Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 29 - Chapter 26: Elena & Dante

Chapter 29 - Chapter 26: Elena & Dante

Elena

"Hi Ma'am Elena!" Tumambad sa akin ang mukha ni Marissa pagkabukas ko pa lang nang pintuan. Nagulat ako rito at napabalikwas ng kaonti sa aking kinatatayuan.

"Marissa?" Suminghap ako. Pumasok siya kaagad sa loob at umupo sa bandang sofa na malapit sa bintana.

"Ang sarap ho talaga ng simoy hangin rito sa pwesto na ibinigay sa inyo ni Yenie," sabi nito sa akin habang pinagmamasdan ang nakakaakit na repleksyon ng paglubog ng buwan.

"Oo nga eh." Umupo naman ako sa aking kama. "Sino si Yenie at naparito ka para saan?" Tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mata. "Ma'am si Yenie po ang receptionist kanina na nagbigay ng rooms ninyo. Anyway po, nakalimutan mo ba na ipapasyal ko po kaya ni Attorney Gillesania rito sa lugar namin para makita niyo naman ang ganda ng lugar na ito? Malay mo bumalik kayo ulit rito sa kasal niyo diba?" Tinaas-baba niya ang kanyang kilay habang nakangisi sa akin.

Napakumpas ako ng aking kamay at napailing sa kanya. "Nako Marissa, hindi kami ni Dante. Magkatrabaho lang kami sa isang kompanya." Lumunok ako ng malalim.

Kumunot ang kaniyang noo. "Ay sorry ang akala ko kayo. Mukha kasing magnobyo kayong dalawa," wika niya.

Napatikhim ako sa kanyang sinabi. Tumayo ako sa akin kinauupuan at sinabing, "Diba, sabi mo ipapasyal mo kami sa buong resort? Halika na, tara na."

Napatayo siya sa abaniko na sofa. "Sige, Ma'am. Tawagin ko lang ho si Attorney." Ngumiti siya sa akin at naglakad papunta sa katabi kong kwarto.

Sinundan ko si Marissa papunta sa kwarto ni Dante. Nakasarado ito kung kaya't kinatok niya ang mulyon ng pintuan. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Good afternoon sir, si Marissa po ito, sir. I'll be your tour guide today in resort," masaya niyang sinabi.

Napahalukipkip ako habang naghihintay kay Dante sa kanyang pagbukas ng pintuan. Hindi binuksan ni Dante ang pinutan. Kumatok ulit si Marissa, ngunit pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, sarado pa rin ito.

"Um, sir? Naandiyan po ba kayo sa loob?" Tanong niya ulit habang nakakunot ang kanyang noo. Lumingon si Marissa sa akin at napakagat sa kanyang labi. Wari'y sa kanyang mukha ang pagkadismaya, kung kayat napabuntong-hininga na lamang ako at napalapit sa hamba ng pintuan.

Pakatok na sana ako ng biglang ere na lang ang aking nahawakan. Bumukas ang pintuan at dumungaw ang mukha ni Dante sa akin. Nanlaki ang aking mata ng sa sandaling humilig siya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kanyang munting paghinga. Napabalikwas ako at napahaplos sa aking batok.

"What?" Pasigaw niyang sinaad.

Binaling ko ang tingin ko sa sahig. "I-to-tour daw tayo ni Marissa," nautal-utal kong sinabi.

Ngunit bago pa niya iyon marinig, napansin ko na may hawak niya ang kanyang telepono sa kamaa habang nakadikit ito sa kaniyang tainga. "Could you wait for a while?" Inilahad niya ang isang panturo niyang daliri na nagsasaad ng paghintay sa kanya.

Nagkibit ako ng balikat kay Marissa, habang yumuko naman ang kaniyang mga balikat. Pumasok kami sa loob at umupo na lamang sa bakanteng sofa habang may kausap siya sa telepono. Napahilig ako sa aking kinauupuan at minasid ang paikot-ikot ni Dante sa munting daanan ng kaniyang kwarto.

"Yes, I will be talking with him tomorrow after lunch," sabi nito sa telepono.

Lumapit naman sa akin si Marissa nang kaonti. "Ma'am matagal pa po ba?"

Ngumiti ako sa kanyang tanong. "Hindi ko rin alam sa kanya."

"Yes. Ofcourse, babe," he smiled.

Nang marinig ko ang katagang 'babe' napagtanto ko na si Atty. Lacsa pala ang kanyang kausap. Napansin ko naman ang paghimutok ni Marissa nang marinig niya iyon.

"Taken na pala si sir?" Nanlaki ang kanyang mata sa akin.

"Yup," matipid kong sinagot.

"Katrabaho niyo rin Ma'am Elena?" Pabulong niyang tinanong.

"Yes. She's also an attorney," tugon ko ulit sa kanya.

"Tss. Ano ba yan. Chaka ba ma'am?" Tanong niya ulit habang patuloy ang pagsulyap kay Dante.

Lumapit ako sa kanya at ngumisi. "Wag kang mag-alala mas maganda ka."

Napahalakhak siya sa aking sinabi. Inapiran niya ako at tinulak ng mahina ang aking balikat. "Ikaw talaga ma'am! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!"

Napatingin bigla si Dante nang marinig niya ang malakas na pagtawa ni Marissa. Humagikgik kami ng mahina habang nakakunot ang kanyang noo. Binaling niy muli ang kanyang tingin at tinuon sa telepono.

"Alright, babe. I'll call you later," aniya. Binaba niya ang telepono at lumapit sa amin. "What are you saying again, a while ago? I apologize for making you wait, I just got a call from work," paliwanag niya.

"Hindi mo naman kailangan mag-explain," mahina kong sinabi.

"What is it again?" tanong niya ulit.

Umiling-iling ako. "Wala. Wala iyon." Lumingon ako kay Marissa na nakatitig kay Dante. "Nga pala, attorney, naalala mo ba si Marissa?" tanong ko sa kaniya.

Napakunot ang kanyang noo. "Yeah. She's a part of the union right. What about it?"

Bago pa ako makapagsalita, tumayo si Marissa at inilahad ang kanyang kamay kay Dante. "Nga pala sir, Marissa po. I'll be touring you around the resort," sagot niya kay Dante.

"Tour?" Nagtataka niyang tanong.

Tumango siya. "Yes po. I-totour po namin kayo sa kagandahan ng resort na ito," masaya at masigla niyang sinabi.

Napalingon si Dante sa akin. Napakibit lamang ako ng balikat at napangiti ng bahagya. Nang makita ko ang paglabas nila sa kwarto, tumayo ako at sumunod na rin sa kanila.

Unang pinakita sa amin ang public area na kung saan mayroon swimming pool para sa matanda at sa mga bata. Mayroon rin mga foodstalls na nakapwesto sa gilid kapag nagugutom ka naman o kung gusto mo naman magdine-in. Maganda ang public space at nakaka-refresh sa paningin. May pulang hammock chair na nakaharap sa swimming pool na kapag humiga karoon, ramdam mo ang sikat ng sinag ng araw. Sa kaliwang banda naman ay mga public bathroom na pwedeng paliguan. Katabi nito ang cocktail and drinks side para sa mga matatanda. Sa kanang banda naman ang lugar ng mga kabataan. Mayroon din silang slide at artificial waterfalls sa gitna. Iba't-iba ang kulay ng mga palamuti ang nakasabit rito na mas lalong nakakahalina sa paningin ng mga tao.

"Here sir we have a public pool area for our guest. Dito po tayo kung mas gusto ninyo po muna rito sa pool area rather than sa beach. We also have for kids where they can stay and swim. Mababa lang naman po ang pool and we have a lifesaver incase of emergency. On the other side sir, we have the bartending area for cocktails ang drinks. Two meter away from that is the restroom for freshening up. We also offer food here to have a great dining experience while looking at the view of the sunset," aniya habang tinuturo ang ibat ibang station ng resort.

"This is nice ah," sabi ko habang lumilinga-linga sa lugar. Maganda ang accomadation nila at mga offer na services. Hindi na rin ako nagtataka na maraming tao ang nawiwiwiling puntahan ang resort na ito.

Naglakad papuntang kaliwa si Marissa. Iminuwestra niya ang kanyang kamay patungo sa bago naming paroroonan. "This way sir, we'll be heading naman po sa ating spa area."

Pagpunta pa lamang namin rito ay maamoy mo na ang nakakaginhawang halimuyak ng lugar. Malago ang mga puno at pinapalubutan ng ibat-ibang klaseng bulaklak ang tinahak namin na daan. Sa gilid ng arkong aming nilalakad, may mga tunog nang mga maliit na kampanang rumiritmo sa himig ng kalikasan. Napakaganda at nakakaakit na tila ramdam ko na narito kami sa paraiso napapalibutan ng lahat ng kagandahan na inalay ng kalikasan.

Nang makarating kami sa isang maliit na establishamento, tumigil kami sa harapan nito. Ito na siguro ang tinatawag nilang spa area. Pinapalibutan ito ng puno ng ubas na malagong gumagapang sa pader. Malinis ang kulay ng puti nito at napapaligiran ng mga mahalimuyak na crysantimum. Tinawag kami ni Marissa at pumasok sa loob. Animo'y sa pagpasok namin ay nakapunta kami sa panibagong mundo kung saan katahimikan at kapayapaan ang iyon maririnig lamang.

"Eto naman po ang laging pinupuntahan na lugar sa amin, ma'am and sir. Ang spa area. This is a place for you if you want to rest and relax a bit from the stresses of life. Nag-acocommodate din po kami ng different types of massages. Meron din po tayong manicure for ladies if you want to fix po your nails and toe nails. We have everything you need here in Le Torre Resort, just ask us if you need anything," masigla niyang sinabi habang patuloy ang pag-totour sa amin.

"I need a masage. I might go here later," sinabi ni Dante habang hawak ang phone sa kaniyang kanang kamay.

"That's a great idea sir!" Wika ni Marissa. Nagulat naman ako bigla sa kanyang pagkumpas ng kamay.

Naglakad siya palabas ng spa at papunta naman kami ngayon sa beachside ng resort. Naamoy ko na ang sariwang hangin ng dagat habang palapit nang palapit kami sa dalampasigan. Dumaan kami sa mahabang patag na batong lugar. Padilim na ang kalangitan at palubog na ang haring araw. Ito na siguro ang pinakamagandang panahon upang makita ang kagandahan nang paglubog nito.

Nang makarating kami rito, napatulala ako. Nasa gitna kami ng konkretong tugaygayan kung saan napapalibutan ito ng pinong-pino na mga buhangin. Napamasid ako sa kalangitan at namangha sa ganda nang paglubog ng araw. Nagsasama-sama ang kulay ng pula, kahel at bughaw na lila ng kalangitan. Namangha ako sa ganda ng patuloy na pagdapit ng haring araw na sumasalungat sa kumikinang na repleksyon ng makintab at kalmadong agos ng dagat. Napakaganda at nakakabighani. Napabuntong-hininga na lamang ako nang bumungad sa akin ang kagandahan ng takip-silim.

"Ang ganda, " ito lamang ang nasambit po.

"At sa lahat, eto po ang pinakainaabangan dito sa resort namin ang paglubog ng araw. Eto po ang hininhintay nila habang nakaupo ng payapa sa dalampasigan..." Ito na lamang din ang nasabi ni Marissa habang nakangiting nakatitig sa ganda ng kalagitan.

"Yeah. It is beautiful," narinig kong sinabi ni Dante.

Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang aming mga mata. Nagkatitigan kami habang patuloy ang pagdapit ng gabi. Tila sa sandaling ito, napakandado ang aking mga mata sa kanyang nakakaakit at nakakahipnotismo na mata. Suminag ang huling kinang ng araw sa kanyang mukha na tila nagpaigting sa linaw ng kaniyang mala-kapeng mata. Tumigil ang tibok ng aking puso nang mawari ko ang kanyang banayad at marahan na tingin sa akin.

Nakakabalisa.

I miss this. Him looking at me like that...like I was the most significant person in his life.

Pero iba na ngayon, masaya na siya sa piling ng iba.

Napabaling na lang ako ng tingin kay Marissa na patuloy pa rin sa pagtitig sa dapit ng gabi. Lumapit ako sa kanya at kinalabit ang kanyang balikat. "Ang ganda dito. I'm sure babalik ako rito kasama ng pamilya ko," sabi ko sa kanya.

"Nako Ma'am Elena sa pagbalik niyo dito hindi lang tour ang makukuha ninyo pati na rin discount sa mga services!" Tili niya. Nagulat na lang ako sa biglang mahigpit na pagyakap niya sa akin.

Ngumiti na lamang ako at binalik ang binigay niyang yakap sa akin. Napatingin ako kay Dante na hanggang ngayon nakatitig pa rin sa akin. Napatikhim ako nang umalis ako sa higpit na yakap ni Marissa.

Nang makawala siya sa aking yakap, pinuntahan naman ni Marissa si Dante. "Nako Attorney, kung may plano ho kayo magpakasal dito na lang po, free na po ang accommodations at may discount pa po kayo sa services namin!" wika ni Marissa.

"Sure." Ngumiti si Dante sa kaniya at ipinasok ang kanyang kamay sa loob ng bulsa. Lumingon siya sa akin at napatitig. "If that's what she wants..."

"Nako sir, panigurado magugustuhan niya rito," tinaas-baba niya ang kaniyang kilay habang nakangiti ng malaki kay Dante.

Lumipat ang kanyang tingin kay Marissa at napangiti. "Yeah. I surely will invite her here." Sumulyap-sulyap siya sa akin habang kinuha ni Marissa ang kanyang braso at inipit sa kanya.

Sinundan ko sila habang pinagmamasdan sila sa likod. Napayakap na lamang ako sa aking sarili sa lamig ng gabi na unti-unting pumapalibot sa amin.

"Tara sir, let's go back po to the nipa hut. Meron po ulit tayong handaan. In care of Aling Pacing naman po," paanyaya ni Marissa. Lumingon si Marissa sa kanyang likuran at napatingin sa akin. "Ma'am, may salo-salo po ulit tayo sa kubo. Halina ho," dagdag niya.

"Sige," sabi ko sa kanya. "Susunod lang ako sa inyo." Nagpatuloy ako sa pagmuni-muni habang pinagmamasadan ang ganda ng paligid.

Napalingon ulit si Dante sa akin. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya.

At sinagot din niya ako ng kaniyang munting ngiti.

**************************

Dante

It's has been two days since we've been here. So far, everything is getting well with the case. I have been getting in touch with the Le Torres Co lawyer and they agreed to do the settlement, as long as this case doesn't get out of hand. Nasabi ko na rin ang mga detalye sa grupo nila Mr. Asuncion patungkol sa magaganap na pag-aareglo. Sumang-ayon naman sila sa mga nakasaad sa kasulatan na nagpapatibay ang nakasaad na karapatan para sa mangggawa ng Le Torres Co. Tomorrow, after I finished finalizing this settlement, I'll be going to meet them again for the closure of this case. Nang sa gayon, maagang matapos ang kaso at makauwi rin kami ni Elena nang maaga.

Naging maayos rin naman ang trabaho ni Elena noong nakaraan na tatlong araw. She was the one helped me through out the processing of this case as well as any financial matters that was in need of importance for the settlement of this case. It was a good thing na sinama ko siya rito, dahil sa kanya natapos ko nang maayos at maaga ang mga dokumento. We didn't talk that much casually, but I think its much better with our situation.

I sipped from my scotch as I looked up at the striking heat of the sun blazing at me. The humidity surrounding the public pool area started to heat up as the strike of three o'clock came by the place. The pool area queued the area with people cramming the pool side sunbathing like a pack of can sardines against the tainted heat of the sun. All was good. This was the time to relax a bit from the upcoming storm I'll be having tomorrow. Though everything about the case was good, I still couldn't be complacent about it, because inevitable things might happen along the way. We never know.

I gawked around the pool area and saw her wearing a transparent shirt under a two piece bathing suit. Her hair was cleanly tied at the back, focusing at the small frame of her delicate ethereal face. A crept of blush showing from her cheeks as heat stroke the lovely flesh of her slender and soft alabaster skin. Her eyes twinkled when she gave a sweet smile at the person she was talking to while a green hobo bag dangling on her arms.

I took a swig on what's left on my scotch as my eyes locked to her every gesture. Nang maubos ko ito, tinahak ko ang daan papunta sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata nang makita niya ang paglapit ko sa kanilang pwesto. She stared at me looking dazedly. Her face flushed even more as I closed my paced to them. I stopped my tracks as my feet landed beside her. Standing there across me, her confused yet dazzled face plastered in front of me as her rosy lips puckered slightly.

Thrusting my hand in my pockets, I said, "Hi,"

"Hey," she replied stingily.

The girl beside her, Marissa, widened her eyes as soon as she saw me passed by. "Attorney, naandito rin po pala kayo."

"Yeah I was having a drink," I replied while noticing Elena's eyes darting across me.

Marissa hooked her arms on Elena. "Pupunta naman po si Ma'am Elena sa spa. Gusto niyo po bang sumama sa amin?" She asked.

I shooked my head. "Nah. I just went there yesterday."

"How was it, sir?" She asked again.

"It was great. Relaxing." I moved my eyes to Elena who was still standing besides us listening while we talked a bit. I haven't talked to her properly besides work and somehow, I wanted to have a casual conversation with her besides work. "So you'll be going right now there?" I added.

"Yes po, sir," Marissa answered. "Nga pala sir mamaya po may munting pagsasalo kami sa kubo. Birthday ho kasi ni Ka-Ernesto at iniinbita po namin kayong dalawa ni dumalo ho sa kasiyahan namin mamaya. Pwede ho ba kayo? Eto pong si Ma'am Elena pumayag na po," patting my arms, she asked me.

I stopped for a while, thinking a bit if I have to do something later. Wala naman akong gagawin later and I'm free to roam around the resort, so might as well use the time to attend a birthday. I nodded at her. "Yes sure I will do. What time will be the celebration?"

"Mga six o'clock ho sir. Kung gusto niyo po sabay na po kayo ni Ma'am Elena na pumunta," Napatingin siya kay Elena panandaalian habang hinihintay ang kanyang sagot.

Elena bit her lips. "Sige mauna ka na Dante. Susunod naman ako. Alam ko naman kung saan 'yong lugar," she smiled at me softly.

"Alright then, I guess I'll see you two later then?" I replied while looking at the both of them.

Tumango si Marissa. "Sige sir, pangako hindi kayo magsisi sa pagpunta! Masaya iyon!" Masiglang saad niya.

"Yeah I hope so," I chuckled a bit. "Anyways, may gagawin pa ako, mauna na ako sa inyo," sabi ko. Palingon na sana ako ng biglang may naalala ako, "Nga pala, Elena?"

Napatingin siya sa akin at napataas ng kilay, "I'll be handing the files to you later. I hope you'll be able to finish it within this day," I reminded her.

Without hesitation, she nodded at me. "Of course. You don't have to worry about that."

Bago ako lumingon pabalik, pinagmasdan ko muna silang dalawa habang naglalakad papunta sa spa. I grabbed my shades that was hooked on the back of my ears placing it on my eyes. I sauntered the crowded pathway heading back towards my room.

***************************

I came at the place just in time. Everything was ready with the lights wrapped around the place as the banderitas were already in place. Even though the sky was grimly and dark, the light from the little bulbs lighten up the place like stars shining across the skies. I moved my pace closer to the event and there it was Mr. Ernesto Asuncion standing in front, waiting for me.

"Buti nakapunta ho kayo attorney!" Sabi nito sa akin.

I tapped his shoulder and gave the gift I just bought a while ago. "Sorry, kung eto lang ang mabibigay ko sa iyo ngayon," I said.

"Nako salamat. Hindi mo na kailangan magbigay nang regalo sa akin." Tinapik niya ang aking likod at saka pinapasok sa loob.

Nakahanda na ang musika sa pumapalibot sa paligid. Everyone seemed to be jovially celebrating the occasion. Pumasok ako sa loob ng kubo at bumungad sa akin ang samo't-sari na pagkain na nakahain sa lamesa. Lumapit sa akin si Aling Pacing nang makita niya at tinapik ang aking balikat.

"Naandito ka na pala , Attorney Gillesania. Kasama niyo ho ba si Ma'am Elena?" Tanong niya sa akin.

Napakunot ang aking noo. "Ang akala ko po nauna na siya papunta rito. Wala pa rin po ba siya?" Binalik ko ang tanong sa kanya.

"Ay nako baka kasama siguro ni Marissa. Noong mga nakaraan na araw kasama niya parati si Marissa at Anya. Kaya eto naman si Anya-" Tinuro niya ang kanyang anak. "-Nawiwili. Laging sumasama kay Ma'am Elena." Pinapaypayan niya ang mga nakahandang pagkain sa lamesa habang patuloy ang pakikipag-usap niya sa akin. "Sige, attorney. Upo muna kayo. Hintayin muna natin ang iba at magsisismula na rin ang handaan."

"Ay thank you po Aling Pacing," saad ko sabay napaupo at napasandal sa upuan.

Naglakad palapit sa akin si Tonio na may hawak na dalawang beer sa kanyang kamay. "Sir naandito na po pala kayo." Ibinigay niya sa akin ang isang beer na hawak niya. "Hindi niyo ho kasama si Ma'am Elena?" Tanong nito.

"Nope. I thought nauna na siya. Yet it seemed that I was the one who came here first," I replied as I took a swig from the bottle he just gave me.

I only knew Tonio because of Mang Ernesto. Other than that, I don't know anything about her besides the fact that he had been working here long enough to love this place. He's quite tall, a bit lanky but with a little buff on the rough places that needs toughening up. He's a bit tan which probably from all the work he had done outside the streaming heat of the sun. Other than that, he looked like a bloke you can easily befriend with.

I cleared my throat, trying to start a conversation with him. "So ano ang work mo rito at gaano ka na katagal?" I asked.

"Interview ba ito, boss?" He joked. Napaisip siya sandali. "Matagal na ako rito mga sampung taon na rin. Dyesisais ako noong simula na magtrabaho rito bilang isang tagabuhat tapos napromote sa housekeeping hanggang sa naging driver," he told me.

I just nodded. "Wow ang tagal mo na rin pala at sixteen ka palang noong nagsimula kang magtrabaho rito. Bawal iyon ah dahil wala ka pa sa wastong edad, buti pinayagan ka."

He chuckled. "Mabait si Don Roberto. Hindi niya ako pinayagan ng una ngunit dahil na rin sa pangangailan ko ng trabaho upang matustusan ang aking pamilya, pumayag na rin siya. Alam mo attorney, malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi sa kanya, hindi makakapagtapos ang kapatid ko sa high-school," kwento niya.

"He must have been like a second father to you then," I replied as I patted his shoulders.

"Opo. Maaga rin kasing nawala ang tatay ko, kung kaya't parang naging ama na siya sa akin. Hindi lang sa akin kun'di sa amin lahat," he painstakingly smiled remembering his old mentor who died very early.

"I know he died early but I sympathize his early death. He did a great job managing this resort and I'm pretty sure he's proud of what you've become today," Consoling him, I clinked my beer to his.

We took a swig from our drinks. "Thanks, boss. Boss na lang itawag ko sa iyo ah, ang haba kasi ng attorney," tumawa siya.

I snickered. "Sure. Of course."

Outside the nipa hut, I noticed the commotion going on. Napansin ko ang paglabas ni Aling Pacing sa kubo. Dali-dali itong lumabas at dumertso papunta sa taong kakapasok lang. Napatayo kami ni Tonio sa aming upuan at napamasid sa kaguluhan na pinagmumula nito.

"Is someone important coming?" I asked him.

"Wala naman sa aking pagkakaalam," sagot niya. "Labas lang ako boss, ah." Tumango ako sa kanya. Lumabas siya sa kubo at inalam ang pinagmulan ng kaguluhan.

I walked closer, sneaking at the open window, searching for what cause a big ruckus. I squinted my eyes, looking closely at the center. My eyes caught Elena and Marissa as people huddled around them like a pair of celebrities. With that, I decided to walked down the stairs, heading towards them. My feet instantly stopped in front of her, as soon as my eyes caught her brown almond eyes staring at me.

She sweetly smiled, tucking a bit of her curly hair behind her ears. Fuck. That is the only word my lips can utter right now. She walked closer to me as people continued to huddle around us. Wearing her bright luscious floral dress, she said, "Naandito ka na pala."

Dumbfoundedly. I nodded. "Yeah. Kakarating ko lang." I gulped.

"Sorry kung hindi na ako nakasabay sa inyo, wala kasi akong damit sa okasyon kaya nanghiram na lang ako ng damit kay Marissa," she explained. My eyes trailed across the creamy smooth surface of her skin drifting down to her sweet and lovely lines of her collarbone. I felt my breathe sucked right in front of the beauty beholding me. She looked exquisite like an angel who fell from the sky to torment and bewilder me.

"Oh it's alright. I understand." My jaws tightened.

She bit her lips. "Okay lang ba?" She asked.

I cleared my throat. Binaling ko ang tingin sa kanya ng pahapyaw at napatitig kay Marissa. "Yeah you look okay," I replied.

Instantly, I saw the disappointment in her face as soon as she heard my reply. Biglang napalingon siya nang marining niya ang boses ni Tonio sa likod.

"Hi Ma'am Elena," malamyos na usal ni Tonio.

Napatawa na lang ako nang marinig ko ito sa kanya. I crossed my arms darting at them as they continued talking.

"Tonio, kamusta na?" Tanong niya.

"Okay naman po ma'am. Ang ganda niyo po ngayon Ma'am Elena." Namula ang kanyang mukha nang masabi niya iyon kay Elena.

Rolling my eyes to them, I scoffed.

Ngumiti ng malaki si Elena kay Tonio. "Thank you, Tonio. Ikaw din you look dashing," sagot niya.

Napakamot si Tonio sa kanyang batok. "Hindi naman po, ma'am."

"Ay nako Tonio ayan ka nanaman! Nilalandi mo nanaman si Ma'am Elena," Marissa intervened. She hooked her arms on Elena's shoulders while wearing the same sun dress with a different color.

"Uy grabe hindi naman," depensa nito. "Maganda ka rin naman Marissa, mas maganda lang talaga si Ma'am Elena," dagdag nito.

She glared at him, hitting the crown of his head. "Aba! Bastos ka ah!" She sneered as she raised her brows.

Hinimas-himas ni Tonio ang kanyang ulo na binatukan ni Marissa. "Oh sige na, parehas na kayong maganda. Okay na ba?"

Instantly. she gave him a smile and a thumps up. "Ayan. Dapat ganyan lang Tonio." She averted her gaze back at Elena while hooking her arms on her shoulders. "Tara na ma'am sa loob? Let's party!"

Napansin ko na nabuwag na ang kumpulan na tao na nakapalibot sa amin. Lahat sila ay nasa labas ng kubo nag-uusap o kaya naman sumasayaw sa indak nang musika. Hinila niya papasok si Elena sa loob ng kubo at sinalubong siya ni Aling Pacing at Anya na tuwang-tuwa sa kaniyang pagdating.

I walked inside following them while still holding the beer on my left hand. I looked around the block and saw Tonio talking with Mang Ernesto. I went inside, walked through the path and sat on the empty seat across them. Taking a sip from my half empty bottle, I stared at her while keeping her gaze focused at Anya.

Fuck, Dante you shouldn't be looking at her like this. I grunted knowing the odd yet familiar feeling slowly crawling into my system.

The blaring loud voice from outside grabbed my attention as I heard him inviting us to join the dance floor.

Lahat ng mga tao sa loob ay napatingin sa labas ng nipa hut. "Simulan na po natin ang ating munting kasiyahin sa isang sayawan. Halika na po at majoin join tayo sa sayawan." Nakita kong inanyayahan ni Tonio si Elena sa sayawan habang kinuha naman ni Mang Ernesto ang kamay ni Aling Pacing. Nagulat naman ako nang biglang tumambad sa aking harapan si Marissa.

"Tara sir sayaw tayo." Before I could say anything, she grasped my arm pulling me towards her up to the center of the dance floor.

Our bodies then swayed along the fast pace tone of music, drowning ourselves to the rhythm. I looked behind me and saw her dancing with Tonio looking gorgeous and dazzling. Her arms clasped on his neck while both of them swung along the beat of the music. She goddamn looked mesmerizing. I growled as I felt the heart rising up through my veins, seeing her with his arms circled around her waist.

The jovial music then stopped turning it to a more soft and melodious tone. Marissa and I stopped dancing while people around us changed partners. Then I saw Tonio walking towards us. He stopped in front Marissa, laid his hand to her and stared at her softly. I gazed at Elena who was looking at them at the middle with her eyes shining brightly against the bright lights surrounding us.

"Marissa?" tanong nito habang naghihintay ng sagot ni Marissa. Tumango si Marissa at kinuha ang kanyang kamay. Naglakad sila papuntang gitna at sumayaw sa indak ng musika. Marahan at malamyos.

My brown eyes met her bright almond eyes. Unaware of the surroundings, I walked towards where she was standing. She was at the center looking the brightest among all others. The moment I was closer to her, I laid my hands waiting for her to grab it. Confusion plastered on her face. She looked at me with bewilderment while staring at my palms in front of her.

"A dance?" I asked.

She gulped. Slowly and doubting, she then grabbed my hands as I pulled her towards the center of the dance floor. She shifted in front of me hooking her arms on my shoulders while I circled my arms on her waist pulling her slowly towards me. The heat inside of me ascended as I felt the warmth of her delicate body gravitating towards me.

From her waist up to her back, I brushed my hands to the soft and delicate skin of her arms, feeling the supple flesh of her skin my palm. I moved my hands across her cheeks, cupping it tenderly.

It was then at this moment, I felt I have never gotten over with her.

I looked into her eyes seeing a thousand of reasons to my questions of whys.

**********************