Mahigit dalawang oras na kami nasa biyahe at wala pa rin kami sa aming paroroonan. Naka-stand by kami sa highway habang naghihintay umusad ang mga sasakyan na nakatirik sa daan. Nakasalumbaba ako at nakasandig sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasadan ang pagbugso ng kadilim sa mga ulap. Tinuro ko ito ng aking mga daliri at iginuhit sa babasagin na salamin na humaharang sa amin.
"You still okay there?" Tanong ng lalaking nasa tabi ko habang pinihit niya ang manobela ng kanyang sasakyan.
Napalingon ako sa kanyang at pahapyaw na tumingin. "Oo." Tumango ako kahit na nararamdaman ko na ang dagundong nang aking nagugutom na tiyan.
"Are you sure you aren't hungry? Mukhang gutom ka na." Tanong niya muli sa akin habang kinukuha ang kanyang sandwood satchel bag na nakapatong sa likod.
Bigla kong naramdaman ang bigat sa aking kandungan nang ibato niya ito sa aking harapan. "Ano ito?" Tanong ko.
"I have a spare energy bar there that you can grab. Sa iyo na lang," ukol nito sa akin.
"Okay lang. Meron naman akong pagkain sa bag ko," nagsinungaling ako.
Tinaas niya ang kanyang kilay habang patuloy na nakatutok ang kanyang mga mata sa daanan. "Ms. Payton kunin mo na iyan bago pa kita madala sa ospital dahil sa gutom," sabi nito sa akin.
Dahil doon, hindi na ako nag-alinlangan na kunin ito sa kanyang satchel bag. Dinukot ko ito sa may harapan at binuksan. Nakaramdam ako ng kaonting kasiyahan nang dumaloy ito sa kaibutaran ng aking kumakalam na tiyan.
"Salamat, Attorney." Napatikhim ako. Ibinalik ko muli ang kanya bag sa likod ng upuan at ninamnam ang energy bar na kanyang binigay.
Hindi na kami nag-usap pagkatapos noon. Tila nabalutan kami nang nakakapagpabagabag na katahimikan at tanging naririnig lang namin ay ang ugong ng hangin na lumalabas sa aircon ng kanyang sasakyan. Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi dahil sa nakakabalisang katahimikan pumapaligid sa amin. Ilang oras na rin kaming naandito sa loob na hindi nagpapansinan o nag-iimikan. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagpumilipit ng akin pantog na kanina pang gustong umihi.
"Um..."mahinahon kong sinabi.
Napalingon siya sa akin nang marinig niya ang aking boses. Tinaas niya ang kanyang kilay at nagtanong, "May problema?" Nagsimulang magsiusod ang mga sasakyan sa daanan. Pinihit niya ang kanyang manobela at umikot sa kanan kung saan may malapit na gasolinahan.
Napakagat muli ako sa aking labi. "Ano kasi. Naiihi ako. Kung okay lang na magstop muna tayo sa gasolinahan. Saglit lang naman ako."
"Baka maabutan na tayo ng dilim sa daan," usal nito sa akin habang patuloy na nagmamaneho.
"Sige na saglit lang naman ito. Sasabog na talaga ang pantog ko," pakiwari ko sa kanya.
I then heard him sighed as he revved the engine of the car near the gasoline station. Pumara kami malapit sa katabi nitong convenience store. Agad naman akong lumabas sa kotse upang dumertso sa banyo.
Nang makarating ako sa banyo, kaagad akong pumasok sa unang pintuan at ibinaba ang aking suot na jeans. Nakaramdam ako ng ginhawa nang mailabas ko na ang kanina ko pang gustong ilabas sa banyo. Lumabas ako sa cubicle nang natapos ako rito at dumeresto sa lababo upang maghugas ng kamay.
Napatingin ako sa salamin at napansin ko ang hindi ko kaaya-ayang mukha. Magulo ang aking buhok, kitang-kita ang malaking eyebag sa ilalim nang aking mukha at mapapansin sa aking mukha ang katamlayan. Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Kung hindi lang ako nagmamadali kaninang umaga siguro nagkaroon pa ako ng oras upang makapag-ayos lamang. Kaagad kong binuksan ang akin handbag na dala at dumukot ng pulbos at balm. Sinuklay ko ng maigi ang aking buhok at pinungos ko ito. Nang matapos ako at nakita ko nang maayos ang aking mukha, lumabas ako ng banyo at napansin ko si Dante na palabas ng convenience store na may dala-dalang supot.
Napakunot ako sa akin nakita at napalapit sa kanya. "Ano 'yan?" Nagbakasakali ako na baka may binili rin siya para sa akin.
"Water and some snacks to eat along the way," tugon niya. Nadismaya ako nang makita ko ang laman ng supot. Isa lamang ang binili niyang tubig at kakaonting snacks lang na nagsasabing para sa isang tao lamang ito.
Gumulong ang aking mata. Wala man lang siyang binili para sa akin? Hindi man lang niya ako sinama. Napabuntong-hininga ako nang malalim. "Saglit lang, ako rin bibili," saad ko sa kanya.
Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at dumeretso akong papunta ng convenient store. Hinila ko palabas ang pintuan at pumasok sa loob. Minasid ko ang buong paligid at naghanap ng mga tubig.
Water? Saan ba rito ang mga tubig?
Nang makita ko ang refreigerator na nilalaman ng mga tubig, kaagad ko itong pinuntahan at kumuha ng isang litro na magkakasya sa akin sa buong biyahe. Nakakita rin ako nang kaonting mga tinapay na pwede ko rin makain sa daan. Tutal naman mukhang matatagalan pa kami sa biyahe dahil sa traffic. Hindi namin ito inaasahan lalo't na ang estimated time niya ay three hours lang.
May nalalaman pa siyang estimated time, hindi rin naman pala matutupad. Tsk. Tsk. Napailing ako sa loob.
Nang makontento na ako sa aking pinamili, dumeretso ako sa cashier at binayarin ko ito. Hindi na rin ako naghintay pa nang matagal at lumabas rin nang matapos ako. Bumungad sa akin kaagad ang mukha ni Dante sa loob ng sasakyan habang umiinom ng tubig. Inirapan ko siya at pumasok sa loob nito nang makita niya akong nakatingin sa kanya.
"You done?" Tanong niya habang inaayos ko ang buckle nang aking upuan.
"Yup. We can go," matipid kong sagot sa kanya habang binabaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana.
"Sigurado ka ba na wala ka nang kailangan bilhin?" Tanong niya muli, like he's starting a conversation with me.
"Wala na, Attorney Gillesania. Okay na. tara na at baka abutan pa tayo ng dilim bago tayo makapunta sa lugar."
Napatingin siya muna sa akin nang panandalian bago pinaandar ang sasakyan. Sa sandaling iyon nakaramdaman ang nang hindi komportableng pakiramdam sa kanyang mapanuring mga titig. "Alright," maikli niyang usal.
************************
Kinalaunan, nakaabot rin kami sa matiwasay at walang traffic na south express way. Six oclock na nang gabi ang inabot namin rito. Tila madilim na ang kalawakan at palubog na namamatyag ko sa aking kanan.
You wanna eat first?" Tanong niya sa akin.
Napatango ako sa kanya. "Sige. Saan ba?"
Hindi pa kami kumakain ng dinner kung kaya't napagpasyahan namin na mag-park malapit sa mga kainan rito sa highway. Tinuro niya ang mga kainan sa aming gilid at dito pumara. Inunbuckle ko ang belt ng upuan at saka pinihit palabas ang pintuan ng sasakyan. Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko si Dante na palabas rin dito.
"So saan tayo?" I asked again habang naghihintay sa kanya.
Lumapit siya kung saan ako at napamasid sa paligid. "Where do you want to eat?"
I rolled my eyes. Ako nga ang nagtatanong eh. "Kahit saan." I shrugged. Sa totoo lang hindi naman ako maarte kahit saan naman basta may pagkain okay na ako, depende na nga lang nga kung nagcracrave ako.
Tinuro niya ang kainan na may karatulang nakabalandra sa itaas na may pangalang Aling Puring's Eatery. Maliit ito at tila mukhang bahay kubo ang kanyang disenyo. May mga halaman at bulaklak na nakapalibot sa kanyang daanan at mga batong mayayapak mo paraan sa kanilang pintuan. Kahit maliit at mukhang luma ito, napansin ko na marami pa rin ang kumakain rito na mga magkasintahan at magpapamilya.
Lumingon ako kay Dante at tumangi. Gutom na rin ako at sa mukha naman ng kainan na ito, mukha naman maraming kumakain at nagtatangkilik dito. Nang pagpasok namin sa loob, napansin ko ang bakanteng upuan kung saan kakaalis lang nang isang pamilya na kakakain lamang. Doon kami kaagad dumeretso sa pwesto kung saan bukas ang bintana at ramdam mo ang sariwang hangin nang Batangas. Napasinghot ako muli sa aking pag-upo habang inaayos nila at nililinis ang lamesa.
Nang maramdaman ko ang pagtapik sa akin, minulat ko ang aking mata at napansin ko ang nakangiting waiter na may dalang listahan ng order. Kinuha ko ito sa kanya at sinagot ko rin nang aking bahagyang ngiti. "Salamat. "
"Anong kukunin mo?" Narinig kong sinabi ni Dante habang nakatuon ang mata sa listahan ng mga pagkain.
Lumibot ang mata ko listahan at natyempuhan ko bigla ang kare-kareng nakalagay rito. "Hmm. Kare-kare na lang sa akin," sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang kanyang pagngisi sa kabilang banda. "Until now, you still love kare-kare."
Naalala ko si Lola Aning sa kanyang sinabi. "Oo naman minsan na lang ako makakain simula noong nawala si..." Napalunok ako ng malalim bago ko itinuloy ang aking sasabihin "...si Nanay Aning."
Napatungo siya sa aking sinabi. Hindi na kami nag-usap noon pagkatapos. Nang matapos si Dante sa kanyang limpak-limpak na order, naiwan kaming dalawa sa lamesa mag-isa habang naghihintay sa aming mga inorder.
Inaayos ko ang mga kubyertos at mga baso na inilapag ng waiter kanina-nina lamang. Napatingin lamang siya sa aking ginawa. Sinalikop niya ang kanyang mga daliri at tinukod sa lamesa. Tumikhim siya muna bago nakarinig ako ng salita sa kanya. "So, kamusta na sila tita at mga pinsan mo?" Tanong niya muli
Kahit saglit lamang nagkakilala si Dante at ang aking tita, nagkamabutihan naman sila lalo't na noong libing ni Lola. Malaking tulong ang kanyang nadulot sa panahon na iyon. Siguro, kung wala si Dante nang panahon na pagkamatay ni lola, mas naramdaman ko ang sakit ng kanyang pagkawala.
"Okay naman, sila. Since, nakulong si Toto, naging mas tahimik ang buhay namin. Nasa college na ngayon si Miguel at highschool naman si Mina," kwento ko sa kanya.
Napatango siya sa aking sinabi. Nakilala rin niya si Toto noong libing ni lola. Hindi ko man nakwento sa kanya na si Toto ang lalaking iyon, sapat nang naikwento ko sa kanya ang kanyang marahasan na panggagahasa sa akin noong kabataan ko. Atsaka, ito na lamang ay parte ng aking buhay na sinarado at kinalumutan ko na.
"That's good. Si Thea naman highschool na rin. I haven't visited them yet, but maybe after this week. Super hectic kasi ng schedule ko this week that I haven't had a time to even visit them," pinaliwanag niya.
Napangiti ako sa kanyang sinabi, "Parehas na pala sila ni Mina. Si Mrs. Ramos kamusta naman?"
"She's alright. Head na siya ngayon ng science department," He informed me, smiling proudly at me.
Dumating na ang mga waiter na may hawak-hawak na pagkain. Nang makarating sila sa aming lamesa, ibinaba nila ito sa sentro nang dahan-dahan. Unti-unti silang nagsi-puntahan hangga't sa mapuno na ng sari't-saring pagkain ang aming lamesa.
"Ay mabuti naman kay Mrs. Ramos. And she's really a great teacher back then," I told him.
"Yeah she is," sang-ayon naman ni Dante. Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa harapan at sinabing, "So shall we eat?"
"Yeah sige lang." Tumungo ako.
Kumuha ako nang kaonting kanin sa akin plato at kare-kareng inorder ko. Nang makakita ako ng bulalo, kinuha ko ang mangkok sa aking tabi at nilagyan ito. Napalingon ako kay Dante at napansin ang napakadmi niyang inorder.
Kaya ba namin 'tong ubusin? Napaisip ako.
"So ilang taon ka na pala sa firm?" Biglang tanong ni Dante sa akin.
Nilunok ko muna ang aking kinakain bago sumagot, "Magpapangalawang taon na in two months."
"Ah. So matagal na rin pala," he answered.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanong ko na siya kaagad, "Ikaw? Why did you went back here if okay naman pala ang work mo abroad?"
Napangisi siya sa akin tanong. Napatigil siya sa kanyang pagkain at napatitig sa akin. "It wasn't actually because of the case, other than this pro bono I'm going to handle. It was actually because of the partnership that was attached to it. If I win that case, I'll get the partnership in the firm. So it's like hitting two birds in one stone," explanasyon niya.
Napakunot ako ng noo. "Can I know what the case is all about. I know its confidential pa muna but later on malalaman rin naman."
Ibinaba niya ang hawak niyang mga kubyertos at napatingin sa akin. "Its a sexual harrasment case against a big personality. I'll be handling the respondent case." Napalunok siya nang sinabi niya ito.
Napatigil ako sa kanyang sagot. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Para sa isang taong naranasan ang malupit na kaharasan at panggagahasa, masakit itong marinig sa kanya na bilang isang abogado mas pipiliin pa niyang depensahan ang nagkasala kaysa binigyan sala. Napakagat ako ng aking labi at hindi nakatugon sa kanyang pagsiyasat.
"Um--so kailan ito?" Tanong ko muli.
He pursed his lips. "After the pro bono case."
Napatango na lamang ako. Hindi ko naman siya masisi kung ito ang kanyang desisyon. Abogado siya at bilang isang lawyer, dapat hindi ka namimili nang mga kliente, maging akusado man ito o inakusahan.
"So that's the reason why you accepted this case right?" Ibinaba ko ang aking kubyertos habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Apart from that yes. And I'm planning din na makapagsettle down kami ni Casey here sa Pilipinas. Mahirap din kasi ang long distance," kwento niya sa akin.
Tila naramdaman ko ang suntok sa akin tiyan nang masabi niya ito. "Oh yeah." Napatikhim ako. "Sso ilang taon na pala kayo ni Casey?" Tanong ko ulit.
"I think five years na this October. We met back after I took law school. I met her through her father that I was under with. At that time, she was still taking her board exams," he said, reminiscingly.
Okay. So mas matagal pala kayo kaysa sa atin na inabot lang ng three months. Malamang Elena, mas mahal niya si Casey sa iyo., mas matagal ang pinagsamahan nila kaysa sa inyo. Nakalimutan ka na nga niya kaagad, diba?
"Wow naman." Eto lang ang nasabi ko habang nakangiti nang matipid sa kanya.
"Yeah." Nakita ko ang tamis sa kanyang mga ngiti.
Kahit masakit, matapang ko itong tinanong sa kanya, "Um, so you are planning to propose to her?"
Napaisip siya sa aking tanong. "Yeah. I am. Maybe after I win the case. What do you think?"
Aba tinanong mo pa ako na ex mo? Hindi ko alam. Ano ba dapat sabihin nang isang ex na hanggang ngayon ay may katiting pa rin na nararamdaman? Ex nga ba ang mamatawag sa akin na samantalang three months lang ang pinagsamahan namin.
Kinibit ko ang aking balikat. "Ikaw nasa iyo naman iyan eh. You can propose to you on or before the case. I don't think the time is important as long as...you love her."
He sighed. Nabaling ang kanyang tingin mula sa akin at napunta sa kanyang plato. "Yeah you are right. The time doesn't matter," He then agreed. Sumubo siya sa kanyang kinakain na bulalo at napainom ng iced tea sa kanyang baso. "So ikaw ilang taon na kayo ng boyfriend mo?" Mabilis niyang tinanong na walang pagputol sa kanyang sinabi.
Napakunot ang aking noo. Mabilis ko rin siyang sinagot. "Wala akong boyfriend. I never did have..." Naputol ang aking sasabihin ng mapagtanto ko ang susunod kong sasabihin sana, 'Ikaw lang' Dahil siya lamang talaga ang naging una at huli kong nobyo.
Napatigil siya sa paggalaw ng kanyang kubyertos nang marinig niya ito. He cleared his throat first and looked at me in the eye. "Oh."
Napatahimik kami nang panandalian. Hindi siya nakasagot pagkatapos noon at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Tumingin muli ako sa kanya at nakita ko sa kanyang mga mukha ang pagnanais na tanungin muli ako.
Binasag ko na lang ang katahimikan na bumabalot sa amin nang magsalita ako. "Masarap pala ang pagkain nila rito."
"Oo nga eh," saad niya sabay ngiti sa akin.
It was the first time I saw him smiled at me after ten years.
At hindi ko rin mapigilang ngumiti.
*************************
Natapos kaming kumain nang mga eight o'clock na nang gabi. Malalim at madilim na ang gabi. Wala na rin kaming makitang tanawin sa paligid, tila mga ilaw na lamang sa sasakyan ang nagliliwanag sa tahimik at mapanglaw na kadiliman.
"Makakaabot pa kaya tayo roon, ngayon?" Napatanong ko habang alalang-alala akong pinagmamasdan ang itim na daanan.
"We're still not yet there. Ayon dito sa waze, malayo pa tayo," dagdag naman niya habang nakatuon ang kanyang mga titig sa madilim na daan.
Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko na mamalayan na napahawak na ako sa kanyang mga braso nang bigla kaming dumaan sa mabatong lugar. "Kung ipagpabukas na lang kaya natin. Mahirap na ituloy natin ito ngayon. Baka kung mapaano tayo lalo't na gabing-gabi na," paliwanag ko.
Napabuntong-hininga siya. "Alright, let's find a hotel where we can stay for the meantime."
Napalinga-linga kami sa paligid at nakakita rin kami na bukas na motel. Ito lamang ang nakita naming pwede naming mapagtutuluyan ngayon gabi dahil lahat nang mga establishamento rito ay sarado na rin.
Tinuro ko ang building na iyon sa kanya. "Diyan na lang," sabi ko sa kanya.
"Diyan?" Nanlaki ang kanyang mata sa aking sinabi.
Tumango ako. "Oo. Eh wala rin naman tayong ibang hotel na makita rito," paliwanag ko sa kanya. "Ang besides isang gabi lang naman. Panigurado bukas nasa resort na tayo," sambit ko.
Pumayag na rin siya dahil wala rin siyang magawa. Nagpark kami sa harapan ng motel. Isang maliit na building lamang ito at mayroon sigurong sampung palapag. Okay na rin na tulugan siguro dahil isang gabi lang naman kami dito. At sigurado din naman, marami pang bakante na mga rooms dito.
Pumunta kami sa reception area at napansin namin ang nakaupong babaeng nagcecellphone. Tinawag ko siya at nginitian. "Um, excuse me miss, may mga available rooms pa ba kayo? Dalawang single room," I asked.
Tiningnan niya lang ako at patuloy na naglalaro sa kanyang phone. Naghintay kami nang ilang minuto sa kanya, ngunit wala pa rin sagot mula sa kanya.
Kinatok na ni Dante ang kanyang lamesa at napatikhim. "Excuse me miss, we are looking for two rooms single. Do you have any?" Naiirita niyang sinabi.
Rumolyo ang mata ng babae. Tumayo siya at kinuha ang kanilang log-in sheet. "Wala na po kaming available rooms na mag-isa. Ang natitira na lang po namin ay queen size bed for two people. Tutal dalawa naman po kayo, kunin niyo na po."
"Wala na ba talaga?" Napakagat ako sa aking labi.
Umiling siya. "Wala na po ma'am kung gusto niyo po maghanap na lang po kayo sa ibang hotel," sabi nito.
Napabuntong-hininga ako. Makasama nga lang nga si Dante sa loob ng sasakyan hindi ko na makaya, ang masama pa kaya siya sa kwarto? Ano ba naman itong buhay na ito. Siguro tama si Melai, may balat nga ako sa pwet.
Narinig ko ang pag-uyam ni Dante sa babae. "Sige miss, we'll take it." Kinuha kaagad ni Dante ang susi sa babae.
"Eto po room 501 po kayo. Akyat na lang po kayo sa taas. Wala po tayong elevator ngayon dahil sira. Enjoy your stay." Malamyang sabi ng babae.
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ito sa kanya. "Are you sure? But thats--" bago pa ako makapagsalita pinutol na niya ito at ibinigay ang susi sa akin.
"Don't worry Ms. Payton, hindi naman ako nangangagat." He smirked.
Napakurap ang aking mata at uminit ang aking mukha sa kanyang sinabi. Napasapo ako sa aking pisngi habang sinusundan si Dante sa hagdanan.
**************************
Hingal na hingal akong nakarating sa fifth floor, habang napatingin ako kay Dante na parang wala lang sa kanya ang pag-akyat rito. Pinuntahan ko ang pintuan at binuksan ito gamit nang susing ibinigay sa amin. Maliit lang ito at hindi masyadong kalakihan. Pagpasok mo pa lang matatanaw mo na ang queen size bed na may katabing lampara sa gilid. May pink at floral naman na kurtina sa likod nito. Sa kabilang banda naman ay ang maliit na banyo na may sariling lababo at maliit na shower room. Naglakad ako papasok rito at nilapag ang duffel bag ko sa may sofang na nasa harapan ng kama. Inilapag din ni Dante ang kanyang bag at napaupo sa malaking kama na pagtutulugan namin.
Naisip ko pa lang ito. Kinakabahan na ako.
Umupo ako sa sofa at binuksan ko ang aking duffel bag at kumuha nang mga damit sa susuotin ko ngayong gabi. Kinuha ko lang at pajama ko at ang aking simple mahabang t-shirt. "Um, C.R lang ako," paalam ko kay Dante.
Tumungo lang sa akin si Dante habang nakatuon ang kanyang mata sa cellphone. "Sure. Go ahead." Lumingon ako sa kaliwa kung saan banda ang cr. Binuksan ko ito at kaagad na nilock ang pinto. Napahilig ako rito nang maramdaman ko ang pagsiklab ng aking puso. Napahawak ako rito panandalian. Ano ba itong nararamdaman mo Elena. Itigil mo na nga iyan kung ano may yang iniisip mo. I shook my head to clear unnecessary thoughts on my head that was still lingering as we got here.
Kaagad akong pumunta sa loob nang shower at nagpalamig. Buti na lamang at malamig ang tubig upang mahimasmasan naman ang aking buong kalamnan.
Hindi rin ako nagtagal sa C.R dahil mabilis rin naman ang pagligo ko. Mabuti na lamang at nakapagdala ako nang sarili kong tuwalya, sabon at shampoo. Nang matapos akong magbihis, kaagad akong lumabas ng banyo at bumungad sa akin si Dante na nakahiga na sa kama. Hindi pa siya tulog, pero hawak niya ang kanyang phone habang may kausap rito.
Napalingon ako sa kanya habang patuloy ang paglalakad ko patungo sa kabilang banda ng kama. Umupo ako ritoat sinimulan ang pagpunas nang aking basang buhok.
"Alright babe, i'll call you tomorrow." Narinig kong sinabi niya sa telepono.
Napansin ko ang kanyang paglabas ng kwarto kung kaya't nagtanong ako. "Saan ka pupunta?" I asked.
"Magpapalamig lang," saad niya sabay labas ng kwarto.
Nagtaka ako sa kanyang sagot. "Magpapalamig? Eh nakabukas nga ang aircon. Ang lamig-lamig kaya," naisip ko.
Hindi ko na siya hinintay. Napgpaantok muna ako habng binabasa ang mga emails galing trabaho. Alam kong hindi siya advisable gawin bago matuloy pero kailangan ko rin malaman ang mga dapat kong gawin sa Monday upang masimulan ko na ito ng maaga. Habang nagbabasa, nakatulog na rin ako kinalaunan sa malambot at nakakaginhawang kama.
Naramdaman ko na lang na nariyan na siya nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko na siya sinubukan tingnan at bumalik na lang sa pagtulog.
***************************
Namalik mata ako nang bigla dumungaw sa akin ang mainit na silaw ng araw galing sa bintana. Napaunat ako sa aking paghiga at napalingon sa aking likuran nang makaramdam ako ng init nang katawan mula rito. Pahapyaw akong lumingon at bumungad sa akin si Dante na nakayapos sa aking baywang habang nakahilig ang kanyang ulo sa aking balikat. Naramdamanan ko ang nakakadamdamna kiliti nang idinampi niya ang kanyang mapupulang labi sa aking neek. Marahan siyang lumapit sa akin hangga't sa naramdaman ko ang init ng kanyang labi sa aking umaalab na balat.
Umusod ako papalayo sa kanya at napaikot sa kanyang harapan, subalit mas lalong humigpit ang kanyang hawak sa aking baywang nang maramdaman niya ang paggalaw ko. Hindi ako makagalaw, tila'y nakakandado ako sa kanyang mahigpit at mapusok na mga hawak. Sinubukan kong umalis rito, ngunit hindi maatim ng aking katawan.
Unti-unti kong naramdaman ang pagtahip ng aking puso na tila tumatakbong orasan sa sobrang bilis nito. Hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanyang maamo at nakakhalinang mukha habang natutukog. Mahaba ang kanyang pilik mata at matangos ang kanyang ilong na mas lalong kaaya-ayang tingnan sa sikat nang araw. Napahaplos ako rito dahan dahan at napangiti nang maramdaman ko ang mainit at malambot na mukha sa aking kamay.
"Dante." Tanging eto lamang ang aking nasabi habang pinagmamasadan siyang matulog.
Banayad ko itong hinaplos hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghipo ng kanyang kamay sa akin kamay. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata habang mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay.
Sa pagkakataon na iyon, nagtagpo ang aming mga mata. Panandalian tumigil ang oras at tanging ang liwanag sa bintana ang naghihiwalay sa aming dalawa.
Humilig siya sa akin at hinila niya ang aking baywang sa kanya hangga't ang distansyang pumapalibot sa amin ay nawala nang parang bula. Napasinghap ako bigla nang maramdaman ko ang paghimas nang kanyang kamay sa akin likuran. Tila nakaramdam ako nang kakaibang init at tilamsik na dumadaloy sa aking katawan na nagmumula sa kanyang mga mapanuksong mga hawak.
Ako'y hindi mapakali, nabighani at naakit sa kanyang makasalanang haplos.
Naramdaman ko ang aking pagiging marupok nang hinagkan niya ang aking mga labi.
********************************