Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 10 - Chapter 10: Dante

Chapter 10 - Chapter 10: Dante

Sa ilalim ng madilim na gabi at mga kumikislap na bituin, sabay kaming naglakad ni Elena sa taimtim na kalye patungo sa kanilang bahay. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang paglibot ng kanyang mata sa mga tala. I stared at her longingly while her face looking brightly upward. Naramdaman ko ang mabagal na pagtibok ng puso ko habang pinagmasdan ko ang kanyang mahabang buhok na umaagos sa malamig na buwan.

"Nakakapagtaka na ngayon ko lang napansin ang ganitong karaming bituin," she mused as her hands tried to reach for the bright light of the midnight.

Napatingin ako sa mga bituin nang masabi niya ito. "Yeah. Usually hindi kasing rami ng ganito."

She turned around and looked at me, "Naalala ko noong pumunta kami sa probinsya ni lola, ganito din kaganda ang mga bituin." She softly smiled, while reminiscing that exact moment in her life.

"I wish I could see that. I live in the busy streets in States. And sa tanan ng buhay ko doon, wala pa akong nakitang kasing ganda nito," sagot ko habang nakatitig sa kanya.

Napansin ko ang biglang pagkadismaya sa kanyang mukha. " What it's like living there?" Tanong niya.

"Its very rowdy and crowded. The air is polluted. But, however, the good thing about it was we were at the heart of the city where everything was fast-paced and lively. There were definitely ups and down." Napaisip ako, "Pero siguro kung papapiliin ako, mas gusto ko dito....."

"Bakit?" Mabilis na tanong niya habang naghihintay sa akin sagot.

Lumingon ako sa kanya at napatitig sa kanyang mga mata na nakamasid din sa akin. "B-Because its much nicer here. Tahimik and slow-paced. You can cherish every moment you experienced..." Napahinto ako sa aking pagsasalita nang mapansin ko ang kanyang mga kahalihalinang mga mata. Napalunok ako ng bigla at napahawak ng mahigpit sa aking sling bag.

She pursed her lips and averted her gaze back to the quiet streets of the place. "Hmm totoo nga. Minsan nga naisip ko kapag wala akong magawa, na sobrang bagal ng oras," aniya, habang nagpapatuloy sa paglalakad.

"Dito na ba kayo nakatira ni Lola Aning simula pagkabata?" Tanong ko sa kanya.

Tumungo siya sakin. "Sa pagkakaalam ko, dito na talaga nakatira si Nanay. Kaya nga kung mapapansin mo, pinaglumaan na ang bahay namin," ika niya.

Naliwanagan ako. "Kaya pala." Naalala ko ang araw na pumunta ako sa kanilang bahay at pinakain ni Nanay Aning. Napagtanto ko parang kailan lang noong nagkakilala kami ni Elena, at ang kanyang biglang pagwalk-out sa library.

Napgpatuloy kami sa paglalakad. Lumiko kami sa kanto at napansin ko ang pagdilim ng daan. Medyo madilim na rin sa kanilang lugar, kung kaya't naisipan kong bilisan ang lakad. Lalo't walang masyadong street lights na nakapalibot dito. Napatingin ako kay Elena, at napansin ko rin ang kanyang pagkabalisa.

"Tara?" Alok ko sa kanya. "Bilisan na natin at madilim na sa inyo kapag gumabi pa," I explained to her. She instantly nodded at me and hurriedly moved her paces.

She sighed. "Wala kasing masyadong ilaw dito sa amin, kaya madilim talaga pag gabi," daing niya. Napakagat siya sa kanyang labi. "Kaya nga lagi akong umuuwi nang maaga, dahil alam ko na medyo madilim na talaga dito sa amin kapag inabot pa ako ng gabi," dagdag nito.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap. Dali-dali siyang napahawak sa likod ng aking uniform. Lalong humigpit ang paghawak niya dito nang patuloy kaming naglalakad sa madilim nilang daan.

"Takot ka ba sa dilim?" Tanong ko sa kanya.

Yumuko siya at hiyang-hiya na tumungo sa akin. "O-Oo" Mahina niyang sinabi.

I inhaled deeply. Umigting ang aking panga. Umikot ako at tumingin sa kanya. "I'm here. Take my hand. i won't let you go. " Ito lang ang mga katagang nasabi ko. Hindi ko alam kung papayag siya o hindi, pero hinaltak ko ang kanyang kamay sa akin at hinawakan ng mahigpat.

Hindi siya kumibo at hindi rin naman siya umayaw. Hinayaan niya akong hawakan ang kanyang mga kamay. This is the first time I held her hand. Her hand was small, soft and smooth, like a hand you would want to protect with your life at all cost. I felt my stomach curled up, as the bile against my throat swallowed down.

While her hand was on mine, I asked her, "Bakit ka takot sa dilim?" I averted my gaze from the streets to her.

"I-I just don't like it. Feel ko nawawala ako ng control. II-ts the fear I a-already have when I was young," sagot niya na may pag-aalintana.

"Buti na lang pala naandito ako at nahahatid kita." Sambit ko. I cleared my throat, trying to eliminate the awkwardness between us.

Tumingala siya at tumingin sa akin. "Thank you pala sa laging paghatid mo sa akin. Alam ko na malaki ang naabala ko na oras sayo kaya maraming salamat."

I felt the warm on my face rose down through my cheeks. I brushed my thumb through hers as her hand was still on mine. Smiling softly, I answered, "Wala yun, diba sabi ko sa'yo this is the payment I can give to you for tutoring me?"

She bit her lip and replied, "But you don't have to. Binabayaran naman ako ng tita mo."

"Yeah, I told you her and not me."

"But it isn't the same?"

"Nope. Ayaw mo ba? kung ayaw mo na hinahatid kita, sabihin mo lang," I said honestly.

"No hindi. Its's okay. it's just baka naabala kita," she replied, showing concern in her eyes.

No you can never be a hindrance to me. Napaisip ko. "No. I do this because I like doing it," napasabi ko. "Tara? Para maaga-aga ka makauwi. Baka ako mayari kay Nanay Aning,"

Tumungo siya at napatawa.

Hinila ko siya papalapit sa akin. Binilisan ko ang paglalakad ko habang sinusundan niya ako sa likod. At this instance, I felt happy, knowing she's beside me as I held tightly of her hand. If I would be given a chance to hold her, I would not let her go in my arms. I knew I shouldn't feel this way, but it was too long for me to notice that it already had began. Right now, I just wanted to be with her, as for the rest of the time that I can have with her tonight.

Tumigil kami sa harapan ng kanilang bahay ng mapagtanto ko na naandito na kami. Binitawan ko ang kanyang kamay at ini-abot ang ang kanyang bag sa kanya. "Thank you," wika niya, sabay buhat dito sa kanyang kaliwa.

She waved at me and walked towards their gate. "Sige, Good night.

"Sige."

Kumaway muna ako sa kanya bago umalis. "Good night din," dagdag ko. Binaling ko ang tingin ko sa kanya nang makita ko ang kanyang pagbukas ng gate.

"Dante?"Narinig ko ang aking pangalan sa kanyang labi.

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. Tumaas ang aking kilay sa pagtataka. "Ano 'yon?" Tanong ko. Lumapit ako ng konti and napatingin kay Elena na nakatayo sa bandang pintuan.

Kinagat niya ang kanyang labi. "Ingat ka," aniya. She smiled softly at me as I stared at her.

I replied her with a smile and waved. "Sige, una na ako..." I uttered sheepishly. I turned round, and continued strolling in the cold street of the night, thinking of the smile on her face.

***************************

Pag uwi ko ng bahay, nakita ko si Tita Rizza na tinuturuan si Thea. Pinuntahan ko sila sa kusina. Bago ko kinausap si auntie, hinalikan ko muna ang pisngi ng pinsan ko at nagmano kay tita.

Lumingon si Tita sa akin at napakunot ng noo. "O, ba't ngayon ka lang saan ka galing? Diba wala kayong practice ngayon?" Binaba niya ang kanyang salamin at nagtanong.

We've been on a strenuous practice since we got to finals. It's only been two weeks since the run through and I felt ever fiber of my muscles cracking. The only good thing about it, thankfully, our coach decided to postpone our practice to let our body prepare and rest for a while for the upcoming finals this Saturday. Hell, just even thinking about it made my nerves high strung from nervousness.

Kinuskos ko ang likod ng aking leeg at napasandal sa may kabinet ng mga plato na katabi ko. "Hinatid ko po si Elena sa kanila."

Napatungo siya. "Ahhh, Edi ba kakatapos lang ng exam?" Tanong niya na may pagtataka,

Naglakad ako papunta sa mesa at umupo sa kanyang tabi. "Yup. But you know Elena." I fibbed. I didn't exactly tell her the truth. Knowing how curious she can get, I left some details about it. Besides, its not really and important matter that needs to be attended.

"Well yeah. Oh kamusta naman ang grades mo? " iminuwestra niya ang kanyang kamay na nangangahulugan na paghanap ng aking test papers.

"Its alright. I guess." I shrugged. I placed my bag on the table and grabbed the sheets of papers that was tuck inside my book. "Here..." I replied, as I handed the testpapers to her. However, before she can look at it, I added, "Pasign na din pala, auntie."

Kinuha niya ang testpapers sa akin kamay at sinuri niya ito ng maigi na parang Ini-evaluate isa isa. Naghintay ako ng reaksyon sa kanya ngunit wala akong makita sa kanyang mukha, kung kay't napasalumbaba ako sa lamesa hangang sa matapos niya itong basahin.

Binaling ko na lamang ang aking attensyon sa pinsan kong makulit. "Bakit hindi ka pa natutulog? Mas lalong tataba ka niyan," asar ko sa kanya.

Nanlisik ang kanyang mga mata sa akin. "Hindi ako mataba, kutya. ikaw nga, uwi ka ng gabi lagi kasi kasama mo lagi gf mo," sagot niya.

Ay pucha kang bata ka, Napamura ako sa aking sarili. "Hindi ko yun gf, tutor ko yun," depensa ko sa kanya.

"Bakit lagi mo siya kasama kung di mo siya gf?" Sagot niya sa akin nang patanong. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Sa kadahilanan, for the past few weeks, after ng practice ko, si Elena ang nakakasama ko. Kapag naman naglulunch, minsan napapasama ako sa kanilang kumain lalo't na nung time na nagrereview kami for exams. It is that then I realize that most of my free time I have in school were with her...

Napatingin ako ulit kay Thea at napangiti ng malaki, "Ikaw talaga Thea-taba ang dami mong alam."

Natuwa siya sa aking sinabi at pilyang ngumisi. "Siympre kuya, nagmana ako kay mama." hinatak niya pataas ang kanyang braso at napa-dukwang na parang superwoman.

Pinisil ko ang kanyang pisngi, "Ang kulit mo talaga. Tapusin mo na nga iyang ginagawa mo-" Napatigil ako sa pagsasalitanang marining ko ang boses ni Auntie Rizza.

"Good job Dante, keep it up," she said shortly. She then gave back my test papers and smiled at me. "Kaya mo naman pala eh."

"She's really a good teacher," saad ko.

"So should we stop your tutoring since I know you were force to do so?"

Nagulat ako sa tanong niya. I never knew it would end up to this point where she will questioned me about that. I cleared my throat, put my test papers back on my bag and replied, "U-um its up to you tita. I'm just fine with anything." I inhaled deeply, seemingly disappointed.

Napataas ang kanyang kila na tila naghihinala. "How many weeks na ba ang tutoring niyo?" Tanong niya.

"About a month, I guess. I don't count it, " I replied honestly. Realizing what I have just said. I was shocked. Looking back, I didn't expect I would be able to get this point of knowing her because of our tutoring.

"Do you want to continue it?" She asked while she smoothed her daughter's hair.

"Hindi po ba kailangan niya ng trabaho si Elena?" I asked

Napatungo siya. "Yeah. Pero naisip ko na since hindi ko rin naman mabantayan si Thea sa kanyang pag-aaral, pwedeng si Elena na lang. She'll still have a job pa rin naman." Auntie Rizza explained.

"Right then, so...if that so, It's alright, " I feigned a smile.

"Wala pa naman Dante, pinag-iisipan ko pa. Pero as of now, I just want to know your decision about it, " she answered and drank the cup of coffee from her grip.

I nodded. "Alright, tita." Kinuha ko ang bag ko at tumayo sa aking upuan. "Una na po ako. Maaga pa po ako bukas," dagdag ko.

Tumango lang siya sa akin. "Sige, Good night," aniya.

Nilapitan ko si Thea-taba at hinalikan ulit sa pisngi. "Goodnight munchkin." Niyakap niya ako ng mahigpit, "Goodnight din, Kutya Dante."

Umalis na ako sa kusina at naglakad papunta ng kwarto ko. Subalit, napatigil ako ng marinig ko ulit ang boses ni Auntie Rizza. Napalingon ako sa kanya at napansin ang kanyang paghalukipkip.

"Dante?" wika nito.

"Hmm?" Tumaas ang aking kilay.

"I just want to tell you that whatever You and Elena have, please think it wisely. Lalo't na ayokong may mangayaring masama sa inyong dalawa...Yun lang naman." Lumapit siya sa akin at nagsalita, "Just think about it okay?"

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Alam ko na this past few weeks may naging mabuti ang pagkakaibigan namin ni Elena. We've gotten close to each other than we ever thought we will be. Alam ko rin na prinoprotektahan lang kami ni Auntie and she didn't mean to offend anty of us. However, I also knew that we are only just friends and nothing more than that can possibly happen.

"Don't worry about it tita." I pronounced.

************************

I held tightly on my tray of lunch, curious on the boisterous sound of the cafeteria. Comparing it from before, the clamors of students are far different. Confused on the lack of better understanding of what's happening, I walked towards the path way, going to our table.

Napalinga-linga ako sa paligid at pansin ko ang patuloy na pagtsitsismisan ng mga stundantye. Kung kaya't lumingon ako pabalik sa aking lamesa at nagtanong sa kaibigan kong si Anthony, " Anong meron, ba't parang mas maingay ngayon?"

Sumubo siya ng pagkain sa kanyang plato at kinuha ang bottled water sa kanyang tabi. "Hindi ko din alam, pre eh. Nagulat din ako na sa pagdating ko ang ingay na sa cafeteria."

Napatungo na lamang ako. Kinuha ko ang aking kutsara at nagsimula ng kumain. Napatingin ako sa daan at nakita ko si Elena sa likod ni Rafael kasama si Melai na naglalakad papunta sa kanilang table. Napansin ko ang kanyang pagyuko na animo'y may tinataguan.

Papunta na sana ako sa kanya, nang mapansin kong si Rafael na paupo sa aming table habang dala dala ang kanyang tray. Umupo siya sa harapan ko kasama si Carlos na may dala-dala rin tray. "Oi pre," saad ni Carlos. Inapiran ko siya at umurong para makaupo si Rafael.

"Pucha, ano nanaman kaya ang bagong ingay," iritang irita na sinabi ni Rafael.

"Ewan ko rin eh," sagot ko na walang kaalam-alam sa pangyayari. "Mukhang iisa lang ang pinaguusapan nila," dagdag ko na may pagtataka.

"Tang ina pare ang sakit ng mga buto buto. Hindi ko magalaw buong katawan ko," daing ni rafael, habang inaayos ang kanyang kainan. Naintindihan ko ang kanyang reklamo, dahil ako mismo masakit din ang buto sa tuloy-tuloy na practice na ginawa namin. Buti na lamang kahapon, napagdesisyunan ni coach na ipapaliban muna ito.

I snickered, "Yeah. Well bro ganyan talaga."

"Alam mo gayahin mo kami ni Anthony, chess club. Walang kahirap-hirap. Utak mo lang sapat na," aniya ni carlo atsaka sumandok sa kanyang pagkain.

"Gago ka talaga," napailing si Anthony. "Malapit na ang competition ah. Sa Saturday na. Good luck," sambit niya.

Tumango si Rafael, na tila nababagabag sa nararating na competition. "Pucha, pagkatapos talaga nitong finals, magpapahinga ako," pangako niya.

"Wala kang balak manalo tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Tang ina pare, wala na akong pakialam kung manalo tayo oh hindi. Pucha, paggising ko pa lang kaninang umaga hindi na ako makabangon sa kama. Tutal naandiyan ka naman, hindi mo namana kami papabayaan. " Rafael grumbled, as he took as swig of his bottled water.

Napatawa lang ako sa kanya. "Hala. Oi, iasa ba naman sa akin lahat." Binatukan ko siya sa ulo

Ngumisi siya sa akin at tinuloy ang pagkain.

Luminga-linga ako paligid at hinanap si Elena. Naabutan ko siyang kasama ni Melai kumakain sa kabilang table bandang dulo. Hindi na niya ako napansin dahil nakatalikod siya. Alam ko na siya iyong nakatalikod, dahil sa kanyang pulang ponytail na laging suot.

Napalingon ako sa kabuuan ng cafeteria at napansin ko ang mga lumilibot na mata sa lamesa nila Elena. Pinagmasadan ko ang mga studyante at napansin ang kanilang mga bulong-bulungan habang sumusulyap ng tingin kay nila Elena

Confused, I averted my gaze back to our table and asked them, "Ano bang meron at bakit sila nakatingin ka Elena?" I straightforwardly asked.

Napataas si Anthony ng kilay sa akin. "Sa kanya ba nakatingin? Ano nga bang meron?" Napatanong din siya.

Rafael shrugged. "Ewan ko. Eh baka pinag-uusapan kayo? Hindi mo ba alam na ang akala ng buong campus kayo na dahil lagi na kayo magkasama. At eto pa, may nakakita sa inyo na hinahatid mo siya pauwi. Siguro iyon?" Kwento niya.

I don't care about that fucking rumor, as long as I know what's the truth, I thought. "Tinututor niya lang ako. That's it. Nothing more," I replied flatly.

Napansin ko na nanlaki ang mata ni Carlos. "Hindi niyo ba alam? Seryoso kayo? Kumalat na kaya sa buong campus ang rumor?"

"'Yong sa kanila ni Elena?" Sambit ni Anthony, sabay turo sa akin.

Umiling si Carlos. "Hindi. Yung kay Elena at Romer?"

Nayanig ang buong katawan ko sa aking narinig. "Ano sila ni Elena?"

Tumungo si Carlos na parang wala lang, habang kumakain ng hotdog niya na may ketchup. Sa kanila ni Elena? Napatanong ako sa sarili ko dahil alam ko na wala naman something sa kanilang dalawa.

Humilig ako sa lamesa at tinukod ko ang braso ko dito. "Anung tungkol sa kanila?"Tanong ko na animo'y nanginginig ang aking mga kamay. Sinalikop ko ito at hinawak ng mahigpit.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at pinakita ang picture. Napahilig kami sa litro na napinakita niya. "Eto oh," wika niya.

"What the fuck," mura ni Anthony.

"Iba din talaga si Romer... sa locker room talaga ah!" tawa ni Rafael.

Hindi ako makapagsalita. Pinagmasdan ko ng maigi ang litrato. Nakita ko ang kuha nang pagpatong ni Romer kay Elena. Nagdilim kaagad ang paningin ko ng makita ko ito. Itong litrato na ito ay ang araw na muntik nang magahasa si Elena at Samantha. Napahigpit ang hawak ko sa aking kamao at hindi ko mapigilan ang panggigigil. Nilibot ko ang aking mga mata at bigla kong nasilayan si Romer sa kabilang banda, tumatawa habang hawak ang kanyang cellphone. Gago 'tong lalaking to, may gana pang tumawa. Napahuramentado ako sa aking isipan

Nabaling ang aking attention nang bigla kong marinig na may tumatawag sa akin. "Dante, alam mo ba ang tungkol sa kanila? Diba tutor mo si Elena?" Tanong ni Anthony.

"Hindi sila," I stingily replied.

"Eh paano nagkaroon ng ganitong photo?" tanong niya ulit.

"Actually, nakuha ko lang yan sa kaklase ko na nakuha din niya sa iba. Tinanong ko naman kung totoo ito, sabi naman ng kaklase ko oo daw, si Romer mismo ang nagsabi. Apparently, hindi ko alam na nag-circulate na pala ang photo sa buong campus,"kwento ni Carlos.

All I know, whatever they say about the photo, is not true. I was there when that moment happened. I knew what happened and it maddened me how they twisted the truth.

"Si Elena ba talaga?"Malaking pagtataka ang nangibabaw kay Anthony.

"Oo nga," pilit ni Carlos. "Hindi rin nga ako makapaniwala ng una na si Elena Payton na hindi makabasak plato ay kayang gawin yan."

Rafael shrugged. "Well, no one can blame her. Everyone has their own kinks."

Hindi ako sumagot sa kanila at binaling ko ang tingin ko pabalik kay Romer. Naramdaman ko ang biglang pagtayo ng aking mga paa papunta sa kanilang banda. Humigpit ang hawak ko sa aking kamao. Naramdaman ko ang patuloy na pag-init ng daloy ng aking dugo hanggang ulo at paa.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang paghapit ng aking mga paa at kamay. Nang malapit na ako sa kanya, dali dali-lumunsad ang aking mga kamao sa kanyang mukha.

"Tang-ina mo Romer!" Napasigaw ako.

*************End of Chapter 10************