Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 21 - 19

Chapter 21 - 19

"WELCOME to my humble home," usal ni Lantis nang huminto sila sa labas ng sirang gate.

Tinanaw ni Ember ang unahan at naramdaman ang mabigat na aura na bumabalot sa bahay. The house was darker than the night. Mag-isa iyong nakatayo sa gitna ng nagtataasang damo. Ang dating matayog na pader na nagsisilbi niyong proteksiyon ay bumagsak na. May mga patay at sunog na puno sa paligid, ang dating driveway ay bitak-bitak at ukab-ukab, ang lupa ay nababalot ng ligaw na damo at kung anu-anong kalat. Kalahati sa bubong ng bahay ay bumigay na, ang mga pader ay giba at butas, nagkalat sa lupa ang mga tipak at napulbos na semento.

"It looks..." Hindi alam ni Ember kung paano ilalarawan ang lugar nang hindi na-o-offend si Lantis. "It's beautiful in a creepy kind of way. Parang ikaw."

"I'll take that as a compliment," ani Lantis, hinawakan siya sa likod at iminuwestra ang gate. Her body tingled again with his touch. Medyo lutang pa rin siya sa naganap sa loob ng sasakyan. Naghalikan sila ni Lantis. Nakipaghalikan siya sa isang yumao na. Ang first kiss niya ay isang espiritu. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na ganoon. The good thing about kissing a phantom was, she don't need to catch her breath.

Sininagan ni Ember gamit ng baon niyang flashlight ang dinaraanan nila. Inutusan siya ni Lantis na magpahuli ng lakad, i-che-check daw muna nito ang seguridad ng lugar. Palinga-linga ito sa paligid, pasilip-silip sa mga damo, lumapit sa isang patay na puno at niligiran iyon pagkatapos ay pumasok sa bahay at naglaho. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ito at idineklarang sila lang ang taong naroon.

Nagpatiuna uling naglakad si Lantis patungo sa gawing kanan ng bahay. "This used to be my kitchen," sabi ni Lantis nang tawagin siya. Wasak ang pader sa gawing iyon. Nang sinagan niya ang isang bahagi, naKita niyang may wasak na lababo sa loob, may ilang cupboards at cabinets na hindi na mapapakinabangan dahil kinain na ng apoy ang malaking bahagi. Everything inside was black. Kapansin-pansin din ang amoy ng sunog na bagay na humahalo sa amoy ng lupa, basura at alikabok. "I found it, Ember."

Nilapitan niya si Lantis. Itinuro nito agad sa kaniya ang lupa. The trap door was made of concrete cement. Perpektong kuwadrado ang hugis, sa tantiya niya ay isang dipa ni Lantis ang lawak ng bawat side. Kinahig ni Ember ang mga dumi sa ibabaw nang mapansin na mayroong nakauLantis na mga salita sa gitna. SEPTiC TANK, it says.

Nakaangat ang isang kilay na tiningnan niya si Lantis. Ngumisi ito at nagkibit-balikat. "Another way to drive burglars away."

Napailing-napangiti siya. "Ikaw na. Ikaw na ang mautak." Sino nga naman kasing tanga ang bubuksan ang isang septic tank?

"Okay, so paano bubuksan ito?"

"Mamaya na. Dito ka lang muna, i-che-check ko muna ang ilalim. I have to make sure kung gumagana pa ang standby generator."

"Paano kung hindi na?"

"You can't go down there, then. The place will be full of rotting things. Malalason ka ng hangin."

"Ibig mong sabihin, may possibility na hindi na natin maisalba ang mga kayamanan mo?"

"Maigi na iyon keysa ibang tao ang makinabang." Tumalikod na ito at lumubog sa lupa. "Babalik ako," sabi nito nang ang ulo na lang nito ang nakalitaw.

Kinilabutan si Ember. Maraming ka-weirduhan na ang nangyari kay Lantis ngunit hindi pa rin masanay ang mga mata at sistema niya sa tuwing may gagawin itong out of this world na mga bagay.

Itinuon ni Ember ang atensiyon sa trap door. Paano bubuksan iyon? Passcode operated ang pinto pero hindi ipinaliwanag ni Lantis kung paano ipapasok ang passcode. By typing ba o by voice command? Lumapit siya sa lupa at hinaplos ang pinto. Nagulat siya dahil hindi pang-semento ang tekstura. Kasing kinis iyon ng marmol. Pinaghahaplos niya iyon, diniinan, pinagpipindot ngunit nanatili iyong ganoon. Hanggang sa mapansin niya ang isang bagay sa mga salitang nakauLantis doon.

She stared at the words SEPTiC TANK. Natuon ang mga mata niya sa ikalimang letra dahil iyon ang naiiba. It was a small letter "i". Capital letters ang mga letrang kasama nito so bakit ito ang naiiba? Typo error?

"O sinadya?" tanong niya sa hangin, lumuhod sa lupa at dinama ng daliri ang letrang "i". Mahina siyang suminghap nang biglang lumusot ang dulo ng daliri niya sa tuldok at lumubog. Nadinig niya na lumikha ng mahinang beep ang pinto pagkatapos ay nagkaroon ng pahalang na linya ang mga salitang SEPTiC TANK. Lumapad nang lumapad ang itim na linya hanggang sa lamunin niyon ang dalawang salita. A series of letters and numbers appeared on the black rectangular box. Sa bandang ibaba ay nakalagay ang ENTER at CANCEL key.

Ilang segundo ang lumipas bago nakahuma si Ember. Munti na siyang mapatalon sa tuwa. She did it! She found it! She's a genius!

"Lantis," bulong niya sa hangin. "Lantis, may ipapaKita ako sa'yo." Sinulyapan niya ang relos. Anong oras ba bumaba si Lantis? Seven thirty? Seven forty? Three minutes na lang at mag-aalas otso na ng gabi. Lagpas fifteen minutes na itong wala?

Nakaramdam ng panic si Ember. Yumuko siya at inilapit ang bibig sa lupa. "Lantis? Nassan ka na? Lantis?" Gusto niyang sumigaw ngunit alam niyang kahangalan iyon. Paano kung may ibang taong makarinig sa kaniya? Tumayo siya at nagpalakad-lakad, parang chant na paulit-ulit na sinambit ang pangalan ni Lantis.

Ten minutes, she thought and glanced at her watch again. Kapag ten minutes na wala pa ito, susunod siya sa ilalim.

Binantayan niya ang oras at nang tumutok ang minute hand sa numerong "2", humugot-bumuga siya ng hangin, lumuhod uli sa lupa, itinipa ang passcode at pigil-hiningang hinintay ang susunod na mangyayari.

*****

THERE WAS another beep, a soft hiss and the door cracked open. Napaatras si Ember, mabilis na tumitibok ang puso, nag-iisip kung lalaban o babawi. Paano kung tama si Lantis na nakakalason na ang hangin sa ilalim? Painot-inot ay lumapit siya at sumilip. Madilim. Nang sinagan niya ng flashlight ang butas, may naKita siyang hagdan.

Pumuwesto si Ember malapit sa butas at naramdaman ang malamig na hanging sumisingaw ro'n. Hindi iyon mabaho o nakakahilo. Amoy singaw ng aircon, actually.

Matapos umusal ng dasal, humakbang pababa ng hagdan si Ember. Kalahating dipa niya ang lawak ng hagdan, sa magkabilaan ay ang malamig na rough cement. Nang tumapak ang paa niya sa panglimang baitang, narinig niyang nagsara ang pinto. Everything turned quiet except for Ember's heavy breaths.

Hindi siya agad nakakilos dahil kinalma muna niya ang paghinga. Hindi siya claustrophobic ngunit nang mga sandaling iyon, may namumuong panic sa loob niya dahil pakiramdam niya, patungo siya sa sariling hukay.

Binilang niya sa isipan ang mga baitang ng hagdan. Nang dumating sa ika-labinlima, bumangga ang katawan niya sa malamig at matigas na bagay.

Isang steel door.

Pinihit niya ang brass handle. Hindi iyon naka-lock pero hindi muna siya pumasok. Nakinig siya, nakiramdam. She can hear the soft hum of the aircon. There was also a faint beeping sound.

Itinulak na niya ang pinto. Ang unang bumulaga sa kaniya ay ang mangasul-ngasul na liwanag sa gitna ng silid na nagmumula sa flourescent light sa kisame. Mababa lamang ang kisame, sa tantiya niya ay nasa sampu hanggang labindalawang talampakan lamang ang taas. Ang flourescent light lang ang source ng liwanag, hindi sapat upang maaninag ni Ember ang kabuuan ng basement. Pero sapat iyon para makita niya ang pakay.

Sa ilalim ng light ay nakatayo si Lantis, nakatalikod sa kaniya. Nakatingin ito sa isang sasakyan.

"Lantis," tawag niya. Hindi lumingon si Lantis, hindi rin nagpaKita ng anumang indikasyon na nadinig siya. Tinawid na niya ang distansiya nila. "Lantis. Ang tagal mo kaya sumunod na ak—"

Ember froze beside Lantis when she saw the car.

But it wasn't a car.

Isa iyong kama na hugis-sasakyan. At sa gitna ng kama ay isang tao ang nakahimlay.

"Tingnan mo siya, Ember," ani Lantis sa mahinang-mahinang boses. "Nakikilala mo ba siya?"

Kung hindi dahil sa matinis na ingay na nililikha ng heart at pulse monitor sa kabilang gilid ng kama, iisipin ni Ember na bangkay ang nasa harap nila. Payat na payat ito, maputla, may kung anu-anong tubong nakakabit sa katawan. Natatakpan ng oxygen mask ang ilong at bibig nito. She can see the upper part of his face. Lubog ang mga mata ngunit malinaw niyang nakiKita ang mahahaba nitong pilik. His brows were thick, his hair was long and in tangled. The man was a stranger to her.

"Hindi ko siya kilala, Lantis," aniya. Nakatutok ang mga mata niya sa buhok nito. There was something in his hair that irked her. "Kilala mo ba siya?"

"Yes," sabi ni Lantis. Humarap ito sa kaniya, basa ng luha ang mukha. "He was me, Ember." Yumugyog ang mga balikat nito. "This body is mine."