NASA unang palapag ng isang commercial complex sa Makati ang clinic ni Doctor Yngrid dela Paz. Madaling nahanap ni Ember ang lokasyon ng clinic dahil bukod sa isa iyon sa mga bumalik sa alaala ni Lantis, nakalagay ang eksaktong address no'n sa Facebook account ni Yngrid. Nagkaroon din ng pagkakataon si Ember na masilayan ang mukha ni Yngrid. Hindi mukha nito ang ginamit nitong display photo kundi picture ng isang magandang beach. Naka-private ang account nito ngunit naka-public ang ilan sa mga Tagged Photos. Luma na ang mga larawan, ang iba ay two years ago pa, pero sapat na ang mga iyon para makitaa ang mukha ng nobya ni Lantis.
Ang sabihing "maganda" si Yngrid ay kulang. Mala-diyosa ang babae kahit pa halatang walang make-up. Mestizahin kaya hula niya, natural na glowing ang kutis at natural din ang brownish na kulay ng buhok. May isang larawan na may kasama itong mga kaibigan. Si Yngrid ang nangingibabaw, ang agaw-atensiyon. Pagkatapos niyang i-spy ang babae, natagpuan ni Ember ang sarili na nakaupo sa harap ng vanity mirror niya at pinagmamasdan ang sariling mukha. Something was gnawing inside her. It was called insecurity. Hindi niya mapigilan iyon. Sino ba naman ang hindi ma-i-insecure sa gaya ni Yngrid? Almost perfect na ang babae.
Ipinarada ni Ember ang sasakyan sa tapat ng commercial complex. Agad niyang namataan ang clinic ni Yngrid. Sinulyapan niya si Lantis. Sa buong durasyon ng biyahe ay tahimik ito.
"Iyan 'yong clinic niya," aniya. Hindi nito alam na ini-snoop niya ang Facebook account ng fiancee nito. Sinabi lang niya na may sariling page ang clinic nito, na naroon ang lahat ng impormasyong kailangan nila. Naniwala naman ito.
"I know," ani Lantis at naunang lumabas—er, tumagos—sa pinto ng pick-up.
Nagsimula siyang ma-tensiyon nang bumaba na rin at tumayo sa tabi ng pavement. Maliit lang ang clinic ngunit maganda ang ambiance. Kulay light yellow ang pintura, ang façade ay gawa sa semi-tinted na salamin. May mga nakatanim na flowery shrubs at palm trees sa labas, may wooden bench sa tabi ng pinto.
Hiniling ni Ember na sana mag-work out ang plano nila. What was the plan? Magpapanggap siyang pasyente na delayed nang ilang buwan ang period. Titingnan muna niya ang mood at kalagayan ni Yngrid bago sabihin dito kung sino siya at ano talaga ang pakay. She would have messaged her on Facebook but Ember thought better of it. Ang mga ganoong bagay ay hindi dapat na basta-bastang i-message sa FB o sa kung saang social networking sites. Isa pa ay hindi siya sure kung active pang ginagamit ni Yngrid ang FB nito. Baka mamuti lang ang mata nila sa paghihintay sa reply nito—kung mag-re-reply man ang babae. Baka deretso siya sa Block list nito.
Humugot-bumuga ng hangin si Ember, tinanguan si Lantis at sabay silang naglakad patungo sa clinic. Ang maliit na reception desk ang unang naKita niya nang itulak ang glass door. Isang babaeng chubby na nakasalamin ang naroon. Maaliwalas ang mukha nito. Ngumiti ito agad sa kaniya.
"Ano pong sa atin, Ma'am?" Her name was Cherry, ayon sa nameplate nito.
"For consultation po."
"Ah, okay po. Lumabas po saglit si Doc but she'll be here in a few minutes. Paki-fill up-an po muna ito. Pakibalik na lang po sa akin kapag natapos ninyo na." May iniabot ito sa kaniyang form. Pinili niya na sa waiting area na lang fill-up-an ang form. May limang babaeng nakaupo ro'n, lahat ay naka-maternity dress. Ember was the odd one out. Baby tee, mini skirt at elevated slippers ang suot niya.
"Dapat ay nag-maternity dress ka rin," bulong ng "buntot" niya nang maupo siya sa pang-isahang sofa.
"Manahimik ka diyan," mahinang saway niya rito. Pumuwesto si Lantis sa likuran niya, binabasa ang mga isinusulat niya sa form. Nang matapos ay ibinalik niya kay Cherry ang form. Kinunan siya nito ng BP, tinimbang pagkatapos ay binigyan ng patient's number card.
Bumalik siya sa sofa, kumuha ng magazine at nagbasa. Ngunit wala sa binabasa ang isip niya. Maya't maya ay sumusulyap siya sa relos niya. Habang tumatagal ay lumalala ang tensiyon niya. Makaka-face to face niya ang nobya ni Lantis. Hindi niya alam kung ano ang aasahan. Puwede na hindi ito maniwala kapag sinabi niyang nakiKita at nakakausap niya ang kaluluwa ng nobyo nito, na kasama niya ito nang mga sandaling iyon. Doktor si Yngrid, alagad ng siyensiya. Aware si Ember sa pananaw ng mga gaya nito sa mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensiya. Paano niya bibigyan ng scientific explaination ang sitwasyon nila ni Lantis? Kababalaghan ang tawag ng iba sa nangyayari sa kaniya, halusinasyon naman iyon sa opinyon ng mga gaya ni Yngrid. Albularyo, pari o espiritista ang sasabihin ng iba na kailangan niya, psychiatrist naman ang irerekomenda ni Yngrid. Some people will call her "psychic", "schizophrenic" naman ang terminong ibibigay sa kaniya ni Yngrid.
Ang tanging paraan para maniwala ito sa kaniya ay sabihin dito ang ilan sa mga bagay na ito at si Lantis lang ang nakakaalam. Secret dream ni Yngrid ang maging astronaut. One hundred twenty nine times na nitong napanood ang Titanic—ang paborito nitong movie. Paboritong numero ni Yngrid ang thirteen dahil iyon ang date ng anniversary ng parents nito. May letter "K" na tattoo sa lower part ng abdomen, sa bandang kaliwa, si Yngrid. Noong unang beses na nag-date sina Lantis at Yngrid, naputol ang takong ng sapatos nito. Binuhat ito ni Lantis palabas ng resto hanggang sa sasakyan pagkatapos ay dumeretso ang mga ito sa pinakamalapit na department store. Sa halip na mamahaling sapatos, simpleng tsinelas ang pinili nito. Yngrid love those slippers. Lantis loves those slippers.
Memoryado na ni Ember ang lahat ng 'yon. Ang awkward sa pakiramdam. Pakiramdam niya isa siyang dakilang tsismosa na binabasa ang diary nina Yngrid at Lantis.
"Okay ka lang?" Napakislot si Ember nang marinig ang boses ni Lantis sa tapat ng tainga niya. "Sinisira mo na ang magazine."
Napatingin siya sa kandungan. Nakakuyom ang mga kamao niya sa dalawang pahina ng magazine. Mabilis niya iyong binitiwan at pasimpleng tiningnan ang mga kasamang pasyente. Abala ang mga ito sa kani-kanilang gadgets. Inilabas niya ang sariling cellphone at nagtipa sa notepad no'n.
Kinakabahan ako. Pasimple niya iyong ipinaKita kay Lantis.
"Hindi ba dapat ay ako ang kabahan? Para akong huhusgahan ngayon. Believe me, kinakabahan din ako. Silly, right? Patay na ako, hindi na dapat ako nakakaramdam ng ganito."
Binura niya ang naunang itinipa at nagtipa ng panibago. Paano kung hindi ka pa rin sunduin ng liwanag?
"Then I guess I'm stuck with you." Nahimigan niya ang kaunting pait sa boses nito. "You don't mind having me forever, 'sabi mo kagabi. Okay naman akong housemate. Hindi ako magastos."
Medyo bastos lang.
Lantis snorted. "Ikaw ang tumawag sa akin papunta sa banyo mo. I'm innocent, Ember."
*Roll eyes*
Marahang tumawa si Lantis. "Kung anuman ang mangyari mamaya, I want you to know that I'm grateful for everything you've done for me. Sayang lang, hindi tayo nagkakilala noong nabubuhay pa ako. I don't know how to repay you."
Mag-request ka kay San Pedro na gawin kang guardian angel ko.
"I hope that's possible."
Yeh. I will miss you when you're gone.
Shit. Nag-freeze ang mga daliri niya, napatitig siya sa screen ng cellphone. Bakit niya tinipa iyon? Mabilis niya iyong binura ngunit huli na, nabasa na ni Lantis ang isinulat niya. Lumigid ito, tumalungko sa harap niya. There was so much tenderness in his eyes as he looked at her that her breath lodged on her throat. Pakiramdam niya nababasa ni Lantis ang takbo ng isip niya, ang kahulugan ng bawat pintig ng puso niya, ang dahilan kaya nagbubutil ang pawis niya sa ilong at itaas ng nguso. With him staring at her like that, she felt vulnerable and exposed. Para siyang mamahaling China na nakatuntong sa dulo ng mesa, any moment ay mahuhulog at magkakapira-piraso.
Kumilos ang kamay ni Lantis patungo sa mukha niya. Hinayaan niya na haplusin nito ang balat niya, hinayaan niya na maramdaman ang lamig nito. His touch was a contradiction to what his eyes were doing to her. Tila ipinapadama no'n na handa siya nitong saluhin. At kung mabigo man, handa ito na buuhin siyang muli. The last time Ember felt that kind of security was when her parents were still alive. Sobrang tagal na.
"And I will miss you, too, Ember," ani Lantis.
Kumurap si Ember. At kumurap pa. Ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang pamamasa ng mga mata. Hanggang sa sunod-sunod na umalpas ang mga luha niya, napahikbi rin siya. Naramdaman niya na tumingin sa kaniya ang mga kasama niya sa clinic.
Mabilis na tumayo si Ember at tinungo ang pinto. Lumabas siya ng clinic, nanlalabo sa luha ang mga mata.
Dahil doon kaya hindi niya nakita na may taong papasok ng clinic. Huli na upang makaiwas. Bumangga ang katawan niya sa katawan nito, nawalan siya ng balanse at malakas na lumagapak sa semento.
"God, I'm sorry!" a voice exclaimed. May mga kamay na humawak sa siko at likod ni Ember. "I'm really sorry, hindi kita nakita. Here, sit here."
Tiningala ni Ember ang nagmamay-ari ng mga kamay at boses. Nagtagpo ang mga mata nila. Nangunot ang noo ng kaharap. Then recognition flashed in his dark eyes.
"I know who you are," anito, unti-unti nang napapangiti. "Ikaw 'yong babae sa sementeryo, tama? Naaalala mo ba ako?"
"Y-Yes," she croaked. "Ikaw 'yung..." Mabilis na napigilan ni Ember ang sarili. "Ikaw 'yung kapatid ni Lantis" ang dapat na sasabihin niya. That would be a stupid thing to say. Hindi nito alam na kilala niya si Lantis. "Ikaw 'yung lalaki sa sementeryo," she finished.
Lumuwang ang ngiti nito. "Kenan Arcanghel," sabi nito, inilahad ang kamay. "And you are?"
"December Madrid."
Tila na-amuse ang lalaki. Magsasalita pa sana ito nang may tumawag sa pangalan nito. Sabay silang napalingon ni Kenan sa bagong dating.
And there Ember saw a wingless angel. Si Yngrid dela Paz. Mistula itong nag-go-glow habang nasa ilalim ng sikat ng araw suot ang white dress na may dilaw na floral print, malamyos na nilalaro ng hangin ang hanggang pangang buhok. She walked gracefully towards them; her eyes were fixated on Kenan. Nang makalapit ay napuno ang hangin ng gamit nitong pabango. It smelled so sweet and expensive. Walang sinabi ang fruity scent ng cologne na gamit niya na nabili niya lang sa department store. Ganoon ba ang amoy ng lavender at chamomile? Hindi nakapagtataka na gustong-gusto iyon ni Lantis.
Saglit na tumingin kay Ember si Yngrid nang makalapit. Bahagya lang itong ngumiti. Agad nitong hinarap si Kenan at ginawa ang isang bagay na nagpalaglag sa panga niya.
Yngrid encircled her arms around Kenan's neck and kissed him full on the lips.
Hindi lang si Ember ang shock sa nasaksihan,maging si Lantis na nakatayo sa tapat ng pinto ng clinic.
He flickered.
And then he started fading.