Elena
"I--had to do it, Elena. I owe him my life," explanasyon nito sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagkamoot at padangat na tila lugmok sa kasalukuyang pangyayari.
Naramdaman ko ang asido na dumadanak sa aking lalamunan. Hindi ko ito kaya. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya lalo't na malalim ang aking hapdi na nararamdaman. "I understand. Hindi mo na kailangan magpaliwang Dante."
Naglakad ako palabas ng aking opisina nang biglang naramdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa akin braso. "Just please let me explain. Ayokong magkaganito tayo Elena." Nilapit niya ang kanyang kamay sa aking pisngi at sinabing, "Out of all the people I have known, you're one of those people who truly deserves to know the truth."
Kinalas ko ang kanyang kamay na nakalatay sa akin pisngi. "Just please, Dante--Let's end this right now, dahil kahit anong explanasyon ang gawin mo, wala rin naman nang magagawa. Ikakasal ka na kay Casey and I think you should focus on that." Kinuyom ko ang aking mga palad na pilit pinipigil ang sakit at galit na gustong kumawala.
Umiling siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang pilit na hinihigpitan ang hawak sa akin kamay. "Elena, I fucked up. I'm so sorry. If there's only a way I could change it, I would. Hindi ko kayang tanggihan ang tatay ni Casey. I owe him so much that I can't reject his favor."
"Pero paano naman ako, Dante? Napapagod rin naman ako kakaasa at kakahintay sa iyo." Hikbi ko.
"Elena, kung alam mo lang kung gaano kahirap na magdesisyon sa akin!" Pagkasiphayong tugon nito. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Elena. I don't want to let you go, but I also can't break my word to him."
Hindi ko na mapigilan na bumuhos ang aking mga luha. "Alam mo ba kung ano ang masakit Dante? Ang pinili mo siya kaysa sa akin. 'Na mas higit pa siya sa akin." Pinunasan ko ang aking mga luha. "Ang sakit, Dante kasi nangako ka! Nangako ka na 'wag akong bibitaw, pero ngayon eto, ikaw ang unang bumitaw sa atin. I was okay with it at first. Naiintidihan ko kung pipiliin mo si Casey pero Dante binigyan mo muli ng pag-asa ang puso ko para sa iyo! Ang sakit dahil sinaktan mo ulit ako!" Kumalas ako sa kanyang mga mahigpit na hawak. Hindi ko ito kaya. hindi ko kayang maging marupok muli sa kanyang mga mapusok na haplos. Ayoko na muling madurog ang aking puso dahil sa kanya.
"Elena..." mahinahon niyang sinabi na tila hindi makasagot.
"You left me, again, hanging in the mid-air like a fool waiting for you to catch me, Dante. Naniwala ako sa'yo dahil sinabi mo na huwag kitang iwan! But here you are, breaking your promise like how you broke it ten years ago!" bulyaw ko. Muli akong lumayo sa kanya at sumandig sa karayagan ng pintuan. "Naniwala ako sayo pero binigo mo ako! Nakakapagod nang umasa, Dante." Unti-unti kong naramdaman ang pagdurog ng aking puso. Bumagsak ang aking buong katawan na wari'y isang kandilang matarok at mayabong sa una ngunit kapag nasindihan mabilis maupos ang mapusok na ilaw nito. Napasapo ako sa aking mukha at napahagulgol ng mahina.
"Elena. I know. It's all my fault." Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga. Lumapit muli siya sa akin upang hawakan ang aking pisngi ngunit hindi niya din ito tinuloy nang marinig ko ang malakas na kalampog ng kanyang kamao sa karagayan ng pintuan. "Fuck, I didn't mean for this to happen, Elena," usal nito.
Humapit ang aking panga. "Dapat hindi ka nangako sa una kung hindi mo rin naman kayang tuparin, Dante." Pinunasan ko ang aking luha at panandalian kumuha ng natitirang lakas na meron ako. Bumalik ako mula sa aking lamesa at tinukod ang aking mga kamay rito.
"I did it because I don't want to let go of you, luv. Maniwala ka man o hindi, ikaw lang ang natatanging tao na importante sa akin ngayon," mahinahon nitong sambit.
Umupo ako sa aking upuan. Pinikit ang aking mata at pinunasan ang natitirang luha na meron ako para sa kanya. "But you let go of it. Hindi mo ako bibitawan kung importante talaga ako sa iyo Dante."
"Don't you fucking say it, Elena! You don't know what you are saying. You don't know how much it is hard for me noong panahon na wala ka!" Bulalas nito sa akin.
"Tama ka, Dante. Hindi ko alam. Pero hindi mo rin alam kung gaano ako katanga na patuloy na naghihintay sa iyo noong panahon na inaasam ko ang pagbabalik mo!" Sambit ko. "You have choice pero mas pinili mo siya."
Napansin ko ang kanyang paglunok. "Elena, If only I have another way around it, I would do it."
"Meron, Dante. At masakit na mas importante siya sa akin. Sino ba naman ako sa buhay mo diba? Mas matagal kayong magkakilala kay sa atin." Masakit man aminin pero ito ang totoo. Mas pinili niya ang kanyang responsibilidad sa kanya kaysa sa akin. Gusto ko man intindihin at gusto ko man unawin, subalit namumutawi ang sakit at hapdi na nararamdaman ko sa aking puso.
"Fuck, I will always choose you, luv. Ikaw lang," aniya. Lumapit siya sa aking lamesa at hinaplos ang aking mukha. Nadama ko ang init at tilamsik sa kanyang mga hawak na mas lalong nagpaigting ng kirot sa aking puso. Binitawan niya rin ito at ngumiti ng mapait sa akin.
"Huwag na tayong maglokohan, Dante. Tama na ito. Please, Dante kung wala ka ng magandang sasabihin sa akin, umalis ka na sa office ko," nagmamakaawa kong sinabi.
"I don't want to end it like this."
"But you choose to end it like this, Dante." Napatitig ako sa kanyang malalim na mata. Ang mata na puno ng ekspresyon at emosyon. Ang mga mata na minahal ko nang kay tagal. Ang mga mata na ngayon ko na lang matitigan ng ganito katagal.
Ngumiti siya ng bahagya at tila batid sa kanyang mukha ang pait na kanyang nararamdaman. "Goodbye, Elena."
"Goodbye, Dante." Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi. Pinagmasdan ko ang paglabas niya sa aking opisina. Unti-unti niyang sinarado ang pintuan na tila naghuhudyat nang aming huling pag-uusap.
Eto na ba ang katapusan namin?
Hanggang dito na lang ba talaga kami?
Wala na ba talaga?
Nang makita ko ang pagsarado niya sa akin pintuan, bumuhos bigla ang aking mga luha na wari'y isang malawak na dagat na umaagos sa tuguyguyan ng dalampasigan. Hinawakan ko ang aking dibdib at nadama ang pait ng sakit ng kanyang pagkawalay.
*******************
Dante
Dumbfoundedly, I walked across the hallway, going back to my office. Curling my fist tightly, I went back inside my office as I sauntered towards my table, sitting on my swivel chair. I turned around, staring confoundedly at the beautiful sight of the sunrise in front of me. It was a sight to behold, but also a sight to be yearned--like her, like Elena. A beauty to behold that I couldn't held a grasped on.
And I already made a choice. A choice that I have to do even if it makes me unhappy.
I fished my wallet inside my pockets and picked the old tattered picture of hers ten years ago. I held it against my palms, brushing it with my thumbs as I curved my lips upwards as I stared at her sweet smile. That smile and the warm look on her face that always haunt me for ten years.
All along, I know it was always been her. Kahit anong gawin ko siya pa rin. At kahit lumipas man nang ilang taon, alam ko na siya pa rin.
I leaned on the soft surface of my chair as I closed my eyes looking back at those memories I have tucked onto my mind for so long...
***********************
Eight years ago...
USA, Washington DC; Monday
"Ma, i want to go back to the Philippines. Hindi ba pwedeng doon na lang ako mag-aral?" Nagmamakaawa kong sinabi sa kanya.
"Dante, ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo? Naandito ka na sa States! Eto na ang opportunity sa harapan mo, bibitawan mo pa. Anak, may scholarship na naghihintay na sa iyo dito at isasakripisyo mo ito dahil gusto mong umuwi ng Pilipinas?" Sigaw ni mama sa akin.
Umupo ako sa sofa at sinapo ang aking braso sa aking batok."I told you ma, ayoko. I want to go back. Pwede naman do'n ako mag-aral. Wala naman pagkakaiba do'n," rason ko sa kanya.
"So anong gusto mo? Sirain mo ang buhay mo dahil sa isang babae lamang, Dante? Eto na nga Dante, eto na ang matagal na natin na hinihintay! You can go to college here mas marami ang opportunity rito kaysa sa Pinas, anak," paliwanag nito sa akin. "Hindi ka uuwi ng Pilipinas and that's final!"
"Pero ma! This is not my dream, this is your dream! Hindi ko ito gusto. Ikaw lang naman ang may gusto nito! Hindi ko pangarap maging isang doctor." Bulalas ko. Tumayo ako sa aking inuupuan.
"Anak, tutulungan tayo ng tatay mo. He will pay for the finances of your schooling as long as you get to be a doctor," singhal nito sa akin.
"Ayoko nga. Gusto kong bumalik sa Pilipinas ma. I don't want to be here," inamin ko sa kanya.
Humalukipkip siya at lumapit sa akin. "Ano dahil ba kay Elena, Dante? Dahil lang sa babae Dante kaya mong itapon ang lahat nang pinaghirapan natin? Ni hindi ka nga nakatanggap ng sulat sa kanya simula nang pagbalik mo rito sa States. Dante, please tama na! Move on! Nakalimutan ka na niya!"
Umigting ang aking panga. "Wag mo rito isama si Elena, ma. Hindi siya kasama rito. Ako mismo ang may desisyon nito. And you don't know kung nakalimutan na niya ako o hindi!"
"Para saan, anak? Alam ko naman na para sa kanya kaya gusto mong bumalik sa Pilipinas," aning nito.
Kinuyom ko ang aking mga palad. "I'm going back to the Philippines and that's final, ma."
"Ikaw bahala, pero tandaan mo, Dante, huwag kang babalik rito na iyakan. Tandaan mo 'yan." Naglakad siya palayo sa akin at pumunta sa kanyang kwarto.
I heard the loud clang from the door as I sat on the empty sofa besides me. I clenched my teeth as I looked towards her closed door.
Bumalik ako sa aking kwarto at naghanda ng aking mga damit, para sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Sa wakas Elena, wait for me, babalik rin ako sa iyo.
Magkikita tayo muli, Elena.
Malamyos akong ngumiti nang kinuha ko ang kanyang litrato sa akin pitaka. Humigi ako sa aking kama at tinitigan ang kanyang mukha na nakakabalisa.
Soon...
*****************
Philippines, Quezon Province; Wednesday
Hindi muna ako tumawag kay ni Auntie Rizza dahil napagpasyahan ko na dumeretso muna kay nila Elena upang surpresahin ko siya sa aking biglang pagdating. Hawak-hawak ko ang aking duffel bag, habang naglalakad ako pababa ng bus.
Narito na ako Elena. Malapit na ako. Hintayin mo lang ako.
Sa may kanto, nakakita ako ng mga bulalak ng Camella. Kaagad ko itong pinuntahan at bumili mula rito. Naglakad ako papunta sa sakayan ng tricycle at sumakay rito papunta sa direksyon ng kanilang bahay. Hindi ko alam pero halo-halo ang aking emosyon na nararamdaman. Tuwa, saya at kaba sa magiging reaksyon ni Elena.
Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong bulaklak habang nakasakay ako sa loob ng tricycle. Napatingin ako sa mayabong at mahalimuyak na bango ng Camella at napaisip na sana'y magustuhan niya ito.
Hindi din nagtagal ang aking biyahe at nakarating rin ako sa kanilang bahay. Pagkarating ko rito, napansin ko ang bukas na bintana nito. Napamasid ako sa malayo at napangiti ng makita ko si Elena mula sa bintana.
Naglakad ako malapit sa gate, habang hawak ang bulalak sa aking kamay at inihanda ang sarili ko sa aking pagkatok sa pintuan. Nang pagkatok ko rito, napatigil ako ng mapansin ko bigla na may papalapit na lalaki sa kanya. Nagulat ako ng makita ko ito. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan habang pinamamasdan ko siyang palapit kay Elena.
Nahulog ko ang aking bulaklak na hawak ng makita kong niyakap niya ng mahigpit si Elena. Gayunpaman, mas lalo nanlumo ang aking puso nang makita kong nakangiti si Elena habang nasa kanyang mahigpit na pagyapos. I can't bare to watch them. As soon as I saw them together in each other's arm, I turned around without looking back.
Umigting ang aking panga, kumuyom ang aking mga palad at naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan. Kinuha ko ang mga bulaklak ng Camella na nahulog at itinapon sa malapit na basurahan. Instantly, para bang nawala na parang bula lahat ng saya at nang pangarap na inaasam ko kasama si Elena.
I snickered, as I felt the pain in my heart slowly creeping into my system. I felt alone. Seeing the girl that I only love, into the arms of the other man was the most painful thing to watch. Feeling defeated, I walked away from her house-- away from her.
Maybe mom was right, nakalimutan na ako ni Elena kaya sa dalawang taon na paghihintay ko, hindi man lang ako nakatanggap ng kanyang sulat. Mom is right. Wala na nga. Ako na lamang ang naghihintay na parang tanga.
Umalis ako sa kanilang bahay na bigo at talunan.
With that, I decided to go back to States without looking back at them--at her.
*******************
USA, Washington DC; three months after
Nalunod ako sa makamundong pakiramdam ng alak.
I was here alone in the club, drinking myself to death, trying to numb the aching pain my chest. I felt my surrounding swirled in constant motion as the inebriation in my system knocked my senses slowly, eating me up inside like a hungry parasite. It was intoxicating and relaxing at the same time. I feel numb and indifferent.
Chugging another drink left from my bottle, my eyes went towards the girl who looked like her. She was sitting there near on my side, with her friends. She goddamn looked like My Elena, her hair in a wavy turn, her red sweet lips, and her pale soft skin. I stared at her longingly while I took a swig of my beer. Obliviously, I felt my feet moved across her. She didn't look at me, nor sensed my presence. I was about to reach her, when some guy walked towards her place. She smiled sweetly, as the guy asked her hand.
Sighing from defeat, I went back to my seat as I surreptitiously watched them dance against the dance floor, moving their bodies to the upbeat sound of the music. I wetted my lips, clenched my teeth while my eyes trailed towards her voluptuous curves curving sideways to the beat of the music.
Lumapit ang lalaki sa kanya, hinila siya papalapit sa kanya at hinimas ang kanyang baywang habang ang kanyang isang kamay ay lumilinot sa kanyang neek. Nilapat niya ang kanyang labi sa leeg ng babae at may binulong rito. Napatigil ang babae sa pagsasayaw. Bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya kung kaya't tinulak niya ito papalayo sa kanya. Ngunit bago pa man makaalis ang babae sa kanyang mga hawak, marahas niyang hinaltak ang kanyang braso at pilit na inilapit ang katawan nito sa kanya.
"Let go of me!" the girl spat loudly.
"Oh come on, baby..." licking his lips, he coarsely said.
Before he even touched her again, I launched towards my seat grabbing his collar with my palm and landed my fist across his face. "The woman said let her go, dude," I reminded him. Tumilapon siya sa sahig na kinagulat naman ng mga tao sa aming paligid.
"What the fuck is your problem, man?" Ani nito sa akin.
"Get away from her!" Gritting my teeth back, I sneered.
Tumayo siya sa kanyang pagkasadlak at sinutok ako sa aking pisngi. Binawian ko naman siya nang isa pang suntok ng makatayo ako kaagad sa aking pagkatalsik. Hindi naman niya ako tinantanan ng maramdaman ako ang kanyang tuloy tuloy na pagsuntok sa akin mukha. Sinipa ko siya sa kanyang lulod upang makawala ako sa kanyang hawak. Nang mapahilata siya sa sahig, hindi na ako nag-alinlangan na tampalin siya sa kang mukha ng paulit-ulit.
I felt the darkness slowly surrounding my senses as my fist kept on landing to his face. I then stopped as soon as I heard an indistinct voice beside me, I looked towards the voice and suddenly my vision cleared as soon as I looked at her bewildered and astounded face.
Elena?
I then saw her against the huddle of crowd, shining brightly amidst of the commotion. I saw her running towards me and before the darkness engulfed my whole body, I uttered her name.
"Elena." My mind went black as I felt a warm skin wrapped around me.
**********************
Pagkagising ko, laking pagtataka ko nang mapagtanto ko na nasa ospital ako. Sa tabi ko may katabi akong babae na hindi ko kakilala. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pagkirot nito. Hinila ko ang katawan ko paakyat sa kama at sumandal rito.
Napansin ko ang paggalaw ng katawan ng babae habang nakahilig ang ulo nito sa aking kama. Nang magising ito sa kanyang diwa, napatingala siya sa akin at napangiti. "How are you feeling? I decided to bring you here in the hospital as soon as you blacked out."
My hand brushed to the bandages wrapped on my head. My eyes squinted as I looked against the bright lit of the sun escaping through the window beside my bed. "What happened?" I asked.
"As soon as you paced out, everything went into commotion. Guards and bouncers came. They wanted to report about the incident. But then I told them the whole story of what really happened--that its not necessary for them to do any reports," she explained.
I stared at her and realized how pretty she is. She looked flushed and stunningly beautiful amidst of what happened yesterday. Damn, she really looked like Elena. The soft flesh of her skin, her cheeks, her puckered lips and her almond bright eyes. "Is that what only happened?" I gulped as I remember a fragment of memories of what happened yesterday.
"Yep. Don't worry about it. Everything is already cleared. It's my payback to you for helping me," she sweetly smiled.
"Thanks--" Naputol ang aking sasabihin ng mapagtanto ko na hindi ko pala alam ang kanyang pangalan.
Biting her lips, she said. "Casey. Casey Lacsa. Thank you for helping me--"
"Dante. Dante Gillesania." Inilahad ko ang aking kamay at kaagad naman niya itong kinamayan.
Her eyes widened."Pilipino ka pala..." She gasped.
Kumunot ang aking noo. "Yep. How did you know?" I chuckled, scratching the back of my head.
Umiling-iling siya na parang manghang-mangha. "Wow ang coincidence naman. Anyway, answering your question, from your surname," she replied.
I snickered. "Oh shit, yeah. Figures."
She reached for my hand, grabbed it and patted it against her palms. "Thank you pala for helping me. I owe you big time."
"Wala 'yon. Glad I could help," I answered.
Magsasalita na sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan. Napatingin kami parehas rito at inabangan kung sino man ang kumatok rito.
"Casey, dear?" Rinig ko sa kabilang panig.
Pagbukas nito, bumungad sa akin ang isang malaking lalaki na kamukha ni Casey, ang babaeng katabi ko. Nakasuit and tie siya at maayos na nakahapid ang kanyang buhok. Naglakad siya papunta sa amin at lumapit kay Casey. Hinalikan niya ito sa pisngi at ngumiti.
"Dad, you're here na pala," she brightly said.
Napatingin lang ako sa kanilang dalawa habang pinagmamasadan ko ang mag-ama na nag-uusap.
Napahilig ako sa headboard ng kama nang lumingon sa akin ang kanyang tatay. May iba itong aura na nakakatakot at nakakapangilabot na pakiramdam nang mapatitig ito sa akin. "Sooo you're friend here is already awake," Tinaas nito ang kanyang mata habang mapanuri niya akong pinagmamasadan.
"Um, well yes. He was the one who helped me, dad," she stammered.
Binaling niya ang kanyang tingin sa akin papunta sa kanyang anak na si Casey, "Would you leave us alone for a while, my dear? Kakausapin ko lang siya," he asked.
Nag-alinlangan ito ngunit pumayag rin kinalaunan. "Alright. Papayagan kita dad, but please don't do anything bad to him, okay?" She reminded her.
He slightly nodded. She walked towards the door, pulled it and closed it as soon as she was outside. My eyes went back to him who was still gazing furtively at me with his dark ominious eyes.
"So Mr. Gillesania right?"
I nodded steadfastly. "Yes."
Kinamayan niya ako na parang isang propesyonal. "I'm Atty. Arnel Lacsa, father of the woman you've sa--helped," sabi nito na may diin sa kanyang boses.
"Yes sir, I've recognized that."
"I see. I looked into your profile and it seems that you have rather a tumultous past. Am I right?" He said while pacing back and forth infront of me.
Napaigting ang panga ko nang masabi niya ito. I won't deny it, but I don't regret doing it for my mom. Kung hindi ko iyon ginawa baka natuluyan nang saktan ng gagong iyon ang nanay ko. "I don't deny it, sir."
"Mr. Gillesania. I don't judge a person by his/her past, that's why you don't have to worry about that." He replied crossing both of his arms on his chest. "Anyway, I am here to thank you for helping my daughter. If you need any help, don't hesitate to contact me, Mr. Gillesania," sabi nito sa akin.
Binagay nito ang card nito sa akin. "Thank you sir, but I don't need it," I assured him.
He smiled at me. Walking towards at my table, he placed his card on it. Afterwards, he patted my shoulders and said. "Just in case, son. Don't waste your life to things that are irrelevant. Just think about it. I'll leave my card on your table. Don't worry about the bill, bayad na ang lahat."
Bago ako makapagsalita, naglakad na siya paalis sa aking kwarto. Kinalaunan, naiwan akong mag-isa sa kwarto habang nakatitig sa calling card na nasa table. Kinuha ko ito rito at binasa ang laman nito.
Napatukod ako sa aking higaan habang hawak ang calling card sa aking kamay.
************************
"Ano na ba ang nangyayari sa iyo, Dante? Hindi ka man lang nagsasabi kung kailang ka uuwi. pagkatapos, uuwi ka rito sa bahay na bugbog sarado at sugatan? Umayos ka nga! Eto ba ang epekto sa iyo ng babaeng iyan? Diba, sinabi ko na sa iyo diba na wala ka nang babalikan sa Pinas pero hindi ka pa rin nakinig sa akin! Oh ano ngayon? Natauhan ka na. Kinalumutan ka na niya, nak, kaya please kalimutan mo na rin siya," bulalas sa akin ni mama.
Hindi ako nakasagot sa kanya. kinuyom ko na lang ang akin kamao at napatitig na lang sa kawalan.
Binasag ko ang katahimikan ng magsalita ako sa kanya. "Why do you hate Elena, ma? When we we're there in the Philippines, okay naman kayo.. So why? I don't get it."
She sighed. "I don't hate her, anak. Ayoko lang siyang maging hadlang sa mga pangarap natin para sa iyo, Dante. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit. "Please, Dante. Don't make it harder for us--for me..." nagmamakaawa nitong sinabi sa akin.
"I told you ayokong maging doktor. Ayokong maging katulad ng taong umiwan sa atin ma! Ayoko nang kanyang pera at lalong ayoko ng kanyang tulong! I don't need his goddamn help!" Asik ko.
She cupped my face. I saw the lines on her face, her worries and her fears. "But he is still your father, Dante. Wag mong ipagkait ang pagkakataon na gustong makipag-ayos sa iyo ng iyong ama. Give him a chance, please," paliwanag nito sa akin.
I gritted my teeth. "I don't know, ma." Clenching my fist, I removed her hands on my cheeks. I laughed darkly. "Chance? Tayo ba noong mga panahon na wala siya, naisip ba niya tayo? 'Ni birthday nga or event hindi man lang siya pumunta. Tapos ngayon mag-aastang ama siya sa akin? He then decides to finance my studies just so because he want me to be like him? Ma, we are not his fucking charity!" I reasoned out. Tumayo ako sa akin upuan at umalis palabas ng bahay.
" Dante bumalik ka rito! Get back here!" Narinig kong sigaw niya sa akin likuran.
Hindi ako lumingon sa akin likuran at hindi ko pinanasin ang kanyang pagtawag sa akin. Naglakad ako palayo sa bahay hanggang sa makahanap ako ng tahimik na lugar na mapupuntahan. Umupo ako sa bandang kanto malapit sa basketball court kung saan lagi kaming naglalaro.
I thrusted my hand into my pockets as I looked up at the dark brim of the sky. While looking upwards, I felt a thin paper inside my pocket. As soon as I fished it out of my pockets, I realized that it was a calling card from the lawyer I have met two days ago.
I remember what he said to me last time: Help if I need it. I bit my lip as my thoughts wandered whether to call him or not. A couple of minutes have passed, I deliberately sighed as I stared intently at the calling card. With that, I then grabbed my phone from my pockets, dialed the number inscribed from the paper and called him.
"Hello sir, this is Dante Gillesania..."
*************************
Back to the present...
Bumalik ako sa aking diwa ng makarinig ako ng tunog mula sa akin pintuan. Inikot ko ang aking swivel chair at napatingin rito. Nakita ko si Casey na naglalakad sa papunta sa aking table habang hawak ang kanyang bag sa kanang kamay.
"Hey, babe, ready for lunch?" she asked as she moved closer to me kissing my cheeks.
I partly smiled. "Yeah sure." Tumayo ako sa aking upuan at lumapit sa kanya.
Napakunot siya ng kanyang noo. "Nanapansin ko kanina na pa na parang wala ka sa sarili Dante. Are you sure you're okay? If you don't feel good, you can go home and rest. Ako na ang bahala rito."
I shook my head. "I'm okay don't worry about me. Lunch?" I grabbed her hands and intertwined it with mine.
"Yep. Where do you want to eat?" She asked.
I shrugged. "Kahit saan. Wherever you want, Casey."
"Alright. Let's go na lang to our favorite restaurant."
Hindi ako sumagot sa kanya at tumango na lang. As soon as we were outside of my office, her ethereal face caught my eyes. I noticed how she walked unsteadily as towards us. I averted my gaze from her as I saw her passing us by. I gazed around, looking at her back. She stopped, turned around and stared back at me.
My jaw clenched as our eyes met.
Binaling niya muli ang tingin niya sa akin at bumalik sa paglalakad. Panandalian ko siyang tinitigan. Mga ilang sandali lamang, tumalikod ako mula sa akin nakaraan at lumingon muli pabalik upang harapin muli ang aking hinaharap.
Napalingon ako kay Casey at napangiti ng bahagya. She smiled at me as soon as she noticed it. "Why are you smiling?"
I shrugged. "Wala lang. Lets go?"
"Sure," she nodded, smiling sweetly at me.
I grabbed her hands and held it tightly as we walked across the pathway towards the door.
***********************