NAGISING si Ember sa ingay ng alarm clock niya. It was five in the morning, Monday. Malamig ang paligid, umuulan nang tikatik. Napabuga siya ng hangin.
"Rainy days and Mondays always get me down," mahina niyang pagkanta. Malungkot siyang ngumiti nang igala ang tingin sa kabuuan ng silid. Empty. Lonely. Silent. Aminin man niya o hindi, na-mi-miss niya si Lantis. Sobra. She was craving for his voice, for his presence. For his face.
"Where are you, Lantis?" bulong niya.
Ipinasya niyang bumangon na at maghanda sa pag-alis. Naka-schedule siya sa araw na iyon na pumunta sa supermarket upang bumili ng ilang paninda sa LACE at ilang items na rin para sa sarili.
****
NASA supermarket si Ember, tulak-tulak ang pushcart na malapit nang mapuno. Nang mapadaan sa aisle kung saan naroon ang instant noodles, awtomatikong kumilos ang kamay niya para kumuha ng cup noodles, ang mga mata niya ay nasa listahang hawak. Kumuha siya ng tatlo at ibinagsak sa loob ng cart.
"I told you to stop eating that."
Muntik na siyang matumba sa bilis ng ginawang paglingon. "Ay tikbalang!" hiyaw ni Ember, nabitiwan ang listahan at naitulak ang cart. Gumulong iyon papunta sa dulo ng aisle. Narinig ni Ember na bumangga iyon sa isa pang cart ngunit hindi niya iyon pinansin dahil ang atensiyon niya ay sa lalaking parang ligaw na kaboteng sumulpot sa tabi niya. Ito na yata ang pinakaguwapong tikbalang sa balat ng lupa!
Lantis Arcanghel grinned sheepishly at her. Nanlaki ang mga mata ni Ember, natutop ang bibig upang pigilan na mapahiyaw uli.
"L-L-Lan—"
"Sssh." Inilapat nito ang hintuturo sa mga labi niya. "You're drawing attention to yourself."
Tama ito. Nasa kaniya ang mga mata ng customers at saleslady na nasa aisle. Pilit na ngumiti si Ember sa mga ito saka dinukot ang cellphone niya sa bulsa ng shorts.
"'Sorry. Naka-vibrate mode. May tumatawag," parang timang na sabi niya, tumalikod at itinapat sa tainga ang cellphone. "Hello? Hello? Yes, nadidinig Kita. Mag-explain ka sa akin. Now na."
Sa tabi niya ay mahinang tumawa si Lantis. "That's clever," anito, tinitingnan ang cellphone niya. Dinampot ni Ember ang listahan at nilapitan ang pushcart. Lumipat siya ng ibang aisle, iyong abandonado. "How are you, Ember?"
"Muntik na akong atakehin sa puso," magkatagis ang mga ngipin na sabi niya. Ramdam pa rin niya ag pagririgodon ng puso. Hinarap niya si Lantis at matamang pinagmasdan. Maputla na naman ito. Almost see-through. Kung buhay ito, "haggard" ang salitang maipapang-describe niya sa binata. Lumambot agad ang puso niya. "What happened, Lantis? B-Bumalik ka."
Gustong umiyak sa tuwa ni Ember. Gusto niyang pumikit at buksan ang mga mata upang makatiyak na hindi siya pinaglalaruan lang ng paningin ngunit naroon ang takot na baka sa pagmulat niya ay wala na ro'n si Lantis. Gusto niya itong yakapin o damhin man lang. And God, she wanted to kiss him. Sa kabila ng pagpipigil, yumugyog ang mga balikat niya, pumatak ang mga luha.
"Don't cry, sweetheart," malamyos ang boses na sabi ni Lantis.
"Totoo ka ba? Nandito ka ba talaga sa harap ko? O nag-iilusyon lang ako?"
Lantis stepped closer and put his hand on her cheek. Nang maramdaman ang mala-yelong temperatura nito ay nabawasan ang mabigat na bagay na ilang araw nang nakadagan sa dibdib niya. Inilagay nito ang isa pang kamay sa kabila niyang pisngi at hinaplos-haplos ang cheekbones niya gamit ang mga hinlalaki. Tuwid siya nitong tiningnan sa mga mata, hindi rin kumukurap na para bang kahit ito ay natatakot din na maglaho siya.
"I'm real. I'm here. And I'm back," pabulong nitong sabi.
"Why?" Marami pa siyang gustong itanong bukod doon.
"Does it matter?" balik-tanong ni Lantis sa kaniya.
Yes, it mattered.
Ngunit nang mga sandaling iyon ay hindi. What mattered was he was there in front of her, holding her, talking to her, looking at her with so much tenderness in his eyes. Hindi niya kailangan ng rason, ng eksplinasyon. When you desperately wanted something and it was given to you, you don't ask questions, you don't need reasons. You'll held on to that thing and wished you aren't just dreaming.
So Ember stepped closer and put her arms around Lantis. This time ay wala na siyang pakialam kung magmukha siyang baliw. She may looked like a fool but she's happy. So happy.