Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 37 - Chapter 34: Elena

Chapter 37 - Chapter 34: Elena

Elena

Dalawang araw na ang lumipas simula nang malaman ko ang tungkol sa kasal nila Casey at Dante. Simula noon huli namin pag-uusap ni Dante, hindi ko na nasilayan ang kanyang presensya sa opisina. Natatanaw ko na lang siya tuwing mayroon meeting, o kaya naman kapag kasama niya ang kanyang fiancee na si Casey.

Mabuti na rin na ganito kami lalo't na ikakasal siya kay Casey. Ayoko rin naman maging hadlang sa kanilang relasyon at maging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Tama rin na naghiwalay na kami para sa ikakatahimik ng lahat. Sapat na makita ko siyang kontento sa piling ng iba, dahil alam ko na kahit hindi niya ako pinili, masaya sa piling ni Casey.

I need to move on and be happy for him--even if it hurts seeing them together.

Nakingiti akong minamasid ang aking kaibigan na si Melai at ang kanyang anak na magkasama habang inibloblow ang hugis tatlo na kandila. Kaarawan ngayon ng kanyang anak na lalaki kay Rafael. Nasa bahay nila ako ngayon kung saan inihahanda ang ikatlong kaarawan ng aking inaanak na si Anthony. Lumapit ako sa kanilang table at ibinigay ang regalo ko para sa kanyang unico ijo.

"Happy Birthday, inaanak!" masayang anang ko rito. Tinapik ko ang kanyang buhok at niyakap siya ng mahigpit. "Ang bili mo ng lumaki ah. Ang tangkad na nang inaanak ko," pabiro kong sinabi.

Napangiti naman si Melai. "Oo nga eh, ang bilis tumangkad nitong batang 'to. Nagmana kasi sa tatay," tugon nito say halik sa matabang pisngi ni Anthony. "Teka lang ilalagay ko lang sa loob ang regalo ah. Umupo ka muna, Elena. May mga bakante pang upuan riyan." Tinuro niya ang mga upuan na wala pang laman at wala pang tao.

Tumango ako sa kanya at tinahak ang daan papunta sa kanan kung saan malapit sa lilim ng puno. Napalinga-linga ako sa ganda ng paligid at napalanghap sa sariwang hangin na pumapalibot sa akin. Malawak ang kanilang bakuran na kung saan kasalukuyan na ginaganap ang handaan ng aking inaanak. Nakapalibot ang sari-saring balloons at kolorete na nakatali sa bawat lamesa na nakapaikot sa paligid. Sa aking harapan naman ay mayroon clown na nag-prepresent ng kanyang mahika sa mga batang nakatuon ang buong diwa rito.

Napalingon ako bigla sa aking likuran nang makita kong tumapik sa akin si Samantha. Nakasuot siya ng itim na bestida na hapit na hapit sa kanyang hubog ng katawan. Nakapungos ang kanyang mahabang buhok at may kaonting kolorete ang kanyang mukha. Hindi naman talaga mapagkakait na maganda talaga ang kaibigan ko na ito.

"Naandito ka na pala," saad ko sa kanya habang inuurong ko ang bakanteng upuan sa tabi ko.

Umupo siya rito habang may hawak-hawak na regalo. Inilapag niya ito sa lamesa kasabay ng kanyang mamahalin na bag. "Oo. Si Ate Melai nakita mo na ba? Ibibigay ko sana itong regalo sa kanya eh."

Tinuro ko ang pintuan sa bahay nila Melai. "Nasa loob ate. Gusto mo bang samahan kita?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at tumayo sa kanyang kinauupuan. "Sige."

Dumertso kami sa loob ng bahay nila Melai, at pagkarating namin dito nakita nang magkayakap ang dalawang mag-asawa na tila silang dalawa lang ang tao sa loob ng bahay. Natawa kami ng mahina ni Samantha sa aming nasilayan. Napatikhim ako sa kanila na nagpabasag ng kanilang munting pagkakarinyo. "Ehem, sorry to break the two of you, but, Melai, Samantha is here."

Nanlaki ang mata naman ni Melai at namula nang makita kaming dalawa na nakatitig sa kanilang dalawa.

"Sa labas lang ako, hon," bulong ni Rafael sabay hinalikan ang kanyang pisngi.

Bago siya umalis papunta sa handaan, binati niya kaming dalawa. " Nice seeing you again Elena and Sam."

"Same to you Rafael," aning ko sa kanya.

Lumingon kami pabalik kay Melai na mukhang abala sa hawak na hotdog at marshmallow stick. Pumunta kami sa kanyang counter tinulungan siya sa pag-aayos. "Oh, Samantha. Buti nakapunta ka."

Hinalikan ni Samantha sa pisngi si Melai at ibinigay ang kanyang regalo para kay Anthony. "Oo naman. Hindi ko palalagpasin ate." Inilahad ni Samantha ang kanyang kamay na may hawak na regalo. "Regalo ko nga pala, ate." Ngumiti ito.

"Aww thank you, Sam." Binalikan niya rin si Samantha ng isang malamyos na ngiti. Tinuro niya ang lamesa na mayroon mga regalong nakalagay. "Pakilagay na lang do'n Sam. Salamat."

"Sure ate." Naglakad si Samantha papunta sa sala kung saan nakalagay ang kumpol-kumpulan na regalo, habang ako naman ang umupo sa bakanteng upuan na kanyang tabi.

"Do you need any help?" tanong ko kay Melai na mukhang pagod na pagod.

"Thank you," sabi nito sa akin na may paghaging habang abalang-abala sa pag tutusok ng hotdog sa barbeque stick.

Dali-dali akong pumunta ng lababo at naghugas ng kamay. Pagkatapos nito, bumalik ako muli sa aking upuan. Kumuha ko ng hotdog at marshmallow na nakalagay sa tray at tinusok ko ang hotdog sa barbeque stick. "Ang dami naman nito, Mels."

Tinaas niya ang kanyang kilay at ngumiwi sa akin. "Alam mo naman ang mga bata mahilig sa hotdog. Lalo na iyang inaanak mo! Nako kung alam mo lang kung gaano kapicky sa pagkain," kwento nito sa akin.

Napangisi na lang ako habang nakapokus ang aking mata sa pagtusok ng hotdog at marshmallow sa barbeque stick. "Ay nako buti wala pa akong anak."

"Malapit na rin yan, lalo na na nagkabalikan na kayo ni Dante," sambit nito sa akin.

Napatigil ako sa aking pagtusok sa barbeque stick sa kanyang sinabi at napatingin kay Melai. Kinagat ko ang aking labi at napabuntong-hininga. "Melai...wala na kami..."

Napasinghal siya. "Ano?" Marahas niyang tinusok ang barbeque stick sa watermelon na siyang nagpabitak ng bahagya rito.

Dumating naman bigla si Samantha at umupo malapit sa tabi ko. "What? What happened? I heard breaking up," sambit naman nito na kakabalik lang galing sa sala.

"He's getting married with his girlfriend," anang ko habang pinaglalaruan ang barbeque stick na nasa silver na tray.

"What the fuck, ate? Ano ang nangyari?" Malakas na tugon ni Samantha. Nanlaki ang kanyang mata at napasinghal.

"Shush marinig ka ng mga bata sa labas, " paalala naman ni Melai. Humalukipkip siya habang nakatitig ang kanyang matalim na mata sa akin. "Pray and tell, what happened? Anong nangyari at biglang iniwan ka nananaman ng gagong iyon, Elena? Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi talaga maganda ang kutob ko riyan," galit na galit niyang sinabi.

"Tama ka diyan Ate Melai. Apir tayo diyan," dagdag naman ni Samantha.

"You guys want drinks? Kukuha ako." Pumunta siya sa kanyang kabinet at kinuha ang isang bote ng wine at tatlong wine glass. Inilapag niya ito sa lamesa at binuhos ang laman nito sa hukag na wine glass.

"Thank God! Ang akala ko juice lang ang maiinom ko in this party," ungol ni Samantha.

"Mels, okay lang ako." mahina kong sinabi. "Nakapag-usap na kami at nasabi niya na rin naman ang rason. Apparently it was because of Casey's father. He owed him a favor that's why he can't say no to him," explanasyon ko sa kanila.

"That's bullshit, ate," uyam ni Samantha.

"Chickenshit. Hindi ako naniniwala sa kanyang sinabi, Elena. Alam mo kung talagang mahal ka ng lalaking iyon, hindi sapat na rason iyon para iwanan ka niya," dagdag naman ni Melai at saka uminom sa kanyang wine glass.

Kinuha ko naman ang wine glass na nasa harapan ko at sumipsip rito. "It's okay guys. Ayoko na rin pag-usapan siya. I want to move on." Kinagat ko ang aking labi at tinungab ang wine na nasa baso.

"Don't worry ate. I'll help you move on. You want a blind date ba?" Paanyaya naman ni Samantha.

"Yeah, bes. Go on blind dates, its time to entertain other guys besides that dipshit, okay?" Kumaripas ang kamay ni Melai at ngumiti sa akin.

Napangisi ako sa kanilang dalawa. "Kayo talaga." Napangisi na lamang ako, " Yeah sure, Samantha just tell me when," sagot ko kay Samantha.

"That's our girl!" Anang ni Melai. Lumapit silang dalawa sa akin at niyakap nila ako ng mahigpit.

"Don't worry, makakalimutan mo rin siya, Ate Elena," dagdag naman ni Samantha.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking puso ng madama ko ang banayad na init ng kanilang mga yakap. Sinagot ko sila ng mahigpit na haplos ng may mamuo na luha sa aking mata. Kaagad ko itong pinunas ng aking palad. "Kayo talaga. I'm so thankful that you guys are here."

Kumalas ako sa kanilang mahigpit na yakap at kinuha ang barbeque stick na nakalagay sa tray. "Tapusin na nga natin 'to. Malapit na ang kainan," sabi ko sa kanila.

Bumalik sila sa kanilang mga pwesto at nagsimula nang magtusok ng mga hotdog at marshmallow sa barbeque stick.

"Nga pala, Elena, nakatanggap ka ba ng letter mula sa classmate natin?" Tanong ni Melai.

Umiling ako. "Hindi. Bakit?"

"Next week na ang reunion natin. I-heheld ulit sa school, this Saturday. Pupunta ka ba?" Napataas ang kanyang kilay habang abala ang kanyang kamay sa pagtutusok ng hotdog.

Napaisip ako. "Um yeah sure. Pero hindi pa ako nakatanggap ng letter from the association eh."

Napasapo si Mela sa kanyang noo. "Ay oo nga pala, kaya hindi mo alam kasi nga wala kang facebook. Hay nako, gumawa ka nga para updated ka, bes."

"You know I don't have time for that," sagot ko sa kanya.

Sumimangot naman ang mukha ni Samantha. "Aww buti pa kayo may reunion na kayo. Kami wala pang announcement."

Hinaplos ko ang kanyang likod. "Don't worry about that, Samantha. Darating din yan." Ngumiti ako sa kanya.

"So will you be going?" Tanong ulit ni Melai.

Napatapik ang aking daliri sa lamesa. "Yeah sure. Sabay na tayo, gusto mo?" Paanyaya ko sa kanya.

"Sure sige. Sabay ka na lang sa amin ni Rafael," wika nito.

Napakunot ako ng noo. "Are you sure na okay lang sa inyo iyon?"

Tumango si Melai. "Oo naman, bes. Ikaw pa? Pababayaan ba kita?"

"Aww Thank you Melai. Maasahan talaga kita." Malamyos akong ngumiti sa kanya.

Bigla naman akong nagulat ng biglang bumalagbag ang pintuan. Napalingon kaming tatlo rito at napansin namin ang nakangiting Rafael habang nakaakbay sa makisig na lalaki sa kanyang tabi. Napansin ko na napanganga si Samantha ng makita niya ang kasama nitong lalaki.

Nakasuit at tie siya habang maayos naman na nakahapid ang kanyang buhok. Lumapit siya sa aming table at naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo ng makita kong nakatitig ito sa akin.

"Guess who's here, babe!" tuwang-tuwang sabi ni Rafael.

Nang makita ni Melai kung sino man ito, bigla siyang napabusangot. "Oh, I'm not happy. Ba't naandito yan?" Mataray na sagot ni Melai.

Habang ako naman sa kabilang banda ay naninigas at nanlamig sa aking kinauupuan.

"OMG Kuya Dante! Naandito ka! Namiss kita!" sigaw naman ni Samantha. Lumapit siya rito at niyakap niya ito kaagad.

I scoffed. Si Samantha talaga.

"Eto talaga si Samantha, nakita lang niya si Dante nakalimutan na niya ang pinag-usapan natin," bulong naman sa akin ni Melai.

"Hayaan mo na Mels. Namiss lang niya 'yong tao," saad ko sa kanya. Pero may point naman talaga si Melai. Napansin ko na patuloy pa rin sa pagtitig sa akin si Dante habang nasa mahigpit na yakap ni Samantha.

"How are you kiddo?" Nakangisi naman sabi ni Dante kay Samantha nang kumalas ito sa kanya.

"I'm good! Ikaw, kuya? Kamusta ka na? I've heard na ikakasal ka na," sambit nito.

Nagulat ako ng biglang napasigaw naman ni Melai. "Samantha! Halika nga dito."

Napansin ko lang ang pagtawa ni Rafael habang inikot niya ang kanyang braso sa baywang nang kanyang pinakamamahal na asawa.

Lumingon si Samantha sa amin. "What? It's true naman diba?" Sabi nito na parang wala lang.

"Yeah well..." napa-ungol si Melai. "Can you do something about your friend?" pakiusap nito sa kanyang asawa.

Ngumit ito sa kanyang asawa at hinalikan ito sa kanyang labi. "On it, babe."

Naglakad si Rafael papunta kay nila Dante. "Hey, bro, want to go outside and meet the guys? Namiss ka ng mga gagong 'yon."

Napalingon si Dante sa aming tatlo at napasapo sa kanyang noo. "Yeah sure."

"Alright. I'll just grab some beer then." Bumalik ito sa kusina at kumuha ng beer sa refrigerator.

Tinaas ni Melai ang kanyang kilay kay Dante at taas-baba niya itong tiningnan. "So, naandito ka pala. Kamusta?"

"I'm good. I'm working in a firm--with um Elena here," nauutal nitong sinabi. Pinasok niya ang kanyang kamay sa bulsa at napatingin sa akin. Binaling ko ang aking tingin rito at tinuon ito sa pagtusok ng hotdog sa barbeque stick.

"So you're an attorney, kuya," dagdag naman ni Samantha.

"Yes. I am." Napalunok naman si Dante.

"Ah okay. Nga pala congrats on getting married," mataray na sinabi ni Melai.

Nanlaki ang mata ni Dante nang marinig niya ito. Kumunot ang kanyang noo panadalian. "Um thanks." Binasa niya ang kanyang labi at sinabi, " Nga pala, I'm sorry wala akong regalo na dala. Nalaman ko lang kanina-nina. If its okay with you I can deliver it na lang here."

Umiling si Melai. "No need. It's fine."

"I insist naman." Ngumisi ito.

Melai shrugged. "Okay. if that's what you want."

Mga ilang minuto rin ang nakalipas, bumalik na rin si Rafael galing ng kusina na may dalang isang case na bote ng beer. Lumapit siya kay Melai at nagpaalam. "I'll just be with the boys, hun," anang nito.

"Okay babe." Ngumit si Melai.

"Tara, Dante. Sa labas tayo," paanyaya naman ni Rafael.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko silang lumabas sa pintuan. Napahilig ako sa aking upuan at napasapo sa aking mukha.

"You okay there?" Tanong ni Melai.

"Yeah I'm okay," sagot ko sa kanya. "Tapusin na natin 'to." Tumikhim ako at binalik ang diwa ko sa hotdog at marshmallow na kanina pa nakalatag sa lamesa. "Baka lumamig," dagdag ko.

Nanggilid na lamang ang mata ni Melai sa akin habang patuloy sa pagtutusok, habang si Samantha naman ay nakatuon sa kanyang cellphone.

I'm definitely not having a great day...

************************

Maagang natapos ang party ng aking inaanak. Hindi rin ito nagtagal dahil hindi rin naman kayang umabot ng gabi ang mga bata. Pagkatapos nilang kumain, natapos na rin ang birthday celebration ng aking inaanak.

Inayos ko ang mga paper plates at na naiwan sa lamesa at itinapon sa basurahan. Napasulyap naman ako sa kabilang banda at napansin ko sila Dante at ng kanyang mga kaibigan na masayang nag-uusap.

"Okay ka lang ba talaga?" Nabigla ako sa tanong ni Melai habang hawak ang isang bungkos ng maduming paper plates.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. "Yeah. I'm okay. Don't worry about me."

Kinuha niya ang hawak ko na plato at itinapon sa itim na trash bag. "Ako na dito at si manang, Elena. You can go home," saad nito sa akin na batid ang pag-aalala niya sa kanyang mukha.

Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi. "Are you sure?" Pinunasan ko ang aking kamay gamit ng tissue na nakalapag sa lamesa.

"Yes, of course. Sige na. May sundo ka ba? Pwede kitang ipasundo sa asawa ko," mungkahi nito sa akin.

Umiling ako sa kanya. "Ano ka ba, Mels, wag na. Okay lang ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa," sagot ko sa kanya.

"Hindi pwede, Elena! Delikado at maggagabi na! Besides, may kutob ako na baka umulan. Ang dilim na nang kalangitan, oh." Tumingin siya sa kanyang asawa na kasama ang kanyang mga kaibigan. "Hon! halika nga dito," sabi nito sa kanyang asawa.

Napataas ng kilay si Rafael at dali-daling pumunta sa amin. "Yes, hon? Ano iyon?"

"Pahatid naman si Elena sa kanila." Hinaplos nito si Rafael sa kanyang braso.

"Ah babe, wrong timing nasa talyer ngayon ang kotse natin. Magpapasama nga ako mamaya kay Dante para kunin ito," paliwanag ni Rafael. "Kung gusto mo si Dante na lang ang maghatid kay Elena since dala naman niya ang kotse niya," dagdag nito.

Napalingon sa akin si Melai na tila sinesenyasan ako kung payag ba ako o hindi. "Um, Elena? Ano sa tingin mo?"

"Dante!" Bago pa ako nakasagot biglang tinawag ni Rafael si Dante.

Umiling-iling ako ulit. "Wag na. Okay lang talaga ako, Melai. Kaya ko naman magcommute," pilit kong sinabi sa kanila.

"Yes? Anything I could help with?" Biglang sulpot naman ni Dante habang may hawak na beer sa kanyang kaliwang kamay.

"Hatid mo muna si Elena sa kanila." Tapik sa kanya ni Rafael.

Kaagad na tumango naman si Dante. "Yeah sure. I don't mind, that is if it's okay with her." Lumingon siya sa akin at napatitig.

Napalunok ako ng malalim. "Okay lang kahit hindi na, kaya kong umuwi ng mag-isa," anang ko na may diin sa akin boses.

"Ano ka ba, Elena. Sige na sumakay ka na. Medyo madilim na rin naman. Mahirap magcommute lalo dito sa lugar namin," eksplanasyon ni Melai na tila wala rin naman siyang magawa sa sitwasyon.

His lips pursed. "I'll just get my car then. Hihintayin kita sa kotse, Elena," maikling saad nito sabay labas sa gate ng bahay nila Rafael.

Napabuntong-hininga muna ako bago ako tumingin sa kanila. "Sige um, Melai. Una na ako." Niyakap ko si Melai at hinalikan sa pisngi habang kumaway naman ako kay Rafael. "Rafael..."

"Mag-ingat kayo at tumawag ka sa akin kapag nakauwi ka na," paalala sa akin ni Melai na parang magulang ko lang.

Sinagot naman ako ng kaway ni Rafael. "Ingat kayo sa daan."

"Sige. Salamat." Ngumiti ako sa kanila at naglakad papunta sa labas.

Pagkalabas ko nakita ko si Dante na naghihintay sa loob ng kanyang kotse habang nakaparada sa gilid ng bahay nila Melai. Binaling ko ang tingin sa kaniya at dali-daling sumakay rito. Pagkapasok ko sa loob, wala akong narinig na kung ano mang salita sa kanya maliban sa tunog nang kanyang pagbukas ng manobela.

Lumingon ako sa bintana at tinukod ko ang aking siko rito habang nakasalumbaba sa pasimano nito.

Narining ko ang kanyang pagtikhim na nagpawasak sa nakakarinding katahimikan sa aming paligid. "Um saan pala kita ihahatid?" Tanong nito sa akin.

Pursing my lips, I replied, "Malapit lang sa office natin. Malapit lang do'n ang apartment ko."

Nilinis niya muli ang kanyang lalamunan. "Um, alright, sabihin mo na lang sa akin yung way so that I know where to park." Pagkatapos niya itong sabihin kaagad niya pinaandar ang sasakyan at pinihit ang manobela.

Nagsimula siyang magmaneho palabas sa subdivision. Hindi rin naman kalayuan sa syudad ang kinuhang bahay nila Melai. Malapit lang ito sa Manila kung kaya't easy access rin ang pagpunta at pag-uwi rito. Malapit rin naman ito sa aking tinitirhan na apartment kaya magiging mabilis rin naman ang biyahe.

****************************

Ilang minuto rin ang nakalipas at nasa gitna rin kami ng highway habang naghihintay sa mahabang traffic ng EDSA. Nakaandar ang musika galing sa radyo habang nakatingala ako sa madilim na kalawakan. Narinig ko ang malakas na ugong ng kalangitan na wari'y naghuhudyat ng pag-ulan.

"Uulan na ata," anang ko bigla.

Naptitig si Dante sa kanyang bintana at napasang-ayon. "Mukha nga. Buti na lang hindi ka nagcommute," paalala nito sa akin.

"Tama nga si Melai. Umulan nga," maikli kong sagot nang pinagmasadan ko ang mga munting butil ng ulan na pumapatak sa labas ng bintana ng sasakyan.

Lumingon sa akin si Dante at ginalaw ang manobela. "May dala ka bang payong?" Kaswal na tanong nito.

"Wala," mabilis kong sagot.

"May payong ako sa likod ng kotse. We can use it later."

"Um, thanks." Napalunok ako ng malalim nang biglang may alaalang pumasok sa aking isipan. Napangiti na lamang ako bigla na parang tanga. Tila bumalik sa akin ang alaalang pinahiram niya ako ng kanyang payong.

Napalingon siya sa akin at napansin nito ang aking pagngiti. "Why are you smiling?"

Napatingin ako sa kanya. Kahit malamig ang panahon dahil sa malakas na pagbagsak ng ulan, animo'y nadama ko ang init sa aking mga pisngi. "Umm, wala."

Hinila niya ang manobela pakanan ng simulang umilaw na ang berde sa traffic light. "Come on, tell me."

Nagkibit ako ng balikat. "Wala 'yon. I just remember the time when you let me borrow your umbrella. Ganito rin ang ulap at ang itsura ng panahon." Kinagat ko ang aking labi habang umapuhap ang aking mga daliri sa strap ng aking bag.

Napansin ko ang kanyang bahagyang pagngisi. "Well, you are so stubborn. Gusto mo talagang ibalik sa akin ang payong when I told you na hindi naman kailangan."

Napabusangot ako. "At hindi ko rin naman alam kung bakit pinipilit mong ibigay sa akin ang payong mo."

"It's simple, luv. Binigay ko na sa iyo 'iyon," mabilis niyang saad.

"But I dont want to accept it," depensa ko. "It is also simple as that."

Hindi siya nakasagot. Tumingin lang ito sa akin na nakangiti habang hawak ang manobela sa kanyang kamay.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas, sa nakakabalisang katahimikan na bumabalot sa amin, narining ko ang kanyang mahinahon na paghinga. "Malapit na tayo. Tell me where I'll stop."

Tumango lang ako sa kanya at tinuon ang aking paningin sa harapan. Napansin ko ang patuloy na pagbagsak ng ulan na tila kanina pa ang malakas na pagbuhos nito. Mahamog it at malabo ang tanawin mula sa bintana. Nang mapagtanto ito ni Dante, binuksan niya ang windshield at winasiwas nito ang nakakabagabag na maulop na rear-view mirror.

Nang mamasid ko ang struktura ng establisyamentong aking tinitirhan, kaagad ko itong tinuro kay Dante. Lumiko siya sa kaliwa at dito malapit na ipinark ang kanyang sasakyan. Bago kami bumaba, dinakot niya ang kanyang payong na nakalapag sa pangalawang upuan.

"Let's go," aniya at dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Nang makita ko siyang nakatayo sa aking gilid, kaagad ko naman binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan at dali-daling sumilong sa malaking payong na kanyang dala. "Doon na lang sa may pintuan." Turo ko sa kanyan habang sinulong namin ang malakas na bugso ng ulan.

Sa aming paglalakad, naramdaman ko ang pagsagi ng aming mga braso na tila nagkikiskisang bato na umaalab sa malamig na handog ng panahon. Napatitig ako sa kanyang nang maramdaman ko ang makisig niyang braso na pumalupot sa aking balikat upang sanggaan ako sa malakas na dagsa ng rumaragsang ulan. Hinila niya ako malapit sa kanyang kamay na naging dahilan upang magtagpo ang aming mga mata. Napalingon ako sa kanyang gilid at napansin ko na basang basa na ang kanyang braso sa ulan.

"Basa ka na," mahinahon kong sinabi.

Lumunok siya ng malalim. "It's fine. I don't mind it."

Gumapang ang kanyang kamay sa akin at hinawakan niya ito ng mahigpit. Hindi ako nakapagsalita at hinayaan ko siyang gawin ito sa aking mga kamay. Nadama ko ang tilamsik ng nakakuryenteng init nang ihibla niya ang kanyang malaking palad sa akin.

"Tara?"

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ng marahan.

Walang kamalay-malay, hinila niya ang aking kamay papunta sa kanya at tinahak namin ang bagyong dumadagsa aming harapan. Nakalipas ang ilang segudo, nakarating din kami sa pintuan ng aking apartment. Humarap ako sa kanya, basang-basa at hingal na hingal dahil sa ulan, habang siya naman ay nasa akin harapan, na tila basang-basa rin.

Napatikhim muna ako bago nakapagsalita. "Thanks."

"No problem." Ipinasok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa habang hawak-hawak ang payong sa isa nitong kamay.

"Sige. mauna na ako sa loob." Kinagat ko ang aking pang-ilalim na labi.

Hinawakan niya ang kanyang batok. "Ah, sige."

Naglakad ako sa pintuan, bubuksan ko na sana ito nang napalingon ako sa akin harapan--sa kanya. Napansin ko siyang pabalik na sa kanyang kotse. Napatigil ako ng sandali at napatingin sa kanya. Lumapit ako ng kaonti at sumandal sa malamig na pader ng bahay at buong lakas kong tinawag ang kanyang pangalan. "Dante!"

Nang marinig niya ito, tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Bakit?" Malakas na tugon nito.

"Ingat!" sigaw ko at ngumiti rito.

Napangiti siya sa aking sinabi at napakaway. Napatitig ako sa kanya habang pinagmamasdan ang paglakad niya pabalik sa kanyang sasakyan.

Lumingon siya pabalik sa akin habang patuloy ang pagbuhos ng ulan. "Elena!" Sigaw nito.

Napahagikgik ako ng mahina. "Ano?" Tugon ko ng malakas.

"Wala lang...!" Sabi nito. Umikot siya at naglakad pabalik sa kanyang sasakyan.

Natawa lang ako sa kanyang ginawa.Naglakad ako pabalik sa pintuan, ngunit bago ko ito pinihit, kumurba paitaas ang aking mga labi.

Sa pagkakataon na iyon nagkaroon ako ng ibang pakiramdam. Tila mas naging panatag na ang aking loob nang maramdaman ko na tila nagkaayos na rin kami ni Dante. Hindi man ito tulad nang dati, ngunit sapat na ngayon kung ano mang klaseng relasyon meron kami ngayon at kung ito man ang muling pagbabalik nang aming pagkakaibigan, mamarapatin ko itong tatanggapin.

*****************************