06
"Kung panaginip ito, baka pwedeng huwag na akong gisingin?" Pinisil pisil ko pa ang aking pisngi pero andito pa din si Drei sa harap ko, nakangiti.
Shit? Nananaginip yata talaga ako! Sinampal ko ang aking mukha pero andito pa din talaga siya.
Narinig ko ang halakhak niya, "Silly, girl! Hindi mo ba ako papapasukin?"
Alanganin akong tumawa bago nilakihan ang bukas ng pinto para papasukin siya, "Pasok ka, Drei.."
Agad kong nadala ang aking kamay sa saking bibig at napapikit ng mariin. Shit di pa ako nagtotoothbrush! Mabaho pa ang hininga ko, baka maturn-off ito!
"Uhm.. diyan ka muna!" turo ko sa upuang nandoon, "Maliligo lang muna ako!"
Hindi ko na inantay ang sasabihin niya, dumeretso na agad ako sa banyo upang makaligo. Anong ginagawa ng unggoy na iyon dito? Kalian pa siya umuwi? Hindi ba nasa maynila siya? Bakit siya nasa San Nicholas, eh hindi naman siya taga dito! Right, wala silang bahay dito. Taga San Ignacio siya, kaya paano... bakit?
Nagtagal ang paliligo ko dahil pakiramdam ko kailangan kong maligo ng pulidong Pulido! Andun sa labas ang lalaking gusto ko, hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito pero kinikilig ako! Para akong bulateng binudburan ng asin. Hindi ako mapakali!
Okay, Aurelia Cynara! Chill! Wag kang marupok! Itayo mo ang bandera ng mga nursing na hindi marupok! Pero ano mang pilit at kumbinsi ko sa sarili ko na hindi ako marupok ay.... Marupok pa rin talaga ako, eh! Iyon ang katotohanan..
Nang matapos akong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto, naabutan ko siyang may pinipindot sa cellphone niya habang nakanguso. Nag angat ang tingin niya sa akin at pinasadan ako ng tingin. Nag init ang pisngi ko. Why am I suddenly conscious? Why the hell am I suddenly nervous?
I am wearing a red crop top shirt and a white high-waisted pants and a sandals. Nakalugay ang mahaba at itim kong buhok na nahahati sa gitna. Naglagay ako ng kaunting lip-and-cheek tint sa aking mukha at labi para magkaroon ng kulay ang aking mukha.
"Uhm... I was honestly shock to see you here. Akala ko nasa maynila ka." Pambabasag ko sa katahimikang bumabalot sa amin.
Ngumisi siya at itinagilid ang ulo para makita ako lalo, "Diba sabi mo idate kita dahil birthday mo."
Naginit na naman ang pisngi ko, ano ba ito? Hyperthermic yata ako, pero yung pisngi ko lang.
"Hindi ko alam na seseryosohin mo. Kailan ka pa andito?"
"Hmm..Bumyahe ako kaninang umaga mula sa maynila papunta rito." Ngumiti siya bago tumayo na para bang may naalala. Hinawakan niya ang rosas na nasa lamesa at unti unting lumapit sa akin upang ilahad iyon. Ngumuso ako at nag iwas ng tingin ng tinanggap ko iyon.
"May lighter ka ba o posporo?" tumango ako sa kanyang tanong at inabot ang lighter na nasa lamesa sa kanya. Bulag ata ang isang ito! Hindi niya ba nakita ang lighter na ito? Palibhasa ako lang ang nakikita, nabulag na nga ata, charot!
Sinindihan niya ang kandila ng cake na dala niya at pinablow iyon sa akin.
"Happy birthday to you..." Kanta niya.
Nahihiya ako, ayaw ko talaga na kinakantahan ako tuwing birthday ko! Nakakacringe! Ayos na ako dun sa batiin ako, pero ang kantahan... eww. Pero di ko naman maitatatanggi na kinikilig ako ngayon!
"Make a wish.." ngiti ni Drei sa akin.
I don't have a particular wish in my mind right now, but I genuinely pray for the happiness of the people around me. I wish for them to stay healthy because health is wealth, char but true! I blew the candle and smiled at him.
"Thank you, you made me happy." I said wholeheartedly. "Kumain ka na ba? You wanted me to cook for you?" I asked, kung o-oo siya kalabasa lang ang meron ako!
Ngumiti siya at umiling, hinawakan niya ang kamay ko at pinagsakop ito.
"It's your birthday, I want to take you out, Aki."
Pumunta kami sa mall. Doon na din kami nagbreakfast, gusto ko sanang ako ang magbayad pero hindi siya pumayag, kaya wala akong nagawa. I don't usually want this kind of instances, as much as possible whenever I am out in a date, ayokong may nagbabayad ng pagkain o ng mga binibili ko. It's not very ideal specially that we are still depending on our parents.
"Hmm.. nood tayong movie?" tumango ako bilang pag sang ayon.
Nahihiya talaga ako ngayon, makapal ang mukha ko pero anong nangyari? Nagtago na ata ang kakapalan ng mukha ko, nakakapag taka na bigla akong nagging mahiyain. Ang landi landi ko sa cellphone, tapos ngayong kaharap ko na siya ay wala akong masabi! Just great! Just... great!
It was really awkward for the both of us, naisip ko tuloy na baka hindi na ito masundan? Mukha kaming tangang dalawa eh. Hindi kami nag iimikan.
"Ang daming tao." Sambit niya, luminga linga ako sa paligid at nakitang madami ngang tao. "Kung alam ko lang na madaming tao hindi na sana ako lumuwas."
Natigilan ako sa sinabi niya. That was foul! I immediately got turned-off and I suddenly felt uneasy. Awkward na ito para sa amin, I know. But what he said was a little bit offending. I did not force him to go all the way from Manila to San Nicholas.
"I'm sorry." Tanging nasabi ko na lang.
I never have dated anyone in my whole life, okay. Well, Samuel and I went out but Joy was always with us. We went out pala one time for a milktea but it wasn't a date for me. Right now was supposed to be my first date and just wow.. Drei is ruining it for being insensitive. I get that maybe napilitan lang siya, but he should be at least sensitive naman diba? Kahit konti? Sana man lang ay sinarili na lang niya ang opinyon niya. Pakiramdam ko kasi ngayon wala akong kwenta and... it's my birthday, I should be happy.
"Hindi nagrereply...." Sabi niya habang may kung anong tinatype sa cellphone.
Kumunot ang noo ko, may kikitain pa ba ang isang ito? "Sino?"
"Kaibigan lang.. magkikita kami."
Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Ngumiti na lang ako para itago ang gulat at kaunting pagkairita. Is he serious? What the fuck is happening? Okay, I get that maybe he's not enjoying this moment with me, but..WHAT HE IS DOING IS SERIOUSLY DISRESPECTFUL!!!
I mean who the hell would invite friends while you're in a date with someone, right? Kinakabahan ako, ako pala ang saling pusa sa galang ito. Sana man lang ay nainform ako! Nakipagkita na lang sana ako kay Didi, nagreview na lang sana ako!
"Anong papanoorin natin?" tanong niya habang nakatingin sa mga showing.
Nagkibit balikat ako, "Ikaw ang bahala."
"Anong ngang gusto mo?"
"Kahit ano na lang."
Nanliit ang mata niya na para bang hindi nasiyahan sa sagot ko.
"Parang tangang kausap. Ano ngang gusto mo?"
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at pinilit na ikalma ang aking sarili, Aki.. calm the hell down. Dapat ay magpasensya ka. Sanay kang umunawa at maagpasensya diba? Nursing student ka kaya dapat ay mahaba ang iyong pasensya.
Tiningnan ko ang mga palabas na pwedeng panoorin at namili doon. Napili ko iyong isang romantic movie na galing sa isang libro, ngunit nang sinabi ko iyon ay agad niyang tinutulan at sinabing iyong isang international film na lang daw ang panoorin namin. Tanga din 'tong lalaking ito, ano? Why the hell would he asked me kung desidido na pala siya sa papanoorin? Sinabihan pa akong parang tanga siya naman pala itong tanga.
"Are you fine with this?" he asked when we were inside the movie theater.
Tumango ako bilang pag sang-ayon. "Uuwi ka na ba ng Manila mamaya?"
Umiling siya, "No, uuwi akong San Ignacio at baka sa lunes na lang ako lumuwas pabalik ng maynila."
Hindi na ako umimik, itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa palabas, kailangan kong enjoyin ito. Birthday ko, kaya dapat akong mag enjoy!
Nang matapos ang palabas ay tinanong niya ako kung gusto kong kumain, ang sabi ko lang ay siya ang bahala. Pumunta kami sa Greenwich dahil doon kakaunti ang tao.
"Kakain ka ba dito?" tanong niya habang nasa pila kami
"Hindi ko alam, ikaw ba?"
Umiling siya, "Kumain ka, magtatake out ako."
Mariin akong pumikit, tangina?! Gago ka ba
Ilang sandali pa bago ako nakabawi, umiling ako at ngumiti, "Hindi na, take-out na lang din. Hindi pa naman ako gutom.."
Habang nag aantay kami ng order ay busy siya sa kanyang cellphone, ako naman ay hinayaan na lang siya. Inabala ko ang sarili ko sa pakikipaglaro sa batang katabi ko habang nag aantay kami ng order.
"Ilang buwan na po?" tanong ko sa nanay ng bata.
"Nine."
Tumawa siya at hinayaan akong laruin ang bata. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila dahil dumating na ang order nila. Nakiusap pa siya na lawayan ko daw ang anak niya dahil baka mabati na labag man sa loob ko ay ginawa ko na din. Gustong gusto kong sabihin na hindi dapat nilalawayan ang bata dahil baka imbes na gumaling ay baka lalo lang magakasakit ito dahil maiinfect ito sa dumi ng laway. Pero baka masapak ako nito kaya hinayaan ko na lang siya sa kanyang gusto.
"May ipinabibili si mama." Bilang sabi ni Drei kaya napatingin ako sa kanya.
"Sasamahan kita?"
Umiling siya, "Hindi.. umuwi ka na."
Tangina, hindi ko na kinakaya ang lalaking ito! Noong una sinabihan ako na kung alam niya daw na madaming tao sana daw hindi na siya lumuwas, pangalawa nag-iinvite siya ng friends niya. Tapos nagyon pinapauwi ako. Yung totoo? Sana nagreview na lang talaga ako!
"Uhm, sure ka ba na hindi na kita sasamahan?"
Umiling sya, "Oo. Sige na, umuwi ka na." ngumiti siya, "Bye" bago ako tinalikuran.
Umirap ako, "Bye.." iyon lang at nagsimula na akong maglaad patungong sakayan pabalik sa apartment.
Habang nasa jeep ay napaisip ako. Hindi ko maiwasang magkumpara. Wala na akong feelings kay Samuel, I am very sure of that, pero... Si Samuel hinahatid niya ako sa sakayan at ni minsan hindi ako pinauwi ni Samuel. Ibang iba si Drei kay Samuel, well they are not the same, I should stop comparing. Both have different personalities.
Nang makarating ako sa apartment ay agad akong nag message kay Drei.
Akimesina: hey, got home. Thank you again!
Ilang minuto pa bago siya nagrely
Dreiseason: no prob. Thank you din.
That was the last conversation we had after that nonsense date.
Humagalpak si Didi pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari.
"See, Aki? That guy is an asshole! I warned you a million times na hindi siya nakakabuti." Tumawa na naman siya, "I'm sorry for laughing so hard, but that date was epic! Tangina anong klaseng date yun? Ang ganda ganda mo, tapos pinauwi ka lang? omygod!" tumawa siya ng tumawa at ngayon ay halos maiyak na sa katatawa.
Is this another ghosting? Uhmm.. another ghoster? Seriously? What have I done to deserved this? What have I done to be ghosted? Not just once, but twice!