BITBIT ang basket ng bulaklak at kandila, tinahak ni Ember ang daan patungo sa bandang dulo ng sementeryo. Nakasunod sa kaniya si Fujiku na ang kabilang dulo ng tali ay nakapulupot sa palapulsuhan niya.
"Fujiku!" saway niya sa aso nang mahuli niyang akmang kakagatin ang kandila ng nadaanan nilang puntod. Binuhat na niya ang aso at nagpatuloy sa paglalakad. "Darating na ang Balikbayan box si Antonia bukas, baka 'kala mo. Hindi ko ibibigay sa'yo ang regalo niya."
"Woof!" tugon ni Fujiku at dinilaan ang pisngi niya.
Napangiti siya. Ibinaba niya si Fujiku nang marating ang puntod na pakay. Inilapag niya sa ibabaw no'n ang isang kumpol ng puting daisies at nagsindi ng kandila. Inilabas niya rin ang basahan at pinunas ang ilang putik sa ibabaw ng puting lapida.
"Hello. I'm here again," pagkausap niya sa puntod. "Kung saan ka man ngayon, sana okay ka. Nakita mo ba ang light? Hindi ko alam kung nag-e-exist 'yon. Pero kung hindi at kailangan mo ng tulong, puwede mo akong lapitan. You're a good man. I know you are. Nakakapanghinayang lang na hindi tayo nagkakilala nang matagal." Hinaplos niya ang mga salitang nakaukit sa lapida. Kenan Gomez Arcanghel. February 27, 1987 – December 6, 2015.
Mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas ngunit tandang-tanda pa rin ni Ember ang lahat ng nangyari. She still dreamed of it, still cried because of it. Noong una, inakala niya na si Lantis talaga ang tumulong sa kanila na makalabas ng basement. But as she looked back and recollected the details of that night, napagtanto niyang si Kenan ang nagligtas sa kanila. Sa huli, nanaig pa rin ang mabuting bahagi nito. Nanaig pa rin ang pagmamahal nito kay Lantis. And Ember will be forever grateful to Kenan. Nabuhay sila pareho ni Lantis dahil dito.
Nang magising sa ospital si Ember, si Antonia ang unang nakita niya. Akala niya nananaginip lang siya. Nasa Japan si Antonia so ano ang ginagawa nito sa harap niya, suot ang isang dangkal yata sa haba na false eyelashes. Hanggang sa naging malinaw ang lahat. Nalaman niyang anim na araw na siyang naroon.
"Six days?" paos niyang tanong. "Antonia, n-nailibing na ba siya?"
"Hindi pa. Pero ang alam ko, ngayong hapon ang libing niya."
Pagkatapos no'n ay nag-histerikal na siya. Gusto niyang lumabas na ng ospital ngunit hindi pa raw maaari dahil mahina pa siya at may mga test pang kailangang isagawa sa kaniya. Dahil sa tagal ng exposure niya sa usok sa basement, nag-collapse ang isang baga niya.
"Kailangan ko siyang puntahan, Antonia!" umiiyak niyang sabi matapos hugutin ang karayom sa palapulsuhan niya. Tumilamsik ang dugo, gumuhit ang kirot. Inignora iyon ni Ember. Bumaba siya ng kama at natumba. Mabilis siyang dinamayan ng umiiyak na ring si Antonia. "Ito na ang huling beses na makikita ko si Lantis. Unawain mo naman ako. Gusto ko siyang makitaa."
"Lantis? Iyong racer na inakala ng lahat ay patay na?"
"O-Oo," sumisigok niyang sagot. "Mahal ko siya, Antonia. I want to see him for the last time."
"Ember." Masuyong hinaplos ni Antonia ang buhok niya. "Makikita mo pa siya ulit, okay? Buhay pa si Lantis. Akala ko ay si Kenan ang tinutukoy mo. Siya ang ililibing mamaya."
Kinahapunan ay dumalaw sa kaniya si Yngrid. Isinalaysay nito ang mga naganap matapos niyang mawalan ng malay.
Dumating ang ambulansiya at nagawang i-revive si Lantis. Sa parehong ospital sila isinugod pero kinabukasan, dumating ang matalik na kaibigan ng lolo ni Lantis at ipinalipat sa St. Luke's si Lantis kung saan naka-confine rin ang walang malay na si Don Fausto. Three days later, Don Fausto regained his consciousness. Nang malaman nitong buhay pa ang apo, ipinalipat nito si Lantis sa isang ospital sa Boston, Massachusetts. Hanggang sa araw na iyon, naroon si Lantis, comatose.
But he was alive.
Sapat na iyon at ang kaalaman na nasa pangangalaga ng mahuhusay na doktor si Lantis para mapanatag siya. May balak na pumunta si Ember sa America. She applied for US visa and was approved. Sa ngayon ay kulang pa ang perang hawak niya para sa pamasahe pero nangako naman si Antonia na pahihiramin siya sa katapusan ng buwan.
May tumikhim sa likuran ni Ember. Nalingunan niya si Yngrid na may hawak ding kumpol ng bulaklak. Inalis nito ang sunglasses at tipid na ngumiti.
"How are you, Ember?" tanong nito. Inilapag nito sa tabi ng daisies ang dalang bulaklak. Noon na lang sila uli nagkita ni Yngrid pagkatapos siya nitong dalawin sa ospital.
"Heto, sinusubukang maging okay. Ikaw? Kumusta ka na?"
"Hindi ako okay. Hindi ko alam kung magiging okay pa ako." Umupo ito sa lupa at malungkot na pinagmasdan ang lapida ni Kenan. Makikita sa mga mata nito ang kalungkutan. "He never loved me. Alam ko na ginamit niya lang ako para magawa niya ang gusto niya kay Lantis. He has his evil side but despite that, minahal ko siya. Sobrang minahal na kahit ang saktan ang taong nagmahal sa akin, ginawa ko."
Hindi nagkomento si Ember. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi, hindi pa rin tuluyang nag-si-sink in sa kaniya ang mga rebelasyon ni Yngrid noong huling beses silang nag-usap. Na una nitong minahal si Kenan keysa kay Lantis, na ginamit lang nito si Lantis para mapalapit kay Kenan. At handang magpagamit si Yngrid para lang makuha ang pagmamahal ni Kenan. Tinanggap nito ang alok na kasal ni Lantis dahil ayaw nitong mapahiya sa harap ng mga tao si Lantis. Sa isang open restaurant sa Tagaytay nag-propose si Lantis, sa harap ng customers at ng staffs.
"Ni minsan ba, hindi mo minahal si Lantis?" naalala niyang tanong niya kay Yngrid. Mahirap kasing paniwalaan na kahit kailan, kahit kaunti, hindi ito nakaramdam ng espesyal para kay Lantis. It was impossible not to fall for him.
"I love him," pag-amin ni Yngrid. "But it wasn't as strong as what I'm feeling for Kenan."
The things people do for love and the things that love does to people, Ember thought sadly. Mali ang paraang pinili ni Yngrid para makamit ang pagmamahal ni Kenan ngunit sino siya para manghusga? Hindi niya magawang magalit kay Yngrid gaya ng kung bakit hindi niya magawang kamuhian si Kenan sa kabila ng mga ginawa nito. Pinagdusahan na nina Yngrid at Kenan ang kasalanan.
Isinalaysay rin sa kaniya ni Yngrid ang talagang nangyari noong gabing nasunog ang bahay ni Lantis. Pinainom ni Kenan si Lantis ng alak na may halong mataas na dosage ng Gamma-Hydroxybutyric acid o GHB—isang anesthetic drug na kapag inabuso ay maaaring makapa-comatose o makamatay. Si Yngrid ang nagbigay no'n kay Kenan, kapalit ang pagmamahal at atensiyong ibibigay nito sa babae. Kapalit ang pangakong kukunin nito si Yngrid kay Lantis. Their purpose was to put Lantis on coma then Kenan will marry Yngrid. Wala sa plano ang sunugin o patayin si Lantis. Nadiskubre ni Yngrid ang plano nang madinig niyang may kausap si Kenan sa cellphone, binibigyan iyon ng instructions. Kinutuban nang masama si Yngrid lalo nang tawagan niya ang driver na naghatid kay Lantis at malamang nasa bahay na si Lantis.
Nasusunog na ang bahay nang dumating sina Yngrid at Mang Romel, ang driver. Ang dalawa ang nagligtas kay Lantis at dinala sa ospital. Ang katawan na nakuha ng mga bombero sa bahay ni Lantis ay mula sa punerarya ng kaibigan ni Mang Romel. Bangkay raw umano iyon ng magnanakaw na napatay ng pinagnakawan nito at ilang buwan nang naroon dahil walang kamag-anak o kaibigan na kume-claim dito.
"We have to bring the body somewhere and burn it," ani Yngrid na bakas ang matinding guilt sa boses at mukha. "Umaga na nang magawa naming ilagay ang katawan sa likod ng bahay. Nahirapan kami dahil sa mga reporters at pulis na naroon sa area. Hindi puwedeng walang ma-retrieve na katawan dahil maghihinala si Kenan na buhay pa si Lantis."
Kenan was still suspicious, though. Binantayan nito ang bawat kilos ni Yngrid. Tinakot din nito ang dalaga. May mga tao itong inutusan na i-check ang lahat ospital sa Maynila. Si Yaya Ida—bilang ikalawang nanay na ni Lantis ang isa sa nakakaalam ng katotohanan—ang nag-suggest na sa basement itago ang katawan ni Lantis.
"Ang garapon ni Lantis," natatandaang usisa ni Ember. "Ikaw ba ang naglagay no'n sa puntod?" Nabanggit ni Yngrid na nang makita ng mga ito si Lantis, yakap-yakap nito ang garapon ng mommy nito.
"I left the jar inside the burning house. Iyon lang ang gamit ni Lantis na nakaligtas sa sunog. The policemen were astonished. The jar was black with ash and smoke pero hindi man lang iyon nagkaroon ng kaunting crack. Don Fausto believed that Lantis's spirit protected it. Si Don Fausto ang nagdesisyon na iwanan iyon sa puntod ni Lantis."
Pinrotektahan nga marahil ni Lantis ang garapon. In return, the jar protected Lantis's spirit. Hindi nasira ng apoy ang jar subalit nagawa iyong masira ni Ember. At doon nagsimula ang kuwento nila ni Lantis—sa isang basag na garapon.
"Gusto kong malaman kung paano napunta sa mga Arcanghel si Kenan? Ano'ng ginawa ni Don Fausto sa kaniya?" Hindi mapigilan ni Ember na hindi ma-curious sa bagay na iyon. Iyon ang ugat kaya nagkaroon ng matinding galit si Kenan kay Don Fausto.
"Lantis's father married Kenan's mother," ani Yngrid. Tumayo na ito at pinagpagan ang bestida. "Chambermaid sa hotel si Tita Linda, ang nanay ni Kenan. Nagalit si Don Fausto lalo nang ibigay ni Tito Alfonso ang apelyidong Arcanghel kay Kenan. You see, anak sa unang asawa si Kenan. Don Fausto disinherited Tito Alfonso. They never heard of him again until one day, he came back, begging for Don Fausto's help. May sakit sa kidney si Tita Linda at wala nang pera si Tito Alfonso. Don Fausto refused to help them. Palihim na tumulong si Lantis kay Tita Linda pero malala na ang sakit ng nanay ni Kenan. Dalawang beses siyang sumailalim sa kidney transplant at laging ni-re-reject ng katawan niya ang kidney. She died eventually and Lantis was devastated. 'Sabi niya, para na rin daw siyang nawalan uli ng nanay.
"Bumalik uli si Tito Alfonso kay Don Fausto. Nagmakaawa uli na kupkupin si Kenan. Tinanggap ni Don Fausto si Kenan dahil sa pakiusap ni Lantis. Three days later, Tito Alfonso killed himself." Napailing-iling si Yngrid. "Pinatuloy man ni Don Fausto si Kenan sa bahay, kompanya at pamilya niya, he still can't fully accept him as part of them. Lagi niyang ipinapaalala kay Kenan kung sino siya, saan siya nagmula at kung ano lang ang role niya sa mga Arcanghel. Kaya minsan, hindi ko masisi si Kenan kung bakit nagtanim siya ng galit kay Don Fausto. He had a sad childhood. Gusto niya lang na matanggap siya, na ma-appreciate ang mga ginagawa niya hanggang sa naging obsession na niya ang magpa-impress kay Don Fausto. His obsession turned to hate. His hate turned into an incurable disease. Kahit ako o si Lantis ay hindi kayang gamutin iyon."
Matagal na hindi sila nagsalita ni Yngrid. Pumikit siya at nagdasal para sa kaluluwa ni Kenan. Sana, naroon ito sa lugar kung saan nararanasan nito ang mga bagay na hindi nito naranasan noong buhay pa ito.
Sabay silang umalis doon ni Yngrid matapos nilang magdasal.
"Ember, may ibibigay pala ako sa'yo. Plano ko talagang pumunta sa'yo after ko rito." Pinasunod siya nito sa sasakyan nito. Isang sobre ang iniabot nito sa kaniya. Hindi niya kinuha iyon. Kahit hindi nakikita ang loob, alam niya na pera ang laman no'n. Maraming pera. "Before all this mess happened, Lantis opened a joint account for us. He put half of his savings there. Nagamit ko na ang iba habang nasa basement siya—para sa medications, doctors' fee, those monitors..." Kinuha ni Yngrid ang kamay niya at inilagay ro'n ang sobre. "Ito na lahat ang natira sa laman ng account. Kunin mo."
"Hindi, Yngrid. Sa inyo 'to ni Lantis."
"Pera 'to ni Lantis. Next to him, ikaw ang may karapatang humawak nito." Pinisil nito ang kamay niya at mabining ngumiti. "Hindi ko alam kung ano ang kuwento ninyo ni Lantis pero natatandaan ko ang nangyari sa labas ng basement. Natatandaan ko kung paano kang nakipag-usap sa hangin. He was there, right? You can see his...spirit."
Tumango siya. "He's been with me for more than a month."
Nakakaunawa ang tinging ibinibigay sa kaniya ni Yngrid. "Hindi mo na siya nakita since then?"
"Hindi na. Gusto kong isipin na nasa loob na siya ng katawan niya."
"Gusto mo siyang makita uli?" Pilit nitong pinahawakan sa kaniya ang sobre. "Use this money, Ember. Puntahan mo siya sa America."