Nasa library ako ngayon kasama si Dante habang nag-aaral kami sa nalalapit na monthly exams. Parang kailan lang noong huling nag-review kami noong periodicals at heto nanaman kami ngayon naghahanda para sa susunod na exams. Nakaupo kami malapit sa bintana kung saan malamig ang agos nang simoy ng hangin. Mainit sa library at walang aircon, tanging ang mga electric fan lang ang nagpapalamig ng kapaligiran kung kaya't minabuti namin na rito kami umupo sa tabi nang bintana. Maganda na rin naman dito para makapagpokus kami nang pag-aaral lalo't na naghahabol si Dante ngayon nang kanyang mga lessons.
"Naintindihan mo ba?" Mariin kong tanong sa kanya.
Napamasid siya sa akin at tumango. "Oo, medyo naiintindihan ko na," ukol nito habang pabalik-balik ang tingin niya sa equation na inihalimbawa ko sa kanya. Geometry ang inuturo ko sa kanya ngayon dahil ako ko na rito siya medyo nahihirapan at naguguluhan.
Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi. "Hmm sige, isang example ko pa ha..."Sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang papel sa kanya at nagsulat muli nang bagong equation. Kung tutuusin madali lang naman ang part na ito at hindi naman mahirap lalo't na kung iintindihin mo lang ito nang maigi.
Inabot kami nang ilang minuto sa pag-aaral ng Geometry. Natapos na rin kami nang mga bandang alas singko nang hapon. Buti na lamang at madali itong naintindihan ni Dante na hindi na ako nahirapan pang ituro ito sa kanya. Iniligpit na namin ang aming mga gamit nang makita namin ang simula nang paglubog nang araw. Napagpasyahan ko na tapusin ito nang maaga lalo't na naging madalas ang pag-uwi ko ngayon nang gabi. Ayoko naman mag-alala sa akin pa lalo si Nanay Aning.
Bago ko sinukbit ang aking bag, binuksan ko muna ito at kinuha ang bagong reviewer na ginawa ko para kay Dante nang sa gayon mas madali ang pag-aral niya. "Eto o Dante mga bagong reviewer para sa exam. Kumpleto na iyan at may mga side notes na akong nilagay," paliwanag ko sa kanya.
"Salamat. Pero diba sabi ko naman sa iyo Elena hindi mo naman ito kailangan gawin pa. Okay na tinuturuan mo ako tuwing hapon pagkatapos ng klase," giit niya sa akin. Kinuha niya ang mga ilang libro na hawak ko at kinalong sa kanyang mga braso.
Simula nang maging kami, mas naging madalas ang paghahatid at pagsusundo sa akin ni Dante. Nagulat na lang ako nang isang araw nakita ko siyang naghihintay sa labas ng aming bahay habang nakatukod malapit sa aming gate. Napangiti ako nang maalala ko ang pangyayaring iyon.
"Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba naghihintay?" Ukol ko na gulat na gulat sa aking nakita.
Umiling-iling siya. "Hindi. Kakarating ko lang. Tara sabay na tayo pumasok," sabi nito sabay kuha sa mga librong hawak ko sa aking mga kamay. Hinayaan ko siyang kunin ito sa akin, habang naglalakad kami sa daanan nang aming kalye.
"Hindi mo naman akong kailangan sunduin. Kaya ko naman." Hindi ko napigilan ngumiti kung kaya't napakagat ako sa aking labi.
"Ano ka ba Elena, mabuti na rin yun para mas safe atsaka ayaw mo bang ako ang nakikita mo kagad pagbungad nang araw mo?" Pilyo niyang sagot.
Natawa lang ako sa kanyang sinabi, "Ayoko at ang ang corny mo."
Napahinto ako bigla nang biglang humarap siya sa akin at humilig nang kaonti. "Namiss kita nang nakaraang dalawang araw na hindi kita nakita," aniya sabay pisil ng marahan sa akin mga pisngi.
"Masakit, Dante ah," biro ko habang nakangiti sa kanya.
Napansin ko ang pagbago ng kanyang mukha nang lumibot ang kanyang mga mata sa aking kamay. Kinuha niya ito at inihabi niya ang aking mga daliri sa kanyang mga dalira. Pinisil niya ito nang mariin at ngumiti nang malamyos. "Magandang umaga rin sa iyo, Elena."
Nagtagpo ang aming mga mata at sa sandaling iyon naramdaman ko ang unti-unting pagtahip nang akin puso na lumulundag sa saya at tuwa. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at ngumiti nang marahan, "Magandang umaga rin, Dante."
"Tara?"
"Tara," sagot ko.
Bumalik siya sa kanyang pwesto sa aking tabi. Napalingon ako sa kanya at napangiti habang tinatahak namin ang daan sa amin harapan.
Nanumbalik ang aking atensyon sa kanya nang maramdaman ko ang kanyang pagtapik sa aking braso. "Halika na ba?" Tanong niya sa akin.
"Sige," Tumayo ako sa aking kinauupuan at hinintay si Dante. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito nang mahigpit. Napatingin at napangiti na lamang ako sa kanya habang naglalakad kami palabas nang library.
Mga ilang linggo na rin ang nakalipas at si Melai pa lang ang nakakaalam tungkol sa aming relasyon. Sa una hindi siya makapaniwala na kami na ni Dante lalo't alam niya na na hindi ko ito nagustuhan noong hindi pa kami masyadong magkakilala. Subalit, masaya naman siya para sa akin dahil sa wakas nakahanap na rin daw ako nang taong naandiyan para sa akin. Basta ipangako ko lang sa kanya na hindi ko siya kakalimutan. Natawa lang ako sa sinabi niya at napailing. Kahit kailan talaga si Melai ay napaka-sensitive at hopeless romantic.
"Gusto mo bang kumain muna bago umuwi?" Nabaling ang atensyon ko na nasa kapaligiran nang biglang narinig ko ang boses ni Dante.
Napalingon ako sa kanya at tumango. "Libre mo ba?"
"Oo naman. Syempre," sagot niya habang inuugoy niya ang aking kamay.
"Okay sige. Next time libre naman kita." Tumigil ako sa kanyang harapan at nagpatuloy, "Basta do'n lang tayo sa mura, 'yon kaya nang budget ko lang ha."
Ngumiti siya sa akin. "Hmmp, Yes ma'am."
Napangiti ako sa kanya at sabay na tinahak ang kanyang kamay patungo sa mahabang pasilyo na amin dinadaanan.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya muli.
Napaisip ako, "Siguro bili na lang tayo nang turo-turo tapos do'n ulit tayo sa lagi nating pinupuntahan na lugar." Naging meeting place namin ang 'The Circle of Tree' o ang malaking puno na sa gitna nang paikot na upuan simula noong nagkaroon kami nang konprontasyon ni Dante. Madalas na ang pagpunta namin rito kapag recess of uwian, paminsan minsan dito kami pumupunta kapag mag gusto kaming sabihin sa isa't isa.
"Hindi ka ba do'n natatakot? Marami daw multo do'n," kwento ni Dante.
Umiling ako. "Hindi naman. Wala naman akong nakikitang multo roon. Atsaka gusto ko roon dahil ang lamig nang simoy nang hangin. Ikaw ba?"
"Hindi. Siyempre that place is very special to me."
Napataas ako ng kilay at napangisi. "Hmmm. Ayan ka nanaman sa banat mo eh," tugon ko bago pa siya makasagot.
"Hindi naman 'to banat. Do'n ka umamin sa akin kaya sobrang saya ko." Ngumisi siya sa akin.
"Para kang tanga," sabi ko rito.
"Tanga lang para sa iyo." Ngumisi siya sa akin. Napahilig ako nang kaonti nang maramdaman ko ang pagsiil nang kanyang labi sa aking sentido.
"Ang corny mo talaga, Dante." Pero kahit man gano'n si Dante, natutuwa pa rin ako sa kanyang mga malamyang mga banat.
Lumiko kami sa kaliwa kung saan papalapit na kami sa guardhouse. Wala nang masyadong tao at mukhang kaonti na lang ang mga studyante na namamalagi rito. Nang malapit na kami rito, laking gulat ko nang makita ko si Samantha nakaupo sa bangko, habang hawak ang kanyang cellphone.
"Ate Elena? Kuya Dante?" Napansin ko ang kanyang mata na lumibot sa kamay namin ni Dante na magkawak. Binitawan ko kaagad ang kamay ko na hawak-hawak ni Dante. Napatigil kami ni Dante sa paglalakad.
Nanlaki ang kanyang mata at bakas sa kanyang mukha ang halong pagka-inis at pagkagulat. "Teka, Samantha!" Sambit ko sa kanya. Lumingon ako kay Dante at nagpaalam, "Dante, mag-usap na lang tayo bukas kailangan kong kausapin si Samantha."
"Sige." Napatango lang si Dante at hinayaan niya akong habulin si Samantha.
*************************
"Samantha teka lang! Mag-usap tayo," sigaw ko sa kanya habang pinagmamasadan siyang tumakbo palabas nang guardhouse. Napatakbo ako sa kanyang direksyon kung saan papunta siya sa parking lot. Nang mahabol ko siya, kinuha ko ang kamyang mga braso at hinawakan. "Saglit lang Samantha mag-usap tayo."
Lumingon siya sa akin at napansin ko ang paglabas nang kanyang mga luha. Pinunasan niya ito saka inalis ang aking kamay sa kanyang braso. "Ano pa ba ang kailangan natin pag-usapan ate? Ang akala ko ba walang namamagitan sa inyo ni Kuya Dante?!" Bulyaw niya sa akin.
Napaurong ako sa aking pwesto. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin at kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Alam kong mali ang aking ginawa. Naging padalosdalos ako sa aking nararamdaman na hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoo. At ngayon na nalaman na niya, huli na ang lahat. "I'm sorry Samantha. Hindi ko sa iyo nasabi...Noong panahon na tinanong mo ako tungkol kay Dante, hindi pa kami no'n Samantha." Sinubukan kong kunin ang kanyang mga kamay ngunit inalis niya ito kaagad.
"So kelan naging kayo ate? Noong nalaman mo na may gusto ako sa kanya? Kaya ba inagaw mo siya sa akin? Ginawa mo akong tanga ate, nagsinungaling ka!" Nagbubulalas niyang sinabi sa akin nang mariiin. "Ang akala ko pa naman mabait ka at matuturing kitang mabuting kaibigan. Ngunit nagkakamali pala ako, hindi pala," dagdag niya sabay punas sa kanyang mga luha.
Wala akong ibang masabi sa kanya kung hindi patawad. Alam ko na nagkamali ako, na dapat sinabi ko ang totoo sa kanya. Ngunit sa panahon na iyon, napangunahan ako nang aking takot at kaba. Takot na ayoko siyang masaktan at kaba na ayokong aminin ang nararamdaman ko para kay Dante. "I'm sorry Samantha. Patawad. Ayoko kang masaktan..."
"Ate, nasaktan mo na ako noong simula pa lang na magsinungaling ka sa akin. Umalis ka na. Ayoko kitang makausap muna," aniya at lumayo siya sa akin habang yakap-yakap ang kanyang sarili.
At sa puntong iyon, wala akong ibang magawa kung hindi pagmasdan siyang naglalakad mag-isa papunta sa parking lot.
*************************
Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang pagkain na nakahain sa akin harapan. Naandito ako ngayon sa Circle of Tree kasama si Dante na kumakain nang reccess. Malamig at presko ang simoy nang hangin, gayunpaman, hindi ko pa rin ito maramdaman dahil agam-agam ko tungkol sa nangyari sa amin kahapon ni Samantha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung paano siya kakausapin. Napapaisip ako tuloy kung tama ba itong relasyon namin ni Dante lalo't na alam ko na may nasasaktan.
Napatingin ako kay Dante na kasalukuyang kumakain ng sandwich. "Dante," tawag ko sa kanya.
Napataas ang kanyang dalawang kilay. "Ano iyon?" tanong niya nang mabilis.
"Tama ba itong ginagawa natin? Dahil ayokong may nakikitang tao nasasaktan dahil sa atin. nang makita ko si Samantha na nasaktan, hindi ko kaya," paliwanag ko sa kanya. Napayuko ako sa kanya habang nakatitig sa aking dalang pagkain.
Inangat niya ang ang aking mukha at hinawi nang marahan ang aking buhok. "Hey...Hey, look at me, Elena. Wala tayong ginagawang masama. yes she's mad, but let's give her some time to calm down and think through things. It's not your fault, Elena. Walang may kasalanan. Okay, remember that?" Paliwanag niya sa akin.
Nang marinig ko iyon galing sa kanya, tila lumuwag ang aking pakairamdam. "I hope sana nga Dante." Dahil, ayokong mamili sa kanilang dalawa. Niyakap ko siyang mahigpit at pagkatapos napasandig sa kanyang mga balikat.
"Do you want to stop this, Elena?" Biglang natanong niya sa akin.
Lumingon ako sa kanya at umiling. "Ayoko, Dante." Ayoko dahil ikaw na lamang ngayon ang nagbibigay lakas at saya sa akin at ayokong mawala iyon.
Ngumiti siya sa akin. "Then let's wait for her to be okay. Don't overthink about it, okay?" aniya.
Napabuntong-hininga ako. "Okay," sabi ko sabay kain sa akin dalang baon na tinapay.
"Nga pala, Elena. may gusto sana akong tanungin sa iyo," Napalingon si Dante sa akin at kinuha ang aking kamay. Nilaro niya ito sa kanyang mga daliri at pinagpatuloy ang pagsasalita, "Since malapit na ang prom, pwede ba kitang maging date?"
Bigla akong napaisip sa kanyang pagpapaalam. Naalala ko pala na malapit na ang prom namin. Dalawang linggo pagkatapos nang exam ay promenade na. "Sa prom?" Sinagot ko siya nang isa pang tanong.
"Oo. Pupunta ka ba?" Tanong niya ulit.
Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi. "Hindi eh Dante. Wala kasing kasama si Nay Aning atsaka wala rin akong damit para do'n sa prom."
"Sayang naman kung hindi ka makakapunta."
Ngumiti ako sa kanya nang marahan. "Okay lang. mag-enjoy na lang kayo do'n. Ayoko rin pumunta lalo't na kung makikita ko roon si Romer."
Napatango na lang siya sa akin. "Hmm sige. Kung hindi ka pupunta, hindi na rin ako pupunta."
Napakunot ako nang noo. "Ano ka ba pumunta ka, sayang naman 'yon."
"Eh wala ka naman do'n Elena. Hindi rin masaya..."Explanasyon niya sa akin.
"Hindi naman kailangan na naando'n ako para mag-enjoy ka," sinabi ko kaagad.
Umiling-iling siya. "Ah basta, hindi ako pupunta dahil wala ka doon. They can go and enjoy there." Ngumisi siya sa akin at pinisil ang aking kamay habang hawak niya ito.
"Eh paano yan, hindi ba't magtataka sa iyo niyan si Mrs. Ramos?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit siya nang balikat. "Hindi 'yan. Sasabihin ko na lang na may kailangan akong gawin."
Ngumisi ako. "Ano nanaman ba yang pinaplano mo?" Inangat ko ang ulo ko na nasa kanyang mga balikat.
Lumingon siya sa akin at sinabing, "Basta...Surprise na iyon."
**********************
Natapos ang dalawang linggo nang mabilis. Natapos na ang monthly exams at gayon na rin papalapit na ang prom, ngunit hanggang ngayon patuloy pa rin ang pag-iwas sa akin ni Samantha. Naikwento ko na rin ang pangyayaring ito kay Melai, hindi man siya sang-ayon sa aking ginawa, nariyan pa rin siya sa akin tabi at patuloy na sumusuporta. Sana lamang ay hindi masira ang pagkakaibigan ni Melai at Samantha dahil sa akin. Gusto ko siyang kausapin, ngunit ayoko rin naman pilitin si Samantha lalo't nang may na namumuong galit sa kanyang mga puso.
Pinilit ako ni Melai na sumama sa prom dahil nga daw, minsan lang iyon mangyari at sayang naman kung hindi ko ma-eexperience eto. Subalit bago niya ito masabi, huli na ang lahat at nakapagpasa na ako ng form na nagsasabing hindi ako makakasama. Alam ko naman na sayang na hindi ko man lang mararanasan ito, ngunit hindi rin naman ako makakapunta talaga dahil wala rin naman akong sasakyan papunta roon at wala rin akong damit na masusuot. Isa pa, ayoko rin iwanan si Nanay Aning nang gabi at makita si Romer roon. Mabuti na lang na ipagliban ko ito at manatili sa bahay.
Nasa bahay ako ngayon nakadungaw sa bintana habang pinagmamasadan ang napakaraming tala sa kalawakan. T'wing gabi, ito ang laging minamasid ko bago ako matulog o kung wala akong ginagawa. Tila kapag nakikita ko to ay nakakaramadam ako nang kapayapaan at katahimikan.
"Psst."
"Psst."
"Elena!"
Mga ilang segundo lang nakarinig ako ng batong hinahagis sa aming bintana. At dahil doon, napatingin ako sa baba, at napansin ko si Dante na nakatungo at nakamasid sa paanan nang amin bakuran. Nanlaki ang aking mata sa akin nakita at napatayo ako sa aking kinauupuan.
"Anung ginagawa mo dito, gabi na " mahina kong saad sa kanya. Napalingon ako sa aking pintuan at napasuri kung nariyan ba si Nay Aning.
"Baba ka muna riyan. May pupuntahan tayo," sabi nito sabay ngumisi sa akin.
Napakunot ako ng noo. "Saan tayo pupunta? Baka makita ka ni nanay," sagot ko sa kanya na nagmamadali.
"Hindi yan. Basta. Baba ka muna. Saglit lang to, pramis," hindi ako makahindi sa kanyang mga mapanuksong mga ngiti. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napangisi nang pahapyaw.
Kinumpas ko ang aking kamay at sumagot sa kanya, "Wait lang. magbibihis ako." Napatingin ako sa salamin at napansin ko ang hindi ko maayos na damit. Magulo ang aking buhok at hindi kakaaya-aya ang aking suot. Dali dali akong dumertso sa aking aparador at kumuha ng pang-alis na damit. Kinuha ko ang nag-iisa kong magandang sundress at sinabayan ko ito nang jacket. Sinuklay ko ang aking buhok at nagsuot ng headband. Naglagay na rin ako nang kaonting klorete sa akin mukha nang hindi naman ako magmukhang hindi kaaya-aya.
Pagkatapos yaon, dumeretso ako sa baba at dahan-dahan kong binuksan ang aming gate. Pagdating ko rito, nakita ko si Dante na nakahilig sa pintuan habang may hawak na mga bulaklak. Ngumiti siya sa akin at kaagad na ibinigay ito sa akin.
"Dante, mga Camella ito ah. Paano ka nakakuha?" nagulat ako at napangiti ng malaki nang makita ko ang bulaklak ng camella na inabot niya sa akin. Camella ang ipinangalan sa akin ina, at dahil dito, napakaespesyal nito sa akin.
Napahawak siya sa kanyang batok at mahinang sumagot sa akin, "Nagpasyal-pasyal ako kaninang umaga ta naghanap nang bulalak na iyan. Buti na lang may isang tindahan sa palengke na nakakita ako ng Camella. Naisip kita kung kaya't binili ko ito kaagad."
Hindi ko mapigilan mapaluha nang kaonti. Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit nang masabi niya iyon, "Thank you, Dante."
"Well Elena, hindi pa tayo tapos at may pupuntahan pa tayo. Kaya habang maaga pa, tara na" Bumitaw siya sa aking pagyakap at pinisil ang aking mga pisngi ng marahan.
Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang pisilin ang aking pisngi, samantalang hindi naman ito gaano kalakihan. "Saan mo ba ako dadalhin ngayon at gabing-gabi na?" Tanong ko sa kanya.
"Basta. Just wait for it," ngumisi siya sa akin at hinila ang akin kamay papunta sa sakayan nang tricycle. Narinig ko si Dante na may sinabi siyang lugar sa driver na hindi ko alam, dahil rito napatanong ako sa kanya, "Nakikonchava ka ba kay manong?" Napataas ang aking kilay.
Natawa siya sa akin sinabi. "Ano ka ba, hindi naman sa ganun. Sadyang naging close lang kami ni kuya dahil diba pag sinusundo kita at pauwi na ako, siya ang lagi kong nasasakyan. Kaya ayun, eto I asked him a favor," paliwanag niya sa akin.
"Ready na po ba kayo sir?" Biglang singit ni manong.
Tumango siya kay Dante at sinumulan paandarin ang kanyang sasakyan.
***********************
Bumaba kami sa isang liblib at walang taong lugar na malapit lamang sa amin eskwelahan. Kung isusuri nang maigi, makikita na naandito kami ngayon sa playground na katabi lamang ng school. Bumababa kami sa tricycle at napatitig ako rin. Walang ilaw at madilim, tila ang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi ang mga tala kumikislap sa aming ibabaw.
Napalingon ako kay Dante, nakita ko siyang kinakausap ang si manong. "Sige, sir dito lang po ako," sabi nito kay Dante.
Tumango naman si Dante sa kanya, "Sige Kuya Iko, maraming salamat po. Sasabihin ko na lang po kung pauwi na kami."
"Sige iho, mag-ingat kayo at baka kayo abutan nang kagat ng madaling araw," paalala nito sa amin.
"Sige po Kuya. Maraming salamat po," tugon naman ni Dante.
Nang matapos sila mag-usap, kaagad naman tumakbo si Dante papunta sa akin. "Tara?" sabi nito habang inihabi niya ang kanyang kamay sa akin.
"Saan ba tayo Dante? Ang dilim naman dito?"Tanong ko habang ramdam ko ang kaba sa aking dibdib.
"Don't worry. You'll be alright. I'm with you," sabi niya sabay siil sa aking kamay.
Nag-alinlangan akong tumango sa kanya at sinundan siya sa madilim na playground. Nang makapasok kami, binitawan niya ang aking kamay at pumunta sa liblib na lugar ng playground. Bago pa ako makapagsalita, nakaalis na siya, at naiwan akong mag-isa sa gitna rito.
"Dante nasaan ka na?" Tanong ko sa kanya. "Kung mananakot ka, hindi ito nakakatuwa," dagdag ko rito. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin.
*ting*
Napalingon ako bigla sa paligid nang makita kong magsibukasan ang mga ilaw na nakapalibot rito. Tila ay mga bituin sila na kumikislap na nakaikot sa playground. Napamasid ako sa ibabaw at nakita ko ang matitingkad na liwanag nito. Sa kabilang banda naman, napansin ko ang isang napakagandang abandonadang gazebo na may naglalaman na upuan at mga pagkain.
Inihanda ba ito ni Dante kanina pa? Napangiti ako at napakagat sa aking labi. Lumingon ako at hinanap ko siya sa buong paligid. Napansin ko siyang nakatayo sa gitna rito, habang nakangiti nang malamyos sa akin.
"Dante..."
Natagpuan ko ang kanyang mga mata na nakatitig at nakangiti sa akin. Lumapit siya sa aking kinaroroonan at marahan na pinulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang.
"Ano ito?" Tanong ko sa kanya na may halong saya at pagtataka sa aking boses.
Napatingin siya sa paligid. "Hmm since hindi ka makapunta ng prom, i made this for you, to get your own prom--with me. Syempre I don't want you to miss this especial moment in your life. That's why I decided to do this for you, " paliwanag niya sa akin.
Hindi ko mapigilan mapangiti sa kanya. Naramdaman ko ang konting pagkirot ng aking puso nang makita ko siyang nakangiti sa akin. "Hindi mo naman kailangan gawin to Dante," saad ko sa kanya sabay haplos sa kaniyang mga pisngi.
"It's alright. I wanted to do this for you," sagot niya sa akin. Hinila niya ako papalapit sa gazebo at kinuha ang aking mga kamay. "May I have this dance?" nakangisi niyang tanong sa akin habang nakayuko ang kanyang ulo.
Napangiti ako sa kanyang ginawa. Binaba ko sa table ang Camella na ibinigay niya at kinuha ko ang kanyang mga kamay. "You may," tugon ko sabay inikot ang aking mga braso sa likod ng kanyang leeg.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at nagpatugtog ng musika. Nagsimulang umalingawngaw ang himig ng kanta sa buong kapaligiran. Napapikit ako sandali habang nakahawak ako sa mainit na braso ni Dante.
"Ang ganda, Dante. Paano mo nagawa itong lahat?" Tanong ko sa kanya habang nakamasid sa kagandahan ng buong paligid.
"Tinulungan ako ni manong na-ikabit yang mga christmas lights sa ibabaw ng arko at sa gazebo," nahihiya niyang paliwanag sa akin.
"As in si kuya na naghatid dito sa atin?" Tanong ko ulit sa kanya.
Tumango siya. "Oo. Kung hindi siguro kay kuya hindi ko ito matatapos."
Napangisi ako sa kanya, "So ibig sabihin pala niyan kailangan kong magpasalamat kay kuya."
Tumagingting ang kanyang malakas na tawa sa buong kapaligiran. "Hindi na kailangan, Elena. Ako nang bahala do'n. Basta ang intindihin mo ang ngayon. Let's enjoy the moment tonight while it last."
Hinilig ko ang aking noo sa kanyang habang sumasayaw kami sa malambing na himig ng kanta. Napapikit ako papandalian at dinama ang kanyang mainit at banayad na pagyakap sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata nang inangat niya ang aking panga. Naramdaman ko ang kanyang paghawi sa aking buhok at paghipo nang kanyang hinlalaki sa aking mga labi. Napangiti siya sakin ng marahan at lumapit ng kaonti. Humilig siya at hinapit niya ang kanyang labi sa aking noo. Sa sandaling iyon, naramdaman ko ang pintig ng aking puso na patuloy sa pagtibok kasabay nang malamyos na himig ng kanta.
"Thank you Dante. Thank you for this day, "nasabi ko sa kanya habang nakapalupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Hinilig ko ang aking noo sa kanya habanh patuloy ang pag-ugoy ng kanta.
"Always, for you..." He softly smiled.
Nang matapos ang kanta ay sumagot siya sa akin, "teka, hindi pa tayo tapos," sabi nito sa akin. Tinahak niya ang kamay ko sa upuan malapit sa tabi namin. Umupo siya sa akin harapan habang ako naman ay nakaupo sa kabilang banda.
"May padinner papala tayo?" biro ko sa kanya.
"Siyempre naman noh, hindi dapat 'to mawawala," sambit niya.
Binuksan niya ang metal na bilog na nakatakip dito at bumungad sa akin ang take-out box ng Jollibee. "Talagang Jollibee ah. Ang akala ko pa naman nagluto ka," pakunwari akong nadismaya.
Napakamot siya sa kanyang batok at napatawa, "Sorry hindi ako nakapagluto. Next time siguro paglulutuan kita."
"Hmmm... sayang naman at hindi ko nagyon matitikman ang luto mo." biro ko habang pinipigilan ang malaki kong ngiti. "Ano 'to chickenjoy or spaghetti?" Tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya ng pilyo sa akin. "Buksan mo na lang."
Nang binuksan ko ito, nakita ko ang kapirasong chicken at palabok. "Paano mo nalaman na gusto ko ang palabok?" Gulat na gulat kong tinanong sa kanya habang kinuha ko ang kutsara at tinidor sa tabi nito.
"From a really really loud little bird," aniya.
"Kay Melai?"
Tumango siya sa akin. "Oo. Pinahirapan pa niya ako bago ko malaman ang paborito mong pagkain maliban sa kare-kare."
"Naalala mo pa pala 'yon?" Sabi ko sa kanya nang maalala ko ang nilaro naming two truths and one lie na kasama si Samantha. Napangiti ako nang mapait nang maalala ko si Samantha. Labis na ang pagka-miss ko sa kanya at gusto ko na rin siya makausap.
"Oo naman." sabi niya habang kumakain.
Napangiti ako sa kanya. "Paano mo nga pala nahanap ang lugar na ito? Abandonado na ito at madalang na lang pumunta dito ang mga tao."
"Noong isang araw lang nang papunta ako sa bahay niyo, nag-pass by ko ang lugar na ito at nakita ko. Naisip ko na since hindi tayo makapasok sa loob nang school after school hours, dito na lang," paliwanag niya sa akin.
"Umaga? Buti napansin mo ang lugar na ito. Dito ako dati naglalaro kasama nang mga kaibigan ko no'ng bata pa ako. Pumupunta kami dito after nang klase at maglalaro buong maghapon. nagagalit pa nga sa akin sila mama kapag uuwi akong mabaho at amoy pawis," tumawa ako habang inaalala ang pangyayaring iyon. Inikot ko sa tinidor ang palabok at saka sinubo sa aking bibig.
"Ano ang nangyari bakit hindi na nagamit ngayon? Sayang naman ang lugar na ito. Napakaganda pa naman," kinuha niya ang dalawang baso sa at saka niya ito nilagyan ng coke.
"Hindi ko rin alam, siguro tumanda lang ang mga dating kabataan at nakalimutan na ang lugar na ito," malungkot kong sinabi. "Kaya thank you Dante dahil ibinalik mo ulit ang ganda nag lugar na ito." Napangiti ako sa kanya, sabay kuha sa aking baso na nilagyan niya ng coke.
"Good thing, that this place is special for you. I wouldn't have known that. Ako, we also have this way back in our place. But since its a city, bihira lang talaga. Meron malapit na basket ball area near our house and after class do'n kami naglalaro buong magdamag," kwento naman niya.
"Kung gano'n bakit soccer ang pinili mo at hindi basketball if you are good at it?" Tanong ko sabay kuha ng palabok sa aking tinidor.
"Mas gusto ko 'yong feeling na naglalaro ako sa soccer kaysa sa basketball. I love the thrill and the excitement of it rather than sa basketball. Hindi naman sa hindi ko gusto ang basketball pero siguro mas gusto ko lang yung challenge ng football/soccer kaysa sa basketball," eksplanasyon niya sa akin.
"Hindi pa ako nakakapunta in one of your games. But I would like too," inamin ko sa kanya.
He smiled at me softly. "I'd like that to." He brushed his fingers besides my lips and wiped the remaining sauce on my face. Napatitig ako sa kanyang ginawa at napatigil sa aking pagkain. "Meron kang sauce sa bibig mo."
"Thanks." Napatikhim ako sa kanyang ginawa. Binaling ko ulit ang atensyon ko sa kanya at napalingon muli sa buong lugar. Binalik ko ito muli sa kanya, nang magsalita ako, "Sige, pupunta ako to one of your games."
Nang marinig niya iyon, naging abot tenga ang kanyang ngiti. "Talaga?"
Tumango ako sa kanya. "Yup. I will."
"Sigurado ka ah."
"Oo nga. Ayaw mo ba?" Napataas ako nang aking kilay.
"Ofcourse not. I love you to be there," Tuwang-tuwa niyang sinabi.
Napakagat ako ng aking labi sa kanyang sinabi. "Okay."
Nang tumayo siya sa kanyang upuan, napatayo rin ako. Kaagad niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. "I've never told you this Elena, but thank you sa lahat." Inilapat niya ang dalawang kamay niya sa akin pisngi at hinagot ito ng marahan.
"Para saan, Dante?"
"For being there for me. For saving me when I was lost. For everything, Elena. Thank you."
Naramdaman kong uminit ang aking pisngi at ang pagbilis nang pintig nang aking puso. Hinagod ko ang kanyang kamay na nasa mukha ko at hinaplos nang marahan.
Sa pagkakataon na iyon, naramdaman ko ang pagbagal ng oras na tila'y sa kanya umikot ang aking mundo. Humapay siya malapit sa akin at hinawi ang aking buhok. Hinawakan niya muli ang aking pisngi at hinaplos ng marahan ang aking mga labi. Napapikit ako sa kanyang haplos at naramdaman ang paglibot ng kanyang mga labi sa aking noo, sa aking ilong hanggang sa nahagkan niya ang aking mga labi.
Sa ilalim ng malamig at taimtim na gabi, inikot ko ang aking mga braso sa kanyang balikat at mariin na inilapit ang aking labi sa kanya habang patuloy ang paghuni ng tibok nang aming mga puso.
********End of Chapter 17********