!"
"SHEEEETTTTTT"
"DEYYYYYMMMMMMMMMM"
" WAAAAHHHH"
" F*CK"
Nagtinginan ang mga tao sakanila dahil bigla bigla silang sumisigaw. Habang ako nagpipigil ng tawa.
'HAHAHAHAHAH'tawa ko sa isip ko.
Ngayon alam niyo na kung anong sinabi ko Kay Ate Sonia na plano ko. Yun ay lagyan ng chilli powder or sauce yung kakainin nila.
Nang hindi ko na mapigilin ang sarili ko ay tumawa na ako ng malakas dahil sa mga reaction nila.
Nagtawanan din ang mga students na nakapaligid sakanila. Napatingin sila sa direksyon ko kaya napatigil ako sa pagtawa.
They glared at me and pumunta silang lahat sa kinauupuan ko. Yep literal na lahat sila so I run as fast as I can para hindi nila ako mahuli.
Pero dahil sa lalaki sila at babae ako ay mabilis nila akong naabutan.
Nagulat ako nang binuhat ako ni Stephane na parang sako ng bigas.
"WAAAAAAHHHHH!!!PUT ME DOWN!PUT ME DOWN!!!"
Hinampas ko ang likod niya para pakawalan ako pero pinalo lang niya ang butt ko.
"Ouch. Ano bang gagawin mo sakin ha?" tanong ko.
"You'll see"
Dinala niya ako sa room at pabagsak na inupo. Nakapalibot sila sakin gaya nung first day ko dito.
"Ikaw siguro may pakana nung kanina noh?"
"Halata ka na"
"Ikaw lang may kayang gumawa non samin"
" Matapang aba"
Kanya kanya silang komento ng ginawa ko kanina.
" Eh ano naman sainyo kung ako may gawa non?" Kala niyo papatalo ako sainyo ha.
" Namumuro ka na talagang babae ka"dinuro duro pa ako nung lalaking violet hair. Alala niyo pa siya?
" Hindi na kami nakakain ng ayos dahil sa ginawa mo."galit na sambit sakin nung lalaking light blue hair.
" Gutom na ako." Sebby said habang nakahawak sa tyan niya at naka pout.
"Edi kumain ulit kayo." Duh,kasalanan ko ba? Sila naman nauna diba?
" Pano kami makakakain kung natrauma kami kanina? Sabihin mo nga?"naiinis na sabi sakin ni kuyang blonde hair.
"Trauma agad?" Ang oa naman hmff." Psh. Kasalanan niyo naman yun. Kung di niyo ako pinilit na umalis dito sa section na to edi sana hindi ko gagawin yon."
"Arghhhh!!!!"nagpapadyak na saad ni Sebby.
" Fine. Libre ko na lang lunch niyo at promise wala na akong ilalagay sa mga pagkain niyo."
Nagdiwang ang mga loko sa sinabi ko. Nag-unahan sila sa pagpuntang cafeteria at muntikan pang madapa si Sebby kaya napatawa ako.
Naiwan naman kami sa loob ni Stephane.
"Hey Stephane bakit di ka sumunod sakanila?" he glared at me.
Whuuuuuutttt??!!
What did I do?
" Don't call me Stephane."he said in a cold tone.
" Why? I like to call you Stephane."I said.
" One more time you call me that name,di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."owwwkkkkeeeeyyyyyy!!
I just shrug my shoulders then nauna na ako sakaniya.
Pagkarating ko ng cafeteria ay nagsisikainan na sila kaya pumunta ako ng counter at nagbayad na umabot ng 800 pesos sa dami ng inorder nila. Mahal kasi ang pagkain eh.
Nice *note the sarcasm*
Di naman siguro sila gutom na gutom noh?
"LIE DITO KA!!!" tinawag ako ni Sebby. Dumiretso ako sa pwesto nila at umupo.
"Oh ano okay na kayo?" I asked pero wala akong nakuhang sagot dahil busy lahat sila sa pagkain,insert Stephane I mean Maël.
Napapoker face na lang ako at nanahimik na.
After nilang kumain,and yes sila lang talaga dahil busog na din naman ako,ay sabay sabay na kaming pumunta sa room.
Saktong pagdating namin sa room ay ang pagring ng bell. Nagsiupo na kami. Bigla na lang may tumabi ng upo sakin at nang tingnan ko yun ay si Sebby pala.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked. He just shrug his shoulder kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang maupo sa tabi ko.
Nakalipas ang ilang minuto ay may naramdaman na naman akong umupo sa tabi ko at pagtingin ko ay yung lalaking blonde ang buhok pala.
Tatanungin ko na sana siya kung anong ginagawa niya dito pero biglang dumating yung teacher. Mamaya ko na lang siguro siya tatanungin.
Bale ang pwesto namin ngayon ay ako ang nasa gitna ni Sebby at kuyang blonde ang buhok,sorna di ko alam name niya eh,sa medyo gitna kasi ako nakaupo. Sa may malapit sana sa bintana ako nakaupo pero dahil nasira nga yung upuan ko kagagawan nila.
Hmff. May naisip akong pangganti ulit sakanila kaso wag na lang baka lalo pa nila akong piliting makaalis dito.