Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 31 - 29

Chapter 31 - 29

"WHERE are you going, Ember?" Si Yngrid iyon.

Natigilan si Ember at nilingon si Yngrid. Ngunit kay Lantis tumuon ang mga mata niya. His thin figure was garbed in a pair of white pajamas. Payat na payat pa rin ito at maputla. Umaabot sa mga balikat nito ang buhok, may manipis na balbas sa paligid ng panga. Napakalayo ng hitsura nito sa Lantis na nakasama niya sa loob ng mahigit isang buwan. Ngunit nang magtagpo ang mga mata nila, naramdaman niya ang pagwawala ng puso niya. It was jumping with so much glee. Alam nito, nakikilala nito si Lantis anupaman ang maging anyo ng binata.

Namalayan na lang ni Ember, naglalakad na siya palapit sa binata. Tumayo si Yngrid upang bigyan siya ng daan. Lumuhod siya sa harap ni Lantis, hindi niya inaalis ang tingin dito. She wanted to savor that moment. Isa iyon sa mga tagpong babalik-balikan niya sa isip.

"H-Hi," nauutal niyang sambit. Lantis stared blankly at her. "You might not know who I am. Mahirap ipaliwanag kung paano tayo nagkakilala. I heard hindi pa fully recovered ang memorya mo at ayokong biglain ka. Medyo unusual kasi ang unang pagkikita natin. Pero i-assume na lang natin na ito ang unang pagkikita natin." She was blabbing. Ganoon talaga siya kapag sobrang kinakabahan. "A-Ako si Ember. It was short for December—"

"And you were born on December. Your parents passed away nine years ago. You live in an old house with a dog named Fujiku. May tindahan ka na LACE ang pangalan, nakatayo sa labas ng isang school. You and I met at the cemetery. Humingi ako ng tulong sa'yo para mahanap ko ang liwanag. And I found it—that's you."

"L-Lantis..." Yumugyog ang mga balikat niya, hinayaan niyang kumawala ang mga luha.

Kinuha ni Lantis ang isang kamay niya at inilapat sa pisngi nito. The instant her palm touched his cheek and felt the warm of her skin, all the pain, the fear and sadness she was feeling for months vanished like magic. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya, ganoon din ang ginawa nito sa kaniya. Hinaplos nila ang balat ng isa't isa, dinama ang init doon, ang bawat kurba at linya. It was happening. Nangyari na ang bagay na gabi-gabing laman ng mga dasal niya.

"You remember me. You remember everything," bulong niya nang ilapat ang noo sa noo nito.

"What made you think that I will forget you?"

"Naisip ko lang na hindi imposibleng mangyari 'yon. Tuwing mawawala ka, nawawala rin ang mga alaala mo. You might forget everything about me."

"How can I forget one of the best person I'd ever met? Kung sakali mang makalimutan kita at lahat ng alaala ng pinagsamahan natin, we can make new memories. That's the best thing about memories—making them." Masuyong ngumiti si Lantis. "Ikaw ang humila sa akin palabas sa dilim. Wherever I go, I'll keep coming back to you." Pagkasabi no'n ay buong init siya nitong hinagkan. Ember melted into his arms, into his kiss, into his warmth. Tinugon niya ang mga halik nito. Naramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso nito. Para iyong musika sa pandinig niya. He was alive, he was there and he was hers.

"Thank you for coming back to me, Lantis," bulong ni Ember sa mga labi ng binata.

"And thank you for bringing me back to life—literally." He caressed her cheekbone and looked straight into her eyes. "I love you, Ember."

Umangat dahil sa kilig ang mga balikat niya. "I love you more, Lantis," ganti niya. "I love you so, so, so much."

Tumawa si Lantis. "So," ani Lantis. Hindi na nila napansin na sila na lang palang dalawa ang naroon sa suite. "Kailan tayo pupunta ng Japan? Kaila tayo magpapa-picture sa ilalim ng cherry blossoms?"

Sinundot niya ito sa tungki ng ilong. "Magpagaling ka muna at magpalakas. Aalagaan kita. Then let's go to Japan at kahit saang lumalop pa ng mundo na gusto natin."

"Yeah, let's do that. But I want to go back to our home first."

"Our home," she echoed, bridged the distance between their faces and kissed him again.

Lantis's arms circled around her and she sighed. Sa loob ng mga bisig nito, doon ang kaniyang tahanan.