Elena
Naramdaman ko ang mabilis na pagtahip ng aking puso nang hinila niya ako palapit sa kanya. Inikot niya ako ng marahan sa gilid, malapit sa taimtim na huni ng dalampasigan. Tila sa panahon na ito, ang tanging naririnig ko lamang ang malakas na tibok ng aking puso kasabay nang patuloy namin na pag-indayog sa ritmo ng malamyos na himig ng kanta.
Inangat ko ang aking ulo at dahan-dahan nagtagpo ang aming mga mata. Bakas sa kanyang mukha ang pangungulila at pagkabalisa na ngayon ko lang nakita, ang Dante na matagal ko nang hinahanap. Hindi ko mapigilan ang paghagod ng aking kamay sa kanyang balikat nang hinaplos niya ng malumanay ang aking pisngi habang patuloy na nakakandado ang aming mga mata.
Hinawi niya ang aking buhok at inipit sa likod ng aking tenga. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad na dumampi sa aking mukha. Ibinababa niya ang kanyang kamay sa aking baywang at mariin na inikot ito. Humilig siya sa aking mukha hangga't sa naramdaman ko ang kanyang tungki ng ilong sa akin. Napasinghap ako nang idinikit niya ang kanyang noo at hinagod niya ang kanyang ilong nang marahan sa aking balingusan. Animo'y tumindig ang balahibo ng aking katawan nang maramdaman ko ang nakakaruyenteng tilamsik na dumadaloy sa aking dugo.
"Dante..." Humigpit lalo ang hawak ko sa kanyang leeg habang patulog ang pag-indak ng aming mga katawan sa himig ng musika.
Ngumisi siya nang marahan habang kinarinyo niya ako sa mabagal na tunog ng kanta. "I never told you this but you look stunning." Kumurap ang kanyang mata habang patuloy ang paghaplos niya sa aking pisngi. Naramdaman ko ang nakakakiliting sensasyon ng bumulong siya sa aking tainga. "Stunningly beautiful." Humaplos ang kanyang hininga sa aking balat na nag-udyok kakaibang pakiramdam sa aking diwa.
Nang marinig ko siyang sabihin ito, unti-unting kumulos ang bigsi ng puso ko. Naramdaman ko ang pagsikip at paghapdi na tila dahan-dahan na kumikitil sa natitirang tibok nito. Hinawakan ko nang mariin ang kanyang kamay na nasa aking pisngi. Wari'y nadama ko ang dating Dante sa kanyang mga haplos na banayad at panatag.
Ang Dante na hinihintay ko...
"What happened to us Dante?" Pinilit kong hindi umiyak sa aking tanong. Ibinaba ko ang kanyang kamay na nasa pisngi at sinalikop ko ito sa akin.
Ano nga ba ang nagyari sa atin?
Nasaan na ang dating tayo?
Tuluyang naglaho na ba ang lahat?
Gayunpaman, hindi ako nakakuha ng sagot sa kanya. Kinuha niya ito at isa-isang hinaplos ng kanyang mga mapanuksong labi sa buko ng aking mga daliri. Nang muli niyang itinaas ang kanyang ulo, nagtapo ang aming mata at napatigil sa pagsasayaw.
Lumayo siya nang kaonti, binatawan niya ang aking kamay at inilagay ang kanyang kamay sa gilid nang akin baywang. Napansin ko ang paghapit ng kanyang panga. "We grew apart. Everything is different right now." mahinahon niyang sinabi habang patuloy na nakakandado ang kanyang mga mata sa akin.
Napakagat ako sa akin labi habang pinipilit na hindi lumabas ang akin mga luha. Kinalas ko ang kanyang mariin na paghawak sa akin at humakbang paatras sa kanya. Napatango na lamang ako. "You're right. I should have known. Wala na pala sa iyo ang lahat na nangyari sa atin. I understand."
Naglakad ako pa-urong. Bago ko man maramdaman ang pagtulo ng akin mga luha, umikot ako at lumingon paalis sa kanya na hindi man lang tumitingin rito. Narinig kong tinawag niya ang aking pangalan, subalit sa aking kaduwagan, hindi ko nang magawang lumingon muli sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa lugar--palayo sa kanya.
********************************
Hindi ko alam kung nasaan ako. Patuloy na naglakad ang aking mga paa sa mapanglaw at madilim na kapaligiran. Wala akong makita kun'di ang mga talang tanging naggagabay sa aking malungkot na pag-iisa. Niyakap ko ang aking sarili habang kumakalabog ang naninigas kong katawan sa bulong ng malamig na hangin.
Tama na Elena. Tama na ang paghihintay mo sa isang tao na hindi naman babalik sa iyo. Nasasakatan ka na. Niloloko mo lang sarili mo sa matagal mo nang pinanghahawakan na pangakong matagal nang nawasak ng panahon.
Hindi tumigil ang pagdagsa ng aking mga luha na parang isang malakas na bagyong matagal nang gustong kumawala. Animo'y ramdam ko ang pira-pirasong sakit na unti-unting kumikitil sa aking dibdib, dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalik ang matamis na kahapaon matagal ko nang hinihintay.
He's right. You're just stuck with the past that you can't get out. Ang nakaraan na matagal ko na dapat ibinaon. Pero bakit ganoon? Hanggang ngayon...
Pinatuloy ang paglalakad sa mapanglaw at makulimlim na gabi. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung paano ako nakapunta rito. Ang alam ko lang gusto kong makalayo sa lugar kung nasaan siya. Makalayo sa sakit na nararamdaman ko.
Tinahak ko ang madalim at hindi pamilyar na daan nang resort. Napagtanto ko habang naglalakad na nasa isang lugar ako kung saan hindi ko pa napuntahan o napakilala man lang ni Marissa. Wala rin akong makita dahil sa sobrang dilim rin ng paligid. Napatigil ako sa gitna ng daan at sinuri ang lugar na aking natagpuan. Malago ang mga puno rito at tila napapalibutan ng kakaibang itim. Tanging sinag ng bituin at kabilugan ng buwan lamang ang namumutawi sa makulimlim na lugar. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad habang mahigpit na kinandong ang aking buong katawan sa nakakatindig-balahibong kalye.
Hindi ako nagtangkang tumingin sa akin likod at tinuon ko na lamang ang aking paningin sa harapan. Habang sa aking paglalakad, nakapansin ako ng isang maliit na bahay malapit sa akin paroroonan. Hindi ito gaanong kalakihan at katamtaman lang na pwedeng tirhan ng dalawang tao. Sementado at kulay puti ang kanyang pader. May bakod rin ito na nakapalibot sa buong bahay. Natuwa ako ng makita ito at nagbaka-sakaling may taong nakatira rito na pwedeng magturo sa akin ng daan. Binilisan ko ang aking paglakad at sa aking paghakbang nakarinig ako ng ibang tunong.
Isang tili.
Sigaw.
At Hikbi na nagmumula sa bahay na aking paroroonan. Hindi na ako nag-alinlangan na tumakbo paparito. Nang makarating ako rito, napansin ko na bahagyang bukas ang pintuan. Lumakas rin ang tunog ng hikbi na nagmumula rito. Napahinga muna ako ng malalim bago ko man isipin na pasukan ang loob. Lumapit ako sa pintuan at nanginginig na hinila ko ito palabas.
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Tila ang dugo na dumadaloy sa akin katawan ay humapit nang makita ko si Anya na nilalapasatangan ng isang matandang lalaki. Nakahiga sila sa maliit na kama habang patuloy na marahasan niyang ginagahasa si Anya. Malaki siya at mas matangakad sa akin ng kaonti. Matipuno at malaki ang katawan. Bagama't maikli ang kanyang buhok, maputi na ito sa kanyang katandaan. Nakahawak siya sa baywang ni Anya habang patuloy ang pagpiglas ng dalaga sa kanya.
"Tama na po Don Abel!" Hikbi ni Anya habang patuloy ang patulak niya kay Don Abel.
Sinampal naman siya ni Don Abel sa kanyang mukha at dinukot ng mariin ang kanyang panga. "Sinabing tumahimik ka eh!"
Ibinaba niya ang strap ng damit ni Anya habang kinulong niya ito sa kanyang mga mahigpit na hawak. Pagkatapos nito, pilit niyang itinaas ang kanyang palda at ibinaba ang kanyang damit panloob. Mas lalong pumaitaas ang kulo ng aking dugo nang marahasan niyang ipinasok ang kanyang tatlong daliri sa kanyang pagkababae na mas lalong nagbigay igting sa hikbi ni Anya. Hinimas-himas niya ang kanyang dibdib at hinaplos gamit ng kanyang makasalanan na labi. Tumindi ang iyak ng dalaga nang maramdaman niya ang pagkagat nito sa kanyang utong.
Hindi na akong nag-atubiling lumapit sa kanila at kaagad ko itinulak siya papalayo kay Anya. "Walang hiya ka! Bitawan mo siya!" ani ko. Sinuntok suntok ko ang kanyang likod, upang madaling makatakas si Anya sa kanyang mahigpit na mga hawak
Nang makita ako ng dalawa, kaagad niyang sinipa ang matandang lalaki. "Ate!" sigaw ni anya sa akin. Mabilis na tumakbo si Anya papunta sa akin at sinangga ang kanyang katawan sa akin likuran.
"Putang-ina! Bumalik ka ritong babae ka! Hindi pa tayo tapos!" Asik niya sabay suntok sa katabing pader. Bagama't mabigat ang kanyang mga lakad, mabilis siyang nakapunta sa amin. Maitim ang kanyang mga mata at nakakatakot. Nakakuyom naman ang kanyang mga kamao na tila nanggigil sa galit.
Bago pa niya kami naabutan, tinulak ko na papalayo si Anya habang hawak-hawak ang kanyang kamay. "Halika na Anya. Takbo bilis!" Nagmamadaling sigaw ko sa kanya.
Tumakbo kami palabas ng bahay, ngunit bago pa man kami makatakas, naramdaman ko ang marahasan niyang paghila ng aking braso. Inikot niya kami pabalik sa loob at tinulak malapit sa yaring metal na kama. Bigla ko na lang nadama ang sakit ng aking likod sa pagtulak niya sa akin sa pader. Napakuyom ako ng aking katawan habang patuloy kong hinigpitan ang hawak kay Anya.
Hindi siya nagsalita. Tumalikod siya at sinarado ang pintuan. Tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang malakas na pagkalabog ng pintuan. Napaupo ako sa sulok ng kama, habang si Anya naman ay lumapit sa akin habang patuloy ang kanyang pag-iyak.
"Ate..." Nanginginig niyang sinabi.
Napalunok ako. "Wag kang mag-alala Anya hindi kita pababayaan," sinubukan ko siyang pakalmahin.
Kinuha niya ang upuan malapit sa kama at saka binaliktad. Pagkatapos nito, hinila palabas ang kanyang belt sa pantalon at saka kinuyom sa kanyang kamao. Nanlilisik na nakatingin siya sa amin habang umupo siya nang pabaliktad sa upuan na nasa gitna namin.
Ngumisi siya ng tinukod niya ang kanyang braso sa sandalan ng upuan. Pinunasan niya ang kanyang labi at dumura sa sahig.
"So, ikaw pala ang sinasabi nilang dumating na babae rito kasama ng mayabang na attorney," wika nito. Malalim at mayayabong ang kanyang boses.
"Ako nga pala si Don Abel. Ikaw iha anong pangalan mo?" Tinaas niya ang kanyang kilay. Napansin ko ang pagdukot niya ng isang maliit na kahon sa kanyang bulsa. Kumuha siya ng isang sigarilyo at sa sindi ito gamit ng lighter na nakalapag sa lamesa na nasa gilid.
"Hindi mo na kailangan malaman," marahasan kong tugon.
Bigla siyang napatawa ng malakas. "You're feisty. I like it. 'Yan ang gusto ko sa mga babae, palaban at walang kinakatakutan."
Lumapit siya sa amin at saka binuga ang usok ng kanyang sigarilyo sa aking mukha. Iwinaswas ko ito sa aking harapan at napa-ismid. Bigla niyang dinukot ang aking panga at bahagyang inikot. Pumiglas ako ngunit mahigpit ang kanyang hawak rito.
"Maganda ka nga. Mas maganda at sariwa ka pa kay Anya." Tumawa siya ng malakas at malalim.
Mas lalo kong naramdaman ang kaba at takot sa aking dibdib ng lumapit ang kanyang katawan sa akin. Kaagad akong nakaamoy ng nakakasuya at nakakasukang pabango galing sa kanyang damit. Nagulat na lang akong bigla ng hinatak niya ang aking mga braso at mahigpit na hinawakan. Humilig siya sa akin at inamoy ang aking leeg. Tila naramdaman ko ang nginig ng aking buong kalamnan sa kanyang marahan at makasalanan na haplos.
"Bitawan mo ako!" Sinampal ko siya nang malakas sa kanyang pisngi. Sisipain ko na sana siya nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay sa aking mga braso.
"Mabango rin. Mukhang mas lalong mag-eenjoy ako ngayon ah!" Malakas niyang hagikgik na sumaklob sa buong kabahayan.
Nanggalaiti ako sa kanyang sinabi. Hindi ko mapigilan na labanan siya kung kaya't nang inilapit niya muli ang kanyang mukha sa akin, hindi na ako nag-alinlangan na duraan siya. "Ang baboy mo! Lumayo ka sa akin! Layuan mo kami!" Sigaw ko.
Nakita ko ang kanyang inis sa mukha. Kinuha niya ang aking mukha at saka pinisil ng maigi. "Aba, aba! Kasalanan mo na pumasok ka sa loob at nahimasok sa amin ni Anya." angil niya habang patuloy sa pagsiil ng aking panga. "Hindi ka makakatakas dito hangga't hindi ko sinasabi," dagdag niya.
Binitawan niya ito muli at tinitigan si Anya. Hinaplos niya muli ito sa pisngi at dinilaan ang kanyang dibdib. Nakita ko ang panginginig ng dalaga sa kanyang nakakadiring mga yapos. Tinulak ko siya nang malakas at napatalsik siya sa kama. "Sinabing bitawan mo siya!" Asik ko sabay sipa sa kanyang tiyan.
Napa-ungol siya sa sakit nang maramadaman niya ang paghulog ng kanyang likod sa sahig. Dali kong itinayo si Anya at tumakbo kami papunta nang pintuan. Umikot siya sa kanyang pinanglalagayan at napatayo na may awang sa kanyang baywang. Pagbukas ko ng pintuan, naramdamdan ko ang mahigpit niyang paghatak niya sa aking leeg. Ibinato niya ako sa pader at siniil nang marahas ang aking leeg. Pumiglas ako. Sinipa-sipa ko ang kanyang mga hita, subalit walang epekto ito sa kanyang paglamuyot ng aking leeg. Naramdaman ko ang pagtigil ng aking hininga, ang pagtaas ng dugo ko sa aking mata at ang init ng kanyang pagkapisil sa aking leeg.
Hindi ako makahinga...
Namimilipit ang aking katawan sa pagkawala sa kanyang mahigpit na hawak.
"Bitiwan mo si Ate Elena!" Narinig ko ang boses ni Anya sa aming likuran.
Binato-bato at sinuntok-suntok ni Anya ang kanyang likuran. Nang matamaan ni Anya ang kanyang ulo, kumawala ako sa kanyang mahigpit na paniniil. Sinipa ko siya nang malakas sa kanyang tiyan at kaagad na tumilapon ang katawan sa sahig. Hindi na ako nag-atubiling hintayin ang kanyang pagbangon, kaagad ko nang binuksan pinihit ang doorknob at hinila palabas ang pintuan. Kinuha ko ang kamay ni Anya at tumakbo kami palabas rito.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kaba at takot na namumutawi sa aking dibdib. Hindi na ako tumingin sa likod at pinagpatuloy na lamang ang pagtakbo ng mabilis palayo sa lugar na ito. Napalingon ako kay Anya habang hawak ko ang kanyang kamay. Bakas sa kanyang mukha ang takot at pangamba habang hingal na hingal siyang tumatakbo sa akin likuran. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay at patuloy ang pagtakbo namin sa masukal na daan.
Sa aming pagtakbo, nakarinig ako ng pamilyar na boses. Buhat ng kadilim ng lugar, hindi ko makitakung kanino ang nanggagaling ang boses na ito. Napakunot ako ng noo at napakurap ang aking mata.
"Elena!" Tawag ng isang lalaki
"Anya!" Sigaw ng babae.
"Ate Elena tinatawag tayo, " ani Anya na may paghabol ng kanyang hininga. Tumango ako sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit muli. Napatigil kami sa pagtakbo at napalakad na dahan-dahan upang hanapin ang pinanggagalingan ng boses na ito.
Unti-unti, sa aming paglakad, nasilayan ko ang dalawang anino papalapit sa amin. Tumakbo kami paparoon at napansin namin ang paglapit ng boses na kanina pang tumatawag sa amin. Nang makaabot kami, nagulat ako biglang makita ko si Marissa at si Dante na naglalakad sa aming paroroonan.
"Ate Marissa!" Binitawan kaagad ni Anya ang aking kamay at dali-daling pumunta kay Marissa. Niyakap niya ito nang mahigpit sa kanyang pagkakita.
Kumalas sa mahigpit na pagkayakap si Marissa. "Saan ba kayo nagpupunta? Hinanap ka ni Aling Pacing sa akin. Kanina pa kami nag-aalala sa inyo. Kung saan-saan na nga namin kayo hinanap." Aniya na may pagkabahala sa kanyang boses.
Biglang humagulgol ng malakas si Anya, "Ate Marissa, si Don Abel po." Napakandong si Anya sa mga braso ni Marissa habang patuloy sa pag-iyak.
Kinuha ni Marissa ang kanyang pisngi at hinaplos. "Sabihin mo sa akin, Anya, anong ginawa niya? Sinaktan ka nanaman ba ng hayop na 'yon?" Galit na galit na tanong ni Marissa.
Hindi nakaimik si Anya at patuloy lamang sa pag-iyak. Napatingin si Marissa sa akin nang humigpit ang hawak niya kay Anya.
Napalunok ako at napatingin kay Dante na wari'y hindi mapinta ang kanyang mukha. Bumalik muli ang tingin ko kay Marissa. Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang biglang naramdaman ko ang pangangatal nito. "Nawala ako sa paglalakad hangga't sa umabot ako rito. Nakarinig na lang ako ng malakas na sigaw mula sa puting bahay na mukhang abandonado na--Pagpasok ko nakita ko siya.." Napalunok ako muli. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa galit sa kanyang paglapastangan ng pagkababae ni Anya. Huminga ako ng malalim bago ko lumabas ang mga katagang ito sa aking bibig. "at si Anya...na ginagahasa niya..."
Tila nanumbalik muli ang mga alalaalang nakalipas nang mangyari ito sa akin. Nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang haplos ni Dante sa aking likod. Sa pagkakataon na iyon, wari'y nanghina ang aking buong katawan. Hindi ko mapigilang mapikot kay Dante at mapayakap nang mahigpit.
Humapit ang kanyang mga panga. "Thank God, you guys are safe now." Aniya na mahina at malamyos. Nadama ko ang mahinahon niyang paghaplos sa aking buhok at ang kanyang init na pagyakap. Animo'y nakaramdam ako nang pagkaginhawa at kapanatagan sa kanyang mariin na pagyapos sa akin.
"Putang ina iyang hayop na iyan! Magbabayad talaga 'yang demoyo na 'yan! Anong akala niya makakatakas siya sa mga kasalanan niya? Hindi ako papayag!" Asik naman ni Marissa na wari'y balak puntahan si Don Abel.
"Ate Marissa! wag na!" Hinila pabalik ni Anya ang kanyang braso. "Huwag na po. Okay na po ako," aniya na may ngiting pait sa kanyang mga labi.
"Anya!Pang-ilang beses na niyang ginawa iyon sa iyo! Hahayaan ba natin na babuyin ka ng hayop na iyon! Kahit mawalan ako ng trabaho Anya, isasakripsiyo ko iyon mawala lang dito sa puder natin ang demonyo na 'yan!" Galit na galit na usal ni Marissa.
Bumitaw ako sa mahigpit na yakap ni Dante at lumapit kay Anya. Hinaplos ko ang kanyang mga braso at dahan-dahan na sinabi, "Huwag kang matakot Anya. Naandito kami ni Kuya Dante mo upang tulungan ka. Hindi namin hahayaan na mangyari sa iyo 'yon muli." Niyakap ko siya ulit nang mahigpit.
Naramdaman ko ang pag-iyak niya sa akin mga balikat na tila nagsisilbing pag-asa sa kanya upang mamuhay nang tahimik at matiwasay muli. "Ate Elena!"
Napansin ko naman ang paglapit ni Dante ka Anya. Bumitaw ako sa aking paghawak sa kanya at hinayaan na lumapit si Dante sa kanya. "Don't worry Anya. We'll make sure he'll pay for what he did," pinanigurado ni Dante sabay tapik sa kanyang ulo.
Nakaramdam ako ng tuwa sa puso nang marinig ko ito sa kanya. Dahil, kahit papaano, bagama't hindi na maibalik ang dating kami, nariyan pa rin ang katiting na Dante na nakilala ko.
Pinagmasdan ko silang dalawa habang nakapalibot ang aking mga braso sa aking katawan. Napalingon naman ako kay Marissa at nakita ang galak sa kanyang mga mata. "Maraming salamat po, attorney, " sambit nito kay Dante.
Tumango si Anya sa kanya at niyakap ng mahigpit si Dante na tila parang kuya niya lamang. Sa kanyang pagbitaw, kinuha ni Marissa ang kamay ni Anya at naglakad pabalik sa kubo. "Mauna na ho kami at kanina pa ho kami hinahanap ni Aling Pacing. Maraming salamat Ma'am Elena at Attorney Dante sa inyong pagtulong," dagdag ni Marissa habang hawak ang kamay ni Anya
"Wala iyon, Marissa." Ngumiti ako sa kanya.
At kaming dalawa naman ay naiwan sa gitna habang pinagmamasdan silang dalawa sa paglakad. Lumingon ako kay Dante at sinabing, "Thank you sa paghahanap sa amin."
"You don't have to thank me for that, Elena." Tumikhim siya at ipinasok ang kanyang kamay sa loob ng bulsa.
****************************
Nang bumalik kami sa kubo, napansin namin kakaonti na lamang ang mga tao. Tila natapos na ang celebrasyon at nagsi-uwian na sila. Hindi na rin kami nagtagal at nagpasyang umuwi na rin dahil paggabi na rin naman. Kaagad na nagpaalam kami ni Dante kay Mang Ernesto at Aling Pacing nang makita namin sila. Hindi ko na rin nakita si Anya pagkatapos noon, panigurado na inuwi siya ni Marissa sa kanila upang magpahinga. Hindi na rin ako nagtanong sa patungkol rito dahil alam kong mas lala lang ang problema.
Sa ngayon, kasama ko si Dante na naglalakad pabalik ng aming kwarto. Ibinigay niya sa akin ang kanyang jacket at sinaklob ito sa aking balikat.
"Salamat," ani ko habang patuloy ang paglalakad namin sa makulimlim na daananan.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko ang mga panahon na hinahatid niya ako pauwi sa aking bahay noong mga bata pa kami. Tila bumalik ang alaalang iyon sa akin na wari'y sariwa pa sa aking isipan.
"Paano niyo pala kami nahanap?" Tanong ko sa kanya sa aking pagtataka nang makita namin sila bigla malapit sa aming pinanggalingan.
"Si Marissa ang nakahanap sa inyo. Sinundan ko lamang siya. Napansin nila ang biglang pagkawala mo at ni Anya kaya napagpasyahan namin na hanapin kayo," paliwanag niya sa akin habang nakatuon ang kanyang mata sa daanan.
Napatungo ako sa kanyang sinabi. "Ah, okay. Thank you. Buti na lang at nahanap ninyo kami ng maaga kung hindi baka nahabol kami ni..." Hindi ko na natuloy ang akin sinabi. Naisip ko na hindi na dapat akong nag-iisip nang ibang bagay, sapat na nariyan sila nang kailangan namin ang kanilang tulong.
"Bigla kang nawala Elena. Did you know how worried we are because of you? Hindi namin alam kung saan ka hahanapin. Bigla kang nawala nang parang bula," nadama ko ang galit sa kanyang boses.
"I just need a time for myself, Dante. After what happened..." mahina kong sinabi.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Pero hindi ka sana umalis na lang nang bigla! Paano kung may nangyari sa inyo? What if kung hindi kayo nakatakas sa kanya? Paano kung natuloy---Fuck, Elena! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa inyo!" Sigaw niya sa akin. Umigting ang kanyang panga at naglakad nang mabilis.
Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng aking dugo sa kanyang sinabi. Humakbang ako ng malaki upang maabutan ang mabilis niyang paglalakad. Hindi ko mapigilan magalit sa kanya na nagbubulalas na ang aking bibig. "Hindi ko naman sinabing hanapin niyo ako! At lalong hindi ko naman sinabi na mag-alala ka sa akin!"
"Pero Elena, hindi pa rin tama ang ginawa mo! You could have been hurt again. Ayoko na muling mangyari sa'yo ulit ang nangyari dati!"
Nanuya ako sa kanyang sinabi. "Aba naalala mo papala iyon." Humalukipkip ako at napaismid sa kanya.
"Is this a joke to you? Dahil hindi nakakatuwa, Elena. Delikado ang nangyari sa inyo! Paano kung wala kami roon? Edi kung napa'no na kayo!" Sambit niya muli.
"Bakit? Okay naman kami ah. Wala naman nangyaring masama! At nakatakas kami kaya wag kang umarte na parang nag-aalala ka!" Bulalas ko sa kanya. Sa sobrang galit ko, naramdaman kong bumigat ang katawan ko at ang aking mga lakad. Lumingon muli ako sa kanya at nakita ko ang kanyang nakakuyom na kamao. "Bakit ba ganyan ka umasta? Bakit ikaw pa ang parang galit? Kami ang naperwisyo, hindi ikaw!"
Lumapit siya sa akin. Nagulat na lang ako bigla ng itinulak niya ako ako sa pader na malapit sa aking kwarto. Napatitig ako sa kanya at nakita ko ang galit at inis sa kanyang mga mata. "Fuck, Elena! Don't you see?" Magsasalita sana ako nang biglang nagulat ako sa kanyang pagsuntok sa pader. "Because I fucking care about you! Ayokong may mangyari sa iyo. Hindi mo ba nakikita iyon?"
Napalibutan kami ng katahimikan pagkatapos noon. Hindi ako makapagsalita. Tila napaurong ang aking dila sa kanyang sinabi. Naramdaman ko ang pagpasok ng init sa aking buong katawan na tila kinukuryente ang aking kaibuturan. Napalingon ako sa kanyang kamay at napansin ito na dumudugo. Dahan-dahan ko itong kinuha at pinunasan gamit ng aking mga palad. Tumingala ako sa kanya at napansin ko ang pagluwag ng kanyang mukha.
Muling nagtagpo ang amin mga mata at sa pagkakataon na iyon naramdaman ko ang mabilis na pagtahip ng aking puso. Kinuha niya ang aking pisngi, hinaplos ito ng panandalian at hinagkan ako ng mariin.
"Dante..." Ito na lamang ang mga katagang lumabas sa aking bibig nang maramdaman ko ang paghaplos ng kanyang mga labi sa akin leeg. Tumugaygay ang kanyang mga labi sa akin pisngi, tainga hangga't umabot sa ilalim ng aking balagat. Napasingap ako ng tuluyan nang maramdaman ko ang kanyang pagkagat dito.
Hinila niya ako papalapit sa akin hanggang sa naramdaman ko ang puyos ng init ng aming katawan na nagkikiskisan. Napahawak ako nang mahigpit sa kanyang batok nang dumaan ang kanyang labi sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon na bumalot sa aking buong katawan. Kinuha niya ang aking pisngi at napatitig muna sa aking mata bago inilapit ang kanyang labi sa akin. Tila sumidhi ang natutulog kong diwa nang muling madama ko ang kanyang mainit na yakap at haplos.
Sa pagkakataon na iyon, hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong nalulunod sa kanyang mga mapanuksong at mapusok na mga halik.
Hinalikan ko siya pabalik at tinulak papasok sa aking kwarto.
**********************************