Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 22 - Unang Yugto: Katapusan

Chapter 22 - Unang Yugto: Katapusan

Elena

Napatigil sa pagsasalita si Principal Ramos nang may narinig siyang katok mula sa pintuan. Mismo kami rin ay nagulat at napatingin sa taong nagsimula nang tunog nang ito. Nang bumukas ang pintuan, nanlaki ang mata ko nang makita ko bigla si Samantha nakatayo kasama ang kaklase ko na si Wenna sa kanyang likuran. Napatayo ako kaagad sa akin upuan at at biglang napasalita. "Samantha? Wenna?" Lumingon ako at napansin ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Kassandra.

"Ano ang ginagawa mo rito Ms Tucson at Ms. Garcia?" Saad ni Principal Ramos na may diin sa kanyang boses. Nakita kong napatingin nang halo-halong reaksyon si Romer sa kanilang dalawa. Napaayos siya sa kanyang upuan at napalunok ng malalim. Napansin ko ang pag-igting nang kanyang panga at ang paghapit ng kanyang mukha.

Napatikhim si Samantha. Ramdam ko ang kanyang kaba sa dibdib nang binuksan niya ang kanyang bibig. "May kailangan po kayo malaman ma'am," ukol nito sabay napaupo sila sa bakanteng upuan sa na nakasandal sa pader.

"At ano iyon, Ms. Tucson? Ano pa ang dapat kong malaman bukod sa nakasulat dito sa article? Totoo ba ang lahat nang inisaad ni Ms. Payton sa artikulong ito?" Tanong ni Principal Santos na may panunuri.

Napatingin kami lahat sa kanyang sagot. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang kamao na nakatukod sa kanyang kandungan. Lumunok siya nang malalim bago magsalita. "Opo. Totoo po ang lahat nang nakasaad po sa article. Si Wenna po mismo ang magpapatunay. Nalaman ko po na naroon po siya sa panahon nang...pangyayari pong iyon..." nanginginig at mahina niyang paliwanag habang nakayuko sa amin.

Napataas ng kilay si Principal Santos, "May kinalaman ka ba dito Ms. Garcia?"

Tumingala si Wenna sa kanya at napakagat sa kanyang labi. Napansin ko ang kanyang kaba sa pagkulot nang kanyang mga daliri. Tumungo siya kay Principal Santos. "Meron po. Ssa--ak-in p-po galing ang litrato na kumalat po...ma'am," nauutal niyang sinabi.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon sa kanya. Si Wenna? ang seatmate ko ang nagkalat nang litrato namin ni Romer? Pero paano? Laking tanong ko sa aking sarili na tila umiikot sa aking utak. Tila hindi pa rin ako makapaniwal na may kinalaman siya rito.

Biglang tumahimik ang paligid at tanging ang aircon mula sa pader ang naririnig lamang. Humalukipkip si Principal Ramos at napatukod sa kanyang lamesa. "Ikaw ba ang nagpakalat nang litrato, Ms. Garcia?"

Umiling si Wenna. Mas lalong kumunot ang kanyang mga kamao. "Hindi po."

"Kung gano'n Ms Garcia. Kilala mo ba kung sino?" Tanong ulit ni Principal Santos na naghihintay ng sagot.

Napalingon ako kay Romer at napansin ko ang pag-igting ulit ng kanyang panga. Hindi siya tumingin kay Wenna at nakayuko lang sa kanyang upuan habang nakasalikop ang kanyang mga kamay.

Napalingon si Wenna kay Romer at kay Samantha. Napansin ko ang pagtungo niyo rito. Lumingon muli siya kay Principal Santos at saka bumalik muli kay Romer. Unti-unti niyang iminuwestra ang kanyang braso at tinuro niya parito sa lalaking nakaupo sa aking harapan. "Siya po...ma'am. Si Romer po ang nagkalat. Napansin niya po ang litrato nila ni Elena nang kausap ko po ang kaibigan ko po sa corridor. Lumapit po siya sa amin at bigla na lang pong nagalit. Umalis po siya pagkatapos noon at iniwan niya po kaming dalawa na gulat na gulat sa kanyang ginawa. " Napalunok siya. Lumingon muli ang kanyang mata kay Romer at nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang akala ko po no'n wala na po siyang gagawin, ngunit laking gulat ko na lang nang uwian bigla niya po akong hinila sa bandang c.r. at binantaan. Sa sobrang takot ko po dahil po sa nakita ko po na ginawa niya kay Elena binigay ko po ang litrato sa kanya at binura sa aking phone. Pagkatapos po no'n nalaman ko na lang po na kumalat ang litrato sa buong campus. Hindi ko po sa inyo dahil sa sobrang takot ko po..." Napatingin si Wenna sa akin at humingi ng pasensya, "I'm sorry Elena kung hindi ko man nasabi. Natakot ako na baka masapit rin ako sa nangyari sa inyo ni Samantha."

Tumango ako sa kanya. "It's okay, Wenna. Naiintindihan ko na--" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang narinig ko ang malakas na boses sa akin kaliwa.

Lumingon ako at napansin kong tumayo sa upuan ang ina ni Romer at naghuramentado. "That's preposterous, hindi kayang gawin yan nang anak ko. Alam ko dahil hindi klaseng ganyang bata si Romer. Hindi ko siya pinalaki nang gano'n," galit na galit na depensa nang ina ni Romer.

"It's not true. Hindi ko nga kilala ang babae na 'yan,' asik ni Romer.

"Kumalma po kayo ma'am. We'll get through this," saad naman ni Principal Santos. "At ikaw naman Mr. Romero, enough. If nalaman ko na totoo ang ginawa sa mga studyanteng ito, alam mo na ang mangyayari , Mr. Romero. You know that assault in any form is gravely against the school policy lest the law, kaya umayos ko kung ayaw mong mapatalsik dito sa school at mapakulong."

Napatahimik sa paghalinghing si Romer at napaupo muli sa kanyang upuan. Tumingin siya nang matalim sa akin at napa-uyam.

"Totoo ba lahat nang sinasabi mo Ms. Garcia?" tanong ni Principal Santos kay Wenna. "Wag kang matakot ineng. Naandito kami na proprotekta sa iyo." Lumibot ang kanyang mata sa akin, kay Samantha at kay Romer.

Hinawakan ni Samantha ang kamay ni Wenna at sinabing, "Ate, wag po kayong mag-alala." Gusto kong yakapin at pakalmahin si Wenna sa panahong iyon, subalit hindi ko magawa sa layo nang upuan ko sa kanya.

"Just tell the truth, Wenna. We are here to help you," sabi ko sa kanya. Hindi ko hahayaan na muling makabiktima si Romer nang isa pang estudyante. Hindi na rin siya makakatakas sa kasalanan at kawalanghiyaan niyang ginawa sa amin ni Samantha. Kailangan nang malaman nang buong campus ang totoong nangyari nang wala ng mabiktima si Romer na isa pang studyante. I won't give up until he paid for his actions. Ngayon alam ko na hindi na ako kailangan matakot at mangaba pa dahil hindi dapat ako magbayad nang kasalanan kun'di ang mga taong nanakit sa akin. Ipinangako ko kay Nanay Aning na kailangan kong maging matatag ako at matapang.

Mahina siyang tumango kay Principal Santos. Nanginginig niyang kinuha ang kanyang cellphone at dahan-dahan na binigay ito kay Principal Santos. "Eto po. Nakakuha po ako nang video nang nangyari. I know I should have help them...pero sa sobrang takot ko po video lang po at litrato ang nakuha ko po. I'm really sorry Samantha and Elena, I should have helped you when I had the chance. Edi sana hindi aabot sa ganito..." paliwanag niya muli sa amin.

"There's a fucking video? You fucking bitch!" Nagalit si Romer, tumayo siya sa kanyang upuan upang sunggaban si Wenna, ngunit bago pa man mangyari iyon hinila siya ng kanyang ina pabalik sa kanyang upuan.

"Anak! Romer!" sabi nito sa kanya.

"Language Mr. Romero. Sinasabi ko sa'yo kapag hindi ka tumigil sa pagwawala, wala ka ng eskwelahan na mapapasukan," ismid ni Principal Santos.

Pinindot ni Principal Santos ang play button at pinanood ang video kasama namin. Pansin ang pangangatal ng kamay ni Wenna habang binebidyuhan kami ni Romer. napalunok ako sa aking napanood. tila bumalik nanaman ang pangyayari iyon sa akin na tila sariwa pa sa aking utak. Nakapatong siya sa akin habang sinusubukan kong pumiglas sa kanyang mga mahigpit na hawak. Narinig ko ang kanyang ungol at ang aking malakas na pagsigaw na humingi nang tulong. Akmang kitang-kita mismo sa video ang ginawang karahasan ni Romer. Lumibot ako sa kanyang pwesto at napansin ko ang pagyanig at pag-giit ng kanyang katawan.

Hindi na natapos ang video nang simulang magwala ulit ni Romer. Sa sobrang galit nito, napahampas siya sa kanyang upuan at napalapit sa akin. "Thats fucking not true. Hindi yan totoo! Ikaw ang may gusto sa akin. Lumapit ka pa nga diba dahil gusto mo ako. You filthy bitch!"

Napahilig siya sa akin at mariin niya akong sinakal sa leeg. Naramdaman ko ang pagtigil nang aking hininga sa mahigpit niyang hawak. Uminit ang aking buong katawan na tila namimilipit sa sakit ng kanyang pagsakal. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay sa aking leeg at sinubukan alisin ito. Gayunpaman, nabigo ako sa kanyang marahas at mahigpit na pag-ipit sa aking leeg.

"You may hurt me but you can't break me," mahinahon ngunit nagbabanta kong sinabi.

"Bwiset ka!" Namumula ang kanyang mata habang sinabi niya ito.

Kaagad naman na hinila siya papalayo sa akin ni Mrs. Romero at ni Principal Santos. Napaubo ako nang malakas nang maramdaman ko ang pag-alis ng kanyang kamay sa aking leeg. Umupo ako pabalik sa akin upuan habang nadama ko ang haplos ni Samantha at Kassandra sa aking likuran.

"Mr Romero, under no circumstances you have a right to do that infront of me or to anyone! At sa harapan ko pa talaga mismo! Pinapakita mo lang na talagang totoo ang nangyari sa video!" Galit na galit sinabi ni Principal Santos.

Tinulak pabalik sa upuan si Romer habang hawak siya ng kanyang ina na walang masabi sa kasalukuyan. Napabuntong-hininga si Principal Santos panandalian at muling bumalik sa kanyang lamesa. Binalik niya ang phone ni Wenna at saka sinaklop ang kanyang kamay sa lamesa.

"Maraming Salamat sa video Ms. Garcia." Napatikhim siya muli at napatingin ka Romer. "Clearly, makikita naman sa video kung ano talaga ang nangyari. This is a very crucial case. You assaulted not one but two female student, Mr. Romero. For this, I'm sorry Mrs. Romero, pero naayon po mismo sa polisiya ng paaralan na grave offense po ang ginawa nang inyong anak. Im sorry misis but I have no choice but to give your son an expulsion. Malaking kaso po ito na umabot na mismo sa buong campus. " Napatingin sa akin si Principal Ramos, "It is up to the student involved if they want to sue your son for sexual assault and rape. I hope you understand, but your son did a heavy sin against Ms. Payton and Ms. Tucson."

Nakita ko ang biglang pagbuhos ng luha ni Mrs. Ramos sa sinabi ni Principal Santos. habang sa kabilang banda naman, nanigas si Romer sa kanyang pwesto na tila hindi makaimik. Gayunpaman, kitang-kita ang walang pagsisisi sa kanyang mukha na anlilisik at nanggigil sa galit.

"You cannot do this to me. Wala akong kasalanan!" Sigaw nito kay Mrs. Ramos. "Bakit ko kailangan ma-expel?"

"That is enough Romer. Wala ka ba talagang awa? Ikaw mismo ang nanakit sa mga studyante at may gana ka pang magalit?" sambit ni Kassandra na kanina pa nanggigigil sa galit.

"Ikaw isa ka pa! isa ka pang nakikisaling babae ka!" Hiyaw niya rito.

Nakarinig kami nang kalampog sa lamesa. Natahimik ang dalawa at napatingin kay Principal Santos. "Tama na iyan! Stop it Mr. Romero! At exactly this time and date, I hereby expel you from this school at wala na mismong magtatanggap na eskwelahan sa iyon. Please, magtanda ka na Mr. Romero dahil malaking kasalanan ang ginawa mo."

Napatahimik si Mr. Romero sa sinabi ni Principal Santos. Bumalik siya sa kanyang upuan at napasandal habang ang nanay niya ay patuloy pa rin na umiiyak sa kanyang tabi.

Pagkatapos yaon, naging mabilis ang proseso. Napagpasyahan namin ni Samantha na kasuhan si Romer nang sexual assault at rape, para sa gayon paraan hindi na siya makapahamak nang iba. Lumabas ang iba't-ibang mga reaksyon sa campus sa kanyang pagkaalis sa paaralan at sa kanyang nangyayaring kaso. Marami ang nagulat at nabigla sa pangyayari na naging malaking usapan sa mga studyante at sa faculty. Mas humigpit ang systema at polisiya ng paaralan dahil sa pangyayari naganap kay Romer. Simula ngayon pinatupad na nila ang mahigpit na curfew ng uwian nang mga studyante upang maprotektahan ang bawat siguridad nito.

Walang nagawa ang kanyang mga magulang rito dahil sa ebidensyang inilabas ni Wenna. Nalaman rin namin mula sa kanyang kaso na hindi lamang kami ang kanyang nabiktima kun'di iba rin studyante sa aming paaralan na nanahimik sa kanyang marahas na paggahasa sa kanila. Dagdag pa rito, nalaman rin sa hukuman na gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na droga si Romer lingid sa kaalaman ng buong campus at faculty. At dahil rito, hinatulan si Romer ng reclusion temporal sa loob ng fifteen years na pagkakakulong. Tanging kapatawaran lang ang nakuha namin galing sa kanila nang wala na silang magawa sa patuloy na kaso ng kanyang anak. Hindi na siyang muling pumasok at kaagad napakulong sa juvenila prison kung saan ang mga katulad niyang nagkasali rin ay nakakulong at nagbabayad nang kasalanan.

Simula nang kanyang pagkakulong, nanahimik na ang buong paaralan na wari'y nabalot na muli nang katiwasayan at katahimikan.

*************************

Nang mamatay si lola, sinarado na ang dating tinitirhan namin ni Nanay Aning. Kinupkop ako ni Tita Soledad na natatanging kilala kong kapamilya. Halo ang emosyon ko ng malaman kong lilipat ako sa lanila. Natutuwa ako dahil ngayon makakasama kong labis ang aking mga pinsan at nababagagabag naman ako dahil ayoko muling makasama ang taong bumaboy ng sa aking pagkatao. Ayoko man sa una dahil sa nangyari sa akin sa bahay na ito, ngunit pumayag na rin ako dahil wala pa ako sa edad upang magsarili.

Gayunpaman, kung hindi kay Tita Soledad, hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit hindi siya nagpagamot nang maaga. Matagal na pala niyang iniindang ang kanyang sakit upang makapag-ipon lamang ng pera para sa aking pagkokolehiyo. Hindi ko mapigilan umiyak ng malaman ko ito kay tita. Nabalot ng pagkabalisa at pagkayamot ang aking emosyon sa kanyang buong pagkawala. Hanggang pa naman sa kanyang pagkamatay, ako pa rin ang tangi niyang inaalala. Kung sana naandito lamang siya upang mayakap ko at makasama ko muli para makapagpasalamat sa lahat ng kanyang ginawa sa akin. Dahil kung hindi dahil sa aking lola, hindi ko mapagtatanto ang mga bagay na dapat kong matutunan at malaman. Dahil sa kanya, natuto akong lumaban at maging matatag. Hinding-hindi ko siya makakalimutan, ang lola ko na nagmahal sa akin nang tunay.

Kakatapos lang nang aming final exams at pauwi na ako sa bahay ni Tita Soledad nang biglang nakita kong tumatakbo ang pinsan kong babae sa gitna ng kalsada. Napatigil ako sandali at napakurap ng mata. Bumilis ang paglalakad ko sa kanyang paroroonan at napatigil sa kanyang harapan. Napansin ko ang kanyang matinding paghikbi at pagkabahala. "Mina? Anung ginagawa mo sa labas ng bahay?" Napakunot ako sa noo.

"Si tatay po. Ate! Sinasaktan nanaman po si mama!" tugon habang tuloy tuloy ang kanyang paghagulgol. Kinuha ko ang kanyang kamay at tinahak namin ang daan pabalik nang bahay.

"Ano ang nangyari, Mina? Paano nagkaganito?" Tanong ko sa kanyang habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada.

"Si tatay po kasi ano ate..." Napatigil siya at napayakap sa kanyang sarili. "Nakita po ni mama si tatay na sinasaktan po ako kaya po nagalit si tatay sa kanya. Sabi po ni mama humingi po ako nang tulong kaya lumabas po ako," hikbi niya sa akin.

Hinila ko siya ng marahan at niyakap ko siya nang mahigpit at pinatahan. "Si Miguel, Mina ang kapatid mo nasaan na?" Muli ko siyang tinanong.

Umiling siya sa akin habang patuloy sa pag-iiyak. "Wala po po si kuya ate. Hindi pa po siya umuuwi."

Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib habang pinagmamasadan kong umiiyak an aking pinsa. "Tahan na Mina, naandito na si Ate Elena. Hindi kita pababayaan," sabi ko sa kanya.

Hindi na ako nagulat nang pagbukas ko ng pintuan hawak-hawak ni Toto nang mahigpit ang pisngi ni Tita Soledad na umiiyak.

"Tama na Toto! Maawa ka naman sa anak mo! Anak mo iyan. Kadugo mo!" nagmamakaawang pakiusap ni Tita Soledad.

"Punyeta ka! Sino ba nagsabi na makigulo ka ha? Ha? Putang-ina naman oh, Soledad! Wag ka kasi makisabat! Sinabi ko naman sa iyo diba, hindi ka masasaktan kung hindi ka makikisawsaw!" tugon nito sa kanya

Dali-dali kong inurong si paatras si Mina at dumeretso papunta sa kanila. Kinuha ko ang kamay ni Toto na nakapisil sa pisngi ni tita at inalis ko ito.

"Tama na ho iyan, nasasaktan si tita!" asik ko sa kanya.

Nanlisik ang kanyang mga mata sa akin at lumapit. Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking pisngi at mga labi. Naramdaman ko ang pagnginig ng aking buong katawan sa kanyang ginawa kung kaya't kaagad kong hinampas ang kanyang kamay. "Wag mo akong hawakan. Hinding-hindi na muli mangyayari ang ginawa mong pagbababoy sa akin noong kabataan ko," usal ko na may pagyayanig sa aking boses.

"Ikaw pala, Elena." Lumapit siya sa akin pwesto at pinisil ang aking pisngi. Kinabahan ako sa kanyang ginawa na tila'y lumakas ang pagbugso ng aking puso sa takot. "Hindi ba't nagustuhan mo naman? Nakailang ulit nga tayo eh. Alam kong masaya kang ginagawa ko sa iyo 'yon." Ngumisi siya sa akin na may kabalakyutan.

Nasuka ako sa kanyang sinabi. Itinulak ko siya papalayo sa akin at lumapit sa aking pinsang babae. Ayokong mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Hindi ko hahayaan niyang babuyin ang pinsan kong musmos pa lamang.

"Ate..." hikbi niya sa akin.

"Toto, layuan mo si Elena! Tama na ang pagsasamantala mo! Itigil mo na please! Toto para sa atin mga anak," lumuhod si Tita Soledad sa kanya habang nagmamakaawa.

Gayunpaman, kaagad niyang inalis ang kamay nito at lumapit sa akin. "Bitawan mo si Mina," sabi nito sa akin.

"Hindi. hindi mo siya makukuha sa akin," sinabi ko na may kombiksyon. Lumingon ako kay Mina at tinawag ko siya sa akin likod, "Mina, tumawag ka ng barangay tanod..." sabi ko sa kanya.

"Pero ate..." tugon nito sa akin.

"Bilis Mina," nagmamadaling sinabi ko sa kanya.

"Puta Mina! Bumalik ka rito!" sigaw nito sa kanyang anak.

Ngunit bago pa man marinig ito ni Mina, ay tumakbo na siya palabas nang bahay. "Wala ka nang masasaktan muli Toto," asik ko sa kanya.

"Punyeta ka Elena, pabalikin mo ang anak ko rito!" Sigaw nito sa akin. Narindi ang tainga ko sa kanyang ginawa. Sa sobrang inis ko itinulak ko siya papalayo sa akin at napasigaw, "Hinding-hindi mo magagalaw si Mina, Toto! hinding-hindi ko iyon hahayaan." sigaw ko.

Napatawa siya sa akin sinabi na tila parang nababaliw. Gumewang-gewang siyang papalapit muli sa akin, ngunit bago pa man niya ako mahawakan sinipa ko siya ng aking tuhod sa kanyang ari kung saan ang punot-dulo nang kanyang mga kasalanan.

"Arggghhh! Putang-ina ka," ungol nito nang maramdaman niya ang hapdi sa kanyag pang-ibaba.

Habang namimilipit siya sa sakit, kaagad kong tinulungan na paupuin si Tita Soledad na sugatan at duguan sa sofa. Hinaplos ko ang kanyang likod at pinakalma. "Tita wag po kayong mag-alala, nagpatawag na po ako ng barangay tanod."

"Salamat, Elena," hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. "Patawad Elena, alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Kung sana hindi ako natakot noong araw na iyon, naligtas sana kita sa panggagahasa ni Toto," hinaplos ni tita ang aking pisngi habang patuloy na umiiyak.

"Wala na po iyon tita. Napatawad ko na po kayo. Ang importante po ngayon ay ligtas po tayo," saad ko sabay niyakap ko siya nang mahigpit.

Sa una, malaki ang hinanakit ko sa tita ko kung bakit niya hinayaan akong magahasa nang kanyang asawa. Hindi ko alam bakit sa mga panahon na iyon, hindi man lang niya ako nagawang tulungan. Ano ba ang giniwa ko sa kanya upang maranasan ko ang ganitong kapangahasan? Iniisip ko na baka galit siya sa akin kaya hinayaan niyang saktan ako nito o kaya naman ayaw niya sa akin dahil namatay ang mga magulang ko dahil sa akin. Maraming tanong na bumalot sa akin isipin. Bakit ako? Bakit kailangan pang mangyari ito sa akin? Bakit namatay ang magulang ko? Bakit lahat nang taong minamahal ko iniiwan akong mag-isa? Hindi ko naman ito deserve. Naging mabuti naman akong tao at anak sa aking magulang. Pero bakit? Gayunpaman, napagtanto ko kung hindi ito nangyari sa akin, hindi ko makikila nang mabuti ang sarili ko at hindi ko magagawang maging matatag at matapang.

I realized everything happens for a reason, even if it's dark or wretched, because if it wasn't for the darkness you wouldn't value the significance of light.

"Its okay na po tita...Naiintidihan ko po ang takot ninyo dahil naging biktima rin po kayo ni Toto," dagdag ko rito.

"Elena--" Magsasalita na sana si Tita Soledad ng biglang dumating ang mga tao galing barangay kasama si Miguel, ang pinsan kong lalaki at si Mina. Tumakbo palapit sila sa amin at niyakap nang mahigpit si Tita Soledad.

"Mama!" Tawag ni Mina.

"Ma, sinaktan nanaman po ba kayo ni tatay?" Nagtatakang tanong ni Miguel pagkatapos niyang yakapin ang kanyang sugatan na ina.

Hinaplos ni Tita Soledad ang pisngi na Miguel at tinapik ang kanyang buhok. "Wala ito anak, okay na si nanay."

Niyakap niya muli ang kanyang dalawang anak nang mahigpit. Napangiti ako sa kanilang tatlo, tila sa panahon na iyon, naalala ko ang banayad at mapagmahal na yakap sa akin ni Nanay Aning.

Napalingon ako sa kabilang banda at nakita ko naman na hinawakan nila nang mahigpit sa braso si Toto. Pumiglas ito sa kanilang hawak, ngunit hindi rin siya nakawala kinalaunan. Patuloy ang kanyang paghuhuramentado, bagkus kaagad na pinosasan ang kanyang mga kamay. Napalingon naman ako pabalik kay Mina nang maramdaman ko ang init ng kanyang pagyakap sa akin.

"Ate, okay lang po ba kayo?" Tanong nito.

Hinawakan ko nang marahan ang kanyang pisngi at ngumiti. Tila naramdaman kong nahulog ang aking luha sa sobrang tuwa at saya. Malawakang ngumiti ako sa kanya. At sa pagkakataon na iyon, nakaramdaman ako nang pagkaluwag ng aking dibdib.

"Okay na okay, Mina." Niyakap ko siya nang mahigpit habang pinagmamasdan kong kinukuha nang barangay ang lalaking nanakit sa akin.

"San po nila dadalhin si tatay?" Tanong naman ni Mina.

Binitawan ko ang aking paghawak sa kanya at hinaplos ang kanyang mahabang buhok. "Sa lugar kung saan hindi ka na niya masasaktan, Mina."

Napangiti muli ako nang lumibot ang mata ko sa litratong ni Nanay aning na nakalapag sa lamesa. Tumayo ako sa aking upuan at lumakad papunta ro'n. Kinuha ko ang kanyang litrato at saka niyakap sa aking dibdib. Kahit wala na si nanay, wari'y nadarama ko pa rin ang kanyang presensya . Napapikit ako sa sandaling iyon nang maramdaman ko ang nababalot na init ng hangin pumapalibot sa akin.

Sa wakas nay, I never felt so happy in my entire life. Thank you so much for being there for me. I love you, nay. Always.

*********End of Book One***********