Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 7 - Chapter Seven: Elena

Chapter 7 - Chapter Seven: Elena

Nagulat ako nang tumambad ang kanyang mukha sa akin. Nabigla ako sa kanyang makapanhilakbot na paghilig. Humangos ng mabilis ang akin puso nang mapatitig siya sa akin. Animo'y hindi maalis sa akin isipan ang kanyang mga mapupukaw na mata at ang matingkad na pulang buhok na hindi ko maatim. Hindi ako makagalaw na tila naging bato ang aking mga paa. Naramdaman ko ang init hindi lamang sa aking mukha kun'di sa aking buong katawan. Napakurap ang aking mata sa pagkagulat na tila'y may nagbuklat sa aking natutulog na diwa. Napalunok ako at napabaling nang tingin.

Nang marinig ko siyang magsalita, napalingon ako. "Tara na?" Aniya.

"Okay?" Matilihan kong nasabi. Naglakad ako papunta sa kanya at napatingin sa bag ko na hawah niya sa kamay. Dalawa ang bag na dala ko ngayon dahil marami akong iiuwi. Nasa likod ko ang isa, habang nasa kamay niya ang isa.

"Akin na yung bag ko," wika ko habang kinukuha ko ang bag sa kanya.

Umiling siya sa akin at sumagot, "Ako na ang magbubuhat."

"Hindi okay lang kaya ko naman,sabi ko, sabay pilit sa pagkuha sa bag ko.

Hindi niya pa rin ito binigay at nagmartsa ng mabilis. Hinabol ko ang kanyang mabilis na hakbang hanggang sa maabutan ko siya "Ako na magbubuhat. Isipin mo na lang pa-thank you ko para kanina," paliwanag niya at ngumiti siya ng malaki.

'Diba sabi ko nga sa iyo hindi na kailangan kasi babayaran naman ako ni Mrs. Ramos," sagot ko sa kanya.

Sumalubong ang kanyang kilay. "Yeah, but then, ang auntie ko naman ang magbabayad at hindi ako." Napatigil siya sa kanyang pagsasalita. Hindi niya tinapos ang kanyang sinabi at iniba ang usapan."Bakit ka nga pala naghahanap ng part time job?" Nagtataka siyang nagtanong.

"Para sa college. Atleast kahit papaano may-ipon ako. pampacollege kung sakali hindi ako makakuha ng scholarship. Hindi na kasi kaya ni lola na paaralin pa ako." Paliwanag ko na walang alinglangan na ikwento sa kanya.

"Ang oo nga pala," sagot niya na tila may naalala siya.

Nagtaka sa kanyang sagot, napataas ang aking kilay.

"Nakwento sa akin ni Auntie na, naulila ka na at nakatira ngayon sa lola mo, inamin niya na may pag-aalinlangan sa kanyang boses.

"Ah nakwento pala sa iyo ni Mrs. Ramos" aning ko ng mahina.

Nagulat ako ng biglang may dumating na tricycle sa gilid ko. "Palit tayo." Hinila niya ako ng mahina sinunggaban ang aking kamay palayo sa daan. Nilipat niya ako sa kanyang pwesto. Siya ngayon ang sa may daan at ako ang nasa gilid.

Napayuko ako at napa-ubo. "Matagal na silang patay, s-simula pa noong bata ako. Si lola na lang ang nag-aalaga sa akin," kwento ko.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag. Hindi ako komportable kapag tinatanong ako tungkol sa magulang, kahit na matagal na akong naulila sa kanila. Datapwa't, naalala ko lang na wala na sila sa tabi ko kapag nagtatanong ang mga tao sa akin patungkol sa kanila.

"I-i'm so sorry., if i made you remember it," sagot niya na may halong pagdadalamhati ang pagsisi sa kanyang boses.

"Okay lang. Nasanay naman na ako. Atsaka matagal na rin yun." Lumunok ako. Alam kong nagsinungaling ako sa kanya, pero hindi ko rin kayang sabihin ang tungkol sa kanila. At para saan pa, hindi rin naman kami close at nagkakilala lang naman din kami da kay Mrs. Ramos. Nalungkot ako ng kaunti, nang maisip ko ito.

"Anung memory ang naalala mo na masayang kasama sila?" Gayunman, nagtanong siya ulit.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko sa kanyang mata ang kuryosidad. Napalunok ako, napangiti ng mahinhin. "Yung huling birthday ko kasama sila, nagcelebrate kami sa amusement park..."

"Ilang taon ka noon?"

Lumingon ako sa kanya, "Eight years old."

"Ang bata mo pa pala nang mamatay sila. I'm sorry about that, though I don't know what happened to your parents. I feel like they really love you so much," simpatya niya.

Muntik na akong mapaiyak. Pinilit kong hindi maiyak. "They really did. Naalala ko nung sinurprise nila ako noong birthday ko. Matagal ko na kasing gustong pumunta ng amusement park. Ilang beses ko ngang sinabi sa kanila. Kaya ayun nung birthday ko, kakagising ko lang, pinagbihis nila ako kasi may pupuntahan daw kami. Yun pala, malaking gulat ko, bibisita pala kami sa park." Sa oras na iyon, hindi ko mapigilan mapangiti habang inaalala ang mga panahon na kasama ko sila. Mga panahon na inosente, walang pag-aalinlangan at walang hapdi.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang ngumiti. "Talagang amusement park ha. Bakit nga pala amusement park?" Tanong niya habang naglalakad kami sa tabi ng daanan.

"What? I love amusement park. It's a happy place. And what do you mean by 'bakit pala amusement park?" Napatanong ako.

Tumawa siya ng mahina at sinagot ang tanong ko, "I mean, anung nagustuhan mo sa park?"

Naliwanagan ako. "Ahhh, kasi siguro nung bata ako tingin ko sa park magical. Like it's a endless place of wonder and happiness. Masaya kang pupunta dun at malungkot kang aalis dun...." Napatigil ako. Tumingala ako sa langit at nakita ko ang tuldok nang bitiun na kumikisplay na parang diyamante. Napalingon ako ulit sa kanya at napatingin ako sa kanya, habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin.

Tinuloy ko ang aking sinasabi, "Pero syempre iba na ngayon. Ang amusement park ang natatangi kong alala sa aking mga magulang, that's why it is so dear to me..." I uttered, honestly.

Napatigil kami sa paglalakad. Nasarado ang mata ko sa kanya panandalian. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ko anng maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Namiss mo na bang pumunta ng amusement park? Kung gusto mo if may time tayo, punta tayo ng amusement park?" Tanong niya ng malumanay habang ang kanyang mga mata ay nakasara sa akin.

"Talaga?" tanong ko.

Tumango siya. "Yup."

Napataas ang aking kilay. "Libre mo?" Saad ko.

Kinamot niya ng marahan ang likuran ng kanyang leeg. "Sige saka na lang, pag may pera ako."

Natawa kaming parehas sa kanyang sinabi.

"Sabi mo yan ah," biro ko.

Humilig siya sa akin at napangiti. "Oo. I promise."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanyang at nagpatuloy sa paglalakad. Nang medyo malayo ako sa kanya, nagsalita ako upang maalis ang alinlangan na sitwasyon. "Pero siguro, next time na lang ako pupunta, kapag may panahon at time na ako makapunta." Pangako sa sarili ko.

"Alam mo buti ka may maganda kang memory kasama ang magulang mo. Ako kasi wala," napangiwi siya.

Napakunot ang noo ko. "B-bakit? Matagal mo rin bang hindi sila nakasama?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Matagal na silang hiwalay ng tatay ko. Nung six years pa lang ako, naghiwalay na sila. Matagal ko na rin siyang hindi nakita. Sa tagal ng panahon, nakalimutan ko na kung anong itsura niya."

"Pero may balak ka ba na hanapin siya? Malaman man lang kung bakit sila naghiwalay ng mama mo?" Napatanong ko na may kuryosidad sa mukha.

Umiling siya sa akin. "Hindi na. Para saan pa? Okay na yun. Hindi ko na siya kailangan makita."

Napatungo ako na tila may lungkot na gumagapang sa akin. "Eh ang mama mo?"

"Si Mama?" Napatanong siya.

"Oo mama mo. Eh kasi nakatira ka diba kay nila Mrs. Ramos. Nasaan mama mo?" Sagot ko sa kanya na mag pag-aalinlangan sa aking tanong. Lumiko kami sa kanto. Napatingin ako sa daanan at nakitang malapit na kami sa bahay ko.

"Nasa ibang bansa. Nagtratrabaho as a caregiver. Dito ako pinanganak pero sinama niya ako sa ibang bansa ng malegalize yung papers ko noong 5 years old ako. Sa states na ako nagmiddle school. Lumipat lang ako dito nang maghihighschool ako," sagot niya sa akin pa rang hindi siya interesado pag-usapan ang tungkol sa nanay niya. Humapit ang kanyang mga panga

Tugon ko, "Ah kaya pala, ang fluent mo mag-english."

Tumungo siya sa akin at ngumiti. "Hindi naman. A little bit. Maybe?" Biro niya.

"A little bit, eh kung mag-english ka minsan sobrang bilis na hindi ko maintindihan." Inamin ko sa kanya.

"Pansin mo yon?" Gulat na gulat niyang tinanong.

Napakagat ako sa labi. "Sino bang hindi?"

"Ikaw lang ang nakilala ko na nag-sabi sa akin ng ganyan," saad niya.

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Napangiti na lamang ako.

Napaisip ako ng malalim tungkol sa pagpunta niya ng Pinas. Kung nakapag-aral naman pala siya doon bakit si pumunta dito sa Pinas? Tanong ko sa sarili ko. Napakagat ako sa labi at napatingin sa kanya. Inihinga ko ng malilim at nagtanong ako sa kanya na may pag-aalinlangan. "Bakit ka nga pala umuwi dito sa Pilipinas kung doon ka na pala nag-aaral."

Lumingon siya sa akin at tumingin ng sandali. Nakita ko ang pagkadilim ng kanyang mga mata. Umigting ang kanyang panga at pinasok ang kanyang kamao sa loob ng bulsa. Ngumiwi siya sa akin, "Napaaway ako..." Napatigil siya. Huminga siya ng malalim at napatingala. "Nagkaroon ng boyfriend si mama. And I knew from the first time I met him, I didn't like him. But I know that she loves him so much, that's why i let them be." Tumawa siya na may pagkagalit. "He's practically living with us. Wala siyang ibang ginawa kundi kumuha ng pera sa nanay ko, kahit walang wala na siya. Wala ngang trabaho yung gagong yun. Ang lakas pang magyabang. " Napatingin siya sa akin. "Isang araw, kagagaling ko lang ng school. nahuli ko siyang binubugbog ang nanay ko. I was so mad on what he did to my mother, that I punched him so hard...." Napatigil siya sa pagsasalita.

"Anong nangyari sa iyo, sa mama mo at sa kanya?" Tanong ko ulit na may pagtataka.

"Did I tell you he's a foreigner?" Lumingon siya sa akin at nagtanong

Umiling ako sa kanya. "Is he?"

Huminga siya ng malalim habang hawak ang bago ko sa kanyang braso. "Nakulong ako ng isang araw because of what I did to him, since hindi naman ako natural born citizen like him. he got more advantage." Itinuloy niya ang pagkwekwento. "That's why, for the meantime my mom decided na umuwi ako ng Pilipinas...." Napangisi siya sa akin. "Ang sama ko ba?"

"Its not your fault, you only did that because you love your mother," paliwanag ko sa kanya.

Napangiwi siya sa akin ng panandili at ngumiti ng mahinahon. "Really, you think so?"

Tumungo ako ng walang pag-aalinlangan. "Oo..." Pagkatpos nun natigil ang aming usapan. Napatahimik kami ng sandali at pinagpatuloy ang paglalakad.

Naalala ko sa kwento niya ang aksidente na nangyari kay Romer. I never realized whhat kind of person he is when I first met him. But, as soon as he told me the story about his mom, I felt my gut wretched. Ang akala ko noong una, isa lang siyang jock na mayabang at walang pakialam sa ibang tao. Little did I know, he's a man who's loving and compassionate. Tumingin ako sa kanya at pinagmasadan siya ng maigi.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hangga't masalubong kami ng nakakabalisang katahimikan, kung kaya't nagdesisyon ako na buwagin ito. "Mga kapatid? Meron ka?" Tanong ko ulit.

"Wala. Only child lang din ako," aniya. Humilig siya sa akin ng konti sa aking tengq at ngumisi. "Parehas tayo. Kaya swerte tayo kasi nasa sa akin lahat." Pabiro niyang sinabi.

Natawa ako sa kanya. "True." Tumango ako napaisip. "Pero hindi din masaya kasi mag-isa ka lang," dagdag ko.

"Yeah... well ayun lang," sagot niya sabay tungo.

Nang nakarating na kami sa bahay, tumgil kami sa paglalakad. Inabot na rin ng kagabihan, pagdating naming dito. Buti na lang at natext ko ng maaga si Nanay Aning. Humarap siya sa akin at inabot ang bag ko sa akin.

"Thank you," Sabi ko, sabay hawak sa bag ko.

"No problem," aniya.

"Uwi ka na, baka mapagabi ka pa," matungod kong sinabi

Tumango siya sa akin. Sinaklob niya ang kanyang kamay sa loob ng kanyang bulsa. "Sige, Una na ako," tugon niya, sabay kaway sa akin.

Kumaway ako sa kanya at pinagmasdan siyang lumalakad papalayo sa akin. Nang mawala siya sa paningin ko, binuksan ko ang gate ng bahay naming at pumasok na sa loob.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko si Nanay Aning nakaupo sa sala, at nanonood ng tv. Pinuntahan ko siya, nagmano at hinalikan sa pisngi.

"O, kamusta anak?" tanong niya habang pinapaypayan ang kanyang sarili.

Umupo ako sa tabi niya. "Okay lang naman po, nay. Kakatapos lang po yung tutoring naming kaya late na po ako nakauwi."

Napataas ng kanyang kilay, nagtaka sa aking sagot. "Ang akala ko ba hindi na natuloy, dahil hindi ka sinipot ng tuturuan mo."

Kinuha ko ang paypay sa kanya at pinaypayan siya. "Okay na po, nay. Tuloy na po. Nagsimula lang po kanina. Atsaka may sweldo naman po, nay kaya kinuha ko na po. Hindi ko na kailangan maghanap ng ibang part-time job," paliwanag ko kay nanay.

Tumingin siya sa akin, na may pagka-bahala. "Okay lang naman yun anak. Basta wag mo lang kalimutan na mag-aral ng mabuti. Mas importante iyon ngayon kaysa sa trabaho," paalala niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya ng malaki at niyakap ko siya ng mahapit. "Opo."

Bumitaw siya sa pagyakap at nagsalita, "O siya, magbihis ka na at kakain na tayo."

Tumango ako, dumeretso sa aking kwarto at nagbihis.

**************************

"Ate Elena" Napalingon ako nang marnig ko sa aking likod. Nakita ko si Samantha na kumakaway patakbo sa akin. Kinawayan ko siya at tinapik-tapik ko ang bakanteng upuan sa tabi ko.

Umupo siya sa tabi ko at nilapag ang kanyang kanina sa lamesa. "Buti naabutan ko kayo maglunch," ukol niya . Sumubo siya ng malaki sa kanyang ulam at kanin.

"Napapansin ko ang madalas na pagsabay mo sa amin. Saan na mga friends mo?" Tanong ni melai habang kumakain ng kapirasong tinapay. Wari'y nagpapapayat daw siya ngayon para sa upcoming band competition na sinalihan nilang magpipinsan. Sinabi ko naman sa kanya na hindi na niya kailangan mag-diet, dahil tama lang ang kanyang katawan.

"Sabi ko sa kanila sabay muna ako sa inyo," tugon niya, na may galak sa kanyang boses. Madalas na namin nakakasama si Samantha paglunch. Subalit, paminsan minsan, sumasama siya sa kanyang mga kaibigan upang hindi naman sila magtampo.

Napalagtik bigla si Samantha ng may maalala siya. Lumingon siya sa akin at nagtanong.,"Nga pala ate, pwede ka ba mamayang hapon after class? Papasama ako sana sayo sa mall...Hihingi sana ako ng advice tungkol sa project namin sa science."

Napanguso ako sa kanya, "Nako Samantha, hindi kita masasamahan mamaya. May tutoring kasi ako ngayon after class." Bigo kong nasabi sa kanya.

Napasalumbaba siya sa akin. Ang kanyang mga mata na kumikislap ay lumalamlam nang masabi ko ito sa kanya. Nanghihinayang ako at nakokonsensya na hindi ko siya masamahan, ngunit may usapan na ako mamayang hapon.

"Ay ganun ba ate...Sayang naman sige okay lang..." Malungkot niyang sinabi.

"Hmm sige ganito na lang. Sabihin mo na lang sa akin tungkol saan ang project mo at titingnan ko kung anong kaya kong gawin." Paliwanag ko sa kanya.

Luminaw ulit ang kanyang mukha sa tuwa at galak. "Thank you thank you talaga. Mamaya po itextext ko sa inyo yung mga instructions. Medyo mahaba po kasi eh."

Tumango ako sa kanya at napangiti. Tinuloy ko ang pagkain ko sa aking lunchbox. Subalit, bago pa ako makasumbo, sumingit ng tanong si Melai.

"Teka lang nasabi mo na tutor? So ibig sabihin natuloy na yung pagtutor mo kay Constantinople?" Tanong niya na may pag-uusisa.

"Si Kuya Dante?" Gulat na gulat na sinabi ni Samantha

Napadilat ng malaki ang aking mata. "Oo tuloy na. Nung isang araw lang kami nagsimula." Inamin ko sa kanila.

"Tinututor mo si Kuya Dante, Ate?" Tanong ulit ni Samantha.

Tumungo ako. "Oo, pero bayad naman 'yun."

"Ugh, sayang hindi ko kayo mabibisita ngayon ni kuya Dante, may pupuntahan pa ako mamaya." Angil ni Samantha.

Hinaplos ko siya sa kanyang buhok. "Okay lang, every afternoon naman kami may tutoring sessions. May next time pa naman," tiniyak ko sa kanya.

Ngumiti si Samantha sa akin, "Sige ate."

May sasabihin pa sana ako ng biglang tinawag si Samantha ng kanyang mga kaklase. Dali dali niyang sinarado ang kanyang luncbox at tumakbo papunta sa kanila. Lumingon siya sa amin at nagpaalam. "Ate Melai, Ate Elena una na ako.! Itetext ko na lang mamaya!"

Tumango kaming sabay ni Melai. Kumaway ako sa kanyy at nagpaalam si Melai, "Sige, bye!"

Pagkatapos, tumakbo siya pabalik sa kanyang mga kaibigan.

Bumalik ang tingin sa akin ni Melai. Napatas ang kanyang kilay at napahilig sa kanyang upuan. Napalunok ako ng malalim, nang mapagtanto ko na mukhang seryoso ang aming pag-uusapan.

"So si Dante?"

Tumungo ako. "Oo."

"So hindi mo na kailangan maghanap ng trabaho?" Dagdag tanong ni Melai.

"Hindi na. Meron na. Atsaka baka pagnahanap pa ako ng ibang trabaho baka hindi na ako makapag-aral ng maayos," paliwanag ko ulit.

Napatungo si Melai na may kasamang naghihinalang ngisi. "So kamusta naman ang tutoring kasami si Mr. Dante Constantino Gillesania?"

Napaisip ako ng matagal. Namula ang aking pisngi at napakagat sa labi. "U--um o-okay naman. Mabilis naman siya matuto," nautal utal kong pagsabi.

Napangisi ng malaki si Melai. Tumaas ang kanyang kilay at napatawa. "Hay, nako Elena. Basta ah, tandaan mo lang, guard your heart," bulong niya sa akin say tapik sa akin kamay. Guard your heart? Wala naman namamagitan sa aming dalawa, Sabi ko sa aking sarili.

"Wala naman kasi Melai," pinandigan ko.

Nagkibit-balikat at humalukipkip siya. "Okay sabi mo ah. Basta friend ah..." Binalaan niya ako.

"Oo. pangako." Napalunok ako sa aking sinabi na tila nahimasmasan sa kanyang sinabi.

************************

Pagkatapos ng klase, dumeretso ako sa library para sa isa nanaman naming tutoring session ni Dante. Dating kagawian, umupo ako sa may sulok banda kung saan walang istorbo. Pagpunta ko doon, nagulat ako nang bigla kong makita si Dante na nakaupo at nag-aaral.

"Ang bilis naman niya," Bulong ko sa aking sarili. Tinuloy ko ang paglalakad papunta sa lamesa namin.

Dalawang araw na ang nakalipas nang magsimula an tutoring ko kay Dante. So far, okay naman ang pagtuturo ko sa kanya. Mabilis siya makaintindi ng lesson at makapick-up. Kung sa tutuusin para sa isang taong hindi madalas mag-aral, mabilis siyang matututo. Gayunman, hindi na ito kagulat gulat.

Nang makita niya ako papalakas sa kanya, kumaway siya sa akin sabay turo sa bakanteng upuan na tabi niya. Napahinga ako ng malalim at napahigpit ang hawak ko sa mga libro na dala. Sa totoo lang, hindi ako sanay na katabi si Dante. Hindi ko alam kung bakit, pero naiilang ako kapag malapit siya sa akin. Nararamdaman ko ang buong katawan kong umiigting tuwing lumalapit ang agawat namin sa isa't isa.

Umupo ako sa tabi niya at napakagat sa labi. Inurong ko ng kaunti ang upuan papalayo sa kanya. Nakita ko ang ang pagbabago sa kanyang mukha, ngunit pinabayaan niya it. Kinuha ko ang mga libro at notebook ko sa bag at tinukod sa lamesa. Ibinigay ko sa kanya ang bagong reviewer sa chemistry.

"Eto oh, naandito na lahat ng lessons natin for the whole year. Itanong mo na lang sa akin kapag may hindi ka naintindihan," sabi ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. "Sige. Thank you."

"So bale, itututloy natin ang chemistry ngayon," pinasadahan ko ang pahina ng notebook ko. "Natapos tayo sa chemical bonding, right?" Napatungo ako sa kanya.

"Yup," sagot niya sa akin.

"Naintindihan mo ba or irereview natin ulit?" Tanong ko sa kanya. Naninigurado lamang ako na alam na niya ang lesson at naintindihan niya ito ng mabuti.

Napaisip siya ng matagal. "Um, sige okay lang naman para marefresh din ako ako."

Tumungo ako sa kanya at kumuha ng examples sa mga libro para sagutan niya. Habang nagsusulat, napaisip ako sa kanyang maagang pagpunta dito. Dahil doon, napatanong ako sa kanya, "Bakit nga pala ang aga mo dumating? I thought you guys have your practices after class?"

"Absent si coach. Kaya naisipan ko na dumeretso na lang dito," sagot niya sa akin habang pinagmamasdan akong magsulat.

Tumungo lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagsusulat. Nang matapos ako, binigay ko sa kanyang ang yellow padpaper. Kinuha niya ito sa akin, sinumulang sagutan. Makalipas ng ilang minuto, natapos din siyang sagutan ang exercises.

Ibinilik niya ang yellow pad paper sa akin. "Here you go...."

"Alright," biglang napasabi ko. Kinuha ko sa kanya at inicheck kung tama. Ten items lang naman ang ginawa ko at hindi masyadong karamihan, kaya madali lang sagutan.

Sinuri ko ng maigi ang kanyang sagot at nakita ko naman na wala siyang mali. Napangiti ako ng konti,"Okay, tama naman ang lahat. So right now, we'll go to the next topic which is Equation and Stoichiometry."

"Nadiscuss na ba sa inyo ito ni Mr. Padillo?" Tanong ko sa kanya. Tulad namin, hindi nila teacher si Mrs. Ramos sa chemistry sa kadahilanan na auntie ito ni Dante, kung kaya't si Mr. Padillo ang nagtuturo sa kanila. Sa pagkakaalam ko, Physics at Calculus talaga ang itinuturo ni sir kaya't nag aalala ako kung natututunan ng section nila ng maigi ang Chemistry.

"Wala pa sa periodic table pa lang kami," aniya.

Ngumisi ako, "Mukhang ikaw ang unang makakaalam sa klase ninyo ng topic na ito, kasi ito ngayon ang ituturo ko."

Napangisi din siya, "Well I can tell them I have a great teacher." Masigla siyang ngumiti sa akin.

"Loko," sambit ko.

Narinig ko bigla ang pagkabog ng aking puso. lumingon ako palayo sa kanya nang maramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi.

Nilinisan ko ang lalamunan ko at sinagot siya, "Simulan na natin."

"Okay," matipid niyang sagot. Napansin ko ang pag-igting ng kanyang mga panga.

Sinulyapan ko siya ng tingin at napansinsin ang kayang matiim na titig sa akin. Napalunok ako ng malilim at ibinaling ang aking mata sa notebook. Sinumalan ko na ang pagturo habang iniiwasan ang kanyang mga mapanuksong mata. Yumuko ako at nagpatulo ng pagturo.

"...Stoichiometry is the study of quantitative relationship between reactants and products in a chemical equation," Ani ko.

Tumungo tungo lamang siya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita at pinalibaan ang patuloy na paghakip ng aking puso. "So chemical reactions are balanced by adding different coefficients so that the number of atoms on the reactants on the left and number of atom on the products on the right is the same."

"So ganito for example 2Na + 2HCl ----> NaCl + H2, since the reactants and the products are unbalanced, we have to balanced them," paliwanag ko habang patuloy ang pagsulat ko sa yellow pad paper.

"Okay. get it. So every equation na unbalanced, we have to balanced them. Kind like simplifying, right?" Tanong niya.

Napalingon ako sa kanyang mga malalim na mata, "Not really, iba naman ang simplifying, it is more like to make the equation easier. This is different naman, we have to make the two equation both balanced." Ipinaunawa ko sa kanya.

"Okay I got it. Got it." Nang ngumisi siya sa akin, hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanyang mga nanghahalinang labi. Napakagat ako sa aking labi Umiwas ako at lumingon pabalik sa aking isinusulat.

Itinuloy ko ang aking pagtuturo na tila wala akong kaba sa dibdib na nararamdaman. Umabot kami ng 30 minutes at nagpatuloy sa paggawa ng exercises. Kaagad niya itong naintidihan kung kayat maaga kaming nakausad.

"Okay ah, mabilis mo nakuha. So bale niya, nauna ka na sa mga kaklase mo," asar ko sa kanya.

"Magaling kasi teacher ko eh," pabalik na asar niya sa akin. Napatawa kami parehas.

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi ng pabiro. "Magaling din kasi ang studyante ko eh. Makulit lang pero natututo naman."

"Really, I am?" He smirked deviously.

" Maybe?" I cunningly smiled.

Dahil natapos kami ng maaga, nadesisyon na tapusin ang tutoring session namin ngayon araw. Lumingon ako sa orasan at napansin na isang oras na din pala ang nakalipas simula noong tinuruan ko siya. Kinuha ko ang aking cellphone kaagad at tinext si Nanay Aning na pauwi na ako. Napamasid ako sa kanya , at napansin ko rin ang pagligpit niya sa kanyang gamit.

"Bukas, pag-aaralan natin naman ang English. But then, I guess you know it better than me, right?" Napatawa kong sinabi.

Ngumiti siya sa akin na parang nang-aasar, "Hmm, Maybe? Maybe not." Tumingin ulit siya sa akin. Napakagat ako sa akin labi, pilit na pinapatigil ang bilis ng pagtibok ng aking puso.

Inilagay niya ang kanyang mga kamao sa bulsa. Lumapit siya sa akin at humilig. Napatitig ako sa kanyang mapupungay na mata. "Pero it doesn't mean that I came from States, I knew English that well. marami pa rin akong hindi alam , na alam mo, Teacher Elena," ngumisi siya sa akin nang may pagkamakisig. Napatingin ako sa kanyang mga mapungay na mata at napansin ang pagsihol nito.

Napatukod ako at napahawak ng mahigpit sa lamesa. Hindi ako makapagsalita, na tila'y walang mabuo na salita sa aking utak. Kinagat ko ulit ang aking labi ng malalim, at naramdaman ko ang pagsugat nito.

Humilig siya papalapit sa akin, tinapik ang aking buhok, at ngumiti ng matamis, "Tara, uwi na tayo. Ihahatid na kita."

Naramdaman ko unti unti ang pag-init ng aking mga pisngi. Binitawan niya ang kanyang titig at naglakad papunta ng pintuan ng library. Napabuntong hininga ako ng biglang paglayo sa akin.

Inikot ko ang paningin ko at napansin na wala na palang tao sa library kundi kaming dalawa.

Sinundan ko siya at nakita kong naghihintay siya sa akin sa pintuan. Humakbang ako para maabutan siya.

**************************

Naglalakad na kami sa daan papunta sa bahay. Sinabihan ko na siya na hindi naman na niya ako kailangan ihatid dahil maaga pa naman. Ngunit, tumanggi siya at nagpumilit na ihatid ako sa amin. kung kaya't wala akong nagawa kundi hayaan siyang ihatid ako.

Nang dumating na kami sa kabilang kanto, napahinto ako at hinarapan siya. "Okay na ako dito, malapit naman na bahay ko eh." Yamang alam niya ang aking bahay, pinagdesisyunan ko na hanggang dito na lang niya ako ihatid. Ayoko rin naman makaabala sa kanya.

"Okay lang, tutal sinabi mo na malapit pa na nga diba, bakit hindi na lang hanggang sa inyo? Atsaka noong isang araw din naman. Okay lang sa akin." Sagot niya na tila alam niya ang aking iniisip. Hindi na niya ako nahatid kahapon, dahil naabutan ko si Melai, na kakatapos lang ang kanilang praktis.

Napakagat lamang ako sa labi at hindi nakapagsalita.

Nang umabot na kami sa bahay, tumigil kami sa harapan. Dali dali na akong nagpaalam sa kanya, sa kadahilanan, na ayaw ko rin siyang makita ni Nanay Aning. Si Nanay Aning na mabusisi at matanong pa. Bumilis ang pintig ng puso ko at napalingon lingon sa bahay, inaabangan kung lalabas si nanay Aning.

"Sige maraming salamat ah," paalam ko, sabay pagbukas ng gate namin.

"Saglit lang, Elena," tawag niya.

Napalingon ako sa kanya, "Anu yun?"

Nang pagtingin ko sa kanya, napansin ko na nanlaki ang kanyang mga mata. Umalegro ang tibok ng puso ko sa paghihinala na baka nasa likod ko si Nanay Aning. Lumingon ako sa akin likod at nakita kong nakahalukipkip si Nanay Aning habang sinusuri ng maigi si Dante.

Napalunok ako ng malalim. Tanging lumabas lang sa aking bibig ay ang salitang, "Nay...."

************End of Chapter 7**********