Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 8 - Chapter Eight: Dante

Chapter 8 - Chapter Eight: Dante

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong biglang lumapit ang isang matandang babae na nakausot nag mabulaklak na daster sa may bandang gate.

For an old lady, she's a bit tall, and remarkably fit for her age. She's wearing an old flowery duster clothes flowing down to her ankles. I realized, as soon as I caught attention to her, some of her features looked a little bit like Elena. Her grandmother's cupid bows lips, arched fluttering eyes and broad nose are exactly like Elena's.

Lumingon si Elena at nakita ang kanyang lola sa gate, na naghihintay sa kanya. "Nay..." nasabi ni Elena nang may pagkabigla.

Malaking gulat ang sumalubong sa mga mukha ni Elena, nang makita niya ang kanyang lola sa kanyang likuran. Kagyat, nagmano siya sa kanyang nanay at dumaong sa loob ng bahay. Sumulyap siya sa akin ng pahapyaw, at napakagat sa kanyang labi.

Hindi nagsalita ang kanyang nanay. Humalukipkip lamang siya habang sinusuri ako ng matalim. Napalunok ako ng malalim at napahawak ng mahigpit sa aking sling bag. Ngumiti ako ng pahiling, nangangamba sa kanyang mga mapanuri titig.

"H-hello po, lola. H-hinatid k-ko l-lang po pa-uwi si Elena," I uttered while my voice shivered from nervousness.

She nodded at me and stared with piercing eyes. I turned around to look at Elena. Clearly, her face painted with fear. She shook her head eyeing me to go already.

I jolted at her, reminding he that it might be rude for her grandmother. She slumped her shoulders, turned around to her grandma and said, "Pauwi na rin po siya lola, hinatid lang niya po ako pauwi."

Hindi siya lumingon kay Elena, at pinagpatuloy ang pagsuri sa akin. " Ah ganon ba," sagot niya kay Elena.

"Iho, ikaw ba ang tinuturuan ng apo ko?" Biglang tanong niya sa akin.

Nagulat ako sa bigla sa kanyang tanong na tila, hindi ako makaisip ng maayos sa aking isasagot. "O-oopo. Ako po," I cleared my throat. Hinawakan ko ang kamay ko ng mahigpit, at pilit na pinipigil ang pagnginig nito.

Tumango siya sa akin.

There was a deafening silence.

Walang nagsalita pagkatapos noon. Napansin ko na naglakad papunta sa loonb ng kanilang bahay ang kanyang lola. Si Elena, na kabado, ay nanatili sa kanyang pwesto, dumudungaw sa aming dalawa ng kanyang lola. Nang pumasok sa loob ang kanyang lola, napagtanto ko na dapat na ako umalis.

Subalit, bago pa man ako makaikot, narinig kong nagsalita ang kanyang lola, "Hindi ka papasok iho?"

Natulala ako. I can't believe what I've just heard. Shocked and stunned, I asked her grandmother, " Ha? a-nno ho?"

She looked at me, with dead eyes and said, "Pasok ka na o tatayo ka lang ba diyan?"

Napatingin ako kay Elena na mukhang gulat na gulat rin. "Nay?"

"Hindi mo ba papasukin ang bisita mo, nak?" Tanong ng kanyang lola. Napalingon sa akin si Elena at sa kanyang lola. Napalunok siya na parang nag-aalinlangan.

"Nay, hinatid lang niya po ako," paliwanag ni Elena.

Napataas ang kilay ng kanyang lola. "Ayaw mo siyang papasukin?" Crossing her arms, she stared at Elena, intensely.

"U-um..." Elena glanced at me. Her eyebrows furrowed as she bit her lips. I averted my gaze at her and looked at her grandma, who's waiting for her, with her arms crossed.

Nag-atubili siyang lapitan ako. Lumakad paunti- sa aking pwesto at nagsalita. Tila kita ko sa kanya ang pag-aalinlangan at kaba. " Um, p-pasok ka daw sa loob?" Hinila niya ng mahinahon ang akin uniform. Naamoy ko ang malinis at mabango niyang pabango.

Tumulin ang bilis ng pintig ng puso ko, pagkasabi niya iyon sa akin. Naglakad ako ng paunti unti sa loob ng kanilang bahay, nag-aatubiling pumasok. Nang pagpasok ko, umikot pabalik si Elena at sinarado ang gate. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay si Elena.

"Um, Elena...." Ani ko.

She brushed the back of nape and answered me. Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa pintuan."Pasok ka sa loob."

Nauna akong naglakad sa kanya papuntang hagdan. Ramdam ko ang kabog ng puso ko papasok sa kanilang maliit na bahay. Nang makakyat na ako, pinihit ko ang pinto at binuksan ito. Pagpasok ko, sala na an dinatnan. Umupo ako sa bakanteng sofa at pumirme ng maayos.

Napansin ko ang pagpasok ni Elena sa loob ng kusina. Sinulyapan ko siya ng tingin, at nakikitang nagtitimpla ng juice. Nang matapos siya, pumanta siya sa silid at ibinagay sa akin ang punong baso ng juice.

"inom ka muna," aniya

"Salamat," Sagot ko. Nilapag ko ang juice sa table at luminga-linga sa paligid.

I looked at the TV besides me. It's a box type with antenna that looks like from decades ago. I felt the rigidness of the varnished wood seat, as I try to properly sit down. I looked around their house and realize how cozy it looks with all the creaky old paint, stale furniture, probably worn-out for years, and the medals of Elena that were placed on the walls. Curious about it, I got up on my seat and looked closely at shelves. A picture of Elena and her parents caught my attention. I grasped it, held it to my hand and stared at it. She's wearing a yellow frilly dress and a pigtail while smiling with her mom and dad. I realized that her smile looked exactly like her mom's. Then, I placed it back to its place. I grabbed another picture of hers from the shelf. She wore a toga and her face filled wit a bit of make-up. I chuckled as I realized that she is not smiling in any of her pictures after their death.

Then a voice caught my attention, I looked back and saw Elena, wearing jeans and black t-shirt. She moved towards me and saw me holding her photo.

"Grade Six." Sabi niya, sabay kuha sa sa akin ang picture niya. Inilapag niya ito ulit sa kung saan ito nakalagay.

"Sa San Augustine College ka rin ba naggrade shool?" Tanong ko sa kanya at bumalik ulit sa upuan. Umupo ako at kinuha ang juice sa lamesa.

Tumungo siya at tumabi sa akin. "Oo, tubong San Agustin ako simula pagkabata." Sagot niya sa akin.

Napatungo lang ako. Hindi na ako makapagsalita pagkatapos noon. I feign to look around the room as I try to ignore the deafening silence between us. Clearing my throat, I pointed her picture with her parents. "Ayan ba yun...." Napatigil ako nang ma-realize ko ang tanong ko.

Napatingin siya sa turo ko at napatigil. Hindi siya nagsalita ng ilang sigundo. Bagama't lumingon din siya pagkatapos noon at sumagot. 'Oo, yan yung huling memory kasama ko sila."

She looked at me sadly. I felt my heart wretched into pieces seeing her bleak eyes with forlorn and longing. I wanted to touch her, but knowing she might flinch, I held back. I tried my best comforting her. " You got your mother's smile." I said to her, reassuringly.

"Sabi nga nila." Napatitig siya sa litrato na nasa shelf at napaisip. I looked at her, and saw her smiled genuinely. My lips curved into a smile as I thought of it. This is the second time I saw her smile, and i think its the best feature of her.

"And she's beautiful," saad ko. Parang ikaw. A tinge of tickle shivered down my spine. I stared at her, while yearning at the photo of them at the shelves. She looked happy and sad at the same time. I wanted to comfort her, tell her something that will make her look the same as with the photo years ago.

She glanced at me. "Yeah. I do remember, nung bata ako, gustong gusto ko maging katulad niya. She's like the model I looked up to in my life.. She's a florist. May sarili kaming flowershop. Naalala ko, pagkatapos ng klase, tuwang tuwa ako lagi pagpasok ng shop, kasi sobrang bango, amoy mga bulaklak. And I saw her there, happy while decorating bouquets."

Napangiti ako sa kwento niya. "Anung pangalan ng mama mo?" Out of curiosity, I asked.

"Tinatawag siyang Amy, pero ang whole name niya ay Camellia," tugon nito.

Nagulat ako nang bigla kong nakita ang lola ni Elena. Humilig siya sa may pintuan at nagsalita, "Pinangalan ko siya sa bulaklak na iyon, dahil noong pinagbubuntis ko siya, pinaglihi ko siya sa Camellia." Paliwanag ng Lola niya.

"Ah ganun po pala. Ang ganda po ng pangalan niya lola," sabay nasabi ko.

Napangiti siya sa akin ng mahina. "O siya, halika magmeryenda muna kayong dalawa at ako ay nagluto ng champorado pa naman."

Pumunta kami sa kusina kung saan may handa ng champorado sa lamesa. Umupo ako sa may bakanteng upuan at itinukod ang aking mga braso sa lamesa. Gayon din si Elena, umupo siya sa harapan ko. Tinabihan naman siya ng kanyang nanay.

Kinuha ko ang kutsara na nakalapag sa lamesa."Maraming salamat po lola...." Napatigil ako ng mapagtanto ko na hindi ko alam ang kanyang pangalan.

"Aning. tawagin mo na lang ako Aning," Sagot niya sa akin.

Tumungo ako sa kanya at napangiti ng pahapyaw. "Maraming Salamat po Lola Aning." I reiterated.

Sumubo ako ng champorado galing sa aking bowl. "Masarap po ang champorado niyo, lola," I complimented.

Kumuha siya ng baso sa may lalagyanan, nilagyan niya ng tubig at pinatong sa lamesa. "Salamat, iho," sagot niya sa akin, at umupo ulit sa upuan.

Iminuwestra ko ang baso at nagpasalamat sa kanya. "Thank you po."

Napalingon ako kay Elena at napansin ko na hanggang ngayon hindi siya mapakali. Kinuha niya ang baso niya at inubos niya ito. Nakita ko ang kanyang unti-unting pagkain sa bowl ng champorado.

Sinalikop ni Nanay Aning ang kanyang kamay at tinukod ang kanyang mga braso sa lamesa. Luminga-linga ang kanyang mata sa aking ulo hanggang sapaa. Napalunok ako ng makita kong napatigil siya sa aking mapulang buhok. I got conscious while eating as her eyes stared daggers at my hair. With that, I grabbed a strand of my hair unconsciously.

Naputol ang nakakabalisang katahimikan, nang magtanong siya, "Bale, ikaw ba ang tinuturuan ng apo ko?"

Napaayos ako bigla sa aking upuan at tumango kay Lola Aning, "Opo." Binaba ko ang hawak kong kutsara at pinailalim sa lamesa ang aking kamay.

Tumango siya sa akin. Lumingon ako kay Elena, at napansin ko ang hindi niya paggalaw. "Anung pangalan mo?" She asked again.

"Dante po," mabilis kong sagot na tila'y siya ay teacher ko.

"Ah, okay sige..." Sagot niya. Kinuha niya ang champorado sa akin lamesa at inilapag sa hugasan. Pinagmasadan niya ako ng maigi at nagtanong ulit, "Nililigawan mo ba ang apo ko?"

Bigla akong nabulunan at napaubo sa kanyang sinabi. Kaagad kong kinuha ang baso ng tubig sa aking harapan at ininom ng buo. "H-hindi po...lola," Napalunok ako ng malalim ng wala sa oras.

"Nanay! hindi niya po ako nililigawan," daing niya.

"Hmm sige..." She suspiciously looked at me. Bigla na lang nanigas na parang yelo ang aking buong katawan habang patuloy ang pagmamatyag ng kanyang lola sa akin.

Napatingin ako kay Elena at napansin kong gumalaw ang kanyang mga labi. "Sorryy..." mahina niyang sinabi.

Bumalik si Nanay Aning sa kanyang upuan. Tinukod niya ang kanyang braso at nagsalikop. "Salamat sa paghatid kay Elena," wika niya.

Nagulat ako sa kanyang sinabi na bagkus nagtanong pa ulit ako. "Ho?" I glanced at Elena, and saw her who was pretty stunned too from her grandmother's words.

"Thank you sa pagsama mo sa kanya gabi-gabi," she repeatedly replied.

I smiled thriftily. "Walang anuman po. Gabi-gabi na din po kasi kami natatapos, that's why I decided to accompany her," I informed her.

"Parehas ba kayo ng year ni Elena?" Tanong niya ulit.

"Opo," sagot ko ng mabilis.

Nagtanong siya ulit sa akin,"Same section?"

"Hindi po," then, I took a swig on my glass full with water.

Napataas ang kanyang mga kilay at nagtanong ulit. "Anung section mo?"

Napalunok ako ng sandali. "T-third s-section po," pautal utal kong sinagot.

Napatungo lamang siya sa kanyang sagot. "Ah kaya pala..."Kanyang napagtanto.

Nang marinig ko iyon, naramadaman ko ang sakit sa akin tiyan na parang sinuntok ako ng ilang beses. Natauhan ako sa kanyang sinabi at napahiya. Napayuko ako, hiyang-hiya sa aking sarili.

"Nay!" Angil ni Elena.

Hindi tumigil ang kanyang lola at pinagwalang-bahala ang kanyang sinabi. "Turuan mo itong mabuto si...." Napatigil siya sa pagsasalita. "Ano nga ulit pangalan mo totoy?" Tanong niya ulit.

"Dante po," hiyang hiya kong sinagot.

"Ah, basta, nak, pagbutuhin mo ang pagtuturo kay Dante at binabayaran ka ng magulang niya, okay?" Paalala ng kanyang lola.

Napalingon ako kay Elena nang marinig ko ang kanyang pilit na hindi pagtawa. "O-opo nay. Atsaka po si Mrs. Ramos po ang nagbabayad sa akin."

Gulat na gulat siya sa sinabi ni Elena. "Si Rizza? Eh ang magulang niya?" Tanong ni Lola Aning.

"Teacher kasi dati ni Mrs. Ramos si Nanay Aning dati," paliwanag sa akin ni Elena. Napatungo ako at naliwanagan sa kanyang sinabi.

Kaya pala magkakila sila ni Auntie. Napaisip ako.

Nabaling ang tingin ko kay Elena nang itinuro ako ng lola niya. "Ah, lola Aning, Auntie ko po si Auntie Rizza. kapatid po siya ng mama ko," I explained to her.

Naliwanagan siya sa aking sinabi. "Ah ganun ba. Ang mga magulang mo toy nasaan na?" Usisa niya.

Napalunok ako ng malalim sa kanyang tanong. "Hiwalay na po. Bale po parehas po silang nasa ibang bansa. Kay nila Auntie Rizza po ako ngayon nakatira," I replied hastily.

She nodded, "Ah ganun ba. Kaya pala.... "

"Opo," Ito lang ang nasagot ko sa kanya.

Napatango-tango ang lol ni Elena. "Sige toy, pasabi kay Rizza na maraming salamat at binigyan niya ng trabaho ang aking apo." Aniya.

Napatungo ako sa kanya. Ngumiti ako at sumagot sa kanya. "Sige po, lola. Sasabihin ko po kay tita."

"Nga pala toy, naalala ko...." tumayo si lola sa kanyang upuan at may kinuha ng baunan sa refrigerator. Inilagay niya ito sa paper bay na kinuha niya sa kwarto at ibinagay sa akin. "Eto, paki bigay kay Rizza, ha. Sabihin mo pasalamat ko sa pagbigay niya ng part-time sa apo ko."

"Okay po," tumungo ako at hinawakan ko ito ng maigi.

"O sige ubusin mo na yang iniinom mo at para makauwi ka ng maaga," sabi niya sa akin. Tumungo ako sa kanya. Tumingin ako kay Elena at nakitang unit-unti na niyang inuubos ang kanyang champorado.

"Nak, Elena samahan mo to mamaya si Dante sa sakayan ah." Utos ni lola Aning. Tumungo lamang si Elena at tinuloy ang pagkain ng champorado.

"Sige po nanay," sagot ni Elena. Kinuha niya ang tubig sa tabi niya at uminom.

Umiling ako kay Lola Aning, "Nako, wag na po, lola. Kaya ko na po." Tugon ko sa kanya sabay kumpas sa aking mga kamay.

"Sigurado ka iho, alam mo ba ang daan dito? Baka hindi mo alam ang daan dito," she concernedly asked.

Tumungo ako ng mabilis. "Opo, lola."

"Ah sige, iho," tugon niya. She looked at Elena, and saw her still eating the champorado.

Nang matapos kumain ni Elena, dumertso kami sa sala at kinuha ko ang sling bag ko. Habang si Elena, naiwan sa kusina at nahuhugas ng pinagkainan namin. Gusto ko sana siyang tulungan ngunit, ninais ni Lola Aning na pauwiin na ako, dahil magga-gabi na din naman. Kung kaya't, dumeretso ako sa sala, at ipinasok sa loob ng bag ko ang ibinigay ni Lola Aning. "Una na po ako. Maraming Salamat po sa meryenda, lola." Kumaway ako sa kanya at nagpaalam.

"O, sige iho. Mag-ingat ka pauwi....Regards ulit kay Rizza," aniya sabay kaway sa akin.

Dumeretso kami sa pintuan. Pinihit niya ang doorknob at binuksan ito. Humilig siya sa panig ng pintuan, habang pinagmamasdaan ako pababa sa hagdan. Pababa na sana ako nang marining ko tinawag ni Lola Aning si Elena. "Nak, hatid mo muna si totoy hanggang gate!" Sabi nito sa kanya.

Sa kabilang banda, narining kong sumagot si Elena, "Opo, nay."

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Elena na nagpunas ng kanyang kamay sa pantalon, habang naglalakad papunta sa akin.

"Wag na po, okay lang po nay Aning. Malapit lang po naman ang gate." I insisted.

"Nako, sige na iho... kasi ilolock pa namin ang gate." Na-realize ko nang masabi niya ito. Hinayaan kong samahan ako ni Elena hanggang gate ng bahay nila. Pagkatapos, pumasok na sa loob si Lola, pagdating ni Elena.

Napatingin ako kay Elena, na naghihintay sa akin. "Tara..." Wika niya.

Nauna siyang bumaba ng hagdan sa akin. nang makababa kami, dumertso kami papuntang gate. She grabbed the key from her pockets and opened the lock.

"Sorry nakaabala pa ako sa inyo," sabi ko habang nagbubukas siya ng pintuan.

Pagkatapos niya itong buksan, tumingin siya sa akin, "Okay lang. si nanay naman ang nag-insist. Ako pa nga ang nahihiya dahil naabala pa kita. Atsaka, pagpasyensyahan mo na si nanay. Ganoon talaga siya sa mga taong hindi pa niya masyadong kilala," aniya.

Umiling ako sa kanya. "Hindi okay lang. Wala yun. Atleast nakakain pa ako ng masarap na champorado ng lola mo," I reassuringly said to her.

She smiled a little bit. "Masarap talaga ang champorado ni lola."

Napangiti ako sa kanyang mga ngiti. Ipinasok ko sa bulsa ko ang aking mga kamay. Sinubukan ko ulit siyang tanungin tungkol sa kaninang tanong ko na naputol dahil sa pagdating ni Lola Aning. "U-um Elena...."

Napataas siya ng noo. "Hmm?"

Napalinga-linga muna ako sa paligid bago tumingin sa kanya. "Tutal medyo magkakila na tayo, pwede bang mahingi ang number mo? Para ma-text din kita for tutoring," mabilis kong tinanong.

I saw the shock on her face. Napaisip muna siya bago sumagot. " U-um sige... For tutoring, " mahina niyang sagot. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ko lang kinuha ang number niya for tutoring.

As soon as she agreed, I felt my stomach fluttered a bit. Malaki ang tuwa na tila'y hindi mapigilan sa aking mga ngiti. I then fished my phone from my pockets and gave it to her. Kinuha niya ito sa akin at ibinigay naman niya ang phone niya sa akin.

Pagkatapos kong pumindot sa cellphone niya, ibinalik ko ito, "Um thanks."

"Sige," sabi niya habang hawak niya ang bakal ng gate sa kanyang kamay.

"Sige. una na ako," napangisi ako sa kanya at naglakas ng patalikod sa gate. Lumingon na ako ng mapalayo sa gate. Naramdaman ko ang pagsarado ng kailang pintuan habang nagmamartsa ako papuntang sakayan ng tricycle.

Kinuha ko ang aking phone sa busa at tinext si Elena.

To: Elena

Thank you sa pakain. Pakisabi na rin kay Lola Aning na salamat sa pabaon niyang kare-kare.

Ibinalik ko sa aking bulsa ang cellphone pagkatapos magtext at dumeretso kagad sa sa sakayan ng tricycle. Napatingin ako sa mga ulap at napansin na hindi pa naman masyadong gabi.

Nang dumating na ako sa tricycle stand, naramdaman ko nag-vibrate ang phone ko. I grabbed it from my pockets, and looked at the incoming message from her.

From: Elena

Walang anuman. Salamat din sa paghatid.

I smiled like a fool after that.

***********End of Chapter 8***********