Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 40 - Chapter 37: Elena

Chapter 40 - Chapter 37: Elena

Pumukaw ang natutulog kong diwa nang biglang sumilip ang maliwanag na sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto ni Dante. Inunat-unat ko ang aking paa't paa at katawan na tila nabugbog sa tuloy-tuloy namin pagtalik ni Dante. Nag-init ang aking buong mukha nang maalala ko ang mga mapusok na pangyayari kahapon. Tila hindi ko maatim na na nagawa ko ito lahat kasama si Dante sa buong sulok ng kanyang silid at kwarto. Napasapo na lang ako sa aking mukha ng biglang kong mapagtanto ang mga maapoy at marubdob na pagtatalik namin ni Dante.

Si Dante...

Napalingon ako sa akin likod ng maramdaman ko ang kanyang mahigpit na yapos. Dahil doon, umikot ako sa kama upang harapin ang kanyang mapayapang at natutulog na mukha. Napangiti na lamang ako nang mapansin ko ito na tila kontento at masaya. Tila malalim ang kanyang tulog kung kaya't napagpasyahan ko rin na hindi na siya gisingin. Napangiti ako ng marahan nang mapansin kong kumurba ng paitaas ang kanyang labi.

Lumapit ako sa kanya, hinawi ko ang kanyang buhok at hinagkan ang kanyang noo. Inikot ko ang aking braso sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sa huling pagkakataon, kahit ngayon lang, maramdaman at manamnam ko muli ang kanyang mainit at banayad na yakap na akin inaasam. Napapikit na lamang ang aking mata nang mapagtanto ko wari'y ito na ang huli naming pagsasama ni Dante, dahil, bukas, sa makalawa, o sa hinaharapan, iba na ang nasa kanyang piling.

Ilang minuto ang nakalipas, dahan-dahan kong kinalas ang kanyang braso na nakapalupot sa aking baywang at tumayo mula sa aking hinihigaan. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako umalis sa kama at nagbihis. Bahagya akong ngumiti sa kanya habang pinagmamasdan kanyang mukha, hubog ng katawan at ang kanyang hindi ko malilimutan na ekspresyon.

Paalam Dante. I will love you always....

Lumingon na ako pabalik sa pintuan bago ko maramdaman ang namumuong luha sa akin mukha. Kaagad ko itong pinunasan sa gilid ng aking mata at naglakad akong palabas ng kwarto. Nang matapos ako, akma kong kinuha ang aking bag sa sala at mahinahon na binuksan ang pintuan palabas ng kanyang condo.

Sa aking paglabas, dumeretso ako pakanan, papunta sa elevator. Napatingin ako sa aking orasan at napansin ko ang maagang pag-alis sa kwarto ni Dante. Mabuti na rin iyon para sa amin upang hindi na rin magbago ang aking isip na tuluyang layuan na si Dante.

Nang magbukas ito, malaking gulat ko nang makita ko ang isang babae sa aking harapan na may hawak na kape at pagkain. Tila, biglang tumahip ng malakas ang akin puso ng makaharap ko muli si Casey, subalit sa ngayon pagkakataon, sa ibang dahilan. Napalunok na lamang ako nang makita ko ang kanyang kunot at nanggagalaiti na mukha.

"Elena," mahinahon ngunit malalim na usal nito. Humigpit ang kanyang hawak sa kape.

"Casey..." Iyon na lamang ang lumabas sa aking mga bibig ng makaharapan kami muli sa huling sandali.

***********************

Nakaupo kami ngayon sa coffee shop na nasa ilalim lang ng condo nila Dante. Malamig ang paligid subalit tila iba ang aking pakiramdam na ngayon nahuli ako at nasa harapan ni Casey, ang fiancee lamang ni Dante. Nanginginig kong kinuha ang kape na nasa aking lamesa at bahagyang ininom ito.

Hindi ako makatingin sa kanya, o makamasid man lang sa kanya. Alam ko na mali ang aking ginawa at hindi ito tama lalo't na nasa ibang relasyon si Dante. At ngayon na kaharap ko na si Casey, hiyang-hiya ako sa aking sarili na tila wala akong matinong masasabi sa kanya.

Nabasag ang nakakabinging katahimikan ng marinig ko ang kanyang malumanay na boses. Napansin ko ang pagkuha niya ng kape sa lamesa, bago ito nagsalita. "Matagal ko nang alam Elena. I'm not blind. I know about your existing relationship with my boyfriend. Nanahimik lang ako dahil gusto ko si Dante mismo ang magsabi sa akin..." Napasinghal siya ng malalim.

Tumingala ako sa kanyang sinabi at napaawang ang aking labi. "Ah-I-m so sorry, Casey. Sinubukan kong layuan si Dante. I really tried..." Hindi ko na tinuloy ang aking sasabihin ng mapagtanto ko ito kapag tinuloy ko pa ito.

Ngumiti siya ng bahagya, kalmado ang kanyang mukha ngunit bakas sa kanyang expresyon ang pagkamuhi at pagkagalit. "Why are you apologizing to me, Elena? You don't have to," sinabi niya ito na tila may pag-uuyam sa kanyang boses.

"I--I'm really sorry, Casey." Ito lang ang mga katagang nasabi ko.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. "Do you love him? Did he tell you that he loves you?" tanong nito sa akin.

Napalingon ako sa kanya ng bahagya. Tila hindi ako makasagot sa kanyang tanong dahil alam ko na kapag sinagot ko ito maslalong magiging komplikado lang ang situasyon naming tatlo. Ayoko rin naman masaktan ang kanyang damdamin lalo't na alam ko kung gaano kaimportante si Dante sa kanyang buhay.

Kinuha niya ang kanyang kape at uminom siya rito habang nakatingin ang kanyang patay na mata sa akin. "I knew from the moment na nagkita kayo, you were the girl that he's been crazy about." Ngumisi ito sa akin.

Kinuyom ko ang aking kamay at napakunot ang aking noo nang mapagtanto ko ang kanyang sinasabi. "Kung gano'n bakit hinayaan mo pa rin na magkasama kami ni Dante sa isang project, if you knew about our past relationship?" tanong ko rito.

Humalukipkip siya at napaupo ng maayos sa kanyang kinauupuan. Tila nagbago ang kanyang aura ng mukha na ngayon ko lang ito nakita. Ngumiti muna siya bago nagsalita, "I wanted to see what will happen between the two of you. I wanted to see whether you'll hurt each other or not. Gusto kong malaman kung mahal ka pa rin ni Dante o hindi. I guess you could say it's a gift from me na pinagsama kayong dalawa."

Totoo ba itong narinig ko galing sa kanya? Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Tila ginawa niya kaming mga tuta, pa-in sa kanyang metikulosong mga plano. "Are you kidding me? Pinaglalaruan mo ba kami?"sagitsit ko.

Sumalubong ang kanyang kilay at tinuro niya ang kanyang sarili na parang nanghahamak. "Pinaglalaruan? Elena, ako na nga ang sinaktan ninyo, ako pa ang naging masama? I don't think that's fair, Elena. Sinulot mo ang boyfriend ko, ikaw dapat ang mahiya," matalim na usal nito.

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Tila lahat ng rason na maisip ko ay biglang nawala. Napahigpit na lamang ang hawak ko sa aking kamao. Tumingala ako sa kanya at hinarap ko si Casey ng seryoso. "Wag kang mag-alala Casey, dahil huli mo ng makikita ito. Everything between us is over," pangako ko sa kanya.

"Is it really over, Elena? If hindi kita nahuli palabas sa kanyang condo, would you still end it?" tanong nito sa akin ulit.

Tumingala ako sa kanya at tiningnan ko siya ng deretso sa kanyang mata. "Oo, Casey. This the last time you will ever see me again with him," tiniyak ko sa kanya.

Tinaas niya ang kanyang kilay at nanliit ang kanyang mata. "Just make sure it is, Elena, dahil ikakasal na kami. Don't make it harder for the three of us dahil wala naman dapat na ipaglaban. Tapos na kayo and let's end it that way. Ako ang pinili ni Dante kaya sa akin na siya ngayon. I got plans for him that you can't give, Elena. Kaya ipaubaya mo na siya sa akin," babala nito sa akin.

Napalunok ako sa kanyang sinabi dahil alam ko totoo ang lahat ng ito. She can give Dante the life that he wanted, a boost in career and an undivided wealth. I can't give him those. Tanging ang mabibigay ko lang sa kanya ay supporta at pagmamahal. Casey got everything while I have nothing. Besides, Dante already made a choice and it's her, Casey.

"Hindi mo na kailangan sabihin 'yan sa akin dahil alam ko. Don't worry lalayo ako sa inyo. By tomorrow, I'll be handing my immediate resignation," giit ko sa kanya. Bago pa man si Casey makapagsalita, tumayo na ako sa aking upuan at naglakad papunta ng pintuan.

"You know you don't have to do that, Elena. As much as our personal matters clashed in a rather complicated way, you are still a very competent employee. Let's keep it professional, okay?" Ngumiti ito sa akin na parang wala lang.

Napatigil ako sa paglakad at napalingon sa kanyang sinabi. Napatawa na lamang ako. "I don't thin you have a right to say to keep everything professional since the moment you include our personal matters in our job just to satisfy your suspicion. Hindi tama ang ginawa mo sa amin ni Dante just to keep your mind satiated."

Napansin ko ang paghigpit ng kanyang kamay at ang pag-igting ng kanyang panga. Tila hindi siya makasagot sa akin sinabi. Nakaupo lang siya sa roon, habang pinipigil na hindi magalit. Hindi na ako nagsalita pagkatapos noon. Binuksan ko na lamang ang pintuan nang hindi tumitingin sa kanya at lumabas na paalis ng coffee shop.

************************

Pumunta ako kaagad sa bahay nila Melai pagkatapos noon. Hindi ko mapigilang hindi maiyak ng makita ko ang balisa at nag-aalalang mukha ng aking kaibigan. Kaagad bumuhos ang aking luha ng niyakap ko siya ng mahigpit.

"Melai, anong gagawin ko? Hindi ko alam," hikbi ko rito.

Hinaplos niya ang aking buhok ng mahinahon. Simula kasi ng mamatay si Nanay Aning si Mela, ang aking kaibigan ang naging sangga ko sa tuwing may problema akong pinagdadaanan. Bagama't nariyan si Tita Soledad, hindi ko rin siya ngayon macontact ngayon lalo't na kailangan ko pang bumyahe ng malayo pabalik sa kanila.

"Anong nangyari, Elena?" tanong nito sa akin.

Kumalas ako sa kanyang mga yapos at pinunasan ang akin luha. Tumayo naman si Melai sa kanyang upuan at kumuha ng maligamgam na tubig mula sa dispenser. "Uminom ka muna, para mahimasmasan ka."

Kinuha ko ang tubig na nilapag niya sa mesa at ininom ito ng buo. Tila naginhawaan ako ng kaonti ng ininom ko ito. "I don't know what to do, Mels." Kinuyom ko ang aking mga palad. "Sa tanan ng buhay ko ngayon ko lang hindi mafigure out kung ano ang gagawin ko."

Humalukipkip ito at umupo malapit sa tabi ko. "Napansin ko nga na bigla kayong nawala ni Dante sa reunion ng maaga. Hindi na ako nagtanong dahil may kutob na ako." Tumingin siya muli sa akin at nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Nagkaayos ba kayo?"

Kinagat ko ang aking labi at napakunot ang aking noo. "Oo, Melai. But then it really din't fix anything, Melai."

Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit. "Bakit? Ano ba ang nangyari?"

Napalunok muna ako ng malalim bago nakapagsalita. "When I left his condo, nakasalubong ko si Casey, ang girlfriend niya and we had a talk. I feel so awful knowing that nakasakit ako ng ibang tao dahil sa sa pinili kong magmahal," paliwanag ko sa kanya.

"And then what happened?" tanong niya muli.

Binasa ko muna ang aking nanunuyong mga labi. "Alam niya Melai. All along from the start alam niya ang past namin ni Dante and she used that as a way to see if may mamumuong relasyon sa amin muli," dagdag ko sa kanya.

"Oh my..." Nagulantang si Melai sa aking sinabi. Tila pati ang aking kaibigan ang natulala sa aking sinabi. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawa ni Casey.

Napasinghot ako. "So ayon, without even thinking, I decided na magresign na lang---that's what I told her," inamin ko kay Melai.

"Elena! Paano na 'yan. Don't tell me you'll sacrifice your work for Dante? " sigaw nito sa akin.

"But I have to do it, Melai. Kung hindi baka maslalong lumalala ang situasyon. Alam ni Casey ang tungkol sa amin. Adding to that, engage na sila ni Dante," rason ko sa kanya.

Napaisip si Melai, "Well you have a point. So ano na ang gagawin mo ngayon?"

"I don't know Melai. That's why I'm here. Although I made a decision, naroon pa rin sa akin na ayokong iwan si Dante." Napalingon ako sa kanya at napatitig sa mata ni Melai. "I love him, Melai and he loves me too, but we can't..." hindi ko natuloy ang aking sinabi, tila bumuga lang ito na parang mga abo sa hangin.

Sinapo ni Melai ang aking mukha. "Tandaan mo, Elena. He already made a choice and he chose her. What's holding you back that made you hesitate to let go of him?"

Napakagat muli ako sa akin labi, tila nalasahan ko ang lasang metal sa akin labi ng madiin ko ang akin ngipin dito. Napabuntong-hininga ako at napahilig sa akin inuupuan.

"You're right, Mel. Pinili niya si Casey... I have to let him go for me to completely forget him."

Nang marining ko itong masabi sa akin mga labi, tila bumuhos muli ang aking mga luha nang mapagtanto ko na kailangan ko nang palayain ang puso ko sa kanyang pagmamahal.

Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na yakap ni Melai nang marinig niya ang akin mahinang paghagulgol.

**************************

Hindi na ako nag-alinlangan na ipasa kaagad ang aking resignation letter. As soon as makabalik na ako sa opisina, ibinigay ko na ito sa HR upang malaman na nila kaagad. Kumalat na rin ang balita sa buong office namin na siyang dahilan na nagpalungkot rito. Ayoko man itong gawin, dahil napamahal na rin sa akin ang aking mga katrabaho, ngunit alam ko sa puso ko ito ang tamang hakbang upang makamove-on na rin ako sa relasyon namin ni Dante.

Sa ngayon, hinahanda ko ang mga papales na nasa aking lamesa upang ireview at ayusin. Dalawang linggo na lamang ang natirang panahon ko rito, bago ako tuluyan na umalis, kung kaya't kailangan kong ayusin ang mga natitirang responsibilidad ko na kong tapusin bago ako umalis. Naghanap-hanap na rin ako online nang mga available jobs na pwede kong pag-aplayan. Naisip ko rin na mas maganda kung siguro malapit ito sa amin, upang hindi na rin ako masyadong mapagastos sa tirahan, pamasahe at pagkain.

Nag-aayos ako ng papeles nang nagulat ako sa malakas na pagkalabog ng pintuan ng aking opisina. Napatingala ako upang tingnan kung saan nanggagaling ang ingay na ito. Nang itiningala ko ang aking ulo, napaurong ako bigla sa aking upuan nang biglang kong nakita si Dante na nakatayo sa aking harapan, inis na inis at galit na galit.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam ko kung bakit siya naandito at alam ko kung bakit tila ganyan na lang katindi ang kanyang reaksyon. Binaba ko ang aking hawak na bolpen at tinanaw ang kanyang pagpasok sa aking opisina.

"What the fuck Elena? Magreresign ka na without even telling me?" galit na galit niyang sinabi sa akin.

Lumingon ako sa kanya. "I don't have to tell you that Dante. I decided na umalis na rin dito since matagal na rin naman ako sa company na ito," paliwanag ko sa kanya. Alam kong hindi iyon talaga ang rason ng aking pag-aalis, ngunit hindi ko rin naman sa kanya masabi ang totoong rason kung bakit.

"You're lying." Umiling-iling ito. Lumapit siya sa aking lamesa at tinukod ang kanyang kamay rito.

Napalunok ako ng malalim. "I'm not, Dante. I'm not lying. If that is your only concern, then you may leave my office," mabilis kong sinabi sa kanya. Hindi ako tumingin sa kanya at binaling na lang ito sa mga papeles na nasa aking harapan.

Umikot siya sa akin lamesa at mas lalong lumapit sa akin. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking katawan ng sinapo niya ang kanyang kamay sa aking pisngi.

"I know you are, luv. Tell me, ano ba talaga ang rason? Did something happen na hindi ko alam?"

Nang matanong niya iyon, hindi ako makapagsalita sa kanya. Kinalas ko ang kanyang hawak sa aking mga pisngi at sumagot, "Wala, Dante. Desisyon ko ito. Naisip kong magresign para na rin makalayo sa inyo. I need it that. I need this so I can forget you. Hindi ko kayang nakikita kong dalawa ni Casey--nadudurog ako, Dante. At ayoko umabot sa punto na wala nang matira sa puso ko. I have to do this, Dante." Napakagat ako ng labi sa aking sinabi.

Hinawakan niya muli ang aking kamay. "But you can't leave this way, Elena. Not after what happned between us," hapong-hapo nitong sinabi. "Hindi ko kayang mawala ka nanaman sa akin. I'm satisfied na makita lamang kita o matanaw sa opisina, Elena. Can't you let me have that?" Nagmamakaawa niyang sinabi.

Dumagsa bigla ang aking mga luha. Bago ko ito mapunasan, napunasan na ito ng daliri ni Dante. Kinuha ko ang kanyang kamay at kinalas ko ito sa aking mukha. "Dante naririnig mo ba ang sarili mo? You can't have both of us. You already have decided at pinili mo na si Casey, kaya you have to let me go. Kailangan mo na akong palayain, Dante, para magawa ko rin palayain ka sa puso ko, Dante."

Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga. "But that's the thing Elena, ayoko. Hindi ko kaya, Elena. I love you too much to let you go."

Hinawakan ko ang kanyang kamay ng marahan at hinaplos ito.

"Mahal na mahal rin kita, Dante pero hindi ito tama. Ikakasal ka na sa iba. It's not fair for her, Dante. She loves you and she needs you."

Masakit man itong sabihin pero kailangan, dahil alam kong ito ang makakabuti sa aming dalawa para makakalas na rin kami sa mga puso namin na matagal ng nakandado sa isang pangakong matagal nang nawasak ng panahon.

"But I need you Elena. I need you here with me," paulit-ulit na nagmamakaawa niyang sinabi. Ngayon ko lang napansin sa kanyang mukha ang panlulumo.

Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata na ngayon ko lang nakita. Kumirot ang puso nang mapansin ko ang kanyang paghihinagpis. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin, gustong-gusto ko siyang mahalin ng paulit-ulit ngunit alam ko na lahat ng ito ay hindi ko pwedeng gawin. Tanging pamamasid lang ang kaya kong gawin sa pagkakataon na ito.

"But you already made a choice, Dante. At hindi ako iyon. At hindi kita sinisi na hindi mo ako pinili, because I understand you--choosing her is what's the best for you and your career. Kaya naiintindihan kita. Pero Dante, I need you to let go of me--for us to forget each other, to close the past between us and to be able to move on." Hinaplos ko muli ang kanyang mukha at hinimas ang kanyang malambot na pisngi ng akin daliri.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakalapat sa kanyang pisngi. Don't tell me to forget you Elena. This isn't goodbye," nagmamakaawa niyang sinabi.

Sa huling pagkakataon, hinagkan ko siya sa kanyang pisngi at tumayo sa aking upuan. "Goodbye, Dante. Masaya ako para sa inyo kaya be happy with her." At ito ang huli kong hiling sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hinila niya ako sa kanya at niyakap ng mahigpit na tila ayaw niya akong pakawalan sa kanyang mga yapos. Bago pa man magbago ang aking desisyon, inurong ko ang aking katawan sa kanya at kumalas muli sa kanyang mahigpit na yakap. Tiningnan ko muli ang kanyang mapagpahayag na mata at tinapik ang kanyang mukha. Mga ilang segundo ang nakalipas, binaling ko ang tingin ko papunta sa pintuan at naglakad palabas rito.

Lumingon muli ako sa kanyang bisig at mukha, bago lumabas ng silid. Tila sa pagkakataon na ito, hindi ko mapigilan hindi maiyak ng lubusan.

***************************