Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 32 - Chapter 29: Elena

Chapter 32 - Chapter 29: Elena

Nakaupo kami sa buhangin ng dalampasigan habang pinagmamasadan ang paglubog ng sikat ng araw. Sumandig ako sa kanyang balikat at sininghot ang umaalingawngaw na amoy galing sa minted scent niyang polo shirt. Napatitig ako sa ganda ng tanawin at maliwanag na pagdapit ng araw na sumisilay sa aking mata.

Napasinghal ako nang matanaw ko ang daratal ng takip-silim sa brillanteng kampay ng agos ng matiwasay na tubig. Kung isang magandang panaginip man ito lahat, wari'y ayoko nang magising sa katotohanan--ang pagmasadan ang pagdapit-hapon kasama ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo.

Habang nakamasid kami sa haring araw, naramdaman ko ang paghabi ng aming mga daliri. Walang narinig na ano man salita mula sa amin sa mga oras na iyon. Tanging ang ihip ng hangin at ang nakakabighaning tanawin ng dagat ang pumapalibot sa aming katahimikan. Sa pagkakataon na ito, walang ni ano man explanasyon ang makakapagpaliwanag nang saya na aking nararamdaman.

Subalit kahit ganunpaman, nariyan pa rin sa aking isipan na hindi pa rin tama itong nararamdaman ko lalo't na may nobyo si Dante. Napakunot ako nang noo kung kaya't hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya. Natatakot man ako at napapaurong ang aking dila sa maari niyang sagot. Gayunpaman, alam ko kailangan kong malaman ito mula sa kanya.

"Dante?" Napalunok ako ng malalim.

Tumingin siya sa akin habang nakadampi ang kanyang labi sa aking buhok. "Ano iyon?"

Kumalas ako sa aking pagsandig sa kanya at hinarap siya nang maayos. "What are we doing, Dante? Ano na ba tayo ngayon?"

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.

Animo'y naintindihan niya ang ibig kong ipahiwatig kung kaya't kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito ng marahan. "I'm sorry at naipit ka pa sa situasyon ko. I will deal with this, Elena. By the time na makauwi tayo pabalik sa Manila, I will break up with her, " explanasyon niya sa akin.

"Pero paano si Casey?" Ani ko sabay haplos sa kanyang pisngi. Ayokong masaktan si Casey dahil sa akin, subalit ayoko rin naman mawala si Dante sa akin, ngayon na kapiling ko na siya.

"She'll understand. She's a rational and intelligent woman. I'm pretty sure she'll understand us. Wag kang mag alala, luv. I'll be handling it." Niyakap niya ako muli nang mahigpit. Tila sa kanyang mga yakap naramdaman ko ang kanyang takot at pagkabahala.

"Okay." Ngumiti ako ng mapait, kahit alam ko na baka ito na lamang ang huli namin pagsasama ni Dante, dahil alam ko pagbalik namin sa Manila, mawawala na ito lahat--ang makasama ko at makapiling siya muli.

Bumitaw ako sa kanyang pagyakap. Kinuha ko ang dalang pagkain na inihanda ko kasama ni Aling Pacing at inilapat sa nakalapag na tela na aming kinauupuan. Napansin ko ang kanyang malamyos na ngiti habang hinahanda ko ang aming pagsasaluhan.

"You cooked this?" Tanong niya sabay napataas ang kanyang kilay.

Tumango ako at ngumiti ng malaki sa kanya. "Yup. Ayaw mo ba?"

"I just never imagine that you'll be cooking for me." Kumuha siya ng tinidor at kumuha ng chicken na nakalagay sa tupper ware.

"Matikman nga itong luto mo." Ngumisi siya sa akin ng pilyo at kinagat ang chicken na nasa kanyang tinidor.

"Wait lang, wala ka pang plato," sambit ko. Ibinigay ko ang plato sa kanya at saka niya ito kinuha at inilapag ang chicken rito. Humilig ako sa kanya at napakagat sa aking labi habang naghihintay ng kanyang sagot. "So??" tinanong ko sa kanya. "How was it?"

"Parang may kulang..." Napanguso siya. Tinukod niya ang kanyang braso sa telang nakalatag ang sa buhangin habang nakahiga ang kanyang mga paa rito.

Napakunot ako ng noo sa kanyang sinabi at napatingin ulit sa lalagyan ng kinuhaan niya ng chicken afritada. "Anong kulang? Kulang ba sa asin, sa lasa?" Tanong ko ulit.

"You wanna try?" Iminuwestra niya ang kanyang kamay habang hawak na tinidor dito.

Bago pa man ako makagat sa kanyang tinidor, humilig siya sa akin at hinagkan ng mabilis ang aking labi. Nalasan ko ang aking chicken afritada na niluto kanina nang idinampi niya ang kanyang labi sa akin. Namula bigla ang aking pisngi nang mapagtanto ko ang kanyang mapaglarong ginawa.

Napahawak ako sa aking labi at napakagat rito.

"There that's better. Mas sumarap ang lasa," aniya sabay dinilaan ang kanyang pang-ibabang labi habang nakangisi ng pilyo sa akin.

Naparolyo na lamang ako ng mata sa kanyang sinabi. "Okay naman eh."

Nagkibit siya ng balikat. "It's much better when I taste it along with you," napatawa siya ng malalim.

"Dante! Baka may makarinig sa iyo!" Ismid ko. Napatawa na lamang ako sa kanyang sinabi. Hahampasin ko na sana siya nang biglang hinatak niya ang aking braso. Napahilig siya ng bahagya sa akin hangga't sa maramdaman ko ang kanyang paghinga nang ilapit niya ang kanyang mukha.

Nagtagpo ang aming mata. Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos no'n na tila'y walang makalabas na salita sa aking bibig. "You don't know how happy I am right now, luv." Hinaplos niya ang aking pisngi at dahan-dahan na hinagod ang kanyang mga daliri sa aking labi.

"Ako rin, Dante. Sobrang saya ko dahil nakasama kita muli." Ngumiti ako sa kanya. Inikot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at inilapat ang aking noo sa kanya. Kinislot ko ang aking ilong sa kanya at marahan na hinagod ito sa tungki ng kanyang ilong.

Hinalikan niya ako muli, ngunit sa pagkakataon na ito ay marahan at mahinahon niya akong hinagkan na tila guguho na ang mundo. Malalim niyang idiniin ang kanyang labi sa akin habang dahan-dahan niya akong inilapag sa mabuhangin sahig. Inilapit ko siya hangga't sa maramdaman ko ang kabuuan ng kanyang katawan na nakapatong sa akin.

"Fuck, luv. You drive me crazy," ungol niya habang dinuyan ang aking mukha sa kanyang mga palad. "I miss your smile...I miss your eyes...I miss everything about you," saad niya sa gitna nang pagtutukam niya sa aking labi

"I miss you too, Dante," saad ko sa kanya habang nakatukod ang aking noo sa kanya. Naramdaman ko ang kiliti sa aking mukha nang idinampi niya muli ang kanyang labi sa aking pisngi. "Teka lang Dante." Tawa ko. "Kumain muna tayo bago lumamig ang pagkain."

"Mamaya na yan." Itinaas-baba niya ang kanyang kilay at ngumisi sa akin. Nadama ko na lamang ang pagbaba ng kanyang kamay sa aking baywang nang inilapit niya ang kanyang sarili sa akin. "Hindi pa ako gutom."

Tinaas ko ang aking kilay. "Sayang naman itong hinanda ko noh," tugon ko sa kanya habang kinarinyo ko ang kanyang braso.

Napabuntong hininga siya. Inalalayan niya akong makaupo ng maayos muli sa aking kinauupuan. Tumayo siya sa kanyang pwesto at umupo sa tabi ko. "Alright, luv. You win," ngumisi siya nang pilyo sa akin.

"Let's eat?" Tanong ko sa kanya habang inihahanda ang kanyang plato. Tumango siya sa akin habang patuloy ang pagmamasid niya habang hinahanda ko ang hapag kainan.

Napatingin ako sa aking mga nilutong pagkain at napatanong muli sa kanya nang mapagtanto ko na hindi ko alam kung ano ang unang kukunin rito.

"Anong gusto mo munang tikman?"Ani ko habang nakatuon ang aking mata sa mga pagkain na nakalapag.

"Ikaw..." Maikli niyang sagot habang nakatitig ang kanyang malalim na mata sa akin.

Bigla akong napatigil at namula sa kanyang sinabi. "Dante! Ano nga?" Pinigilan kong hindi tumawa nang ikinagat ko ang aking pang-ilalalim na labi.

"I'm just joking, luv. Anything. Kahit ano naman diyan kakainin ko basta luto mo," malamyos niyang ngiti sa akin.

"Hmm sige. Eto muna," sagot ko sa kanya sabay sandok sa bulalo kong ginawa.

Nang matapos ko ang pagsalok ng pagkain sa kanyang plato, ibinigay ko ito kaagad sa kanya. "Thanks," aniya sabay kumutsara sa kanyang plato.

Kumuha rin ako nang sa akin at nang matapos ako lumapit ako sa kanyang pwesto at hinagkan siya sa pisngi.

"Thank you for this day, Dante."

Tumingin siya muli sa akin, at panadalian na napatigil. Malamyos niyang hinawakan ang aking kamay nang mahigpit at sinabing, "Always."

************************

Lumipas na ang dalawang araw at wala pa rin kaming nakukuhang responde sa kampo ng Le Torres Co. Isang araw na lang ang mayroon kami ni Dante upang matapos ang kasong ito, at hanggang ngayon hindi pa rin nakakahanap ng agreeable decision si Don Abelardo Torres. Hindi ko alam ang plano ni Dante kung paano niya mapapayag si Don Abel dahil bakas sa kanyang mukha ang walang pag-aalinlangan na tila may plano na siyang naisip.

Pansamantalang hindi ginambala ni Don Abelardo si Anya pagkatapos nang pangyayaring iyon. Naging mas mapanuri at strikto na rin sa pagbabantay ang pamilya ni Anya sa kanya kung kaya't kapag aalis siya, laging mayroon siyang kasama sa kanyang tabi. Mabuti na lamang din ito dahil mas mababantayan nila ng maigi si Anya at nang sa gayon hindi makapuslit si Don Abel sa kanilang paningin.

Marami na rin nakapansin sa mga empleyado ang malapit na relasyon namin ni Dante. Buti na lang ay walang naglakas nang loob na magtanong tungkol sa estado naming dalawa. Dahil kung mamararapatin ako, hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa kanila, lalo't na komplikado ang relasyon namin. Sa ngayon, ipinagpaliban ko muna ito upang ituon ang aking utak sa kaso na haharapin namin ngayon.

Narito kami ngayon sa kwarto, hawak-hawak ang mga papeles para sa kasong ito. Nakasandal ako sa kanyang dibdib, habang nakaikot naman ang kanyang kamay sa aking braso. Nakasalikop ang aming mga kamay habang nakapokus ang aming mata sa mga papeles na nasa aming harapan.

"What are you planning for tomorrow? Wala pa rin silang desisyon? Mukhang patatagalin pa ito ni Don Abelardo at papaabutin pa niya sa korte," saad ko kay Dante na may pag-aalala sa akin mukha.

Binaba niya ang hawak niyang papeles at napatingin sa akin. "Don't worry about it. I will let him sign the agreement. Hindi ko ito papaabutin sa korte," aniya.

Napabalikwas ako sa aking kinasasandalan. "May plano ka na?" Masaya kong tanong sa kanya.

Ngumisi siya at hinawi ang aking buhok sa likod ng aking tenga. "Of course. A lawyer must have his options, para sa huli walang sawi, diba?"

Napaupo ako sa kanyang harapan habang nanabik sa kanyang sinabi. "Ano iyon? I want to know." I pouted.

Naramdaman ko ang sakit sa aking pisngi nang pinisil niya ito. Hinatak niya nang marahan ang aking braso at hinila niya ako papunta sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang kanyang mainit na katawan dahil sa suot niyang manipis na sando. Niyakap niya ako nang mahigpit ng isinandal niya ang kanyang baba sa aking ulo.

"Basta. You'll know it tomorrow. I just have to talk to authorities and meet some people to to be able to do that," aniya.

Itiningala ko ang aking mukha at humarap sa kanya ng maayos. "Okay. Fine. pasurprise-surprise ka pa, malalaman ko rin naman bukas," ngumisi ako sa kanya.

Napahagikgik siya. "Yeah well." Hinagod niya ang aking likuran habang nakadapa ako sa kanya. "Anyway luv, will you be okay staying here while I sort things out later? May kailangan lang akong ayusin at tapusin. Babalik rin naman ako," paliwanag niya sa akin sabay haplos sa aking manipis na tshirt.

Tumango ako sa kanya at napabalikwas. Lumipat muli ako sa kanyang tabi at tinukod ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Yes, don't worry about me. Just do what you have to do, okay?" Tugon ko sa kanya.

"Alright, wag kang aalis ah. Dito ka lang," pabiro niyang babala sa akin sabay kiniliti niya ako sa aking baywang. Napatambad muli ako sa aking pwesto nang maramdama ko ang nakakakuryeteng sensasyon sa aking gilid.

Humaliklik ako. "Oo nga promise. Pupuntahan ko na lang mamaya sila Marissa at kakamustahin na lang siya. Matagal ko rin na hindi sila nakausap."

Tinaas niya ang kanyang kilay. "Are you saying na sawa ka na kasama ako?" tanong niya na may dismaya sa kanyang boses.

"Maybe?" pabiro kong tugon.

"You--minx," daing niya.

Kinuha niya ang aking braso at at hinaltak pababa sa kama. Naramdaman ko ang malabot na punda ng kama nang mapasandig ako rito. Napatitig ako sa kanyang mga mata sa sandaling iyon at napahawak sa kanyang pisngi. Iginuhit niya ang aking labi gamit ng kanyang hinlalaki at marahan na lumapit sa akin.

"You're so beautiful," mahinahon niyang sinabi.

Inikot ko ang aking braso sa kanya. "Ikaw rin..."Napahagikgik ako muli.

Nanliit ang kanyang mga mata at napataas ng kanyang kilay. "Maganda pala ah!" Aniya. Humagod ang kanyang kamay sa aking braso hanggang sa umabot sa akin baywang. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kanyang pagkiliti sa aking katawan.

"Dante! Wag!" napatili na lamang ako sa kanyang mapanuksong mga kiliti.

************************

Huling araw na nang pamamalagi namin rito sa resort bago bumalik kami bukas papuntang Manila. Sa ngayon, narito kami ulit sa opisina ng Le Torres Co. upang pag-usapan muli ang kaso na namamagitan sa dalawang kampo. Nakaupo ako muli sa kanilang conference room habang hinhintay si Attorney Dimaculangan at si Don Abelardo Torres. Pinagdarasal ko ngayon na nawa'y magkaayos na ang dalawang grupo sa kanilang pag-aareglo, dahil ayoko rin na umabot ito sa korte at mas mapahaba ang proseso ng kaso.

Napalingon ako kay Dante. Bakas sa kanyang mukha ang kompiyansa sa sarili na magiging maayos ang kahihinatnan nitong kaso. Kinuha niya ang aking kamay nang makita niya sa aking mata ang pagkabahala at pag-aalala.

"You're ready?" Tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot. "Yes." Sinalikop niya ang aking kamay sa kanya at hinawakan ito ng mahigpit.

"Naandiyan na po sila attorney," sambit ni Mang Ernesto.

Binitawan ito ni Dante nang makita namin na papasok sila Attorney Dimaculangan at Don Abelardo sa loob. Napatayo ako sa aking upuan para sa paggalang. Kaagad naman kinamayan ni Dante si Attorney Dimaculangan nang humarap ito sa kanya.

"Attorney Dimaculangan," ani Dante.

"Attorney Gillesania, nice meeting you again. I hope this time we'll settle this matter quickly," saad ni Attorney Dimaculangan. Umupo siya sa harapan ni Dante habang hawak ang kanyang dala-dalang suitcaise. Binuksan niya ito at inilapag niya sa lamesa.

Sa kabilang banda naman, umupo sa aking harapan si Don Abelardo habang nakangisi ng mahalay sa akin. Napasukot ako sa aking kinauupuan at napaurong palayo sa kanya. Kahit na malayo ang distansya namin dalawa, hindi ko pa rin maatim na makita ang kanyang pagmumukha.

"So have you decided Mr. Abelardo Torres?" Tanong ni Dante.

Napatikhim si Don Abelardo at napahalukipkip. Hindi siya sumagot kay Dante, tinitigin niya lang ito ng matagal.

"Yes, actually we have a good news. Pumayag na si Don Abelardo sa agreement along with some conditions he wants to add on the agreement," usal ng kanyang attorney. Inilahad niya ang papeles kay Dante.

Walang alinlangan na kinuha ito ni Dante at binasa. Gusto ko sanang basahin din ito ngunit hindi ako nagkaroon nang pagkakataon nang biglang ibinalik ni Dante ang papel kay Attorney Dimaculangan. "We don't agree with your conditions. I don't think your conditions really meet an equal opportunity to both parties."

Nagulat ako ng hindi pagsang-ayon ni Dante sa ginawang probisyon ni Don Abelardo. Ano ba ang kanyang nabasa na napagdesisyunan niya ang hindi pagsang-ayon rito?

Nagkibit-balikat si Don Abelardo at napangisi. "That's my condition, Attorney. kung ayaw ninyo nasa inyo iyon. Basta by hook or by crook, my conditions will never change." Napansin ko ang kanyang pagkindat sa akin na mas lalong nanginig ang aking buong katawan.

Napansin ni Dante ang pagkailang ko. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit. His cool and composed stature suddenly changed when his voiced turned dark and hollow. "Kasama pala sa kondisyon mo ang kunin si Ms. Payton for your own pleasure?" He hissed. Bakas sa kanyang mukha ang pagka-inis at pagkagalit kay Don Abelardo.

Nanggagalaiti ang mukha ni Don Abelardo na tila naaasar na kay Dante.

Napatingala na ako nang biglang tumayo si Dante sa kanyang inuupuan. "I have heard of your rather promiscuous cases on your documents, Mr. Abelardo. Sa sobrang dami na nga hindi ko na mabilang. Gusto mo bang isa-isahin ko?" Asik ni Dante habang nakamewang kay Don Abelardo.

Hindi nakapagsalita si Don Abelardo at tanging ungol ng galit lamang ang maririnig sa kanya.

"Attorney Gillesania, I think you are already deviating from the topic as such the past activities of Mr. Abelardo does not include in this case." Napatayo bigla ang attorney ni Don Abelardo.

"I understand the statues of limitations, Attorney Dimaculangan. Gusto ko lang ipaalala sa kliyente mo hindi rin encompassing ang pagkuha niya kay Ms. Payton upang magtrabaho sa kanya as his absolute condition," paliwanag ni Dante.

Napatikhim lang si Don Abelardo sa kanyang kinauupuan.

Umupo si Dante sa kanyang inuupuan habang nakasalikop ang kanyang mga kamay. "You don't have to think about it further Mr. Abelardo. The agreement already provided equal benefits to both parties. Bakit mo pa pahihirapan ang kompanya mo at ang reputasyon nito sa pag-abot pa nito sa korte?" Saad ni Dante.

Ngumisi si Dante sa kanya. "You know you can't win against me, Mr. Abelardo. And I will see to it that you won't win if you let this prolong."

Napa-asik si Don Abelardo. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ni Dante. Tanging ang mga kamay lang niya ang naging sagot sa tanong nito. Iminuwestra niya ang kanyang kamay at inilahad sa lamesa. Kinuha niya ang bolpen na nakalapag sa kanyang tabi at pinirmahan ang papeles.

Ibinato niya ito sa aming harapan. Ngumisi si Dante ng makita niya ang pirma ni Don Abelardo sa papel. Ibinigay ni ito kay Mang Ernesto at kaagad naman niyang pinirmahan niya ito. Hindi na muling nagsalita si Don Abelardo. Tumayo lamang siya sa kanyang upuan at nagdadabog na lumabas ng conference room.

"Well I guess that's it." Napasinghal si Dante.

Inayos ni Attorney Dimaculangan ang kanyang mga papeles at ibinalik sa loob ng kanyang suitcase. Nang matapos siya rito, tumayo siya sa kanyang kinauupuan at kinumpas ang kanyang kamay sa harapan ni Dante.

Tumayo si Dante at kaagad naman na kinamayan nito si Attorney Dimaculangan. "Thank you."

"Same as with you, Attorney Gillesania. Buti na lamang at hindi natuloy ang kaso na ito dahil ayokong mamarkahan ang aking record," pabirong sinabi ni Dimaculangan.

Napahagikgik lang si Dante. "Then til we see each other next time. I hope it's not in court."

"I hope so to, Attorney Gillesania," napatango lamang ito at napangiti sa kanya. Kinalaunan, lumabas rin siya sa loob nang conference room hangga't sa kaming tatlo na lamang ang naiwan sa loob.

"So let's celebrate?" Tanong ni Dante sa amin sabay tayo sa kanyang upuan.

Napangiti sa tuwa naman ni Mang Ernesto. Hindi niya mapigilang umiyak nang biglang tinapik ni Dante ang kanyang balikat. "Maraming Salamat po Attorney! Hindi niyo po alam kung gaano kalaki ang nagawa ninyo pong tulong sa aming mga manggagawa." saaad niya at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Walang ano man iyon, Mang Ernesto. I'm just doing my job as your lawyer," sagot ni Dante na kitang-kita naman sa kanyang mukha ang tuwa at kaligayahan.

Bumitaw si Mang Ernesto sa kanyang pagkayakap. Lumingon naman sa akin si Dante at napangiti muli.

"Congrats!" Masaya kong sabi sa kanya.

Napansin ko ang kaluwagan sa kanyang mukha nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "I almost lost you there, luv," sinabi niya na may kaginahawaan sa kanyang boses.

Naramdaman ko ang paghagod niya ng aking buhok. Hinaplos ko ang kanyang likod upang mapanatag ang kanyang loob. "Diba, sabi ko sa'yo naadito lang naman ako. Hindi ako mawawala," sagot ko sa kanya.

Bumitaw ako sa kanyang yakap at napatingala sa napakagwapo niyang mukha. "Got it?" Tiniyak ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Got it."

**************************

Nang pag-uwi namin sa resort laking gulat ko ang komosyon na nangyayari sa paligid. Napamasid kaming tatlo sa pinanggagalingan nito at kung ano man ang meron sa pinagmumulan ng kaingayan. Nang lumapit ako sa kanila, napansin kaagad ako ni Marissa. Lumapit siya sa akin at hinila niya ang aking kamay.

"Ma'am Elena! Naandito na pala kayo!"

Binitawan ko ang kamay ni Dante at lumapit sa kanya. "Anong meron?" Bakas sa aking mukha ang pagtataka.

"Ma'am, magugulat ka kung sino naandito!"

Napakunot ako ng noo."Sino?"

Bago pa man makapagsalita si Marissa. Napalingon ako sa boses sa bandang kaliwa kung saan ang pinagmumulan ng pagkukumpulan. Naramdaman ko ang pagtigil nang aking puso sa aking nakita. Tila'y nawasak ang kasiyahan na umaalingawngaw sa akin puso at napalitan ng masamang panaginip.

"Babe! Naandito na pala kayo," tuwang-tuwa na sinabi ni Attorney Lacsa habang palapit kay Dante.

"Casey, you're here..." mahinang saad ni Dante.

"Surprise, babe. Ayaw mo ba?"

Napansin ko naman si Dante na napatulala nang makita niya si Casey. Kaagad naman pinulupot ni Casey ang kanyang braso kay Dante at niyakap ng mahigpit. Hindi umimik si Dante at hinayaan lang niyang yakapin siya ng mahigpit ni Casey.

Napalunok na lamang ako sa aking nakita.

Naramdama ko ang paghina ng aking mga tuhod.

Dahil alam ko sa kanyang pagdating, matatapos rin ang kung ano man relasyon ang meron sa amin ni Dante.

Napatayo lang ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasadan ang kanilang munting pagkikita.

****************************