Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 16 - Chapter 15: Elena & Dante

Chapter 16 - Chapter 15: Elena & Dante

"Gusto ko siya ate," giit ni Samantha. "Gusto ko po si Kuya Dante." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin na lamang sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o kung ano man ang aking irereaksyon.

"Sam--"Tanging pangalan lamang niya ang nabigkas nang aking bibig.

Ngumiti siya sa akin nang bahagya at nagpatuloy sa paglalakad. "Sinasabi ko lang po ate. Wala naman po akong intensyon sa aking nararamdaman." Tumawa siya na tila may hapdi sa kanyang mga mukha, "Alam ko naman ate na parang kapatid lang ang turing sa akin ni Kuya Dante. Pero kahit ganoon, kahit katiting lang, umaasa pa rin ako na ba ka sakali magustuhan niya ako."

Hindi ko alam kung bakit pero wari'y nakaramdam ako nang kaonting kabiguan sa kanyang sinabi. Alam kong dapat na hindi. Kaibigan ko si Samantha at hindi dapat maging hadlang ang kanyang pagkagusto kay Dante sa amin pagkakaibigan.

Lumingon siya sa akin at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Pero sa iyo iba, ate..." Napatigil siya sa paglalakad at huminto sa aking harapan. "May gusto ka ba kay kuya, Ate Elena?"Marapatan niyang itinanong.

Napalunok ako ng malalim. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya o kung tama bang sagutin ko siya sa tunay kong nararamdaman. Dapat ko bang sabihin sa kanya o hindi? Hindi ko alam na para ba akong pumipili sa dalawang daan na hindi ako makadesisyon.

Napakagat ako sa ilalaim ng aking labi. "Samantha, sa tingin ko hindi naman importante kung may gusto ako sa kanya o hindi," tugon ko sa kanyang mapanuring tanong.

Nanliiit ang kanyang mga mata, kumulot ang kanyang mga labi at tinaas ang kanyang kilay. "Pero hindi mo pa rin sinagot ang aking tanong, " pilit nitong sinabi sa akin.

Huminga ako nang malalim. Oo gusto ko siya ngunit hindi pwede. "Hindi. Hindi ko siya gusto Samantha. Kaya wag kang mag-alala, okay?" sagot ko sa kanya nang mariin. Tila'y naramdaman kong unti-unting bumabalik ang sakit dahil sa aking mga kasinungalingan.

Animo'y guminhawa ang kanyang mukha nang masabi ko ito. Napatungo siya sa akin at napangiti. "Dahil sinabi mo ate, naniniwala ako," sagot niya sa akin na wari'y may saya sa kanyang mga mata.

Tumikhim ako sa kanya, at kinuha ang kanyang kamay, "Tara na? Baka kanina pa naghihintay sa iyo ang sundo mo," ngumiti ako sa kanya ng pilit at hinila siya papalakad malapit sa tricycle stand.

Napatango lang siya sa akin a sinundan niya ang aking mabilis na paglakad. Nang makarating kami malapit sa tricycle, sumakay kami parehas at umupo sa loob. Naging palaisipan sa akin ang nakakapagbagabag na pag-amin sa akin ni Samantha. Napatingin ako sa kanya at napangiti ng marahan.

Mga ilang segundo lang, pagkatapos ko sabihin sa drayber ang paroroonan namin, pinaandar niya ang motor at sinimulan patakbuhin ito. Nang makarating kami pabalik nang eskwelahan, bumaba kami sa tricycle at naglakad papunta sa itim na sasakayan na naghihintay kay Samantha.

"Salamat sa pagsama sa akin. Samantha," saad ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin ng malaki. "Wala yun ate atsaka gusto ko rin makita si Kuya Dante," paliwanag nito na may galak sa kanyang mga labi.

Tinaas ko ng kilay ko. "Sinamahan mo lang ba ako dahil kay Dante."

Napakagat siya sa kanyang labi, "Hindi naman ate!" Napangisi siya. "Sinamahan din kita ate dahil gusto ko rin naman na may kasam kang papunta dito," paliwanag niya ulit sa akin.

Hinimas ko ang kanyang buhok. "Gustong-gusto mo talaga si Dante noh?"Napatawa ako sa kanya.

"Oo ate. Gusto ko po talaga siya," namumula niyang sinabi.

Nagtanong ako sa kanya, "Anong nagustuhan mo sa kanya, Samantha?"

Tumigil siya sa paglalakad at humarap uli sa akin. "Nagustuhan ko siya dahil iba siya sa mga lalaking nagustuhan ko ate. He was there to help me, us, when no one else did. He was thre to comfort me at my rough times kaya ko po siya nagustuhan, ate."

Wari'y natauhan ako sa kanyang sinabi. hindi ko alam kung anong idagdag sa kanyang pag-amin. "Ikaw talaga.. may pinanghuhugutan ka na ah," eto lang ang aking mga nasabi. Hindi ko na rin alam kung ano pa ang sasabihin sa kanya. Para akong naubusan ng mga salitang sasabihin.

Nang makarating na kami sa malapit sa kanyang sundo, lumapit siya rito at binuksan ang pinto. Ngunit bago paman siya pumasok sa loob, kumaway siya sa akin at ngumit, "Una na ako ate!" Aniya.

Kumaway ako pabalik sa kanya, "Bye, ingat!"

At pagkatapos, umandar na ang kanilang sasakyan at tumakbo na paalis ng eskwelahan. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng parking lot habang nakamasid sa kanilang pag-alis.

***********************

Pinag-isipan ko nang mabuti bago ko ito gawin.

Nakatayo ako nagyon sa harapan ng pintuan ng faculty habang pinagmamasdan ang mga letrang nakapinta rito. Uwian na ngayon at napagpasyahan kong kausapin na si Mrs. Ramos. Gusto ko sana siyang makausap ukol sa pagtutor namin ni Dante.

Mabilis natapos ang isang linggo. Lumipas ang ilang araw na hindi ko nakausap o nakita man lang si Dante. Kahapon natapos ang kanyang suspension, kung kaya't ngayon ang kanynang muling pagbabalik. Hindi na rin ako bumisita ulit sa kanilang bahay pagkatapos nang araw na iyon. Hindi ko na rin siya na-update sa mga bagong aralin namin nang dahil sa palaisipan na parating tumatatak sa aking isipan--ang pag-uusap namin ni Samantha.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob. Kumatok ako sa sa harapan ng pintuan at binuksan ko ito. Pagbukas ko rito, napansin ko siyang abala sa pagsusulat sa kanyang grading sheet. Lumapit ako parito at tinawag ang kanyang pangalan, "Ma'am Ramos..."

Tumungo siya sa akin at itinaas ang kanyang salamin na nakasabit sa kanyang tainga. "O, Elena ikaw pala. Ano iyon? May problema ba?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. Tila'y bumalik sa akin ang alalang kung kailan humingi ako ng tulong sa kanya sa paghahanap nang trabaho, subalit, ngayon naman ang kabaliktaran. "Ma'am magpapalalam po sana ako sa inyo tungkol sa pagtutor ko po kay Dante."

Napataas ang kanyang kilay, "Anong meron doon, Elena? Hindi ba umaattend si Dante sa mga tutoring session?"

Napatikhim ako, kabang-kaba sa akin sasabihin, "Hindi naman po sa ganoon ma'am. Ano po kasi..." kinalikot ko ang aking daliri, "Ano po sana, gusto ko po sana na itigil muna ang pagtutor ko po kay Dante..." mahina kong inamin dahil sa kabang patuloy kong nararamdaman.

Napakunot si Mrs. Ramos nang kanyang noo. "Sigurado ka Elena? Hindi ba't kailangan mo ito para makaipon sa pangkolehiyo mo?" Tanong niya sa akin na mag pagtataka sa bigla ko na lang na pag-amin sa kanya.

Tinaas ko ang aking ulong nakababa at tumingin sa kanya. "Opo. Pero ma'am nakaipon naman po ako noong mga nakaraan na linggo ko. Gusto ko po sana ngayon na makapagfocus muli sa aking pag-aaral," paliwanag ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya, "Sigurado ka ba, Elena?" Masuri niyang itinanong sa akin.

Lumunok ako nang malalim. "Opo."

"Hmm.. Sige Elena. Naiintindihan ko." Huminga siya nang mahinahon. "Basta sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka, okay?"

Ngumiti ako sa kanya nang bahagya. "Opo. Maraming salamat po ma'am."

"Sige, thank you rin ah dahil natiis mong tuuan si Dante," saad nito sa akin.

"Walang ano man po iyon ma'am."

Nagpaalam ako sa kanya pagkatapos. Naglakad ako pabalik nang pintuan na may dala-dalang lungkot na aking dinaramdam. Alam kong hindi ko ito saloobin, gayunpaman masakit man isipin na hindi ko na muli makakausap o makikita si Dante man lang. Pero alam ko rin naman na hindi sapat nang ipagpatuloy ko sa kanyang pagtuturo lalo't na alam sa kalagayan nang sitwasyon ngayon.

Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang pintuan. Malapit na ako sa pintuan nang bigla akong mapatigil sa katawan na humaharang sa akin. Napahawak ako sa kanyang dibdib at napaamoy sa kanyang mabangong mint scented na damit. Napatingala ako sa aking pwesto at napamasid sa kanyang maliit at makinis na mukha. Biglang nanlaki ang aking mata, gulat na gulat sa aking nakita. Napatingin ako sa kanya at napalunok nang malalim. Umurong ako nang kaonti habang palapit siya sa aking harapan.

"Dante..." Bigla kong nasabi habang nakatingin siya sa akin na mukhang aburido.

***********************

Dante

"Dante..." She said, as my name escaped from her rosy lips.

"What the fuck is that, Elena?" I hissed.

"Teka, Dante..."Hindi ko siya sinagot. I swiftly grabbed her arms and pulled her outside of the faculty, knowing my auntie might have heard us if we talked about it right there in front of them.

Narinig ko ng lahat. Ang lahat nang sinabi ni Elena kay Auntie Rizza. And I couldn't believe on what she said. I haven't see her all day. Kagagaling ko lang sa suspension at eto ang biglang pambungad sa akin ngayon pagbalik ko. I was about to ask something from my auntie when suddenly, I heard them talking. I'm confused as fuck as to why she decided to cancel our tutoring session. We were okay, right? Or it was just me who thought we were okay? Pumunta pa nga siya sa bahay namin last week to give me the reviewers.

I thought we were okay, pero mukhang sa kanya, hindi kami okay...

Hinila ko siya papuntang hagdan at bumaba kami. "Teka, Dante. Masakit. Bitawan mo muna ako," angil niya habang sinusubukan niyang pumiglas sa akin hawak.

Hindi ko siya kinausap.

Hinayaan ko siyang magsalita nang magsalita habang naglalakad kami banda nang corridor. Dinala ko siya sa ground circle ng paaralan kung saan may malaking puno sumisilong sa amin dalawa. Minabuti ko na pumunta dito dahil walang tao o mga studyante na nakapalibot. Minsan lang nila itong bisitahin dahil sa kumakalat na kwentong may multong lumilibot dito.

Nang makarating kami sa ilalim ng puno, I released her hand. "Mag-usap nga tayo. Ano iyon, Elena? Ano iyong narinig ko?" Tanong ko sa kanya na mag pagtataka.

Nilihis niya ang kanyang mga mata at niyakap ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga braso. "Hindi ba't narinig mo naman ang pinag-usapan namin?"

"Bakit? Ayaw mo na ba?" I softly replied as my voice cracked while saying those words. Ayaw na ba niya? Ano ba ang problema? Napaisip ako.

She bit her lips and longingly gazed at me. I felt my hear thumped slowly as I saw my reflection through her brown bright almond eyes. "Hindi, Dante."

I reached for her, brushed my hands through her arms and pleaded, "Eh ano Elena? Because I'm hella confused right now. I thought we are okay and eto maririnig ko na lang kay Auntie na i-kacancel mo na ang pagtuturo?"

Nakayuko siya sa akin na parang bato na hindi gumagalaw. "Hindi ba't 'yon naman ang gusto mo sa simula? Ayaw mo naman sa una na turuan kita?"

Napabuntong hininga ako. Binitawan ko ang hawak ko sa kanya at sinuklay ko nang aking kamay ang akin buhok. "But, I know that's not the reason Elena." I slightly grasped her hand and held it onto mine. I leaned towards her, and asked, "Was this about what happened on us at the bleachers, Elena?" Naramdaman ko ang lakas ng tibok ng aking puso nang bigla kong masabi iyon. Kung 'yon man ang dahilan kung bakit siya umiiwas sa akin, maiintindihan ko

However, all I got from her was a shook from her head. Hindi siya nagsalita man o sumagot sa akin. Napapikit ako sandali at napalunok nang malalim. "Then what is it?" Pakiusap ko. "Please tell me..."

Tumingala siya sa akin nang bahagya. Nakita ko sa kanyang mata ang pag-aalinlangan. "Ginawa ko iyon para makapag-focus ako sa pag-aaral. Tutal okay ka naman na sa mga subjects natin at nabigyan na rin kita nang mga reviewer, napagdesisyonan ko na huwag na lang ito ituloy. Atsaka, hindi na rin ako nakakauwi nang maaga, nag-alala na sa akin parati si Nanay Aning," mabilis niyang pinaliwanag.

I asked her again, seemingly restless from her rather skewed explanation, "Yun lang ba?"

"Oo," she gulped, as she unconsciously puckered her lips.

I asked her again, unsatisfied from her answer, "Sigurado ka?"

Hindi siya nakasagot. She just looked at me, with her eyes beseeching at me to let go of the conversation. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ko ulit ito nang mahigpit. "Please don't lie to me, Elena."

Napatingala siya sa akin. "Oo. Sigurado ako, Dante..."

"Lie,"I answered with indignation. "Alam kong nagsisinungaling ka. Hindi iyon ang dahilan, Elena."

Napabuntong-hininga siya at inalis niya ang kamay niya sa akin. "Ano ba ang gusto mo pang malaman? Sinabi ko naman na sa iyo ang totoo."

"The truth Elena, I want to know the truth dahil gulong-gulo na ako. Ang akala ko okay tayo pero hindi pala. Sinabi ko sa iyo na I'm willing to respect your decisions about Romer. I also told you that you don't have to give me an answer. But what is this, Elena, iniiwasan mo ba ako? Just tell me the truth kung ayaw mo sa akin, tatanggapin ko. Hahayaan na kita. " I explained.

"Dante, hindi sa gano'n." Naluha-luha niyang sinabi sa akin. Kumirot ang aking puso nang makita ko ang pagdagsa nang kanyang mga luha.

Hindi ko siya kayang makitang umiiyak kung kaya't kaagad kong hinawakan ang kanyang pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha sa mata. "Eh ano, bakit?"

"I can't," She replied as her eyes fell from me. "I-I can't accept your feelings," she continued.

Nang marinig ko ang mga salitang iyon sa kanya, parang pira-pirasong bubog ang tumusok sa aking puso. Napatungo lamang ako sa kanya at tikis na bumuntong-hininga. "I understand. Is this the reason kung bakit ka umiiwas sa akin?"

"N-no...."Matipid niyang sagot.

"Ano Elena? You can't just give me half lies and half truths Elena," singhal ko.

"Bakit mo ba gustong malalaman?"Pagod niyang sinabi. Iniwas niya ang tingin sa akin at binaling sa paligid.

I grabbed her shoulders and grasped it tightly on my palms. "Because I deserve to know the truth Elena. I need to know the truth knowing na hindi ka nagsasabi nang totoo. Knowing, na alam ko there's something keeping you away from me," paliwanag ko ulit.

"Dante...." She muttered, as if she was getting tired of this conversation.

"Please Elena, wag mo naman akong gawin manghuhula. Sinunod ko lahat ng sinabi mo, kahit gustong-gusto kong sabihin sa buong school body ang totoong nangyari sa inyo ni Romer. I kept my mouth shut just for you Elena. I deserve to know it." I said, wearied from her continuous evasions of my questions.

Tumingala siya sa akin at nakita ko sa kanyang mata ang pagkapagod. "Fine. Gusto mong malaman?!" Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinulak. She started hitting my chest as her palms crumpled like a ball of paper. "I'm starting to like you also Dante! at hindi ko mapigilan kahit gustong-gusto ko...." She wailed.

Napatahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya pagkatapos noon. It was mixed emotions with her sudden explode of anger and her admission to liking me. "Elena...." And all that could passed my lips is her name.

I tried to touch her arms to stop her from hitting me but she flinched. "No! Don't touch me...Please don't!" She stammered. Binaba niya ang kanyang kamay at niyakap ang kanyang sarili. "Hindi mo naiintindihan! I can't like you. I can't! Not with the past I have..." Umupo siya sa konkreto at sementong upuan.

"Elena..." I tried to reach for her, but she shook it.

Tumingin siya sa akin habang may luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ito at patuloy na nagsalita, "Wag kang lumapit Dante...Just let me explain." She continued, "I was raped when I was ten years old. When man touches me, kinikilabutan ako, pero sa iyo iba, Dante. I felt safe and secured. And that's what scares me the most. This feeling I'm starting to have with you, ayokong masanay dito. I'm scared."

I was taken aback, shocked from what she said.I can't think straight as my head spun from her revelations. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sa puntong ito, gusto ko lang saktan ang taong nanakit sa kanya, kay Romer at ang nanggahasa sa kanya. "Fuck...Elena..."

"It was late at night noong nagising ako. Kakamatay lang nang magulang ko at nakatira ako sa aking tita. Hindi ako makatulog dahil sa lakas nang kulog. Lumabas ako ng kwarto at nanghanap nag tao at nagbaka-sakali na makita ko sila mama at papa. Ngunit paglabas ko, nakita ko siya sa kusina, umiinom ng alak. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya, bumalik ako sa kwarto at nagtaklob sa loob nang kumot. M-mga i-ilang minuto lang narinig ko ang katakot nang pintuan. Binuksan ko ang ito at nakita ko siyang nakatayo roon at nakangiti sa akin....Dante kung alam mo lang. Kung sana hindi ko lang binuksan ang pintuan na iyon... Hindi sana..." Hindi niya napagilan umiyak.

Kaagad ko siyang hinila sa aking mga kamay at niyakap ng mahigpit. I felt her anguish, her pain and her frustrations all in one emotion. Right at this moment, I wanted to erase all her pain and sufferings. I don't know if I can, but for her I am willing to try. I'm willing to do anything for her.

"Elena...Elena... It's not your fault." Binitawan ko ang aking pagyakap at hinaplos ang kanyang pisngi. Pinunasan ko ang kanyang mga luha at ngumiti nang mapait sa kanya. "Hindi ikaw ang may kasalanan. Sila--Ang mga taong nanakit sa iyo..."

Then, I felt her soft fragile hands brushed upon mine as she spoke, "Dante. I remembered it all because of what happened with Romer. It came back to me in an instant at hindi ko ito makalimutan. Naalala ko ang lahat and it fucking hurts."

I cupped her cheeks, reassured her and smiled softly at her. " I understand, Elena. I understand." Naramdaman ko ang kanyang mainit na pagyakap sa akin. She leaned on my shoulders like I'm the only person in the world. I felt the beat of my heart slowly pulsing from both relief and happiness. Knowing that she likes me is enough. Enough for me to keep holding of what we have right now. I pulled her to me, brushed the strands of her hair and let her cry on my shoulders. I leaned towards her and kissed the crown of her head, relishing the feeling of her in my arms for a moment.

Hinaplos ko ang kanyang mga pisngi at hinagod ito ng marahan. I looked into the depth of her anguished eyes and promised her, "Pangako Elena, wala nang mananakit sa iyo ngayon."

From this day on, I vowed to never let her go, whatever it takes....

"No Dante, don't make promises. I told you na hindi pwede. I can't. You can't like me. Not like this when I'm too broken," she painstakingly interjected.

"I don't care, Elena. I don't care about what the fuck happened in the past." I gazed upon her soulful eyes as I held tightly of her arms. "All I care about is the present--my present with you... Past mo na yan, Elena and yes it's part of you. It made you became the person you are today, but you can't hold the past so dearly that it will take away your present. " Pinunasan ko ang kanyang mga luha at nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang importante ay ang ngayon...Ang ngayon kung saan kasama kita..."

"Hindi mo naintindihan Dante, hindi ko makalimutan dahil hanggang ngayon duming-dumi ako sa sarili ko tuwing naalala ko iyon," saad niya na may paghihinagpis sa kanyang boses.

I brushed my hands unto her, caressing the knuckle of her thumb. "Makinig ka sa akin, Elena. You are not what you think you are. Yes you are broken, But I'm too. And I love all your broken parts, the good and the bad." I tucked the strands of her hair beside her ear and continued, "You are incredible, wonderful and the most compassionate person I have ever met. Kaya hindi ko kayang makita kang ganito, nasasaktan...dahil nasasaktan din ako."

"Dante, I'm scared. I'm scared of all of this..." tugon niya na may pag-aatubili.

I replied, "I know, Elena. Me too. I'm scared. But i'm willing to try this for you...Got it?" I tenderly smiled, brushing my hands through her wet cheeks.

Hinawakan niya ang aking kamay at binaba. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at ngumiti ng matamis sa akin. "Okay."

"Okay?" Napatanong ako sa kanyang sagot.

"Like okay. Okay..." She chuckled lightly. I felt her warm fingers crept unto mine as it slides down, intertwining both of our hands. I squeezed it tightly, as I held it on my fingers, savoring the moment I have with her right now.

Kinagat ko ang aking labi, pilit kong pinipigil ang aking pagngiti. "Are you sure?"

"Yes..."

Sa kanyang sagot, kaagad lumundag ang aking puso. Niyakap ko siya nang mahigpit sa ilalim nang rumaragsang ugong ng puno.

***************************