Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 33 - Chapter 30: Elena & Dante

Chapter 33 - Chapter 30: Elena & Dante

Elena

Napatitig na laman ako sa mahigpit na yakap na ipinuna ni Casey kay Dante. Lumingon si Dante sa akin at napansin ko kaagad ang pagkabahala sa kanyang mukha. Hindi man niya ito masabi alam kong nag-aalala siya para sa akin, kung kaya't napatango na lamang ako sa kanya at napangiti nang bahagya.

"I miss you, babe," ani Casey. Niyapos niya ang pisngi ni Dante at hinagkan ito sa labi na nagpagulat naman sa kay Dante.

Kinuha ni Dante ang kanyang kamay at inipit niya ito sa kanyang mga palad. "Why are you here? I thought you'll be in Cebu today?" tanong niya na hanggang ngayon bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Yeah, but then nag-usap na kami ng maayos ng client ko through phone. We decided that instead of me going there, he'll be meeting me here in Manila na lang. So yeah, naisip ko na bisitihan kita today since it's your last day here," binigyan niya si Dante ng matamis na ngiti habang nakahawak ang kanyang braso sa kanyang baywang. "Don't you miss me too, babe?" saad niya kay Dante at napahilig sa kanyang katawan.

Pilit na ngumiti si Dante kay Casey. "Of course, Casey," wika nito sa kanya. Kinalas niya ang braso ni Casey na nakapalupot sa kanyang baywang. "Let's talk inside my room for a bit, yeah?" tanong niya.

Napakunot si Casey ng kanyang noo. "Something's wrong, babe?"

Napansin ko ang paglunok ni Dante. Hindi niya ito sinagot at dinala na lang niya sa kanyang kwarto. Mas lalo naman nadama ko ang pag-ulos ng sakit sa aking puso nang makita ko silang magkasamang magkahawak ang kamay habang papunta sa kwarto ni Dante.

Napakagat na lamang ako ng labi habang pilit na iniindang ang sakit na aking nararamdaman. Bigla ko naman nadama ang haplos ni Marissa sa aking likod. "Ma'am Elena okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Lumingon ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "Oo, naman."Napalunok ako sa aking sinabi.

"Wag ka mag-alala mas maganda pa rin naman ho kayo do'n sa girlfriend ni sir. Mas boto pa rin ako sa inyo," pabiro niyang sinabi.

Napangiti ako sa kanyang sinabi at napatawa. "Ikaw talaga. Girlfriend niya 'yon. Ano ka ba."

"Totoo naman Ma'am Elena. Wala pa iyon sa kalingkingan ng kagandahan niyo," sagot niya muli na mas lalong nagpahagikgik sa akin. "Nasa paa lang siya ng beauty mo madam kaya wag kang malungkot," dagdag niyang sinabi.

Pero mas mahal niya siya. "Ay nako Marissa kung ano-ano ang pinagsasabi mo." Napatapik na lang ako sa kanyang braso habang nakasukbit ang satchel bag sa akin kaliwang balikat. "Mauna na muna ako ah," sabi ko ko sa kanya.

"Sige ma'am!" sambit nito sa akin.

Ngunit bako pa man ako makalakad narinig ko ulit ang kanyang boses at yapak na papunta sa akin. "Ay wait lang ma'am Elena. Mamaya po ulit ng hapon meron po tayong pagsasalo muli para po sa inyong dalawa ni attorney."

Tumango ako at ngumit sa kanya. "Sige pupunta ako," sagot ko rito bago ako umalis pabalik ng aking kwarto.

Nang makarating ako sa aking kwarto, napatingin ako sa katabi nito kung saan namamalagi si Dante. Napahigpit ako ng hawak sa aking kamay nang maalala ko na kasama niya riyan si Casey. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan niya, pero kinakabahan ako sa magiging resulta nito. Ayokong pilitin si Dante na makipaghiwalay kay Casey dahil alam ko ang masasaktan siya rito.

Alam ko na mali itong ginagawa ko na hindi dapat ako makipagrelasyon sa isang taong may relasyon niya. Bagama't gayon ito, sinasabi ng puso ko na tama itong nararamdaman ko dahil ito ang nararapat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung susundin ko ba ang sinasabi ng utak ko o nang puso ko. Ngunit isa lang ang sigurado ako, kung ano may ang namamagitan sa amin ni Dante ngayon, alam ko na hanggang dito na lamang ito lalo't na kapag bumalik na kami ng Manila.

Pumasok ako sa loob ng aking kwarto at dali-daling bumagsak sa aking kama. Pinikit ko ang aking mata at binalot na nang tuluyan ito ng kadiliman hangga't sa nakaidlip na ako.

**********************

Bago ako pumasok sa loob ng kubo, humingi muna ako ng malalim. Panigurado na kasama ni Dante si Casey ngayon rito. Dahan-dahan akong naglakad sa mabatong daanan habang napasulyap sa bukas na bintana nito. Napansin ko ang masayang pagsasalo nila, ang kanilang mga hiyaw at mga tawanan. Sigurado ako na nasabi ni Mang Ernesto ang patungkol sa naging resulta ng kaso.

Nang pagpasok ko sa loob, napansin ko na nakatitig sila sa aking lahat. Kaagad na kinuha ni Marissa ang aking kamay at hinila niya ako sa bakanteng upuan na katabi niya. Napalingon ako sa aking harapan at sa sobrang kaswertehan ko, bumungad sa akin ang mukha ni Dante at ni Casey na magkatabi habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Napatango na lamang ako nang mapagtanto ko ito bilang isang senyales na nakapagdesisyon na si Dante, at ito ay piliin niya ang relasyon ni Casey. Alam ko naman ito sa simula't sapul, subalit hindi lamang matanggap ito ng puso ko.

Binaling ko ang tingin ko pabalik kay Marissa. "Kanina pa ba kayo naandito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman po, kakasimula rin po namin. Siguro mga ilang minuto lang po ang nakalipas nang magsimula kami," mahinang sagot niya habang patuloy na nakikinig sa pahayag ni Mang Ernesto.

Binalik ko ang tingin ko ay Mang Ernesto na nakatayo habang nakalahad ang kanyang kamay na may hawak na baso. "Gusto ko lang magpasalamat kay Attorney Gillesania at kay Ma'am Elena sa kanilang walang pag-aatubiling pagtulong sa atin upang mapabuti ang kaso. Attorney, sobrang laki ho nang utang namin sa inyo upang mapabuti ang kalidad ng aming mga trabaho. Para ho sa inyo itong munting pagsasalo bilang pasasalamat sa mabuti ninyong nagawa sa amin lahat," mahabang pahayag ni Mang Ernesto.

"Walang ano man ho iyon, Mang Ernesto. I just did what I have to do." sagot ni Dante. Iminuwestra niya ang kanyang beer at kinalatong niya ito sa hawak na baso ni Mang Ernesto.

"Maraming Salamat ho attorney at Ma'am Elena. Malaking tulong ho itong pag-aareglo na ito sa aming mga trabaho," dagdag naman ni Aling Pacing.

"Oo nga attorney, hindi ka lang gwapo, mabait ka pa!" Sambit na pabirong sinabi ni Marissa.

"Ayan ka nanaman Marissa, nilalandi mo nanaman si boss. Kitang-kita naman na kasama niya ngayon ang magandang niyang girlfriend," sambit ni Tonio na nasa kabilang dako ng upuan

Natawa ang lahat sa kanilang pagtatalo.

Hindi nakapagsalita si Marissa, tanging inirapan niya lang si Tonio at napasukbit ang kamay sa akin.

"It's okay. Gwapo naman po talaga itong boyfriend ko," dagdag ni Casey na may ngiti sa kangang mga labi. Nagtagpo ang kanilang mga mata nang hinaplos ng marahan ni Casey ang pisngi ni Dante. Napatingin lamang ito sa kanya at pilit na ngumiti.

"Ayieeee!" Sabay-sabay na kinilig ang mga tao sa kanyang akto.

"Ang sweet niyo naman po," aniya ng babaeng katabi ko.

Napalingon ako sa kanya at bahagyang napangiti. Bagama't nagkakasiyahan ang lahat, hindi pa rin maalis sa aking puso ang pagkabahala. Masakit man isipin ngunit eto ang katotohanan aking hinaharap--ang tanggapin na hangga't dito na lang kami.

"Alam ko ma'am nasasaktan ka, pero magpakatatag po kayo Ma'am Elena. Boyfriend pa lang naman po hindi asawa," bulong ni Marissa sa akin.

Nangisi ako sa kanyang sinabi. "Thanks. Don't worry, Marissa. Okay lang ako." Kahit ang totoo, alam ko na hindi ako okay. Tinapik ko ang kanyang kamay at marahan itong hinaplos.

"O siya, pagsaluhan na natin itong munting pagkain na inihanda namin para sa inyo, Ma'am Elena ang Attorney Gillesania. Sana ho ay magustuhan ninyo," aning Aling Pacing habang iwinawasiwas ng kanyang kamay ang mga langaw na dumadayo sa mga pagkain.

"Hala siya at magsikain na tayo bago pa masilamigan itong mga pagkain," dagdag niyang sinabi.

"Nay, mag-uuwi po ako ng mga niluto ninyo ah!" mabilis na saad ni Marissa.

"Oo naman. Eh, do'n ka na nga kumakain sa amin. Ikaw talagang bata ka," aniya sabay ibinigay ang plato kay Anya.

"Thank you, Nay! Lab you!" Wiling-wiling saad ni Marissa.

Napangiti ako kaagad sa kanya nang lumingon siya sa akin. "Kamusta ka na, Anya?" Tanong ko saka tumabi ako malapit sa kanyang kinauupuan.

"Okay naman po ate." Niyakap niya ako ng mahigpit. Bumitaw rin siya kinalaunan nang humarap siya sa akin ng maayos. "Nga pala po, hindi pa po ako nakakapagpasalamat sa inyo sa pagtulong sa akin noong araw na iyon. Thank you po, ate. Kung hindi po sa inyo hindi po ako makakatakas sa kanya," aniya.

Ngumiti ako ng marahan sa kanya. "Wala iyon, Anya. I will help whoever needs my help. Kaya kung may problema ka o may gusto kang hingin ng tulong sa akin, wag kang mahihiyang tawagan ako o tanungin ako. Okay? Promise 'yan ah."

Gumihit ng pakurba ang kanyang mga labi. "Opo. Maraming salamat po ate." Muling niyakap niya ako ng mahigpit.

Sa pagkakataon na ito, tila nakalimutan ko ang nagpapabagabag ng puso ko na wari'y napalitin ng saya at tuwa. Nang kumalas ako sa kanyang mga yakap, napansin ko na nakatitig sa amin nila Dante. Ngumiti ako sa kanyang at tumango. Napansin ko naman ang pagbalik ng ngiti niya sa akin.

"O sige kain ka na, baka maubusan ka pa. Masarap pa naman ang luto ng nanay mo," wika ko rito.

Ngumiti lang siya sa akin at kumutsara ng kaldereta na nasa lamesa.

"So Elena, how was your stay here?" Nagulat na lang ako nang bigla akong tinanong ni Casey.

Binitawan ko ang aking hawak na kutsara at tinidor at inilapag sa mesa. "Okay naman. It was quite relaxing," saad ko sa kanya.

Tumango-tango lamang siya. "That's good. Buti naman at nagkaayos na kayo ni Dante sa case. Nag-aalala kasi ako na baka hindi kayo magtagal rito dahil hindi nga kayo magkabati," sabi nito sa akin.

"Okay naman, attorney. When it comes to work, I just did the work that was given to me." Lumunok ako at napalingon kay Dante na mukhang nanigas sa kanyang pwesto.

Lumingon siya kay Dante. "That's good," sagot niya sa akin. "At least now, you can focus on the big case right now, right babe?" aniya sabay tingin kay Dante.

Nilunok muna ni Dante ang kanyang kinakain bago napatikhim. "Yeah, right..." mahina niyang sinabi.

Nang muling lumingon siya sa akin, binaling ko ang tingin ko at napayuko na lamang. Ramdam ko pa rin ang mabilis na pintig ng puso ko habang pansin ko ang kanyang patuloy na pagtitig sa akin.

"Dante?" Tanong ulit ni Casey nang mapahawak siya sa hita nito.

Tila bumalik sa kaisipan si Dante, lumingon siya kay Casey at napataas ang kanyang kilay. "Hmmm? Yes?"

"You okay, babe? Parang kanina ka pa wala sa sarili," tanong nito kay Dante habang hinahaplos ang kanyang likuran.

Tumango si Dante at kinuha ang kanyang baso na nasa lamesa. "Yeah, I'm okay, Casey."

"We can go now, if you want to rest," paanyaya niya rito.

"No. Im fine," baghagyang ngumiti si Dante sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at pinisil.

Napakagat na lamang ako sa aking labi ng masulyapan ko ang pagtititg muli ni Dante sa akin. Alam ko na sa ngayon hindi mapalagay ang isip ni Dante sa mga nangyayari. Gusto ko sana siyang lapitan at kamustahin, tanungin man lang ngunit alam kong wala akong karapatan gawin ito lalo't na hindi naman ako ang kanyang nobyo.

Nawalan ako ng ganang kumain kung kaya't tumayo na lamang ako sa upuan at nagpaalam kaagad kay Aling Pacing at kay Mang Ernesto pagkatapos kong kumain. "Una na po ako. Medyo masama po kasi ang pakiramdam po. Maraming salamat po sa selebrasyon na inihanda ninyo po sa amin." Niyakap ko siya at kumalas rin pagkatapos.

Napakunot ng noo si Aling Pacing. "Sigurado ka? Baka gusto mo mag-uwi ng pagkain?"

"Mag-ingat ka pauwi, ma'am at medyo madilim na," dagdag naman ni Mang Ernesto.

Umiling ako kay Aling Pacing. "Wag na ho okay lang po ako. Salamat na lang ho." Lumingon ako kay Mang Ernesto. "Sige po, salamat po ulit."

Tumingin ako kay Marissa bago lumabas ng kubo. "Una na ako ah."

"Ay ma'am saglit lang hindi pa tayo tapos," malungkot na saad nito sa akin.

Napakunot ako ng noo. "Medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh. Kaya mauna na muna ako ha," sagot ko sa kanya.

"Sige ingat po kayo ah..." Tugon nito.

Pababa na sana ako ng kubo ng bila kong narinig naman na may sinabi ni Marissa. "Sir, kung samahan niyo kaya muna si Ma'am Elena po? Baka po kasi mangyari ulit ang nangyari dati," paliwanag niya.

"Bakit what happened last time?" Nabahala naman si Casey.

"Muntik na ho kasi masakatan sila Anya at Ma'am Elena ni Don Abel, buti na lang ho at nakita namin sila," maikling kwento ni Marissa.

Kinaway ko ang aking kamay at umiling. "Wag na. okay lang. Atsaka malapit naman ang kwarto ko rito."

"No. its alright. I insist," malalim na sagot ni Dante.

Hindi ako makapagsalita ng masabi niya iyon. Napatango na lamang ako sa kanila. Lumingon naman ako kay Casey na tila may pagkabahala sa kanyang mukha. Binaling ko muli ang paningin ko at napatitig kay Dante. Napansin ko ang paghapit ng kanyang panga habang papunta sa aking pwesto.

"Ingat kayo ah!" Sabay asar naman ni Marissa na may kasamang kindat.

Napalingon si Casey sa kanya na tila nalilito sa aksyon nito.

Nagpaalam muli ako sa kanila nang muli kong ikinaway ang aking kamay. Pagkatapos nito, lumingon na ako paalis ng kubo at nagpatuloy ng paglalakad sa mabato at mabuhangin na daananan. Nasa likuran ko naman si Dante na patuloy akong sinusundan.

**********************

Dante

"Hindi mo naman akong kailangan samahan," she said while hugging herself tightly along the cold breeze of the night.

I moved my feet in big steps to reach hers. "After what happened the other night, Elena? I don't think so," I hissed as memories from that day began to film like a old movie screen to me.

"I'll be okay, Dante. Don't worry about me at ano ka ba, naiwan do'n mag-isa si Casey," she softly said as I looked at her big bright almond eyes feigning a smile at me.

Alam ko na nagulantang si Elena simula no'n dumating si Casey. It was unexpected even I didn't know she'll be coming here. Just as I was rekindling and fixing my relationship with Elena, Casey come right back to me in an instant making me bewildered as to what I'll do with this. I don't want to end my relationship with Elena. Now that we are back together, I want to fix whatever we have right now.

Fuck, Dante! You gotta fix whatever shit you are having right now.

I noticed how she bit her lips when she's thinking or nervous about something. "You should go back, Dante. Naghihintay na sa iyo si Casey do'n," she added.

She was about to go when I instantly snatched her arms ang hugged her tightly against my chest. "Please don't tell me to end whatever we have right now, luv. I just had you, Elena..."

Kinuha niya ang kamay ko na nasa baywang niya. Mahigpit niya itong hinawakan habang nakatitig sa akin. "Ayoko rin naman Dante na makasakit ng ibang tao. Do what you think is right to do. Maiintidihan ko naman iyon eh. " She painfully smiled. "I'll undestand if siya ang pipiliin mo. I realized kung ano man ang meron sa atin ngayon, siguro eto yung time or chance na binigay sa atin to have closure--to end this right."

Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya ito. Is this her way of saying that she's giving up on me? On us? No, I won't accept that.

I grabbed her palms, interlocking it with her and clenching it into a tight fist infront of us. "Listen, Elena. If you think I'll end this, then nagkakamali ka. So please wag mong sabihin na tapusin natin kung anong meron tayo dahil hindi ko iyon matatanggap. And i'm willing to give up my relationship with her, if it means I'll be having you back in my arms." I leaned towards her forehead, feeling the heat that surrounded our bodies and the coldness that enveloped us.

"You got that, luv?"Assuring her, I said.

"Pero paano ang position mo? Paano ang case na dapat mong ihandle? Ayokong masira ang career na meron ka Dante dahil pinili mo ako. Balang araw, ayokong mangyari na marealize mo na mali ang desisyon na pinili mo," she interjected while her face crunching up in deep sorrow.

"Is that what you're worrying about? My profession? My job?" I heaved a deep sigh. I cupped her cheeks, fully warming the shivering blisters of the surrounding. "You don't have to worry about that luv. I can get a job in another firm. Hindi naman problema iyon."

"But-- I don't want to take that opportunity from you, Dante," She sofly replied in distraught with lines showing across her forehead. "You have a a bright future ahead of you Dante. Ayokong maging pabigat at kung si Casey ang way mo to get that, I'm willing to let go of this, " she then added.

Why are you always so self-sacrificing Elena? I felt a wrench in my heart as soon as I heard her explanations. Ayokong isipin niya na hadlang siya sa mga pangarap ko, because it's I who decide the path that I will take--and I know I want her by my side to be able to do that. "You won't, Okay? Just stay with me while I fix this? Alright?" I promised, damping my freezing lips to her chilling knuckles.

She bit her lips for a while then snaked her arms across my shoulders, pinning me to her so that I can hug her. "Okay. I will." Breaking from our hug, she went towards my face to look at me. "I'll stay," she smiled, cupping her palms to my cheeks.

I felt the tension in my body starting to loosen up as the beauty in front of me shed a light in my darkness, guiding me through the bright flash again. I smiled as I caught her wrist, leaving warmth of heat throughout her skin.

*********************

Employees of the resort huddled around us as we stood in front of them, bidding goodbye. This was our last day here on the resort. Bago kami umalis, nagulantang kami nang makita namin silang lahat na naghihintay sa amin sa labas. Unang lumapit sa amin si Mang Ernesto, ang leader ng union. Ngumiti siya sa akin, tinapik ang aking balikat at kinamayan ng mahigpit.

"Maraming Salamat ho Attorney Gillesania. Wag ho kayong mga-alinlangan na bumalik rito sa resort namin. Malugod namin ho kayong iwewelcome muli," he said while his face shone brightly with happiness.

"Will surely do," I replied, patting his back.

"Thank you so much, Mang Ernesto for you relentless accomodation to Attorney Gillesania and Ms. Elena Payton," Casey added, while her arms hooked across mine.

"Maraming salamat po Mang Ernesto," dagdag ni Elena.

Tumango si mang Ernesto sa kanya at bahagyang ngumiti. "Sa inyo rin po Ma'am Elena. mag-ingat ho kayo pag-uwi."

Lumapit si Elena sa kanila at niyakap ng mahigpit si Marissa, Aling Pacing at si Anya. Lumingon muna siya kay Marissa at sinabing, "Salamat ng marami sa mainit na pagtanggap niyo sa amin."

A small tear fell from Marissa's eyes. Wiping it with her palms, she bittersweetly smiled. "Walang ano man iyon ma'am. Mamamiss ko po kayo."

"Ikaw rin, Mamimiss kita." Elena pulled her arms to her and hugged her tightly.

Kumalas siya sa pagkayap ni Marissa nang marinig niya si Aling Pacing na katabi lamang nito. "Mag-ingat kayo pag-uwi ah," aniya.

She nodded. "Opo. Thank you po Aling Pacing. Mamimiss ko po ang mga luto ninyo." She sweetly smiled.

Aling Pacing patted her shoulders as she brushed her wrinkled hands against the strands of her hair. "Bumalik kayo rito kapag may time kayo. Narito lang kami."

"Opo, pangako ko po iyan. We'll be back." Elena gazed back at me as she softly smiled.

"Ma'am Elena. Ingat ho kayo pag-uwi," singit naman ni Tonio na biglang bumulgta sa kanilang harapan.

Kumaway naman sa akin Tonio at sinenyasan ako. "Boss, maraming salamat ah!"

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti

"Mag-ingat rin kayo rito, Tonio," Elena added.

After that, I noticed Elena walking towards Anya who was just beside Aling Pacing. Alam ko na sa pamamalagi namin rito ng isang linggo, napalapit na si Elena na batang ito. Nang malapit na siya rito, kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.

"Mag-ingat ka ha? If you need any help, naandito lang ako Anya. You have my number. You can text or call me anytime you need help," Elena reminded her.

Anya nodded at her, gripping her shirt tightly while pulling herself together not to cry. "Opo ate. Sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo at nakilala ko po kayo," hikbi nito kay Elena.

Kissing her forehead, Elena replied, "Ako rin Anya. I'm grateful to have met you."

Sinukbit ko ang dokumento sa aking bag at lumapit sa kanilang dalawa. Nagbaka sakali ako na sana makatulong itong dokumento kay Anya lalo't na na wala kami ni Elena sa kanyang tabi. Nang makalapit ako sa kanila, napansin ito ni Elena, kung kaya't kumalas siya sa mahigpit na yakap ni Anya.

She looked me, noticed the documents I have in my hand and softly smiled. She stepped backward, giving me a space for me to talk to Anya. Nang makalapit ako kay Anya, napakunot siya ng noo nang mapansin niya ang pag-abot ko sa kanya ng isang pirasong dokumento.

"Ano po iyan, Attorney?" She asked me as I handed her the document.

I smiled. "Its a restraining order for you to protect you against any harm Don Abel may do to you. Ako na ang nagfile para sa iyo with Marissa as a witness to the injury that he caused to you and your family," I explained.

Napalingon si Anya kay Marissa. Ngumiti si Marissa sa kanya. "Ifinile namin iyan two days ago Anya. Kami na ang nagfile para sa iyo dahil alam namin ang mental at pisikal pinsala ang ginawa sa iyo ng gagong iyon."

I reminded her, "But this is just temporary Anya. If it happens again, Anya wag kang mag-alalalang tawagin ako o si Elena. Okay?"

"Opo." Napansin ko ang paghawak niya nang mahigpit sa dokumento. "Maraming Salamat po Sir Dante." Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Parang nakaramdamn ako ng kirot sa aking puso ng makita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mukha. Dahil kahit papaano, sa maliit na paraan, nakatulong ako sa batang ito.

"Dante na lang. You don't have to call me sir."I chuckled.

Kumalas siya sa mahigpit na pagyakap sa akin. Napansin ko ang paglapit ni Casey sa amin. "Tara na, babe? Baka gabi pa tayo makauwi," paalala nito sa akin.

I shifted my gaze to her and nodded. "Yeah sure." I patted Anya's head, smiling at her softly. "Take care of yourself, kiddo."

Ngumiti Anya sa akin ng malaki. Nakaramdaman ako ng kaonting saya ng masilayan ko ang kanyang inosente at malamyos na mga ngiti na ngayon ko lamang nakita. Napalingon ako kay Elena, at nakita ko sa kanyang mga mata ang munting kasiyahan. Ngumiti ako sa kanya ng bahagya. Gusto ko man siyang hagkan at yakapin muli, hindi ko ito magawa hangga't hindi ko naayos ang relasyon ko kay Casey.

"Halika ka na, Elena?" Tanong ni Casey sa kanya.

Tucking the strands of her hair behind her ear, she replied, "Ah sige po."

Opening the door of the car, Casey asked again, "Let's go, guys?"

Bago kami pumasok sa kotse, kumaway kami ng sandali sa kanila. Mamimisss ko rin ito ang mga panahon na pinamalagi ko rito kasama ang mabubuting tao na ito. Marami rin ang nagyari sa pitong araw na narito kami ni Elena. At sa mga panahon na kasama ko siya, alam kong hindi ko ito makakalimutan.

I went inside the car, ignited the engine and revved the way back to Manila. It was a long trip. But it was hell of an awkward trip.