Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

See You at the OPD

🇵🇭jamiemethasone
--
chs / week
--
NOT RATINGS
20.6k
Views
Synopsis
Hello this is the tagalog and orginal version of Meet Me at the OPD! Please do support me! :)
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

NOTE: Lahat nang ilalagay ko dito especially about medical-related things ay yung mga kaalaman at pag-kakaintindi ko sa lessons, kung may mali man akong mailagay sorry baka di ko na-gets nung itinuro hehe. As much as possible, I would try my best to put something useful. :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"I'm sorry. I fell out of love, sorry kung napaasa kita," Nahihirapan kong sambit kay Samuel.

Nag iwas ako ng tingin dahil hindi nasasaktan ako na nasasaktan ko sya ngayon.

"Pero hindi ba pwedeng subukan pa natin? Kahit isang beses pa ulit? Baka naman mag wowork na tayo sa pagkakataong ito?"

Basag ang boses nya, ramdam na ramdam ko ang sakit. Mariin akong pumikit.

Umiling ako sa kanya at bigo siyang tiningnan.

"I'm sorry talaga, Samuel. Gusto ko mang bigyan ka ng pagkakataon pero...." bahagya akong yumuko bago ko hinawakan ang kanyang kamay, "Ayokong paasahin ka. Mas aasa ka lang at mahihirapan kapag pinatagal pa natin 'to."

Unti unting bumagsak ang luha sa kanyang mga mata, pumikit ako. May kung anong kumirot sa aking puso, masakit ito para sa akin dahil wala siyang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin. Ngunit hindi sapat na mabuti siya para mag stay kami sa relasyong ito.

Pinalis niya ang mga mumunting luha at pilit na ngumiti.

"Naiintindihan ko, nakakalungkot lang na.... Hindi pa man nagiging tayo ay nawala ka na agad sa akin."

Unti unti nyang hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry."

Iyon na lang ang tanging lumabas sa aking bibig at tuluyang bumuhos ang luha sa aking mga mata.

Pagod siyang ngumiti at umiling.

"Wag kang mag sorry. Hindi ka dapat mag sorry sa kung ano mang nararamdaman mo. Pero wag ka sanang magalit kung sasabihin kong mag hihintay pa din ako, wag kang mag alala, hindi ako mamimilit at hindi ako manggugulo." Nag iwas siya ng tingin, "Hayaan mo lang sana ako, umaasa pa din kasi ako na baka balang araw marealized mo na may puwang pa din pala ako sa puso mo. Na baka tayong dalawa pa din pa. Salamat na lang sa lahat."

Ngumiti siya at unti-unting tumayo. Tinalikuran niya ako.

Napayuko na lang ako at hinayaan ang sarili kong umiyak. Damn! I'm so guilty. This is all my fucking fault! Kasalanan ko naman talaga! Ako yung nanlandi, ako yung kumulit. Ako yung.... Fuck! Kung sana lang ay hindi ako naging masyadong friendly at makulit hindi sana mang yayari ito.

Tangina kasi, Aki! Sa una ka lang magaling! Sabik na sabik magkaroon ng boyfriend ampota, tapos kapag nakuha na ang atensyon ng lalaking gusto unti unting mawawala ang nararamdaman. Damn!

Oo na, kasalanan ko na. Aminado naman ako, eh. Kasalanan ko ito. N'ong una gusto gusto ko talaga si Samuel, ngunit nawala ako along the way. Masyado kasi siyang clingy at corny. Hindi ko din masyadong gusto ang idea na dapat lahat ng oras ay magkausap kami!

Why? I mean para saan? Oo naglalandian kami, pero may buhay akong akin. I still need time to be alone, time for myself. Tsaka hindi pa man kami pakiramdam ko ay nasasakal na ako, masyadong madaming pinagbabawal kaya hindi nagtagal ay pinatigil ko na din.

Gandang ganda sa akin, ah? Ngumisi ako at umiling. Well, hindi na ako mag papakahumble at sasabihing hindi ako maganda. Maganda ako, alam ko. Hindi naman ako sobrang ganda pero kung sa maganda, ay maganda. Dahilan kung bakit masyadong nat-threatened si Samuel. Dahil habang naglalandian kami ay madami ding sumubok na magparamdam sa akin. Iyon nga lang hindi ko na pinaunlakan dahil alam kong hindi ako magaling sa ganito.

Maputi ako at makinis. Hindi gaanong katangusan ang aking ilong pero pwede na dahil bumagay naman ito sa aking maamong mukha. Ang mga mata ko ay maaamo at may pagkasingit ng bahagya. Makapal ang aking kilay na maganda din ang kurba, which is a good thing kasi hindi ako marunong magkilay. Maalon at mahaba ang aking pilik mata na bumagay sa aking mga mata. I have full lips, which sometimes I think good, but sometimes I find it annoying. Mahaba at umaalon ang aking buhok ngunit may pagkadry ito. Maliit lang din ako, 5ft flat lang ako at hindi payat, hindi rin mataba.

Tumunog ang aking cellphone na agad kong kinuha. Kumunot ang noo ko ng nabasa ang text ng kaibigan.

From: Drei

Aki, I need you. :(

Prolema nito? Broken hearted? Agad akong nagtipa ang mensahe para sa kanya.

Ako:

Anong kailangan mo sa akin? Kung broken-hearted ka sige, inom tayo. Medyo broken din ako nakasakit ako eh.

Hindi naman kami masyadong close nitong si Drei pero parehas kami ng ugali kaya nagkasundo sundo kami.

Drei:

Ayokong ng alak, alam mo naman na hindi ko hilig yun, jollibee na lang tayo. Pag usapan natin kung gano katanga ang mga babae.

Humagalpak ako sa tuwa dahil sa reply niya. Tama ako nag away na naman sila ni Jessica. Wala akong alam sa kung anong nangyayari sa kanila dahil simula nung nagkameron sila ng something ni Jessica ay bahagya akong lumayo at hindi na muna nangulit dahil ayoko ng gulo. Babae ako at lalaki si Drei, wala kaming ginagawang masama, at wala ding malisya pero sa tingin ko dapat ay dumistansya ako dahil may babaeng involved.

May babae siya at babae ako. Kahit sabihing kaibigan lang ako, hindi maiiwasang pag selosan ako ng babae kaya pinili kong dumistansya, hindi naman ako guilty o ano pero respeto na lang kumbaga.

Nagreply ako kay Drei at sinabing mag aayos lang ako, at intayin niya ako sa bayan. Habang namimili ako ng isusuot ay may kabang biglang gumapang sa aking puso, hindi ba awkward ito? Pero wala namang malisya eh. Hindi ko naman siya gusto. Kaibigan lang. Isa pa, hindi pwedeng magkameron ng malisya dahil kaibigan din siya ni Samuel. Masamang tingnan.

Nag suot lamang ako ng simpleng black spaghetti strap shirt at denim shorts na umabot hanggang sa gitna ng aking hita. Litaw na litaw ang aking kaputian. Inibraid ko ang aking buhok dahil mainit. Naglagay lamang din ako ng kaunting liptint upang magkameron naman ng kulay ang aking mukha dahil masyado akong maputla.

Ilang sandali pa ay tumulak na ako sa sa Jollibee sa bayan na aming napag usapan. Inilibot ko ang aking mata at natagpuan ang prenteng nakaupong si Drei sa may sulok sa isang pang-apatang upuan. Agad ko siyang dinaluhan.

"Hoy tanga, anong nagyari? Broken ka?"

Sabi ko agad nang makalapit ako sa kanya. Umupo ako sa harapan niya at umirap.

Sinamaan niya ako ng tingin at sumimangot.

"Obvious ba? Kaya ka nga nandito diba? Kung hindi ako broken, di naman kita aayain lumabas."

Humalakhak ako at pinisil ko ang pisngi niya.

"Aray naman, Drei! Takbuhan mo lang pala talaga ako tuwing nasasaktan ka?" Madrama kong sinabi at hinawakan ko pa ang aking dibdib.

Tumawa lamang siya at tumayo.

"Ano bang gusto mo? Oorder na ko gutom na ko. Kain muna tayo bago natin pag usapan ang babaeng yun."

Ngumiti ako sa kanya at napapalakpak ng kaunti.

"Libre mo na diba? Spaghetti and Fries lang, diet ako eh."

Umiling siya at unti unting naglakad papunta sa counter upang pumila. Medyo madaming tao dahil lunch time na.

Guwapo si Drei, mestizo at hindi gaanong katangkaran at medyo payat. Kung hindi lang talaga kami mag kaibigan ay lalandiin ko ang isang ito, ngunit hindi pwede. Bukod sa magkaibigan kami, ay kaibigan din siya ni Samuel kaya mas lalong hindi pwede. At isa pa, nakakaawa kung sa akin pa siya masasaktan, marupok pa naman ang ito at wala nang magcocomfort sa kanya kung sakaling masaktan siya sa akin.

Ilang sandali pa ay bumalik na siya, dala ang ilan sa order namin.

"Wala pa yung ibang order, 10 minutes pa daw. Binilhan kita ng ice cream, wag ka nang tumanggi. Di ka naman mataba kaya wag ka nang umarte diyan."

Tumawa ako at kinuha ang fries, sinubo ko ang ilang piraso.

"10 minutes pa daw? Naku scam yan! Ang mabuti pa kumain ka na lang muna ng fries dahil mamaya pa ang dating ng order natin! Scam!" Sinubuan ko din siya ng ilang pirasong fries.

Kumunot ang noo ko ng nakita ko siyang nakatitig sa akin kaya pinitik ko ang noo niya.

"Hoy! Anong tinitigin mo dyan?! Naku, Drei ha! Sinasabi ko sayo, hindi ka pwedeng ma-fall sa akin! Hindi kita masasalo."

"Bakit?"

Nanigas ako sa kinaupuan ko at bumilog ang aking mata.

"Tangina?!"

Napalakas ang sabi ko kaya may iilang lumingon sa amin. Nahiya naman ako kaya nagsorry ako at alanganing ngumiti. Narinig ko naman ang hagalpak ng tawa ni Drei.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil kasalanan niya kung bakit ako napahiya! Gago!

"Sorry, Aki! Pero nakakatawa ka kasi! Dapat nakita mo kung paano ka nagulat! Mukha kang tanga!"

Tumawa ulit sya kaya sinubuan ko siya ng ice-cream dahilan kung bakit siya nasamid.

Ako naman ang tumawa ngayon dahil namumula na siya sa pag kakasamid. Buti nga sayo gago!

"That's what you get kasi inaasar mo ako! At isa pa, uulitin ko lang hindi pwedeng maging tayo! Kaibigan lang! Friends. F-R-I-E-N-D-S. Iyon lang, kung higit pa don ay pasensya na!"

Madrama syang humawak sa dibdib, at humalakhak,

"Ouch! Friendzoned!"

Ngumisi na din ako at umiling. Nagtagal ang titig ko sa kanya. Sorry, Drei. Hindi pwede. I can't risk our friendship. I can't lose you. If being just friends means I will be able to keep you, Then, I will be just your friend.