Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 23 - 21

Chapter 23 - 21

MABILIS na bumalikwas ng bangon si Ember nang magising at madinig ang ingay ng doorbell na konektado sa gate niya. Si Lantis agad ang unang pumasok sa isip niya. Agad niyang pinagsisihan ang ginawa nang umatake ang matinding sakit sa buong katawan niya partikular na sa ulo niya.

Nanumbalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi sa basement. Hanggang sa makatulog siya kagabi, ang katawan ni Lantis na nakahimlay ro'n ang laman ng isip niya. Kahit sa panaginip, si Lantis ang naiisip niya. Kung nasaan na ito, kung paano niya maiaalis doon ang katawan nito, kung paano mapapabalik sa katawang iyon ang kaluluwa nito. Bago tuluyang hilahin ng antok, tinawag uli niya ang pangalan nito. Labis siyang umaasa na sa paggising ay ang mukha nito ang una niyang makiKita.

May nag-door bell uli. Nagbalik sa kasalukuyan ang diwa ni Ember. Tiningnan niya ang orasan. Mag-aalas sais na iyon ng hapon. Halos maghapon siyang tulog dahil masama ang pakiramdam niya.

Tumayo na siya at dumungaw sa bintana. Mula ro'n ay makiKita ang gate at ang kalsada. Nangunot ang noo niya nang makitaa ang isang magarang sasakyan na naka-park sa tabi ng kalsada. Sa harap ng gate ay isang lalaki ang pindot nang pindot ng doorbell. Napahinto ito nang marahil ay mapansin siya. Iniangat nito ang kamay at ngumiti.

Si Kenan ang lalaki.

Ano'ng ginagawa ng kapatid ni Lantis doon? Paano nito nalaman ang address niya? An idea came to her mind and it somehow made her feel a little better. Ang alam ni Kenan, patay na si Lantis. Higit kanino man, ang lalaki ang dapat makaalam na buhay pa ang kapatid nito. Alam ni Ember na si Kenan ang perpektong taong malalapitan nila upang hingan ng tulong.

Subalit nang pababa na siya ng hagdan ay may boses na komontra sa kaniya. Kagabi pa niya pinagtatagni-tagni ang mga pangyayari. Kung intensiyon ng mga nagtago ro'n kay Lantis na gawan ito ng masama, bakit buhay pa ito hanggang sa araw na iyon? Why put those life-supporting machines? Did they purposedly put him there to hide him? To hide the truth that he's alive? Bakit? At sino ang mga taong nagtago kay Lantis doon. Si Yaya Ida ba? Ang kaibigan ni Lantis na si Migz? O marahil isa si Kenan sa mga nakakaalam ng totoong kalagayan ni Lantis?

He's gone. He's dead. My brother's dead! Naalala niyang sigaw ni Kenan sa sementeryo.

No. Walang alam si Kenan na buhay pa si Lantis.

"Hey," bati ni Kenan nang makalapit si Ember. Nabawasan ang ngiti nito nang makitaa ang mukha niya. "What happened to your face?" tanong nito. "I'm sorry, it was a rude question."

Tabingi siyang ngumiti. "N-Nahulog ako sa hagdan," tugon niya. Naiinitindihan niya kung bakit ganoon ang reaksiyon ng lalaki. Mukha lang naman siyang pinapak ng putakte. Namamaga at namumula ang mga pisngi niya, may mga kalmot din siya sa leeg at braso, may pasa sa dibdib at balikat. Kagabi nang tanungin siya ng doktor na tumingin sa kaniya sa ER, sinabi niya na napaaway siya. Hindi naman niya puwedeng sabihin ang parehong kasinungalingan kay Kenan. Hindi niya kaibigan ang lalaki pero ayaw niyang magkaroon ito ng hindi magandang impresyon sa kaniya.

"Napatingnan mo na ba 'yan?"

"Oo. Niresetahan lang ako ng gamot. Pasok ka." Binuksan niya ang gate. "Uh, napadalaw ka? Paano mo nalaman itong address ko?"

"Nakuha ko sa record ng clinic ni Yngrid. I'm sorry, that wasn't proper pero hindi ko alam kung paano ka mahahanap. Naalala ko na doon tayo nagKita nang pangalawang beses so I asssumed na baka may hawak silang information mo."

Nag-excuse ito saglit at bumalik sa sasakyan. May kinuha ito ro'n. Nang muling humarap sa kaniya ay may dala na itong isang malaking bungkos ng bulaklak. Colorful ang bouquet dahil iba't ibang klase ng bulaklak ang naroon. Rosas, tulip, lotus at daisies lang ang nakikilala ni Ember sa mga iyon.

"Hindi ko alam kung anong klase ng bulaklak ang gusto mo so I bought everything they have in the shop."

Tipid siyang ngumiti. "Thank you. Daisies ang gusto ko. Kumusta ka na pala?"

Ibinuka nito ang mga braso. "You judge," sabi nito. Mukhang okay na okay na ito. Hindi na mukhang putikang anghel.

Magkaagapay na naglakad sila papunta sa bahay niya. Napansin niya na bahagyang namilog ang mga mata nito nang tumingala sa bahay. Natakot ba ito?

"This is a very old house," komento nito nang makapasok at igala ang tingin sa paligid. He looked impressed when he saw the large painting of her great grandparents. Panahon pa ng mga Kastila ay naroon na iyon.

"Haunted din ito, actually," biro niya. Noon may ideyang kumislap sa isip niya. "Naniniwala ka ba sa multo, Mister Arcanghel?" Matutulungan siya ng isasagot nito sa plano niya. Kapag sinabi niya rito ang tungkol sa katawan ni Lantis, maraming tanong ang lilitaw. Such as paano niya nalaman ang tungkol sa basement? Ang passcode? Hindi siya puwedeng mag-imbento na naman ng sagot. He deserved to know the truth.

Ilang saglit bago nakatugon si Kenan. Hindi rin ito umupo kahit na inimbitahan niya. Tumingin ito sa kaniya, mataman. Gaya noong una, hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.

"Yes," anito sa wakas. Bumalik ang aliwalas sa mukha nito. "Hindi ako magtatagal, Miss December—"

"Ember na lang. Tuwing tinatawag mo akong 'Miss December' feeling ko ka-level ko sina Miss Minchin at Miss Amelia."

Napakurap ito. Hindi nito kilala sina Miss Minchin at Miss Amelia.

Tumikhim ito kapagkuwan. "Gusto ko lang na makitaa ka nang personal at makapagpasalamat sa tulong mo sa akin. You know what I'm talking about." He flashed her an embarrassed smile. "And I apologized for the trouble that I caused. I want to blame the alcohol but that would be too cliché. If there's anything you need, I'll be glad of help." May dinukot ito sa bulsa ng suot na coat at iniabot sa kaniya. Isang calling card. "I hope one of these nights we can have dinner together. Friendly dinner date, I mean."

"Ang totoo, may...may gusto akong hinging tulong sa'yo. Maybe we could talk about it at our friendly date tonight?"

"Tonight?" Sinulyapan nito ang relos pagkatapos ay saglit na tila pinag-aralan ang mukha niya. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pasimple nitong pagsulyap sa mga labi niya. Kapagkuwan ay ngumiti ito. "All right, then. Kaya mo bang mag-ready bago mag-seven?"

"Oo. Thank you, Kenan."

"No problem. Hihintayin na lang Kita rito." Hindi pa ito natatapos magsalita nang tumunog ang cellphone nito. Nag-excuse sa kaniya si Kenan at tinungo ang pinto. Bago lumabas ay naitapat na nito sa tainga ang aparato at sinambit ang pangalan ni Yngrid.

Umakyat si Ember sa silid at mabilis na nagpalit ng damit.