Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 4: Making her leave

Lie's POV

After one hell week ay nakayanan ko naman ang pagpapahirap nila sakin. Like nilagyan nila ng ipis yung bag ko, sinulatan nila ang arm chair ko at notebooks kaya bumili ako ng bago. Sa cafeteria naman ay binuhusan nila ako ng spaghetti,juice,at putik na di ko alam kung saan nila kinuha.

Buti na lang at napilit ko ang guidance counselor na wag ipaalam sa parents ko ang nangyari dahil for sure ay magkakagulo lang. And dahil may pagkagirl scout ako ay nagdala na ako ng extra uniform and handkerchief in case na mangyari ulit yon.

Pagkauwi ko ng bahay noon ay nagtaka sila mommy kung bakit puro putik ang uniform ko at buti na nga lang naulan kaya nakapag alibi ako na nadulas then ayun naniwala naman sila.

Nung weekends wala akong ginawa kundi matulog,magbasa ng Wattpad,manood ng k-drama,at concert ng favorite kong kpop group.

And ngayon sasabak na naman ako sa giyera dahil paniguradong may pasabog na naman sila para lang mapaalis ako sa section nila.

Bago ako pumuntang classroom ay dumiretso muna ako sa locker room para ilagay ang mga extra kong gamit.

Pagbukas ko ng locker ko ay bigla na lang bumungad sakin ang......

Maël's POV

I'm on my way to LIXER HIGH ACADEMY when Ben texted me na tapos na ang lahat ng pinapagawa ko.

I smirked at the thought in my head na mapapaalis ko na din sa wakas ang babaeng yon. Hindi siya pwedeng manatili sa poder namin.

Magiging isang malaking sagabal siya sa mga plano namin.

When I reached my destination ay agad kong pinark ang kotse ko at dumiretso sa classroom.

*Section 5*

Bago pa lang ako makarating sa room ay rinig na rinig ko na ang ingay nila.

"Oy Boss Maël tapos na. Nailagay na namin sa locker niya at paniguradong nagsisisigaw na yon HAHAHA."Ben laughed so hard while saying that.

"What about that door?"I pointed out the door.

"Boss ilalagay pa lang namin"Fynn said while eating.

After niyang sabihin yon ay inayos na nila ang pinto na papasukan ng babaeng yon.

*15 minutes later*

Narinig naming nagsisisigaw yung babae na halatang nakita na ang ginawa namin sa locker niya.

She opened the door then paints cover her. My classmates laugh while looking at her while me? I'm smirking.

"ARRRGGGHHHH!!!!!SINONG NAGLAGAY NITOOOOOOO!!!!"she shouted as she gives us her death glare. Kung anime lang siya ay malamang na umuusok na ang tenga at ilong niya.

"HAHAHAHAHAH"

"Epic dre HAHAHA"

"HAHAHAHA look at her, she's so gross"

"WAHAHAHAHA mukha siyang ewan"

*Smirk*

Well, I guess she's leaving this section, or else I'll let her leave by hook or by crook.

Lie's POV

*Continuation of her POV*

Pagkabukas ko ng locker ko ay bigla na lang bumungad sakin ang mga patay na daga kaya nagsisisigaw ako at tumakbo na papuntang room.

Nagkandaligaw ligaw na ako dahil sa taranta at buti na lang nahanap ko na ang room namin na sumisigaw pa rin ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay bigla na lang bumuhos sakin ang color green na paint.

"ARRRGGGHHHH!!!!!SINONG NAGLAGAY NITOOOOOO!!!!" I shouted as I give them my death glare.

Kanya kanya silang comment sa itsura ko at nang dahil sa kahihiyan ay nag walk out ako.

Pumunta akong washroom para maglinis at magpalit. Buti hindi nabasa ang bag ko.

After kong maglinis at magpalit ay bumalik na ako ng classroom na paniguradong nandyan na si Sir Clyde.

Pagkapasok ko ay nag sorry ako kay sir dahil late ako.

Umupo na ako at pagkaupo ko ay bigla na lang nasira ang arm chair ko.

Sir Clyde stopped and look at me. Tinanong niya kung okay lang ako pero di yun pinansin at tumayo na lang.

"KUNG MAPAPAALIS NIYO AKO SA SECTION NA ITO,PWES SINASABI KO NA SAINYO KAHIT ANO PANG GAWIN NIYO AY DI AKO AALIS DITO!!!"tiningnan ko sila isa isa at nang dumako ang tingin ko kay Stephane na nakangisi na naman ay tinapunan ko siya ng masamang tingin.

Kung may laser lang ang mata ko ay paniguradong patay na siya ngayon.

"What's happening here Ms.Lyon?"I look at Sir Clyde.

"Wala po sir. Wag niyo na pong pansinin."

Naghanap na lang ako ng ibang mauupuan pagkatapos kong sabihin yon kay sir.

Napatango na lang siya at nagpatuloy nang magturo.

Habang nagtuturo si sir ay may bigla na lang nagpop out sa isip ko na idea kung paano makaganti sakanila.

Humanda kayo sakin. Kala niyo kayo lang ang may kaya nang ganyan ha?

Antayin niyo lang ang ganti ko. MUAHAHAHAH.