Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 38 - Chapter 35: Elena

Chapter 38 - Chapter 35: Elena

Elena

Nasa loob ako ngayon ng sasakyan kasama si Melai at ang kanyang asawa ni Rafael na kasalukuyan na nagmamaneho sa akin harapan. Ngayon sabado gaganapin ang aming higschool reunion sa mismong event space ng amin eskwelahan. Kung hindi siguro sinabi ito ni Melai sa akin, hindi ko malalaman na mayroon pa lang reunion na magaganap. Maganda na rin itong reunion na ito upang makamusta ko rin ang mga dati kong kabatch mates na wala na rin akong masyadong balita.

"Anong oras pala magstatart ang program?" bigla kong napatanong nang mapansin ko ang aking relos na palapit na rin ang dapit ng hapon.

Lumingon sa akin si Melai na nasa harapan, katabi ang kanyang asawa. "Six-thirty ang start ng program. Malapit-lapit na rin naman tayo sa school kaya baka eksato na alasais naroon na tayo," tugon nito sa akin.

"Oh alright," sagot ko at binaling ko muli ang aking tingin sa bintana.

Umikot muli si Melai sa akin upang kausapin ako. "Nga pala naalala mo ba si Rachel? 'yong secretary natin?"

Napataas ako ng noo panandalian habang prinoproseso ko ang kanyang sinabi. "Oo bakit? May balita ka sa kanya?"

"Umuwi siya ngayon galing States for this reunion and actually siya nga ang naghandle ng program natin," kwento ni Melai.

"I've heard na kakadivorce lang niya from her husband," dagdag naman ni Rafael habang patuloy na nakatuon ang kanyang mata sa harapan.

"Eto friend, si Wenna. Do you remember?" tanong naman ulit ni Melai sa akin.

Napatango ako sa kanya. Si Wenna ang seatmate ko na kung hindi dahil sa kanya hindi maayos ang kaso namin ni Samantha kay Romer. It was because of her video that laid the truth of what happened that day with Romer.

"Oo naman." Ngumiti ako kay Melai.

"Did you know that she became a journalist na din pala because of the incident that happened with Romer. Nakita ko siya last time sa restaurant, and nakwento niya na malaking impact sa kanyang buhay ng masaksi niya ang insidente niyo noon kay Romer....To think what happened at that time was traumatizing at eto pa ang nag-udyok sa kanya to become a journalist," hangang-hangang kwento ni Melai.

Natuwa ako sa kanyang sinabi. "I'm proud of her. Pupunta ba siya ngayon?" tanong ko kay Melai.

Umiling ito sa akin. "I'm not sure, maybe? Oo nga noh! Hindi ko natanong sa kanya last time." Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha nang mapagtanto niya ito.

Nag-usap lang kami buong biyahe at nagbalik-tanaw noong mga nakaraang nangyari sa amin nang highschool. Nakakatuwa rin pa lang balikan ang mga ito lalo't na ilang taon na rin ang nakalipas simula ng huli-huli kaming nagsama ng aking mga kaklase. Ang mga panahon na musmos pa lang kami sa kaisipan na tanging iniisip lang namin ay ang pagkakaibigan, pag-aaral at munting pag-ibig. Napangiti na lang ako sa bintana nang maalala ko ang mga sunod-sunod na imaheng bumubuklat sa aking memorya na tila isang maganda at nakakabalisang alaala ng nakaraan.

Mga ilang oras din ang nakalipas, nakarating na rin kami sa aming paroroonan. Pumara si Rafael sa bakanteng parking lot ng aming paaralan. Natatanaw ko naman sa bintana ang mga dati kong kaklase na palabas sa kanilang mga sasakyan at papunta sa event hall ng reunion. Nang makapagsettle down kaming tatlo, bumaba na rin kami sa kotse at tinahak ang daan papunta ng even space. Napamasid ako sa paligid at mapangiti ng muling bumalik sa akin ang nakakabalisang amoy ng sariwang hangin ng aming school.

Sa aming paglalakad, napansin ko ang mga pamilyar na mukha ng aking mga kaklase. Ang iba sa kanila ay malaking pagbabago, habang ang iba naman sa kanila ay wala pa ring pagbabago, tila mukha pa rin silang mga bata na hindi tumanda. Napansin ko rin ang ilan sa mga kaklase at kabatchmate na kilala ko sa mukha ngunit hindi ko na matandaan ang kanilang pangalan. May mga iba na iba na ang kanilang pananamit, mayroon naman iba na mukhang nasasabik sa gaganapin na reunion.

Nang makapasok kami sa loob ng event space, napansin ko na ang mga kumpol-kumpol na grupong nag-uusap. Binati naman kaagad kami ni Rachel, ang handler ng event na ito at kaagad naman kaming inalalayan sa mga bakanteng upuan na nakapaligid sa event hall. Malaki at malawak ang lugar ng event hall ng amin school. May mga kolorete at palamuti na nakasukbit sa paligid nito at isang malaking banner na nakalagay na 'Class of 2008 10th year Reunion' na nakasabit sa plataporma ng silid.

"Mukhang pinaghandaan nila ang reunion na ito ah," ani ko.

Tumango lang sa akin si Melai na napahawak sa kanyang malaking tiyan. "I know, right."

"Babe, punta lang ako do'n sa kanila." Turo ni Rafael sa grupo ng kanyang mga kaibigan na nasa bandang kanan lang namin.

"Sure. Dito muna ako." Inunat niya ang kanyang baywang at umupo ng dahan-dahan.

Napakunot si Rafael ng noo nang makita niya ang inindang na sakit ni Melai. "Are you okay, masakit ba?" tanong nito nang hinaplos niya ang kanyang bahay-bata.

Ngumiti ito sa kanyang asawa at hinaplos ng marahan ang kanyang kamay nasa kanyang tiyan. "Okay lang ako. Sige na puntahan mo na mga kaibigan mo do'n. Atsaka naandito naman si Elena."

Tumango si Rafael at lumingon sa akin na tila nagbabanta. "Tell me if something happened, okay?"

"Yeah, don't worry about it," tiniyak ko sa kanya sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ni Melai. Lumingon ako kay Melai "Mels, dapat hindi ka na pumunta sa lagay mo. Dapat nagpahinga ka na lang sa bahay," alalang-alala kong sinabi.

"Ano ka ba! Okay lang ako. Nakaramdam lang ako ng kaonting kirot sa aking balakang. Mukhang gusto na yatang lumabas ng batang 'to sa sinapupunan ko," nagbiro pa ito.

Ngumisi lang ako sa kanya. "Ikaw talaga."

Inilapag ko ang aking bag sa lamesa at napatingin sa paligid. Marami ang bumati at marami rin sa mga kaklase kong ang nangamusta sa amin. Kasama na rito sila Rachel, Christina, Anthony at mga iba pa namin na ka-section na ngayon ko lang nakita simula noong graduation.

"Psst, bes oh..." Turo sa akin ni Melai sa bandang kaliwa kung nasaan sila Rafael.

"Si Dante oh," dagdag nito sa akin.

Napalingon ako rito at natanaw ko ang bisig ng katawan ni Dante sa malayo. As usual, nakausot siya ng suit at tie na lagi niyang suot kapag pumapasok sa opisina. Maayos at mahapid ang ayos ng kanyang buhok na naka-pompadour. At as usual ulit, he's looks could kill. Nariyan pa rin ang kanyang mukha na pilyo, stoic and compose-- ang mukha ng isang propesyonal na abogado. Nang mapatitig ako sa kanyang nakakahalinang mukha, nadama ko ang biglang pag-init ng aking pisngi.

Bigla naman akong siniko ni Melai. "Hay nako bes, kulang na lang bes lapitan mo siya sa mga titig mo," biro nito sa akin.

Tila bumalik ako sa aking diwa sa kanyang sinabi. Hindi ako nakasagot kay Melai at napalunok na lamang. Binaling ko muli ang tingin ko kay Dante, pabalik sa harapan ng entablado. Alam ko naman na kahit nagkaayos na kami ni Dante at nagkaintindihan nariyan pa rin ang munting pagkagusto ko sa kanya na hindi na mawawala.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas, nagsimula na rin ang program ng aming reunion. Bumalik si Rafael sa kanyang upuan, habang katabi ko naman si Anthony sa kabilang banda kasabay ang iba pa namin na mga kaklase. Nasa kabilang table naman si Dante kasama sina Carlos, at iba pang parte ng soccer team. Nagpakita sila ng video at mga litrato na nagbabalik-alala sa panahon namin noong highschool. Nagkaroon ng mga recognition at iba pang entertainment na kasama sa programa. Hindi rin nagtagal, nang pumatak na ang alasiyete nagsimula nang magkainan ang lahat.

Maayos ang programa nito at masasabi ko na maganda at malinis ang paghanda rito nila Rachel. Mayroon silang mga caterers na inihanda para sa kainan. Kinalaunan rin, sa huli ng programa ay nagsama-sama ang buong batch namin upang makipagkamustahan. Natanaw ko naman si Melai na kausap niya ang dati niyang mga bandmates noong sa highschool.

Napamasid ako sa tanaw at nakita kong papalapit sa akin si Wenna. Tila malaki ang pagbabago sa kanya noong huli ko siyang nakita. Mahaba na ang kanyang buhok at balinkinita ang kanyang katawan. Ang kanyang dating bilugan na mukha ay lumiit at naging pahaba.

"Elena!" tawag niya sa akin.

"Wenna!" ani ko naman sa kanya.

Dali-dali kaming nagyakapan ng lumapit ang distansya naming dalawa. Mga ilang segundo din ang nakalipas, kumalas ako sa kanyang mahigpit na yakap. "Kamusta na! Balita ko nagkita kayo ni Melai ah!" sambit ko.

"Oo, last week! Nagkita kami sa Chico's restaurant. Sa restaurant ng asawa ko," masayang saad nito sa akin.

"Ah kaya pala. Balita ko rin na journalist ka na ah," wika ko.

Tumango siya sa akin. "Oo... kung alam mo lang kung gaano kalaking impact sa akin noong insidente kay Romer. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na muling mangyayari iyon ulit. Kaya eto naging journalist ako. Nagtratrabaho ako ngayon sa PHILNews as a newscontent writer," Kwento nito sa akin. "Ikaw? where are you working right now?"

Nang may dumating na waiter sa amin na may dalang wine glass, kaagad namin itong kinuha ni Wenna. "I'm actually working as a senior finance manager sa isang law firm."

"Oh wow, well hindi na ako magtataka, matalino ka talaga noon since highschool," biro nito sa akin.

Napangiti lang ako sa kanya. Kinalaunan, natapos din kaming mag-usap nang biglang tumawag ang kanyang asawa sa phone. Napamasid na lang ako sa akin paligid at napansin ko na abala si Melai kausap ang kanyang mga kaibigan na bandmates. Nang biglang mapalingon ako kay Dante, napatitig ako sa kanyang mga mata nang tumingin ito sa akin. I raised my glass infront of him, and smiled. Binalik naman niya ito ng inikumpas niya ang kanyang wine glass sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong hindi na mababalik kung ano man ang relasyon namin noon. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako na kahit papaano, magkaayos na rin kami ni Dante. Sapat na makita ko siyang masaya kasama ni Casey, at kung iyon man talaga ang tinadhana, tatangapin ko ito ng tapat. Kahit gayunpaman, I know I will cherish the moment I have with him in my heart--at hindi na ito mawawala.

Nang mawala ang tingin nito sa akin, napagdesisyon ko na umalis muna sa event hall, at magmuni-muni sa labas. Tinahak ko ang daan palabas at naglakad-lakad sa ilalim nang madilim at malamig na kalangitan. Napayakap ako sa aking braso nang maramdaman ko ang malamig na ihip na hangin umiikot sa akin.

Sa aking paglalakad, napangiti ako ng matagpuan ko muli ang tagpuan namin ni Dante noong highschool. Ang tinatawag namin na 'The Circle of Tree' kung saan lagi kaming tumatambay at kumakain rito. Umikot ako sa pabilog na struktura nito habang tumugaygay ang aking mga daliri sa konkretong upuan nito. Umupo ako rito habang nakatingala sa kumikintab na bituin sa kalawakan.

Sandali kong pinikit ang aking mata at sininghap ang sariwang simoy ng hangin. Dinilat ko ito muli at napatingin sa kwintas na nakapalibot sa aking leeg nang biglang bumalik sa akin ang mga alaalang kasama ko siya. Hinawakan ko ito nang mahigpit kasama ng mga alalang nakakabit dito.

Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng pagkakataon makita siya muli. Sa tagal ng panahon na lumipas, marami na ang nangyari at marami na rin ang nagbago. Sa pagkakataon na ito, napapatanong ako sa aking sarili kung naalala pa ba niya ang mga panahon na magkasama kaming dalawa.

Ang mga alaala na kasama ko siya.

Napangiti ako sa pananabik habang pinagmamasdan ang nakaukit na pangalan sa aking kwintas. Ang kwintas na ibinigay niyo noong huli naming pagkikita sampung taon na nakalipas. Natawa na lang ako bigla nang mapagtanto ko kung gaano mapaglaro ang tadhana at nagkasama muli kami ni Dante. Siguro ito na rin ang panahon upang magkaroon rin nang closure ang aming relasyon na nasira ng panahon.

Bigla akong napalingon sa paligid nang marinig ko ang mga mahinahon na yapak. Dumungaw ako sa tunog nang yabag at napatingin ako sa lalaking naglalakad papunta sa aking kinauupuan.

Si Dante.

Anong ginagawa niya dito? Sinundan ba niya ako?

Nang papalapit na siya sa akin, ngumiti ako ng bahagya habang pinagmamasdan siyang papunta sa aking inuupuan. Sinagot niya ang aking mga ngiti ng kanyang malungkot na mga mata. Marahan siyang umupo sa tabi ko at napabuntong-hininga.

Nang aking madama ang kanyang presensya, binaling ko ang aking tingin sa kanya at napahinga ng malalim. Hindi siya umimik sa kanyang pag-upo. Tanging ang mga ugong ng hangin ang umaalingaw-ngaw sa paligid.

Naramdaman ko ang paglamig ng paligid sa pagkumpas ng sariwang hangin. Tila'y unti-unting bumalot ng kadiliman ang langit at tanging mga kumikintab na ilaw sa puno ang nagbigay liwanag sa taimtim na gabi.

"Elena..." Ito lamang ang mga katagang lumabas sa kanyang mga bibig.

Napatingin ako sa kanya. "Dante."

"Ayaw mo ba sa loob? Bakit ka naandito sa labas?" tanong niya sakin na tila may pagtataka.

Huminga ako ng malalim at ninamnam nang simoy ng hangin. "Wala lang, nagpapahangin lang ako. Maingay din kasi sa loob," saad ko.

Napangiti siya sa akin. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mas gusto mo pa rin na tahimik." Napatitig siya sa akin ng malalim na tila may hinahanap.

"Tsss. Napangiti ako. Lumingon ako at sumagot nang pabiro, "Ikaw, ang laki ng pinagbago mo. Noong unang nakita kita sa office, ibang-iba ka na. "

Napataas siya ng kilay, at binaling ang tingin sa kawalan. "Talaga? Parang hindi naman."

Tumungo ako at sumagot sa kanya na tila may lungkot sa aking boses. "Oo, hindi na ikaw ang Dante na nakilala ko." Hindi na ikaw ang Dante na minahal ko...

"Ako pa rin naman si Dante. I just think a lot had happened on the past that made me this way," paliwanag niya. Tinukod niya ang kamay sa sementong upuan.

Oo, your past na wala ako. Napangiti ako sa kanya ng bahagya.

"People change and it is bound to happen naman talaga," dagdag ko. Napatitig ako sa kanyang mga malalim na mala-kapeng mata.

"Nah, I don't think so. People don't change, they just realize something that is worth changing," sagot niya sa akin.

"See you've changed! May ganyan ka na ngayon na nalalaman," pabiro kong sinabi.

"Deep ba?" Napatawa siya.

Ngumiti ako."Oo." Napakagat ako sa aking labi.

Hindi kami nagsalita pagtapos yaon. Wari'y napatitig kami sa kabilugan ng buwan at sa mga tala na kumikislap. Naramdaman ko ang paglapit ng kanyang kamay sa akin. Unti-unti niyang inabot ito at hinawakan niya ng marahan.

"Namiss kita...Elena," saad niya. Batid sa kanyang mga mukha ang pangungulila.

Naramdaman ko ang pag-agos ng aking mga luha.

Mahigpit kong hinawakan ng kanyang kamay at sumagot, "Ako rin, Dante."

Kung alam mo lang kung gaano ka-sobra...

Binitawan ko rin ang kanyang kamay nang mapagtanto ko na iba na ngayon--hindi na kami tulad dati noong mga kabataan pa kami. Mayroon na siyang Casey at ikakasal na siya. Napatitig ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Pero iba na ngayon, Dante. We are two different people right now."

Napakunot siya sa aking sinabi. "You're right. Iba na nga ngayon. Hindi tulad ng dati noong mga bata pa tayo," sumang-ayon naman ito sa akin. Nilapag niya ang kanyang kamay sa konkretong upuan at tinukod ito habang nakatingala sa mapanglaw na alapaap.

"It's crazy right? How fate played us?" Napangisi lang ako.

"Akalain mo na magkikita pa tayo ulit after all those years." I painstakingly chortled.

Narinig ko ang kanyang munting pag-uyam. "I never thought I will see you again, to be honest."

Hinawakan ko ang aking kwintas na laging suot. "Ako rin naman Dante." Lumingon ako sa kanya at muling nagtagpo ang aming mga mata. "Pero siguro kaya nagkita muli tayo dahil kailangan din natin ng closure. To formally end what we have, right?" Masakit man itong isipin pero ito ang totoo.

Hindi siya sumagot sa akin. Tanging nakatingin lang siya sa akin at sa kwintas na nasa leeg ko. Inabot niya ito ng kanyang kamay at hinaplos ng kanyang hinlalaki.

"You still wear this?" tanong nito na tila may bumabara sa kanyang lalamunan.

Napayuko ako at napatitig sa kanyang paghaplos ng aking kwintas. Ang kwintas na kanyang binigay sa akin.

"Yeah I guess nakasanayan ko nang suotin ito," excuse ko sa kanya kahit alam ko naman ang totoo kung bakit hindi ko ito matanggal-tanggal.

Binitawan niya ito. Binalik niya ang kanyang pagtingin sa akin. Napaigting ang kanyang panga at napabuntong-hininga ng malalim. "Did you know na bumalik ako rito sa Pilipinas eight years ago?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam na umuwi pala siya rito sa Pilipinas. Hindi ako nakapagsalit at hinintay ko siyang magsalita.

Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa madalim na tanawin sa aming harapan. "Umuwi ako rito. I wanted to surprise you at that time, Elena. Sobrang saya ko nang makauwi ako kahit hindi ako pinayagan ni mama. But then, I already made a decision. Iniwan ko ang opportunity na meron ako roon para makabalik lamang dito--makabalik lang sa iyo at sa pangakong binitawan ko."

Lumingon siya sa akin at nagsimulang magtagpo ang aming mga mata. "I wanted to go back here because of you," he then scoffed. Nakita ko sa kanyang mga mata ang kirot na matagal na niyang tinatago. "But it didn't go well. It didn't go as what I have come to expect, Elena." At mapait siyang ngumiti sa akin.

Napakunot ako sa kanyang sinabi. Tila ang sinarado ko nang nararamdaman sa kanya ay bumalik ng isang iglap. Nadama ko ang hapdi sa aking puso ng masabi niya ito. Bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi ko alam? Kung sinabi lang niya ito sa akin edi sana...

Edi sana...

"Why didn't you tell me Dante? Matagal akong naghintay sa iyo. Patuloy akong nagsusulat sa iyo kahit wala naman akong nakukuhang mga liham. Para akong tangang pabalik-balik kay Mrs. Ramos, nagtatanong kung nakatanggap sila ng liham mula sa iyo. Pero wala Dante. Wala akong natanggap. Ngunit kahit gano'n inisip ko na lang na baka busy ka, kaya patuloy akong naghintay sa iyo, Dante." Napatigil ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Tila bumuhos lahat ng emosyon at galit na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

Bago pa man tuluyan na hindi maging maganda ang usapan na ito, nagpasya akong tumayo sa aking kinauupuan. "You know what wala rin naman patutunguhan ang pag-uusap na ito, Dante. Ayokong masira muli ang natitirang pagkakaibigan na meron tayo ngayon."

Ngunit bago ko maiyapak ang aking paa, hinila niya ang aking braso at tumayo sa aking harapan. "Wala akong natanggap na sulat sa iyo Elena, that is also the reason why umuwi ako eight years ago. I wanted to know what happened. I thought may nangyari lang. But then I never thought na pagpunta ko ro'n sa bahay niyo 'yon ang madadatnan ko!" giit niya.

" It broke me Elena! I gave up that time for you at nabalewala lang iyon lahat!"

"What?" Kumunot ang aking noo. "Hindi kita nakita Dante! Oo bumalik ka nga rito pero hindi ka naman nagpakita! Sa tingin mo paano ako maniniwala sa iyo?" Humalukipkip ako. "You broke your promise. Kahit alam ko sa dulo ng aking isipan na wasak na ang pangako mo sa akin, umasa pa rin ako, Dante dahil gano'n ka kaimportante sa buhay ko!"

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking balikat. "It was not me, Elena. Hindi ako ang hindi tumupad. Ikaw! You were the one who first broke the promise."

Kinalas ko ang hawak niya sa aking braso at dinuro-duro ko siya. "Ako? Sino ba sa atin ang unang hindi nagparamdam. Sino ba ang una sa'tin na nangako pero hindi tinupad? Sino ba sa atin na patuloy na nangangako pero laging iniiwan ako sa ere? Diba Dante, ikaw naman ang unang hindi tumupad ng lahat na iyon! Kaya huwag mong sabihin na ako, Dante!" Napatigil ako ng sandali. Binaba ko ang aking kamay at kinuyom ito.

Tumingala ako at tumingin sa kanya. Nang magtagpo ang aming mata, naramdaman ko ang pagbuo ng aking mga luha. "I gave you a second chance Dante, pero binigo mo ako ulit noong nagdesisyon ka na mas piliin siya kaysa sa akin. Natanggap ko na iyon Dante. I tried to move on, pero hindi pa rin maalis sa puso ko na masakit pa rin. Ang sakit--sakit pa rin, Dante! Ikaw ang unang bumasag ng ating pangako. Hindi ako." Pumatak ang aking mga luha ng sabay-sabay. Kaagad ko naman itong pinunasan ng aking kamay.

Napansin ko ang paghapit ng kanyang panga. "Eh sino yung kayakap mo noong panahon na bumisita ako sa bahay niyo Elena. I saw you hugging someone, Elena and it broke me. Bibisita sana ako sa inyo pero noong nakita kitang may kayakap na iba, hindi ko na tinuloy. Then with that I realize na baka nakalimutan mo na ako, that maybe my mom was right. The reason why you were not able to write letters was because you have already move on with someone else..."

Napakunot ako ng noo muli sa kanyang sinabi. "Who are you talking about? Wala naman akong ibang lalaki sa buhay ko Dante! " Sinuntok ko siya sa kanyang dibdib. "...Dahil ikaw lang, gago ka!"

Nagkibit siya ng balikat. "I don't know, Elena kung sino man iyon. But he was the reason why I didn't attempt to go back again. It was the reason why I tried to forget you."

"Dante, it was eight years ago. Hindi ko na alam kung sino man 'yang lalaking sinasabi mo. I don't know maybe it was someone I know or a friend, pero ayon lang iyon Dante!" angil ko.

Tumahimik bigla ang kapaligiran. Napayuko ako at napatitig sa sahig, habang siya naman ay patuloy na nakatingin sa akin. Sa sandaling iyon, walang nagsalita sa amin. Tanging ang ugong lang ng hangin ang patuloy na pumapalibot sa amin.

Narinig ko ang kanyang pagtikhim. Unti-unti siyang lumapit sa akin at dahan-dahan na hinawakan ang aking kamay. Napatingala ako sa kanya at napansin ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Ang mukha niya na madilim noon ay napalitan ng maaliwas na aura.

"So wala, Elena. Walang ibang lalaki?"

Kinagat ko ang aking labi. "Wala naman iba, Dante. Kahit pilit ko man kalimutan ka Dante, ikaw pa rin ang nilalaman nito." Dinuro ko ang aking dibdib.

"Ikaw lang. Tanging ikaw lang. Hanggang ngayon," mahinahon kong tugon. Napayuko at napakagat sa aking labi ng mpagtanto ko ang akin sinabi.

Tumingala siya panandalian at huminga ng malalim. Pagkatapos nito, mga ilang sandali lang, kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit. "I'm sorry. I'm fucking sorry! I was so dumb to assume. I should have gone and went at that time. I should have come to you when you needed me the most. Fuck, I'm so sorry, luv," bulong nito na tila humihingi ng kumpisal.

Tila kumirot ang aking puso sa kanyang sinabi. Animo'y lahat ng inis, galit at tanong sa aking puso ay napawi nang parang bula. Ngayon, alam ko na ang katotohan, wari'y lumuwag ang aking pakiramdam na matagal nang kumakandado sa aking puso. Ngumiti ako ng marahan sa kanya. "Shush. Wala na iyon, Dante. Its okay. Ang importante ay ang ngayon. Atleast, alam ko na ngayon na hindi mo ako tuluyan na iniwan," tiniyak ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at sinapo ang aking pisngi. Inangat niya ang aking ulo sa kanya at ngumisi na tila may tagumpay sa kanyang mga ngiti. Inilapat niya nang marahan ang kanyang noo sa akin at inihabi ang daliri ng aming mga kamay. "I never forgot you Elena. I never did, kahit ilang taon man ang lumipas alam ko na ikaw pa rin dito..." Kinuha niya ang aking kamay at inilapat sa kanyang dibdib. "Sa aking puso."

Malamyos na ngumiti ito sa akin. "I will always love you," aniya sabay paglapit ng kanyang labi sa akin.

Marahan niya akong hinalikan tulad nang kung paano niya ako unang hinalikan noong mga bata pa kami. Inurong niya ako sa kanyang mainit na bisig at diniin ang kanyang labi sa akin. Lumibot ang kanyang kamay sa aking likuran na tila nagpagising sa aking buong kaibutan.

Humalili siya sa aking tainga. Naramdaman ko ang paghaplos ng tungki ng kanyang ilong rito nang bumulong siya ng mahina sa akin tainga.

"I love you so much, Elena," saad niya sa pagitan nang aming mapupusok na paghahalikan.

Kumurba sa saya ang aking labi sa kanyang sinabi. Inikot ko ang aking braso sa kanyang batok. Nang magkalapit ang aming mukha, pinalalim ko ang aking labi sa kanya.

"I love you too, Dante. I will, as always."

Hinaplos ko ang kanyang pisngi at ngumiti ng matamis sa kanya. Nadama ko ang pagtulo ng aking luha nang tumibok sa saya ang aking puso. Kinuha niya muli ang aking kamay at hinagod ng kanyang labi ang mga aking daliri.

"Please tell me this time to don't let you go, luv. Just right now at this moment, I want to be with you," hiling nito sa akin.

Kinuha ko ang kanyang kamay at inilagay sa aking pisngi. Ngumiti ako sa kanya at sinagot ang kanyang munting hiling, "Then take me home Dante. Take me with you..."

************************