Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 14 - Chapter 13.5 Samantha

Chapter 14 - Chapter 13.5 Samantha

Kasalukuyan, kasama ko ang aking mga ka-groupmates upang ipraktis ang nalalapit namin na presentation sa makalawang araw para sa nalalapit na St Augustine Celebration. Ginamit na namin ang time ng lunch, sa kadahilanan na rin na mahaba ang nakalaan na oras dito para maplansa namin ng maayos ang mga steps.

Nakaupo ako sa may damuhan , habang pinagmamasadan si Karen na isayaw ang steps na ginawa namin. Rnb atsaka hiphop mix ang sayaw, mabilis ang tutog at dapat alerto ang pag-indak, kung kaya't kailangan namin maipasada ang routine na to ng maayos at malinis.

"Teka, sigurado ba tong gagawin nating step na ito for the presentation?" Ika ni Karen sabay naupo sa damuhan. Tumayo ako sa aking upuan at hinila siya pataas.

I pursed my lips, thinking of what to comment. "Hmm, okay naman eh. Maganda naman ang panimula natin siguro kailangan lang nag konting galaw," mungkahi ko. Iprinaktis ko ang step ng sayaw at ipinakita sa kanila kung paano.

Napatungo si Karen, Emma, Wella at si Sarah. Tumayo sila sa kanilang inuupuan at pumunta sa kanilang mga pwesto. Pinindot ko ang aking cellphone at nagsimula tumugtog ang musika. "Okay, one, two, three." Giniling ko ang aking katawan at sinayaw ang steps na pinagplanuhan namin.

Nasakalagitnaan na kami ng aming sayaw nang bigla akong may narinig na kaguluhan galing sa aking kaklase. Papunta siya sa amin habang hingal na hingal na tumatakbo. Napatigil kami sa pagprapraktis habang patuloy na nakaandar ng musika sa aking cellphone.

Napakunot ako ng aking noo. "Anung meron?" Tanong ko kay Coleen na tila'y hinga na hingal na.

"May away sa cafeteria! Nagsusuntukan ang 4th year at 3rd year student," napasigaw niyang saad.

"Ano?! Sino?" Sambit naman ni Wella habang napamewang sa kanyang baywang.

"OMG..."nanlaki naman ang mata ni Sarah. "Bakit daw nag-aaway?" Dagdag nito.

Napakibit-balikat si Coleen. "Hindi din namin alam bigla na lang Sinunggaban at sinuntok ni Constantinople si Romer. Tapos ayun nagsimula na silang magsuntukan. Pero sa aking pagkakarinig, nagalit daw si Kuya Dante sa picture na kumakalat sa cellphone...." Naputol ang kanyang pagkwekwento. Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang nasasabing photo na kumakalat. "Eto oh, gulat na gulat nga ako, si Romer at isang babae na third year year daw nakuhanan ng litrato sa locker room na nag-aano..." napalunok siya sa kanyang sinabi. Binalik niya ang kanyang phone sa bulsa at napatingin sa amin.

Nanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang litrato ni Romer na nakapantong kay Ate Elena. Tila'y bumalik sa akin ang mga alaalang sinubukan ko nng kalimutan. Bakit? Paano nila ito nakuha at sino ang kumuha nito. Ito ang mga tanong sa aking palaisipan na wari'y hindi ko masagot.

'Omg, ayan ba si Elena Payton yung third year na suplada?" Gulat na gulat na sinabi ni Sarah.

"Oo nga noh! Shocks, hindi ko alam na sila pala ni Romer!" Sambit naman ni Wella.

Dagdag naman ni Coleen, "Ako nga rin nga eh, gulat na gulat nung makita ko yan. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend siya. Eh diba kilala siya na mailap sa tao?"

"Yeah, I know right." Napailing si Sarah at napahalukipkip.

Napatingin sa akin si Karen at nagtanong, "Diba nakakasama mo sila Ate Elena?"

Hindi ako nakasagot. Tila'y biglang nawala sila sa aking isipan at tanging nakikita ko laman ay ang laman ng litrato na aking nakita.

Naisip ko silang dalawa.

Si Ate Elena at Kuya Dante.

Hindi sila mapapahamak kung hindi dahil sa katangahan ko. Hindi sana ito magyayari kung hindi ako nakipagkita kay Romer noong araw na iyon. Hindi sana...

Hindi sana sa kanya iyon magyayari kung hindi dahil sa akin.

Bumilis ang tibok ng aking puso at bigla na lang ako napatakbo papuntang cafeteria. Kailangan kong tulungan silang tulungan. Kailangan ako ni Ate Elena ngayon at ni Kuya Dante...

"Teka saan ka pupunta, Sam?" Tawag sa akin ni Karen.

"Hindi pa tayo tapos, ui!" Dagdag naman ni Wella.

Lumingon ako sa kanila at sumagot, "Babalik ako. Saglit lang!" Kumaway ako sa kanila at dali-daling tumakbo.

-----------------------------------

Dumating ako ng cafeteria ng wala ng ingay o kumpol-kumpulan na tao. Parang bumalik na sa lahat ang dati at wala naman away na nagaganap. Napakunot ako sa aking noo at nagmasid sa paligid. Humanap ako ng aking kakilala upang magtanong.

Nakita ko sa kanang banda ang grupo ni Eros na kumakain habang nanonood ng video. Panigurado ang video na iyon at tungkol sa pag-aaway ni Dante at Romer. Lumapit ako sa kanilang table at nagtanong, "Anung nangyari kanina? May gulo daw dito?"

Ngumisi siya sa akin. "Wala na, tapos na. As usual late ka nanaman Samantha," ukol nito.

Napaupo ako sa kanyang tabi na bakante at pinanood ang video nilang dalawa. "kaya nga nagtatanong ako. Anong nangyari? Nag-away daw si Romer at si Kuya Dante." Kahit kailan talaga walang kwentang kausap ito si Eros. Palibhasa, puro laro at kagaguhan lang ang alam niyang gawin.

"Yup. Epic nga eh. Parang ufc lang na live. Diba pre!" Sagot niya sabay umapir kay Joel.

I rolled my eyes. Wala talagang kwentang kausap. Bakit nga ba siya una kong nilapitan at tinanungan. I groaned inwardly. "Anyway, nakita mo ba sila?"

Tinuro ni Joel habang hawak niya ang kanyang tinidor. "Ayan si Romer."

Lumingon ako at nakita siyang may galos at may pasa sa kanyang mukha. Kinakalma siya ng kanyang mga kaibigan na tila'y galit pa rin sa nangyari.

"Si Dante?" Tanong ko ulit.

"Move on ka na ba kay Romer?" Napataas ng kilay si Eros at napangisi ng pilyo.

Hinampas ko siya ng malakas sa balikat. "Tae, hindi!" I shrugged while a blush crept on my cheeks.

"Bakit kasi hindi na lang ako Sammy?" Asar ni Eros.

Napataas ako ng aking kilay at napahalukipkip. "Ikaw? Excuse me. Mamatay na lang ako!" Daing ko. Umalis ako sa kanilang table at lumakad papalayo sa kanila.

"Kasama niya ata si Elena. Nakita namin silang lumabas ng cafeteria." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Eros.

Tinaas ko ang aking kilay na animo'y hindi naniniwala sa kanyang sinabi. "Talaga ba?"

"See for yourself," ngumiti siya.

Hindi ko siya sinagot at umikot pabalik sa pintuan ng cafeteria.

Napatigil ako sa pagbukas ng pintuan ng marinig ko ulit ang kanyang boses, "You owe me, sammy."

I deviously smirked. "As if..." Binaling ko ang akin tingin sa kanya at binuksan ang pintuan.

*************************

Inikot ko ang buong campus, ngunit hindi ko pa rin sila mahanap. Nagpunta na ako ng sa taaas ng auditorium at sa track-and field, subalit hindi ko sila natagpuan doon.

"Asan na kaya sila?" Napatanong ako sa aking sarili. Umupo muna ako sandali at nagpahinga.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong campus at nasilayan ang gymnasium. Iyon na lamang ang tanging lugar na hindi ko pa napupuntahan. Tumakbo ako ng hapong-hapo parito, at nagbaka-sakali na baka naandun silang dalawa. Nang makarating ako, pumasok ako sa loob ng gymnasium at napansin ko ang dalawang tao na nakaupo sa bleachers. Napansin ko angbukas na uniform ni Kuya Dante at ang trademark na pony tail ni Ate Elena.

"Ayun nakita ko na rin silang dalawa." Ngumiti ako at palakad sa kanilang pinaroroonan. Napatigil na lamang ako ng aking biglang narinig ang boses ni Kuya Dante na tila'y malakas ang boses.

"...I like you so much that it hurts seeing you like this. I don't know when, where or kung paano nangyari. All I know is that I already did when it had begun. And I can't stop it, Elena. So if you will dare try to stop me from doing all the things I do for you, I cant..."

Napatigil ako sa paglalakad. Wari'y ang galak sa aking puso ay napalitan ng pait at hapdi sa aking nakikita. Umurong ako ng kaunti habang pinagmamasadan silang dalawa. Tila'y naramdaman ko ang kirot sa aking puso na unti-unting bumabalot sa aking buong katawan.

Pinunas ko ang aking kakapiranggot na luha at pinilit kong hindi maiyak. Alam ko naman. Simula pa lang alam ko ng hindi ako. Pero bakit tila'y umaasa parin ako na maibabalik din sa aking ang konting pagtingin na meron ako sa kanya?

I smiled as I looked at them wrapped with each other. I should be happy, because the two of my most favorite people in the world are both in each other's arms. However, even if I want to, my heart says no.

I liked him. I really liked him from the moment I saw him catching his breath as his piercing brown eyes looked at me. I liked him from the moment he saved us from Romer. And I liked him because of all the guys, I knew he was the one who saved me from disliking any guys.

And it hurts seeing him with her liking everything about him, while I looked at them.

Umalis ako habang pinupunas ang aking luha at iniwan silang dalawa mag-isa sa bleachers.

************************