Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 15 - Chapter 14: Dante & Elena

Chapter 15 - Chapter 14: Dante & Elena

Dante

"Pwede ba kitang makausap, Constantinople?" Saad ng kaibigan ni Elena, si Melai habang nakahalukipkip.

Napatigil ako sa pag-inom sa aking water bottle at napatingala sa kanya. Bago ako tumayo, dumungaw ako sa aking paligid atsaka nakita ang mga kasamahan ko na papunta sa kanilang sariling mga locker. Kakatapos lang nang praktis namin, kung kaya't balak ko na rin naman na dumertso patungo sa library kung saan naghihintay sa akin si Elena.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at sumagot, "Bakit?" Napakunot ako ng aking noo sa pagtataka ng kanyang biglang paglitaw.

"Saglit lang naman. Gusto kita makausap tungkol kay Elena," patuloy niya.

Tumango ako sa kanya. "Sige. Tungkol ba saan?"

Umupo siya malapit sa akin. Napaupo din ako sa kanyang ginawa. Hinintay ko siyang magsalita at magsimula. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya ako kausapin tungkol kay Elena at akung ano ang kanyang pakay, ngunit napagtanto ko sa kanyang mga hitsura na mukha ng importante ang kanyang sasabihin.

Nilinis niya ang kanyang lalamuna at nagsimulang magsalita. "Matalik ko na kaibigan si Elena, simula noong mga bata pa kami. I know a lot of things about her, and also as well as she's with mine..."

Napakunot ako muli ng aking noo. "Okkayy..." I said without sounding offensive.

Pinagpatuloy niya ang pagsasalita, "She's caring and sensitive and she got a lot of burden from the past that still holds her back..." Napatigil siya at napahawak sa kanyang mga daliri.

I understand what she is saying. However, I don't quite get what point she is trying to make. I knew about Elena's parents and how despondent and devastated she is about their early death. I knew how tough it is losing your parents at such a young age.

"All I wanted to say lang naman--tatapatin na kita ah, but don't break my best friends heart. She's very important to me, parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kaya please lang Constantinople, wag mong saktan ang best friend ko or else ikaw ang patay sa akin," babala niya. i was shook by her warning. I have not or will I have ever the intention to hurt her.

"Promise?" Tinaas niya ang kanyang kilay at ibinigay ang kamay sa akin.

Kinuha ko ito ng may pag-aalinlangan. "Pramis," I replied. "but you also have to know, Melai. We are just friends," pinaalala ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin, "Friend nga lang ba?" Humalukipkip siya na parang may kahulugan. Alam ba niya ang tungkol sa nangyari noong araw na iyon? Nakwento ba ni Elena? Napaisip ako.

Napalunok ako ng malalim. "Yup," I replied as clear as the day. From that day, I made promise to not let my feelings hinder our friendship with each other. I like her and I'm fine with just that, staying as it is, if that will make her happy.

Tinaas niya ulit ang kanyang kilay. She pursed her lips and smirked. "Sabi mo eh." Tumayo siya sa kanyang inuupuan at pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. "Sige yun lang naman. Una na ako. Salamat sa time na nilaan mo, alam ko na meron pa kayong tutoring ni Elena." Lumakad siya pababa ng hagdan habang nasa bulsa ng kanyang PE uniform ang kanyang kamay.

"Sure anytime," I told her as I stood from my seat, while holding my bottled water.

"Puta! Dante, naandiyan ka pa ba? Pahinging shampoo at shampoo!" Napalingon ako nang marinig ko ang tawag ni Rafael sa akin habang hawak ang kanyang tuwalya.

"Tang-ina! nagmamadali ka ba?" Sagot ko.

Napatigil sa paglalakad si Melai at napatitig sa amin. "Kahit kailan bastos talaga ang bunganga niyang kaibigan mo," saad nito.

Napatawa lang ako sa kanya. Kinuha ko ang sabon ko sa bag, at tinapon sa kanya. Nakuha niya ito kaagad, at nagpasalamat sa akin, "Salamat! Walang shampoo?" Tanong niya.

"Pucha, wala ka bang dala at may balak kang kunin ang lahat sa akin?" sagot ko na may pagkairita.

"Luh, wala akong balak sumama sa agawan ninyo ni Romer ah!" Anang ni Rafael. Pabalik na sana siya sa banyo ng biglang nakita niya si Melai.

"Oi, kaw pala, Melai." Ikinumpas niya ang kanyang kamay at binati si Melai.

Tinakpan ni Melai ang kanyang ilong at namaluktot ang kanyang mukha. "Ang baho mo! Amoy busabos ka talaga kahit kailan Panis!" Asar nito sa kanya

Napahalakhak ako sa kanyang sinabi at napatingin na lang sa kanilang dalawa. Hindi ko alam na magkakilala pala sila ng kaibigan ni Elena. Akalain mo iyon?

"Tang ina, Dimatulac! Wag mo akong ginagalit at baka ako ang makatulak sa iyo," angil ni Rafael.

"Itulak mo man ako wala pa rin makakatalo sa pagkapanis mo, gagu!" laban naman ni Melai.

Lumapit siya kay Melai at humilig ng paunti hanggang sa konti na lang ang distansya nila sa isa't isa. Ngumisi siya ng pilyo at sinabing, "Panis pala ah..."

Napaurong si Melai at tinulak siya papalayo. "Oo, Panis," sagot nito. Natawa na lamang ako ng mapansin ko ang pagmula ng kanyang mga pisngi. "Makaalis na nga, at baka mas lalo pa masira ang araw ko," padamdam niyang sinabi.

Naglakad siya papalayo sa amin. Lumapit sa akin si Rafael habang tumatawa. "Ang lakas talaga ng topak ng babaeng iyon," daing niya.

Tinaas ko ang aking kilay. "Talaga lang ah, parang tuwang-tuwa ka nga kanina eh."

"Tss. Ano ka ba wala iyon," aniya.

Tinapik ko ang kanyang likod. "Tara na nga."

"Constantinople, wag mong kakalumutan ang pinag-usapan natin," napatigil ako nang bigla kong narinig ang kanyang boses. Lumingon ako sa kanya at napamasid ako ang kanyang maliit na facade sa aking paningin.

"Oo," sagot ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti siya sa akin at kumaway, "Buti naman, Sige."

"Sige, Dimatulac! Kita na lang tayo mamaya!" Asar ni Rafael.

"Kung magkikita tayo, Panis!" Sambit nito at tuluyan ng umalis sa aming paningin.

Tinaas ko ang aking kilay at napahalukipkip na lamang. "So ano yun?" Tanong ko sa kanya na parang may paghihinala.

Nagkibit siya ng kanyang balikat. "Wala. Tara na. Ang baho ko na. Amoy anghit na ako! Maliligo na ako kasi I don't want to live up to my name," iniba niya ang usapan.

"Hoy gago, Kinakausap pa kita!" Tawag ko sa kanya. "Paano kayo nagkakilala ng kaibigan ni Melai?" Kulit ko sa kanya.

Pumasok ako sa loob ng banyo at sinundan si Rafael na naghuhubad na ng kanyang jersey. Tumingin siya sa akin, "Magkapit bahay kami, at magkaibigan ng magulang namin."

"Ano?" Gulat na gulat kong sinabi.

"Yup," matipid niyang sagot.

I chuckled. Sometimes, Rafael made me really wonder. Hindi na ako nagtanong sa kanya pagkatapos noon.

*************************

Nakamasid ako sa kanyang mahahabang pilik mata habang patuloy siyang nagtuturo ng chemistry. Ito na ang last day ko bago magsimula ang supspension ko for one week. it sucks, but then, I have to suck it up. Hindi ko alam kung bakit kailanan pa niyang mag-alala gumawa ng reviewer, lalo't hindi naman na kailangan pa.

Hanggang ngayon napaisip pa rin ako sa pagkausap sa akin ni Melai kanina lamang. Hindi ko alam kung anung gusto niyang ipahawatig, ngunit ramdam ko ang pagkabalisa rito. 'Friend nga lang ba?' What does she mean by that. Alam ba niya ang patungkol sa nangyari s amin ni Elena? May nakwento ba si Elena sa kanya?Mayroon bang sinabi si Elena sa kanya na hindi ko alam? gulong-gulo ang utak ko ngayon, na parang namimilipit sa kakaisip kung ano man ang ibig sabihin niya.

"Dante? Mukhang wala ka sa sarili ah." Nabaling bigla ang pag-iisip ko nang marinig ko ang mahinahon na boses ni Elena. Napalingon ako sa kanya at ngumiti.

"Ah, hindi may iniisip lang. Sorry," sagot ko sa kanya.

Napakagat siya sa kanyang labi. Tinaas niya ang isa niyang kilay at nagtanong muli, "Gusto mo ba na wag muna natin ituloy?" Tinapik niya ang mga reviewer na kanyang ginawa sa aking harapan at pinagpatuloy ang pagsasalita, "Pwede mo naman basahin ang mga reviewer na ginawa ko."

Umiling ako sa kanya. "Hindi okay lang. I'm listening. Napaisip lang ako kanina," sinugurado ko sa kanya.

She placed down the pen she was holding and asked me, "Tungkol saan? Sa nalalapit mo ba na suspension? Naisip ko na rin na since hindi kita matuturuan ng isang linggo, gagawan na lang kita ng reviewer para kahit wala ka dito, mayroon ka pa rin matututunan,"

I softly smiled at her at felt the beat of my heart faltered a bit. I wanted to hold her hand and squeezed it, but I restrained in doing so. I clenched my palm and answered her, "Thank you, Elena."

"Wala yun. Alam ko naman na kung gaano mo rin kailangan to, lalo't na marami kang mamimiss na klase," she partly smiled, while a blush crept from her cheeks.

Naramdaman ko kaagad ang init sa akin mukha, kung kaya't bigla akong napalingon palayo sa kanya at napatikhim. Nilibot ko ang paningin ko sa libro at sinabing, "Tara ituloy na natin to teacher. Hahatid pa kita," biro ko sa kanya.

Tumungo siya sa akin. "Okay, tapusin na natin to, mukhang nagmamadali na rin naman studyante ko," biro niya.

Ngumiti ako ng pilyo. "Hindi naman medyo lang." Tinukod ko ang aking braso sa table at humilig sa aking harapan, kung nasaan siya. "Nag-alala lang po ako teacher dahil baka gabi nanaman po kayo makauwi."

Napatitig ako sa kanya, at nakita ko ang repleksyon ng aking sarili sa kanyang mga mata. Lumunok siya ng malalim at napaurong. "Saan na nga ba tayo? Ikaw kasi nawala tuloy ako dahil sa iyo." pabiro niyang sabi.

"Sorry ah, masyadong gwapo kasi itong tinuturuan mo," biro ko sa kanya.

Napamasid siya sa aking mukha at napataas ng kilay, "Saan banda?"

"Sa lahat ng banda," I replied with shear confidence.

Her eyes crinkled. "Parang hindi naman," she then deviously smirked.

Napatawa lang ako sa sinabi niya.

"Ituloy na nga natin," saad niya. Kinuha niya ang kanyang bolpen at tinuloy ang pagtuturo ng chemistry. Medyo malayo-layo na rin kami sa topic, kung kaya't hindi rin naman ako nag-aalinlangan kung mahuli man ako sa mga lessons dahil sa suspension. Besides, thinking about it, I have a great teacher who's really concern about my grades. I chuckled inwardly as I have thought about it.

Matapos ang trenta minutos, natapos din kami. Hindi naman ganoon kahirap ang topic namin kung kayat maaga rin kaming natapos.

"Naandito na kahat ng topic na ididiscuss nang teachers natin. Nagsama na rin ako ng mga exercise para mahasa ka. " Ibinigay niya sakin ang mga reviewer. Kinuha ko ito at nilagay sa aking bag. Pinagpatuloy niya ang pagsasalita, "As for the answers, nasa likod ng reviewer. Wag na wag mong titingan iyon hangga't hindi mo nasasagutan. Understand?" Babala niya sa akin.

Napangiti ako at napakumpas sa aking kamay, "Yes, teacher."

"Good," tumawa siya pagkatapos.

Nang matapos na namin linisin ang mesa, dumeretso kami palabas na ng lirary. Nagpaalalm kami sa libririan, na nakilala rin namin ng magi dahil sa madalas na pagpunta namin dito.

"Una na po kami!" Saad ko sa kanya habang patuloy siya ng paglalaro ng candy crush sa kanyang cellphone.

"Sige ingat kayo," saad nito.

"Dante, teka pala." Bubuksan ko na sana ang pintuan ng magulat ako sa biglang pagtapik sa akin ni Elena. Napatigil ako at napalingon sa kanya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Nga pala may mga ihahatid ako na mga bagong reviewer sa iyo"

Napakunot ako ng noo, "Kailan? Bukas na ang i-start ng suspension ko."

"Sa inyo, ihahatid ko na lang sa inyo pagkaapos ng klase." Napalunok siya.

I was taken aback by what she said. Napakurap ang aking mata. "Pupunta ka sa bahay?"

Tumungo siya. "Oo, kailangan ko kasi sa iyo ibigay yung mga bagong reviewer, para makahabol ka sa klase."

"Alam mo papunta sa bahay namin?"Saad ko na may pagtataka.

"Oo," sagot niya ng matipid.

Napatikhim ako ng wala sa oras. "Uu-um s-sige." Pupunta siya sa bahay namin? Bigla na lang kung ano-ano ang aking naisip. Paano kung kaming dalawa lang mag-isa at wala pa sila Tita at Tito pati ang pinsan ko? Kinabahan ako bigla.

Kaagad inalis ko ito sa aking isipan at binaling pabalik ang attensyon ko kay Elena. Snap it out, Dante! Wag kang mag-sip ng ganyan!

"I mean that is kung pwede..." Dagdag niya na mukha din may pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

Tumungo ako ng mabilis sa kanya. "Pwede. Naandun naman na sila Tita sigur-" Napatigil ako sa pagsasalita. Shit, Dante! Cut it out. Bigla ako nahiya, hindi ko siya nasagot. Inikot ko ang aking kamay sa likod ng aking leeg at napatapik.

"U-um tara na baka hinihintay ka na ni Lola Aning," anang ko.

"U-Um sige," she replied and tucked a strand of falling hair on her ear.

Binuksan ko na ang pintuan ng library at sabay na kaming lumabas rito.

***************************

Elena

Napagdesisyunan ko na ngayon Huwebes na lang ako pupunta kay nila Dante para ihatid ang mga bagong reviewer sa kanya. Tutal naman, wala naman kaming masyadong gagawin homeworks para bukas at sa gayon din, para ma-update ko kung talagang nag-aaral siya. Pagkatapos kaagada ng amin klase, nagmadali akong mag ayos ng aking mga gamit. Nagpaalam na din ako sa aking mga kagrupo na cleaners, nababawi na lang ako next time dahil may kailangan akong puntahan.

"Mauna na ako. May kailangan pa akong gawin eh," saad ko sa kanila na nagmamadali.

Tumingin si Wendy sa akin at tumango. "Sige, Elena. Okay lang."

Ngumiti ako ng marahan sa kanya at kumaway. "Bawi ako, next time. Promise."

Pagkatapos, naglalakad ako papuntang tricycle nang bigla ko na lang narinig ang tawag ni Samantha sa aking likuran. Papasok na sana ako sa loob ng tricycle nang biglang napatigil ako at napalingon sa kanya. Tumakbo siya papalapit sa akin habang hawak hawak ang kanyang backpack sa likod.

"Ate Elena! Saglit lang," tawag nito.

Tumaas ang aking noo. "Saglit lang kuya," paalam ko sa drayber. Lumingon ako pabalik kay Samantha at nagtanong, "Ano yun, Sam?"

Hapong-hapo siya pagdating. Kinagat niya ang kanyang labi habang hawak niya nang mahigpit ang mga folder sa kanyang braso. "Nasabi sa akin ni Ate Melai na pupunta ka ngayon kay nila Kuya Dante."

"Oo kailangan ko kasing ibigay itong mga bagong reviewer sa kanya," sagot ko sa kanya.

Hinawakan niya ang aking braso at sinabi, "Sama ako ate, gusto ko rin makita kung saan ang bahay nila Kuya Dante." Malaking ngiti ang nakita ko sa kanyang mga labi.

Isasama ko ba si Sam? Okay lang kaya kay Dante na isama ko siya na gayon ako lang naman ang nagpaalam sa kanya? Napaisip ako.

Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko rin naman kayang tanggihan si Samantha kung kaya't napatungo na lamang ako sa kanya nang may pag-aalinlangan. "Sige, pero saglit lang naman ako doon Sam. Ibibigay ko lang ito sa kanya tapos uuwi na rin," paliwanag ko sa kanya.

"Okay lang ate. Gusto ko rin makita si Kuya Dante dahil apat na araw na rin na hindi ko siya nakikita," sagot niya sa akin.

Dumeretso si Samantha sa tricycle-an at sumakay sa loob. Sinundan ko siya at umupo sa kanyang tabi. Tumingin sa akin ang driver at nagtanong kung saan kami papunta, "Saan ho kayo mga beautiful ladies."

Na-weirduhan si Samantha at napatawa lang. Binaling ko naman ang kanyang sinabi at binigay ang kapirasong papel na naglalaman nang address nila Mrs. Ramos. "Dito po kuya." Tumango sa amin si kuya at pinaandar ang moto ng tricycle.

Napatingin sa akin si Samantha at napatanong, "Paano mo alam ate ang address nang bahay nila kuya?"

"Kay Nanay. Teacher kasi dati ni Mrs. Ramos ang lola ko. Matagal na silang magkakilala kaya tinanong ko kay nanay kung ano ang address nila," paliwanag ko ulit kay Samantha na mukhang nagtataka.

"Ah ganun ba, ate," sabi niya.

**************************

Tumigil ang tricycle sa harapan ng isang two-story house. Nang makita namin ang address sa plakang nakasabit sa kanilang gate, bumaba kami kaagad ni Samantha. Dumukot ako nang aking barya sa pouch at ibinigay sa drayber, "Eto po bayad, kuya."

"Sige Salamat," sagot nito. Sinumulan niya paandarin ang tricycle at nag-maneho papalayo sa bahay na kinatatayuan namin

Napalingon ako kay Samantha at nakita ko siya na hinihintay ako sa labas habang nakadungaw siya sa malaking bahay. "Ang ganda ng kanilang bahay, ate," Manghang-manghang sabi ni Samantha. Napatungo ako sa kanya at napalibot ang aking mata sa buong lote. May kalakihan ito kung ikukumpara sa ibang bahay. Maaliwalas at mukhang homey tingnan ang labas nito. Makikita mo rin ang mga bulalak, orchids na nakapaligid sa kanilang bahay. Napakaganda nito sa labas na tila nasa isa kang garden na napapalibutan nang mga mahalimuyak na bulaklak.

Napatingin ako muli kay Samantha. "Ano, tara?"

Tumungo siya sa akin at ngumiti. "Sige ate."

Naglakad kami papunta sa kanilang puting gate at pinindot ni Samantha ang doorbell. Tumunog ito, ngunit walang kaming nakitang senyales ng kanyang paglabas. Pinindot ko muli ang doorbell. Tumunog ito nang dalawang beses.

"Mukhang wala atang tao," saad ko na may pagtataka.

Bakas sa mukha ni Samantha ang pagkalungkot nang masabi ko ito. "Mukha nga ate. Wala ata si kuya Dante. Mukhang lumabas ng bahay."

Napakagat ako sa aking labi at napabunting-hininga. Tulad ni Samantha, nakaramdam din ako ng kaonting dismaya, dahil kaninang umaga pa lang, nasasabik na akong matapos ang klase upang makapunta kaaagad dito.

"Wala siguro si Dante sa loob," saad ko sabay hila sa pulsunan ni Samantha.

"Wait lang ate bako po naandiyan si kuya Dante. Natutulog lang siguro," namimilit na sagot ni Samantha.

Napasinghap ako nang malalim. "Wala ata, Samantha. Kung naandiyan siya dapat kanina pa tayo binuksan."

Nalungkot bigla si Samantha nang masabi ko iyon. Ngumiti ako sa kanyang ng marahan upang maalis man ang kanyang kaonting pagkadismaya. "Okay lang yan, I-try na lang natin bukas," sinigurado ko sa kanya.

Nang maglakad na kami, nakarinig kami ng isang malakas na pagbukas ng pintuan. "Ano ba iyan ang ingay ingay. Sino ba yan?" Angil nito na tila galing lamang sa tulog ang kanyang boses. Napatingin kaming dalawa ni Samantha sa isa't isa at napatigil sa paglalakad. Bumalik kami sa bahay nila Dante at nakita namin si Dante na magulo ang buhok at mukhang bagong gising.

Nakita ko ang kanyang pagkagulat nang biglang mapatingin sa amin. Inayos niya ang kanyang suot at ang kanyang magulong buhok. "Elena..."

"Dante, um sorry kung naabala ka namin," ukol ko na tila nasamid ang aking dila.

"Hi Kuya!" Kaway naman ni Samantha sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Dante sa kanya. "Samantha? Naandito ka rin?" Gulat na gulat niyang sinabi.

Tumungo si Samantha. "Oo kuya. Nang malaman ko kay Ate Melai na pupunta si Ate Elena sa inyo, nag-decide na din ako na sumama."

Hindi nakaimik si Dante. Kinuha ng kanyang mga paa ang kanyang tsinelas at inisuksok parito. Naglakad siya papunta sa amin, habang inaayos niya ang kanyang sarili. Binuksan niya ang pintuan at pinapasok kami sa loob. "Pasok muna kayo, ako lang ang tao ngayon. Si Tita and Tito nasa trabaho pa tapos si Thea naman nasa tutor niya," paliwanag ni Dante.

Napatungo lang ako sa kanya habang papasok kami sa loob nang bahay.

"Sino si Thea?" Napatanong ni Samantha.

Lumingon si Dante sa kanya at sumagot, "Makulit kong pinsan." Ngumiti siya nang pilyo sa amin at binuksan ang pintuan nang kanilang bahay. "Pasok, Feel at home lang," saad nito sabay iminuwestra ang kanyang kamay.

"Salamat," sabay na napasabi namin ni Samantha.

Inalis ko ang aking sapatos at tumapak sa tiles nilang sahig. Luminga ang aking mata sa loob ang kanilang bahay at napa-wow na lang sa sobrang linis at lawak nito. Napakamoderno tingnan ang kanilang bahay. Makikita mo ang malaking chandelier sa itaas namin pati na rin ang sofa na napakalambot. Sa kabilang banda naman, makikita ang mga trophee at mga litrato nang pamilya ni Mrs. Ramos. Makikita mo rin ang paikot na hagdan nila sa kanan, kung saan papunt sa ikalawang palapag. Bagama't matagal nang magkakilala sila Nanay Aning at Mrs. Ramos, ngayon pa lamang ako nakapunta sa kanilang bahay. Mapapamangha ka talaga sa itsura nito.

"Kuya saan nga pala ang C.R ninyo?" Biglang tanong ni Samantha.

Tinuro ni Dante pakanan ang lokasyon ng kanilang banyo. "Doon lang."

"Salamat," saad nito. Kaagad naman pumunta si Samantha sa C.R na tila'y ihing-ihi na

Nang marinig ko ang pagsarado nang pintuan ng banyo, naiwan kami ni Dante na nakaupo sa kanilang salas. Siya sa kanan ko at ako naman nakaupo sa mahabang sofa sa kanyang kaliwa .

Napatikhim ako sa pagkatahimik ng lugar. "Sorry hindi ko na-text sa iyo na ngayon ako pupunta," panimula ko sa kanya.

"Okay lang. Hindi ko lang in-expect," nahihiya niyang sinabi.

Ngumiti ako nang bahagya sa kanya. "Napansin ko nga na mukhang kakagising mo lang."

Natawa siya nang kaonti. Napahimas siya sa likuran ng kanyang leeg at napasagot nang mahinahon, "Napansin mo pala." Tumingin siya sa akin at tinuloy ang pagsasalita, "Naandito ka ba para sa reviewer?"

Tumungo ako sa kanya. "Oo. Sinagutan mo ba yung mga exercises na binigay ko sa iyo?" Tanong ko sa kanya. Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang mga bagong reviewer na ginawa ko para sa kanya. Inabot ako ng gabi sa paggawa dito kung kaya't hindi ko na rin masyadong nacheck ang panunulat ko. "Eto nga pala, bago. Naandito na yung mga bagong lessons natin. basahin mo na lang."

Kinuha niya ito sa akin. "Salamat. Teka wait lang, kukunin ko yung mga exercises," aniya. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad papuntang hadanan.

Nang pag-akyat ni Dante, dumating naman si Samantha galing ng banyo. Umupo iya sa tabi ko ko at kumunot ang kanyang noo. "Nasaan si kuya Dante?" tanong nito sa akin.

"May kinuha lang sa taas," sagot ko sa kanya.

Napatungo lang siya at napadungaw sa paligid, tila'y pinagmamasdan ang bawat bagat at kagamitan sa loob ng bahay. Tumayo siya sa kanyang upuan at lumibot sa paligid. Napatayo din akoo at sinundan siya.

Kinuha niya ang litratong nakalagay sa kabinet sa aming harapan kung saan nakalagay ang ibat-ibang litrato ng kanilang pamilya. Napansin ko na kinuha niya ang litrato kung saan maliit pa si Dante kasama ang kanyang ina.

"Maganda pala ang nanay ni Dante," buntag ni Samantha.

"Kamukha niya, nang kaonti" dagdag ko.

"Oo nga noh ate sa mata. Wala siyang picture kasama ang tatay niyo?" Napatanong ni Samantha. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam kung tama ba na ako magsabi na hiwalay na ang mga magulang ni Dante.

Napakibit-balikat na lamang ako. "Wala siguro."

"Sayang naman. Gusto ko pa naman makita," ukol nito.

Sasagot na sana ako nang biglang nakarinig ako nang yabag nang tsinelas sa bandang hagdan. Lumingon ako at nakita pababa si Dante habang hawak ang mga papel na binigay ko sa kanya.

"Sorry tumingin lang ako kuya," Sabi ni Samantha.

Hinimas niya ang kanyang buhok at sumagot, "Okay lang."

"Ang ganda pala ng mama mo," dagdag ni Samantha.

Tumingin siya sa akin, "Mas maganda ka," bumalik kaagad ang tingin niya kay Samantha. Namula ako sa kanyang sinabi at napatikhim nang mahina.

"Wag mo nga akong bolahin kuya, " sagot naman ni Samantha na mukhang naiinis.

"Ang kulit mo, naalala ko tuloy ang pinsan ko sa iyo," biro ni Dante.

"Ilang taon na ba si Thea?" Tanong ni Samantha.

Ngumiti siya ng pilyo. "Eight years old."

Npaurong nang kaoti ang ulo ni Samantha. "Ay grabe naman, kuya. Hindi naman ako ganoon kabata," depensa ni Samantha.

Ngumiti lang si Dante sa kanya. Lumingon siya sa akin at ibinagay ang mga exercises na pinasagutan ko sa kanya. "Eto nga pala. tapos ko na yan lahat," sagot niya.

Nagulat ako bigla. "Natapos mo lahat?" Ngumiti ako nang pahapyaw, "Wow naman natapos mo lahat."

"Sabi mo eh. Baka magalit kasi si teacher kapag hindi ko tinapos," sagot niya.

"Gusto mo ba bigyan kita ng star for very good?" Asar ko sa kanya.

Natawa siya nang malakas. "Meron ka ba?"

Umiling ako. "Wala pero bibili ako para sa iyo," sagot ko. Hay, Elena ang effort mo naman, napasabi ko sa aking sarili.

"Samahan kita, Ate Elena," masiglang sambit ni Samantha

Tinaas niya ang kanyang kilay at humilig nang kaonti sa akin. "Talaga bibili ka para sa akin?"

Umurong ako nang kaonti at napatikhim na lamang. "Hindi. Naniwala ka naman," sagot ko.

Ngumiti lamang siya sa akin at humalukipkip.

Napakagat ako sa aking labi at napalunok ng malalim. "Sige, mauna na kami Dante."

"Aalis na kayo? hindi mo ba hihintayin si auntie?" Saad nito na tila may pagkadismaya sa kanyang mukha.

"Sorry kuya, kasi naghihintay pa sa akin iyong sundo ko. Baka naandun na siya," Paliwanag ni Samantha.

"Ganun ba? Sige. Salamat pala sa pagpunta ninyo dito."

"Kami nga dapat magpasalamat," sambit ko.

Naglakad kami palabas ng kanilang bahay. Kumaway si Samantha kay Dante at nagpaalalam, "Salamat kuya sa pagpapasok sa amin!"

Ngumiti siya kay Samantha, "Anytime."

"Salamat Dante. Una na kami," saad ko.

Binuksan niya ang gate ng kanilang bahay. "Nga pala alam ninyo na ba ang sasakyan niyo?" Tanong nito.

Tumungo ako sa kanya. "Hindi mo na kami kailangan ihatid sa sakayan."

"Sigurado kayo?" Tanong niya ulit na may pagtataka.

"Oo." Tinuro ko ang tricycle stand na malapit sa kanila. "Nandiyan lang naman diba?"

Nang makita niya ito, napatungo na lamang siya. "Sige ingat kayo ah," sagot nito.

Lumabas na kami nang kanilang bahay at naglakad papuntang tricycle stand. Naramdaman ko ang pagsarado nang gate ng kanilang bahay sa aking likuran. Hindi na ako muling lumgon pabalik dito dahil alam ko nang nakapasok na sa loob si Dante. Ayoko rin naman matagal doon dahil baka umabot kami nang gabi ni Samantha, lalo't na may naghihintay na sundo sa kanya.

"Ang ganda ng bahay nila ate noh," panimula ni Samantha habang naglalakad kami.

Ngumiti ako sa kanya, "Oo nga eh. Mahilig pala sa bulaklak si Mrs. Ramos."

"Ang gaganda nang mga bulak nila tapos ang babango pa," dagdag nito.

Saad ko, "Pati ang bahat nila ang lawak din."

"Ang ganda din nang banyo nila ate. malinis at mabango," sagot naman ni Samantha na tila manghang-mangha.

"Naalala ko pala Samantha, naandoon na ba ang sundo mo na nanghihintay sa school?" Bigla ko na lamang naalala.

Tumungo siya sa akin. "Opo ate, nagtext na po sa akin. pero okay lang nasabihan ko naman po si Manong Nicanor na baka late na ako makauwi."

Napangiti na lamang ako sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa tricycle stand. Suminghap ako ng sariwang hangin at napapikit nang sandali. Ninamnam ko ag lamig at simoy nio na humahampas sa akin. Napahiling ako na balang araw maidala ko rin si nanay aning sa ginitong klaseng kabahayanan. Tahimik at Maaliwas. Panigurado matutuwa siya.

"Ate..."

Nabaling ang attensyon ko nang marinig ko na tinatawag ako ni Samantha. Lumingon ako sa kanya at napakunot ng noo. "Ano iyon?"

"May gusto sana akong sabihin sa iyo..." Nag-alinlangan niyang sinabi.

Tiniyak ko sa kanya na wag mag-alala. "Tungkol saan?"

"Kay kuya Dante," Sagot niya nang mahina. Hindi lamang mga paa ang tumigil sa akin, kundi pati na rin ang tibok nang aking puso.

"Kay Dante?" Kabado kong tinanong sa kanya. "Anong tungkol sa kanya."

Tumingin siya sa akin ng seryoso at sinabi nang mahinahon, "Gusto ko siya ate."

Hindi ako makasagot sa kanya. Panandalian tumigil ang aking mundo at tanging mga ugong nang hangin ang aking narinig lamang.

**********End of Chapter 14***********