Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 12 - 10

Chapter 12 - 10

MAY ADVANTAGES ang pagiging espiritu, na-realize iyon ni Lantis habang nakatayo sa paborito niyang spot sa bahay ni Ember-ang lumang terrace na nakatanaw sa hardin, sa gate at sa kalsadang halos iilang tao o sasakyan lang ang dumadaan. Maraming bahay sa paligid ng Madrid residence ngunit iilan lang sa mga iyon ang may nakatira. Lantis somehow felt glad he was with Ember. Kahit paano ay may bantay ito-siya at si Fujiku. Bilib siya sa lakas ng loob ng dalaga lalo nang malaman niyang limang taon na itong nakatirang mag-isa ro'n mula nang mangibang-bansa ang uncle-auntie nitong si Antonia.

Ember was a tough girl but still, she was a girl. And an attractive one. Imposible na walang nagkakainteres dito. Kahit na saglit pa lang silang nagkakakilala, tinubuan na siya ng concern para sa dalaga. He had to admit, he was growing fond of her. Kapag kasama niya ito, nakakalimutan niya kung ano siya. Kinakausap at tinatrato siya nito na para bang magkauri sila. Sa tuwing kakain si Ember, hinahain siya nito. Kapag magkakape ay tinitimplahan din siya. She also brought him some clean sheets and pillows. Sinabi niya na hindi nito kailangang gawin ang mga iyon dahil hindi naman siya kumakain, umiinom, nilalamig at natutulog.

"Alam ko," naalala niyang sagot nito. "Pero kasi...nakokonsensiya ako kapag kumakain ako at ikaw ay nandiyan sa harap ko, nakatunganga."

"Hindi na lang ako magpapaKita sa'yo tuwing kakain ka."

"No!" mabilis nitong pigil. "Diyan ka lang. Mas masarap kumain kapag may kasama at kausap." Then Ember put some fried rice on his plate and told him to just smell it. Luckily, gumagana pa ang sense of smell niya. Kung paano, hindi niya alam.

Pumikit si Lantis, ikinuyom ang mga kamao at lumikha ng imahe sa isipan. He pictured himself sitting on top of the balustrade. Nang magmulat ay naroon na siya sa balustre, nakaupo ngunit hindi sumasayad ang pang-upo sa maalikabok at nabubulok na kahoy. He was floating half an inch above it. Kahit kapag nakatayo, hindi sumasayad ang mga paa niya sa lupa o sahig. Hindi iyon mapapansin agad kung hindi titingnan nang maigi.

May kakayahan siyang tumagos, lumusot at lumubog sa mga solidong bagay ngunit nitong huli ay natuklasan niya na kaya niyang pigilan iyon kung mag-co-concentrate siya nang husto. It was a wearisome job though. Malaking enerhiya niya ang kinakain no'n. Noong unang beses niya iyong subukan, he flickered and faded and remembered nothing afterwards. Nang bumalik ang kamalayan niya, nasa loob na siya ng sasakyan ni Ember. Ember shrieked and cursed and almost lost control of the car. Nalaman niya na isang oras siyang nawala. Hindi niya alam kung saan siya napunta sa loob ng isang oras na 'yon. O kung ano ang ginawa niya. He felt odd and tired, too, his head pounding. Ganoon ang eksaktong naramdaman niya noong unang beses silang nagkaharap ni Ember, noong naglaho siya sa harap nito at bumalik sa puntod niya.

Nahagip ng paningin ni Lantis ang makinang na bituin sa langit. Polaris, the North star. Funny how Lantis knew its name gayong lahat ng mahahalagang pangyayari at tao sa buhay niya ay nakalimutan na niya. Bakit naalala niya ang pangalan ng bituin at hindi ang kung paano siya namatay? Bakit tandang-tanda pa niya ang Mommy niya at lahat ng may kaugnayan dito ngunit hindi ang lolo at kapatid niya? He's a racer with an unfinished racetrack. Bakit hindi niya iyon matandaan?

Lantis tasted something bitter inside his mouth. Anong klaseng tao ba siya noong nabubuhay pa? Was he bad? Was he a monster? Nasunog ang katawan niya, ngayon naman ay kaluluwa niya ang nagdurusa. Alam niya na may kailangang pa siyang tapusin sa lupa-Lantis can feel it-ngunit paano niya magagawa iyon kung unang-una, wala siyang ideya kung ano ang dapat niyang tapusin. The answer lies to his past but a big chunk of his past was missing. Marahil ay nasunog na rin kasama ang katawan niya.

At ang bagay na maaaring makasagot sa ilang tanong niya ay naglaho na rin sa kaniya. His mother's jar was gone. He once memorized every word written on those paper airplanes. He once knew the exact counts of those papers but now...everything was a blur. Habang tumatagal na naroon siya sa lupa, nawawala na rin sa kaniya ang mga alaala niya.

Who was I? Humugot siya nang malalim na hininga at marahan iyong pinakawalan. Ibig matawa ni Lantis. Hininga. Wala na siya no'n. Inalis sa kaniya ang kakayahang huminga. Ngunit hayun siya, naglalakad, nagsasalita, nakakaramdam, nakakaKita, nakakaamoy. He's one of nature's dark and twisted mysteries.

Ipinikit niya ang mga mata. Spirits like him don't sleep.

Ngunit nang gabing iyon, nanaginip siya...

"MY GIRLFRIEND and I are getting married," anunsiyo ni Lantis sa mahigit dalawandaang bisitang kaharap na dumalo sa ika-walumpo't limang kaarawan ni Don Fausto Arcanghel, ang kaniyang lolo. Saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid. Naantala ang iba sa ginagawa. And then someone clapped behind them. Naging hudyat iyon para sa iba na gawin kung ano ang nararapat. Every pair of hands clapped at them, every mouth yelled their congratulations.

"That was one hell of a surprise, bro," masayang wika ni Kenan nang lapitan siya at abutan ng wine glass. "Talagang ayaw mo nang pakawalan si Yngrid, huh?"

"Congratulations, hijo," their grandfather said behind them. Tinapunan nito ng tingin ang gawi ni Yngrid. Napapalibutan ang nobya ng mga kababaihan, masayang binabati at nakiLantisingin sa engagement ring na inialay niya rito kagabi. Yngrid was smiling, even laughing but it didn't reach her eyes. It somehow bothered Lantis.

"Happy birthday again, 'Lo. I'm sorry for stealing the spotlight from you," Lantis said, raising his wine glass.

Ikinumpas ni Don Fausto ang kamay. "It's no big deal, hijo, in fact, you do me a favor. You know how I hate being the center of attention."

Marahang tumawa si Kenan. "Oh, come on, 'Lo, this is your night, bawal ang killjoy dito. At saka parang send-off party na rin natin ito para kay Lantis." Tinapik nito ang isang balikat niya. "Baka bukas o sa makalawa hindi na natin ito kasama."

Napailing si Lantis. "Like I'm always saying, kahit na gaano kalayo ng pupuntahan ko, kahit na nasa kabilang parte pa ako ng daigdig, babalik at babalik ako sa lugar na ito. This is where my heart was and will always be."

"Cut the sentiments, bro," tatawa-tawang sabi ni Kenan. "Let us toast." Sinalinan nito ng alak ang baso niya, bakanteng kopita naman ang ibinigay nito kay Lolo Fausto. Bawal dito ang anumang uri ng inuming may alkohol.

"For Lolo's health," Lantis said as he raised his own glass.

"For Lolo's wealth," biro ni Kenan.

"For my future great grandchildren," Lolo Fausto said. "I want a dozen of little Lantis and little Yngrids."

Nagkatawanan silang tatlo. Sabay nilang tinungga ni Kenan ang alak.

"Excuse me, gentlemen, pupuntahan ko lang si Yngrid," aniya habang lumilinga sa paligid. Wala na ang nobya sa kaninang kinarororoonan.

"Scared that your fiancée might run away, huh?" Nilingon ni Lantis ang kapatid. Sa maikling sandali, naKita niya ang pakla sa mukha nito na agad ding naglaho. Malawak na ngumiti si Kenan at itinuro ang isang gawi gamit ang kamay na may hawak na bote ng wine. "I think I saw her went to the pool side."

Tumango si Lantis at tinungo ang rectangular pool. Bawat masasalubong niya ay nginingitian siya at binabati, karamihan ay noon lang naKita ni Lantis. Si Kenan ang higit na nakakakilala sa mga ito dahil ang kapatid ang katu-katulong ng Lolo niya sa pagpapatakbo ng mga negosyo nito.

Business wasn't Lantis's cup of tea. Nasa pangangarera ang puso niya. Formula car racer siya sa England. Doon niya ibinubuhos ang oras, pera at atensiyon. Noong una ay tutol ang kaniyang lolo sa karerang pinili. Graduate siya sa England ng Business Administration ngunit nabalewala iyon at ang kompanya nitong mamanahin sana niya. Sinubukan naman niya na pamahalaan ang mga iyon ngunit mas naging malinaw lang kay Lantis na hindi iyon ang mundo niya. Hindi niya matagalan na nakakulong sa opisina o sa conference room, kaharap ang mga report at proposals na nagpapasakit sa ulo niya. Gustong humulagpos ng racer sa katauhan niya, ang maramdaman ang hangin sa mukha niya, malunod sa ingay ng makina ng mga sasakyan, maramdaman ang adrenaline sa bawat himaymay ng kaniyang katawan, ang hiyawan ng mga tao sa tuwing mananalo siya.

Sa kompanya, pakiramdam ni Lantis ay ilang na hayop siya na hinuli at ikinulong. He became restless and ill-tempered. Hindi siya makapag-focus. He almost screwed up with one of their biggest investor but Kenan came immediately to his rescue.

Namataan ni Lantis si Yngrid na nakatanaw sa tubig ng pool pero halata na wala doon ang isip ng nobya, ni hindi nito namalayan ag paglapit niya.

"Welcome back to Earth, sweetheart," bulong niya sa tainga nito matapos itong yakapin mula sa likuran. Her chamomile scent filled his nose. He inhaled for some more. Gustong-gusto niya ang amoy ni Yngrid. Para iyong sedative na kaya siyang pakalmahin. "Is there something bothering you? Tell me."

"N-Nothing, I'm just tired," wika nito.

"You don't look excited. 'Having some second thoughts?"

"Lantis..." may himig-panenermon na sabi ni Yngrid."I'm just stressed out, that's all."

"You still want to marry me, then?"

"O-Ofcourse." But her voice was lacking of conviction, she even avoided his eyes. "Ofcourse I want to marry you."

"Really? Give me a kiss then."

"Lantis, maraming tao."

"So?" Hinila niya ito palapit at hinaplos ang mamula-mulang pisngi nito. "I love you, Doctor Yngrid dela Paz. You healed this broken heart of mine."

"Ang corny mo, Mister Arcanghel."

"And I love you, soon-to-be Misis Arcanghel." He leaned closer and kissed her passionately. He felt her squirmed a little when he deepened the kiss but eventually, she responded to every movement his mouth made. He can't wait to marry Yngrid. He can't wait to show her the house he bought for her. Sa Tagaytay Highlands ang lokasyon ng bahay dahil alam niya na mahal na mahal ni Yngrid ang lugar. Espesyal din kay Lantis ang lugar. Doon siya sinagot ni Yngrid, doon niya ito unang nahagkan, doon din siya nag-propose. They will wither and die in that place but they will make beautiful memories there first with their own family.

"Puwede na ba akong umalis? May papaanakin pa ako bukas," wika ni Yngrid nang maghiwalay ang mga labi nila. Gynecologist si Yngrid, may midwifery license rin ito. May sariling clinic sa tapat ng dating apartment complex na tinitirhan ni Kenan si Yngrid. Tuwing dumadalaw siya sa kapatid at tumatambay sila sa terrace, nakiKita niya ang magandang doktora na dumarating o umaalis ng clinic. Lantis was instantly smitten by Yngrid's beauty. Then he fell hard when he discovered that behind that beauty was a more beautiful and tender soul. Ibinibigay ni Yngrid nang libre ang serbisyo sa mga pasyenteng hindi kayang magbayad. She treats her patients as though they were her own blood, as though the babies were hers. Yngrid will be a good wife to him and a perfect mother to their children.

"Okay. I'll just get the-" Hindi na naituloy ni Lantis sinasabi nang makaramdam ng pagkahilo. IpiniLantis niya ang mga mata at ine-steady ang sarili. Napahawak siya sa sentido. Matindi ang kirot sa bahaging iyon.

"What's wrong, Lantis?" tanong ng nag-aalalang boses ni Yngrid.

Nagmulat siya at bahagyang ipinilig ang ulo. "I'm fine, the alcohol's kicking already, I guess." Pilit niyang nginitian si Yngrid. "I'm afraid I can't drive you home. I'll call Mang Romel."

"Ako na lang ang maghahatid sa kaniya, bro."

Sabay silang napalingon sa gawing kanan. Kenan was standing there, holding a bottle of wine and two empty glasses. Nagsalin ito sa isang baso at iniabot sa kaniya. He reluctantly took it; the blurring of his vision was getting worst.

"Okay. Take care of my girl, all right?" bilin niya kay Kenan, nilagok ang wine at ibinalik dito ang baso.

"I will," seryosong sabi ni Kenan saka hinawakan sa siko si Yngrid.

"Wait," wika ni Yngrid. Inalis nito ang kamay ni Kenan sa siko at lumapit sa kaniya. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito. "I'm sorry, Lantis," bulong nito sa tainga niya, dinampian siya ng halik sa pisngi at mabilis na tumalikod. Naguguluhan na sinundan niya ito ng tingin.

Akma niya itong susundan ngunit natigilan siya nang makitaa ang usok na unti-unting bumabalot sa lupa. Umangat ang usok at naging hugis-tao. It was faceless but he can feel it sneering at him. Umangat ang kamay ng bulto, inabot iyon kay Yngrid.

"No," Lantis managed to say. His throat and lungs were filled with smoke; his head was pounding so painfully that his eyes watered. "Yngrid, no. Don't-" Sunod-sunod siyang umubo, napahawak sa lalamunan at napauklo sa lupa. The smoke engulfed him, dragged him down, and Yngrid was already holding the faceless man's hand. "Yngrid!"

Lumingon sa kaniya ang nobya, kalahati sa katawan nito ay nilamon na ng usok.

"Wake up, sweetheart," umiiyak nitong sabi. "Open your eyes, please..."

"W-What?"

"Open your eyes, Lantis."

Nagmulat siya-hindi niya maalala na pumiLantis pala siya-at naKita ang magandang mukha ni Yngrid. Namilog ang mga mata nito, bumuka ang mga labi. And then her face turned blurry. IpiniLantis niya uli ang mga mata at sa muling pagmulat, isang mukha uli ang nakatanghod sa kaniya.

Hindi si Yngrid iyon.

Hindi niya kilala ang babaeng nagmamay-ari ng mukha.