Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 11 - Chapter 11: Elena

Chapter 11 - Chapter 11: Elena

Hawak-hawak ko ang aking lunchbox habang naglalakad papuntang cafeteria. Kasama ko lang ngayon at si Melai, dahil may kinailangan gawin si Samantha kasama ng kanyang mga kaklase. Naglakad kami papuntang pintuan. Hinila ko ito at pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob, binungad ako ng mga malalakas na sari-saring boses ng mga studyante. Pinatuloy ko ang paglalakad na tila wala lang. Gayunpaman, napansin ko na napatigil ang ilan ng makita ako habang hawak hawak ang kanilang mga cellphone.

Lumingon ako kay Melai at nagtanong na may pagtataka, "Anung meron bakit nakatingin sila sa atin?" Bulong ko sa kanya.

Minasid niya ang paligid. "Friend..." wika niya. "Sa tingin ko sa iyo sila nakatingin sila," mahina niyang inamin. Napatigil ako sa paglalakad. I felt my whole body trembled. Bakit sila nakatingin sa akin? Anong meron? Napatanong ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim habang dahan-dahan na naglalakad sa pasilyo.

"Anung meron?" Napatanong ako ulit kay Melai.

Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko din alam, pero sige tatanungin ko yung may nakakaalam." Napatigil siya sa pagsasalita at tinapik niya ako habang nililibot ko ang buong cafeteria. "Teka muna ah, pipila muna ako...Baka may nakakaalam."dagdag niya.

Tumungo ako kaagad sa kanya. "S-sige maghahanap lang ako ng table."

Walking slowly, I tucked my hair behind my ear. Narinig ko ang kanilang mga pabulong na salita tungkol sa akin habang ako naghahanap ng mauupuan.

"Siya ba yun? OMG." Narinig ko sa isang babae.

"So may nagyare sa kanila? What a slut!"

"Iba talaga si pre, nakapatos ng maganda."

"I didn't know she's like that pala..." mahinang sinabi ng babae.

Pinatuloy ko ang paglalakad na parang wala akong napapansin na kakaiba. Subalit, habang palapit ng palapit ako sa mga upuan, naramdaman ko unti-unting nanghihina ang akin mga paa. Kinulot ko ang aking mga kamay at napahigpit ang hawak ko sa aking lunchbox. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung bakit nila ako sinasabihan ng mga ganyang mga marahas na salita.

May nagawa ba ako? Ano ba ang nagawa ko? Litong-lito ako sa pangyayari na animo'y nagbibigay pagkabagabag sa akin.

Yumuko ako ng mapatingin ako sa table nila Dante nang masilayan ko ito. Dali-dali na nag martsa papunta sa bakanteng table malayo sa kanila. Hinayaan ko ang kanilang mga daing sa akin. Nilapag ko ang aking pagkain sa lamesa at tinukod ang aking braso dito. Kinuha ko ang aking mga kubyertos na tila walang pakialam.

Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko ang isang mnangungutyang boses sa kanan ko.

"Masarap ba?" Asar ng isang lalaki sa katabing table namaon habang tumatawa.

"Gago pre, wag kang maingay," sambit ng kanyang kaibigan.

"Totoo naman. nagpapanggap pa siyang tuod, eh sa totoo lang mas masahol pa siya sa haliparot," angil niya.

Pinigilan kong hindi magalit, hindi maiinis at hind maiyak. Lumunok ako ng malalim at napapikit ng sandali. Hindi ko pinansin ang lalaki at nagpatuloy lamang ako sa pagkain. I felt the gut in my stomach curled up as I heard blatant degradation from them. I don't know where did that came from. However, I knew now that they are all talking about me.

Mukhang galit na galit, nakita ko si Melai papunta sa aming table. Binaba nya kaagad ang kanyang tray sa lamesa at umupo sa harapan ko. "Ano to?" galit na galit niya ipimukha ang litrato sa kanyang cellphone. Kumulot ang aking mga mata at tiningnan ng maigi ang litratong iniharap niya sa akin.

Napatigil ako sa pagkain at kinuha ko ang kanyang cellphone. Nang sinuri ko ito, malaking gulat ko na makita ko ang sarili ko na nasa ilalim ni Romer. Ang litratong ito ay ang araw na kung saan muntik na akong magahasa ni Romer. Alam ko, dahil hanggang ngayon nakatatak pa rin sa aking isipin.

Alaalang wari'y ayaw akong tantanan.

Kaagad nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasagot sa kanya. Para akong binasa ng malamig na tubig.

"M-Melai...." mahina kong sagot, takot na takot at gulat na gulat sa pangyayari.

"Elena, tinatanong kita ng maayos ano to? bakit may litrato ka kasama niya?"Nanggagalit niyang sinabi.

"Melai..." Tila walang lumabas na paliwanag sa aking bibig kundi pangalan lamang.

"Elena ang akala ko ba walang secrets? We made a promise with each other na wala tayong secrets sa isa't isa," daing niya.

"I-I'm sorry Melai." Patawad. Kapatawaran lang ang tangi kong nasabi.

"We promised each other!" Sigaw niya. Nabigla ako sa kanyang boses. Alam ko na nasaktan siya sa ginawa ko, subalit hindi ko masabi ang totoo dahil ayoko siyang masaktan o madamay pa. She's the only dearest friend I only have, and I cherish her because of that.

Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay, nagbaka-sakali na maintindihan niya, ngunit kaagad siyang bumitaw. "Melai, hindi ko sa'yo nasabi dahil ayoko kitang mag-alala para sa akin," paliwanag ko.

Nanlaki ang kanyang mata sa galit. "Mag-alala? Elena, nagtago ka. I thought I know you better, pero tinago mo ang relasyon mo kay Romer? Bakit? Dahil ba baka masaktan mo ako na nauna ka kaysa sa akin?" Napahinto siya. Nakita ko ang pag-iwas niya sa akin. "Nangako tayo sa isa't isa na we'll protect each other, Elena. And you broke it first. At ang masakit pa, nalaman ko pa sa iba, na pinakamatalik mong kaibigan." aniya

Sa lahat ng sinabi niya, tumatak sa akin kaagad ang relasyon kay Romer. Ako? Karelasyon ko si Romer. Kailan pa? Malabo kami magkarelasyon ng taong lalo't na hindi ko maatim ang kanyang buong pagkatao. Nagulat ako sa mga salitang sinabi niya.

"Melai...teka nagkakamali ka," sinuyo ko siya.

"Anung nagkakamali? Elena, wag na tayong maglokohan dito. Alam ko na ang totoo bakit ayaw mo pang aminin," angil niya, sabay lapag ng kanyang cellphone.

Napakunot ako ng aking noo. Inurong ko ang ang aking kainan at kinuha ang cellphone niya na may litrato namin ni Romer. "Melai, makinig ka. Wala kaming relasyon ni Romer! Hindi kami. Etong litratong ito, iba to...." Napatigil ako, tila may pumutol sa aking dila upang makapagsalita.

"So ano to Elena? Anung ginagawa ninyo? Kung hindi pa sapat ang litrato na ito, then tell me..." Saad niya.

Gusto kong sabihin. gusto kong ipalandakan sa lahat para malaman nila, subalit mismo ang mga bibig ko ay kumulubot sa takot at kaba sa mangyayari. "Melai..."

"Wag mong tawagin ang pangalan ko. Sabihin mo ang totoo, Elena? Ano ba to? Libog lang, Fuck buddy? kung hindi, edi ano?" Pagod na pagod niyang sinabi.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Animo'y parang pirapirasong karayom ang tumusok sa akin na unti-unting dinuduro ng masakit ang puso ko. Hindi ko maisip na masasabi ito ni Melai, ang kaibigan na pinagkatiwalaan ko buong buhay ko. "You're out of the line na, Melai..." mahina kong sinabi.

Sumalubong ang kanyang mga kilay. "Yes, I may be out of the line but I'm also your best friend who is concern to you." Tinuro niya ang mga tao na nakatingin sa amin. "Nakita mo yan, Elena? binabastos ka na nila? Sino bang hindi magagalit?"

Napatahimik ako sa kanyang sinabi. Dahil, sa lahat ng sinabi niya, ito lang ang totoo. Hindi ko alam kung saan galing ang litratong iyan at kung sino ang kumuha, pero alam ko mali ang intepretasyon nila dito. Hiyang hiya ako nngayon sa aking sarili. Animo'y hindi ko mawari na tumayo sa aking pwesto at maglakad ng maayos.

"Alam ko. Nakikita ko..." Napakagat ako ng labi. Pinigil kong hindi umiyak. Pinilit kong hindi maghuramentando sa mga taong humahamak sa akin.

I know that I'm coward, but there are still many factors that I have to think about. I have to think about Nanay Aning, Samantha, my grades and the scholarship I'm still aiming. I wouldn't go amok because of a rumor and a picture.

Yes, I'm scared. I'm afraid what will they think of me or what will the consequences will be. Takot ako sa gagawin ni Romer. I just wanted to move on from that part of my life and forget about it. Gusto ko sa kanyang sabihin, ngunit hindi ko kaya.

Napabuntong-hininga siya at napasandal sa upuan. "So hindi mo ba talaga sasabihin?"

"Hindi ko pa masabi sa iyo, Melai. Please understand," pakiusap ko.

"So ganun na lang Elena? Are you going to ruin our friendship because of this stupid photo?" Tanong niya na naiirita. Exactly, ayoko masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa litrato na iyan.

"Ayoko, Melai and you know it! But there are some things I have to keep for myself!" Bigla akong napasigaw.

Tumungo siya, kinuha ang kanyang bag at ang cellphone. "Okay, then I guess...this is it..." Umalis siya sa kanyang upuan at iniwan ang tray ng kanyang pagkain na hindi pa nakakain.

Pagkatapos magwalk-out ni Melai, tila nabagsakan ako ng malaking bato. Hindi ko mapigilan ang tulo ng aking mga luha. Pinunasan ko ito kaagad at huminga ng malilim.

Masakit.

Masakit ng makita ko siyang mag-walk out sa aking harapan. Gayunpaman, mas masakit na makita mong mawala ang kaibigan mo pinakamatalik. I know I made this decision; therefore, I must face the consequence. Even if it hurts.

Wala akong magawa kundi magligpit at umalis ng cafeteria. Ano pa ba ang gagawin ko dito?Lalo't na nakatingin lahat ng tao sa akin na parang may ginawa akong marumi sa kanilang paningin. Yumuko ako at derederetso na naglakad paalis ng cafeteria.

Bawat hakbang, isang kutya.

Bawat galaw ko, isang panlilibak.

Para akong punching bag na pinagsusuntok ng sabay sabay. Masakit pero kailangan kong tiisin. Hingpitan ko ang hawak ko sa aking kamay at tumuloy sa paglalakad.

"Tang-ina mo Romer."

Napatigil na lamang ako ng bigla kong marinig si Dante. Sinuntok niya nang malakas si Romer sa mukha. Maraming nagulat at napatingin sa pangyayari. Habang ako naman napatigil sa kanilang harapan.

"Puta, Gillesania! Ano nanaman ba ang problema!" Angil nito kay Dante. Sinunggaban niya ang collar ni Dente at hinila pataas.

Inalis ito ni Dante gamit ng kanyang kamay. Tinuro niya si Romer, "Ikaw ang problema ko, gago ka!"

Lumapit siya kay Dante, nanlaki ang kanyang mata at, natawa si na tila nanghahamak "Bakit nagseselos ka ba ha?"

"You fucker! talagang naglabas ka ng litrato ng kabastusan mo." Hinila ni Dante ang kanyang damit ng mahigpit at sinuntok ulit. maraming tao ang nagsigawan, naghiyawan, at nagsilabasan ng kanilang mga cellphone. Tila'y, ginagawa nilang cockpit arena ang laban ni Dante at Romer.

Gumanti Si Romer at sinuntok din si Dante sa kanyang ilong. Sinubukan silang pigilan ng kanilang mga kaibigan ngunit ayaw nilang magpaawat.

"Tama na yan Dante," babala ni Anthony. Sinubukan niyang hilain si Dante ngunit nakapiglas ito sa kanyang mahigpit na hawak.

"Romer!" tawag ng kanyang kaibigan sabay sunggab sa kanyang balikat.

Dumura siya ng dugo at nilapitan muli si Dante. "Gusto mo bang malaman kung paano siya umungol habang nasa kamay ko siya. Or how she moaned beneath me while I touch her. Sabihin mo lang ikekwento ko..." Bulong niya, "Naiingit ka ba? Nagseselos? Bakit di mo pa ba nagagalaw siya?"

Nanlaki ang mata ni Dante sa galit. Hindi niya ito napigila at sinutok niya ulit sa mata si Romer. tumilapon siya sa sahig, duguan.

"Walang hiya--" Napatigil siya sa pagsuntok.

"Dante!" I shouted, unconsciously, wanting both of them to stop.

Ayokong mas maging komplikado pa ang pangyayari at umabot pa sa disgrasya. Nakita ko ang kanyang gulat nang mabaling ang kanyang tingin papunta sa akin. Napansin ko ang pagluwag ng kanyang buong katawan at ang pagmulat ng kanyang kamao. Napatitig siya sa akin nang malalim. Puno ng emosyon at baghan.

"Elena?" Mahina niyang napatanong. Sa pagkakataon na iyon, animo'y bigla nawala ang lahat sa paligid ko maliban kay Dante. Ang mga nanonood.

Ang mga kaibigan nila.

At si Romer.

"Tama na," sumamo ko.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. "Tama na. Okay lang ako." Pinunasan ko ang duguan niyang kamay ng panyo at ngumiti ng mapait sa kanya. Hindi ko na napansin ang nasa paligid namin nang matagpuan ko ang mga mata ni Dante na wari'y may hinagpis. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ito papalabas ng cafeteria.

*************************

Naglakad kaming hanggang bleachers. Sa buong paglalakad namin, hindi siya umimik o nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na parang may gusto siyang sabihin. Nang nakarating na kami sa bleachers, inalalayan ko siyang umupo at kinuha ulit ang panyo sa aking bulsa. Tumabi ako sa bakanteng upuan.

"Akin na," turo ko sa kanyang kamay na duguan. Ibinigay niya ito sa akin at hinayaan na balutin ko ito ng aking panyo. "Hindi mo na dapat ginawa iyon," dagdag ko.

"But it's not right... Kung ano-ano ang pinagsasabi nila na hindi totoo. They don't know the truth," sagot niya. Inikot niya ang aking kamay at hinwakan niya ito ng mahigpit.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Naramandaman ko ang init ng kanyang mukha sa kanyang paghilig. "Hindi mo naman kailangan eh. Okay lang. let them tell things about me. I'm fine kasi alam ko naman kung ano ang totoo," paliwanag ko. Hindi ko na kailangan magpaliwanag o ipalandakan ang totoo, dahil alam ko na hindi totoo lahat ng sinsabi nilang masasama tungkol sa akin.

"Pero Elena.." sambit niya. Kinuha niya ang aking kamay sa kanyang mga pisingi at hinawakan niya ito ng mahigpit.

Pilit akong ngumit sa kanya. "Im fine." Dagdag ko,"Wag ka mag-alala. Ayoko kang madamay dito."

Ayokong may mangyari sa iyo dahil sa akin.

I will be fine. I have to be okay. I have to be strong. Ngunit kahit sabihin ko ang mga salitang ito, hindi pa rin mapigil ang pagbuhos ng aking mga luha.

"Shush..." Pinunasan niya ang akin luha. He bittersweet smiled as he scooped my cheeks on his hands. Umikot ang kanyang mga braso at niyakap ako ng mahigpit. "Shush...Im here. hindi kita pababayaan," pangako niya.

Hinaplos niya nang marahan ang aking likod. Bumuhos ang tulo ng aking mga luha at napayakap sa kanyang init. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang balikat at humagulgol. Naramdaman ko ang halo-halong emosyon sa kanyang pagyakap, init, kirot, at sakit.

Gayunpaman, I felt safe and protected in his arms. I have never felt this way before. Everything I've been feeling is new to me. And it scared me to death.

Bumitaw ako sa kanyang mainit na yakap. "Sorry. I shouldn't have," ani ko habang sumisinghot ako. Pinunasan niya ang aking mgaluha at ngumisi sa akin.

"Okay lang," saad niya

Napatigil ako ng matagpuan ko ang kanyan mga mata na nakatitig ng malalim sa akin. Kinuha niya ang akin kamay at sinabi, "I will always be here for you."

Biglang tumibok ang puso ko nang sinabi niya iyon."Hindi mo naman ako kailangan intindihin. Sabi ko nga kanina ayoko knang madamay at masali sa gulo. Tama na na tinulungan mo ako nung nangyari iyon," paliwanag ko.

Napaliing siya. Hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay. "Hindi, Elena. I can't do that. I can't tolerate them doing this to you, especially Romer. That fucker needs to be put in place," ismid niya

"You know I can't do that. I can't tell the truth without Samantha knowing. Buti na lang kanina wala siya, kundi baka mapahamak din siya."

"Samantha will understand. Hindi na natin to pwede itago, Elena lalo na lumabas ang litrato. Si Romer ang mali, hindi ikaw. Bakit ka ba natatakot?" Saad niya.

Napatigil ako sa kanyang sinabi. Bakit nga ba ako natatakot sabihin ang totoo, lalo't na alam ko na tama ako? All I know is I'm scared. I'm scared of what will happen. I'm frightened of the consequences. Takot ako at iyon lang eksplanasyon na kayo kong sabihin.

Binaling ko ang kanyang tanong at iniba ang paksa, "Dante, gusto din manahimik ni Samantha at gusto ko rin. Parehas kaming nagdesisyon na ipaliban na ito at kalimutan. Ayoko nang umabot ito sa point na maging malala...."

"To the hell with it, Elena," he hissed. "Why are you so scared? Why are you trying to protect something that shouldn't be kept at all? Ikaw, kayo ang naperwisyo. Hahayaan lang ba natin si Romer?"

I was taken aback from his answer. Napabuntong -hininga ako. Pagod na pagod, sinagot ko siya. "I'm not protecting anything Dante! I'm just trying to move on like everybody else... Bakit ka ba masyadong apektado?" Napasigaw ako.

"Dahil concern ako sa'yo...."Napatigil siya. "Kaibigan kita, Elena. Ayoko rin na nakikita kitang nasasaktan," dagdag niya na may halong pagkabagabag sa kanyang mukha.

"Then if you are really concern, you should understand me." Itinanggal ko ang aking mga kamay sa kamay niya.

"I do. I do understand you. Pero Elena, gusto ko rin na makahap ng hustiya sa nangyari, dahil hindi to tama. Hindi tama na mali ang tingin nila sa iyo." Kinuha niya ulit ang aking kamay athiyaan ko siyang hawakan ito ng mahigpit.

I shrugged off. "Let them be. Hayaan mo sila."

"I can't do that." He touched my cheeks and brushed his thumbs against it. I gazed at him, and saw the yearning in his eyes.

I pursed my lips. "Why? Bakit?" Tanong ko. The rapid beating of my heart slowly graduated, while the world inside me stopped for a moment as soon as my eyes captured his.

He painstakingly smiled. "Because I like you. I like you so much that it hurts seeing you like this. I don't know when, where or kung paano nangyari. All I know is that I already did when it had begun. And I can't stop it, Elena. So if you will dare try to stop me from doing all the things I do for you, I cant."

Napatigil at napangaga ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanyang pag-amin. What I know is that my heart beat faster and slower the moment he said those words to me.

He cupped my cheeks with his calloused hands. I closed my eyes for the moment and felt the heat of his thumb brushing against my skin. Humilig siya sa akin habang patuloy na nakatitig sa aking mata. I stared at him, and I saw longingness and aching from his expression. Nilapit niya uli ang kanyang mga mukha sa akin hanggang sa hininga na lamang ang distanya namin sa isa't isa. Pinikit ko ang aking mata, at naramdaman ko na lamang ang palapat ng kanyang mga labi sa akin.

Hinalikan niya ako ng malalim ngunit marahan.

Hinalikan niya ako na tila ako'y isang babasagin na bagay.

Hinalikan niya ako na animo'y ako ang kabuluhan sa kanyang buhay.

I felt his hand intertwined mine as his other hand snaked around my waist, digging me deeper against his heated touch. Gasping for air, my lips move from his. Inikot ko ang aking kamay sa kanyang leeg at hinila siya papalapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko, tila mismo ang aking katawan ang rumoresponde sa kanyang mga hawak. Wari'y unti-unti akong nalunod sa kanyang mga matatamis na halik.

Naramadaman ko ang kanyang paghagod sa ng aking pangalan sa kanyang mga labi, "Elena..."

Ngunit...

Mali pa rin. Hindi tama. Mali itong ginagawa namin. Hindi pwede. You can't feel this way to him, Elena. Alam mo kung ano ang tama at mali. Hindi dapat ito mangyari.

"Dante..." napasinghap ako. Pinutol ko ang maikling distansya namin at lumayo sa kanya. Napatitig ako sa kanyang mga mapupulang labi na galing lamang sa aking mga labi. "I-I'm sorry pero mali ito..." Binitawan ko ang kanyang mga kamay.

Umiling siya at napahawak siya sa likod ng kanyang leeg. "No I'm sorry. I shouldn't have done that knowing what you are feeling right now."

'"Hindi, Dante mali itong ginagawa natin. We shouldn't be doing this," saad ko. Tumayo ako sa aking upuan at kinuha ang lunchbox sa tabi ko. "I should go..." I sighed.

"Teka, Elena...." Hinigit niya ang aking kamay. Napatigil ako at napaikot sa kanya. Napatitig ako sa kanyang mukha na wari'y nagmamakaawa.

Umiling ako at nilihis ko ang aking tingin sa paligid. "Una na ako." Bumababa ako ng bleachers at nagpatuloy sa paglalakad, habang naiwan siya doon nag-iisa na nakaupo.

I held my breath and forced my tears to bridle.

********End of Chapter 11********