Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 19 - Chapter 18: Elena & Dante

Chapter 19 - Chapter 18: Elena & Dante

Elena

Bumaba kami ng tricycle nang tumigil ito malapi sa aming bahay. Mga gabi na rin kami nakauwi kagagaling roon. Maitim na ang langit at tila mas tumingkad ang mga bituin sa kalangitan. Wala nang masyadong tao sa labas, tahimik na ang lahat at tanging maririnig na lamang ay ang malamig na simoy ng hangin. Buti na lamang, nakauwi kami kaagad bago mapansin ako ni Nanay Aning na wala sa bahay.

Nang umalis na ang tricycle, nakatayo kaming dalawa sa harapan nang aming bahay na magkahawak ang aming kamay. Habang hawak ang mga Camella sa aking kamay, ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Maraming Salamat sa prom na ibinigay mo. Hindi ko ito inaasahan."

"Wala 'yon. I intended to do it for you Elena. You don't have to thank me," ngumiti siya sa akin at binitawan ang aking kamay.

Nagtagpo ang aming mata panandalian. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi nang mapansin kong lumapit siya sa akin. Humilig siya ng bahagya at hinawakan ang aking pisngi. Naramdaman ko ang marahan na pagdikit ng kanyang labi sa akin noo. Napapikit ako sa sandaling iyon at nadama ko ang init na dumadaloy sa aking buong katawan.

"Goodnight, Elena," saad niya nang humiwalay siya sa akin.

"Goodnight din, Dante." Napangiti ako sa kanya.

Ipinasok niya ang kamay niya sa kanyang bulsa at napatikhim. "Um, sige..." Kinumpas niya ang kanyang kamay at tinuro papunta sa daan. "Alis na ako. Para makatulog ka na rin."

Napatungo ako. Sinukbit ko ang hibla nang aking buhok sa likod nang aking tenga. "Sige. Um, ingat ka pauwi ah..." Paalala ko sa kanya.

lumiko siya palikod sa akin at nagsimulang maglakad habang patuloy ang pagsulyap-sulyap niya ng tingin. Kumaway ako sa kanya habang pinagmamasadan siyang palayo sa aking paningin. Nang mawala na siya sa aking paningin, pumasok na ako sa loob ng aming bahay.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang, madilim ang lugar at patay ang mga ilaw. Panigurado siguro tulog na si Nanay Aning. Dumeretso ako sa aking kwarto habang mahinang yumayabag papunta rito. Binuksan ko ang aking ilaw, at pumunta sa aking kabinet at diretso na nagbihis ng pantulog.

Bago ako humiga sa kama, napagpasyahan ko na puntahan si Nanay Aning sa kanyang kwarto. Lumabas ako rito at tinahak ang daan papunta sa kanyang kwarto. Pagpasok ko sa loob, napansin ko na bukas pa ang kanyang ilaw na malamitan patay kapag siya ay natutulog. Humakbang ako ng mahinahon, at napamasid sa loob nito, hinahanap ang aking tulog na lola.

"Nay, gising pa po kayo?" Tanong ko habang minasid ang kwarto papunta sa kanyang kama.

Walang sumagot sa akin kung kaya't inulit ko ang tanong, "Nay, naandiyan po ba kayo?"

Lumibot ang aking paningin sa kanyang kama. Nanlaki ang aking mata at napaluhod sa sahig. Naramdaman ko ang bilis nang tibok nang aking puso nang makita kong nakahilata si Nanay Aning sa sahig ng kanyang kwarto na walang malay.

"Nay..." sambit ko ulit habang kinalong ang kanyang ulo sa aking mga hita. Hinawakan ko ang kanyang pisnga at tinapik. "Nay! Gising po kayo! Nay!" Sigaw ko habang nanginginig ang aking buong katawan sa pangamba at takot.

"Nanay! nanay! Gising po!" Inulit ko ulit subalit wala sagot mula sa kanyang walang malay na katawan. Inurong ko ang kanyang katawan at kinandong sa akin akin. Yinakap ko ang kanyang walang malay na katawan sa akin habang patuloy ang pag-agos nang aking mga luha.

"Nay, si Elena po ito..." paulit-ulit kong sinabi. Unti-unti ko siyang ibinuhat sa kanyang kama hangga't makahiga siya rito. Kaagad naman akong tumakbo sa aking kwarto at kinuha ang telepono. Si Dante ang una kong naisip tawagan nang maisip ko na baka hindi pa siya nakakalayo parito sa amin. Alam ko siya ang una kong madali kong makokontact, lalo't na hindi ako sigurado kung gising pa si Tita Soledad nang ganitong oras.

Nang makita ko ang aking telepono sa aking lamesa, kaagad ko itong kinuha at pinindot ang numero ni Dante. Pabalik-balik akong naglalakad sa aking kama, nagmamadali na i-pick-up niya ang kanyang telepono. "Come on, Dante. Sumagot ka."

Nang mag-ring ito, narinig ko kaagad ang kanyang boses. "Hello, Elena. Ano 'yon? Namiss mo ba ako kaagad?" biro niya.

Ngunit sa panahon na ito, hindi ko kayang magbiro sa kanya. "Dante!" Hikbi ko sa kanya habang ramdam ko ang pangangatal nang aking panga.

Napansin niya ang panginginig nang aking boses kung kaya't naramdaman ko ang pag-iba ng kanyang tono. "Ano iyon Elena? May nangyari ba?"

"Malapit ka pa ba sa amin?" kaagad kong tanong sa kanya.

"Medyo. Bakit, Elena? What happened? Is there something wrong?" Nagmamadali niyang sinabi.

"Si nanay, Dante. Si nanay walang malay..." sagot ko sa kanya na tila naghihinagpis ang aking boses sa takot. Napahigpit ang aking hawak sa aking telepono nang naglakad ako pabalik sa kwarto ni Nanay Aning.

"Anung nangyari Elena?" Tanong niya ulit sa akin.

"Hindi ko alam Dante. Hindi ko alam. Tulungan mo ako, Dante. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari kay Nanay Aning," iyak ko sa kanya habang patuloy na nagmamakaawa.

"Sige hintayin mo ako riyan," sagot niya sa akin. Narinig ko ang pagputol nang linya pagkatapos no'n.

Kumuha ako ng tuwalya at binasa ito. Pinunasan ko ang kanyang mukha at ang kanyang katawan habang nakahiga sa kama. Paulit-ulit akong nagdadasal sa Panginoon na nawa'y patnubayan niya ang nakahandusay kong lola sa kama.

*************************

Mga ilang minutong nakalipas, narinig ko ang malakas na pagkatok sa labas nang aming pintuan. Kaagad akong bumaba at binuksan ang pinto.

Nang bumungad sa akin ang mukhang nag-aalala ni Dante, bigla tumulo ulit ang aking mga luha at napayakap nang mahigpit sa kanya. "Dante! Salamat at bumalik ka!"

"Elena, kamusta si Lola? Nasaan siya?" Bumitaw siya sa aking pagyakap. Kaagad kong hinila ang kanyang kamay papunta sa kwarto ni Nanay Aning. Nang makarating kami roon, nakita niyang nakahiga si Lola Aning sa kanyang kama.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong niya sa akin

"Hindi naman..." Hinaplos niya ang pisngi ni Nanay Aning bago tumingin sa akin. "Buti na lang at binisita ko siya sa kwarto dahil hindi ko alam kung anung gagawin ko kapag naabutan ko siyang ganito nang maaga."

Niyakap niya ako muli at saka napamasid kay Nanay Aning. Nang makita niya ang kalagayn nito, pumunta siya kaagad sa kama, at binuhat si Nanay Aning. "Kailangan natin siyang dalhin sa hospital." Sabi nito sa akin.

Tumango ako sa kanya. "Kanina ko pa sila tinawagan, Dante. Nauna ka lang," sagot ko sa kanya.

Napatango siya sa akin sinabi.

Nang bumaba kami ng hagdan, habang buhat ni Dante si Nanay Aning sa kanyang likuran, narining ko ang huni nang ambulansya na paparating sa aming bahay. Kaagad akong tumakbo rito at binuksan ang pintuan. Nakita nang mga medic si nanay, ibinigay ni Dante si Nanay Aning sa kanila at inihiga sa kutson na kanilang hawak. Nang makapasok si Nanay Aning sa loob nang ambulansya, kaagad kong sinundan sila sa loob ng ambulansya habang patuloy ang pagtatanong nila sa akin patungkol sa kung ano ang nangyari kay Nanay Aning.

Lumingon ako sa aking kanan at napansin ko si Dante na sumusunod sa amin. Tumigil siya sa harapan ng ambulansya. Napatanong ako sa kanyang pagtigil na may pagtataka sa aking boses. "Hindi ka ba papasok, Dante?"

"Um..." Eto lamang ang tanging sagot niya na tila may pag-aalinlangan.

Hinila ko kaagad ang kanyang kamay at pinaupo siya sa aking tabi habang sinaklop ko ang aming mga kamay. "I need you here with me, Dante," sagot ko sa kanya.

Sa puntong iyon, nagtagpo ang aming mata. Tumango siya sa akin, at hinayaan niya akong sumandig sa kanyang balikat habang nakatingin kami kay Nanay Aning,

***************************

Dante

Hawak-hawak ko ang kamay ni Elena habang naghihintay kami sa Emergency Room. Mga ilang minuto na rin ang nakalipas nang makarating kami sa ospital. It's like it's been a day while we're wating for the doctor's result. Tinawagan na rin ni Elena ang kanyang tiyahin na kakarating lamang ngayon na naghihintay kasami namin. Katulad ni Lola Aning, kamukha ng tiyahin ni Elena ito. Mahaba ang buhok nito at maliit ang ilong na siguro pinagmanahan nila sa kanilang ina na si Lola Aning. She's quite beautiful and young for her age, just like Elena.

Napatingin ako kay Elena, habang nakapikit ang kanyang mata at nakasandig sa aking balikat. I brushed the strands of her hair that kept fettering on her face. She looked serene yet so troubled. With that, I softly stroked her back as I bent down to kiss the top of her hair. Napahigpit siya nang hawak sa aking kamay habang patuloy na nakatingin sa ilaw nang Emergency Room.

"Paano Dante kung may nangyari kay Nanay?" Biglang tanong nito sa akin. Napatingin ako sa kanyang auntie na mukhang nakaidlip. Bumalik ang pangingin ko sa kanya at ngumiti nang bahagya. Hindi ako sigurado sa kung anong mangyayari kay Lola, ngunit sa pagkakataon na ito kailangan kong palakasin ang loob ni Elena.

I squeezed her hand as I assured her, "Walang mangyayari sa kanya Elena, okay. The doctors will take care of her."

"But what if..." Hindi niya natuloy ang kanyang sinabi, nang bigla akong nagsalita. I cupped her cheeks and replied, "Even if something happens to her, I won't leave you Elena. I promise that."

Napatungo siya sa akin. Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n. Napatingin ako sa orasan at napansin ko na twelve oclock na pala nang gabi. Hindi pa ako nakakauwi at baka mapansin na nila Auntie ang pagkawala ko. Dahil dito, kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at kaagad na dinial ang kanyang number. Ngunit, sakto, bago ko pa man ma-dial ito, tumawag siya sa akin. I moved Elena's head on my shoulders, who was already sleeping, and stood from my seat.

"Hello, auntie?" I answered.

"Kanina pa akong tumatawag sa iyo pero busy ang line mo. Nasaan ka na ngayon at hindi ka pa nakakauwi?" Tanong niya sa akin.

Napatikhim ako. "Nasa ospital po ako auntie," matipid kong sagot.

Napasigaw siya sa aking sagot, "Anung ginagawa mo sa ospital?"

"Emergency po. Naospital po ang lola ni Elena." I replied as I tucked my arms and held the back of my nape.

"What happened?" She asked, astonishingly.

I paced back and forth as my eyes were fixated on Elena, who was still sleeping. "Pauwi na po sana ako nang makatanggap po ako nang tawag galing sa kanya. Napansin na lang daw niyang nasa sahig si Nanay Aning na walang malay, " I explained to her. I hope she understood the situation I'm having right now. Compared to my mom, Auntie Rizza is more understanding that her.

"Ah ganun ba, pakausap nga Dante kay Elena," tugon nito sa akin.

"She's sleeping right now, Auntie. I don't wanna disturb her," I replied.

"Hmm sige, pupunta na lang ako riyan bukas. Ikaw naman umuwi ka muna at gabing-gabi na. Mag-alala niyan ang nanay mo sa iyo. Alam ko na nag-aalala ka kay Elena, pero kailangan mo rin umuwi Dante. Okay?" Sabi nito sa akin.

Napalunok ang sa kanyang sinabi. "Sige po, uuwi na po ako. "

"Sige umuwi ka na. Bukas mo na lang ulit bisitahin sila Elena. Sasamahan kita bukas," Dagdag niya.

After that, I ended the call and went back to my seat, beside Elena. Tinapik ko siya nang tatlong bese hangga't minulat niya ang kanyang mga mata.

Napaupo siya nang maayos at napatanong sa akin. "Ano iyon Dante?"

"Kailangan ko nang umuwi, Elena. Tumawag na sa akin si Auntie Rizza," sabi ko sa kanya.

"Sige. Magpahinga ka muna." Ngumiti siya sa akin at napatayo nang tumayo ako. Niyakap niya ako ulit, pero this time, marahan niyang hinaplos ang akin likod. " Maraming Salamat, Dante. I don't know how to thank you enough."

"You don't have to thank mo. I told you, gagawin ko ang lahat para sa iyo, Elena," I snaked my arms around her waist as I kissed the crown of her head.

Bumitaw siya sa pagyakap ang ngumiti sa akin. "Sige umalis ka na, baka hinahanap ka na ni Mrs. Ramos."

"Pupunta na lang ako bukas ah. Kasama ko si Auntie Rizza," sagot ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. "Alam niya?" Bumitaw siya sa pagyakap sa akin.

"Oo sinabi ko sa kanya. Alam ko na mag-aalala yun kapag nalaman niya," saad ko.

Napatango na lang ulit si Elena. "Ah sige, bukas na lang."

"Sige Elena..." Napalakad ako nang pabaliktad habang nakatingin sa kanya.

"Ingat, Dante..." Kumaway siya sa akin bago ako lumingon at naglakad papalayo sa kanila.

*************************

Hindi pumasok si Elena kinabukasan. Tumawag siya sa akin ngayon araw at sinabing hindi siya makakapasok nagyon lalo't na sa malalang kondisyon ni Nanay Aning. Sabi raw nang mga doctor, kumalat na daw ang cancer sa katawan ni lola kung kaya't nahimatay siya kagabi. Buti na lamang at naabutan namin si Lola Aning bago lumala pa lalo ang kanyang kondisyon.

Halata sa boses ni Elena ang pagkabagabag, kung kaya't hindi rin ako nakapag-focus ngayon araw. Nasabihan ko rin si coach na hindi ako ngayon makakpunta nang praktis dahil sa emergency na nangyari. Buti na lamang at pumayag siya basta raw ay makahabol ako sa mga susunod na praktis namin.

Gayon din naman ang sobrang pag-alala ni Melai kay Elena. Nagulat na lamang ako nang biglang bumungad siya sa aking harapan nang recess at hinahanap sa akin si Elena. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kagabi at kung nasaan ngayon si Elena. Kung kaya't nang malaman niya ito, napagdesisyunan niya na sumama sa amin ni Mrs. Ramos na bisitahin si Elena at si Nanay Aning sa ospital.

Mabilis natapos ang araw ngayon na parang isang iglap lamang. Kaagad akong nagpaalam sa aking mga kaibigan upang makapunta ako kaagad kay nila Elena. Paglabas ko pa lang nang pintuan ay nakita ko nang naghihintay si Melai sa akin. Nagtaka naman si Rafael at bakit kasama ko raw si Melai at hindi si Elena. Natawa na lamang ako nang makita kong may kaonting pagseselos sa kanyang mukha, kaya't sinigurado ko sa kanya na pupunta kami sa ospital para bisitahin si Elena at ang kanyang lola. Nang malaman naman niya ito, kaagad naman siya nagligpit at sumama na rin sa amin. Nairita si Melai rito, ngunit wala siyang magagwa lalo't na alam naman niya ang makulit na ugali ni Rafael.

Hindi na nakasama si Auntie Rizza dahil may kailangan pa siyang tapusin kung kaya't napagdesisyunan namin na mauna na lang kami. Sabi niya susunod na lang daw siya o kung hindi man siya makasunod, baka bisithain na lang niya bukas si Nanay Aning. Gayunpaman, nagpadala si Auntie Rizza nang mga prutas para kay Lola Aning.

Mga ilang oras rin at nakarating din kami nang ospital. Kaagad akong naglakad papuntang information office at nagtanong nang kwarto kung saan sila Elena. Nang makuha ko ito, pumunta kami deretso sa elevator at umakyat nang pangatlong palapag. Sa puntong iyon, ramdam ko ang pagpapawis nang aking kamay sa kaba, dahil alam ko na balisang-balisa ngayon si Elena at nag-alala para sa kanyang lola. Nang makarating kami sa kanilang kwarto, nakita kong nakaupo at nakasandig sa kama ni Nanay Aning habang natutulog. Siya lamang ngayon ang nasa kwarto ang nag-iisa. Makikita mong bakas sa kanyang mga mukha ang pagkapagod at pag-alala.

Ibinababa ko sa bakanteng table ang binigay na prutas ni Auntie at lumapit kay Elena. Hinaplos ang kanyang malambot na buhok at mahinang nagsalita, "Elena, we're here. Naandito rin si Melai at si Rafael."

Dumilat ang kanyang mga mata nang marinig niya akong magsalita. "O, naandito pala kayo." Napalingon siya sa paligid at nakita niya si Rafael at si Melai. Nang makita niya si Melai, kaagad niya itong niyakap nang mahigpit. "Melai, naandito ka!"

"Sumama ako kaagad kay Dante nang malaman ko ang nangyari kay Lola Aning." Bumitaw sa pagyakap si Melai at napamasid kay lola na mahimbing na natutulog. "Kamusta na si lola?" Tanong nito sa kanya.

Napalingon si Elena kay Lola. "Okay naman siya ngayon. Kanina nagising siy at tinawag ang pangalan ko. Medyo nanghihina. Sabi nang doctor kumalat na ang cancer niya sa katawan kaya nahimatay siya noong nadatnan ko siya kagabi sa kanyang kwarto. Buti na lamang at nakita ko siya kagabi, kun'di baka...." Hindi na natuloy ni Elena ang kanyang sasabihin. Tumulo ang kanyang mga luha at muling niyakap si Melai.

"Shh. Naandito ako, Elena. sasamahan ka namin dito, okay. Walang mangyayaring masama kay Lola Aning. Siya pa, eh ang lakas lakas niya kaya. Hindi niya hahayaan na iiwanan ka sa kanila," sabi nito kay Elena habang patuloy ang pagtahan sa kanya.

Hinayaan namin ni Rafael na mag-usap si Elena at si Melai sa loob nang kwarto. Napagpasyahan namin na lumabas muna upang bigyan sila nang privacy. Umupo ako sa bakanteng upuan nang hallway habang pinagmamasadan si Rafael na bumili nang kape sa vending machine. Umupo siya sa tabi ko nang makuha niya ito at ibinato ang kapeng hawak niya.

"Okay ka lang?" Tanong nito sa akin'

Napangiti ako sa kanyang nang bahagya. "I don't know, actually."

"She'll be fine don't worry," saad nito sa akin.

"Thanks mate. Salamat at sumama ka sa amin kahit hindi naman kayo close ni Elena," dagdag ko sa kanya sabay bukas sa malamig na kapeng hawak ko.

"Ano ka ba pre! wala'yon. Sino ba naman ang magdadamayan kun'di tayo-tayo lang din," Sagot nito sa akin.

Napangisi ako sa kanyang sinabi. Hindi kami nag-usap pagkatapos no'n at hinayaan balutin nang katahimikan ang paligid. Sa panahon iyon, hindi ko pa rin mawari ang pag-aalala ko kay Elena at kay Lola Aning. Alam ko na si Lola Aning na lamang ang natitirang pamilya kay Elena, maliban sa kanyang auntie na malayo sa kanila.

Napansin ko na tinapon ni Rafael ang kanyang tanso nag kape sa basurahan. Lumapit siya sa akin at umupo pagkatapos no'n. "Hindi ko alam ang relasyon mo kay Elena, pero malalim na ata kung anong meron kayo," sabi nito sa akin.

Hindi ko sa kanya nasasabi na kami na ni Elena. Its not that I wanted to hide it to him, but it just didn't cross my mind to tell him. With that, I glanced back at her and admitted to him. "Kami na ni Elena."

Napangisi siya na parang alam na niya. "Sabi ko na nga ba. Kaya pala hindi ka sumasama sa amin kapag break ay dahil kasama mo pala si Elena."

"Parang ganun na nga." Napangiti ako.

"Akalain mo iyon, isang Elena Payton, nakuha ng isang Dante Constantinople. Iba ka talaga pare," dagdag nito sa akin.

"It's not like that..." I softly said.

"So it is serious then?" He asked in a serious tone.

Napatango ako sa kanya. "I really like her," I said honestly. No, I think I already love her. I already do. I already felt it before I realized that I already do.

Binasa niya ang kanyang mga labi at sinaklop ang kanyang mga kamay. "Paano iyon Dante kapag aalis ka na?"

Napaisip ako sa kanyang sagot. I shrugged thinking about it. Ayoko muna itong pag-usapan lalo't na hindi pa naman ito mangyayari. "I'm not going anywhere. I'm staying," I replied with indignation.

"You can't say that Dante. Diba, naalala mo ba noong una ka dito sa Pilipinas ako ang una mong naging kaibigan at sa simula't sapul na iyon gusto mong bumalik sa States kaya ka nga nagvarsity para mas mapadali ang pagpunta mo roon," He reminded me.

Yes. I said that. Pero iba na ngayon, ayokong iwanan si Elena nang ganito. "But it's different right now. I have Elena," I interjected.

I heaved a deep sigh.

"You're totally whipped na pare," he chuckled.

I just smirked as I looked at the close door in front of us.

***********************

Kaagad rin kaming umuwi dahil hindi rin kaming pwedeng magtagal sa loob nang ospital lalo't na may curfew sa pagbisita. Sandali rin kaming nakabisita dahil kailangan na daw ni lola Aning nang pahinga. Hindi kami masyadong makapag-usap ni Elena lalo't na nakulangan kami nang oras. If only I could stay beside her for the rest of her stay there, I would.

Umuwi ako kaagad pagkatapos kong pumunta nang ospital. Hindi na nakapunta si Auntie Rizza dahil may biglaan siyan tawag mula kay mama. Minsan lang tumawag si mama, kung kaya't napagpasyahan ko rin na umuwi na kaagad.

Hindi pa madilim ang paligid nang makauwi ako. Binuksan ko ang pintuan at parang tahimik ang buong bahay na kalimitan lang ito mangyari. Inalis ko ang aking sapatos at pumasok sa loob. Wala tao sa loob nang sala na kadalasan pinapamalagi ni uncle kapag nanonood siya ng basketball.

"Naandito na ako," I informed them as I glanced back and forth to the surroundings.

Nang pagpunta ko nang kusina, kaagad bumungad sa akin ang mukha ni Auntie Rizza na mukhang masaya. Niyakap niya ako nang mahigpit habang, ako sa kabilang banda ay takang-taka. Bumitaw ako sa kanyang pagyakap at nagtanong, "Anung meron po?"

"Anak..."

Nang marinig ko ang kanyang boses, tumigil bigla ang aking mundo. Napatitig lang ako sa kanyang mukha ma may kagalakan, habang niyapos niya ako nang mahigpit.

"Naandito na ako anak. I have a good news for you. You can go back to States."

Time stopped for a minute, as I looked at her with perturbated face.

************End of Chapter 18***********