Elena
How to be in a relationship with Dante Gillesania?
Iyon ang tanong na naging palaisipan ko pagkatapos nang araw na yaon. Hindi ko pa naransan magkaroon ng karelasyon o may iniintiding ibang tao. Paano nga ba? Dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang maayos na walang awkwardness na nagaganap.
Kung tutuusin, hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin, gayon pa rin naman tulad nang dati. Ang pagkakaiba nga lang ngayon alam na niyang may gusto ako sa kanya at gano'n rin naman sa akin. Okay, siguro kaonti lang, mas naging palabiro na siya at pala-asar. Ngunit, gayunpaman, siya pa rin ang Dante nakilala ko at nagustuhan ko.
Nagkaayos na kami ni Dante at hindi na rin natuloy ang paglisan ko sa pagtuturo sa kanya. Kung tutuusin, mas naging magaan na ang pakiramdam ko sa kanya sa t'wing kasama ko siya. Tila ba napawi ang malaking bigat na laging kong dinadala kapag naandiyan siya sa akin tabi. Hindi tulad dati na may pag-aatubili pa akong nararamdaman.
Sa ngayon, minarapat muna namin na itago muna ito sa lahat, hangga't sa maging maayos na ang lahat. Lalo't na ayokong masama siya sa gulong kinasangkutan ko kasama si Romer. Mabuti na lamang hindi na masyadong napag-uusupan ang patungkol dito. Tila, nawala na lang ang balitang ito na aking picture kasama siya na parang bula.
Gayunpaman, sa kabila nang kasiyahan na aking nararamdaman, naandiyan pa rin ang pag-aalinlangan na nakabinbin sa akin utak lalo't na hindi pa alam ni Samantha. Alam ko na nagsinungaling ako sa kanya tungkol sa akin nararamdaman kay Dante. I had no excuses to say nor even a lie to create. At tanging magagawa ko lang ay humingi ng tawad sa kanya. Sana lang ay matanggap niya ito nang maayos.
Kasama ko ngayon si Melai na naglalakad papunta sa aming table. Umupo ako sa kanyang harapan, kung saan parati ang pwesto ko. Hindi ko pa naikwekwento ang tungkol sa amin ni Dante. Alam kong hindi ko ito matatago sa kanya ng matagal. kung kaya't napagpasyahan ko na sabihin na rin sa kanya, hangga't maaga pa. Binaba naman niya ang kanyang lalagyanan nang pagkain habang patuloy na ng pagkwekwento tungkol sa napanood niyang magandang Chinese na palabas.
"Ang ganda talaga Elena! Sana gano'n din ang love story ko. Nako kung napanood mo lang. Promise next time kapag pumunta ako sa bahay niyo, panonoorin natin," masaya niyang kwento sa akin.
Napaisip ako sandali. Matagal na rin palang hindi nakabisita sa amin si Melai. "Oo nga, matagal ka rin palang hindi nakapunta sa amin. Kailan mo balak?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm... siguro kapag tapos na ang monthly test natin. Alam mo na hindi ako papayagan ni mama na lumabas ng bahay kapag malapit na ang exams," paliwanag nito sa akin. Dahil sa daming nang nang yari, nakalimutan ko na na palapit na pala ang aming monthly exams. Kaya ko naman itong habulin at mapag-aralan nang isang gabihan lang, ang pinoproblema ko lang ay paano si Dante, lalo't na marami siyang hahabulin na lessons.
Nabaling ang attensyon ko sa aking iniisip nang marinig ko ang boses niya malapit sa aking kinauupuan. Napatingin ako sa aking kaliwa, at nakita ko si Dante na may hawak-hawak na tray ng pagkain. Nanlaki ang mata ko at napamasid sa buong paligid. Napansin ko ang mga ngisi nang kanyang mga kaibigan sa bandang kanan ng kanilang kinauupuan.
"Dante," biglang sambit ko.
Ngumuso siya at itinuro ang malaking bakante sa aking upuan. Napalingon ako kay Melai, na mukhang binalaukan sa kanyang kinakain. Napansin ko ang biglang paglaglag ng kanyang mga panga sa gulat.
"Urong ka. Uupo ako," ngumiti siya sa akin at ibinaba ang kanyang tray sa lamesa, tabi ng aking lunchbox.
Napalunok ako nang malalim. Umurong ako nang kaonti upang magkaroon nang espasyo. Umupo siya sa tabi ko at tinukod ang kanyang mga siko sa lamesa. Naramdaman ko ang pagkiskisan ng aming mga damit at ang kanyang mabangong amoy na malapit sa akin. Kaonting galaw ko lang sa aking kinauupuan ay matatamaan ko ang kanyang katawan.
"Anung ginagawa mo dito?" saad ko nang mariin. Hindi naman sa ayoko siyang katabi, ayoko lamang na may bago nanaman pagdidiskitahan tismis ang buong school body.
"Kakain? Kasama mo-niyo," sagot niya na parang wala lang. Tumingin siya kay Melai at ngumiti, "Hi melai. Magkakilala pala kayo ni Rafael?"walang pasabi niyang tinanong.
Napakurap ang aking mata. Hindi makapinwala na nandito siya katabi ko, malapit sa akin at kasabay kong kumain. Namula ang aking mga pisngi at napakagat sa aking labi.
Nagulat si Melai sa kanyang tanong na hindi pa rin maka-move on sa pangyayari. "Ha? Ano? Sorry? Magkakabata kami ng hinayupak mong kaibigan." Napailing siya ng kaonti at nagpatuloy sa pagsasalita, "Teka ba't ka naandito? Ba't naindito itong hinayupak na 'to, Elena?"
Napanganga ako. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa kanya. "Hindi ko rin alam, Melai. Nagulat din ako," eksplanasyon ko sa kanya.
Tinaas niya ang kanyang kilay at sinuri si Dante. "Why are you here, Constantinople? Bakit hindi mo kasama mga alipores mo?"
Natawa siya sa sinabi ni Melai. Siniko ko siya at minatahan ko na bumalik sa kanila. Umiling siya sa akin at ngumisi ng pilyo. "Wala lang, kailangan ba may dahilan?" he shrugged.
Nanlisik ang mata ni Melai sa amin dalawa. "May dapat ba akong malaman? At may panguso-nguso pa kayong nalalaman." Napasandal ako sa akin kinauupuan at napahinga nang malalim.
"Wala..." sabay na nasabi namin ni Dante.
Umikot ang mata ni Melai sa akin. Binaba niya ang hawak niyang kutsara at tinador at sinabi, "Aminin niyo na. Kayo na noh? Nako Elena, hindi mo matatago 'yan sa akin."
Napakagat ako sa aking labi. Siniko nang malakas si Dante sa kanyang tiyan na napatikhim siya nang wala sa oras. Umuubo-ubo siya nang malakas sa pagkain na nasamid sa kanyang lalamunan. Hinaplos ko ang kanyang likod at hinagod ito nang marahan.
"Hala siya, may paghagod pang nalalaman." Melai made face. Wari'y ang mukha niya ay hindi mo mapinta sa kanyang reaksyon. "I mean, sabihin niyo lang sa akin kung gusto niyo nang alone time. Go lang. Lilipat ako ng table. Nahiya naman ako sa inyong dalawa eh." suhestyon niya
"Wag na Melai, paalis na rin itong si Dante..." sagot ko. Napatigil ako sa paghagod at ibinagay ko na lamang ang tubig kay Dante, "Ang bilis mo kasing kumain, sabi ko."
"Siniko mo kaya ako, " depensa niya.
"Sorry," mahinahon kong sinabi sa kanya.
"Okay lang." ngumiti siya sa akin.
Napangiti ako sa kanya. Nang makita kong may natirang sauce sa malapit sa kanyang labi, pinunasan ko ito gamit ng aking daliri. "May sauce pa sa ano--malapit sa labi mo..." sabi ko.
"Thanks," sagot niya habang panandalian niyang hinaplos ang aking kamay. Pinisil niya ito nang kaonti at inalis nang makita niyang nakatitig sa amin si Melai.
Dumaing si Melai, "Ay pucha, maiwan ko na nga kayong dalawa!" tinuro niya ako at ngumiti sa akin, "Mag-usap tayo mamaya Elena ah." Umalis siya sa table at lumpit sa table nang iba. Naiwan kaming dalawa ni Dante sa table na magkatabi. Pagkaalis ni Melai sa kanyang kinaupuan, kaagad naman lumipat si Dante sa aking harapan.
"Ano ba iyon, Dante at kailangan mo pang umupo sa amin?" bungad ko sa kanya. "Atsaka alam ba nang mga kaibigan mo ang tungkol sa atin?" Tanong ko sa kanya.
"May itatanong sana ako sa iyo kung okay lang. At sinabi ko na kailangan lang kita kausapin for tutoring," paliwanag niya habang sinasandok niya ang kanin sa kanyang plato.
Napataas ang aking kilay. "Ano iyon?"
Binaba niya ang hawak niyang kitsura at tinidor at tinukod ang kanyang kamay sa lamesa. "Are you free this Saturday?"
Napaisip ako sa kanyang tanong. "Oo. wala naman akong gagawin. Mag-aaral siguro kasi malapit na ang monthly exams. Bakit mo natanong?"
"Um g-gusto mo bang lumabas kahit sandali lang nang Saturday? We can also study after that...since malapit na ang monthly exams. " Mabilis niyang sinabi. Napatikhim siya pagkatapos yaon. Napansin ko ang pagkamula nang kanyang mga pisngi.
Napakurap ang aking mata sa kanyang sinabi. Ang ibig ba niyang sabihin date? Kung okay lang bang magdate kami this Saturday? Napatikhim din ako sa kanyang tanong. Tila nabalot nang katahimikan panandalian ang paligid. I felt awkward with the question. O-oo ba ako o hindi?
Napaisip ako. "U-m," napakagat ako sa aking labi. Nakita ko siyang naghihintay sa akin sagot, "U-um sige. Pero pagkatapos, mag-aaral tayo. Okay?" paalala ko sa kanya.
Sumaludo siya sa akin at ngumisi ng malaki. "Yes ma'am. Kumain ka na. Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo."
"Yes sir," biro ko sabay kumutsara sa akin kanin. Hindi ko mapigilan ngumiti habang nakatitig sa kanyang mga magnetong mga mata.
*************************
Dante
Kakatok ba ako o hindi? Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanilang maliit na bahay.
Kinakabahan ako. Hindi ako mapalagay habang paikot-ikot akong nasa harapan ng kanilang bahay, naghihintay sa kanya. It's Saturday today and I want to surprise her by letting her have this day. I just hope sana magustuhan niya kung saan kami pupunta. I still can't believe that we're together--having her with me was the best thing happened in my life right now. Everything felt like reverie of reality, like it would soon passed by in just a second, a minute or a moment. Sana, all of these things happening to us right now wouldn't easily passed by.
Inaayos ko ang suot kong polo at kumatok nang malakas sa kanilang gate. Wala silang dorbell, kung kaya't kumatok sa kanilang pintuan ng tatlong beses. Napamasid ako sa labas nang kanilang bahay at napansin ko ang paglabas ni Lola Aning. Ngumiti ako sa kanya ng marahan at binati siya, "Magandang umaga po, lola."
Tumungo lang siya sa akin at naglakad papunta nang gate. Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang kanyang mapanuring mukha. Napalunok ako nang malalim nang makita ko ito. "Oh, naandito ka na pala, pasok ka muna. Nagbibihis pa si Elena."
Yumuko ako. Kinuha ko ang kanyang kamay at nagmano sa kanya. Hindi ko ito sa kanya nanggawa noong una namin pagkakita dahil sa sobrang kaba ko nang makita ko siya. "Salamat po.."
"Hmm sige, iho..." sagot nito sa akin. "Umupo ka muna, at kukuha ako nang iyong inumin." Pumasok ako sa loob nang kanilang bahay at umupo sa bandang sofa.
Nakita ko ang pagpasok niya sa loob nang kusina habang nakamasid ako sa loob nang kanilang salas. Naalala ko ulit nang una kong pagpunta sa kanilang bahay. Ang pagpayag nang pagpasok sa akin ni Lola Aning at ang kanyang mga nakakakilabot at nakakabang mga tanong. Napangiti na lamang ako nang maala ko ito. I looked at the surroundings and felt like its still the same. The house still homey and old as it is as most furnitures are vintage from old age.
Bumalik kaagad si Lola aning na may hawak na baso nang tubig. Inilapag niya ito sa lamesa at umupo sa aking bandang kanan. She grabbed her pamaypay and fanned her self while staring surreptitiously at me. I laid hold of the glass and drunk from it.
"So iho, saan kayo pupunta nang apo ko. Nasabi niya sa akin na tuturuan ka daw niya ngayon dahil malapit na ang exams ninyo?" Tanong niya sa akin,
Napalunok ako nang malalim. "Opo." Ito lang ang tanging nasagot ko. Napagtanto ko na hindi nasabi ni Elena na may iba pa kaming pupountahan bukod doon.
"Hmm sige. Basta tandaan mo iuwi mo ang apo ko bago maggabi. Maliwanag ba iyon sa iyo, iho?" Sabi niya sa akin sabay paypay sa kanyang abaniko.
Tumungo ako sa kanya ng mabilis. "Opo, lola. I promise po."
"Tatawag ako sa inyo bago maggabi. Naintindihan mo ba?" Dagdag niya. Mas lalo akong napaurong sa aking upuan at napaupo nang maayos.
"Opo, lola. Naiintindihan ko po," saad ko rito.
"Mabuti iho."
Napalingon siya sa kanyang likod at nakita namin si Elena na palabas nang kanyang kwarto. Nakita ko siya nakatingin sa akin at nakangiti habang hawak ang kanyang sling bag sa kanyang kaliwa. Napatayo ako sa aking upuan at napatingin sa kanya. As soon as I saw her looking at me, I was stunned. Goddamn, she looked beautiful. She tucked her hair beneath her ears as she bit her red rosy lips. Her hair that was always on a ponytail, now flowed cascading below her shoulders. I gulped as I saw her moved closer to me with her red dress flowing just right beneath her knees, fitted perfectly on her petite body. As soon as her eyes met mine, I was mesmerized by her bright almond eyes fluttering against the light bulb shining above us. Amazed by her beauty, I smiled softly.
She bit her lips while a pink stroke of blush crept on her cheeks. "Tara na?"
Napa-oo lang ako sa kanya na tila'y hindi makamove-on sa natatanging anghel na nakatayo sa aking harapan.
Hinalikan niya sa pisngi si Lola Aning at sinabi, "Nay una na po kami. Itetext ko po kayo kapag pauwi na po ako."
"Hmm sige apo, ingat kayo," sagot nang kanyang lola na napatayo sa kanyang upuan.
Biglang nabaling ang aking attensyon nang maramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Lola Aning, "Mang ingat kayo ah. Ingatan mo apo ko, iho ah."
"Opo." More than with my life. Napangiti ako sa kanya at napahaplos sa likod nang aking leeg.
Pagkatapos yaon, lumabas kami nang kanilang pintuan. Napansin ko ang pagmasid sa amin ni Lola Aning hanggang paglabas namin. Kumaway kami ni Elena sa kanyang lola bago niya sinarado ang pintuan nang kanilang gate.
"Saan ba tayo pupunta? At tinext mo ako nang maaga?" Bungad na tanong sa akin ni Elena.
"Basta," sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ito nang mahigpit. "Tara?"
Tumungo siya sa akin at sinundan ako papuntang tricycle stand.
**********************
"We're at amusement park?" She asked, slightly beguiled. Napatingin siya sa paligid at nakita ang isang malaking gate na puno nang disenyo na nagsasabing amusement park. Nakaukit dito sa mga pader ang mga katauhan ng kanilang mga pangunahin karacter sabay na rito ang napapalibutan na mga disenyo no mukhang mahiwaga at kaaya-aya sa mata. Maraming tao ang nagsipasukan, marahil siguro, dahil Sabado ngayon at walang pasok. Karamihan dito ay magpapamilya at magkakaibigan. Napamasid ako sa bata na mukhang sayang-saya sa kanyang pagpasok sa loob. Napangiti na lamang ako nang makita ko ito
Tumango ako sa kanya. "Oo. I know how significant amusement park is to you."
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin at niyakap akong bigla. "Thank you..." I heard her saying against my shoulders as I held her in my arms.
"Welcome," I replied, smiling at her, pinching her rosy cheeks tenderly. "Ano, tara? Let's go inside?" Sabi ko sa kanya.
I released her on my arms, while keeping my hands intertwined on hers. "Sige," tuwang-tuwa niyang saad habang naglalakad kami papunta nang entrance gate.
Nang makapasok kami sa loob, unang bumungad sa amin ang malapalasyong kastila sa aming harapan na napapalibutan nang ibat ibang kulay nang palamuti. Napatingin ako sa aking katabi, at nakita kong bakas sa kanyang mukha ang saya. "So where do we start?" I asked her.
Lumibot ang kanyang paningin sa paligid at napamasid nang maigi. "Hmmm... do'n tayo?" wika niya sabay turo sa space shuttle. Hindi na ako nakasagot nang bigla niya akong hinila papunta sa ticketing booth.Nang makakuha kami, kaagad kaming pumuwesto sa napakahabang pila nito. Mahaba ang pila, sari't-sari ang mga tao na nakapila na naghihintay upang makasakay rito.
"Sigurado ka?" Tanong ko na tila hindi sigurado sa unang namin piniling sasakyan. Napamasid ako paikot-ikot nitong mekaniko at napalunok na lamang. I haven't told her yet, but i'm really shitty at heights.
Nanliit ang kanyang mga mata at napangiti sa akin "Bakit takot ka ba sa heights?" Tanong nito.
Umiling-iling ako sa kanya. "Hindi. Tss. Ako pa," tiniyak ko rito. Though, deep inside, nanginginig na ang buong katawan ko sa kaba.
Tinaas niya ang kanyang kilay, "Are you sure? Don't worry naandito naman ako eh,"asar niya sabay ngumiti sa akin. Umusad na ang pila at napansin ko na ang paglapit namin sa
Humalukipkip ako na parang nagtatapang-tapangan. "Oo nga..."
"Sabi mo eh," She made a face and snickered. Lumingon siya pabalik sa unahan at inabangan ang pila.
Nang malapit na kami sa entrance, napahawak ako sa aking mga kamao nang mahigpit. Napatingin sa akin ulit si Elena at nakita ko ang kanyang mga mata na lumibot rito. "Ready ka na?" She asked like she was teasing me.
"Yes." I confidently interjected. I don't think so.
Mga ilang minuto lang, natapos na ang unang batch. Tumigil ang pahabang sasakyan sa plataporma at nagsi-babaan na ang mga tao. Bakas sa kanilang mukha ang excitement at enjoyment sa pagsakay nito. Gayunpaman, mayroon naman akong nadatnan na sukang suka na. Mas lalo akong napahawak nang mahigpit sa akin kamay nang makita ko iyon.
Napalunok ako nang malalim at napatingin sa itaas. What am I getting at? I asked inwardly.
Sunod-sunod na umakyat ang mga taong nasa harapan namin hanggang sa umabot sa punto na kami na ang sasakay. There are two rows in each column of the ride. And the good thing about that is atleast i'm besides Elena. Umupo ako sa kaliwa nang umupo si Elena sa kanan. As soon as we got to the seat, I grabbed the safety protector gear immediately and buckled it up. Nakita ko rin ang paggaya ni Elena sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mukha na parang ngayon lamang siya nakapaunta rito.
"Is this your first time riding here?" I asked her bago gumalaw ang sasakyan.
Tumango siya sa akin. "Yup, the last time I had was with my parents and mostly nang sinasakyan namin ay pambata."
"To tell you the truth, mine too. I have never been to amusement parks. Dahil siguro na rin masyadong busy si mama no'n" I said.
She giggled. "I know. Kanina ko pa ngang nakita na kinakabahan ka sa pila. And good thing pala na pumunta tayo dito."
"Well yeah, alright a bit. And yeah. I know na matagal mo na rin gustong makapunta rito," I answered.
She stared at me longingly, grabbed my hands that was besides her and said, "I'm here don't worry. Just hold on tight." She brushed her thumb on my hands as she ressuringly said that.
I nodded at her and sighed deliberately.
After that, I heard the engine moved. As it moved fast, I screamed at the top of my lungs and cried to death.
"Putang ina!"I screeched.
God only knows, how scared I was.
The only good thing about it I have Elena right beside me.
**************************
Natapos din kami nang mga alas tres nang hapon. Sinakyan namin ang lahat nang pwede naming sakyan kasama na rito ang anchor's away (i like this rather than the space shuttle), flying fiesta (nahilo ako dito nang sobra) at sa rio grande (this is fun pero nakakabasa) na sobrang nabasa kami. Dahil dito, napagpasiyahan namin na bumili muna nang damit at mapahinga muna malapit sa kainan. And of course, even if I wanted to buy a couple's shirt, I couldn't lalo't na pagnakita ito ni Lola Aning. Baka mapatay ako no'n nang maaga. I also don't think Elena will like it. Or so i think.
Nakaupo kami ngayon sa bakanteng bench habang may nakalapag na pagkain sa aming mesa. Kumuha nang fries si Elena sa lalagayanan at kinain ito. Binuksan niya ang kanyang maliit na bag at kinuha ang pouch na nakalagay rito. Inilapag niya ito sa lamesa at tinulak papunta sa akin. "Eto pagkatapos mong kumain, uminom ka nang gamot. Kanina pa kasi kita nakitang sukang-suka na, " saad niya sabay inom sa kanyang softdrinks.
"Salamat. " nahihiya kong sinabi. I grasped her bag and looked for a paracetamol. As soon as I saw it, I grabbed it and dunked it into my mouth. Kinuha ko ang aking inimun at kaagad na ininom ito. "Lagi mo talagang dala yang emergency kit mo noh," dagdag ko sa kanya haba ng pinagmamasdan siyang kunin ito.
"Yup. I always do. I was really clumsy when I was young, kaya sinabi sa akin ni papa na lagi ko 'tong dalhin for emergencies. " She grasped tightly of her bag and put it back on her sling bag. "Simula noon lagi ko na itong dala."
"Oh that's why..." Napatango ako sa kanya. "I never had that with my dad. Matagal na kasing hindi ko siya nakita simula nang nanghiwalay sila ni mama. Hindi ko na nga maalala mukha niya eh," I chuckled, excrutiatingly, as my mind wandrered from the past.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "But do you remember atleast something about him?" She asked.
Napaisip ako sa kanyang tanong. "No." I feigned a smile. " I don't remember anything about him. All I know about him is that he was my father." I shrugged, wanting to let go of the conversation. I never liked talking about him. He was never ever been in our lives for the longest time. He was never there when I grew up or when I had my birthdays. 'Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya at kung may pamilya na siya ngayon. Do I even have a brother or a sister with him? I don't know. All I know is that iniwan niya kami nang nanay ko when we needed him the most. And because of that, I no longer have any feelings or sentiments about him. Itinago ko na sa kailalimlaliman ng baul.
Napatikhim ako sa at napatahimik pagkatapos noon. Hindi na kami nag-usap patungkol dito at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Nang matapos kami ay nagtanong ako kay Elena, "So saan tayo next?" . "Where do you want to go?"
Tumayo kami sa upuan kaagad at naglakad-lakad muna habang nag-iisip. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ito nang mahigpit habang naglalakad kami sa napakaraming tao. Napatingin ako sa kanya habang nanghihintay nang kanyang sagot.
Mga ilang segundo lamang, lumingon siya sa akin at tinuro ang hot air balloon malapit sa amin kanan. "Dito? Para maiba naman."
Nakahinga ako nang maluwag nang itinuro niya sa akin ang ferris wheel. Thank God na hindi nakakamatay na ride ang kanyang pinili nang sa gayon makapagpahinga ang aking sikmura sa tuloy-tuloy na nagraragsang at kadumaldumal na sinapit ko kanina.
Sinundan ko siya papunta sa ticketing booth. Mabuti na lang at walang masyadong tao. Siguro na rin dahil sa matinding tirik nang araw ngayon. Pumila kami malapit sa may waiting shed at naghintay nang aming turn.
Mga ilang minuto ang nakalipas, natapos din ang unang batch. Nang bumaba na sila, sumunod na ang pila namin na magsi upuan sa kanilang mga pwesto. Umupo kami sa bandang gitna, habang ang iba namin na kasama ay nasa dalawang banda. Sinarado ang pintuan namin nang isa sa mga crew nila at tinapik ang labas nang contraption. Nang makasakay ang dalawang natitirang tao, gumalaw na paunti-unti ang ferris wheel.
"Ayan na..." saad ni Elena na mukhang sabik na sabik.
Napangiti lang ako sa kanya habang nakamasid sa kanyang pwesto. "I've never been here too," I honestly said.
Napakurap ang kanyang mga mata nang masabi ko iyon. "Talaga?" Napatigil siya at napaisip bigla. "Ako siguro with my parents yung last. Eto 'yong huli namin na sinakyan," dagdag niya.
"So this is special pala para sa iyo.." I told her.
Tumango siya sa akin. "Parang ganun na nga..."
Tumahimik ang paligid namin nang pananadalian. Napamasid kami sa makulay na kalangitan nang magsimulang umakyat kami sa tutok ng ferris wheel. Pinagmasdan ko siya habang nakatingin ang kanyang mata sa liwanag nang palubog na araw.
Nanlaki ang kanyang mata sa tuwa nang makita niya ang samut-samong kolerete nito, "Ang ganda, Dante. Tingnan mo. " Tinuro niya ito sa akin at ngumiti.
I tenderly smiled at her as I looked how lovely she was against the majestic hues of the sunset. "Yeah. It is beautiful." She damn looked beautiful as she smiled brightly at me with her face shining against the sunlight contrasting the paleness of her skin to the sun's full warmth and glory. Her bright almond eyes locked its gaze at mine for a moment
"Alam mo ba sana, eto ang laging bumubungad sa akin pag-gising ko. Ang makita ang bukangliwayway ng araw." Her lips plastered with warm smile while the sun hit her radiant face. I suddenly felt the thump of my heart, slowly igniting as my eyes laid upon her. As soon as I felt it, I knew it. At that moment, I knew that getting her here was worth it. And that, all of what happened between us was worth it. Seeing her genuine smile made me realize how special she is in my life.
She is damn hell, worth it.
"Gusto mo ba bumalik tayo ulit rito?" Tanong ko sa kanya.
"Oo." I then, painstakingly smiled as soon as the illuminance of her smile brought upon me.
She looked at me, wide eyes, with satisfaction and said, "Thank you Dante. For everything." I felt the warmth of her voice as I saw my reflection on her warm eyes. My mind just went blank from admiring her face. I didn't say anything and just stared at her.
However, I got back from my senses as soon as she leaned towards me, brushing her lips onto my cheeks. Instantly, I felt the heat surrounded me, even if, knowingly, our contraption was on the top of the wheel.
"Salamat Dante dahil pinasaya mo ako ngayong araw," wika nito. Hinaplos niya ang aking pisngi at marahan na hinagod ito.
Tumukod siya ng kaonti at nilapat nang mariin ang kanyang mga labi sa akin.
No, Elena. It is I who should have thanked you...
***********End of Chapter 16**********