Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 25 - 23

Chapter 25 - 23

DALAWANG palapag ang bahay ni Kenan na nakatayo sa isang private subdivision sa Taguig. Asian contemporary ang istilo no'n. It was painted in different shades of brown. Panoramic ang mga bintana, may terrace sa second floor at malaking pool sa isang bahagi ng garden. Napatingin doon si Ember at naalala ang sinabi ni Kenan habang umiiyak ito sa sementeryo. Na hilig nito at ni Lantis ang mag-swimming. Naisip niya, nakapag-swimming na ba ro'n si Lantis?

I hope he will soon...

Matapos siyang ibilin sa dalawang kawaksi ay umalis na si Kenan. Ipinaghanda siya ng pagkain ngunit hindi magawang kumain ni Ember. Her stomach were in knots, her head was throbbing with so many thoughts and her face still hurts. Matapos niyang "kumain", sinabihan siya ng isang kasambahay na puwede niyang gamitin ang entertainment room at ang library. Tumango siya at nagpasalamat dito. Gusto niyang i-distract ang sarili, gustong kalmahin ang isip. Ang pagbabasa ang isa sa solusyon niya para do'n.

Nasa second floor daw ang library. Pagdating niya sa second floor, hindi lang dalawang pinto ang sumalubong sa kaniya. There were about five oak doors there, all identical to each other. Binuksan niya ang pinakamalapit na pinto. Obviously, iyon ang library dahil dalawa sa dingding no'n ay may nakasandal na mataas na bookshelf. Nang makapasok sa loob at makitaa ang mahogany desk at high back leather chair ay natigilan siya saglit. May mga folders na malinis na nakasalansan sa isang gilid ng desk, sa gitna ay may kulay silver na laptop, mayroong file magazine, may telepono at intercom. Nagkamali yata siya. Workplace yata ni Kenan ang napasok niya?

Lalabas na sana siya nang may mahagip ang mga mata. May makitid na four-layered shelf malapit sa bintana. May mga picture frames na nakapatong doon. Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan. Napangiti siya nang makita ang larawan ni Kenan noong teenager pa ito. May suot itong salamin na halatang makapal ang grado, parang dinilaan ng baka sa kintab ang buhok na uso noong early 90's—biyak sa gitna. There was a picture of Kenan receiving his highschool diploma, when he was just a kid and was sitting on top of a wooden stair. Mayroon na naliligo sa ilog kasama ang ilang bata, mayroong nakatambay kasama ang ilang lalaking naka-school uniform sa isang carinderia. Then there was a picture of him with a beautiful woman. Kuha iyon sa ilalim ng punong mangga. Parehong may hawak na mangga ang dalawa, parehong nakatawa. Kamukha ni Kenan ang babae kaya naisip niya na nanay nito 'yon.

She gasped when something dawned onher. Ang magandang babae ay nanay nina Lantis at Kenan. Ito ang may ari ng garapon ng paper airplanes.

Pinagmasdan ni Ember ang mukha ni Emilia Harris. Maganda ito, morena, paalon-alon ang buhok, may maamong mga mata. She seemed like a loving mother.

"Wait," usal ni Ember nang may maalala. "Sa pagkakaalam ko, pure British si Emilia Harris." Pero Pilipinang-Pilipina ang mukha at kulay ng babae sa picture. Pinaglakbay niya ang mga mata sa mga picture frames at napansin na kahit isang larawan ay wala si Lantis. Wala ring family picture.

"Ma'am?"

Napakislot si Ember nang gambalain ng boses. Nakatayo sa tapat ng nakabukas na pinto si Julie, isa sa mga kawaksi ni Kenan.

"Naku, Ma'am, bawal po kayo rito. Magagalit po si Sir Kenan."

"Pasensiya na. Naligaw ako. Hinahanap ko ang library."

"Sa kabila po 'yon. Halika po, sasamahan ko kayo."

"Okay." Aalis na sana si Ember nang may muling kumuha sa atensiyon niya—isang artwork na nakakabit sa dingding. Isang mosaic. There was nothing unusal nor interesting about the mosaic. Maliban sa materyales na ginamit at sa salitang nakadiLantis sa canvass. Napasinghap siya nang lumapit pa at inspeksiyonin ang mga materials. Makukulay na papel, ginupit nang pakuwadrado, may mga bakas ng pagkakatupi. May mga nakasulat sa gitna ng bawat papel. Hindi na kailangang mabasa ni Ember ang mga salita upang malaman kung ano ang tinitingnan niya.

Those were the contents of Lantis's missing glass jar. Hindi na iyon missing dahil naroon na sa harap niya, pinagdikit-dikit hanggang sa mabuo ang isang salita: DEAD.

***

"ANO 'TO?" demand ni Ember kay Julie nang ituro ang mosaic. Napangiwi ang babae na para bang hinampas niya ito.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Kay Sir Kenan po 'yan. Lumabas na po tayo, baka dumating na si Sir."

Hindi pa man natatapos magsalita si Julie nang makarinig sila ng komosyon sa ibaba. Tila may nagtatalo. Mabilis siya nitong hinila palabas ng opisina. Palapit nang palapit ang mga boses hanggang sa matanaw niya sa ibaba ng hagdan ang isa pang kasambahay ni Kenan, mangiyak-ngiyak habang nakasunod sa isang babae. Tumingin sa itaas ang babae at nang magtama ang mga mata nila ay sabay silang natigilan.

"What the hell are you doing here?" nanlilisik ang mga matang tanong ni Yngrid. Hindi na ito mukhang diyosa sa paningin niya. Mukha nang witch na gustong kunin ang puso niya at ialay sa diyos ng kadiliman. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nakiKita niyang pagkasuklam sa anyo nito. Hindi niya rin alam kung ano ang nangyari at may bandage na nakapalibot sa ulo nito. Saka niya rin napansin na T-shirt at puting pajama bottoms lang ang suot nito. Wala rin itong sapin sa mga paa. "Why are you here?!"

"B-Bisita po siya ni Sir Kenan." Si Julie ang sumagot.

"Bisita?" tila shock na shock na balik-tanong ni Yngrid. Humakbang ito paakyat ng hagdan. "Did you talk to him? Ano ang mga sinabi mo sa kaniya?" Luminga ito sa paligid. "Where is he? Where is Kenan?"

"Wala siya rito," sagot niya.

"Anong wala? Nasaan siya?"

"Hindi ko—" Nauwi sa hiyaw ang pagsasalita niya nang hablutin siya nito sa braso at ibaon ang mga kuko sa balat niya. "Ano ba'ng problema mo?!"

Binitiwan siya ni Yngrid. Umiiyak na ito, bakas ang labis na takot sa mga mata. "Sinabi mo ba kay Kenan? Ang tungkol sa basement?"

Para siyang itinulos sa narinig. Basement? Alam ni Yngrid ang tungkol sa basement?

"Paano mong nalaman—"

Umatras na si Yngrid, umiiling habang panay ang usal ng "no". Kapagkuwan ay semi-hysterical na tumakbo ito pababa ng hagdan. Mabilis na sumunod si Ember. Naabutan niya si Yngrid na palabas ng gate. May nakaparadang kotse ro'n.

"Ano'ng nangyayari?" taranta niyang tanong. "Yngrid! Paano mong nalaman ang tungkol sa basement?"

Sinampal siya ni Yngrid. Nabuwal siya sa lupa, sapo ang namamanhid na pisngi.

"I should've killed you last night," puno ng poot na sabi ni Yngrid. "Si Kenan ang gustong pumatay kay Lantis and now you sent him there to kill him again!"

Namanhid sa takot ang buong katawan ni Ember. Tila nagsara ang utak niya. Ang tanging tumatakbo ro'n ay ang imahe ng katawan ni Lantis na nakahimlay sa basement. He was powerless, defenseless. Naroon ang espiritu ni Lantis ngunit ano ang magagawa no'n? Mahina pa si Lantis. Kapag ginawa nito ang ginawa kagabi, mawawala na naman ito at baka hindi na bumalik.

Tumayo siya. Namalayan na lang niya, itinutulak na niya papasok ng kotse si Yngrid. Siya ang pumuwesto sa harap ng manibela. Pinagmumura siya ni Yngrid, pinapalabas ng sasakyan. Malakas niya itong itinulak sa passenger seat at sinabihang manahimik kung gusto pa nitong mailigtas si Lantis. Yngrid curled on the passenger seat and sobbed as Ember drove like a daredevil going to Lantis's house. Nanalangin siya na sana hindi pa sila huli.

Lord, please, save him...