Hawak-hawak ko ang kamay ni Nanay Aning habang nakahiga siya sa kama ng ospital. Naka-ilang araw na rin kami rito at tila gano'n pa rin ang kanyang kalagayan. Nanghihina pero lumalaban. Sabi daw nang doktor malala na daw ang kanyang kalagayan. Sa tatlong araw na pamamalagi namin rito, mabilis na ang pagkalat nang cancer cells sa kanyang katawan na mismong hindi na kaya nang kanyang katawan na mag-chemotherapy dahil na rin sa kanyang katandaan. Subalit, kahit gayunpaman ang kalagayan, naniniwala ako na kaya pa rin gumaling ni nanay. Hindi ako nawawalan nang pag-asa dahil alam ko nariyan ang Diyos upang tulungan siya.
Salit-salitan kami ni Tita Soledad sa pagbantay sa kanya. Kapag may pasok ako siya ang nagbabantay, at pagkatapos naman nang aking klase, ako naman. Kasama rin niya ang kanyang mga anak papunta rito, maliban sa kanyang asawa na hindi niya alam kung saan pumupunta. Matagal na ang problema niya ukol sa kanyang asawa, ngunit kahit gano'n man siya niloloko nito, patuloy pa rin ang pagtanggap niya rito. Hindi ko nga alam kung bakit gano'n na lang niya kamahal ang asawa niyang sira-ulo.
Kagagaling ko lamang ng school nang minadali kong pumunta rito. Pansamantalang hindi muna natuloy ang amin tutoring ni Dante dahil nga sa biglaan pangyayari. Buti na lamang at naintindihan ito ni Mrs. Ramos nang bumisita siya rito kahapon kasama si Dante. Si Dante naman paminsan-minsan ay bumibisita rito pagkatapos nang kanyang praktis, subalit hindi rin siya nakakatagal dahil sa curfew hours nang visitation nang ospital. Hindi ko alam kung pupunta siya ngayon, pero mabuti na rin iyon dahil ayoko rin makaabala sa kanya lalo't na sa upcoming na game nila ngayong linggo.
"Nak?" Napalingon ako kay Nanay Aning nang makita kong nakamulat ang kanyang mga mata. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Lumapit ako rito at dinama ang kanyang nakakabalisang haplos na tila na-mimiss ko.
"Nay, gising na po pala kayo." Lumingon ako nang maramdaman ko ang pagsimula nang pagtulo nang aking mga luha. Naglakad ako papuntang lamesa at kumuha ng mansananas. "Gusto niyo po ba nang masanas? Gutom na po ba kayo, nay?" Tanong ko sa kanya habang inaabala ko ang sarili ko sa pagkuha nang plato at kutsilyo.
Tumango lang siya sa akin ang ngumiti nang mahina. Nang makita kong inaangat ang kanyang sarili sa kama, kaagad ko siyang inalalayan. "Nay, wag po muna kayo masyadong gumalaw, kailangan niyo po nang pahinga. Sabihin ninyo po sa akin kung kailangan niyo po nang tulong," saad ko sa kanya habang nilapag ko ang hawak kong mansanas, kutsilyo at plato sa bakanteng lamesa.
"Ay nako anak. Okay lang ako. Gusto ko rin gumalaw-galaw lalo't na ilang araw din akong nakahiga rito sa kama," sagot niya sa akin habang nakamasid siyang nagbabalat ako nang mansanas.
"Makulit ka talaga nanay, kahit kailan kaya ka napapagalitan nang doktor," wika ko sa kanya habang pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng manasanas.
Hinaplos niya ang aking ulo at tumawa, "Ito talagang apo ko! Ang laki na at pinapagalitan na ako." Pinisil niya ang aking pisngi at tinapik ito pagkatapos.
"Kailangan niyo pong magpalakas nay at magpagaling para makauwi na po kayo..." sambit ko habang nakayuko. Ramdam ko ang kaonting tulo nang aking luha kung kaya't kaagad ko itong pinunasan nang hindi niya mapansin.
Hinawakan niya ang aking hawak na mansanas at kinuha niya ito sa akin. Niyapos niya ang aking mukha at inilapit sa kanya, "Anak, wag kang mag-alala kay lola. Okay pa ako. Basta tandaan mo na intindihan mo rin ang sarili mo, ha? Magpakalakas ka at magpatatag para kahit na wala ako rito, kaya mo na ang sarili mo. Tandaan mo iyan ha?"
Hindi ko mapigilan mapaiyak sa kanyang sinabi. Pinunasan niya ang akin luha at pinagpatuloy ang pagbabalat sa mansanas na aking sinimulan.
"Nay wag niyo pong sabihin na mawawala po kayo. Hindi ko po iyon makakaya. Kailangan niyo pa pong gumaling para makita pa po akong grumaduate. Marami pa po akong plano sa atin. Diba nanay, prinamis ko pa po na papagawan ko po kayo nang bahay?" hikbi ko habang nakayakap sa kanyang kandungan.
Hinaplos niya ang akin pisngi at sinabi, "Nak hindi natin masasabi ang panahon. Alam ko na lumalala na ang aking kondisyon...kaya anak, ipangako mo kay lola na kapag nawala na ako kaya mong magpakatatag at magpakalakas, okay?"
"Opo." saad ko habang umiiyak. Mas lalo akong napaiyak nang maramdaman ko ang init nang kanyang mga kamay sa akin mukha na tanging nagbibigay nang lakas sa akin kapag ako ay nanghihina.
Ibinaba niya ang kanyang kamay at inilapat niya sa aking puso. "Anak, tandaan mo na mahal na mahal ka ni lola sa simula't sapul pa lang. Wag mong kalimutan na mahal na mahal ka ng magulang mo. At kung naandito lang ang mga magulang mo, alam ko na proud na proud sila sa iyo kaya wag kang panghinaan ng loob, anak. Be confident and be brave, okay? Wag mong hayaan..." tinuro niya ang aking dibdib at pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita, "...itong puso mo na manlumo sa takot at pangamba, because whatever happens in the past, hindi mo ito kasalanan, Elena. At walang ibang may kasalanan nito kun'di ang gumawa sa iyo. Don't let them win over your mind and your body. Okay apo?"
Napatungo ako sa kanya at kaagad na niyakap siya nang mahigpit. "Pangako po, nanay. pangako po."
"Mahal na mahal kita apo, always remember that," tinugon niya ang yakap ko na mahigpit. Bumitaw din siya ng sandali at pinunasan ang mata ko na namumula sa pag-iyak. "Ikaw talagang bata ka. Wag kang umiyak, alam mo na ngang ayoko kang nakikitang umiiyak," sabi nito sa akin habang pinupunas niya ang aking mga luha.
Napakunot ako sa kanya nang noo. "Wag po kasi kayo magsasabi na mga ganyang bagay. Gagaling pa po kayo nay at makikita niyo pa po ang mga anak ninyo sa tuhod," pangako ko sa kanya.
Napataas siya nang kanyang kilay. "Sa nobyo mo ba na si Dante?" Napangisi lamang siya sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Naramdaman ko ang pagmula nang aking mga pisngi. "Nanay naman eh!"
"Hmm. Ikaw kang bata ka. Hindi mo man lang sinabi sa akin na kayo na pala ng ugok na iyon." sagot niya sa akin sabay kain sa mansanas na kanina pa niya binabalatan.
Binigyan niya ako nang kapiraso at kinain ko ito. Napayuko ako sa kanya. "Sorry po nay kung naitago ko po sa inyo. Baka po kasi kayo magalit."
Napahalukipkip siya. "Hmm anak, hindi naman ako magagalit. Buhay mo iyan. Kung ano ang makakapagsaya sa iyo, suportado ako. Basta tandaan mo lang na unahin mo muna ang iyong pag-aaral bago iyang mga bagay na iyan. Darating ka rin sa tamang panahon para sa mga ganyang bagay. Pero ngayon anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil ito lamang ang maibibigay ko sa iyong regalo lalo't na kapag nawala ako," paliwanag niya sa akin.
"Nanay naman para po kayong mawawala na sa pinagsasabi ninyo po," sagot ko sa kanya sabay kuha sa hiwa nang mansanas.
Napatigil ang aming pag-uusap nang biglang may kumatok sa pintuan. Napalingon ako rito at nakita ko ang pagpasok ni Dante sa loob. Tumayo ako sa aking upuan at kinuha ang dala niyang mga pagkain.
"Hindi mo nasabi na pupunta ka pala," saad ko sa kanya habang nilalapag ko ang dala niyang mga pagkain sa lamesa.
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob nang bulsa at tumugon. "Sorry hindi ko na nasabi, dumertso kasi ako kaagad sa praktis kanina" saad niya sa akin sabay dumertso papunta kay Nanay Aning.
"Mano po, lola," wika nito sabay mano kay nanay.
"Hmm sige. Salamat sa mga pagkain na dala mo. Kamusta naman si Rizza? Makakabisita ba siya rito ulit?" saad naman ni lola.
Umupo siya sa bakanteng upuan na malayo sa amin. "Okay naman po si Auntie. Medyo busy po kasi dahil umuwi po si mama. At Opo, pupunta daw po siya, pero hindi niya po sinabi kung kailan."
Nagulat ako sa kanyang sinabi at napalingon sa kanya, "Narito ang mama mo? Kailan pa?"
Ngumiti siya nang bahagya na may pag-aalinlangan na sabihin ito. "She came here two days ago. Nagulat din ko dahil naman niya sinabi na uuwi siya."
"Galing states ba, iho?" Tanong ni lola.
"Opo," matipid niyang sagot.
"Bibisita lang ba siya dito or dito na siya?" Tanong ko ulit kay Dante.
Napahawak siya sa kanyang batok. "Um, parang ganun na nga..." sabi nito sa amin. "Um, lola kamusta naman po kayo?" Nagtaka ako nang bigla niyang iniba ang usapan.
"Mabuti naman iho," tugon nito kay Dante. Tinuro ni lola ang bakanteng upuan sa tabi ko at tinawag si Dante, "Iho, dito ka nga sa tabi nang apo ko at may sasabihin ako sa iyo."
Nang masabi ito ni Nanay, bakas sa hitsura ni Dante ang pagtataka. "Po? Opo." Dahan-dahan siyang kumuha nang upuan at tumabi sa aking kanan kung saan malapit sa paanan nang kama ni Nanay.
Ibinaba ni nanay ang kanyang hawak na plato sa mesa at sinaklop ang kanyang mga kamay. Napansin ko na napaupo nang maayos si Dante sa kanyang kinauupuan. "Ano po 'yon lola?" tanong ni Dante habang naghihintay sa sasabihin ni lola.
"Gaano na katagal kayo nang apo ko?" Walang patumpik-tumpik na tanong ni nanay.
Napakurap si Dante sa kanyang tanong. "Po?" Napalingon sa akin si Dante na naghahanap nang sagot sa aking mukha.
"Lola naman! ano po ba yan mga tanong ninyo," daing ko.
"Aba nak, kailangan ko malaman kung gaano na katagal ninyong tinatago sa akin na kayo na pala."
Napatikhim si Dante at mahinang sinagot si Nanay Aning. "Tatlong buwan na po, lola. Patawad po kung hindi po nasabi sa inyo..."
"Hmmm..." Tumango si Nanay Aning. Humilig siya sa sa amin at kinuha ang kamay ko. Hinaplos niya ito nang marahan at pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. "Eto iho, minsan ko lang sabihin ito sa iyo, ingatan mo ang apo ko. Alam ko na mga bata pa kayo at wala pa kayo sa tamang edad upang magkarelasyon, ngunit hindi ko kayo mapipigilan, kaya eto humihingi ako sa iyo nang pabor na kapag nawala na ako, alagaan mo at ingatan mo ang aking apo. Unahin niyo muna ang inyong pag-aaral at wag niyo itong papabayaan, okay? Naintindihan mo ba iho?"
"Opo, lola naintindihan ko po. Pangako ko po," sagot nito kay lola.
"Hay young love nga naman! Mga kabataan nga naman ngayon! Naalala ko tuloy ang mga panahon na naandito pa ang lolo mo sa tabi ko, kung naandito lamang siya..." ngumiti siya sa amin habang inaalala ang mga panahon kasama si lolo.
Ngumiti ako kay lola at nagtanong, "Nanay, pwede niyo po ba makwento ang kwento ninyo po ni lolo. Gusto ko po malaman kung paano po kayo nagkakilala."
Napangiti si Nanay sa aking tanong. Tumungo siya at napatingin sa bintana sa kanyang tabi. "Nagsimula ito sa ulan...." Itinuloy niya ang kanyang kwento habang inaalala ang matatamis na memorya kasama si lolo.
*************************
Nasa labas kami ngayon nang ospital, magkahawak ang kamay at nakaupo sa bandang bangko nito kung saan makikita ang buong tanawin nang ospital. Madilim na ang kalangitan at tila mga kumikislap na bituin ang umiilaw sa gusaling nakapalibot sa amin. Sininghot ko ang sariwang simoy nang hangin habang nakatitig sa makalikmatang ganda ng tanawin.
"Akalain mo iyon nagkakilala si lola at lolo dahil sa payong," natuwa kong sinabi kay Dante.
Napangiti si Dante sa akin habang nakaakbay siya sa aking balikat. "Diba roon din tayo nagkakilala," sagot nito sa akin.
"Hindi kaya. Una kitang nakilala sa faculty noong pinapagalitan ka ni Mrs. Ramos dahil sa buhok mo," kwento ko sa kanya habang napasandig ako sa kanyang balikat.
"But because of the umbrella we had a decent convo," sagot niya sa akin sabay napalingon ang kanyang mga mata sa akin.
"Peace offering mo lang yun sa akin dahil nga you were an asshole noong unang tutoring session natin," depensa ko sa kanya.
Natawa siya sa kanyang sinabi at napatango, "You're right. That was may way of apologizing to you for being an a-hole."
"Ikaw kasi bakit ba ayaw mo magpatutor. Ano ba ang dahilan mo?"
Napansin ko ang pag-igting nang kanyang panga. Napaalis ako sa kanyang balikat at napatingin sa kanya habang naghihintay nang kanyang sagot. Nagkibit siya ng balikat sa akin at sumagot. "I was stubborn--Irritated by my mom na tinapon niya ako sa Pilipinas like she doesn't care about me. I hated it. I hated na mas pinili niya ang boyfriend niya kaysa sa akin. And with that I got lost, nawalan ako nang gana. I lost the will to do things--to study. And the only thing that release my tension is by playing soccer," pinaliwanag niya sa akin habang nahihirapan siyang ikwento ito sa akin.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinagod ko ito sa aking hinlalaki. "I'm sorry about that if you feel that way. Pero, I do think your mom loves you very much and all she want is to protect you from them kaya ka pinapunta rito sa Pilipinas."
He painfully chuckled. " I hope so, Elena. I really hope so." Lumingon siya sa akin at napatikhim. kinuha niya ang aking kamay at sinaklop ito sa kanya. "Elena, may kailangan ako sa iyong sabihin sa iyo."
Tumaas ang aking kilay sa kanyang sinabi. Tila naramdaman ko ang biglang pagkaba nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay. "Ano iyon?" Napaharap ako sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata na nag-aalinlangan.
"My mom didn't go back dail magbabakasyon siya. She went back here to get me." Naputol ang kanyang sinabi. Napalunok siya nang malalim at mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay, "I can go back there--to States."
Hindi ako makapagsalita na tila'y natulala ako sa kaniyang sinabi. What will I do? Hindi na ba siya babalik? Tuluyan na ba siyang titira roon at maiiwan ako dito mag-isa? Bakit pa ngayon na mas kailangan ko siya sa tabi ko? "Are you going back?"Napalunok ako sa aking tanong.
"I-Would you like me to go back?" Binalik niya ang tanong sa akin.
No. I don't want to. I want you to stay here with me. "Dante, it's your decision. Its up to you..." Kahit masakit alam ko na desisyon niya iyon kung gusto niyang bumalik sa States o hindi. I don't have any decision on that matter.
"Ayokong bumalik Elena. Ngayon na nasa tabi kita, ayokong bumalik." Kinuha niya ang aking braso at hinila niya ito papalapit sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman ko ang pighati sa kanyang mga yakap.
Bumitaw ako sa kanyang pagyakap at sumagot, "But you have to, right?" Napakagat ako sa aking labi.
Hindi siya sumagot at tumango lamang siya sa akin. Napapikit ako sandali nang maramdaman ko ang luhang umaagos sa aking mata. Akma ko itong pinunasan kaaagad upang hindi niya makita, "I understand, Dante."
"Elena..."
"Naintidihan ko naman Dante. Your mom needs you. You need to be there for her." Kinuha ko ang kanyang kamay at tinapik ito nang marahan.
"But I also need you Elena. I don't wanna be apart from you now that I just got you. I promise you that I'll be here," He held my hands to him and squeezed it tightly.
Ngumiti ako nang mapait sa kanya at sumagot, "I'm not going anywhere. Naandito naman ako eh."
"Ayokong umalis nang ganito Elena, lalo't na sa kalagayan ni Lola Aning," inamin niya sa akin habang nakatitig ang kanyang nag-aalalang mukha.
"We'll be alright. Wag kang mag-alala," napalunok ako sa aking sagot. Alam kong malala na ang kalagayan ni Nanay Aning at 50/50 na lamang ang tsansya niyang mabuhay. Subalit, hindi ko rin naman maipagkakait ang pagkakataon ni Dante na makasama muli ang kanyang ina.
"But--"Napatigil siya sa kanyang pagsasalita.
Pinilit kong ngumiti sa kanya nang walang pag-aalinlangan at kinuha ang kanyang kamay. Hinawakan ko ito nang mahigpit at napatingin sa kanya, "It's alright, Dante. You don't have to worry about me. I'll be fine." Napalunok ako nang malalim sa aking sinabi.
"I just don't want to leave you like this, Elena. You know how important you are to me," sagot niya sa akin na may pag-aalala sa kanyang mukha.
"Dante..." Napatigil ako sa kanyang sinabi lalo't na nang marinig ko kung gaano ako ka-importante sa kanyang buhay. Napahawak ako sa kanyang pisngi at marahan ko itong hinaplos, "Pero wala tayong magagawa. You have to be there with your mom. She also need you at ayoko naman ipagkait iyon sa iyo na muling makasama mo ang mama mo."
Hindi siya sumagot sa akin. Kinuha niya ang akin braso at dahan-dahan niya akong niyakap. I leaned towards his shoulder and smelled his fresh, musky and minty scent that I always love. Mamimiss ko ito, lalo't na ang kanyang mga banayad at tiwasay na yakap.
"Babalik ako, Elena. I promise you I will be back." Bumitaw siya sa pagyakap sa akin at hinaplos ang aking pisngi.
Tila nararamdaman ko ang pagsikip nang aking dibdib. Umiling ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "Just promise me one thing Dante, gusto ko na magkaayos kayo ng mama mo. Ayokong nakikita kitang ganyan na may hinanakit sa kanya," paalala ko sa kanya.
Tumungo siya sa akin. "I promise, Elena."
"Good." Hinawi ko ang kanyang buhok sa aking kamay at muling napangiti sa kanya.
"Ayoko mawala ang komunikasyon natin sa isa't isa Elena kahit naando'n ako gusto ko pa rin na may natatanging koneksyon ako sa iyo," dagdag niya habang hawak niya ang aking kamay.
Napataas ang aking kilay. "Hmm. Sige." Ngumiti ako sa kanya at tinuloy ang pagsasalita. "How about we write letters to each other? Parang sila lola at si lolo no'n," suhestiyon ko sa kanya.
Napakunot siya ng kanyang noo. "Uso pa ba iyon ngayon?" Tanong niya.
"Hindi naman kailangan maging uso iyon para gawin," sagot ko sa kanyang tanong.
Humilig siya sa akin at lumapit nang kaonti hangga't kaonti na lamang ang distansya namin sa isa't isa. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang aking kamay. "Alright. I will right you hundreds of letters if that's what you really want. Kahit ilan pa magsusulat ako para sa iyo."
"Promise, Dante?" Tanong ko.
"Promise, Elena," panindigan niya.
*****************************
Paalam aking pinakamamahal na lola...
Isang malamig at mapanglaw na umaga ang bumati sa amin nang linggong iyon. Ang malakas at masayahin na si Nanay Aning ay pumanaw na sa kanyang yaring metal na higaan. Namatay siya nang may ngiti at katiwasayan sa kanyang mukha. Naging tahimik ang kanyang pamamaalam na wala man lang sa aming pamilya niya ang nasaksi ng kanyang huling paghinga. Hindi ko maatim ito sapagkat hindi ko man lang nakita ang kanyang mga huling salita o huling hininga lamang. Alam ko naman dito rin pahahantungan ang lahat subalit kahit gayunpaman, hindi ko matanggap na wala na ang pinakamamahal ko na lola na nanatiling nag-alaga at nag-aruga sa akin simula nang mamatay ang aking mga magulang. Ang hingi ko lamang ay sana naging mas mahaba ang aming pagsasama bago man lang lumisan sa amin piling si Nanay Aning.
"Magpahinga na po kayo nanay. Okay lang po kami." Napahagulgol ako sa paanan ng kanyang kama habang sumisilaw ang init nang araw sa kanyang mapayapang mukha. Hindi ako makahinga, tila may hapding pumipilipit sa aking puso na patuloy sa pananakit. Ramdam ko ang paghihinapis at pag-iisa sa pagkakataon na iyon. Kinuha ko ang kanyang malambot na kamay at hinaplos ito nang mahigpit. Sa huling pagkakataon, dinama ko ang kanyang malamig na haplos na darating mainit at nakakaginhawa. Wala na si nanay. Wala na ang pinakamamahal kong lola. Wala na akong uuwian na nanay na mayayakap at matatakbuhan. Wala na akong nanay na magpaparamdam sa akin nang banayad na pagmamahal.
And I felt so alone.
Napalingon ako sa aking tabi. Katabi ko si Tita Soleda na umiiyak sa pagpanaw ni lola. Kasama namin ang aking dalawang pinsan na nasa nito, umiiyak rin sa pagpanaw nang aming nag-iisang lola. Napansin ko ang paghikbi ng pinsan ko na bunsong babae. Tumayo ako sa aking pwesto at niyakap ko nang mahigpit ang aking babaeng pinsan na humahagulgol. "It's okay Mina." Kinandong ko siya sa aking yakap at pinatahan.
Sa pagkakataon na iyon, alam kong kailangan kong magpalakas para sa akin at para sa kanila lalo't na wala si lola sa aming tabi. I curled my fist, stared at the ceiling and cried with all ache I have until there's no pain left.
************************
Naging mabilis ang panahon tila isang imahe na patuloy ang pagragsa ng mga pangyayari. Hindi ko na rin mabilang kung ilan beses akong umiyak at kung ilang beses akong nakatunganga sa libingan ng aking lola. Animo'y parang isang madilim na pangyayari nagmulat sa akin munting pananaw. Pagkatapos nang araw na iyon inihanda na ang libing ni Lola Aning sa aming bahay. Dumalo ang mga kamag-anak ni Nanay pati na rin ang kanyang mga kaibigan na kapit bahay namin. Isa-isa silang humingi ng condolence sa aming pamilya habang inaalala ang matamis at masayang buhay nang aking lola. Napangiti ako nang mapakinggan ko ito dahil kahit saglit lamang ay muling nabuhay ang presensya ni Nanay sa bahay na ito sa kanilang munting mga kwento.
Dumalo rin ang ilan sa aking mga kaibigan. Kasama na rito si Melai at si Dante na laging nasa tabi sa punto nang aking kalungkutan. Hindi umalis sa aking tabi si Dante sa puntong iyon, nariyan siya parati sa akin tabi, hawak ang aking kamay sa panahon na kailangan ko ng kanyang lakas at kapanatagan. Nakiramay rin si Mrs Ramos na may dalang mga bulaklak sa kanyang pagpunto sa libing ni lola. Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit nang makita ko siya. At dahil wala na si Nanay Aning, siya na lamang ang aking malalapitan sa panahon na kailangan ko ng tulong.
Marami ang pumunta at marami rin ang nakiramay, ngunit sa hindi ko inaasahan ang makita ang mukha ni Samantha sa aming bahay na malungkot. Napatigil ako sa pag-aasikaso ng mga bisita nang tumigil siya sa gitna at marinig ko ang pangalan ko sa kanyang mga labi.
"Ate Elena..." Mahina niyang sinabi habang pinunasan ang kanyang mga luha.
Hindi na ako nag-alinlangan na yakapin sia pagkatapos no'n. Niyakap ko siya ng mahigpit at napangiti sa tuwa. "Samantha, im so sorry..."
Bumitaw siya sa pagyakap sa akin, "Sorry ate ngayon lang po ako nakapunta. Im so sorry dapat hindi ako sa iyo nagalit nang gano'n. I was wrong. I shouldn't have done that." Sabi nito sa akin habang umiiyak.
Hinila ko siya at dinala sa bakanteng upuan. Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Dante na nakatingin sa amin. Hinayaan niya kaming mag-usap at nagpatuloy sa pag-upo katabi nang kanyang kaibigan na si Rafael. Binalik ko ulit ang ang paningin kay Samantha. Ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Wala na iyon Samantha. Kung ano man ang nangyari sa atin no'n na hindi maganda, kalimutan na natin iyon. Basta ang importante ngayon ay maayos na tayo."
Umiiling siya sa akin. "I wanted to apologize ate. I'm sorry kung naging gano'n na lamang ang reaksyon ko. Alam ko naman na mali ako. Siguro nasaktan lang ako nang malaman ko na kayo na ni Kuya Dante. Nainis po ako sa sobrang selos na pati kayo binaling ko sa galit. You have a right to have those feelings ate at accept ko naman po talaga na hindi ako magugustuhan ni Kuya Dante."
"Wala na iyon, Samantha. Wag mo nang isipin 'yon," sabi ko sa kanya.
"Pero---" I cut her.
"Its alright Samantha. Naintindihan ko. Alam ko naman na mali din ako. Dapat sinabi ko sa iyo ang totoo noong una pa lang para hindi ka nasaktan. Hindi ko dapat itinago sa iyo ang nararamdaman ko at relasyon ko kay Dante," paliwanag ko sa kanya.
"I'm so sorry ate!" Niyakap niya ako muli nang mahigpit at napahikbi nang mahina.
"Its okay. Okay na iyon, Samantha." Hinaplos ko ang kanyang buhok at pinatahan. "Forget about it. Wag mo nang alalahanin."
Mga ilang segundo, bumitaw siya sa kanyang pagyakap. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at napatingin sa akin. "Condolence ate. Nakikiramay ako sa pagkamatay ni lola," aniya.
Ngumit ako sa kanya nang marahan. "Thank you at nakapunta ka rito," saad ko sa kanya.
At sa puntong iyon, kahit katititing lamang ay muling napangiti ako sa tuwa nang magkaayos kami ni Samantha. Niyakap ko siya nang mahigpit at napalingon kay Dante na nakangiti naman sa amin.
Nilihis ko ang aking tingin sa litrato ni Nanay Aning na nakatukod sa kanyang libingan. Ngumiti ako muli nang bahagya at napaisip, "Thank you Lola, dahil kahit wala ka rito, parang naandiyan ka pa rin sa aking piling...Salamat sa patuloy na pagbabantay sa akin kahit wala ka na rito. Mahal na mahal kita at wag ka nang mag-alala sa akin nanay, dahil simula ngayon, kakayanin ko na po. I will never forget you. I love you po."
************End of Chapter 19***********