Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 12 - Chapter 12: Dante

Chapter 12 - Chapter 12: Dante

I kissed her and I fucked up. Big time.

I knew I shouldn't have done that, but I was too caught up with my feelings that I forgot to even consider hers. And right now, I didn't even know how to approach her. We didn't talk, nor barely looked at each other; unless it was tutoring session. It felt awkward as I stared at her glancing away from me while teaching me. It felt too formal and cold. I tried to speak up but as soon as I was about to say something. Fear took over me. I knew it was my fault. It wouldn't be this way. if it didn't happen.

I hated it. I hated seeing us like this.

Mas kumalat ang rumor ukol kay Elena at Romer ng makalawang araw. Halo-halo ang reaksyon ng mga tao. Ang iba ay positibo, habang ang iba naman ay negatibo. Walang ginawa si Elena sa kumakalat na balita at tumahimik lamang ito. Napansin ko na mas mapanuri siya sa kanyang kinakausap at madistansya sa mga tao.

Nalaman din ng principal ang pagsuntok ko kay Romer noong araw na iyon. Lumaganap rin sa buong campus ang video namin dalawa ni Romer hanggang sa social media at dahil doon, kinabukasan, pinatawag kaming dalawa ni Romer sa principal office. Pinilit kong hindi magalit sa kanya habang pinapagalitan kami ng principal.

"Do you realize the extent of you two doing this inside the school and knowingly na kalat na ito sa social media ngayon! Sa mga pinaggagawa ninyo, you are ruining the reputation of our school!" Galit na galit na sinabi ng principal.

Parehas kaming hindi nagsalita. Lumingon ako kay Romer na nakayuko at sumulyap ng tingin. He stared down blankly at the floor, with no expression at all. Bakas sa kanyang mukha ang pasa na ibigay ko sa kanya.

Nabaling ang aking atensyon nang marinig ko ang boses ni Principal Santos,"Now tell me, ano ba ang pinaggalingan ng away niyo at bakit?"

Napalingon si Romer at sumagot, "Hindi ko nga po alam, basta sinuntok niya lang po ako sa mukha. Wala po akong kamalay-malay."

I smirked darkly, realizing all the bullshit he said. Gago talaga. I said inwardly. Hindi ako sumagot at hinayaan ko siyang magpatuloy na gumawa ng kung ano-anong eksplanasyon na maisip niya.

"I knew you hated me from the start. You are jealous of me because of Elena," he sneered.

I glared back at him. Aba gago to ah!

Hindi ako dumepensa. Kinuha ko lamang ang phone ko sa aking bulsa at ibinigay sa principal. Napakunot siya ng kanyang noo, "You know you are not allowed to use your phone inside the campus unless it is important!" Principal Santos reminded.

"Ma'am just look at the photo. This is my evidence of why I punched him." I explained. I glanced at Romer who looked like he was about to burst out.

Kinuha ni Principal Santos ang aking cellphone at sinuro ang litratong ipinakita ko sa kanya. "Ano to at saan galing ang litratong ito?" Tanong niya.

Tinukod ko ang ang kamay sa table at sumagot. "Ma'am yan po ang kumakalat na photo po ni Ms Payton at Romer po." Tumingin ako kay Romer at ngumiti ng may kabalakyutan. "Siya po ang nagkalat ng photo," I fibbed. Hell, I don't even know if he was the one who spread the photo all over the campus.

Nagulat siya sa akin sinabi at napatayo sa kanyang inuupuan. "T-that's n-not true!" Pautal utal niyang sinabi.

Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang naghuhuramentado sa harapan ng principal. " Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling po si Dante." Inilapag niya nag kanyang dalawang kamay sa lamesa at sinabi, "Ma'am wag po kayong maminawala sa kanya. Wala po akong alam tungkol sa litrato na iyan."

Iminuwestra ng principal ang kanyang kamay, "Phone?" Sabay tingin niya kay Romer.

Bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at ibinigay kay Principal Santos. "Password?" tanong ulit ni Ma'am Santos.

Pinindot niya ang kanyang phone at ini-abot niya ulit sa principal. Sinuri niya ang cellphone ni Romer ng maigi. Lumingon ako kay Romer at nakita ang bigla niyang pagkabalisa. I smiled deviously as I pierced my eyes through him.

Buti sa kanya! Now, at least, Elena and Samantha can have their justice. I kept my mouth shut about his force ministrations to them as I respected their pleas, but at least maybe this picture may give a hint to what really happened.

"What is this? At sa loob pa talaga ng school! This is preposterous!" Umismid si Principal Santos ng makita niya ang litrato. "Sabihin mo sa akin ang totoo, Mr. Romero, ano to? Ang akala ko ba wala kang alam?"

Hindi nakasagot si Romer.

Humigpit ang aking hawak sa aking kamay. Gusto kong magsalita, sabihin ang totoo, ngunit hindi ko magawa. Tanging mga salita ni Elena ang pumipigil sa akin upang sabihin ito. Napasandal ako sa akin upuan at hinayaan silang mag-usap.

"T-that's... Nakuha ko lang din po iyang photo pero wala po talaga akong kinalaman diyan. Kung tutuusin po biktima din po ako ng litratong iyan." Mamanhik ni Romer.

"Liar." I scoffed, gritting my teeth back at him.

Napataas ng kila si Principal Santos, "May iba ka pa bang alam, Mr Gillesania na hindi pa sinasabi ni Mr. Romero?" Tanong nito sa akin.

Napatigil ako sa kanyang tanong. Humigpit ang hawak ko sa aking kamao at napalunok ng malalim. Gustong-gusto ko sabihin ang totoo ngunit..."Ma'am wala po." Sinabi ko ng mabilis.

Napabuntong-hininga si Principal Santos. "Tawagin niyo nga Si Ms. Elena Payton," saad nito.

Napailing ako kaagad nang masabi niya iyon. "Wag na po ma'am. What happened is just between me and Romer. And I also believe na from what happened po that day, from all the mess she got from other students., she might not bear looking at him right now...Let's give her time to recuperate." I explained.

Napatungo lamang ang principal. "Hmm alright. You are right." I was shocked that she agreed. Sumalikop siya at tinukod ang kanyang siko sa lamesa. "Anyway, I understand both of your explanations, pero nasa school kayo at may rules and regulations tayo na sinusunod. With what you've done both of you are hereby suspended for one week."

"What? Bakit po ako kasama Ma'am Santos? Siya naman po nagsimula ng lahat ma'am," Inis na inis niyang sinabi.

Napahalukipkip lang ako habang pinagamamasdan magwala si Romer. Natatawa at naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano naging ganyang kablakutot ang kanyang utak.

Principal Santos stared at him surreptitiously. "May kailangan pa ba akong malaman, Mr. Romer Romero?"

Tinitigan ko siya. Naghihintay ng kanyang agot kung sasabihin niya ito.

Sandaling napatigil si Romer at napaupo sa kanyang upuan. Tumikhim siya at umupo ng maayos. "Wala na po." Napansin ko ang kanyang malalim na paglunok.

She sighed and touched her temples, massaging it softly. "Technically, namerwisyo ka rin ng another student Mr. Romero. Naglabas ka ng litrato ninyong dalawa na nakaschool uniform na mismo labag sa patakaran natin. Second, alam mo na yun... that the school ground is not for any sexual recreational use." Napatikhim siya. "Not that I want to intervene with you life, that's your life, pero alam niyo na mga bata pa kayo para sa ganyan. Kaya I suggest, ngayon palang itigil mo na yan," Mr. Romero babala ni Principal Ramos.

Hindi ko maatim ang payo ni Principal Ramos lalo't na alam ko ang totoo. Subalit, wala akong magawa kundi manahamik kahit gusto ko man isumbong o sabihin ang katotohanan. I respected Elena's decision to leave it be. If that's what she wants, so be it, as long as I'm there with her. Pero paano nga ba, kung hindi na kami nagu-usap at madalas ang pag-iwas niya sa akin.

"Okay you two are dismissed." Saad niya.

Lumabas na si Romer sa opisina na tila galit na galit. Hinintay ko muna siyang mawala sa kwarto bago ako pumunta muli kay Principal Ramos. Napatingin si siya akin at napataas ng kilay nang makita niya ang ang papanatili.

"Ano yun, Mr. Gillesania?" Binaba niya ang hawak na dokumento at tumingin sa akin ng diretsyo.

"I'm just going to ask if we are also gonna be suspended from playing?"

Napaisip siya sa kanyang upuan. Sumandal siya dito at humalukipkip. "Alright since you asked, I will allow you to play for the competition and may attend the practices. Ganun na rin kay Mr. Romero."

"Thank you ma'am." I placated a smile.

"On one condition Mr. Gillesania..." she added.

Napataas ako ng kilay.

"Go and bring home the bacon...." She replied with a smile on her face.

I nodded at her and decided to get out of her office.

**********************

Pinagmasdan ko si Elena na naglalakad ng mag isa sa corridor. Nakasuot ng polidong uniform at mahapit na ponytail. Nagtaka ako ng mapansin ko na hindi niya kasama si Melai. Ano kaya ang nangyari? Naipaisip ako habang nakatitig ako sa kanya na nakaupo sa bench ng soccer field. Gusto ko siyang lapitan at tanungin, ngunit alam ko na baka hindi niya ako pansinin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang binili kong sandwich at sinubo ito. Recess ngayon kung kaya't naandito ako ngayon sa may soccer filed, nagpapahangin at nagpapalamig. Napaubo na ako bigla nang wala sa oras ng may tumapik sa aking likod. Nakita ko si Rafael paglingon na may hawak na dalawang bote ng tubig. Ibinigay niya sa akin ang isa at umupo sa tabi ko

"Nabalitaan ko suspended ka daw?" Lumingon siya sa akin at uminom sa kanyang bote.

Tumungo ako at ngumiti. "Wala eh ganun talaga."

Napabuntong-hininga siya. "Ano ba kasi ang naisip mo at sinuntok mo si Romer? Si Elena ba?"

Sinagot ko siya habang nakapako ang aking mga mata kay Elena. "Oo."The reason is always been her.

He sighed as he rested his arm on the back of my shoulders. "Do you like her?" He asked and pointed her out to me with his pursed lips.

Without even thinking, I replied steadfastly, "Yeah..." I do like her so much and I don't know why. I know it was more than physical aspect. Yes, she is pretty, but its not the reason why I do. I like her because she's her with me, and no one has ever seen her not being the cold, aloof kind of girl they known. I like the thought that i'm the only man who can see her genuine smile.

"So, what now? " Rafael asked.

I shrugged. I weaved my hair through my fingers and replied, "I don't know. Hindi kami nagkakausap ngayon."

"Nag-away kayo?" He asked.

"I fucked it." Matipid kong sinagot.

"Was it because of Romer kaya ba kayo nag-away?"

Inalis niya ang kanyang braso sa aking balikat. Lumingon ako sa kanya at sinagot siya, "You could say that partly..." I can't tell him the truth anyway, even if he is my close friend.

Napakunot ang kanyang noo. "Sila na ba? kasi dude, if sila na better back off. You know based on the pic na kumalat, mukhang sila na. That's why people say around the campus. Romer neither denied it nor confirm it," paliwanag niya.

I hated that fact na yun ang pinaniniwalaan nila. Nasusuka ako makita na tuwang-tuwa si Romer na parang wala siyang ginawang karumaldumal. I hated that people think they are together... And I hated that it makes me jealous.

I sighed at binaling ko ang tingin ko pabalik kay Rafael. "They're not together, " I said.

He shrugged. "Maybe they had a fling?"

Hindi ako sumagot sa kanya at tumayo sa aking upuan. "Tara na. Tapos na recess," paalala ko. Tinapon ko ang paper lunchbox na hawak ko at naglakad papuntang corridor.

"Teka hintayin mo ako!" Sigaw ni Rafael. Tumakbo siya papalapit sa akin. "Tanong ko lang pare ah, since suspended ka, makakalaro ka pa ba sa finals?"

"Yup. Makakalaro daw kami ni Romer, sabi ni Principal Santos," I confirmed.

"Yun oh! Buti na lang! Sure win na tayo niyan!" Masaya niyang sinabi.

"Tang-ina, one week akong suspended. marami akong hahabulin," sagot ko.

'"Ay puta, so hindi ka makakaputa ng praktis?"

"Makakaatttend," ngumisi ako.

"Pucha naman pare, wag naman ganyan! Pinakaba mo naman ako eh!" Sambit niya.

Napatawa na lamang ako. Dumaan kami sa pasilyo ng mga classroom at nakita kong palabas ng room si Elena. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang kanyang pagmasid din sa akin. I wanted to greet her so badly, but I know i can't possibly do that after what happened, knowing she barely talked to me.

I sighed as I looked back to the hallway towards our room.

*****************************

Naramdaman ko ang lakas ng pintig ng puso ko habang nagtuturo si Elena. We didn't talk after what happened that day. It's like nothing had happened. i don't even know how to approach or talk to her. Sa kadahilan, pag gagawin ko it, parati siyang umiiwas o lumalayo sa akin.

I wanted to ask her how is she doing or tell her how I really miss talking to her, or even accompanying her going home. Subalit, hindi ko ito magawa ngayon. All I can do now is stare at her while she continued teaching, noticing how she always bit her lips or tucked the strand of her hair beneath her ears.

"Kailangan mo lang tandaan ang formula ng Pythagorean theorem , a^2 + b^2 = c^2. " Kinagat niya ang kanyang labi at nagpatuloy sa pagtuturo. "Ganito..." Kinuha niya ang kanyang padpaper at nagsulat. "For example, lets find c, and c is the third side or the hypotenuse. With the given equation from the problem, we have 5 as a and 12 as b. Now, ang kailangan natin gawin ay hanapin ang thic side which is c." Tumingin siya sa akin at nagpatuloy sa pagtuturo. "So to be able to find c, we have to use the Pythagorean Theorem, which is a^2 + b^2 = c^2."

She continued, "Bale ang mangyayari is since a is a = 5 and b is equal to 12, where gona use that numbers to get the hypotenuse. So ang mangyayari, 5^2 + 12^2 = C^2. Twenty-five plus 144 equals c squared.Now, add the two to get 169. C^2 is 169, but we only need to get c. To be able to do that, we have to get the square root of 169. So square root of 169 is..."

"Thirteen." Napatigil siya nang sumagot ako bigla.

Napatingin siya sa akin at tumungo. "Y-yeah you're right," nautal-utal niyang sinabi. Lumunok siya ng malalim at binalik ang kanyang mata sa hawak niyang libro.

She cleared her throat and added, "Um okay let's take more examples pa." Pinasadahan niya ang pahina upang hanapin ang exercises.

Napatingin lang ako sa kanya habang patuloy siyang nagsususlat sa padpaper. She gave it to me as soon as she was finished copying the problems from the book. I took it eagerly and started answering it.

Binalik ko ito kaagad nang matapos ko it. Kinuha niya ito sa akin ng mabilis at tsinekan. Nang matapos siya, iniabot niya ito ulit sa akin. "You got it all right. So naintindihan mo na yung lesson?" Tanong niya sa akin.

"Oo," sagot ko.

Tumango siya sa akin. "Hmm okay good. Um, sige let's end it for the day tutal naintindihan mo na."

Ayoko sanang matapos na kaagad ang tutoring namin. Kung pwede lang sana na padagdagan pa ito ng ilang oras, kahit isang oras or minuto lang, okay na sa akin.

Napatango na lamang ako sa kanya. "Okay." Nagsimula na ako magligpit ng aking mga gamit. Nang pagkuha ko ng papaper sa lamesa, nagkadikit kami ng mga daliri. I saw her flinched as she suddenly took her hand away from me.

"Eto oh." I binigay ko sa kanya an padpaper.

Kinuha niya ito at nagpasalamat, "Thank you."

Tumayo ako sa aking upuan nang matapos akong magligpit. Gusto ko sana siyang hintayin, ngunit nag-aalinlangan akong gawin ito. Alam ko sa ngayon, hindi niya ito munang gustong pag-usapan. Kung kaya't, tumayo ako sa kanyang harapan at nagdesisyon na mauna na lang, "Salamat, Elena. U-na na ako." Marahan kong sinabi.

Napatingala siya sa akin at napatigil sa pag-aayos ng kanyang gamit. "Ah, teka lang...Dante."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang kanyang tawag. Napataas ako ng kilay. "Ano yun?"

Kinuha niya ang mga notebook sa bag at ibinigay sa akin. "Eto pala mga reviewer na ginawa ko sa lahat ng subjects. Magagamit po pag nag-aaral ka habang suspended lalo't na kapag nagstart na ang suspension mo. Naandiyan na rin lahat ng upcoming lessons natin. Alam ko na mahuhuli ka sa kalase pag nagsimula na iyon," paliwanag niya.

Hinawakan ko ito ng mahigpit nang maramdaman ko bigla ang pagtahip ng aking dibdib. Knowing that she did all of this, I felt the wrenching gut in my heart. I didn't ask her to do this but she did, nor tell her about my suspension. Hindi ko akalain na gagawin niya ito para sa akin. I held the notebooks closely to my hand and replied at her, "Salamat Elena, malaking tulong it."

"Um sige una na ako." Sabi nito sa akin at naglakad siya papalabas ng library

Pinasok ko ang mga notebook sa loob ng aking sling bag at hinabol si Elena. Just this time, gusto ko lang siya makasama. Maghihintay ako sa tamang panahon kung kelan handa na niya akong kausapan. But today, I just want to be with her and be able to feel her presence besides me. With that, I decided to take this chance and ask her.

Tumakbo ako palabas ng library at hinanap siya sa buong corridor. Nang makita ko ang trademark niya ponytail, dumertso ako sa direksyon na iyon at hinila ang kanyang braso.

Napatigil siya sa kanyang paglalakad at napalingon sa akin. "Bakit?" Nagtataka niyang tinanong.

Hapong-hapo sa kakatakbo, binitawan ko ang kamay ko sa kanya at sinandal ko ang aking mga kamay sa aking tuhod. Tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim. "P-Pwede ba kitang ihatid? Kung okay lang sa'yo."

Napansin ko an paglaki ng kanyang mga mata. Sa sandaling iyon, naramdaman kong ang pagbilis ng tibok ng puso ko. At alam ko hindi iyon galing sa aking pagtakbo. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking sling bag, habang hinhintay aang kanyang sagot.

Napalingon siya sa akin ng bahagya. She sneaked a glance at me and said, "Okay..."

At that exact moment, I felt relieved from overflowing joy.

************End of Chapter 12***********