DALAWANG beses pa lang sa tanang buhay niya na nakaramdam ng matinding shock su Ember. Iyong tipo ng shock na kayang magpahinto sa pag-inog ng mundo at sa tibok ng puso niya. Una ay noong mamatay ang parents niya. Pangalawa ay noong dumating sa buhay niya si Lantis.
Nang mga sandaling iyon, habang tutop niya ang bibig at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa nakahigang lalaki, naranasan niya ang ikatlong shock ng buhay niya. It was worst than knowing her parents were dead. It was worst than seeing a dead man's spirit. At ang dead man na all these time ay tinutulungan niyang mag-cross over ay hindi naman pala...dead.
"No..." ang tanging nasabi niya. Nahirapan siyang huminga, parang sasabog ang puso niya dahil sa mga emosyon na pumupuno ro'n. Pinaglakbay niya ang mga mata sa katawan ng lalaki, sumisigaw ang isip niya na hindi iyon si Lantis. Paanong naging si Lantis iyon? Every part of him was unfamiliar to Ember.
Maliban sa buhok nito.
Kumilos ang kamay niya upang haplusin iyon ngunit agad din siyang napahinto. Natatakot siya na baka kapag hinawakan niya ito, masaktan ito, magkabitak-bitak. Or worst ay maglaho.
Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Ember nang sumampal sa kaniya ang isang reyalisyon. "Buhay ka, Lantis. All these time ay nandito ka lang. Buhay ka..."
"Am I, Ember? Look at him. He's dying."
Napatingin si Ember kay Lantis dahil sa tono ng boses nito. He sounded bitter. Bakit gano'n? Hindi ba dapat ay masaya ito? Natagpuan nila sa basement ang pinakamahalagang kayamanan nito—ang katawan nito. "You are fighting, Lantis. Tingnan mo ang monitor. May pulso ka, may heartbeat. Pakinggan mo sila." Lumapit siya rito at hinawakan ito sa pisngi. "They were calling for you. Buhay ka. Ito na ang sagot sa tanong natin. Nandito ka pa sa lupa dahil buhay ka pa." Ember wanted to weep with so much joy.
Inihilamos ni Lantis ang mga palad sa mukha. "Sino ang naglagay sa akin dito? Bakit dito at hindi sa ospital?"
Dahil sa tanong na iyon, bumalik ang pagkabahala sa dibdib ni Ember. Bigla siyang kinutuban nang masama. Naghanap ng eksplinasyon ang isip niya, ng rason. Hindi niya gusto ang mga kuro-kurong nabuo. Nadagdagan pa ang mga tanong sa isip niya. Kung buhay pa si Lantis, bakit ang alam ng lahat ay patay na ito? Tama ba ang hinala niya na sinadyang itago ro'n ang binata? Bakit? At sino ang Lantis na inilibing anim na buwan na ang nakakaraan? Ang Lantis na nasunog sa lugar na iyon?
"Kailangan na nating umalis dito, Lantis. Let's go."
Pumihit pabalik sa steel door si Ember. Ngunit natigilan siya nang bumukas ang pinto at isang taong naka-itim mula ulo hanggang paa ang pumasok. Sabay silang natigilan. Pero ang kaharap ang unang nakabawi sa pagkabigla.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman na lang ni Ember, tumilapon na siya sa sahig matapos sunggaban ng bagong dating. Agad itong pumaibabaw sa kaniya. Ember cried out when two hands slapped her face over and over. Nalasahan niya ang sariling dugo, umikot ang paningin niya, namanhid sa sakit ang mukha. May sumisigaw. Hindi alam ni Ember kung siya, si Lantis o ang tao sa ibabaw niya. Hindi na niya masundan ang mga nangyayari.
Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang malakas na suminghap ang attacker niya at sumubsob sa leeg niya. May kumalabog sa sahig. Sinundan iyon ng boses ni Lantis.
"Get up, Ember!" utos nito.
Itinulak niya paalis sa katawan ang attacker. Lulugo-lugo siyang tumayo at muling bumagsak. Sa harapan ay may naKita siyang malaking trophy. Iyon ang narinig niyang kumalabog kanina. Dinampot niya iyon saka muling sinubukang tumayo.
"Leave that!" sigaw ni Lantis. Nakatayo ito sa tapat ng steel door. "Come on! We have to get out of here before I vanish entirely!" Saka niya lang napansin na translucent na ang katawan nito. Umangat ito at lumusot ito sa kisame. Nasa hagdan na siya nang muli itong magpaKita. "The coast is clear. The door will automatically open once it detected your footseps."
Tama ang sinabi ni Lantis. Bumukas agad ang pinto kahit pa limang hakbang pa ang layo niya sa tuktok. Halos gumapang na siya palabas at palayo ng lugar. Ilang beses siyang nadapa. Nang marating ang sasakyan ay agad niya iyong pinatakbo.
"Sino ang taong 'yon?"
"Hindi ko alam. Hindi ko naKita ang mukha niya," ani Lantis. Nakapikit ito, tila nag-me-meditate. Some parts of him were invisible. O baka epekto lang iyon ng pagkahilo niya? "Dumeretso ka sa ospital. Kailangang magamot ang mga sugat mo." "Kaya kong gamutin ang sarili ko." Binagalan niya ang pagpapatakbo nang matiyak na malayo-layo na sila sa village. "Kailangan nating bumalik doon, Lantis. Kailangan nating mailabas ang katawan mo doon."
"Saka na natin pag-usapan 'yan. Dumeretso ka sa ospital."
"Pero—"
"Just follow me, December. Please." Pagkasambit nito ng huling salita, naglaho si Lantis. Napatingin siya sa trophy na tinangay niya sa basement. Iniligtas siya ni Lantis gamit iyon. And now he paid the price. He was gone again, leaving her without any idea if he'll come back again.
Itinabi niya ang sasakyan, sumubsob sa manibela at doon ibinuhos lahat ng emosyon na naani niya nang gabing iyon habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ni Lantis.