Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 21 - Chapter 20: Elena & Dante

Chapter 21 - Chapter 20: Elena & Dante

Dante

Matapos ang isang linggo, nagkaroon na rin ng schedule ang flight namin. At dahil hindi ko na matatapos ang buong school year, nauna ko munang tinapos ang final exams bago ako magdesisyon na bumalik ng States. Tutal malapit rin naman matapos ang school year, pinayagan rin akong makapag-exam ng maaga. Maraming nagulat sa biglaan kong pag-alis lalo't na rin ang aking mga ka-teammate na naging close ko sa buong pamamalagi ko rito sa school.

Natapos nang matiwasay ang libing ng lola ni Elena. Isang linggo rin namalagi ang wake ni Lola Aning. Marami ang dumalo at nakiramay sa buong pamilya at isa na rito ang aming mga kaklase at ang aking auntie. Hindi ko malilimutan ang lungkot sa mga mata ni Elena nang huli niyang masilayan ang mukha ni Nanay Aning. Kahit na maiksi lamang ang pagkakilala ko kay Nanay Aning, alam kong naging mabuting ina siya sa kay Elena.

Nakilala na rin ni mama si Elena sa huling araw nang libing ni Nanay Aning. The good thing about it is they got along together that easily. Looking at them with their unbending smiles and warm hugs aches my heart a bit. It is with that I knew all along after that Elena was the best thing ever happened to me. Nagkaayos na rin kami ni mama. Kinausap ko siya pagkatapos ipinangako sa akin ni Elena na dapat na kami magkaayos. I knew I have a lot of reservations with myself after knowing na ipapauwi ako ng aking ina sa Pilipinas. But now, after we had talked things through, I realized that my mother only did it for my best. She knew that if i still stayed there, maslalala ang pangyayari. Nalaman ko rin sa kanya na nagbreak na sila ng kanyang boyfriend at unti-unti na niyang inaayos ang kanyang relasyon sa aking tatay. Hindi ko alam kung paano ito naayos sa sobrang ikli nang panahon. But, I thank God that it is even though I have still hesitancy on talking to my father. As of now, ayoko munang pag-usapin yaon.

Kung hindi dahil kay Elena, hindi kami muli magkakaayos muli ni mama. If it wasn't for her, I wouldn't imagine getting close to my mom again. And with that, I don't know how to thank her enough.

Sa kasalukuyan nasa labas ako nang airport habang nakatayo kasama ang aking ina. Hawak ko ang aking maleta sa kabilang banda naman ay hawak ko ang aking bag. Bago man ako umalis, gusto ko muna magpaalam sa kanila. Nakatingin ako kay Auntie Rizza, kay uncle at sa aking napaka-cute na pinsan na umiiyak na ngayon nakatayo sa aking harapan.

"Babalik naman si kuya," sabi ko kay Thea-taba habang pulang pula ang kanyang pisngi.

Pinunasan niya ang kanyang luha at sumagot, "Pramis mo yan kuya? Hihintayin ko yan pramis mo." Binuhat ko siya at niyakap ko siya nang mahigpit.

Lumapit naman sa akin si Auntie Rizza at nakita ko sa kanyang mata ang kaonting pagbuhos nang mga luha. Nalungkot ako nang makita ko ito, dahil sa pamamalagi ko sa kanilang bahay, alam ko na tinuring niya ako na parang kanyang anak. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap. "Paalam po tita. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo. Thank you for being a mother when I needed it the most," saad ko sa kanyang habang pilit kong hindi umiyak.

Hinagod niya ang aking likod at sinabing, "Ano ka ba Dante, tinuring na kitang parang sarili kong anak. You don't have to thank me, ha. Ingat ka ro'n Dante. Wag ka masyadong umuwi ng gamot at alagaan mo ang sarili mo. Wag mo masyadong bigyan nang sakit sa ulo ang mama mo ha," paalala niya sa akin.

Bumitaw ako sa kanyang yakap at napatungo. Napatingin naman ako kay uncle na napatungo lang sa akin. "Ingat ka ro'n Dante," saad nito sa akin.

"Salamat uncle," sagot ko sa kanya.

Napalingon sa akin si mama at napatingin, "Tara na ba pasok na ba tayo sa loob?" sabi nito sa akin.

"Teka lang ma, may hinihintay lang po ako." Hindi ako makasagot sa kanya dahil may hinihintay pa ako na darating.

"May mga kaklase ka pa bang hinihintay?" Tanong nito sa akin.

Napatungo ako sa kanya. Tinapik niya ang aking balikat at sinabing, "Sige anak, mauna na ako sa loob ah. Bibili lang ako ng pagkain. Magkita nalang tayo ro'n," sabi nito sa akin.

Lumapit sa akin si Mrs. Ramos at nagtanong, "Hinihintay mo ba si Elena? Alam ba niya na ngayon ang flight mo Dante?"

"Opo, tita nasabi ko po sa kanya," saad ko sa kanya habang humigpit ang hawak ko sa maleta.

Naghintay ako muli ng ilang minuto sa kaniya, ngunit ang minuto na iyon ay umabot nang isang oras. Napatingin ako sa salamin ng airport nang makita ko si mama na naghihintay sa akin. Sinenyales ko siya nang saglit lang. Hindi na rin naghintay sila tita kay Elena at nauna na rin nang lumipas ang ilang minuto, kung kaya't naiwan ako rito mag-isa habang naghihintay sa kanya.

Napatingin ako sa aking relos na nagsasabi na malapit na rin ang flight ko. Kaonting oras na lamang at malapit na ang schedule namin at hanggang ngayon wala pa rin akong nakitang senyales niya. Napalingon ulit ako sa bintana kung saan naghihintay si mama. Napaturo siya sa kanyang relos na nagsasabing kailangan na naming pumasok. Napabuntong-hininga ako at napatingin muli sa daan, nagbaka-sakali na makita ko siya. Subalit, wala akong nakitang senyales na nagsasabing nariyan na siya.

With that, I decided to walk inside the airport, feeling disappointed and defeated that I might not see her on my last day here. Maybe, the last time I was going to see her was not this day. Hinawakan ko ang aking bag na mahigpit at naglakad papunta ng pintuan.

Nang papasok na ako sa loob nang airport. Narinig ko na may tumatawag sa aking pangalan. "Dante! Dante!" Napalingon ako sa boses at nakita ko ang aking mga kaibigan. Lumapit ako sa kanila at napangiti.

"Sorry pare, nalate kami," saad ni Rafael. Nakita ko sa likuran ang mga kaibigan ko at iba ko pang mga kateammates na pumunta para lamang makita ako. Napalingon rin ako sa kaliwa at nakita ko si Samantha at si Melai na kasama.

"Ingat ka ro'n kuya," niyakap ako ni Samantha ng mahigpit.

"Ikaw rin. I don't want it to happen to you again," paalala ko sa kanya.

Napatungo lamang siya sa akin. Tinapik ko ang kanyang buhok at ginulo ko ito. Napamasid naman ako kay Melai. Napansin ko na parang hindi niya kasama si Elena. "Si--" Hindi ko na natuloy ang aking sinabi nang mapa-iling siya.

Napatungo ako sa kanya. Minasid ko muli sila habang nakatingin sila sa akin. "Thank you at nakapunta kayo rito," sabi ko sa kanila.

"Wala yun pre, " sabi ni Kevin sa akin.

"Mamimiss ka namin pre, lalo na si Rafael. kanina pa umiiyak," saad naman ni Carlos.

"Tang-ina, hindi no," itinanggi nito habang kitang-kita naman sa kanyang mata ang pag-iyak.

Nagpaalam ako isa-isa sa kanila. Paalis na sana ako nang nakita ko na may lumabas pa sa kotse. Napatigil ako at napamasid sa kanya. Sa puntong iyon, parang tumigil ang mundo nang makita ko siyang mula. Bumaba siya nang kotse at unti-unting pumunta sa akin. Nakita ko ang reaksyon nang aking mga kasama na nagsitawanan.

"Siyempre Dante, sa tingin mo hindi sasama si Elena?" Sabi ni Melai na nakangiti.

Hindi na ako sumagot sa kanyang sinabi. Tuluyan na nakapako ang aking mata kay Elena na papalapit sa akin.

Tumigil siya sa aking harapan. I looked in her as she stared longingly at me. "Oy," maikling sabi nito sa akin.

"Oy rin," sagot ko sa kanya.

"Ingat ka ro'n," sambit niya.

"Ikaw rin ingat ka rito." Dahan-dahan kong kinuha ang kanyang kamay at hinawakan nang mahigpit.

"Mamimiss kita, Dante." Nakayuko siya sa akin ng sinabi niya ito.

"You know that i will too," I smiled. Kinuha ko ang sulat sa aking bag at inilapag sa kanyang kamay. "This is my first letter to you, Elena," sabi ko sa kanya. "This is not goodbye yet. Pangako ko sa iyo babalik ako." Muli kong hinaplos ang kanyang mga pisngi at hinagod ko ito nang marahan.

Napatango siya sa akin. Muling ngumiti ako sa kanya sa bago ako umalis. Mahirap man pero lumingon ako pabalik at naglakad muli papunta sa sa pintuan nang airport. Nakita ko si mama na nakaupo sa may bintana at patuloy na naghihintay sa akin.

"Dante!" narinig ko ang kanyang sigaw at napatigil ako muli. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang tumakbo papalapit sa akin. Nang maabutan niya ako ako, kaagad niya akong niyakap nang mahigpit.

"Don't forget me," sabi niya nang bumitaw siya sa akin.

At sa aking huling salita, sinabi ko, "Never."

Niyakap ko muli siya nang mahigpit. Naramdaman ko ang kanyang mainit at nakakapanabik na yakap. Hinawi ko ang kanyang buhok at unti-unting hinalikan ang kanyang noo. "I will miss you so much, Elena," sagot ko sa kanya.

Kinuha ko ang binigay na sobre sa kanya at inilabas ang kwintas na nakaukit ang kanyang pangalan. Matagal ko nang gustong ibigay ito sa kanya, ngunit ngayon huling pagkakataon ng aming pagkikita lamang ako nagkaroon ng kalakasan upang ibigay ito sa kanya.

"Dante. Ano ito?" gulat na gulat niyang tanong.

Umikot ako sa kanya at inilagay ang kwintas sa kanyang leeg. "Eto, Elena. I know i wont be here beside you kaya binibigay ko to sa iyo so that atleast with this necklace maalala mo ako na kasama mo sa iyong tabi. "

"Thank you, Dante. I will never forget you. Remember that." Ngumiti siya nang matamis sa akin at napayakap na lamang ng mahigpit. Sa mga sandaling iyon, nakaramadam ako nang tuwa at galak sa aking puso. Kahit sa sandaling iyon, mayakap at makapiling ko muli si Elena sa aking tabi.

And that was the last time I have held her in my arms.

**************************

Elena

Dear Elena,

When the time comes you read this letter, probably I'm already at the airplane or waiting for my next flight. As I have promised, eto ang unang letter na ibibigay ko sa'yo among the letters that I will still be writing. I apologize if I can't be there beside you especially at the time you need me the most, but, hell, I hope to God that somehow this letter will reach me to you. To be honest, I'm lost at words on what to write to you. I might probably ramble or blabber words to this letter that might not really relevant. The past months I had with you had been a bliss. I never expected to be this close to you because you are the girl I have only known through others. Naalala ko tuloy when I first saw you at the faculty, sneaking around auntie's table with a stack of paper on you arms. You were beautiful that day with your hair on an uptie-do and your stunned cute face as you bit your lips when you heard my auntie raised her voice. You were pretty that day and a little bit different from what I always see on you with your stoned-look face. It was the first time I have looked at you closely and i thought you were not bad. Alright, I was just lying, you were stunningly pretty that I couldn't even dare not to look at you. I knew it was at the instant i felt something as I felt your soft warm palms to mine.

Pero mas nagulat ako nang nalaman ko na magiging tutor kita. Para akong binagsakan nang malaking bato nang marinig ko iyon kay auntie. Hindi ko alam ang gagawin ko. Deep inside, I had mixed feelings, I was pissed off with auntie for meddling with my life and I was nervous of you being close to me. My reaction to what happened didn't need an explanation for my rather affront actions with you. And you gave me a real blow, it was the first time I saw you get mad. I was taken aback by your words and actions that made me rethink of my own. At that moment, you were just more than a facade to me, you become something more. It become even deeper when you gladly accepted my apology to you at that instant. With that, I don't know how to thank you for even teaching a guy like me who was a real asshole to you. If there was just a way to reciprocate that I gladly would.

However, it was the day you almost got assaulted when things really did changed. When I saw you wailing and crying for help as you were held against his arms, it was at that time I know something have changed. Galit at inis ang lumabas sa akin nang makita kita na hawak-hawak ni Romer. I was so mad that I wanted to crush him at that moment. It was at that time, as I stared longingly at your first I have felt the urge to protect you. You were so fragile, yet so brave at the same time. I saw your tenacity and your willfulness to defend yourself against him. With that, I didn't think twice. As soon as I heard you screaming, I knew you needed my help. It was at that time I knew I felt different towards you. It was at that time I knew i was falling for you deeply.

And yet, we became close like friends as you relentlessly continued to teach me. Suddenly, I became happy again with you. I began to have the vigor to study again, to fix myself and to have the will to live a life again. All along, I wanted to see the glimmer in your eyes or the warmth of your smile. I wanted to make you happy and to see you laugh. Everyday I have with you is different and each day I know that my feelings have grown deeper for you. I can't stop it. Kaya kapag nakikita kitang nasasaktan, Elena, nasasaktan din ako dahil ayoko nang maulit ang nangyari sa inyo ni Romer. I wanted to protect you, to feel safe with me and to feel secure with me.

It was then I knew I like you. Pero hindi ko alam na habang tumatagal na pala, it was just more than that. When I heard na gusto mo nang itigil ang ating tutoring sessions, I was hurt. Nasaktan ako dahil ang nag-iisang kasiyahan na lamang sa buhay ko ay mawawala na lang nang bigla--and that was you Elena. You are the only happiness I ever have right now. That's why I wanted to talk to you. I wanted you to withdraw it--to tell me whats wrong. I knew something was wrong. I knew there was something you are still hiding from me. And fuck, it broke me when you admitted it to me. I had this mixed emotions of from your past and from you liking me. Hindi ko alam ang gagawin sa panahon iyon. It was then I knew that I didn't like you anymore, because all along from the start I am falling in love with you, Elena. Narealize ko na lang sa puntong iyon na mahal na pala kita, Elena. Fuck, Elena kung alam mo lang kung gaano kita gustong yakapin at iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal. Kung paano kong gustong isigaw na mahal na mahal kita. Wala akong pakialam sa past mo o kung ano ang nangyari sa iyo. I love you not because of your past, I love because you taught me what love is. I love every part of you, your past, your present and your future. Kaya kung isisipin mo na hindi ka karapatdapat na mahalin dahil sa past mo, you are definitely wrong , Elena. Because every part of you is the reason why I love you so much. You are the bravest and the strongest person I have ever known, kaya wag kang matakot Elena, because you can do so much--you can do better than what you think.

But now , its different, wala ako ngayon sa piling mo kahit gustong-gusto ko. I wanted to be there with you to be able to hug you or to hold you in my arms when you are sad. I wanted to see you smile again, to make you laugh and to make you happy again. And I can't right now. Magkabilang mundo na tayo at tanging magagawa ko lang ay makarating ang mga sulat na ito sa iyo. I wish I was there beside you as I hold you in my arms, reading this letter. Sana makita ko ang iyong mga mata habang binabasa ang sulat na ito, Elena. Sana kasama mo akong grumaduate o sabay tayong pumasok sa first day nang college. But all of those dreams will soon vanish into thin air...Kaya sa panahon na wala ako at hindi kita kasama, sana maalala mo pa rin ako, si Dante, that asshole guy na tinuruan mo.

Dito pa lang namimiss na kita, paano pa kaya kung umalis na ako? Kaya Elena, pangako babalik ako sa'yo. And at the time I have you in my arms again, I wont let you go.

Til we see each other next time, Elena.

Sincerely,

Dante.

Pinunasan ko ang aking mga luha, pagkatapos kong basahin ang kanyang sulat habang nakaupo ako at nakatukod sa bintana. Napapikit ako sandali at ninamnam ang malamig na simoy nang hangin. Hinawakan ko sa aking dibdib ang sulat na ibinigay sa akin ni Dante. I missed him so much. At ngayon na wala siya sa aking piling, mas lalo akong nababalisa sa kanyang pag-alis.

Napatingin ako sa kalangitan at napamasid sa maririkit na kislap na tala. Ngayon siguro nasa eroplano na siya at papaunta na sa America. Nakikita niya kaya ang mga talang nakikita ko? Napatanong ako sa aking sarili. Sandali akong napatingala ulit ako sa kalangitan at napamasid sa pinakamakislap na tala. Kinalaunan, tumayo ako sa aking upuan at kinuha ko ang aking papel sa kabinet at ballpen. Bumalik ako muli rito at nagsimulang magsulat sa blankong papel na aking hawak.

Dear Dante...

Sana rin ay makarating rin sa iyo ang aking damdamin na matagal ko nang ninais na sabihin sa iyo.

************************

Malaki ang nagbago simula nang pumanaw si Nanay Aning. Tila parang isang masamang panaginip at dumating sa akin sa kanyang pagkamatay. Hindi ko maisip ang aking pinakamamahal na lola ay pumanaw na at sumakabilang buhay. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang aking pagkabalisa at aking pagkalungkot sa kanyang pagpanaw. Gayunpaman, alam ko na nasa kung nasaan man ngayon si nanay ay nasa mabuting kalagayan na siya.

Kasabay nang pagpanaw ni lola ang pag-alis ni Dante papapuntang States. Tila walang nagbago sa school sa kanyang pag-alis. Gayunpaman, wari'y sa akin marami ang nagbago nang simulang umalis siya sa paaralan. Wala na akong tinuturuan tuwing uwian at naghahatid sa akin pauwi ng bahay. Parang lahat nang pangyayari nang simula noong hindi ko pa siya kilala ay bumalik lahit sa dati noong hindi ko pa siya kilala--And I miss him. I miss him so much na animo'y hinahanap ko ang kanyang boses at ang kanyang mga banayad at komportable na mga yakap.

The only good thing about this is that atleast naandito pa ang aking mga kaibigan that fills up the emptiness I have inside. Pagkatapos ng libing ni lola, mas lalo kaming naging close ni Samantha, ganun na rin si Sam kay Melai. Paminsan-minsan siya ang kasama ko sa library bago umuwi. Kung minsan naman sinasamahan ako ni Melai pauwi sa amin at sa gayon paraan para na rin nakakalimutan ko ang pagkabalisa ko sa pag-alis ni Dante at pagkamatay ni Nanay aning.

Miyerkules ngayon, kaya pagkatapos ng klase, nagpunta ako sa silid ng school newspaper at gazette ng school. Habang hawak ko ang printed article sa itinalagang balita sa akin, dumeretso ako sa aming punong patnugot, na si Kassandra, na nakaupo na sa kanyang silid. Nang makita ko siyang gumagawa sa lamesa na mag isa, inilagay ko ang folder sa kanyang harapan kasama ng iba pang mga articles para sa approval ngayon buwan.

Napansin niya ang folder na nilapag ko sa lamesa. Napataas ang kanyang kilay rito at nagtanong sa akin, "Tapos mo na kaagad? Ang bilis naman."

Tumungo ako. "Yup, as soon as pagkasabi mo sa akin. Ginawa ko na kaagad." Binuksan niya ang folder at binasa niya ang laman ng article.

Umupo ako sa harapan, habang naghihintay sa kanyang approval. Alam ko na bilang managing editor, madalang na lang ako gumawa ng mga balita, ngunit hiniling ko mismo sa kanya na ako ang magsulat ng article na ito. Dahil alam ko, sa puso ko, ako dapat ang gumawa ng article na ito. Malaking bagay ang article na ito sa akin, lalo't na ito na mismo siguro ang pinakamahalang balita na aking inilathala.

Ngumiti siya sa akin. "Nainterview mo si Samantha Tucson? Nakuha mo ang storya niya?" Tanong niya sakin.

Tumungo ako sa kanya."Yup. I did," sagot ko.

"Good. Would you include yours?" Dagdag niyang tinanong sa akin.

Bago ako tumango sa kanya, huminga muna ako nang malalim, "Yes. I did." Alam kong hindi ko naman maihihiwalay ang nangyari sa amin ni Romer lalo't na kumalat ang litrato namin sa buong campus. Kahit dito man lang ay mabigyan linaw ang totoong pangyayari noong araw na iyon.

Napatingin muna siya sa akin nang sandali bago sumagot, "Alright. Sige I'll recheck this later and ipapa-approve ko kay Mrs. Acosta," dagdag niya.

"Do you think papayagan kaya tayong ipublish ang report na to sa school body?" Tanong niya sa akin na may pag-alinlangan.

"You don't have to worry about that Elena. Monthly basis naman ang paglabas ng newspaper natin. This is a news na kailangan malaman ng lahat to be aware. Don't worry about it. Atsaka kukuha rin ako ng advice kay Ms. Acosta for approval." Sabay niyang sinabi.

Tumungo ako at matipid na ngumiti sa kanya. "Thanks, Kassandra." Sa lahat na naging edito-in-chief na aking nadaanan, siya ang pinakagusto ko, may tapang tinik at walang tinatakutan. Dalawang taon ko na rin siyang nakasama sa newspaper team at sa mga panahon na iyo, siya lang ang journalist ko na nakilala ko sa school na totoo at tapat sa kanyang balita. Kung kaya't noong ibinigay sa kanya ang position, malaki ang tuwa ko.

"No problem. By the way pala, today let sort out the content for the next month issue, and paki edit at i-recheck mo nga itong mga articles bago natin ipa-approve kay Ms. Acosta." Ibinigay niya sakin ang isang bungkos ng mga folder na naglalaman ng mga balita galing sa mga kagrupo namin.

"Yeah sure." Tumungo ako sa kanya, kinuha ang mga folder sa lamesa at umupo sa bakanteng upuan na mayroon kompyuter.

*****************************

Pagkatapos ng ilang linggo, lumabas na ang issue namin para sa Septyembre, kasama na roon ang editorial article na aking ginawa. At last, ang matagal na issue patungkol sa amin ni Romer ay mabibigyan linaw na rin. Matagal ko rin itong pinag-isipan bago ako nagdesisyon na gawin suhestiyon ito kay Kassandra. Nang malaman niya ang buong pangyayari sa amin, hindi na siyang nagdalawang isip na i-approve ito. Nang sumang-ayon siya rito, dali-dali ko agad na ginawa ang article na ito. Sa wakas, magkakaroon na rin ng hustiya ang nagyari noon kay Samantha at kay Romer. Mabuti na lamang at pumayag si Samantha na isawalat ang issue na ito sa buong campus.

Nang lumabas ito sa campus, kumalat ang article sa buong student body at pati na rin sa buong faculty members. Halo-halo ang mga opinion ng mga studyante sa article, Ang Pagsisiyasat: Romero vs. Tucson-Payton. May mga tao na sumasang-ayon, hindi sumang-ayaon at meron rin naman na ayaw magbigay ng opinion. Maraming tao ang nakiramay at mari rin naman mga studyante ang hindi makapaniwala sa nangyari. Mayroon rin mga studyante na hindi naniniwala rito. Gayunpaman, maniwala, man sila o hindi, alam ko na bawat salita at pangungusap na aking itinila ro'n ay pawang katotohanan lamang.

Nang simula kong kuhanin ang article na ito, alam ko na malaki ang epekto nito hindi lang sa buong campus kundi sa dalawang simuno ng balita. Malaki ang alinlangan ko bago pa man lumabas ang article sa publiko, kung kaya't binigyan ako ng kapanatagan ni Kassandra na walang ano mang gulo ang mangyayari sa paglabas nito. Gayunpaman, nagkatotoo nga ang kutob ko, lumabas ang article at ginawang usapan ng buong campos, faculty at pati na rin ng administrasyon.

Kinausap ko si Samantha tungkol sa article, at sumang-ayon naman siya sa aking mga sinulat. Gayunpaman, hindi ko na nasilayan anf mukha ni Romer dahil simula nang lumabas ang balita, hindi na siya pumasok.

Nasa bakanteng balkoniya kami ni Samantha, habang kausap siya. Kung ikukumpara ko ang pag-uusap namin noong nakaraan na ininterview ko siya, mas magaan ang kanyang itsura ngayon, na tila nawala na ang pagkabalisa at takot niya. Malaking tuwa ko ng makita ko ito.

Hawak ko ang kamay niya at nagsalita, "Kamusta ka na, Samantha? Okay ka na?"

Tumungo siya at nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. "Oo ate, okay na ako. Sigurado ako wag kang mag-alala. Narealize ko na kailangan din malaman nang lahat ang totong nangyari. Ikaw Ate Elena?" Tanong niya sa akin.

Kinakabahan ako sa mangyayari pero ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Mabuti naman. Atleast ngayon makakahinga ka na nang maluwag. Wag kang mag-alala hindi ka namin papabayaan ni Ate Kassandra at ni Mrs. Ramos."

Naikwento ko kay Mrs. Ramos ang kaso ni Samantha, pati na rin ang ginawa kong editorial article. Nagalinglangan siya sa paglabas ng article, ngunit sumang-ayon din siya sa kalaunan nang malaman niya ang buong pangyayari.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Samantha, tinawag kami ni Kassandra ng Principal sa mabilis na pagkalat ng article at pagpatuloy na paggambala sa mga studyante. Bago ako pumasok ng opisina, napatingin ako kay Kassandra na papunta rin sa opisina ng Principal. Wari'y papunta siya sa opisina na walang bakas ng takot at pag-aalinlangan.

Tinawag niya ako at pumunta papalapit sa akin. "Ready ka na?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin, napatungo lang ako at sabay naming binuksan ang pintuan ng opisina. Pagbukas namin ng pintuan, nakita namin si Ms. Acosta, facilitator namin, si Romer Romero, ang kanyang mga magulang at ang principal na nakaupo sa gitna.

Umupo kami sa bakanteng upuan katapat ni Romer. Napalunok ako at napakulot ng aking mga daliri.

"Buti naman at naandito na kayong dalawa." Ukol ni Mrs. Santos ang principal namin.

"Tungkol po ba ito sa article?" Sabi ni Kassandra na walang bahid na takot sa kanyang boses.

Tumungo si Mrs. Santos. "I want to discuss the editorial article released, Ms Kassandra Sy. Did you release this without the approval of Ms. Acosta." Tanong niya.

"I let Ms. Acosta approve the article. As What i have read ma'am, there isn't any bias or misdirection in the article ma'am. it is purely based on facts and not opinion po." Sagot ni Kassandra.

"I was the one who did the article ma'am and before I made the article. I informed Ms. Tucson about my upcoming article and they were alright with it, as far as what i understood from our conversation," sinabi ko, sabay higpit ng paghawak sa aking palda

"But you didn't get the approval of my son. I don't think it is right for this student to blatantly accused my son of doing such thing." laban ng ina ni Mrs. Romero, ang nanay ni Romer. "Mali naman ho ata na sirain ang anak ko at hindi na makapasok."

"Sige ho ma'am, we'll get through this right away po. Wag ho kayong mag-alala, pagkatapos po ng araw na ito, ititigil na po namin ang pagrelease ng article," itinala ni Principal Santos.

Napatingin ang mga matatalim na mata ni Romer sa akin na wari'y galit na galit.

Hinwakan ko ng mahigpit ang necklace na nakapalibot sa aking leeg habang nakamasid ng malalim kay Romer.

Nanay Aning, tulungan ninyo po ako. Alam ko po ito ang gusto niyong gawin ko po. Ang lumaban at magpakatatag.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking kamay at tiningnan nang deretso si Romer.

Hanggang dito ka na lang, Romer, dahil sisiguraduhin kong hindi ka makakagraduate. Ipinangako ko sa aking sarili.

********End of Chapter 20*******