Naging madalas ang pag-uusap namain sa text pagkatapos namin magkuhaan ng cellphone numbers. Paminsan-minsan tumatawag din siya kapag may kailangan itanong o kung gusto niya ng may kausap. Sa katotohanan, mas naging malapit kami sa isa't isa simula noon. Mas nakikilala ko siya ng maigi na bilang isang Dante na may pagkapilyo at matuwain. Nagtataka na nga minsan si Nanay Aning dahil naging madalas na ang pag-uusap namin dalawa. Kung minsan, tumutuloy siya sa aming bahay upang ipagpatuloy ang tutoring, lalo't na nung panahaon na malapit na ang exams.
Nung isang araw, patulog na sana ako dahil exams na kinabukasan, laking gulat ko na lang ang biglang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Dante.
"Hello," aniya.
"Hi," sagot ko. "Napatawag ka, ano 'yon?" Tanong ko.
"Umm wala lang naman...." Natawa siya bigla.
"Matulog ka na." Napangiti ako at napakagat sa labi.
Napatigil siya ng sandali. "Hindi ako makatulog."
"Exams bukas, ready ka na ba?" Napahinga ako ng malalim.
Nagnilay-nilay siya panandalian. "I think so. Magaling kasi ang teacher ko eh. Strikto paminsan, pero iba kung magturo." Narinig ko ang kanyang pagtawa ng mahina sa kabilang linya.
Napatawa ako. "Ang kulit kasi ng studyante ko, parang bata gusto lagi ng break," biro ko.
Narinig ko ang kanyang pagtawag sa likod ng cellphone.
Hindi naman mahirap turuan si Dante. Sa totoo lang, madali siyang turuan, kung kaya't mabilis kaming nakakausad sa mga lesson. Ilang araw din kaming napapagabi ng uwi para maghanda na nalalapit na exam. At ngayon na bukas na ito, kinakabahan ako para sa kanya.
Napangisi ako. "G-good l-luck bukas," Napautal utal kong sinabi. I cleared my throat after and moved my head sideways.
Naramdaman ko ang kanyang pagngiti sa kabilang linya. "Thanks teach. Gagalingan ko para sa iyo...." Aniya.
Nang marinig ko iyon, biglang lumakas ng pintig ng puso ko. Inilapat ko ang kamay ko sa aking dibdib at nilaro ang aking mga daliri. "Galingan mo para sa iyo..." Nasabi ko ng mahina.
"Oo naman!"
Marahan akong bumuntong-hininga. "Sige matulog ka na. Maga pa tayo bukas," paalala ko.
Narinig ko ang paglinis niya ng kanyang lalamunan. "Teka, Elena..."
"Ano yun?"
"Goodnight, Elena." Malamyos niyang sagot.
Napangiti ako ng bigla. "Sa iyo din. Goodnight...Dante."
Pagkatapos noon, ako na ang unang nagbaba ng telepono. Kinabukasan, gumising ako na tila may mga ngiti sa akin mukha.
***************************
Kakatapos lang ng periodic exam namin noong nakaraang linggo at kasama ko ngayon si Samantha na naghihintay kay Dante sa library. Tila'y gusto niyang makapag-aral kasama namin, dahil namimiss na niya si Dante. Pumayag na ako sa kanyang hiling sa isang kondisyon na mag-aaral din siya at hindi mangungulit. Habang naghihintay kami sa kanya, tinuruan ko muna si Samantha sa kanyang algebra assignment.
Kumunot si Samantha ng kanyang ulit at kinamot ang kanyang ulo. "Ang hirap naman nito ate hindi ko maintindihan."
Napangiti ako ng makita ang sagot ni Dante habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Tinext ko si Dante na makakasama namin ngayon si Samantha. Nag-reply siya na okay lang naman daw sa kaya at walang problema.
Napangisi ako sa kanya, "Kaya mo yan konting practice lang. basta lagi mong tadaan yung mga rules na binigay ko sa iyo. PEMDAS muna and then the rules of signs with negative and positive. Okay?"
Tumungo siya sa akin, "Okay ate. Gets ko na," sabay nagthumbs-up sa akin.
Tinaas ko ang aking kilay. "Sigurado ka?" Tiniyak ko.
Naptang-tango siya sa akin. "Opo ate."
Ngumisi ako sa kanya, "Sige nga, try nga natin. Negative plus negative?
"Negative din," sagot niya ng mabilis.
"Okay tama. Eh negative plus positive?" Tanong ko ulit sa kanya.
"The sign of the answer will depend which the larger number between the two."
"Aba ang galing ah. Eh eto, negative minus negative?" Tumaas ulit ang aking kilay at napahawak sa aking bewang.
Ngumiti ng pilyo siya sa akin. "Positive!" Sagot niya na tila siguradong sigurado.
Sasagot na sana ako ng biglang may narinig akong malakas na palakpak sa tabi namin. "Galing naman ni Sam." Isang malalim na boses ang aking narinig sa panig.
Napalingon kaming parehas ni Samatha at nakita namin si Dante na nakangisi. Dali dali siyang sinunggaban ni Samantha ng mahigpit na yakap.
"Kuya naandito ka na pala," masayang wika ni Samantha. Umupo siya sa bakanteng upuan katabi ni Samantha at sinabit ang kanyangbag sa upuan.
"Kelan ka pa naandito?" Tanong ko sa kanya, habang kinukuha ko ang mga gagamitin ngayon sa pag-aaral.
Napansin ko na may kinukuha din siya sa bag niya. "Kanina-nina lang. I was watching you guys doing Q&A," aniya. Pagkatapos, inabutan niya sa akin ang mga test papers.
"Ano to? Results?" Napatanong ako bago ko tingnan.
Tumungo siya sa akin at sinalikop ang kanyang mga kamay. Sumandal siya sa kanyang upuan, habang nakatingin ang kanyang mala-kapeng mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga resulta. "Wow Dante, Congrats parehas na mataas sa math, science and english!" Sa sobrang tuwa ko, tumayo ako at dali-dali kong yinakap siya, habang nagdidistansya sa amin ang mahabang lamesa.
"Thank you, Elena. Couln't have done it without you," sagot niya, habang kayakap ako. Sa sandiling iyon, naramdaman ko ang bisig ng kanyang katawan at ang init ng kanyang yakap na tila payapa at sigurado.
Napapikit ako at napalunok ng malalim. Kinalaunan, binitawan ko din ang kanyang yakap ng marinig ko ang boses ni Samantha.
"Congrats kuya! Ang galing mo talaga, "Aniya.
Napalinis ako ng lalamunan. Bumalik ako sa aking upuan na tila may pagkahiya sa akin biglaang pagyakap. Napatingin naman ako kay Dante at napansin ko ang pagkuskos niya sa kanyang leeg. "Magaling kasi teaher ko eh." Sagot niya kay Samantha.
"Hindi ah. Sa totoo lang ang bilis mo ngang turuan," sinabi ko ng totoo.
Napangiti lang siya akin.
"Oo nga eh kuya, maging talaga magturo si Ate." Tugon ni Samantha, sabay kuha sa akin ng test paper ni Dante. Pinasadahan lang ito ni Samantha t binalik na rin kaagad kay Dante.
"Oo kaya wag mo akong gayahin at mag-aral ka ng mabuti," Sagot niya na pilyo sabay kuskos sa kanyang ulo.
"Kuya naman eh, magugulo yung ipit ko." Sabi ni Samantha na may pakairita.
Sabay kaming natawa ni Dante.
Binaling ni Dante ang tingin sa kanya at napunta sa akin. "So teacher, anung sisimulan natin ngayon pag-aralan?" Tanong niya sa akin.
Napaisip ako at napatingin sa kanilang dalawa na naghihintay sa desisyon ko. Handa na ang mga gamit ko na ituturo gayon din naman ang mga reviewer na maaga kong ginawa. Pwede naman na ituro ko ito ngayon sa kanya upang makapgsimula din kami ng maaga. Ngunit nadalawang-isip ako sa desisyon ko. Tutal naman, kakatapos lang exam, at mataas na marka naman ang nakuha ni Dante, napagpasyahan ko na hindi na lang muna namin itloy ang pagtuturo. At saka, kasama rin naman namin ngayon si Samantha, why not make this day a rest, right?
Napangisi ako sa kanila. Kinuha ko ang libro ko at binuksan ko ito. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Samantha at pasalumbaba ni Dante. Hindi ko na napigilan na matawa nang pagsarado ko ng aking kwaderno. Parehas na nanlaki ang kanilang mata at napangiti nang malaki.
"Talaga ate?" Wika ni Samantha na hindi makapaniwala.
"So wala muna ngayon?" Tanong ni Dante.
Tumungo ako sa kanila. "Oo naisip ko na kakatapos lang naman ng exam. At naandito rin si Samantha so baka hindi rin tayo makapag-aral ng maayos." Asar ko kay Samantha.
"Buti alam mo ate kasi hindi ko kayo tatantanan," humagikgik ng malakas si Samantha.
"Pshhht. Silence," sabi ng librian na nakaupo sa may harapan habang gumagamit ng cellphone.
Napatawa ulit si Samantha.
"Ang kulit mo talaga," dagdag ni dante sabay kuskos ulit sa kanyang ulo. Nairita si Samantha ulit, kung kaya't inayos niya ito muli. Lumingon naman si Dante sa akin. "Saan tayo ngayon, Teacher? Saan mo gustong pumunta?"
Binalik ko sa kanya ang tanong. "Kung saan niyo gutso. Okay ako dun," sinabi ko na may paninindigan.
"Ikaw, saan mo gusto, Sammy?" tanong ni Dante.
"Hmmm... meryenda tayo kuya, nagugutom ako eh," yaya ni Samantha.
"Okay lang sa'yo, Elena?" Tiniyak niya sa akin.
Tumungo ako at kinuha ko ang bag ko na nakalagay sa lamesa. "tara na, basta ikaw manlilibre." Ngumisi ako sa kanya at naglakad papuntang pintuan.
"Yun oh!"Tuwang-tuwang sagot ni Samantha. Tumayo silang parehas sa kanilang upuan at sinundan ako.
"Ang daya! Nilibre naman kita noon sa tricycle ah. Ikaw naman ngayon." Paulit ulit siyang nagtaas at nagbaba ng kilay sa akin, habang pilyong nakangisi.
Kumulubot ang aking kilay habang nakagisi. "Ay so ganun na pala ngayon? Hindi ko naman sinabi magbayad ka para sa akin. Gadgad ko at hinalukipkip ang aking braso
Lumapit siya sa akin at humilig. Napatitig ako sa kanyang mahubog na panga at mapupulang labi. Napalunok ako ng malalim at napahilig papalayo sa kanya. "Ikaw naman parang di mabiro." Sagot niya habang nakatitig ng malalim sa akin.
Nabaling lamang ang aking tingin ng marinig ko ang paglinis ng lalamunan ni Samantha. "Tara na, guys!" At hinila ako ni Samantha papalabas ng library.
Napalingon ulit ako sa kanya at napansin ang kanyang mga titig na wari hindi umaalis sa akin.
************************
Nakaupo na kami malapit sa bintana sa sikat na tapsihan ni Aling Cordia, naghihintay ng mga order naman. Katapat ko si Dante, habang katabi ko naman si Samntha. Parehas ang inorder nila na tapsilog, habang sa akin naman ay bacsilog. Hindi na rin kami pinagbayad ni Dante, dahil siya na mismo ang nagbayad para sa amin. Sabi nga niya, Basta, ako naman daw next time ang manlibre dahil nakailan na ako sa kanya. Hindi ako nakasagot at napatawa na lang.
"Okay sige since naghihintay tayo, let's play a game," excited na sinabi ni Samantha.
Napatukod si Dante sa kanyang upuan na mukhang handang handa. "Okay game."
"Let's play two truths and lie." Inurong ni Samantha ang mga baso at nagpatuloy sa pagsasalita. "So bale, magsasabi kayo ng dalawang totoo tungkol sa inyo at isang hindi totoo. Ang pinakakonting tama, may parusa. Ano game?" Tiningnan niya kami parehas.
"Okay sige," sagot ko.
Napalingon sa akin si Dante. "Game."
"Sino pmagsisimula? Paano ang ikot?" Tanong ko ulit.
Luminga-linga si Samantha sa aming dalawa ni Dante. Sa sandaling iyon, biglang tinuro niya si Dante. "Ikaw muna kuya, pagkatapos ikaw Ate Elena at ako naman ang sunod."
"Teka, bubwit bakit ako ang una?" Aning ni Dante.
"Paclockwise ang ikot kasi kuya. Gets mo naman yung laro diba?" Sinigurado ni Samantha, sabay kuha sa baso na walang laman at sa pitchel na nasa gitna namin.
Napatungo na lamang si Dante. "Okay. Alright, I'll start the game." Hinalukipkip niya ang kanyang mga braso at tumukod sa kanyang upuan. Inikot niya ang kanyang mata sa aming dalawa at ngumisi ng pilyo. "One, when I was a kid, I want to be a garbage collector when I grow up. Two, I don't hate the color of my dyed hair. Infact, I love it. Three, I take naps twice a day."
Napataas ako ng kilay, habang si Samantha ay napatikom ang kanyang bibig.
"Sigurado ka Kuya Dante, garbage collector? I don't believe it. I think that's the lie," ani ni Samantha na may pagtataka sa boses.
Huminga ako ng malalim at napangisi. "I think the lie is that you take naps, twice a day."
Napahalis ang kanyang mga labi at napangiti sa amin ng malaki. "Okay so both of you are absolutely wrong. I don't take naps twice a day because I just don't have a time to do so." Humilig siya sa kanyang upuan at tinukod ang kanyang braso sa mesa. "Unfortunately, when I was a kid, I really wanted to become a garbage collector, cause I love the act of digging stuffs. It excites me nung bata pa ako. And I really hated my dyed hair. I had this because of some stylist who did my hair for a photo shoot. Apparently, hindi ko na nabalik sa dati," natawa niyang sinabi.
Dumaing si Samantha."Ugh, mali ako. Really? So your hair was because of the photo shoot you had? Nice model ka pala Kuya Dante!"
Hindi na ako nagtaka kung nagkaroon man ng outside gigs si Dante maliban sa extracurricular activities sa school. Matipuno siya, makisig at matangkad. Talagang mapagkakaila mi na model siya or artista. "Anung product?" Tanong ko sa kanya.
"It was awful! Sa barbershop na pinagupitan ko. Natipuhan ako ng stylist na maging frontline model nila for their shop. Tinanggap ko na kasi sayang naman ang ibibigay nila saking pera," halinghing ni Dante.
"Magkano?" Tanong ko.
"Five-hundred din yun ah," saad niya.
"Fair enough, but it did ruin your really nice hair," Sinako ng totoo.
"So you think my hair is nice?" Napataas siya ng kilay. And your eyes too.
Napalunok ako sa aking sinabi. "Okay lang pwede na." I lied. Ngumisi ako at humalukipkip.
He chuckled and added, "So paano ba yan walang tama sa inyo. Point ko ba yun?" Asar ni Dante.
Napaisip si Samantha. " Hmm okay, fine sige. Point mo pero pag may nakatama na isa, point niya yun, okay?" Paliwanag niya. "Okay, Ate Elena, ikaw na ang next," dagdag ni Samantha.
Napaisip ako. "Hmmm okay." Tinukod ko ang ko sa lamesa ang aking kamay at sinalikop ito. "Una, Hindi ako marunong magbike. Pangalawa, takot ako sa gagamba. Pangatlo, allergic ako sa mani."
Napataas ng kilay si Dante. "I think yung allergic ka sa mani? I feel like that's a lie. I haven't seen you riding a bike, and if you know how, then dapat yun ang gamit mo pauwi. As for spiders, its possible."
"Sa akin naman yung hindi ka marunong magbike ang lie. I don't believe na meron taong hindi marunong magbike. As for spiders, that's understandable and sa mani naman pwede kasi hindi pa kita nakikita na kumakain ng mani, Am I right?"Katwiran ni Samantha
Nilinis ko ang aking lalamunan at sinagot sila, "Okay Tama si Dante. I am not allergic to nuts dahil favorite ulam ko ay karekare. Totoo na I never knew how to ride a bike until this day dahil wala kaming bike sa bahay. And lastly, I am not afraid of spiders, but it doesn't mean I like them." Paliwanag ko sa kanila.
Umangil si Samantha. "Ugh tama nanaman si Kuya Dante. Mukhang mananalo ka ngayon kuya," sabi niya sabay hampas sa kanyang braso. Humilig nang papalayo si Dante at pilyong natawa.
"Well, ganun talaga," sagot nito kay Samantha.
"Do you want me to teach you how to bike?" Dante asked.
"Sama ako, if ever," sambit ni Samantha.
Tiningnan ko siya ng maigi. "Hmm...may bayad ba 'tong pagtuturo mo?"
Tumungo siya at pilyong ngumiti. "Siympre. Manlilibre ka."
"Wag na lang," Ni-reject ko ang kanyang offer.
"Your loss. Magaling pa naman ako magturo..." biro niya.
"Okay lang I can live without it," nagpumilit ako. Tinitigan niya ako nang maigi at napangiti siya ng malalim.
Kinumpas ni Samantha ang kanyang mga kamay sa lamesa at nagsalita, "Okay guys, ako naman." Pinagpatuloy niya, "First, hindi pa ako nakakasakay ng rollercoaster. Second, colorblind ako. Third, I have 13 cousins and all of them are boys."
"This is tricky," biglang nasabi ni Dante.
Napaisip ako ng matagal. Hindi ko alam kung ano ang tama at mali sa kanyang mga sinabi. Ngunit alam ko na sigurado ako na meron siyang 13 cousins na lalaki, dahil nakwento nga niya ito sa amin ni Melia.
Kinagat ko ang aking labi. "I think its absurd na hindi ka pa nakakasay ng roller coaster. So I believe na that's a lie." Paliwanag ko.
Tumango -tango lamang si Samantha at hindi umimik. Napalingon naman ako kay Dante at nakita ko siyang nagtaas ng kilay. Ngumiti ng wais sa akin si Dante. "Sa tingin ko the lie is that you have 13 cousins who are boys, "sagot niya.
At dahil alam kong tama ako, pinilit kong hindi ngumisi.
Lumingon sa aming parehas si Samanta. Tinitigan kami ng matagal at sumagot, "Sorry kuya pero mali ka." Nilihis niya ang tingin niya papunta sa akin. "Sa iyo din Ate Elena, mali din."Pinagpatuloy niya ang kanyang pagpapaliwag, "I really do have 13 cousins who are all boys. At totoo na hindi pa talaga ako nakasakay ng roller coaster dahil ayaw ng parents ko, natatakot daw sila. So the lie is colorblind ako." Ngumisi siya sa amin, "Yes I've got a point na rin. Habol ka Ate Elena."
Napabuntong-hininga ako. "Okay, ano ba ang punishment?" Bagama't, kahit matalo ako, okay na akong makitang masaya sila. Napangiti ako bigla habang pinagmamasdan sila ni Dante na mag-asarang dalawa.
Nagpakita ng dalawang daliri sa akin si Samantha. "Round two pa ate," aniya.
"Oka-" Napatigil si Dante, nang makita namin ang paparating na pagkain galing sa aming likuran. Pumalakpak si Samantha sa pagkagalak. Inurong ko ang mga baso at kubyertos sa lamesa, upang mapalagyan ng pagkain.
"Ayan na," excited na sinabi ni Samantha.
"Yun, kanina pa ako nagugutom," dagdag ni Dante habang hinihimas ang kanyang tiyan.
Inilapag na ng waitress ang mga plato sa hapag kainan. "Eto na po. May kulang pa po ba sa order ninyo?" Tanong niya.
"Padagdag na lang ng extra rice, ate. Thanks," ani ni Dante.
Kumuha siya ng tickler sa kanyang bulsa at sinulat ito. 'Yun lang po ba?" Tanong niya ulit.
"Ay ate chili sauce po pala," dagdag ni Samantha, habang kumukuha ng toyo at kalamansi sa kanyang harapan.
Tinuro ako ni ate ng tingin at nagtanong sa akin. "Sa inyo po?"
Umiling ako sa kanya. "Yun lang, teh. Salamat."
Sumubo ng malaki si Dante sa kanyang plato, habang si Samantha na gutom na gutom ay mabilis na kumain. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig ang kanilang mga lalagyanan.
"Salamat ate," sabi ni Samantha habang ngumunguya.
"Uy salamat, Elena," wika naman ni Dante.
Napangiti lang ako sa kanili habang sumasandok sa aking plato. "Mukhang gutom na gutom kayo ah."
Lumunok ng malalim si Samantha, at kinuha ang baso na may laman. " Oo eh, ang konti lang kasi ng nakain ko kaninang lunch," sinabi niya at sinubo ulit ang pagkain sa kanyang kutsara. Kumuha siya ng tissue at pinunas sa kanyang bibig. Uminom siya ulit sa kanyang baso at nagsalita. "Tuloy na ba natin?" Tanong ni Samantha.
Napatukod si Dante sa kanyang upuan at sumandal. Kinuha niya ang kanyang tubig at inubos niyang inumin ito. "Sige ba."
"Okay," dagdag ko pagkatapos kong lumunon. "Sino na ba?' dagdag ko.
Tinuro ni Samantha si Dante. "Sa iyo ulit kuya," wika nito.
Tumango siya at inayos ang kanyang pag-upo. "Okay Sige." Binaba niya ang hawak niyang baso at nagsimula ng magsalita. "First, I had my first gf when i was 14. Second I've been arrested and put into jail. Third, I sleep naked. " Ngumisi siya sa pangatlong sabi.
Nanlaki ang mata ni Samantha at namula, habang ako naman ay napaubo ng wala sa oras. Nilunok ko ng maigi ang aking kinakain. Alam kong nakawento na niya na naresto siya noon sinaktan niya ang nobyo ng kanyang ina. Possible din naman na magkaroon siya ng girlfriend sa ibang bansa dahil iba rin naman ang lifestyle at Ngunit, hindi ko mawari ang sinabi ni Dante, na laking gulat pa rin sa akin. Namula bigla ang aking mga pisngi habang iniisip ang kanyang walang saplot na hubog. Umiliing ako ng konti at ibinalik ko ang attensyon ko sa kanila.
"Seryoso ka kuya? Nakulong ka na? OMG, iba ka. Lodi!" Inapiran ni Samantha si Dante.
Tinaas ko ang aking kilay at humalukipkip. "Sa tingin ko ang lie yung you sleep naked," tiyak kong sinabi.
Napataas siya ng kilay at ngumiti sa akin. " Sigurado ka, Elena? Curious ka ba?" Tanong niya na naninigurado. Humilig siya ng konti sa akin at tinukod ang kanyang braso sa lamesa.
Napalunok ako ng malalim. "Hindi noh! At oo sigurado ako." Matipid kong sagot.
Napatungo lang siya, binaling niya ang tingin sa akin at lumingon kay Samantha. "Ikaw, Sam. What's your guess?" Tanong niya.
Napaisip si Samantha. " Hmm ako sa tingin ko yung girlfriend? Ewan ko pero parang pwede naman. I mean hindi naman natin mapagkakaila na pwede ka magkagf ng 14 yrs old. But then, I also think its true that you got arrested and you sleep naked. So naisip ko yung first one," sagot niya sabay tinuro ang isa sa kanyang kamay.
Napatango lamang si Dante, habang tintitigan kami dalawa. Ngumiti siya ng pahapyaw at sinabi, "Okay so it was true that I got arrested and put in a jail for a day because I punched my mom's boyfriend. Second, it was also true that i sleep naked, because i don't feel like sleeping with clothes. So Samantha got it right-"
Napatigil si Dante nang biglang sumingit si Samantha. "I knew it. Tama ako," aniya sabay kumpas ng pagkagalak sa kanyang mga kamay.
I groaned inwardly. "Paano ba yan, Elena. Wala ka parin puntos." Sumalumbaba si Dante habang kinukutsara ang kanyang pagkain.
Bakas sa aking mukha ang gulat ko sa kanyang inamin. "Hindi ka pa talaga nagkakagirlfriend. I thought--" Napatigil ako sa biglang pagsalita ko. Kinagat ko ang aking labi at napatahimik.
Tinaas niya ang kanyang kilay at ngumisi, "You thought, I already had, right. Well, just to satiate your curiosity, wala akong time for that." Humilig siya sa akin ng kaonti. Napansin ko ang kakaonting distansya sa aming dalawa.
Lumayo ako at sumandal sa akin upuan. Naramdaman ko ang paglakas tibok ng aking puso. "O-Okay. My turn." Napalunok ako ng malalim.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Eto hindi niyo mahuhulaan," hamon ko. "First, I'm not an only child. Second, I don't know how to play any sports. Third, I really hate studying."
Biglang sabay na napahakhak si Dante at Elena. Inapiran nila ang isa't isa na tila nagkakasundo sa kanilang pinagtatawanan. Pinagmasdan ko lang silang tumatawa, habang pinipilit kong hindi mapahalakhak din.
"Ate ikaw? You hate studying? No i don't think so," ani ni Samantha. "I think that's a lie," dagdag ni Samantha.
Tinaas ni Dante ang kanyang kamay. "I second the motion." Kutya niya.
Nalaglag ang aking panga. "Is that what you really think of me guys," sagot ko na may pagkadismaya.
"Mali ba ate?" Tanong ulit ni Samantha.
Inikot ko ang aking mga mata at humalukipkip. "Sa tingin mo?" Biro ko sa kanya.
Napakunot ng noo si Dante. "Anung tama?" tanong niya. Kinuha niya ang natitirang mankok na may kanin sa kanyang tabi at inilagay sa plato.
Ngumisi ako. " I really do hate studying. It's true. Pero wala akong magagawa dahil kailangan. Second I'm really not the only child, kasi namatay yung brother ko na sa sinapupunan ng nanay ko bago siya ipinanganak. And lie yung i've never played any sports."
"What kind of sports?" Tanong ni Dante, na mukhang interesado sa paksa.
"Badminton. I like badminton," sagot ko ng mabilis.
"Laro tayo minsan? matalo manlilibre," yaya ni Dante.
"Sige ba," hamon ko.
"Sali ako," singit naman ni Samantha.
Tinaas ko ulit ang kilay ko. "So paano ba yan, nakahabol na ako. Parehas na tayo may one point Samantha," ani ko sabay pisil sa kanyang mga pisnga.
"Hahabulin ko yan ate," aniya. "Tutal ako naman sunod." Dagdag ni Samantha. Ngumiti siya sa amin na may pagkapilyo. "So First, I can lick my elbow. Second, I hate pineapple on pizzas. Third, when i was young I had taekwando lesson." Sinubo niya ang natitirang kanin at tapa sa kanyang plato.
"I love pineapple on pizza," ani ni Dante." But then you can hate it. So I'll bet on you can lick your elbow," dagdag niya.
Napaisip ako ng sandali. "Sa tingin ko yung Third, which is you had taekwando lessons when you were young."
Nilaro-laro ni Samantha ang kanyang mga kilay. Ngumisi siya sa amin na may katusuhan. "Well I really don't like pineapple on pizza. Sorry, Kuya Dante pero di ko talaga matake. Second, I really did had a taekwando lessons when I was young, but then nabalian ako ng buto. I was casted for weeks, kaya hindi na natuloy. So that means the lie is the first one. I can't lick my elbows, even if i try it," inexplain ni Samantha
Napasalumbaba ako nang malaman ko na talo nanamin ako ulit at nakapuntos nanaman ulit si Dante. "Well, alright, i lose. What's my punishment?" Daing ko na may pagsuko sa aking boses.
Lumingon sa akin si Samantha. "Hindi pa ate, parehas tayong one point. " Tinuro niya si Dante, habang kinukuha ang pitchel sa aming gitna. "Si Kuya Dante ang nangunguna, with three points," aniya.
Napangisi ako sa kanyang sinabi. "So i still have a chance to win." hamon ko.
"If you can win against me." Humilig si Dante sa akin at ngumiti ng nanunukso.
Tinaas ko ang aking kilay at inikot ang aking mga braso. Sumandal ako sa upuan habng nakatitig sa kanya. Napatingin sa amin si Samantha.
"Guys, I will win," sambit ni Samantha.
Sa kalaunan, ako ang natalo at nagkaparusa. Natapos din ang amin laro sa ikatlong round. Nangunguna pa rin si Dante at nahuhuli ako. Dahil nga natalo ako, humingi sila ng sili sa waitress at pinakain sa akin ng isang buo. Buti na lamang mahilig ako sa spicy food at hindi ako naapektado ng sobra.
"Aba matindi si Ate kaya kumain ng maanghang," manghang manghang sinabi ni Samantha.
Inabot sa akin ni Dante ang baso ko. "O, tubig uminom ka muna," aniya habang tumatawa.
"Salamat. Next time ikaw naman," tinuro ko siya.
"Only if you win and I lose." He deviously smirked. Muntik na akong mabulunan ng mapatitig ako sa kanya nang di oras sa mga malalagkit niyang titig.
Nang pagbaba ko ng aking baso sa lamesa, nakita kong kinuha ni Samantha ang kayang cellphone sa bag. Napansin ko angpaglaki ng kanyang mga mata. "Shit,naghihintay naandiyan na sundo ko."Napalingon siya sa amin at mapakagat sa labi. "Una na ako kuya Dante at Ate Elena." Kinuha niya ang kanyang bag na nakasabit sa upuan.
"Sabay na tayong pumuntang school," iminungkahe ko kay Samantha na wari nagmamadali ng umalis.
Sinenyales ko si Dante na umiinom sa kanyang tubig. "Sige, sige tara na," aniya.
Sabay kaming tumayo ni Dante sa aming upuan at inayos ang lamesa. Dali-dali kaming nagpaalam kay Aling Cordia at nagpaalam. "Salamat ho sa pagkain, aling Cordia. sa susunod po ulit," paalam ni Dante.
Pagkataos roon, naglakad kami pabalik ng eskuwelahun kung saan nanghihintay ang dsundo ni Samantha. Nang makita niya ito, kaagad siyang nagpaalam sa amin at tumakbo papunta sa itim na sasakyan.
"Una na ako Ate, Kuya! Thank you sa palibre Kuya Dante!" Sigaw niya, bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Kumay kami sa kanya at naghintay sa mandar ang sasakyan hanggang sa pumalakad ito. Nang lumayo na ang distansya nito samin, napalingon sa akin si Dante, "Ano tara na?"
Simula ng kanyang pagpunta sa aming bahay, tuloy tuloy na ang paghatid ni Dante sa akin pauwi. Hindi ko na rin siya pinilit na itigil ang paghatid sa akin, dahil, sa totoo, lang din naman, gusto ko rin na may nakakusap ako at may kasama sa paglalakad. Hindi ko man maamin sa sarili ko, pero I like talking to him. I feel like I am at ease with him.
Tumango ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan. "Sige."
**************End of Chapter 9*************