Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 34 - Chapter 31: Elena & Dante

Chapter 34 - Chapter 31: Elena & Dante

Elena

Hinilot ko ang aking sentido habang nakatitig ng mapanuring tingin sa akin ng buntis kong kaibigan na si Melai. Weekend ngayon kung kaya't nasa coffee shop ako at kasalukuyan kong kasama ang pinakamatalik kong kaibigan. Humilig siya sa kanyang inuupuan at uminom sa tsaang nakalagay sa kanyang harapan habang nakatitig sa akin.

Napataas siya ng kilay. "Are you still Elena? My bestfriend? The same upright, righteous, and perfect Elena has a secret relationship with her ex?" Nagulat ako ng bigla siyang tumawa at pumalakpak.

"It's not funny, Melai. Ayokong makasakit ng ibang tao dahil sa akin. And I come to know her, she's really kind and sweet," napasinghal ako at napayuko sa aking upuan. Kinuha ko ang baso ko ng kape at kinandong ang init sa aking mga palad.

"But it really is funny tho. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa'yo kaibigan," tugon nito sabay tukod sa lamesa. Uminom siya muli sa tsaang nasa harapan niya. "Ang swerte naman ng ugok na iyan. Dala-dalawa ang babae niya." Ibinaba niya ang hawak niyang baso at napatingin muli sa akin.

"Melai! It's not like that, uy," Bulalas ko sa kanya.

Kinumpas niya ang kanyang kamay at nagkibit ng balikat. "What? Totoo naman ah. So ano ang sinabi niya sa iyo? He'll keep you two hangga't sa makadecide siya?"

Napakagat ako ng labi sa kanyang sinabi. "No. Sabi niya he'll fix it. Makikipagbreak daw siya kay Casey." Napatigil ako sandali. Bumuntong hininga ako at napalingon sa bintana. "Pero kahit sabihin niya iyon, hindi pa rin ako mapalagay, Melai," nag-aalala kong sinabi.

"Of course, dear. I understand you. Kahit saan angulo man nating tingnan may masasaktan pa rin sa inyong dalawa. Tsk...tsk... Ano ba iyang pinasok mo, bes? Mapusok," humagikgik siya ulit.

Napasapo ako sa aking mukha. "I know I made a mess! I shouldn't have went through with it. Now everything is complicated. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magpapakita kay Casey."

"Pero ginawa mo pa rin friend. And that's fine nagmahal ka lang, tho hindi sa tamang lugar, nagmahal ka pa rin. Sinunod mo lang ang sinasabi ng puso mo. And it's fine wala naman rules and regulation ang pagmamahal, eh," eksplanasyon ni Melai. Hinaplos niya ang kanyang tiyan ng marahan habang malamyos na nakangiti sa akin.

"But it's still wrong..."mahinahon kong sinabi habang patuloy ang agam-agam ko sa aking sarili.

"Yeah you made a mistake, and that's okay because it means that you're a human. Tao ka lang nagmamahal, nasasaktan at nagkakamali, pero it doesn't mean na you have to torture yourself from the mistakes you did," Tinaas niya ang kanyang kilay at ngumisi sa akin.

Napakunot ako sa kanyang sinabi. "Ngayon lang kitang nakitang ganito, bes," gulat na gulat kong tugon.

"Na ano?" tanong niya sabay sukbit sa kanyang baso ng tsaa.

"Na full of wisdom," napangiti ako sa aking sinabi.

"Matagal naman na akong full of wisdom. 'Di mo lang napapansin," pabiro nitong sagot.

"Pero seryoso thank you for making me a little bit less conscious about it. Nakokonsensya kasi ako, kahit na sabihin ko na masaya akong kasama si Dante. Ayoko pa rin ng ganito," paliwanag ko sa kanya.

"If you think it's not right, bes, end it muna hanggang sa maging okay sila o hanggang sa masabi niya ang totoo sa gf niya," dagdag niya.

"Yeah. I should think about it. Pero ewan ko ba sa tuwing kasama ko siya hindi ako makaisip ng tama," inamin ko sa kanya.

"Marupok ka bes. 'Yan lang masasabi ko, tsk tsk." Humalukipkip siya at sumandig muli sa kanyang upuan.

Napalingon naman kami sa aming gilid ng marinig niya ang tunog ng maliit na kampana mula sa pinuan. Pumasok sa loob si Samantha habang pinagmamasadan kaming dalawa sa upuan. Nang makarating siya sa amin pwesto, kaagad naman kaming tumayo sa aming upuan nang imiminuwestra niya ang kanyang buong braso.

"Ate! Namiss ko kayo." Dali-dali niya kaming niyakap ng mahigpit.

"Ikaw rin! Kamusta ka na?" Tanong ni melai sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang malaking tiyan.

"Ang laki ni baby! Ate! Ninang ako dapat ate paglabas niyan ah!" Aniya sabay upo sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Kamusta na pala ang inaanak kong si Anthony? " pabiro kong sagot saka umupo muli.

Dahan-dahan namang umupo si Melai sa kanyang upuan. "Ay nako kung alam mo lang kung gaano kakulit. Kung saan-saan na sumusuot. Parehas na parehas sa kanyang tatay. " ngumiti ito sabay haplos sa kanyang malaking matres.

"Malapit na ang birthday niya ate ah. " Nagkibit-balikat si Samantha.

Tinuro niya kaming dalawa. "Yes kaya dapat naando'n kayong dalawa ha. Lalo ka na Elena, hahanapin ka ng inaanak mo," aning nito

"Oo naman, Melai. I will be there,"pinanigurado ko sa kanya. Tumingo ako kay Samantha at tinapik ang kanyang kamay. "So do you want anything? Baka gusto mo magcoffee we can order you some?" Suhestiyon ko.

"Nah, I'm good pa. I just had a brunch with my workmates," ngumiti siya ng bahagya.

Tinaas ko ang aking kilay. "Don't tell me na nagdidiet ka?"

"Alam mo naman ate na meron kami ngayon na play na malapit nang ganapin--and I will be wearing a tight corset kaya eto nagdidiet ako," pag-uyam niya.

"What play? Can we get some tickets?" Tanong ni Melai.

"Ofcourse meron. Invited kayo no," masaya niyang tugon.

Kinuha ko ang kape ko at uminom rito. "Kailan?" Tanong ko.

"Next month. Pumunta kayo ah!" aniya sabay niyang ikrinus ang kanyang mga hita.

Tinukod ko ang aking braso sa lamesa. "Yeah sure. We will be there," sinagot ko siya ng ngiti.

Tinaas ni Melai ang kanyang kilay. "Kasama ako o si Dante?" asar naman ni Melai.

Nanlaki ang aking mata nang marining ko itong sinabi niya. "Tatanungin ko pa siya?" ani ko.

"Dante? What do you mean? Si kuya Dante ba ito?" Malakas na sambit ni Samantha.

Napasinghal si Melai, "The one and only, Sam."

"Spill gurl. Kwento mo na ate! Hindi ka man lang nagkwento sa akin!" Hinampas niya ng mahina ang aking braso.

"Ikaw talaga, Melai." Naparolyo ako sa kanyang ng mata, subalit tumawa lang ito sa akin. "Well um nasa iisang workplace lang kami and last week na-assign ako to do a job with him--" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang biglang nag-cut in si Melai.

"Nang biglang nagkamabutihan sila muli noong pumunta sila sa Batangas," dagdag nito.

"Oh my God, ate after all this time, nagkita muli kayo. Ang coincidence naman, " tuwang-tuwang sinabi ni Samantha.

"Wait there's more.... " Sambit ni Melai.

"Spill the deets, ate." Humilig siya sa kanyang kinuupuan habang naghihintay sa sasabihin ni Melai.

Napasalumbaba na lang ako sa kanila. Hindi maka-imik. Hindi makapagsalita.

"He got a girlfriend who is by the way the owner of the firm she's working." Tinuro ako ni Melai.

Napalingon sa akin si Samantha habang nanlalaki ang kanyang mata. "Wow ate, ang showbiz ah."

"Now the problem is, our girl is having a secret affair with her ex," saad ni Melai sabay inom sa kanyang tsaa.

"Ay taray ate! Is that you Ate Elena?" Gulat na gulat na tugon ni Samantha.

"Yes Samantha ako 'to, and yes I don't know what to do. Pero grabe kayo makapag-usap tungkol sa akin parang wala lang ako rito ah!" Bulalas ko sa kanila sabay hilig sa aking upuan.

"We just miss you ate." Ngumiti ng matamis si Melai.

"Yes, we miss you," dagdag naman ni Melai. "Nga pala sabihin mo diyan kay Dante hindi pa niya binibisita si Rafael, hinahanap na siya," paalala ni Melai.

Sumipsip ako sa aking kape. "Yeah, sige sasabihin ko sa kanya."

Humilig si Samantha sa akin. "So tell me how was it?" Sinabi ni habang taas-baba ang kanyang kilay.

Namula ang aking pisngi. "Anong how was it ka riyan! Ikaw talaga!" Pinisil ko ang kanyang pisngi at napatawa.

***********************

Kakatapos lang ng trabaho ko ng biglang akong tinawag ni Dante. Nagulat ako ng hinila niya ako malapit sa bathroom ng opisina, bago ako umuwi papuntang bahay. Napasinghal ako ng mahina ng maramdaman ko ang init ng kanyang mga palad sa akin mga braso.

"Dante?" Gulat na gulat kong sinabi.

Ngumiti siya sa akin. "You want to go and eat?"

Napatingin ako sa akin relos. Alas singko pa lang naman ng hapon at hindi pa nama gaanong kagabi. Tumango ako sa kanya. "Sige saan?"

"My treat. At my condo." sambit nito.

"Are you sure? Baka may pupuntahan ka pa. Ayoko naman maabala kita," ani ko. Diyos ko, Elena, ano ba itong pinapasukan mo. Sobrang rupok mo talaga. You are playing with fire at alam mong hindi magiging maganda ang kahinatnan nito.

"She has a meeting today with another client," paliwanag nito sa akin.

Napalunok ako. "Oh, alright. Sige."

Nagulat na lang ako nang hinalikan niya ako sa pisngi. "I'll meet you downstairs, alright?"

Hindi ako makahindi sa kanya kung kaya't napatango na lang ang aking ulo. "Yeah, sure."

"See you later, luv," sambit nito. Binitawan niya ang aking mga braso at naglakas pabalik sa kanyang office na parang wala lang.

Napahilig ako sa pader at napasinghal ng malakas. Minasid ko ang kisame habang iniisip kung gaano katanga ako sa pag-ibig.

*************************

Mga ilang minutong nakalipas, napansin ko ang pagbaba ni Dante sa hagdan habang nasa parking lot ako na naghihintay sa kanya. Walang tao at kami pa lamang dalawa ang nakikita ko. Dumeretso siya papunta sa kanyang kotse nang makita niya ako. Sinundan ko siya na tila may tinataguan kaming tao upang hindi kami mapansin. Nang mapaandar na niya ang makina ng kanyang sasakyan, dali-dali naman akong pumasok rito sa loob.

"Saan tayo pupunta?" Pambungad na tanong ko rito habang pinaandar niya ang kanyang sasakyan.

Inikot niya ang manobela at sinabing, "Diba sa condo ko? I told you that a while ago. " ngumisi siya ng malalim sa akin.

Napalunok naman ako ng wala sa oras. "Sa condo mo?" Binalik ko ang sinabi niya sa akin sa porma ng isang tanong.

"Yup," maikli nitong sagot habang patuloy ang kanyang pagmamaneho.

"Teka, teka, bakit sa condo mo?" Tanong ko ulit sa kanya. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko ng masabi niya ito. Hindi pa ako nakapunta sa condo ng ibang tao at lalong hindi pa ako nakatapak mismo sa condo ng lalaki.

"Yup. We'll be having dinner at my place." Napatingin siya sa akin. "Is there something wrong with that?" tanong niya muli na tila napansin niya sa aking mukha at sagot ang pagkabahala.

Napalunok ako ulit. "Um well, condo mo iyon..." mahinahon kong sagot.

"Yup at my condo. Don't worry 'diba sabi ko naman sa iyo hindi ako nangangagat." Lumingon siya sa akin at napatitig ng malalim. " Unless if that's what you want." Nagkibit siya ng balikat habang nakatuon ang kanyang mata sa harapan.

"Um-um ww-ala na-man a-akong sss-inabi," nauutal ko na sagot. Nadama ko ang pag-akyat ng init sa aking pisngi. Napasapo ako rito at kinandong ko ito gamit nang aking mga palad.

Napahagikgik siya. "I'm just joking. I decided na sa condo na lang since baka ma makakita sa akin. Ayoko naman na madamay ka sa amin ni Casey kapag sinabi ko na ito sa kanya. As much as possible, I want you to be away from it. It's my problem and I should be the one to fix it." Hinawakan niya ang aking kamay ng mahigpit habang ang isa naman niyang kamay ay nasa manobela. "Ayokong pagbuntungan ka ng galit ni Casey kapag mangyari man 'yon."

"Naintindihan ko naman Dante. I'm just not sure lang na sa condo mo tayo," saad ko. Hinigpitan ko ang hawak ng aking kamay sa kanya.

Hinalikan niya ang aking sentido at ngumiti ng malaki. "Don't worry it will be fun."

Sinagot ko siya ng isang mahabang singhal at matipid na ngiti.

Tinuon niya muli ang kanyang tingin sa daanan at bumiyahe kami papunta sa kanyang condo. Hindi rin kami nagtagal dahil malapit lang ang kanyang tirahan mula sa opisina. Inikot niya ang manobela papunta sa parking lot at pumarada malapit rito.

Nang makapark na kami, kaagad kaming lumabas ng pintuan at dumeretso sa elevator. Malaki ang building na kinuhaan niya ng condo at sa pagmumukha nito, ay mamahalin ang bili niya rito. Accessible sa market at trabaho, kung kaya't panigurado na ito ay may kamahalan.

Nang magbukas na ang elevator, pumasok kami rito at saka pinindot niya ang twelveth floor. Mabilis lang naman ito at hindi kami natagalan sa loob. Lumabas kami nang magbukas ang pintuan ng elevator. Tinahak namin ang malamig at mahabang pasilyo ng establisyamento.

Sinundan ko si Dante nang kumanan ito sa daan. Pagrating namin sa bandang dulo, huminto siya at kinuha ang kanyang susi. Lalong naramdaman ko ang mabilis na paghangos ng aking puso ng kanyang buksan ang pintuan ng kanyang condominium.

Pagpasok ko rito, malaki ito at malinis. Wala pang masyadong gamit at maaliwas tingnan. Kulay puti ang kanyang pader habang shades of black at brown naman ang kanyang mga kagamitan. Malaki ang kanyang salas na mayroon tv sa bandang kanan ito na nakahilig malapit sa isang malaking binatana kung saan masisilayan ang magandang tanawin ng syudad. Sa kabilang banda naman nito, kaharap ng salas ang kusina na may matingkad na kulay ng mga ilaw. Pahalang ang pagkadisenyo ng counter nito na kung kaya't accesible sa panonood habang nagluluto.

"Wow, your place is amazing," manghangang-mangha kong sinabi habang lumilibot ang aking mata sa disenyo ng kanyang condo.

"Take a seat. I'll be right there in the kitchen preparing our dinner," Sabi nito sabay alis ng kanyang button suit jacket. Tinanggal naman niya ang butones ng kanyang long sleeve na shirt at inurong ito pataas sa kanyang braso. Napansin ko ang kanyang ugat sa kanyang makisig na braso na mas lalong nagpahapit ng aking pakiramdam.

Napalunok naman ako ng maigi habang pinagmamasdan niya itong gawin. Umupo ako sa bakanteng sofa habang nakatitig sa nakakaakit na lalaki sa aking harapan. "Ikaw magluluto?" Tanong ko. "Baka gusto mo nang tulong?" tumayo ako sa aking upuan habang binaba ko ang aking tote bag sa lamesa.

"Just sit back and relax, luv. Ako na. Since last time naman ikaw ang nagluto para sa akin." Ngumiti siya sa akin. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat at pinaupo ako pabalik sa sofa.

Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV. Binigay naman niya sa akin ito bago siya pumunta sa kusina na sa likod lamang ng sala. Lumingon ako sa kanya at pinagmasdan ang pagkuha ng mga pagkain sa ref. Napahagikgik na lamang ako ng mahina habang nakatitig ang aking mata sa matipunong lalaki na nagluluto sa kusina. Mga ilang segundo rin, lumingon ako pabalik sa tv at tinuon ang panonood rito.

Ilang minuto rin ang nakalipas, amoy na amoy ang aroma ng niluluto ni Dante sa kanyang kusina Hindi na ako makahintay pa at nilapitan ko siya sa kusina. Lumapit ako kung sa stove, kung nasaan siya at isinukbit ko ang aking baba sa kanyang balikat. Hinalikan ko ang kanyang pisngi habang patuloy na inaamoy ang nakakagutom na aroma ng kanyang niluluto.

"Ang bango ah. What are you cooking?" Tanong ko.

Lumingon siya sa akin at pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. "You want to try it?"

Tumango ako sa kanya. Kumalas ako sa kanyang yakap at tinukod ko ang aking likod sa counter. Kumuha siya ng kutsara at sumalok ng kaonting sabaw na sa kaldero. Kinuha ko ito sa kanyang kamay ng ibinigay niya ito.

"Masarap, Dante," saad ko ng malasahan ko ito. "I haven't had this before. Ano ito?" Tanong ko sa kanya.

Kumuha siya ng wine sa shelf at dalawang baso. Binuksan niya ito at binuhos ito sa wine glass na nasa lamesa. Ibinigay nito ito at sinabi, "Osso Bucco. When I was still studying law in the states, do'n ako natuto magluto at magtipid. I also had to earn a living there while studying since I was not fully supported by my parents kaya nakakuha ako ng job sa kitchen as a dishwasher at eto marami akong natutunan sa kanila," paliwang niya at uminom sa kanyang baso.

Hindi ko akalain na mararanasan iyon ni Dante. Tila nasampal ako ng malakas na hangin nang malaman ko ang paghihirap na dinanas niya sa ibang bansa. I wish I was there beside him to comfort him at the tough times he had. "And now your hardwork paid off, naman diba. Ngayon, naging isa kang batikan na attorney," wika ko sa kanya.

Napangiti siya sa aking sinabi. "Yeah you are right. Pero siyempre there are still times I remembered the struggles I faced doing those things. Mahirap sa kitchen. May isa ngang pagkakataon na I decided not to finish my law degree instead I planned to train myself as a chef. But then, if it wasn't for Casey's dad siguro hindi ako ngayon magiging abogado," kwento niya.

Sumipsip ako sa aking baso. Dumaloy ang init ng wine sa aking lalamunan na mas lalong nagpapusok sa aking katawan. "So was that how you and Casey met?" Tanong ko.

"Yup, well you could say that. I was his apprentice that time. Kakagraduate ko lang ng pagiging lawyer. He offered me to be under his tutelage for about two years bago ako nagsarili. There I met Casey," paliwang niya.

Napatango ako sa kanyang sinabi. "Matagal na rin pala kayo ni Casey," mahinahon kong sinabi.

Napaisip siya. "Yeah, to think of it, matagal na rin."

"Ang tagal niyo na pala. Mas matagal pa sa atin." Ngumiti ako ng bahagya. Masakit man aminin pero totoo naman na mas marami silang pinagsamahan na ni Casey kaysa sa aming dalawa.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Itiningala niya ang aking baba at hinarap sa kanyang mukha. Nadama ko ang init ng kanyang mga daliri nang hinaplos niya ito sa aking mga labi. Bumilis ang pagtahip ng aking puso nang magtapo ang aming mga mata. Tila nahumaling ako sa kanyang mga mapusok na mga titig na mas lalong nagpahapit sa aking kalamnan. Lumapit siya ng kaonti sa akin at sinabing, "Luv are you jealous?" Ngumisi siya pagkatapos nito.

Napaigtad ako bigla sa aking kinauupuan. "Hindi no. Tss." Rumolyo ang aking mata.

Huminga siya ng marahan. "Yes matagal na kaming magkakilala ni Casey kaysa sa iyo. She's great, but she's not you, Elena," malamyos nitong sinabi.

Namula ako nang masabi niya iyon. Bahagyang lumingon ako sa kaldero upang ibahin ang usapan. "Luto na ata iyan Dante. Let's eat. I'm hungry," paalala ko sa kanya.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit rito. Pagbukas pa lang niya ng takip nang kaldero, maamoy mo na ang aroma at bango ng kanyang niluluto. Napalunok na lamang ako ng malalim nang unti-unti kong maramdaman ang pagkulo ng aking tiyan.

"Alright, sure. As you wish, luv," sabi nito sa akin. Binuksan niya ang kaldero at tinikman ang niluluto niyang putahe. "Perfect. It's cooked."

"Great! I'll help you fix the table," masaya kong saad. Tumayo ako sa aking upuan at nilapitan siya.

"No luv. I'll do it. Since bisita kita ngayon, hayaan mo na ako ang maghanda para sa iyo, Okay? Umupo ka na lang muna," aniya sabay turo sa lamesa sa kaliwang banda.

"Are you sure?" Tanong ko muli.

Tumawa siya at pinisil ang aking pisngi. "Ang kulit mo. Oo nga."

"Alright," ngumiti ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Subalit bago pa man ako makapunta sa lamesa, hinila niya ang aking braso at hinagkan niya ako muli. Marahan, malalim at nakakapanabik na halik ang kanyang ipinuna sa aking labi.

Kinalas niya ang kanyang labi sa akin. "Sa pisngi lang?" Pabiro nitong sinabi.

Naramdaman ko muli ang init sa aking pisngi. "Ewan ko sa iyo." Kinagat ko ang aking labi at dali-daling dumeretso sa dining table. Napasapo na lang ako sa aking pisngi nang maramdaman ko ang pag-usok nito.

***********************

Dante

Its time.

It's time to tell Casey. I felt the rapid beat of my heart as I looked through her having our dinner for the last time. She gazed back at me, smiling sweetly as I clutch her soft hand against mine. Clearing my throat, I leaned on my seat, shifting close to her.

"Casey we have to talk, " I said in a serious tone.

Binaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor. "About what? Is there something wrong?" She asked.

"Wala naman. But I have something important to say, " I gulped, catching my breath from what I was about to say.

I have to say this right now. Its now or never. Bago pa maging complicated ang lahat, kailangan ko na itong masabi sa kanya. I don't want to hurt her. Casey has become a part of my life for tha past years that she had become a dear friend to me. But knowing I have to do this, its inevitable na hindi ko siya masaktan.

And I have already decided. I have to end this relationship before its too late.

Sipping from her glass of wine, she then said," What do you want to talk to me then? Is it about your client? Nakausap mo na ba si Senator Enriquez?"

I shrugged. Binaba ko ang hawak ko na kutsara at tinidor. "Nope hindi pa. Nakausap mo na ba siya?" I asked.

"Not yet. I thought that's what you want to talk to me. Hindi ba iyon?" Saad nito sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit.

"No that's not it, Casey," I breathed out.

"Then tungkol saan. I hope you won't back out sa case. You know naman na ayaw mapahiya si daddy sa mga clients niya and he recommended you because dad knows you can do it," she explained.

With that, I don't know what to say. My lips tightened as soon as realization caught me that I owe her father a lot in my career. Knowing that without his help, I might not be able to pursue or achieve these kind of prestige. "Yes, I understand that, Casey." I took a big swig from my glass and poured some more.

"I know naman. You know I get jitters with these kind of situation. I just want everything to be perfect and in place..." she interjected.

For the past years I have known her, Casey is the kind of person who wants to be in control of everything. She's very perfectionist that she had this kind of individuality that want to organize everything that surrounded her. It is all the reason why she's very adamant about the case, knowing that it might help me build up my career in this field.

"I get it Case... it's not about that. I--t's about our relationship." I stuttered.

Napatigil siya sa pagkain ng marinig niya ito. "What about it babe?"

"I want to--"Before I could finish my sentence, I was cut off by the ring of her phone. She fished it from the table and placed it on her ears.

"Can you hold on for a second?" She told me.

I then nodded, wiping my lips with the table napkin. There was an indistinct sound I was hearing across her phone. She nodded at it and stopped for a while as soon as she heard something. A clung from her utensils rang as it fell of from her plate. Suddenly, her face morphed into an unpleasant face. She grimaced and got up from her seat without even telling me.

As soon as the call was cut off, I grabbed her arms and asked her. "What happened? Is something wrong?" I concerningly asked.

She leaned her head towards me and cried anxiously. "It's dad, Dante! Something happened to him. We have to go!"

With that, I got nothing else to say.

I clenched my palms as my jaw began to tighten.

***********************