Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 35 - Chapter 32: Dante & Elena

Chapter 35 - Chapter 32: Dante & Elena

Dante

Looking across the bed while he laid down there flatly on the bed was quite nerve-wracking. My mentor and my teacher who paved the way to aid me throughout my entire professional career was right there in front of me trying to fight for his life. Atty. Arnel Lacsa, a brave, atrocious and powerful man who had a long and successful career in legal administration was now limp and bed-ridden. I couldn't imagine a once powerful and prominent man was now gaunt and pale with sickness.

His once healthy black hair, now waddled in different direction. The structured look on his face were now emaciated as bones from his angular jaw bulging from his wallow skin. He looked tired and wearied. I haven't seen him this so weak. Just looking at his pale and declining state made me sympathize his current state of condition.

I stared at him with a stricken face as his eyes move across the room looking towards us. On my side was Casey, who looked so devastating as tears flowing down her eyes while looking at her father lying down in poor health.

"Casey, dear, come here," in a soft mellow voice, he said. He flailed his arms in front of us, waiting for his daughter to come unto him.

Instantly, she went towards him, scooping him tightly in a bear-hugging state. "Dad!" She cried.

"I'm alright, princess. Don't worry about me," he said in an assuring tone. Soothing the strands of her hair, he shushed while cradling her in his limp and weakly arms.

Breaking from their warm and tight embrace, she replied, "Pero dad! Hindi mo mawawala ang pag-aalala ko sa iyo. I already lost mom, I can't loose you too!"

"Malakas pa naman ako. I just had a mishap a while ago from the therapy," he explained, soothing her rigid arms.

"Pero nanghihina ka na dad. I told you na magpahinga ka na. Wag ka na masyadong mag-isip sa company natin. Ako na ang bahala doon," Casey promised as she gripped tightly of his hand.

"I know dear," he smiled.

He looked across at me and smiled. "Will you please come closer, Dante?" he asked.

I nodded. "Attorney Lacsa," I felt my jaw tightened as I moved closer to the edge of the bed.

Brushing his flailing hand across her hair, he consented, "Princess, is it okay if kausapin ko muna si Dante sandali?"

Tumango si Casey. "Sure. Of course." She softly smiled, kissing his temples. "I'll leave you two alone to talk." Tumayo siya sa kanyang upuan at dumeresto sa pintuan, palabas rito.

"Halika rito, iho. Lumapit ka," paanyaya nito sa akin.

Lumapit ako ng paonti sa kanyang hangga't sa malapit na ako sa kanyang higaan. "Do you have something to tell me sir?" I asked as I clenched my palms in a hard tight fist.

"When I'm gone, I want you to take care of my daughter, son." I loosened my fist as he reached towards my palms, patting it lightly. "Ikaw na lang ang mayroon siya at ayokong mawala iyon," He said in as-a-matter-of-fact tone.

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Para akong nilunod sa malamig na tubig nang masabi niya ito. Lahat nang plinano ko ay parang nawala ng bula. And right now, as I stood in front of him, I was left tongue-tied. I owed him a lot with the flourish I am now experiencing in my career as well as those days I needed money to aid my law school. He was the one who helped me to get through with it. And knowing that I owed him a lot, I couldn't say no.

"Don't leave her, son. She needs you especially when I'm gone. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko para sa anak ko. Can you promised that? ," he plead.

Para ba akong naipit sa isang sitwasyon na hindi ako makawala. Hindi ako makapaghindi sa taong ito. Sa taong malaki ang nagawang tulong sa akin. Napatingin na lamang ako sa kanyang habang ramdam ko ang paghapit ng pintig ng aking puso.

Elena...

But I don't want to let her go.

Would Casey understand?

Would Atty. Arnel Lacsa understand?

Gayunpaman, nanaig pa rin sa aking puso ang sinasabi ng aking utak. Hindi ko kayang humindi sa kanya, lalo't na sa kanyang kondisyon. Napahinga ako ng malalim at napatango sa kanya ng bahagya. Naramdaman ko ang panandalian na pagtigil ng aking puso ng masabi ko ang mga katagang magpapabago ng aking buhay. "Yes, sir. Hindi ko po siya iiwan," sagot ko sa kanya. Lumunok ako ng malalim at naramdaman ko ang likido ng asidong namumutawi sa aking lalamunan.

"Good choice, son, " he laughed. "I suggest that you put a ring on it hanggang sa naandito pa ako. I gave you the permission to marry my daughter. Alam ko na ikaw lang ang karapatdapat para sa kanya, Dante. Please don't break my trust with you," babala niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagbasak ng aking katawan sa ginawa kong desisyon. "Yes. I understand that sir." Umigting ang aking panga. Sa pagkakataon nito, halo-halong emosyon ang aking naramdaman. Ang aking obligasyon kay Atty Lacsa at ang aking relasyon kay Elena.

Si Elena...

I felt my heart tightened as the image of her beautiful smile crossed into my mind. My beautiful and delicate Elena. Her ethereal and exquisite face slowly drifting away from my mind as I was reminded of the obligation I have to keep with him--with Casey. Deliberately and dwindling, my heart stricken as I have come to reality that I won't be able to hold her in my arms again.

Elena...

My brave Elena.

"So when are you planning to propose to my daughter, son?" He suddenly asked.

I was then back to reality as soon I heard his voice. Tumikhim muna ako bago sumagot. "Maybe tomorrow sir. I'm still planning on what to do about it."

"Good. Good," he replied, nodding happily at me.

Ang katahimikan na bumalot sa buong kwarto ay nawasak nang biglang nakarinig kami ng katok mula sa pintuan. Lumingon kami parehas rito at nakita namin na binuksan ni Casey nang bahagya ang pintuan habang sumusulyap sa amin.

"I'm sorry to bother you guys but Doctor. Almalvez is here to check up on dad's health," she informed us.

Tumango si Tito Arnel. "Sige papasukin mo siya," sabi nito habang inayos niya ang kanyang sarili sa pagkaupo.

"Lumayo ako ng kaonti nang makita kong papasok si Casey at ang doctor. Lumapit sa akin si Casey at inikot ang kayang braso sa aking baywang. Tumingala ito sa akin na mukhang may pagkabahala sa kanyang mukha.

"You okay, babe?"

I gulped. "Yup, I'm fine. Don't worry about me, Casey," I assured her.

Lumapit ang doctor ni Tito Arnel habang nakangiti ito sa kanya. "So kamusta naman kayo, Atty. Lacsa?"

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Casey habang hinihintay namin ang update mula sa kanyang doctor.

Lumingon ako kay Casey at napatitig sa kanya.

Bahagyang ngumiti ako sa kanya nang mapatitig siya sa akin. "You sure that you are okay? Are you not feeling well, babe?" She asked concerningly.

"Im alright. Don't wory about me." I snaked my arms around her shoulders and squeezed her tightly.

It was at this moment, I started to feel everything starts to wane away. I deliberately sighed as I looked back at Atty. Lacsa, gripping myself tightly as I waited to whatever the final call of the doctor.

*********************

Kakauwi ko lang galing ng hospital kasama si Casey. Kaagad akong umuwi sa condo pagkatapos nito. Sa ngayon nakamasid ako sa tanawain sa labas ng aking veranda habang nagpapahangin sa malamig na simoy ng ihip nito.

I fished out my phone from my pockets and dial her number. Right now, all I wanted to do was to hug against her soft supple body as the comfort from her warm hug seeped inside me like a charging energy. I heard her picking up the phone from the other line as indistinct clatter of sounds ringing from the other side of the line.

"Hey, oh gabi na. Ba't ka napatawag, "sabi nito sa akin sa kabilang linya.

I sighed, looking at the bright light of the starry night. Hearing her soft melodious voice soothed the cracking nerves in my body. "Wala lang. Gusto ko lang marinig ang boses mo, Elena."

She chuckled. "Ikaw talaga. May nangyari ba, Dante?" Mahinahon na tanong nito sa kabilang linya.

Umiling ako. "Wala naman, luv. Nothing that I can't handle," Napalunok ako ng malalim sa kanyang sinabi. Gusto ko man sabihin ito sa kanyang ngunit naunahan ng takot ang aking bibig. "Can we meet tomorrow after work?" I asked.

Narining ko ang kanyang pag-aayos sa kabilang linya. "Um sige. Saan at anong oras?" tanong nito sa akin.

"I'll text you tomorrow." I painstakingly smiled. She deserved this. She deserved to know the truth. Ayoko siyang saktan ngunit kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. I need to talk to her properly, knowing this might be the last time i will ever held her hand.

"Okay sige," saad nito sa kabilang linya.

Tumahimik kami ng panandalian. Napatingala ako sa tanawin habang iniisip ang kanyang mukhang nakangiti sa akin. "Elena?"

"Hmm?"

"I miss you, luv." I will miss you so much...

Tumawa siya sa kabilang linya. "Magkikita naman tayo bukas eh."

"I know, luv." I chuckled.

"See you tomorrow?" masaya niya itong sinabi.

Tumango ako habang nakatitig pa rin sa madilim na alapaap. "Yeah."

"Goodnight, Dante," malamyos niyang saad.

"Goodnight, luv." Goodbye...

************************

Elena

Magkikita kami ngayon ni Dante sa restaurant na kanyang sinabi. Narito ako ngayon naghihintay sa kanya habang nakamasid sa may bintana. Ngayon lang kami lumabas na dalawa maliban sa pagpunta sa kanyang condo kung kaya't mas malaking saya ang aking nararamdaman.

Minasid ko ang buong lugar at napansin ko ang mabilis na pag-usad ng orasan. Trenta minutos na ang nakalipas subalit hanggang ngayon ay wala pa rin dito si Dante. Napalinga-linga ako sa paligid habang naghihintay ng kotse na papara sa harapan, ngunit nadismaya lamang ako nang bumungad sa akin ang tahimik at bakanteng daanan.

Mga ilang minuto ang nakalipas, narito pa rin ako sa restaurant habang naghihintay sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Hanggang ngayon hindi pa rin dumarating si Dante. Sinubukan ko siyang tawagan at itext ngunit busy ang linya ng kanyang telepono. Ilang ulit rin na pumupunta rito ang waiter upang tanungin kung ano ang aking oorderin ngunit wala pa rin ang bakas ng kanyang presensya.

Napalingon ako sa aking paligid at napagtanto ko na kakaonti na lamang kami rito sa likod. Ang ibang kasamahan ko rito ay tapos na kumain, habang ang iba naman ang nagsisimula ng kumain. Tila nang makita ko ang pagkain nila sa harapan, nakaramdaman na ako ng pagkulo sa akin sikmura kung kaya't napagdesisyunan ko na mag-order na lang ng juice. Na kahit papaano man lang ay maibsan ang namamalagi na gutom sa aking sikmura.

Lumipas na ang isa't kalahating oras at nakatutunga pa rin ako sa pintuan habang hinihintay ang paparating ni Dante. Tuluyan ng natunaw ang yelo sa aking juice na kanina pang nakalapag sa akin lamesa. Subalit, sa kasamaan palad, sa tagal ng akin paghihintay ay wala pa rin siya. Tinukod ko ang aking likod sa upuan at napasinghap ng malalim.

Animo'y ramdam ko ang matinding pagkadismaya at pagkalungkot sa kanyang hindi pagdating. Napatitig na lamang ako sa bulaklak sa akin harapan habang dama ko ang pagtulo ng aking munting luha. Wari'y sa pagkakataon na ito, naramdaman ko ang paggapang ng malamig na hangin sa akin braso na unti-unting yumayakap sa aking mapag-isang diwa.

Hindi ako mapalagay. Dama ko ang paghapit ng akin dibdib sa kabang aking nararamdaman. Tila mayroon kutob sa aking palaisipan na hindi matahimik ang akin diwa.

Nasaan na si Dante? Bakit hindi man lang siya tumawag o nag-text? May nangyari ba sa kanya? Ito ang mga tanong na sumasagi sa aking isipan na patuloy na nagpapapabagabag ng aking puso.

Nasaan ka na Dante?

Kinagat ko ang aking labi habang patuloy pa rin na umaasa sa kanyang pagpunta. Subalit, sa kasamaang palad, walang ibang dumating kun'di ang malamig na ihip ng hangin na pumapalibot sa akin at ang hiyaw ng ugong nito.

Napamasid na lamang ako sa tahimik at bakanteng daanan.

*********************

Bumungad sa akin ang dagsa ng iba't-ibang boses sa opisina sa aking pagpasok sa loob. Tila lahat ay okupado sa pakikipag-usap sa aking pagrating. Napakunot ako sa aking noo nang mapagtanto ko ang kaguluhan na nangyayari sa opisina. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung ano ang mayroon. Ngunit sigurado ako na mayroon pangyayari ang yumanig sa buong opisina. Lumapit ako sa silid ni Racquel at nagbakasali na masagot niya ang aking kuriyosidad ukol rito.

"Ano ang meron? Bakit nagkakagulo ang lahat?" tanong ko sa kanya. Napahalukipkip ako habang naghihintay ng kanyang sagot.

Tumayo siya sa aking harapan at malinaw sa kanyang ngiti ang kasiyahan. "Ma'am! magugulat ka! sa nangyari!"

Napakunot ako muli. "Bakit anong meron?"

"May instagram po ba kayo?" Tanong niya ulit ng humilig siya sa akin ng kaonti.

Umiling ako rito. Hindi naman sa pagiging outdated ko sa teknolohiya, sadya lamang na wala akong oras upang magkaroon ng account sa mga social media. Besides, hindi ko rin naman alam kung ano ang ilalagay rito kung kaya't napagdesisyon ko na na hindi sumunod sa mga trend ngayon. "Wala eh," maikling sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mata sa aking sinabi. "Sigurado ka ma'am? kaya pala one time na hinanap kita sa social media, wala kang account."

Napakagat ako sa aking labi. "I'm sorry but I just don't see the sense of putting my life right infront of the media space. Going back, ano pala ang meron at nagkakagulo ang lahat? May dumating ba? Mayroon ba tayong sikat na kliente o kasamahanan?" mahaba kong tanong.

Umiling si Racquel. "Nako ma'am hindi iyon!"

Napasinghap ako ng malalim. "Ano iyon?"

"Engage na po si Atty. Casey Lacsa kay Atty. Gillesania!" Iniabot niya ang phone sa akin at pinakita ang litrato ng kamay ni Casey na mayroon singsing sa kanyang palasingsingan. "Kagabi lang po pinost ni Atty Lacsa. Apparently, nagpropose po si sir sa kanya kahapon," masayang kwento sa akin ni Casey.

Napakagat ako sa aking labi. Muntik ko nang mabitawan ang aking bag nang maramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod. Kaya pala. Kaya pala wala si Dante kahapon dahil kasama niya si Casey upang magproprose sa kanya. Bakit hindi man lang niya sinabi? Tila bumalik sa akin ang lahat noong panahon na naghihintay ako sa kanyang pagbabalik.

Iniwan nanaman niya ako ulit na gulong-gulo at litong-lito. Naramdaman ko ang pamumuo ng aking luha habang mahigpit kong hawak ang cellphone ni Rachel.

Napalunok ako ng malalim bago nagsalita, "Naandito na ba sila?"

"Wala pa nga ho ma'am, pero panigurado pagdating nila ngayon, i-aannounce nila ito sa buong company," tugon sa akin ni Racquel.

"Ah ganun ba." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Sige sa office lang ako ah," ani ko pabalik sa kanya.

Tumango siya sa akin habang nakamasid ang nag-aalalalang mukha ni Racquel. "Okay lang po ba kayo ma'am?" Habol na tanong nito sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Um yeah, sa office lang ako ah," mahinahon kong sagot sa kanya. Marahan kong hinaplos ang kanyang braso at dahan-dahan na dumaan sa kumpol-kumpulan na daananan.

Sa aking pagtanaw, napatigil ako ng makita ko sa aking harapan si Dante. Panandalian siyang tumingin sa akin, binaling niya muli ito ng minasid niya si Casey sa kanyang kaliwa. Huminto ako sa aking paglalakad at pinagmasadan silang dalawa. Ipinulupot ni Dante ang kanyang braso sa baywang ni Casey at bahagyang ngumiti sa kanya.

Lumingon ako sa kanyang tabi na si Casey at kitang-kita ang malaking bato ng diyamante sa kanyang palasingsingan. Napahinga ako ng malalim habang tinititigan ko siya na tila may kasiyahan sa kanyang mukha.

Napahalukipkip ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasadan silang dalawa sa aming harapan. Napansin ko naman ang biglang katahimikan sa buong paligid sa kanilang pagdating na dalawa. Lumingon ang aking mga ka-opisina sa kanilang dalawa habang inaabangan ang dalawang magnobyo na kakaengage lamang.

Sinalikop ni Casey ang kanyang kamay habang kumikinang ang napakalaking bato sa kanyang daliri. "Oh ano ang meron?Why are you guys in a huddle?" She asked.

"Attorney congrats!" Malakas na hiyaw ni Amber na mukhang kinikilig sa puntong ito.

Ngumiti naman ng malawak si Casey nang marinig niya iyon kay Amber.

"Oh thank you so much Amber? Is that the reason why you guys in a huddle?" Tanong ni Casey habang nakasalikop ang kanyang braso kay Dante.

"So attorney, kelan po ang kasal?" Tanong naman ng isa namin na kaopisina.

"Kayo talaga! Wala pa!" Humagikgik siya ng mahina habang si Dante sa kanyang gilid ay walang sinasabi at walang imik.

Napatitig ako sa kanya at napansin ko ang hindi niya maguhit na mukha. Umigting ang kanyang panga habang mahigpit na nakahawak si Casey sa kanyang baywang.

"Atty. Lacsa invited po ba kami sa kasal ninyo?" Tanong naman ni Racquel na mukhang sabik na sabik sa nalalapit nilang pag-iisa.

"No date yet. But I will be informing it to you guys. Everyone is invited so don't worry about that," pinanigurado ni Attorney Lacsa.

Inipon ko lahat ng lakas na mayroon ako at lumapit sa kanilang dalawa. "Congratulations sa inyo Attorney. I wish you all the best." Pilit akong ngumiti sa kanya. Bagama't isang masayang balita ito, nariyan pa rin ang lungkot sa akin puso.

Pero ano pa ba ang aasahan ko? Pinili ko ito. Naniwala ulit ako sa mga pangako ni Dante kung kaya't heto ang aking kahihinatnan. I believe in him the second time, and the he broke it again, just like what he did the last time.

"Aw thank you, Elena," malamyos na sagot ni Casey. "Attend ka ng kasal namin ah. You know na invited ka," dagdag nito na sinabi sa akin.

Tumango lang ako sa kanya habang ramdam ko ang pagsulyap ni Dante sa akin. "Titingnan ko, Atty. Lacsa if i'm available at that time," saad ko sa kanya.

Gumuhit ang kanyang bibig ng isang maliit na linya. Inipit niya ang kanyang mga labi at tumango sa akin. "Yes of course. You can also bring a date. I wouldn't mind that," tugon niya sa akin.

"Yeah. Sure, Casey." Napalingon ako kay Dante na nakatitig sa akin na tila may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi-sabi. "Um sige, I'll go ahead. Congratulations in advance," matipid kong sagot.

Hindi na siya sumagot nang biglang sari-saring tanong mula sa aming opisina ang bumungad sa kanya. Hindi na rin ako lumingon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa aking opisina na may bigat sa aking dibdib. Nang makarating ako rito, kaagad ko itong sinarado at sunod-sunod na luha ang bumuhos sa aking mata.

Ang sakit. Masakit dahil ang tanga ko. Naniwala ulit ako sa kanyang mga kasinungalingan. Naniwala ako sa kanyang mga sinabi at pangako na wala naman pa lang kahulugan. Naniwala ako na kahit kaonti mahal niya ako.

Pero ano nga ba ang gagawin ko? Ginusto ko ito. Desisyon ko na mahalin siya muli at bigyan muli nang pagkakataon ang relasyon namin na nasira na ng panahon. Masakit man isipin pero alam kong ang may pagkakamali. Alam ko naman na mawawala na lahat ng aming munting pinagsamahan simula nang bumalik kami rito sa Manila. Our moment was just like a wind that will passed by as soon as we are back to reality--and that reality is him with her.

I can't change that.

Umupo ako sa aking upuan at pinunas ang mga luhang rumaragsa sa aking mukha. Kinuha ko ang aking mga papapeles na tila walang nangyari. Pilit na iniindang ang sakit, binukasan ko ang aking email at nagsimulang magtrabaho kahit may bigat sa dibdib akong nararamdaman.

*tok tok*

Nabigla ako sa mahinang katok na naramdaman ko sa aking pintuan. Napatingin ako sa aking pintuan panadalian, habang inaayos ang papeles sa aking lamesa. "Come in," saad ko habang abala sa aking financial report na ini-rereview.

"Ano iyon?" tanong ko ng hindi tumitingin sa taong kumatok sa aking pintuan. Naramdaman ko ang pagsarado niya ng aking upuan at sa paglapit niya sa aking lamesa.

"Can I talk to you for a while?" Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ko ang pamilyar na malalim na tono ng boses.

Tumingala ako sa kanya na parang wala nangyari. "Yes? Do you need anything, Atty. Gillesania?"

"We need to talk, Elena," seryoso niyang sagot.

"Pag-usapan ang alin? May dapat ba tayong pag-usapan?" Pabalang na sinabi ko sa kanya habang abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento.

"About--that...Fuck, I'm sorry..." mahinahon niyang sinabi. Hahawakan na niya sana ang aking kamay ng iniwasan ko ito.

"Wala na tayo dapat pag-usapan, Dante. You made it clear to me." Mapait na ngumiti ako sa kanya. "Congratulations pala sa inyong engagement," dagdag ko rito.

"It's not what you think, Elena."

Napakunot ako ng noo sa kanya. "May iba pa ba akong dapat isipin?" Tanong ko sa kanya. "If wala ka nang sasabihin, you may get out of my office," dagdag ko.

"I don't have a choice, Elena. If you only knew what happened," angil niya.

Tila ang galit at hapdi na nararamdaman ko sa aking puso ay biglang namutawi sa aking bibig. "Choice? May choice ka Dante at iyon ang pinili mo!" Bulalas ko sa kanya. "Naiintidihan naman kita kaya you don't owe me an explanation, Dante."

"Its not what you think...I was--" Tinigil niya ang pagsasalita. Lumapit siya sa akin at ramdam ko ang paghapit ng kanyang buong katawan.

Tumayo ako sa aking upuan at ipinatong nang malakas ang aking dalawang kamay sa lamesa. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. "Kung wala ka nang sasabihin, pwede ka nang makaalis. Marami pa akong gagawin," saad ko sa kanya.

"I--had to do it, Elena. I owe him my life." Tumingin siya sa akin at nakita ko sa kanyang mata ang paghihinagpis.

**********************