Napanganga ako sa kanya sinabi.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko mula kay Dante na walang kasong mangyayari? Paano na ang mga taong umaasa sa kaniyang tulong upang mapabuti ang kalidad ng kanilang trabaho? Hindi ako nakaimik. Tila ang gutom na namumutawi sa akin kalamnan ay naglaho nang marinig ko itong sinabi niya.
"Itigil ang kaso?" nagtatakang tanong ni Mr. Asuncion. Nahulog ang kaniyang hawak na kutsara sa kaniyang kanang kamay na nag-udyok ng nakakarinding tunog. Kinuha ito kaagad ng kanyang kasamahang babae at muling inilapag sa hapag-kainan, habang nakatuon ng maigi sa pag-uusap ni Mr. Asunscion at ni Dante.
"Hindi naman pupwede 'yon Atty. Gillesania. Matagal na ho kami rito nagtratrabaho at napamahal na po sa amin ang lugar na ito. Ang gusto lang naman po ay bigyan nila kami ng importansya sa aming karapatan bilang isang empleyado rito, kaya ho kami nananawagan sa kanila," mahabang paliwanag ni Mang Ernesto Asunscion
Napatingin ako sa babaeng katabi niya. Maganda siya at mukhang mas bata ng kaonti sa akin. Nakapungos ang kanyang buhok, katamtaman ang kanyang kulay at malamlam ang kaniyang maririkit na mata. Ngumiti siya sa aking nang bahagya nang mapansin niya ang pagtitig ko sa kanya.
"Hello po ako po pala si Marissa," aniya at ibinigay niya ang kaniyang kamay sa akin.
Napangiti ako sa kanya. "Elena po," tugon ko sa kanya. "Kain na po kayo, dagdag ko habang patuloy siyang nakatitig sa akin.
"Sige po, mauna na po kaya, Ma'am Elena," sagot niya sa akin.
Napatango ako sa kanya at napangiti ng pahapyaw. Tumigil mo na ako sa aking pagkain nang mapansin ko na ako lamang ang nakain sa buong lamesa. Ibinaba ko ang hawak ko na plato at umupo nang maayos sa akin kinauupuan.
Shet, Elena nakakahiya ka. Ikaw lang ang kumakain sa kanila.
Napalingon naman ako kay Dante at bakas sa kanyang hitsura ang tindig ng kaniyang sinabi. Hindi ko alam ang kaniyang rason kung bakit. Pero nadidismaya ako sa kanyang biglaan na pagsabi nito.
"Hindi namin ititigil ang kaso, attorney. Matagal na po namin ang ganitong pagmamaltrato sa amin ng administration ng mga Torres. Gusto lang ho namin matanggap ang sapat na benepisyo at karapatan namin bilang isang mangagagawa," depensa ni Mr. Asunscion na tila'y nakakunot ang noo. Makikita sa kanyang mukha ang kapaguran sa pagtratrabaho rito. Ang mga kamay niya na kumukulubot at nangingitim, habang ang kaniyang mukha na punong-puno ng mga linyang nakapalibot sa kanyang noo.
Napansin ko ang malalim na paghinga ni Dante. Lumingon siya kay Mr. Asunscion at sinabing, "Mang Ernesto, I cannot guarantee that you will win this case. As much as I want to help you guys, as an advisor I suggest we deal this with an out of court settlement against the Le Torres Co."
"Pero masisigurado po ba nang pag-aareglo na matutupad ang aming mga hinain bilang isang empleyado?" Tanong naman ng isang lalaki na parte ng kanilang grupo. May kaedaran na rin at mukhang matagal na ritong nagtratrabaho sa resort.
"We will do it through proper legal proceedings. I will be talking with their attorney for the settlement." Kinuha niya ang kanyang baso sa tabi at ininom. "Kakausapin ko rin kayo about what agreement as such as your rights to your job, your pay and benefits as an employee," propesyonal na paliwanag ni Dante sa kanila.
"Hindi na po ba ito kailangan umabot ng korte?" Tanong naman ng lalaking katabi ng babaeng nginitian ako.
"We don't have to take this to court. Mahirap na rin dahil mas mapapahaba pa ang proceedings at baka mas lalo pang tumagal ang kaso. Baka hindi niyo pa makuha ang karapatan na inyong inaasam," aniya.
"Maipapangako ba na maibibigay ang aming karapatan sa settlement na ito, Attorney?" Tanong muli ni Mr. Asunscion.
"Kakausapin ko ang Le Torres Co. para sa inyo, We will take preliminary measures for this case to go smoothly para na rin maging maayos ang daloy ng proseso ng settlement." Napahalukipkip si Dante habang nakatingin kay Mr. Asunscion.
Napatigil panandalian si Mr. Asuncion na wari'y pinag-iisipan ang sinabi ni Dante. Mga ilang sandali lamang, lumingo siya kay Dante at napansin ko ang pag-ukit ng isang malaking ngiti sa kanyang labi. "Salamat po, attorney."
Ngumiti si Dante sa kanila. "So I think it's settle then. Kakausapin ko na lang kayo if any matter that I need you to know," saad nito. Hindi pa rin niya ginagalaw ang mga pagkain sa harapan habang patuloy ang pakikipag-usap sa kanila.
Tinapik siya ng matandang babae sa akin harapan, sumesenyas na kumain na si Dante. "Ala eh, attorney, kumain na ho kayo at baka lumamig pa ang mga ito, " saad niya habang patuloy na pagpaypay ng kanyang kamay sa ere upang umalis ang umaalingawngaw na langaw.
Sumandok si Dante ng kanin at kumuha ng sinaing na tulingan. "Mukhang masarap po itong tulingan. Kayo ho ba ang nagluto?" Tanong niya habang kumukuha nito sa lalagyan.
Tumango si Marissa. "Oho, sir. Nako, iyan ho ang ispecialty namin rito sa Batangas." Nagpaypay siya ulit. "Sige lang ho kain lang ho kayo."
"Ikaw talaga, Marissa. Pag nakakita ka talaga ng gwapo, hindi mo tinatantanan. Tsk...Tsk," ani ng lalaking katabi ni Marissa.
Umismid si Marissa kay sa lalaking iyon. "Pakialam mo ba Tonio! Hindi ikaw ang kausap ko," angil niya. Lumingon siya kay Dante at napangiti lamang habang kumukurap ang mata niya rito.
Napansin ko ang pagka-awkward ni Dante ng mapasulyap siya kay Marissa, habang si Tonio naman ay patuloy sa kanyang pag-ismid. Napasandal na lang ako sa aking kinauupuan at natawa na lamang ako sa kanilang dalawa.
"Nga pala, Ma'am Elena, ako nga po pala si Tonio," pakilala niya sa akin habang nakamuwestra ang kaniyang kamay sa aking harapan.
Kinuha ko ito at kinamayan. "Hello po, maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin," sagot ko.
"Walang ano man po iyon, ma'am." Ngumisi siya sa akin ng malaki.
Nagulat na lamang ako nang binatukan ni Marissa si Tonio. "Aray masakit, Marissa!"
Napahalukipkip siya at napataas ng kanyang kilay. "Aba kung makasaway ka sa akin kanina! Eh, ikaw nga nakakita ka lang ng maganda, kala mo kung sinong maginoo ka! Abam Aba Tonio ah! Wag ako!" Depensa ni Marissa.
Hindi sumagot si Tonio sa sinabi ni Marissa. Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo habang nahihiyang nakangiti sa akin. Napalingon naman ako sa aking katabi na si Dante at napansin ko ang pag-uusap naman nila ni Aling Pacing.
"Sige lang attorney, kuha lang ho ng kuha. Para po sa inyo talaga itong handaan. Pasasalamat po naman sa inyong tulong sa amin," saad ni Aling Pacing.
Tumango at ngumiti si Dante. "Mukha nga pong mapaparami ang kain natin ngayon. Maraming salamat po Aling..." Napatigil siya nang mapagtanto niyang hindi niya alam ang pangalan nito.
"Aling Pacing. Tawagin mo na lang akong Aling Pacing," ngumiti siya at iniabot ang sandok kay Dante. Napakaganda ng ngiti ng matanda kahit bakas na ang linya sa kanyang mukha. 'Di alintana na maputi na ang hibla niya sa buhok na nakapungos at nangungulubot na ang kanyang mga kamay sa katandaan. Subalit kahit ganunpaman, makikita sa kanyang mukha ang bakas na kagandahan.
"Ay thank you po!" Aniya.
"Walang ano man attorney. Kami nga po ang dapat magpasalamat sa inyo, dahil pinaunlakan ninyo ho ang aming tawag na pawang mga manggagawa lamang," malugod na sinabi ni Aling Pacing.
Kinuha ko ang baso na nakalapag sa lamesa at uminom. "Mga ilang taon na ho kayong nagtratrabaho rito, Aling Pacing?" Sambit ko habang hawak-hawak ang isang kutsara ng kanin sa aking kamay.
"Bale, sampung taon na po akong naninilbihan rito bilang tagapangalaga ng mga kwarto. Noong una ho maganda po ang pamamahala sa resort, ngunit po noong simulang pinamahalaan na po ito ng kanilang pinsan na si Mr. Abelardo Torres, naging mahigpit na ho sila sa mga empleyado. Kung kaya't eto ho kami rito humuhingi ng tawag ho sa kanyang hindi magandang pakikitungo sa amin," kwento naman ni Aling Pacing na tila may hinain sa kanyang boses.
Nagtaka ako sa kanyang sinabi. Napakunot ang aking noo at napatanong muli sa kanya, "Ano ho ba, Aling Pacing, ang nangyari sa dating namamahala rito? Nasaan no ho sila?" Sumubo ako ng ulam at kanin sa aking bibig habang hinihintay ang kanyang sagot.
Tila napansin ko ang kunot sa kanyang noo na nagsesenyales nang hindi magandang pangyayari. "Mabait at mahabagin si Don Roberto sa amin mga empleyado. Maayos po ang pagtatakbo nitong resort noong siya po ang nabubuhay, subalit nang simula pong namatay siya, inilipat po ang pamamahal sa kanyang nag-iisang pinsang na si Don Abel. Malupit ho siya, mapagmaltrato at gahaman sa pera," pagpatuloy ni Aling Pacing na nanginginig. Napansin ko ang paghawak ng braso sa kanya ng babaeng maikli ang buhok at may pasa sa mukha.
"Nako kung alam mo lang, Ma'am Elena kung gaano kademonyo ang taong iyon, " sambit naman ni Marissa. "Kung alam mo lang ang ginawa niyang kalapastangan sa aming---"
"Maghunos dili ka, Marissa. Nakakahiya naman dito kay Ma'am Elena," biglang usal ni Aling Pacing. Napatahimik naman bigla si Marissa at napakain na lamang.
Mas lalong umigting ang aking pagtataka ng mapansin ko ang sugat at pasa ng babae sa kanyang mukha at katawan. Gusto ko sana siyang tanungin ngunit nag-alinlangan akong gawin ito dahil ayoko rin naman sabihin nila na masyado akong mausisa. Napakunot na lamang ang aking noo sa lungkot habang pinagmamasadan ang kanyang paghawak ng mahigpit kay Aling Pacing.
Nalungkot ako at nabagabag sa sinabi ni Aling Pacing. Wari'y naramdaman ko ang paggalaw ng aking katawan pahilig sa kanya. Tinukod ko ang aking kamay at hinigpitan ang aking sa kanyang kamay. "Naandito na po kami, kung kailangan ninyo ho ng tulong, wag ho kayong mag-atubiling tawagan kami."
"Maraming salamat po, Ma'am Elena." Ngumiti siya sa akin ng malamyos sabay hinaplos nang mahigpit ang aking kamay.
"Elena na lang po, Aling Pacing." Iminuwestra ko ang aking kamay upang anyayahan din silang kumain. "Sige po, kain na rin ho. Sabay-sabay na po natin itong pagsaluhan," sambit ko.
Nagsikuhaan sila ng kanilang mga plato at sumandok ng kanilang mga gustong pagkain. Napansin ko ang mga ngiti sa aming munting pagsasalo. Napatingin ako kay Dante, na patuloy ang kanyang pagsubo habang nagkakamay. Napansin ko ang kanyang pahapyaw na tingin. Napakunot siya nang noo at napatanong, "Ano iyon Elena?"
"Wala naman Dante." Napangiti ako ng bahagya at nagpatuloy sa pagkain habang kinikilala ang mga taong ito na ang gusto lamang ay mabigyan importansya ang trabahong minahal at pinaghirapan nila.
*************************
Pagkatapos ng dalawang oras na pagsasalo, iniligpit na namin ang mga hinain na pagkain na nasa hapag kainan. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makausap ang mga empleyado rito sa resort. May mga baguhan at mayroon rin naman matagal nang nagtratrabaho rito simula pa noong pamamahala ng yumaon na si Don Roberto. Napansin ko rin ang kanilang malapit na pagsasama nila sa isa't-isa. Tila parang pamilya na ang tingin nila sa kanilang mga katrabaho na mas nagpakirot sa akin puso. Minsan ka lang makasaksi ng ganitong klaseng relasyon sa isang trabaho, kung kaya't naintindihan ko kung bakit ganoon na lamang katindi ang kanilang pakikibaka sa karapatan napagkait sa kanila.
Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat habang pinagmamasadan ko ang pag-agos ng alon sa dagat. Napalingon ako at napansin ang babaeng nakita ko kaninang may pasa at sugat sa aking harapan. "Ano iyon?"
"Pinapabigay po ni Nanay Pacing." Iniabot niya sa akin ang balot ng pagkain na natira kanina. "Tamales po ito ma'am. Napansin po kasi ni nanay na nagustuhan niyo po ito kanina..."
Inipit ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga na sumasagabal sa aking mukha. Kinuha ko ito sa kanya at ngumiti. "Pakisabi kay Aling Pacing na maraming salamat ah."
Tumango siya sa akin. Pabalik na sana siya sa loob ng kubo nang tinawag ko ang kanyang pangalan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapalagay sa mga galos na kanyang kinamit, nariyan pa rin ang pagtataka sa akin kung saan nanggaling ang mga ito.
"Teka, miss," tawag ko sa kanya. Maganda siyang babae. Maputi ang kanyag kutis na parang kakulay ng namumuting mga nyebe. Maikli at kulot ang kanyang buhok, ngunit maganda ang pag-agos nito sa kanyang maliit at malapusong mukha. Maliit ang kanyang labi at mapula. Makikita mismo ang napaka-inosenteng kagandahan niya sa mukha.
Napalingon siya sa akin at napataas ng kanyang kilay. "Ano po iyon ma'am?"
Lumapit ako sa kanya at napayakap sa lamig na pumapalibot sa kapaligiran. "Anong pangalan mo pala?"
Napalingon siya muli kay Aling Pacing bago sumagot. Napansin ko naman ang pagkaway sa akin ni Aling Pacing. Ngumiti ako sa kanya at napakaway rin. Bumalik ang paningin ko sa babaeng nasa harapan ko at naghintay ng kanyang sagot. Napansin ko ang kanyang paglunok bago nagsalita. "A-Anya po...Ma'am Elena" mahinahon niyang sagot.
"Nice meeting you Anya. Elena na lang ang itawag mo sa akin." Iminuwestra ko ang aking kamay sa kaniya nanghuhudyat ng aking pagkamay sa kanya.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang pagkuha ng aking kamay, ngunit kinuha niya rin ito at kinamayan niya ako ng bahagya. "Sa inyo rin po, Ma-Elena."
Ngumiti ako ng marahan. "Ilang taon ka na?" Tanong ko muli.
"Seventeen po..." Maikli niyang sinabi habang yakap-yakap ang kaniyang sarili. Napansin ko ang kanyang paghawak at pagtago ng galos at sugat sa kanyang mga braso.
Napakunot ako ng makita ko ito. Tila naalala ko sa kanya ang aking sarili noong kabataan ko. Takot at nagtatako sa dilim. Napatikhim ko nang maramdaman ko ang namumuong luha sa aking mga mata. "Nagtratrabaho ka rin ba dito?"
Tumango siya sa akin. "Part-time lang po, kapag tapos na po ang trabaho tumutulong po ako sa kusina," aniya.
Napatango ako sa kanyang sagot. "Ah ganun ba. Nanay mo ba si Aling Pacing?"
Umiling siya sa akin. "H-hindi p-po. Tiya ko ho siya. Siya na po ang nag-alaga sa akin simula noong namatay po ang aking ina. Si tatay naman po may ibang pamilya na, kaya ang kasama ko lang po ngayon ay si Nanay Pacing."
"Alam mo ako rin uliran na. Ang lola ko ang nag-alaga sa akin noong kaedaran mo lang ako, kaya naiintindihan kita," masayang kwento ko sa kanya habang binabalik ang alalalang kasama ko si Nanay Aning.
Napansin ko pagbabago ng kanyang aura ng mukha ng makita ko ang kintab at tuwa sa kanyang mga mata ng masabi ko ito. "Talaga po? Parehas po pala tayo, ate."
Tumango ako sa kanya. "Oo."
Ngumiti siya nang bahagya sa akin. "Katulad rin po ba kayo ni Attorney Gillesania na lawyer?"
Umiling ako. "Hindi eh. Pero I'm an accountant. Hina-handle ni Dante ang mga kaso ng katulad sa nanay mo, at ako naman ang nag-hahandle ng mga financial accounts ng kompanya," explanasyon ko sa kanya.
"Nakaka-inspire naman po kayong dalawa. Pangarap ko rin po na makatapos po ako ng pag-aaral."
Hinaplos ko ang kanyang ulo. "Pagbutihan mo lang ang pag-aaral mo at matatapos mo rin ito," pinanigurado ko sa kanya.
Napalingon si Dante sa amin nang napansin niyang kinakausap ko si Anya. Kumaway siya sa amin at ngumiti. Ngumiti lamang ako sa kaniya nang makita ko ang kanyang biglaang pagkaway. Napamasid naman sa amin si Anya. "Nakakatuwa naman po kayong dalawang magnobyo, Ate. Kanina ko pa po kasi napapansin noong kumakain po tayo," saad nito.
Napakumpas ako ng aking kamay at napailing. "Nako, Anya. Hindi kami ng Kuya Dante mo. Magkatrabaho lang kami sa isang kompanya," paliwanag ko sa kanya. Naramdaman ko ang init sa aking mukha nang masabi niya iyon.
"Ay sayang naman po. Bagay pa naman po kayong dalawa," usal niya.
Napataas ang aking kilay at napakagat sa aking labi. "Ikaw talagang bata ka, marunong ka na sa mga ganyang bagay. " Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang mga braso. Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat ngunit hindi naman siyang nag-alintanang alisin ang aking mga kamay. "Wag ka munang mag-boboyfriend. Mag-aral ka muna ah para makatapos ka at makatulong ka sa iyong nanay."
Tumango siya sa akin. "Opo."
"Anya! Halika na 'nak!" Nabigla kaming dalawa nang marinig namin ang pagtawag ni Aling Pacing kay Anya. Subalit, bago man bumalik si Anya sa kanya lumingon muna siya sa akin, "Ate Elena, maraming salamat po sa time."
"Sige, tinatawag ka na ng nanay mo." Tinapik ko ang aking kamay sa kaniyang buhok at hinaplos ito.
Patalikod na sana siya ng biglang may naalala akong sabihin sa kanya. "Nga pala, anya!" Tinawag ko siya.
Napataas siya ng kaniyang kilay. "Ano po iyon ate."Tumigil siya sa paglalakad habang hinihintay ang aking sasabihin.
Lumapit ako sa kanya, hinagod ang kanyang braso at sinabing, "Kung kailangan mo ng tulong, wag kang mag-atubiling tawagan ako ha," seryoso kong sinabi.
Napakunot siya sa aking sinabi, tila naiintindihan niya ang aking ibig sabihin roon. Tumango siya sa akin at mabilis akong niyakap. "Maraming Salamat, Ate." Humigpit ang kanyang pagyakap sa akin na mas lalong nag-udyok sa akin na tulungan siya sa kung ano mang sirkumstanya ang hinaharap niya ngayon. Nang sa gayon, sa maliit na bagay makatulong ako sa kaniya.
Bumitaw ako sa kanyang mga yakap. "Sige na, Anya. Tinatawag ka na ni Aling Pacing," saad ko. Tumango siya sa akin at lumingon pabalik kung nasaan si Aling Pacing. Bago man sila umalis, napamasid muna sa akin si Anya at napakaway.
Kumaway rin ako sa kanila.
"Mauna na ho kami Attoney and Ma'am Elena!" Sigaw naman ni Aling Pacing.
"Sige po! Maraming salamat po para rito!" Tinuro ko ang binigay niyang tamales sa akin.
"Walang ano man po iyon, Ma'am Elena! Sige ho!" Sabi nito bago umalis palabas ng kubo.
Nakita ko naman ang paglabas ng kubo nila Tonio at Marissa. Lumingon sila sa amin at kumaway. Napakaway rin ako sa kanila at napangiti habang pinagmamasadan sila sa di gaanong kalayo na distansya.
"Mamaya Ma'am Elena, itotour ka namin rito sa resort!" Paanyaya naman ni Marissa
"Sige po Attorney Gillesania at Ma'am Elena!" Dagdag namin ni Tonio.
"Una na ho kami Attorney at Ma'am Elena! At may trabaho pa ho kaming gagawin," saad naman ni Mr. Asunscion.
Kumaway naman si Dante kay Mr. Asunscion. "Sige ho! Maraming salamat po sa oras na inilaan ninyo para sa amin!"
Unti-unting nagsi-alisan ang mga empleyado sa kubo hanggang sa kaming dalawa na lamang ni Dante ang nakatayo rito. Naramdaman ko na lamang ang kanyang presensya ng may biglang tumaas ang maliit kong balahibo sa braso sa kaniyang pagdating. Hindi ko pinansin ang kaniyang paglapit sa akin. Tinuon ko ang aking mata sa malakas na pag-agos ng alon na tila naging ritmo sa aking mga tainga.
Narinig ko ang kanyang mahabang pagbuntong-hininga. "Mukhang close ka na roon sa anak ni Aling Pacing."
Saka lang ako lumingon nang marinig ko ito sa kanya. "Hindi niya anak si Anya. Pamangkin niya. Kinupkop ni Aling Pacing si Anya simula noong namatay ang kanyang ina."
"She's young. Is she working here?" Tanong niya muli habang nakalukipkip.
"Ang sabi niya sa akin, part-time daw siya rito. Pumapasok siya sa school at pagkatapos niya roon, didiretso siya sa kusina para makatulong, " kwento ko kay Dante.
"She kind reminds me of you. A bit," sambit niya. Tumingin siya sa akin nang bahagya.
Napatango ako sa kanyang sinabi. "She did kind of remind me of myself when I was young." Pero tapos na iyon. Ang lahat ng nangyari sa nakaraan ay tapos na at nakabaon na sa lupa.
"How old is she?"
Napatitig ako sa kanya habang nakatitig siya sa dagat. "Seventeen." Kasing age lang natin noong nagkakilala tayo.
"She's young," maikli niyang tugon.
"Yep she is.." Napamasid ako sa malapad at maliwanag na kalangitan. Sininghot ko ang sariwang hangin at napapikit ng sandali.
Lumingon siya at humarap sa akin. Inalis niya ang kaniyang kamay sa bulsa at humalukipkip. "I also saw what you saw on her arms. It did made be curious of it," inamin niya.
Napatingin ako sa kanyang malakapeng mata na tila lalong umiilaw sa liwanag ng haring araw. "Yeah..." Ito lang ang nasagot ko sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. Tumahimik nang panandalian ang paligid habang parehas kaming nakatitig sa malakas na agos ng dagat. Mga ilang minuto lamang, napamasid siya muli sa akin. "Alam kong kinausap mo siya dahil napansin mo ang mga sugat at pasa niya sa braso," marapatan niyang sinabi.
Napatigil ako sa paghinga nang marining ko ito sa kanya. Lumingon ako sa kanya at napansin ko ang maliit na distansyang pumapalibot sa aming dalawa. Dumapo ang malakas na ugong ng sariwang hangin na pumapalibot sa amin. "I-i just wanted to help in any way I can. I know she's having a hard time right now. In just a little way, gusto ko lang makatulong sa kanya."
"Just be careful, Elena. You know we should focus on the case." Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.
"Wag kang mag-alala sa case. Gagawin ko naman nang maayos ang trabaho ko. Atsaka, wala naman masamang mangyayari Dante. Kung tama ang hinala ko, gusto ko lamang makatulong sa taong sinapit rin ang aking naranasan," paliwanag ko sa kanya.
"Wala naman masama doon Elena. But--"
I cut whatever he was trying to say. "Oo nga pala, It doesn't matter to you anymore dahil nakalimutan mo na lahat nang nangyari sa atin." Hindi ko mapigilan ang hinain na matagal ko nang dinadamdam sa kanya nang huli ko siyang nakita. At bago man siya makapagsalita sa akin, umalis na ako at iniwan ko siyang mag-isa sa tutok ng kapatagan.
Bago ko man tuluyan na lisanin siya, napamasid muli ako sa kanyang likod at napakunot ng noo. Sa pagkakataon na iyon, naramdaman ko ang pagbasak ng aking katawan nang madismaya ako sa kanyang sinabi. Hindi ko man maatim ito, pero tila hindi na siya ang nakilala kong Dante. Lumingon ako pabalik at nagpatuloy sa paglalakad ng mag-isa habang binabalot ang aking katawan ng malamig na hangin.
***********************