Pagsarado ko ng pintuan, sa bahay nakasalubong ko si Nanay Aning nakaupo sa sala, mukhang galit na galit. Naalala ko na hindi ako kaagad nakapagtext sa kanya kanina. Dumapo ang aking paningin sa kanyang mga mata animo'y kalamado ngunit nanlilisik. Napalunok ako nang malalim, at dali-daling dumertso sa kanya.
"Mano po, nay," ukol ko, sabay mano kay lola. Umupo ako sa bakanteng upuan, dahil alam ko na pagsasabihan ako ni nanay. Napatingin ako sa mga kamay ko at tinago ko ang isang kamay na may galos sa aking uniporme.
Tinaas niya ang kanyang kilay, "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Hindi ka man lang nagtext sakin at ilang beses akong tumatawag sa iyo, Elena."
Lumakas ang kutob ng puso ko. Minsan lang akong tawagin ni Nanay na Elena, at kapag tinawag niya ako nito, alam ko na galit siya o pagsasabihan niya ako. Yumuko at sa kanya at sumagot, " Sorry po nay, nagka-akss-ide-nte po kaya hindi po ako nakapagtext o nakatawag po sa inyo."
Nagbuntong hininga si Nanay Aning. Inimuwestra niya ang kanyang mga kamay sa dibdib. "Dapat man lang tumawag ka. Matagal akong dito naghihintay sa iyo kakaisip kung may nangyari sa iyo. Muntikan ko na ngang tawagan si Mrs. Ramos," paliwanag niya.
Napalunon ako. Naramdaman kong nanginig ang buong kalamnan ko sa loob. Inilapit ko ang dalawa kong binti sa akin, at inipit sa akin palda.
Hinawakan ko ng mahigpit ang ang aking kamay at sinabi kay nanay, "W-wala naman pong n-nang-y-yari nay."
Tumikhim ako at tinuloy ang pagsasalita, "Nagka-problem lang po kami sa pagrelease ng newspaper kaya po ako natagalan umuwi. Inayos pa po kasi namin. Sorry po kung hindi po ako nakapagpaalam sa inyo," sagot ko sa kanya, na pilit kong pinipigilan ang sarili ko na umiyak.
Tiningnan ko si Naynay Aning. Nakita kong biglang gumaan ang kanyang mukha ng sabihin ko iyon. Tumayo siya sa kanyang upuan at sinabihan ako, "Basta sa susunod anak magpaalam ka sa akin, anak, kung uuwi ka ng late na."
Tumungo ako sa kanya ang ngumiti ng pilit. " Opo, nay. Pasok lang po ako sa kwarto. Magbibihis lang po ako," sabay sabi ko.
Dumeretso ako sa kwarto at sinarado ang pintuan. Pumunta ako sa banyo, nagtanggal ng damit, at pumasok sa loob ng shower. Pagbukas ko ng shower, dumanak ng malakas ang malamig na tubig. Naramdaman ko ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan habang niyayakap ako nito sa kanyang malamig na agos.
Pagkatapos nito, inikot ko ang kontrapsiyon sa heater. Unti-unting naramdaman ko ang init nito nang mga ilang sandali pagkatapos kong kumuha ng sabon. Kinuskos ko ang aking katawan nang maigi hanggang sa maramdaman ko ang sakit at hapdi nang marahas ko na paghilod rito. Animo'y parte nang aking katawan ay gustong alisin ang mga natitirang alala ng kanyang mga hawak sa akin.
Biglang dumulas ang sabon na hawak ko at nahulog. Nang pagkakuha ko dito, nadulas ako sa sahig at napa-upo, umiiyak. Sumandal ako sa pader at naramdaman ko na lamang ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha. Tinklop ko ang aking mga paa at inikot ko ang aking mga braso sa aking sarili. Nasusuka ako sa tuwing naalala ko ito. Wari'y ramadam ko ang pagkadiri ko sa aking sarili.
Gusto kong sumigaw.
Gusto kong magalit.
Ngunit, alam kong hindi ko magawa. Iniyuko ko ang aking ulo hangga't naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagbuwal ng mainit na tubig. Kinuha ko ulit ang sabon sa sahig at kinuskos ko sa aking katawan.Nagsilakbo ang aking mga luha na tila'y walang humpay sa pagbagsak nito tulad ng pagbuhos ng galit na mga ulan. Naramdaman ko ang pag-init at pagnginig ng aking buong katawan sa init at sa lamig ng tubig. Yinakap ko ang sarili ko ng mahigpit at humagulgol ng malakas.
I felt helpless.
Pinikit ko ang aking mga mata sabay ang pag agos ng aking luha, naalala ko ang mga bagay na matagal kong itinago. Matagal ko nang kinalimutan.
At sa pagpikit ko, tanging ang mukha niya ang nakikita ko. Ang higpit ng paghawak niya sakin, ang boses niyang nakakapangilabot, at ang hawak niya na nakakadiri. Paulit-ulit na mga imahe sa aking memorya na tila isang masamang panaginip na tumatakbo sa aking isipan at paulit ulit akong tinatakot
Pumunta ako sa inidoro nang maramdaman ko ang asim sa akin lalamunan. Dali-dali akong dumeretso sa inidoro at napasuka.
I felt sick. I felt like the gut inside my chest wanted to come out.
Flinush ko ang inidoro at pumunta pabalik sa loob ng shower. Pinilit kong tumayo, habang ramdam ang paghina ng aking mga buto.
Ginalaw ko ang heater at pinalitan ng malamig na tubig. Napalunok ako ng malalim at nalasahan ko ang asim sa aking sikmura. Pinikit ko ang aking mata, sinuklay ang buhok at nilunod ang sarili ko sa tubig na umaagos sa akin katawan.
Kahit sa panandalian lang, makalimutan ko ang bagay na kailangan kong kalimutan at maalala ang mga bagay na kailanngan kong tandaan.
Huminga ako ng malalim at dinama ko ang mabilis na agos ng tubig.
At paulit ulit kong sinabi sa sarili ko, "Kalimutan mo Elena, kalimutan mo."
*************************
Tatlong araw na ang makalipas matapos ang aksidenteng iyon. Mas naging close kami ni Samantha, at paminsan minsan sumasama na rin siya sa amin ni Melai na mag lunch. Hindi pa namin nasabi kay Melai ang tungkol sa pangyayaring iyon. Ayokong mag-alala siya ng lubusan sa akin kay't pinaliban ko munang sabihin sa kanya.
Nagdesisyon ako na ipaliban ito, dahil masgusto ko munang kalimutan ang masalimuot na pangyayari na tila'y parati nagmumulto sa akin. Sa ngayon, hindi ko kayang balikan ito o kahit man maikwento sa iba. Parang naging isang panaginip ito sa akin na patuloy lumiligalig sa aking isipan, nangungutya at nanakot.
Gayon din naman kay Samantha, hindi siya nagsumbong sa kahit sinumang teacher, dahil gusto niyang manahimik, para sa ikakaayos nang lahat. Sinabi niya na kasalanan din naman niya daw kung bakit nangyari ito sa kanya, kung hindi niya hinabol-habol si Romer, hindi naman ito mangyayari sa kanya at hindi ako mapapahamak. Subalit, sinabi ko sa kanya na walang ibang may kasalanan kun'di si Romer lamang.
Sa tuwing magkasama kami, iba't ibang bagay ang pinaguusapan namin upang sa maliit na paraan, magawa namin makalimutan ito. Hindi na rin siya ginulo ni Romer, pagkatapos noon. Kapag, nagkikita sila, lumalayo siya kay Romer, na tila hindi sila magkakilala.
Kung may pagkakataon, sumasabay siya sa akin sa library pagkatapos ng klase upang magpaturo. Unti-unting naibsan ang aking panlulumo kapag kasama ko silang dalawa, at nakikitang masaya na ulit si Samantha.
Nasa bago kaming bukas ng Jollibee, na malapit lang sa tapat ng school namin. Kinuha na namin ang opportunidad na ka makapagdine-in. Kasama ko ngayon sila Melai at Samantha, habang kumakain ng burger at fries.
Napatingin ako kay Melai nang makita ko siyang napabuntong-hininga habang iniinom ang kanyang cokefloat. Sumalumbaba siya sa lamesa at kinain nang malaki ang kanyang burger.
"May problema ba Melai?" Tanong ko sa kanya na may pagmamalasakit.
Tumingin siya sakin, na may lungkot ang kanyang mga mukha. "Wala naman. Napagod lang siguro sa practice namin kanina." Inikot niya ang kanyang braso at minasahe. "Nangalay lang ako kanina, pinag-sub ako na magplay ng tuba, wala kasi si Ethan. Eh hindi ako sanay."
Napangisi ako sa loob. "Ang akala ko naman kung ano na. Hindi ako sanay na makita kitang malungkot," wika ko sa kanya sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa.
"Nagpla-play ka pala ng instruments ate," singit ni Samantha at sumipsip sa kanyang softdrinks.
"Oo, gusto mo ba?" Sagot niya na may ngiti sa kanyang mga labi. Ginanahan bigla si Melai, at umayos ang kanyang upo.
Tumango si Samantha at nahihiyang sumagot, "Gusto ko kasi sanang matuto magp-piano."
"Hmmm ah ganun ba, kaso walang piano sa marching band..." Napangiwi si Melai at napaisip. "Ganito na lang, pwede kitang turuan every Saturday. Meron ba kayong electric keyboard or piano sa bahay niyo?" Tanong ni Melai.
Ngumiti ng malaki si Samantha, namula ang kanyang mga pisngi, at kumislap ang kanyang mga mata. Lumipat siya sa bakanteng upuan katabi ni Melai, at umupo sa kanyang tabi."Talaga ate? Ikaw magtuturo sa akin." Biglang niyakap niya ang mahigpit si Melai.
Nagulat si Melai sa kanyang pagyakap, at napaubo. "Oo naman. Since, we're friends." Ngumiti siya kay Samantha at bumitaw sa pagyakap.
"Hayaan mo ate, sasabihin ko kay mama na bigyan ka niya ng sweldo," tuwang-tuwa sinabi ni Samantha, habang patuloy sa pagkain ng kanyang french fries.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa, kumakain habang pinagmamasadan silang mag-usap. Umiling si Melai sa kanya, "Ano ka ba, wag na okay lang. Basta may free food, oks na ako dun," sagot niya , sabay thumbs up kay Samantha.
"Thank you, thank you talaga, Ate Melai. ikaw na fourth favorite person in the world ko," sabi ni Samantha sabay yakap.
Bumitaw si Melai, napataas ang kilay at nagtanong ng pabiro, "Sino ang first and second favorite mo?"
"Siympre first family ko," turo niya sa kanyang kamay. Uminom siya saglit at tinuloy ang pagsasalita, "Pangalawa si Ate Elena, tapos pangatlo si kuya Dante," ngumiti siya nang parang bata kay Melai.
Napasinghap si Melai sa pagkagulat, "Si Dante? kilala mo si Dante?" Lumingon sa akin Melai at itinaas ang kilay na parang naghihinala.
Nagkibit ako ng balikat at hindi umimik. Nanlisik ang kanyang mga mata at siniko ang kanyang mga braso sa ilalim ng kanyang dibdib. "Meron ba akong dapat malaman sa inyong dalawa?"
Umiling ako sa kanya, "Wala, Melai."
Sumagot naman si Samantha kay Melai, "Nagkakilala kami ate nung tinulungan niya ako noong ma-aksidente ako."
Tumango si Melai, na parang naintindihan niya. "Ah ganun ba. Kaya ba nagkakilala kayo ni Elena," sabay turo ni Melai sa akin.
"Yup. Nakilala ko siya dahil kay Dante. Noong isang araw na gabi na ako nakauwi kasi tinapos ko pa yung documents para sa newsletter," paliwanag ko sa kanya. Napalunok ako ng malalim, habang nakatingin ng deretso at may hinala si Melai sa akin. Totoo naman ang sinabi ko, may mga detalye lang akong hindi sinama sa kwento para na rin sa katahimikan ng lahat.
"Opo ate, tinulungan kasi ako ni ate Elena pag-uwi po noong araw na yun," dagdag paliwanag ni Samantha.
Suminghap si Melai at napangiti sa amin, "Alright. Sabi niyo ah. Basta Elena, siguraduhin mong walang ginawang katarantaduhan yan si Dante ah, or else lagot siya sa akin. Okay?"
Napangiti ako sa kanya at tumango. "Yes, ma'am."
Kumuha ako ng fries sa lamesa namin nang biglang nagsalita ulit si Melai. "BTW, si Dante oh," sabi ni Melai sabay turo niya kay Dante kasama ang kanyang mga barkada na nakapila sa bayaran.
Sabay kaming napalingon ni Samantha sa direksyon ng kanyang kamay. Nanlaki ang mata ni Samantha, tinawag si Mr. Gillesania, at kumaway sa kanya, "Hi kuya!"
Napalingon si Dante sa kanya, ngumiti, at kumaway rin kay Samantha. Nang nakita ko siyang tumingan sa akin, naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa akin mukha. 'Di-alintala, bumalik ako sa aking pwesto at tinuloy ang pag-inom ng akin orange juice.
Nakita ko si Melai, nakangisi sa akin. "So close na pala kayo. Hindi mo man lang NA-IKWENTO, Elena," asar niya sa akin, sabay inom sa kanyang coke float.
Sumimangot ako sa kanya, "We're not."
Natawa bigla si Melai at tinapik si Samantha. Lumingon si Samantha kay Melai. "Alam mo ba yang ate mo, Sam. Nag-eenglish lang yan kapag galit o seryoso..."
Medyo natawa si Samantha, "Talaga ate? Kaya pala."
Pinalo ni Melai ang lamesa at sumagot nang malakas, "Tumpak, Sam." Binaling niya ang tingin sa akin at patuloy nang-asar, "So paano kayo naging close. Yung huling kwento mo sa akin galit na galit ka kasi inindian ka sa library."
Naggulumihan si Samantha, "Library? So ate nung nagkakila tayo, close na pala kayo ni kuya Dante."
"Oo nga naman, Elena," dagdag ni Melai.
Napahinga na lang ako nang malalim sa kanilang mga tuloy tuloy na tanong. "Nope hindi kami close. And yes, I was about to tutor him, but he was a total jerk. The day, that we met, Sam, it was also the same day that we reconciled with each other. Hinatid niya ako sa bahay and he apologized. " Nagkibit ako ng balikat at tinuloy ang paliwanag, " And I accepted it. Pero hindi kami close," tiniyak ko sa kanila.
"Hinatid ka sa bahay?" parehas nilang sinabi na gulat na gulat.
"Shushhh. Ang ingay niyo," Pinatahimik ko sila, sabay pilit sa pagtawa. Tumango ako sa kanila, at tumuloy sa pagkain.
"Bakla ka, ang ganda mo talaga," manghang-manghang sinabi ni Melai.
Napahagikgik si Samantha,"sabi ko na nga, parang may something sa inyo ni kuya."
Lumingon ako sa daanan, at nakita ko si Mr. Gillesania, papunta sa bakanteng table malayo sa table namin. Napansin kong tumingin siya sa akin. Tumungo siya at napatungo ako. Pagkatapos noon, naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko na tila nawala ang kaba sa akin dibdib.
Napakunot ako ng noo at sinagot ko silang parehas, "Hindi. Yun lang yung huli namin pag-uusap. Hindi na kami nag-usap pagkatapos ko noon," wika ko.
Back to normal. Naisip ko.
Ang mga mukha nilang nasasabik ay napalitan ng pagkasiphayo. "Ay weh, Ano ba yan..." Angal ni Mela na may pagkabigo sa kanyang boses.
"Ayy, hindi ko na siya third favorite person in the world. Si ate Melai na." Hinawakan ni Samantha ang kamay ni Melai at ngumuso.
Nanlambot si Melai sa sinabi ni Samantha at nikayakap niya ito ulit. "Ang cute cute mo talaga. Hayaan mo ikaw ang favorite person in the world ko, second kay Elena," sagot niya kay Samantha, sabay pisil sa kanyang mukha.
Napangiti ako habang pinamamasdan sila. Sa pagkakataon na ito, minsan lang ito mangyari na mag-bonding at magsama kami ni Melai, dahil nga lagi kaming busy pagdating ng hapon, pagkatapos ng klase. Kung kaya't natutuwa ako na makita kong parehas ilang dalawa na masaya.
Napatingin sa akin si Melai at nagtanong habang hawak hawak si Samantha sa kanyang braso, "Ano 'yon?"
Umiling ako, pinipigil ang pagngiti, at sumagot sa kanya, "Ang cute niyong dalawa."
At sa sandaling iyon, gumaan ang pakiramdam ko. Natawa ako ng malakas at ibinato kay Melai ang ketchup.
Ngumiti siya sa akin ng malaki, "Ay ay... nagseselos si Elena. "
Napahalakhak ako.
***************************
Isang linggo na ang lumipas simula ng kay Romer. Bumalik ulit sa dati ang lahat na tila walang nangyari. Ganoon din kay Romer na parang walang man lang nangyari. Tila'y pumasok siya na mag galos sa kanyang mga mukha pagkatapos ng araw na iyon, at may tuwa sa kanyang mga mukha na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ito pinansin ang kanyang mga galos at hindi man lang nakaabot sa mga guro. Paminsan minsan, naabutan ko siya sa corridor kasama ng kanyang mga bakarda, yumuyuko na lamang ako at umiiwas tuwing mararamdaman kong nakatingin siya sa akin.
Madalas na ang pagsama sa amin ni Samantha tuwing uwian. Ito na rin sa kadahilanan na hindi na niya kayang maiwan muling mag-isa. Minsan kasama niya si Melai kapag band practice nila, at nagpapaturo sa kanya. Minsan naman, sumama siya sa akin sa library pagkatapos ng klase at nagsasagot o nag-aaral kasama ko. Hindi rin naman siya nakakatagal, dahil sabi nga niya, 'nabobored ako mag-aral ate, hindi ko alam kung paano mo natatagalan mag-aaral.' Napangiti na lamang ako sa kanya.
Bagama't nagkaayos na kami ni Dante Gillesania, hindi na kami nakapag-usap pagkatapos ng aaw na iyon. Hindi ko na rin pinilit na ibalik sa kanya ang payong at nagdesisyon na lang akong itago ito sa aking locker, nagbaka-sakali na kunin niya ito balang araw. Ang naalala ko na huling nakita ko siya ay noong makasalubong ko siya sa corridor mag-isa papasok sa kanyangg classroom. Napatingin na lamang ako sa kanya, at gayon din naman siya. Hindi kami nag-usap at napasenyales na lang sa isat isa.
Napatingin ako kay Mrs. Ramos habang nagtuturo siya sa blackboard. Naalala kong huling kinausap ko siya tungkol sa pagtuturo kay Mr. Gillesania, at ang pagtatanong ko sa kanya tungkol sa trabaho. Malaki ang pasasalamat ko kay Mrs. Ramos dahil sa kanyang patuloy na pagmamalasakit sa amin ng lola ko. Kung kaya't, siya ang una kong nilapitan nang mapagdesisyunan kong maghanap ng trabaho. At kahit hindi man natuloy ang tutoring namin ni Mr. Gillesania, malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Kakatapos lang ng aming klas nang bigla akong tinawag ni Mrs. Ramos habang nag-aayos ng aking gamit. "Elena at Anthony pakitulungan niyo nga ako na dalhin itong mga gamit sa faculty," ukol niya sabay turo sa mga science project na kakapasa lamang namin.
Tumungo kaming dalawa ni Anthony sa kanya at kinuha ang mga folder sa lamesa. Sinundan ko siya palakad papunta sa faculty. Nang nasa loob na kami ng faculty, ibinaba ko sa lamesa ang mga folder at nagpaalaam na kay Mrs. Ramos, "Ma'am mauna na po ako."
Ngumit siya sa akin at sumagot, "Sige maraming salamat."
Lumabas na si Anthony sa pintuan, palabas na rin sana ako ng bigla kong tawagin ulit no Mrs. Ramos. Napatigil ako sa paglalakad, at pumunta malapit sa lamesa ni Mrs. Ramos. "Nga pala Elena, nakalimutan ko. Sorry kung medyo naguguluhan ka ah..." napatigil siya at napa-upo sa kanyang upuan.
Napakunot ako ng ulo, "Ano po iyon ma'am?" Tanong ko sa kanya.
"Nakahanap ka na ba ng part time job mo?" Tinanong niya ako ulit.
Umiling ako sa kanya, "Hindi pa po." Nawala sa isip ko na maghanap ng part-time job dahil sa mga biglaang pangyayari. Naging busy na rin ako sa schoolwork at sa newsletter na hindi ako makapaghanap ng trabaho kapag walang pasok.
Nilinis niya ang kanyang lalamunan. "Okay lang ba na turuan mo ulit si Dante? Alam ko last time, hindi natuloy dahil nagpupumupilit na ayaw niya...." napatigil siya, hinawakan niya ang akin kamay, nat nanghihingi ng pabor,
"Pero, this time, can you give it a chance? Ang baba na kasi ng mga grado niya, at kinakatakutan ko na baka bumalik siya ulit sa 3rd year. Hayaan mo, kinausap ko siya, at mukhang pumayag naman siya," paliwanag niya.
Napatanong ulit ako sa kanya, " Nasubukan niyo po ba kumuha ng tutor?"
Napabuntong-hininga siya sa akin at tumungo. "Nasubukan na namin at hindi siya pumupunta kapag naandiyan ang tutor niya. Kung kaya't naisip ko na bakit hindi na lang estudyante ang tumulong sa kanya para makaimpluwensya na mapabuti ang kanyang pag -aaral. Since, naalala ko na naghahanap ka ng trabaho, naisip ko bakit hindi na lang ito, diba?"Aniya.
Napatungo ako sa kanya, naliwanagan sa kanyang paliwang. Huminga ako ng malalim, at nag-isip. Alam kong malaking desisyon ito kapag tinanggap ko ito. Gayon na rin, na lagi kong makakasama ni Dante Gillesania. Alam ko na nagka-ayos na kami ngunit may alinlangan pa rin ako na tanggapin ang alok ni Mrs. Ramos. Subalit, naandun rin ang kagustuhan ko na makahanap ng trabaho at makatulong kay Lola Aning.
Tiningnan ko sa mata si Mrs. Ramos at sumagot sa kanya, "Sige po, ma'am. Tatanggapin ko."
Malaking galak ang nakita ko sa kanyang mukha, "Maraming Salamat, Elena. Sasabihan ko si Dante mamaya."
Tumungo ako sa kanya at napilitan ngumiti. "Sige po ma'am, una na po ako," sabi ko sa kanya at naglakas paalis sa faculty room.
Pagsarado ko ng pinto, nakita kong palakad papalapit si Dante sa faculty. Napansin ko siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako ng malalim, inibaling ang aking tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Hinawakan ko ang aking dibdib, at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
************End of Chapter 5***********