HINDI private ang subdivision na kinatatayuan ng bahay ni Lantis which was a good thing. Hindi na kasama sa iisipin ni Ember ang paraan para makapasok doon. Gaya ng Villa Socorro, may kalumaan na rin ang Villa Escoda. Malayo-layo iyon sa kabihasnan, iilan ang lamp posts na may sindi, mukhang ghost town. Fog effect na lang ang kulang at mistula nang setting sa pelikulang Silent Hill.
"Mas nakakatakot pa dito keysa sa village namin," sabi ni Ember nang nasa kalagitnaan na sila ng village. Sa bandang dulo raw ang bahay ni Lantis, medyo elevated ang lupang kinatatayuan. Mabagal at mabigat ang usad ng pick-up kaya alam ni Ember na pataas na ang kalsadang tinatahak nila. "Bakit dito mo piniling bumili ng property?"
"I don't remember. But I guess it has something to do with its spooky ambiance."
Ember snorted. "Kung gusto mo ng spooky, dapat sa sementeryo ka bumili ng property." Huli na upang ma-realize ang pagkakamali. Worried na tiningnan niya si Lantis na sa labas ng bintana ng pick up nakatingin. "I'm sorry."
"Huh?"
"'Sorry sa sinabi ko. It was offensive."
"No offense taken," nakangiti nitong sabi. "Listen. Gusto ko na simula ngayon, lahat ng gusto mong sabihin, sabihin mo. Lahat ng gusto mong gawin natin, gawin natin. Any moment puwede akong mawala at walang kasiguruhan na babalik pa ako. Let's spend every minute as if it was our last minute together."
May bumalot na init sa puso ni Ember. Nag-uumapaw ang kilig at saya sa puso niya. Subalit sa kabila no'n, naroon ang lungkot at pangamba. Na mas tumindi nang maalala sina Yngrid at Kenan.
"Lantis, tungkol kina Yngrid at Kenan..." Hindi niya alam kung paano itutuloy ang sinasabi, kung paano itatanong ang nais na itanong nang hindi lumalabas na nosy. But then parte ng misyon niya iyon, ang maging usyosera, ang makialam, ang magtanong. Ang maging curious. Sa madidinig na sagot ni Lantis, mapapatunayan kaya niya kung tama ang sinabi nito kanina? Na curiosity can kill?
"What about them?" tanong ni Lantis. Pormal na pormal ang boses nito. Hindi niya alam kung sinasadya nito iyon.
"Ano'ng nararamdaman mo tungkol sa relasyon nila?"
Lantis shifted on his seat. Hindi muna nito sinagot ang tanong niya. Inutusan siya nito na ihimpil ang sasakyan sa ilalim ng puno ng mangga na namataan nila sa unahan. It was a perfect place to hide the car. Mababa lang kasi ang puno, mayayabong ang mga dahon, halos sumayad ang mga sanga sa kalsada at walang lamp post sa malapit. Itinuro ni Lantis ang unahan. Iyon na daw ang bahay nito ngunit pawang kadiliman lang ang nakiKita ni Ember.
"Iyong totoo, nagulat ako nang makitaa ko ang ginawa ni Yngrid kay Kenan," ani Lantis matapos niyang patayin ang makina ng sasakyan. "I was hurt, of course. Mahal ko si Yngrid. Seeing him with Kenan, kissing him like that was like a hard blow on my gut. Gusto kong sumigaw no'n, gusto kong sumugod at hablutin palayo si Yngrid kay Kenan. Pero hindi ako makagalaw. Naglalaho na ako no'n at may kinalaman iyon sa naKita ko. Everytime I felt a strong surge of emotion, na-de-drain ang energy ko. Ganoon din ang nangyayari kapag pinipilit ko ang sarili ko na hindi tumagos sa mga solidong bagay."
"Kaya mong gawin iyon? Ang kontrolin ang law of physics?"
"Yes. Bakit sa tingin mo nakakaupo ako rito ngayon nang hindi lumulubog sa upuan? I need to concentrate hard though. Ang mga ganitong bagay, kaunting enerhiya lang ang kinakain sa akin. But if I try something complicated like...lifting and holding stuffs, it consumed most of my strength."
"Nu'ng napunta ka sa banyo ko, hindi ka makalusot sa pinto noon. Sinadya mo ba 'yon?"
Marahil ay nahimigan ni Lantis ang pag-aakusa at malisya sa boses ni Ember. Lumingon ito sa kaniya. Kahit dim ang ilaw sa loob ng sasakyan, nakiKita ni Ember na nagkaroon ng kulay ang mga pisngi ni Lantis. He looked uncomfortable, too.
"I repeat, I have nothing to do with that. Alam mo kung gaano ka-unpredictable ang sitwasyon ko. Naaalala mo noong muntik ka nang mabangga ng kotse at nagawa Kitang mahawakan? Ganoon ang nangyari. It just came out of the blue."
Gustong pa sana niya itong tuksuhin ngunit pinili niya na ibalik na lang sa orihinal na paksa ang pinag-uusapan.
"'Balik tayo kina Yngrid at Kenan."
He looked relieved. "Gaya ng sinabi ko kanina, nagulat, nagalit at nasaktan ako sa naKita ko. Noong maglaho ako, isa si Yngrid sa mga napanaginipan ko. A part of me was desperate to go back to her. The other part wanted...you." Sumulyap ito sa kaniya, nahihiyang ngumiti. "That part won obviously so I'm here. May nagbago noong nagising ako. Nalinawan ako. Naka-move on na si Yngrid. It was time for me to do the same. Wala akong maalala tungkol sa pagkatao ni Kenan pero alam ko na mabuti siya, na kaya niyang gampanan ang responsibilidad na iniwan ko. He was my brother after all. Hindi niya sasaktan si Yngrid."
"He loves you, si Kenan." Ikinuwento niya kay Lantis ang naganap sa sementeryo, ang pag-iyak ni Kenan, ang mga sinabi nito na may kinalaman si Lantis. Nang matapos siya ay naKita niyang namasa ng luha ang mga mata ni Lantis. Nadurog ang puso ni Ember. Inilapit niya ang kamay sa balikat nito at hinaplos-haplos iyon. Kunwari, nahahawakan niya ito. Kunwari, nararamdaman nito ang haplos niya. Kunwari, hindi espiritu si Lantis. "Masuwerte si Kenan, naging kapatid ka niya, Lantis. Napakasuwerte ng pamilya mo sa'yo. At napakasuwerte ko dahil kahit na hindi normal ang sitwasyon natin, nagkaroon ako ng chance na makilala ka. You're such a good soul—no pun intended."
Suminghot ito at marahang natawa. Tinitigan siya nito. Sumikdo ang puso niya, nag-init ang mga pisngi. Pinagmamasdan siya ni Lantis na para bang sinasaulo ang bawat bahagi ng mukha niya. Imahinasyon niya lang ba na puno ng pananabik at pagmamahal ang mga mata nito? Ganoon na lang ang gulat niya nang bigla itong kumanta. O kanta nga ba iyon? His voice was low and soft. Para itong kumakanta na bumubulong sa kaniya.
"And I'd give up forever to touch you. 'Cause I know that you'll feel me somehow. You're the closest to heaven that I'll ever be and I don't want to go home right now..."
Napangiti si Ember. Pamilyar siya sa kanta. Iris ng Goo Goo Dolls, official soundtrack ng Hollywood film na City of Angels. Ilang beses nang napanood ni Ember ang pelikula, ilang beses ding iniyakan. It was sad and tragic, walang happy ending. At alam niya, sa ganoon din magtatapos ang kuwento nila ni Lantis. Iyon ang reyalidad. Reality sucks. Kaya ikukulong muna niya sa baul at ikakandado ang reyalidad. May dahilan kung bakit nilikha ang imahinasyon. Gagamitin iyon ni Ember sa sandaling iyon.
"And all I can taste is this moment," she whispered. Feeling niya, nasa isang Disney animated film sila. Siya ang prinsesa, si Lantis ang prinsepe at ang lumang bahay niya ang kanilang palasyo. "And all I can breathe is your life. When sooner or later it's over. I just don't wanna miss you tonight."
Idinampi ni Lantis ang mga kamay sa mga pisngi niya. "Dati wala akong ibang gusto kundi umalis na rito. All I wanted right now is to stay."
"Why?"
"You know why, Ember."
"Gusto ko pa ring marinig mula sa'yo. 'Sabi mo sabihin natin lahat ng gusto nating sabihin, gawin ang lahat ng gustong gawin. Tell me, Lantis."
"I have found the light," anito. "I have found you. And I've been dying to do this."
Slowly, he edged closer at her and leaned on her face. Ipinikit niya ang mga mata at naghintay hanggang sa maramdaman ang pagdampi ng malamig ngunit pamilyar nang temperatura sa mga labi niya. In her mind, she can picture Lantis kissing her tenderly, his lips moving against hers, his hand caressing her spine. Malamig ngunit puno ng init ang loob ng katawan ni Ember. She felt like floating, her mind was woozy, her body was tingling. Hinayaan niya na dalhin siya masarap na sensasyong iyon patungo sa ibang dimensiyon. Sa dimensiyon kung saan perpekto ang lahat, kung saan buhay si Lantis, kung saan ang bawat araw na darating ay hindi niya katatakutan.
Sa dimensiyon kung saan siya ang prinsesa, si Lantis ang prinsepe at mayroon silang happy ending.